Saturday Apr, 20 2024 05:41:58 AM

NDBC BIDA BALILTA Sept. 17, 2015

 • 14:53 PM Fri Sep 18, 2015
1,704
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 17,
2015 (THURSDAY)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong HUWEBES , SEPTEMBER
17, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. PAGLALAGAY NG RESERVOIR sa mga lugar
na may mahinang supply ng tubig, iminungkahi sa Metro Cotabato Water District
bilang paghahanda sa matinding tagtuyot.

2. Truck na puno ng troso, sinunog ng
pinaniniwalaang mga miembro ng NPA sa Magpet, North Cotabato.

3. Dalawamput pitong pamilya sa isang
Barangay sa Polomolok, South Cotabato, lumikas dahil sa takot na maipit sa nagpapatuloy
na tribal war sa lugar

4. SENATOR GRACE POE, tuloy na ang
pagtakbo bilang Pangulo sa 2016 elections

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

BALAK
ng Metro Cotabato Water District o MCWD na maglagay ng RESERVOIR sa mga lugar na
may mahinang supply ng tubig.

Iminungkahi
ni MCWD Board of Director vice chairperson Hadja Fauziah Bajunaid-Alba na gawin
din sa iba pang barangay ng Cotabato city ang ginawa nila sa barangay Bagua Uno,
para maibsan ang problema sa kakulangan ng water supply.

Ayon
kay Alba, dati ay talagang mahina at kung minsan ay talagang walang supply ng
tubig sa naturang lugar.

Pero
nang nagpalagay siya ng reservior o tangke na imbakan ng tubig sa lugar gamit
ang pondo ng MCWD, wala na aniya siyang narinig na reklamong kulang ang supply
ng tubig sa kanilang lugar.

Sabi
pa ni Alba, sa gabi naman ay sobra-sobra ang supply ng tubig kaya inilalaan
nila ang magdamag sa pagpapapuno ng reservoir.

Sapat
na raw ito para sa buong araw na supply ng tubig para sa lugar.

Tiniyak
naman nitong may pondo ang MCWD para maglagay ng reservoir sa mga barangay.

Ang
kailangan lamang aniya ay may mag-donate ng kahit na 35 square meters na lote
para paglagyan nito.

Kaugnay
nito, nanawagan ang opisyal sa mga punong barangay sa lungsod na
makipag-ugnayan sa kanila kung may nahanap nang lote sa kanilang mga barangay
na paglalagyan ng reservoir.

Una
rito, hiningi rin ng MCWD ang suporta ng media sa lungsod para sa
pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon mula sa kanilang tanggapan.

Nagsagawa
ng media forum ang MCWD sa kanilang Dimapatoy Pumping Station sa Sitio Lomboy,
DOS Maguindanao na dinaluhan ng mga opisyal ng MCWD, DENR ARMM,USAID at mga
mamamahayag ng lungsod.

Local……………………

Hindi na mapapakinabangan pa ang isang SADDAM Truck matapos sunugin ng pinaniniwalaang miembro ng New People's Army sa brgy. Imamaling, Magpet, North Cotabato pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Sinabi ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, nagsumbong na lamang ang driver ng naturang truck sa kanilang himpilan na si Antonio Imea Dela Cruz at inireport ang pangyayari.

Sa salaysay ni Dela cruz sa mga otoridad, galing sila sa brgy. Imamaling karga ang mga troso ng germilina pababa na sana sa Kidapawan City pero, pinara sila ng tatlong mga armadong kalalakihan at nagpakilala pang mga NPA.

Pinababa siya kasama ang kanyang dalawang helper at sinabing ang may-ari lamang ng sasakyan ang umano may atraso sa kanila.

Agad sinunog ng mga armado ang naturang sasakyan maging ang mga trosong karga nito na mabilis ring tumakas matapos ang panununog.

Ayon pa kay Dela Cruz ilang beses na silang dumaan sa nabanggit na lugar pero ngayon pa lamang sila naharang ng mga rebelde.

Sa ngayon isinailalim pa ng Magpet PNP sa malalimang imbestigasyon ang pangyayari.

