Tuesday May, 21 2024 12:30:02 AM

NDBC BALITA (9.17.19)

NDBC BALITA • 22:15 PM Tue Sep 17, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DALAWANG mga granada, isang bala ng M-203 at isang improvised Grenade Launcher, natagpuan malapit sa Cotabato city hall.

2. IP, patay sa pinahuling kaso ng pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

3. Comelec 12, may paalala sa mga kandidatong tumatakbo sa special elections sa Gensan at South Cotabato

4. 20 patay sa vehicular crash sa South Cotabato 

 

AT NGAYON ANG DETALYE NG MGA BALITA…. 

 

T'BOLI, South Cotabato- Umakyat na sa 20 ang namatay matapos na mahulog ang sinakyang forward truck sa boundary ng mga barangay ng Lamsalome at Lambangan sa T’boli, South Cotabato pasado alas 9 ng umaga.

Samantala, 15 naman ang nasawi on the spot. Nasawi naman ang iba pang biktima sa mga pagamutan sa bayan ng Surallah.

Ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuan, naganap ang vehicular crash habang pauwi galing night swimming sa General Santos city ang mga biktima pasado alas otso kaninang umaga.

Ayon kay Tuan ang mga biktima ay pawang mga taga karatig bayan ng Surallah.

Ang mga ito ay dumaan sa bagong gawang T’boli-Gensan shortcut road.

Sinabi ng alkalde na inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagkahulog ng truck sa bangin.

Ang mga sugatang biktima ay agad namang isinugod sa iba’t ibang mga pagamutan.

Ayon kay Tuan magbibigay ng pinansyal na tulong ang mga lokal na pamahalaan sa mga biktima.

 

-0-

 

Dalawang fragmentation grenades, isang bala ng M-203 at Isang isang home-made grenade launcher ang natagpuan ng mga residente ng Purok Omar, Malagapas Barangay Rosary Heights 10, malapit lamang sa Cotabato City Hall.

Sinabi ni Police Station 2 commander, Police Capt. Rustom Pastolero na pasado alas sais ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga residente ang naturang mga pampasabog malapit sa proposed children’s park at kaagad na ipinagbigay-alam sa kanilang mga barangay official.

Mabilis namang rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal Team sa lugar at natagpuan ang mga pampasabog na itinago sa isang puno ng saging.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng naturang mga pampasabog at kung saang balak gamitin ang mga ito.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Pastolero sa mga mamamayan ng lugar sa mabilis na pagkilos at pakikipagtulungan sa mga otoridad.

 

-0-

 

PINAGTIBAY ng Sandiganbayan Fourth Division ang naunan nitong desisyon laban kay dating Maguindanao governor Sajid Islam Ampatuan kaugnay sa kasong pandarambong.

Ibinasura rin ng anti-graft court ang inihaing mosyon ng kampo ni Ampatuan dahil naikonsidera na umano ng korte ang inihain nilang argumento sa inilabas na desisyon nitong March 22, 2019.

Iginiit kasi ng kampo ng dating Maguindanao Governor at co-accused na si dating provincial budget officer Datiuali Apbi na hindi sapat ang mga ebidensyang inihain laban sa kanila.

Pero giit ng Sandiganbayan, hindi na mahalaga kung testimonial o documentary ang mga inihaing ebidensya dahil kumbinsido na ang korte na guilty sa mga kasong graft and malversation of public funds ang mga akusado.

Sina Ampatuan at Abpi ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagbabayad pa ng 35.747 million pesos.

Sinampahan ng kaso noong May 2017 sina Ampatuan at Abpi dahil sa umano ay maanomalyang pagpapalabas ng pondong pambili ng construction materials para sa pagsasa-ayos ng mga silid-aralan sa Maguindanao.

 

-0-

 

PATAY sa pamamaril ang secretary ng Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Parido Zukalnen, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na report ng Guidulungan PNP, pasado alas otso ng umaga kahapon naglalakad si Zukalnen para dumalo sana sa kanilang flag ceremony ngunit pagsapit sa tapat ng Tambunan Central Elementary School ay pinagbabaril siya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dead on the spot ang biktima dahil sa matinding mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente at pinaghahanap na ang suspek na bumaril kay Zukalnen.

