MBHTE opens Stand-Alone Senior High School
COTABATO CITY - Pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal at Cotabato City Schools Division Superintendent Dr. Concepcion F. Balawag ang pagbubukas ng pinakamalaking Stand-Alone Senior High School sa Pilipinas na matatagpuan sa Cotabato City.
Ito ay ang “Cotabato City Bangsamoro Stand Alone Senior High School” na mayroong anim na palapag na gusali at 120 classrooms.
Matatagpuan ito sa Barangay Datu Balabaran, Tamontaka, Cotabato City. Ang paaralan ay nakahandang tumanggap ng mga mag-aaral mula sa kalapit na bayan ng Sultan Kudarat at Maguindanao Provinces.
Kasabay ng pagbubukas ng paaralan ay namahagi rin ang MBHTE ng learning kits sa mga grade 11 students at teacher kit naman sa mga guro.
Habang si Member of the Parliament Dr. Susana S. Anayatin na siyang vice chairpersons ng BTA Committee on Basic, Higher and Technical Education ay nangakong maglalaan ng pondo mula sa Transitional Development Impact Fund para sa pagpapatayo ng mga comfort rooms sa loob ng paaralan.