VC- FORNAN

Si Magpet PNP chief of Police Senir Ins. Felix Fornan.
Truck na puno ng troso, sinunog ng
pinaniniwalaang mga miembro ng NPA sa Magpet, North Cotabato.

local...Lumikas mula sa kanilang mga
tahanan sa barangay Lapu, Polomolok,
South Cotabato ang dalawamput pitong mga pamilya.

Ayon kay Jonathan Fabulare ng
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Polomolok,
nagsilbing evacuation center ng mga bakwit ang barangay Hall ng katabing
barangay ng Sulit.

Ang takot na maipit sa sagupaan
sa pagitan ng iba’t ibang tribu dahil sa awayan sa lupa ang sanhi ng paglikas
ng mga residente.

Ayon kay Fabulare ang mga lumikas
na residente ay nabigyan na ng paunang relief assistance ng lokal na
pamahalaan.

Inihayag din nito na hindi pa rin
matiyak kung kelan makababalik ang mga
bakwit sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na nakaengkwentro ng mga
pulis at CAFGU ang grupo ng isang Mohalided Otap sa Sito Vio, Barangay Lapu,
Polomolok na umano ay illegal na pumasok sa lupain na pagaari ng Gallo Family.

Ayon sa Polomolok PNP, bagama’t
tumagal ng tatlumpung minute ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig
wala namang nasawi o nasaktan sa insidente.

Ito ay matapos umatras ang grupo
ni Otap.

Ang engkwentro sa pagitan ng
dalawang grupo ay naganap dakong alas syete y medya na umaga kamakalawa.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

NAGSAGAWA ng Prayer Rally ang Alyansa
Tigil Mina sa Plaza Raja Sulayman Roxas Blvd. Malate Manila, upang ipanawagan
sa pamahalaan na tigilan na ang pagpapapasok ng operasyon ng pagmimina sa
Pilipinas.

Ayon kay Jaybee Garganera national
coordinator ng grupo, kasabay ng pagbubukas ng conference ng Chamber of Mines
in the Philippines ay muli ding binuksan ng pamahalaan ang pinto ng kapahamakan
para sa mga mamamayan nitong naaapektuhan ng pagkasira ng kalikasan.

Aniya, ang paghihirap na dinaranas ng
mamamayan sa mga nasisirang komunidad ay hindi dinaranas ng mga may
kapangyarihan dahil kapalit nito ang tinatamasa nilang salapi mula sa yamang
mineral ng bansa.

Pahayag pa ni Garganera, sa mga
nakalipas na taon, walang mabuting naidulot ang paglago ng industriya ng
pagmimina sa Pilipinas, kundi puro pagkawasak at pagkitil sa buhay ng mga
tagapagtanggol ng kalikasan.

Ang panawagang ito ng grupo ay tugon
din sa tawag ng kanyang Kabanalan Francisco na Ecological Integrity o pagpapanumbalik
ng dangal ng kalikasan na winasak ng mga sakim at mapansariling interes.

2nd break

Local …………………

DEAD ON
ARRIVAL sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Mahad road,
Barangay Mother Bagua, Cotabato city pasado alas diyes kagabi.

Kinilala ang
biktima na si Jawod Vargas, taga-Purok Manguyaya sa nasabi ring barangay.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng City PNP, nakatayo lang si Vargas sa naturang lugar
nang dumating ang mga suspek na kinilalang sina Budoy Kitab at Alip Kitab at agad
na pinagbabaril ang biktima.

Mabilis
namang tumakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen.

Personal
grudge ang nakikitang motibo ng mga imbestigador sa nasabing insidente.

Local …………………

Nagpapatuloy pa rin ang
pagsasaayos at pagdagdag ng iba pang pasilidad sa General Santos City
International Airport.

Ayon kay Nellie Nita Dillera, ang
Regional Director ng Department of Tourism o DOT 12, malapit nang matapos ang bagong passenger
terminal building ng paliparan.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng dalawamput limang milyong
piso ay sumasaklaw sa expansion ng departure at arrival areas na magkakaroon
din ng karagdagang baggage conveyors at check in counters.

Ayon kay Dillera, sinimulan na rin
ang siyam na milyong pisong improvement sa parking area ng paliparan.