 

-0-

 

Arestado ang isang Habal-Habal Driver sa ikinasang drug Buy Bust Operation sa TV Juliano Avenue, Brgy. Rosary Heights 12, Cotabato City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si AMAN GALANTO, nasa hustong gulang, may asawa, at residente rin ng lugar.

Pinangunahan ni Police Station 4 commander, Police Major Razid Lingcob ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek matapos nitong mapagbentahan ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na Buyer.

Nakuha sa suspek ang dalawang maliliit na sachets ng shabu, wallet na naglalaman ng IDs at nabawi rin sa kanya ang marked money na ginamit sa Buy Bust Operation.

SAMANTALA, sinampahan na ng kaukulang kaso sa City Prosecutor Ofiice ang babaeng masahista na nakuhanan ng shabu sa Don Rufino Alonzo Street, Cotabato City.

Maalalang naaresto si REMIE MAGANOY PONCE, 33 years old, single, masahista at taga barangay Rosary Heights 2 ng lungsod sa buy bust operation na inilunsad ng Police Station 2 at PDEA BARMM.

Nag positibo umano base sa pagsusuri sa paggamit ng iligal na droga ang suspek at kumpirmado ring shabu ang nakuhang ebidensya laban sa kanya.

 

-0-

Inanunsyo ng United States government na nakapagbigay pa sila ng karagdagang 104 temporary shelters sa mga residenteng nabiktima ng Marawi Siege.

Ang transitional houses ay nabuo sa pagtutulungan ng US Agency for International Development o USAID at Catholic Relief Services.

Bahagi ang mga bahay ng 3.4 billion pesos na tulong ng pamahalaan ng US sa apektadong Marawi residents.

Bukod sa mga bahay, nai-turnover din ang isang climate-resilient public market na nagkakahalaga ng apat na milyong piso.

Magbibigay din ng training, equipment at iba pang pangangailangan ang USAID sa mga negosyante sa Most Affected Area sa Marawi upang tulungang muling ibangon ang kanilang mga negosyo.

Ang United Nations High Commissioner for Refugees o UNHCR naman ay nagbigay ng solar lanterns sa mga nabigyan ng transitional shelters.

Dumalo sa turnover ceremony ang local officials, Task Force Bangon Marawi, partner agencies and organizations.

 

-0-

 

Patrol car ng Antipas PNP pinaputukan habang isa sa mga suspek na menor de edad naaresto

Maswerteng hindi nasugatan ang dalawang mga police matapos na pinaputukan ng menor de edad na suspek habang sakay ng police car sa Barangay Poblacion, Antipas, North Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Antipas PNP Chief Police Captain Rolando Violon, kinilala ang mga sakay na sina Police Master sergeant Joel Penalosa at Police staff sergeant Jefferson Acuna na nagpapatrolya umano sa nasabing lugar.

Hinarang ng mga pulis ang dalawang kahina-hinalang mga suspek na nakamotorsiklo pero sa halip na huminto ay pinaharurot ang kanilang sasakyan dahilan para habulin ng mga pulis ang dalawang armadong suspek at dito na pinagbabaril ang police car kung saan sakay ang dalawang bikitma.

Gumanti ng putok ang mga police hanggang sa natumba ang kanilang sinasakyang motorsiklo at nasugatan ang isa sa mga suspek na menor de edad habang nakatakas naman ang kanyang kasama at dinala ang baril.

Isinugod naman agad ang nasugatan sa Antipas Hospital ay kalauna’y inilipat sa isang ospital sa Davao City. Patuloy ang ginawagang malalimang imbestigasyon ngayon ng Antipas PNP kung sangkot din sa mga kaso ng pamamaril ang dalawang armadong suspek habang hindi naman tinukoy ng PNP kung sa anong grupo mula ang mga suspek.

Nagpa-alala naman ang opisyal sa mga taga Antipas Cotabato na agad na ireport sa estasyon ng puliysa kung may makikitang kahina-kahinalang tao sa lugar. VC- VIOLON Si Antipas PNP Chief Police Captain Rolando Violon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

IP, patay sa pinahuling kaso ng pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki na magsasaka na pinagbabaril habang nasa sakahan sa Barangay Bangilan, Kabacan, North Cotabato, gabi nitong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Neil Boy Alod, 24 anyos, at residente ng Sitio Kulaman, Barangay Pisan. Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima at si Talino Takalan ay magkasamang nagsasaka sa isang Bukid na sakop ng Sitio Kulaman ng nasabing barangay.

