Saturday Apr, 20 2024 09:48:49 AM

Mahigit 1,000 ektaryang panananim sinira ng baha sa South Cotabato

Local News • 16:45 PM Thu Jun 3, 2021
1
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal
Aerial photos by Amiel Cagayan

KORONADAL CITY - Sinira ng mga pagbaha nitong nakalipas na mga araw ang 1,021 ektaryang maisan, palayan at high value crops sa South Cotabato.

Ang mga ito ay nasa limamput pitong mga barangay sa lalawigan.

Base naman ito sa datus ng provincial agriculture office na pinamumunuan ni Dr. Raul Teves. Lumabas din sa damage report ng agriculture office na ang kalamidad ay nakaapekto din sa 578 na mga magsasaka.

Pinakamatinding tinamaan ng kalamidad ang bayan ng Surallah kung saan nasira ang 617 hectares na mga pananim. Bukod dito ayon sa provincial agriculture office sinira din ng baha ang maraming mga fishpond at inanod ang mga alagang hayop ng mga mamamamayan.

Nasira din ang 230 hectares na pataniman sa Norala, may 75 hectares sa Banga, 63 hectares sa Tboli,at 29 hectares sa Lake Sebu. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang assessment ng provincial agriculture office ng South Cotabato sa kasiraang naidulot ng mga pagbaha sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Tiniyak naman ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Rolly Aquino na bukod sa relief assistance may sapat silang pondo para sa disaster reponse. Namimigay na rin ng paunang tulong na relief goods sa binahang mga mamamayan ang PDRRMO.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...