MDN has 2 acting governors, 1 only, says MILG-BARMM
COTABATO CITY - DALAWA NA ngayon ang gobernador ng Maguindanao del Norte matapos na bumaba sa pwesto bilang Malacanang appointed vice governor si Bai Ainee Sinsuat.
Matapos niyan siya ay umupo bilang acting governor ng Maguindanao del Norte habang nakaupo si acting Gov. Abduraof Macacua.
Pero, ayon kay BARMM Interior Minister Atty. Naguib Sinarimbo, isa lang ang legal at tunay na governor ng Maguindanao Norte at siya ay si Gov. Abduraof Macacua.
Sinarimbo, na siya ring BARMM spokesperson, ay nagsabi rin na walang ibang governor ang lalawigan pero merong gustong mag-assume na siya ay acting governor.
“As far as the BARMM is concerned, there is only one governor in Maguindanao del Norte. There is someone assuming but as far as we are concerned, Gov. Macacua is the only governor as appointed by Pres. Marcos and his appointment has not been recalled,” pahayag ni Sinarimbo sa isang news conference nitong Huwebes.
Nag-assume na din si No. 1 Board Member Shariffudin Mastura bilang acting vice governor, ayon sa legal counsel ni Sinsuat na si Atty. Ronald Torres.
Silang dalawa ay naniniwala na sila ang kinikilala ng Supreme Court bilang mga highest officials ng bagong tatag na Maguindanao del Norte ayon sa Sec. 50 ng RA 11550, ang batas na naghahati sa dating Maguindanao at nabuo ang Maguindanao Norte at Maguindanao Sur.
Ang pagbibitiw ni Sinsuat bilang acting vice governor ay kinumpirma mismo ni Gov. Macacua nang hilingin niya sa mga kasapi ng Sanggunaing Panglalawigan ng magkaroon ng special session upang punan ang pwestong iniwan ni Sinsuat noong August 14.
Sa pulong ng provincial board, itinalaga nito si Board Member Alexa Tomawis bilang acting vice governor.
Samantala, siyam sa 12 mayors ng Maguindanao del Norte ay sumusuporta sa pamumuno ni Gov. Macacua.
Ayon kay Maguindanao Norte mayors association at Northern Kabuntalan Mayor Datu Ramil Dilangalen na tuloy ang kanilang suporta kay Macacua at kay acting Vice Gov. Tomawis.
Si Macacua ay may temporary office sa Cotabato City habang si Sinsuat ay sa Datu Odin Sinsuat town.
Matapos na ma=ratipikahan ang RA 11550 noong September 2022, umupo si Bai Ainee Sinsuat bilang acting governor at si board Member Mastura bilang acting vice governor.
Nagpetisyon din si Sinsuat sa Supreme Court na atasan ang Bureau of Local Government Finance 12 na magtalaga ng provincial treasurer upang ma-withdraw ang national tax allocation o pondo ng bagong lalawigan.
Hindi pa man nagdesisyon ang Supreme Court, itinalaga ni P. Marcos si Macacua bilang acting governor ng Maguindanao Norte at si Sinsuat bilang acting vice governor noong April.
Silang dalawa ay nanumpa kay P. Marcos noong April 18.
Nitong nakaraang linggo, lumabas ang Supreme Court ruling hinggil sa pagtatalaga ng provincial treasurer.