MILF commander patay sa Maguindanao ambush
COTABATO CITY - PATAY ON THE SPOT ang brigade commander ng 105th base command ng MILF matapos na siya ay ambusin ng mga armadong lalaki sa Sitio Bagorot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer Maguindanao pasado alas otso ng umaga kanina.
Kinilala ang biktima na si Commander Iskak Amil na residente ng naturang lugar.
Sa panayam ng DXMS Radyo Bida, sinabi ni Datu Hoffer PNP chief Lieutenant Billy Fontanilla na sakay ng motorsiklo ang biktima nang ito ay paputukan ng mga suspect.
Tinamaan sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.
Na-recover sa crime ng mga basyo ng bala ng M14 at M16 armalite rifle.
Sinabi ni Lieutenant Fontanilla na posibleng may kinalaman sa rido dahil minsan na ring hinarass ng mga armadong grupo ang detachment ni Commander Amil.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa naturang insidente.