Ang pondo para sa dalawang mga
proyekto ay kinuha sa Corporate Funds ng Civil Aviation Authority of the
Philippines o CAAP.

Inihayag ni Dillera na ang
paglalagay ng iba pang pasilidad sa airport tulad ng Instrument Landing System,
High Frequency Omni Directional Range, Night Landing Facilities ay pamamahalaan
ng Department of Transportation and Communications o DOTC.

Naniniwala naman si Dillera na
para lubos na mapakinabangan ang bagong
pasilidad sa airport, dapat ay mahikayat din ang mga airline
companies na gawing port of entry ang
General Santos City sa kanilang mga local
at international flights.

Para ito maisakatuparan ayon kay
Dillera kailangan ng DOT na makipagtulungan sa mga tour operators upang
tumulong sa promosyon ng rehiyon dose sa
ibang bansa.

Kasabay naman nito ayon kay
Dillera ang pakikipagtulungan ng DOT sa pagpapaunald ng mga lokal na produkto,
tourist destination, pagbibigay ng training sa mga tourism front liners at
accreditation ng mga primary and
secondary establishments sa rehiyon dose.

0-Inireklamo ni Norhata Benito sa
Koronadal City PNP ang umanoy panghaharass ng ilang mga pulis sa kanyang
pamangkin sa kanilang drug buy bust
operation sa lungsod kamakalawa.

Inihayag ni Benito na napagkamalang suspek ang kanyang
pamangkin nang tumakbo ito dahil sa
takot ng makita ang mga pulis .

Ayon kay Benito, bagama’t nagkamali rin ang kanyang pamangkin sa
pagtakbo, mali rin ang umanoy panghaharass ng mga pulis sa kanya.

Dinagdag din nito na matapos
padapain, apakan sa likod at tutukan ng baril, pinagbantaan pa umano ng isa sa
mga pulis ang dise nuebe anyos na si Abdul Benito .

Ayon kay Benito pinakawalan
lamang umano ang kanyang pamangkin nang
mahuli ng mga pulis ang subject ng kanilang drug operation sa likod ng kanilang
establisemento sa General Santos Drive .

Binigyan diin ni Benito na
bagama’t suportado nito bilang isang kawani ng Deparmtent of Social Welfare o
DSWD 12 ang kampanya ng mga otoridad
laban sa illegal na droga.

Dapat ay naging maingat din ang
mga pulis sa kanilang anti illegal drug
operation para walang ibang tao na
madamay.

Inihayag ni Benito na ikinatakot
ng kanyang mga anak at tauhan ang ginawang paghuli ng mga pulis sa isa katao sa
likod ng bakery na pagaari nito.

Ayon kay Benito, isinasailalim
niya ngayon sa stress debefriefing ang pamangkin matapos ma-trauma sa
insidente.

Ayon kay Benito plano nila
ngayong magsampa ng kaso laban sa mga
sangkot na pulis.

Layon nito ayon kay Benito na di
na maulit pa sa iba ang pinagdaanan ng kanyang pamangkin.

Voice Clip ...Ang tiyahin ng
binatang napagkamalang subject a anti illegal drug operation ng mga pulis na si
Norhata Benito

Kaugnay nito tiniyak naman ni
Police Superintendent Maximo Sebastion, ang pinuno ng Regional Special
Intillegence Division o RSDIT 12
ang imbistigasyon sa insidente

Matatandaan na naaresto ng mga
kasapi ng RSIDT 12 ang isang Sandy Ali Mamasaingod kamakalawa ng umaga.

Nakuha mula sa suspek ang mahigit
dalawamput limang gramo ng suspected shabu.

0-Lumikas mula sa kanilang mga
tahanan sa barangay Lapu, Polomolok,
South Cotabato ang dalawamput pitong mga pamilya.

Ayon kay Jonathan Fabulare ng
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Polomolok,
nagsilbing evacuation center ng mga bakwit ang barangay Hall ng katabing
barangay ng Sulit.

Ang takot na maipit sa sagupaan
sa pagitan ng iba’t ibang tribu dahil sa awayan sa lupa ang sanhi ng paglikas
ng mga residente.

