Sunday Mar, 03 2024 01:42:26 PM

MILG-BARMM, si Vice Mayor Zihan Mangudadatu ang kinikilala bilang acting mayor ng Pandag, Maguindanao

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 21:30 PM Sat Oct 22, 2022
853
By: 
DXMS Radyo Bida

COTABATO CITY - Tinanggihan ng Ministry of Interior and Local Government o MILG ang hiling ni Mohajeran Odjie Balayman na siya ang kilalaning Mayor matapos itong manalo sa election protest.

Nagpalabas kasi ng kautusan ang korte na nagsasaad na panalo si Balayman sa election protest kasabay rin nito ang inilabas na writ of execution sa desisyon ng korte sa kanyang pag-upo bilang alkalde.

Katunayan, nitong nakaraang araw ay nanumpa na si Balayman kay Gov Bai Mariam Sangki-Mangudadatu para i-assume ang pagiging alkalde ng bayan.

Pero, sinabi ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo, hindi nagpalabas ang kanyang tanggapan ng certificate of recognation matapos ang ipinalabas na bagong kautusan ng Commisssion on Election na injunction order laban sa election protest.

Para kay Sinarimbo, hindi pa final and executory ang desiyon ng korte dahil kailangan pang umapela ng kampo ni Mangudadatu sa ipinalabas ng korte na hindi umano sinunod ng kampo ni Balayman.

Sa ngayon ang kinikilala ng MILG na acting Mayor ng bayan ng Pandag ay si Vice Mayor Zihan Mangudadatu. Nabigyan narin nila ito ng certificate of recognation.

May kinakaharap kasing kaso ang kasalukuyang alkalde na si Kadhafe Toy Mangudadatu kaya ang Vice Mayor ang itinalagang acting mayor ngayon ng bayan at hindi nito kinilala ang apela ni Balayman na kilalanin siyang bagong alkalde ng bayan sa kabila ng desisyon ng korte.

Samantala, nauna ng nanindigan si Atty. Cyrus Torreña, ang legal counsel ni Balayman, na legal at dumaan sa proseso ang pag-upo at pagkapanalo nito sa election protest.

Sinabi ni Atty. Torreña na ang kabiguang makasumite ng reply o apela sa korte ng kampo ni Mangudadatu ang dahilan kung bakit nagpatuloy ang pagdinig ng korte sa election protest ni Balayman.

Para kay Atty Torreña ay wala nang dapat pang kwestyunin ang kampo ni Mangudadatu dahil nagdesisyon na ang korte sa election protest at kailangan na itong i-implementa.

Sinusubukan namang kunan ng pahayag ng Radyo Bida si Atty Esraelito Torreon na tumatayong abogado ni Mangudadatu pero hindi nito sinasagot ang makailang tawag ng Radyo Bida.

Cotabato City disaster response official slain in ambush

COTABATO CITY - Gunmen killed the operations chief of the Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office in a daring ambush here on...

Cotabato City CDRRM officer slain in gun attack

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang Chief Of Operations ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jose Raymond...

Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog

INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang...

15 BIFF sumuko sa Cotabato City at BARMM government

DALA ang pitong mga matataas na kalibre ng armas ay nagdesisyon ang 15 dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction na...

Cotabato Light announces power service interruption in Sultan Kudarat on March 1

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Barangay Calsada, on Friday, March 1, 2024...