Naghiwalay ang mga ito habang si Takalan ay nagpa-iwan sa kubo para magpahinga. Pagsapit ng alas-7:00 ng gabi nakarinig ng putok si Takalan, pero dahil sa takot hindi na ito pumunta sa lugar.

Kinaumagahan nagpasama si Takalan sa kanyang pinsan at pinuntahan ang isang kubo sa kabilang bundok kung saan umuuwi si Alod.

Natagpuan na lamang nito na nakahandusay at wala ng buhay ang biktima makaraang magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Kabacan Chief of Police, Police Major Realan Mamon, na posibleng napagkamalan lamang ang biktima na armado dahil may dalang jolen gun. Ito na ang ikatlong kaso ng pamamaril sa bayan sa loob ng dalawang linggo sa buwang ito. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Halos 500 na mga mamamayan sa Makilala, North Cotabato, lumahok sa isinagawang basic road safety seminar

Nilahukan ng mga mamamayan na mula sa bayan ng Makilala, North Cotabato ang isinagawang basic road safety seminar sa bayan noong sabado.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Makilala LGU, Makilala PNP at ng Land Transportation Office. Ayon kay Makilala PNP chief Police Major Arniel Melocotones, halos 500 ang nakilahok sa aktibidad na karamihan ay mga nagmamaneho at estudyante.

Ito ay ahil na rin sa mga nangyayaring vehicular crash sa bayan na karamihan anya ay kinasasangkutan ng mga menor de edad. Sinabi ng police official, simula noong enero ng taong 2019 nasa 126 na ang naitalang kaso ng vehicular crash at siyam na kataodito ang nasawi.

Batay sa datus mataas pa rin ang kaso noong 2018 na may 200 at dalawangput siyam na ang nasawi sa kaparehang panahon. VC- MELOCOTONES Si Makilala PNP chief Police Major Arniel Melocotones. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

African Swine Fever Awareness Forum, isasagawa sa Kidapawan City

Sa layuning makakapagbigay ng kaalaman patungkol sa African Swine Fever, magsasagawa ng ASF awareness forum ang Kidapawan City Veterinarian ngayong September 24, 2019 sa Cooperative Training center Barangay Magsaysay, Poblacion Kidapawan City

Inimbitahan naman ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang mga nag-aalaga ng baboy na mula sa lungsod lalo na ang backyard hog raisers na dumalo sa nasabing forum upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman hinggil sa usaping ASF.

Ayon pa sa kanya, kinumpiska nila ang mga canned pork products na nakarating sa lungsod na mula sa China at Hongkong na infected country ng ASF dahil nabubuhay pa rin anya ang virus sa mga processed foods.

 Natapos na rin ang kanilang isinagawang blood sampling sa ilang mga babuyan sa Barangay Balindog noong setyembre 11 ng taon. Ito ay ipapadala ng OCVET sa Regional Office 12 ng Department of Agriculture sa General Santos City ang mga blood samples para malaman kung positibo sa ASF ang mga baboy na nakunan ng dugo.

Mas pinahigpit na rin ngayon ang lahat ng mga baboy na pumapasok sa slaughter house upang masigurong ligtas ang mga ibenebentang karne sa Mega market. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Katahimikan at kapayapaan.

Ito ang dalawang mga salita na kadalasang binabanggit ng halos lahat ng residente sa mga barangay ng Magpet, North Cotabato na sumusuporta at sumusulong sa programa ng gobyerno upang iwaksi ang rebeldeng New Peoples Army.

Ayon kay alyas Dony, residente ng Brgy Balite, malaki umano ang naitulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Army dahil mas naiintindihan nila ngayon ang mas malalim na kahulugan na ideolohiya ng NPA na hindi rin aniya makakatulong sa kanilang pamumuhay.

Pabor din si alyas Roger, isang tatay na residente ng Brgy Temporan, na matagal na nilang minimithi ang uri ng pamumuhay na malaya sa takot laban sa teroristang grupo. Ito rin ang hinaing ni Mang Nilo na mula rin sa isang barangay sa nasabing bayan.

Nagpapasalamat ito sa mga bagay na naitulong sa kanila ng militar lalo na sa usaping pangkapayapaan.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng iilang mga sibilyan na hindi lahat ng lumahok sa nasabing peace rally ay talagang sumusuporta sa grupong NPA, bagkus nakiisa lamang sa nasabing programa ng militar. Nakasaad kasi sa isang papel o tinawag na ‘Panunumpa sa Pagsalikway’ na tatalikuran na nila ang nasabing grupo.