Ayon kay Fabulare ang mga lumikas
na residente ay nabigyan na ng paunang relief assistance ng lokal na
pamahalaan.

Inihayag din nito na hindi pa rin
matiyak kung kelan makababalik ang mga
bakwit sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na nakaengkwentro ng mga
pulis at CAFGU ang grupo ng isang Mohalided Otap sa Sito Vio, Barangay Lapu,
Polomolok na umano ay illegal na pumasok sa lupain na pagaari ng Gallo Family.

Ayon sa Polomolok PNP, bagama’t
tumagal ng tatlumpung minute ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig
wala namang nasawi o nasaktan sa insidente.

Ito ay matapos umatras ang grupo
ni Otap.

Ang engkwentro sa pagitan ng
dalawang grupo ay naganap dakong alas syete y medya na umaga kamakalawa.
0-Magkakaroon na ng pagkakataon ang
mga out of school youth o OSY sa
Koronadal City na makapagtapos ng pagaaral.

Ito ay sa pamamagitan ng
abot-alam” program ng Department of Education o Deped.

Ang programa ay bukas para sa mga
OSY na kinse hanggang trenta anyos, hindi nakapagtapos ng elementarya o high
school at walang trabaho.

Ayon kay Danilo Abanil ang Abot Alam” Program Supervisor ng Deped ,
katuwang nila sa pagpapatpad ng programa ang mga barangay.

Kaugnay nito umaapela si Abanil
sa mga opisyal ng dalawamput pitong mga barangay sa Koronadal City na tukuyin ang kanilang mga constituents na
maaring makinabang sa programa.

Inihayag din ni Abanil na ang mga
mamamayan na nais makinabang sa programa ay maaring makipag ugnayan sa kanilang
mga barangay officials at DepEd.

Ang Abot alam” ay isang sistema
ng edukasyon na mga guro mismo ang
pumupunta kadalasan sa mga liblib na barangay upang magturo.

Ang mga benipisyaryo nito ay
maari ring mabigyan ng National Competency o NC certificate ng Technical
Education Skills Development Authority o TESDA para makapagtrabaho.

0-Magnanakaw
naman ng kabayo sa Banga, South Cotabato naaresto sa Lutayan, Sultan Kudarat

Isa katao na wanted sa kaso ng
pangagahasa sa Colombio, Sultan Kudarat ang naaresto ng mga pulis sa Tampakan
South cotabato.

Kinilala ng Tampakan PNP ang
suspek na si Danilo Aves alias Danny.

Si Aves ay inaresto ng pinagsanib
na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Sultan Kudarat,
Tampakan Police at Colombio Police.

Ang Suspek ay nasakote sa
Barangay Liberty, Tampakan, dakong alas nuebe ng umaga kamakalawa.

Wala nanang inirekomendang pyansa
para sa suspek ang korte.

Samantala, arestado naman ang
isang Panoy Vicente dahil umano sa pagnanakaw ng kabayo sa Barangay Lamba,
Banga, South Cotabato.

Nabatid na si Vicente ang siyang
itinurong nagnakaw umano ng kabayo na pagaari
ng isang kinilala lamang Mrs. Leonila dakong alas sais ng gabi
kamakalawa.

Narecover ng team ni Police
Senior Inspector Senen Balayon, ang Chief of Police sa Banga sa suspek ang
ninakaw nitong kabayo sa Barangay Tamanzang, Lutayan, Sultan Kudarat
kamakalawa.

Inihahanda na ng pulisiya ang
pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Vicente na nakakulong na ngayon sa lock
up cell ng Banga PNP.

0-

0-

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

PUNO
na iba't ibang suporta at batikos ang pagdeklara ni Senator Grace Poe na
tatakbo ito sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Ginawa
niya ang paganunsyo sa University of the Philippines Bahay ng Alumni, kung saan
din nagdeklara ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr. o FPJ na tumakbo bilang
pangulo noong 2004 elections.

Ilan
sa mga netizens ang natuwa at nabuhayan ng kinumpirma na nito ang kanyang
pagtakbo sa susunod na eleksyon.