Dagdag pang nakasulat na magbabalik loob na sila sa gobyerno at hindi na tatalima sa pinaniniwalaang ideolohiya ng NPA lalo na ang kanilang malaking partisipasyon sa nasabing grupo.

Bagay naman na inalmahan ng iilang mga lumahok sa nasabing panunumpa.

Aniya, hindi nila matanggap na tila tinatawag silang NPA gayung wala naman silang pakikiisa sa bawat kilos ng nasabing grupo. Hindi rin nila maintindihan kung bakit ganun ang laman ng nasabing panunumpa gayung kailanman ay hindi naman kinontra ang gobyerno ng Pilipinas.

Kaugnay nito, tumanggi nang magbigay ng pahayag ang nasabing mga residente sa personal na kadahilanan.

Samantala, ipinaliwag naman ni Lt. Col. Rey Alvarado, commanding officer ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Magpet, Cotabato ang ‘context’ ng nasabing sulat. Aniya, pinag-usapan na nila ito at tanging ang mga dumaan lamang sa kanilang seminar ang tinawag nilang NPA dahil una na nila itong natukoy sa pamamagitan ng kanilang intelligence gathering.

Nagkataon lang aniya na sumali rin sa panunumpa ang mga hindi dumaan sa nasabing seminar. Nilinaw rin nito na anumang uri ng tulong na ibinibigay sa kabilang grupo moral man o pinansyal ay masasabing pagsuporta o pakikiisa na sa kanila.

 

-0-

 

 

Diocese of Marbel Bishop, iginiit ang pagtutuol ng simbahan katoliko sa copper-gold project sa Tampakan, South Cotabato

Nagpahayag ng kanyang pagtutol sa 5.9 billion US Dollar na Tampakan mining project si Diocese of Marbel Bisbop Cerilo Casicas. Iginiit ni Casicas ang mariing patutol ng simbahang katoliko sa open-pit mining na balakid sa Saguitarrius Mines ,Inc. o SMI simula pa noong 2010.

Nangako ang nasabing obispo na itutuloy pa rin nito ang adbokasiya ng pinalitan na si yumano nang Bishop Dinualdo Guttierez. Ito ay pagharang sa open pit minig operation na sumasakop sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at Davao Del Sur.

Bilang paghayag ng kanyang pagtutol sa nasabing proyekto, iginiit ni Casicas na nilikha ng panginoon ang tao para protektahan ang kalikasan. Naniniwala si Casicas na makaapekto sa mga likas yaman at agrikultra sa mga mababang lugar ang mining sa mahigit 10,000 ektaryang lupain sa mga bundok ng Tampakan at karatig lugar.

Sinisikap pa ng Radyo Bida na makuha ang panig ng SMI sa usapin. Pero na nauna nang iginiit ng nasabing mining firm na lumabas sa mga pagaaral na ligtas at responsableng open-pit mining lamang ang maaring gamitin sa copper-gold Tampakan project.

Ang Open pit mining sa lalawigan ay mariiing ipinagbabawal ng Environment Code na nilagdaan ni dating South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes noong 2010.

Ayon naman sa pumalit sa kanyang si Governor Reynaldo Tamayo Jr, tumugon na ang provincial government sa legal petition na kumukwestyon sa ban sa open-pit mining. Ayon kay Tamayo, rerespetuhin ng lalawigan anuman ang magiging desisyon ng korte sa usapin.

 

-0-

 

Provincial training centers ipatatayo ng TESDA sa apat na mga lugar sa region 12

Tugon sa lumalaking demand sa mga technical- vocational courses o Tech-Voch ang apat na mga Provincial Training Center na ipatatayo ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa region 12.

Ang nasabing mga pasalidad ay ipatatayo sa Surallah sa South Cotabato, Amas sa Kidapawan City, Malapatan sa Sarangani at Tacurong City sa Sultan Kudarat. Ipinahayag ito ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar the II.

Ayon kay Abrogar mapagaaralan sa nasabing mga training center ang walong TekBok Courses ng TESDA.

Ilang sa mga ito ay ang Driving, Cookery, Automotive, Tile Setting, Carpentry, Masonry, Electronic Products Assembly and servicing. Maliban sa mga training centers tiyak na rin ang pagpapatayo ng TESDA ng regional training center sa may limang ektaryang lupain sa Alabel, Sarangani.

Ito ay matapos paglaanan ng mahigit P200 million na pondo ng taga-Sarangani na na si Senator Manny Pacquio. Ayon kay Abrogar, ito ay inaasahan namang makatutulong sa libo libong mga mamamayan ng Soccsksargen.

 

-0-

 

Comelec 12 Regional director may paalala sa mga kandidato sa special election sa Gensan at South Cotabato

Sundin ang mga panuntunan para sa special election sa October 26. Ito ang palalala ni Comelec 12 Regional Director Atty. Michael Abas sa mga kandidato sa special election sa pagka-kongresista sa 1st legisltative District ng South Cotabato at lone district ng Gensan.

Tinityak ni Abas ang mariing monitoring ng Comelec sa pagsunod ng mga kandidato sa Omnibus Election Code at Fair Election Act.

Ilan sa mga ito ay ang pagkabit ng hindi lalagpas sa two feet by three feet na mga campaign materials at paglalagay ng mga poster sa common poster areas. Ipinahayag ito ni Abas kaugnay sa 45 araw na campaign period sa special election.

Ayon kay Abas susundin pa rin ng Comelec sa special election ang mga panuntunan noong May 13 midterm at local elections. Ang lone district ng Gensan ay mayroong apat na mga kandidato sa special election.

Ang mga ito ay sina dating Vice Mayor Shirlyn-Banas Nograles ng People’s Champ Movement at dating South Cotabato First District Representative Pedro Acharon Jr ng Achievers with Integrity Movement.

Makakatungali ng mga ito ang mga independent candidates na sina Benjie Rivera at Abelardo Plaza. Habang wala namang kalaban sa First District ng South Cotabato si dating Polomolok Mayor Isidro Lumayag.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Gerada na nakapagsagawa na sila ng initial security command sa PNP, militar at Deped. Ayon kay Gerada may itinalaga ng mga personnel sa mga polling centers ang PNP at Militar.

Ipinahayag din ni Gerada na sasailalim naman sa refresher course ang mga guro na magsisilbing myembro ng election board. Naniniwala si Gerada na may alam pa rin sa paggamit ng vote counting machine o VCM ang mga guro na magsisilbi sa special election.

 

-0-

 

Rebel returnees sa lalawigan isinailalim sa Moral Recovery, Healing and Reconciliation Sessions ng Social Welfare office ng South Cotabato

Sumailalim sa katatapos lang na tatlong araw na Moral Recovery, Healing and Reconciliation Sessions ang 50 mga rebel returnees sa South Cotabato. 22 sa mga ito ay nagbalik loob lamang sa pamahalaan ngayong lamang taon.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development office o PSWDO. Layun nito na matulungan ang mga sumukong rebelde na maibalik ang kanilang moral para sa tuloy tuloy na pagbabagong buhay. Ito ay ayon kay Comprehensive Local Integration Program Provincial Focal Person Mary Grace Rodel.

Ipinahayag din ni Rodel na ilan sa nasabing mga sumukong rebelde ay nabigyan na ng tulong pinansyal ng pamahalaan. Habang ang iba naman ay pinoproseso na ang financial at livelihood assistance bilang mga benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip. Abot na sa 95 na dating rebelde ang sumuko sa South Cotabato buhat noong 2013.

 

-0-

 

Tourist arrival sa South Cotabato tumaas, ayon sa Tourism operation officer ng provincial tourism office

Nakapagtala ng mahigit 343 thousand tourist arrival ang provincial tourism office ng South Cotabato sa unang semester ng 2019. Mas mataas ito kumpara sa mahigit 290 thousand tourist arrival na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kinumpirma ito ni Tourism Operations Officer Argie Asaria. Ayon kay Asaria nangunguna pa ring tourist destination sa South Cotabato ang Zipline sa Lake Sebu. Patok din sa mga turista ang Lake Holon sa T’boli, at Mariano’s Blooming Agri-Tourism Park sa Tupi.

Ayon kay Asara maging ang tourist arrival sa buong region 12 ay tumaas din sa 2.8 million sa unang semester ng 2019 mula sa 2.6 million sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

 

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...