Pero
ilan naman ang pumuna sa mga statement ni Poe na sa kanyang pagtakbo bilang
pangulo ay ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng kanyang AMA na si FPJ.

Reaksyon
ng ilan sa social media ay ano buh ang nasimulan ng kanyang ama?

Maliban
rito, suportado si Poe ng kanyang asawa at mga anak na naroroon.

Sa
kanyang talumpati, 20 ang ibinida ni Poe sa planong pagbabago sa takbo ng
gobyerno sa bansa, kabilang na rito ang pagbabago sa sistema at antas ng
edukasyon, agrikultura, at imprastraktura.

3rd break

Local…………………….

NAGPULONG
ang Department of Interior and Local Government o DILG-ARMM upang pag-usapan

ang
promosyon sa pagkalinga at pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan.

Sa
pamamagitan ng Child-Friendly Local Governance Audit, bibigyang prayoridad ang
mga programang

mag-aangat
sa kalidad ng serbisyo para sa kapakanan ng mga kabataan.

Sinabi
ni DILG ARMM Secretart Atty. Anwar Malang na ang CELGA ay isang mandatory audit
na ang layunin ay alamin ang mga programang inilulunsad ng LGUs para sa mga
benepisyaryo.

Ayon
kay Malang, maganda ang naging resulta
ng validation na ginawa noong September 9-11 sa pangunguna ng Department of
Social Welfare and Development, Regional Planning and Development Office,
Department of Education, at Department of Labor and Employment.

Sa
ilalim ng CELGA, lahat ng lungsod at bayan ay obligadong alamin kung gaano
ka-epektibo ang kanilang mga programa para sa mga kabataan.

Ang
mga auditor ay inatasang susuri sa mga programang tumatalima sa 12 panuntunan
para sa kalusugan at nutrisyon, edukasyon, proteksyon at child participation.

Kabilang
sa programa ang pagsubaybay sa bilang ng mga kabataang pumapasok sa paaralan,
pagbaba ng mga bilang ng mga namamatay na bata mula sa limang taong gulang
pababa, kaligtasan ng mga bata sa kumunidad, kabawasan sa kaso ng child labor,
at paghahatid ng wastong programang pangkalusugan.

Sinumang
LGU na makakakuha ng mataas na marka ay inaasahang makakatanggap ng award na
Seal of Child-Friendly Local Governance.

Ang
programa ay batay sa suporta ng pamahalaan sa United Nations Convention on the
Rights of the Children.

Napag-alaman
na ang Pilipinas ang ika-31 estado na mahigpit na nagsusulong sa nabanggit na adbokasiya.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

HANDA
ang Malacañang na pag-aralan ang panukalang obligahin ang mga nagbabalak bumili
ng sasakyan na magpakita ng patunay ng pagkakaroon ng garahe bago bumili ng
sasakyan.

Ayon
kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr., ang
panukala ng Philippine National Police-Highway Patrol Group o PNP-HPG ay
naglalayong mapaluwag ang siksikang trapiko sa Metro Manila at saan man sa
bansa.

Naunang
ipinanukala ni Senior Supt. Arnold Guannaco, officer-in-charge ng HPG, ang ban
sa pagbili ng sasakyan kapag ang isang buyer ay walang sariling garahe, at
ideklarang no parking zone ang lahat ng kalsada upang lubusang magamit ng mga
motorista.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

PROBLEMA mo ba ang pagkakaroon ng
varicose vein o yung mga ugat sa kamay at paa na sobrang namamaga bida.

Ito ay maaaring dahil sa problema sa
sirkulasyon ng dugo na dumadaan sa ating mga ugat, o maaari rin namang
namamana.

Ayon sa mga eksperto, isa sa epektibong
solusyon na magagawa kahit sa bahay lang ang paggamit ng kamatis.

Hiwain lang ang mga ito at itapal sa
balat kung saan may varicose vein. Iwanan ito ng ilang minuto, at gawin ito
limang beses sa isang araw sa loob ng ilang linggo.

Ang kamatis kasi ay may substance na
katulad ng sa aspirin na nakakaiwas sa pamumuo ng dugo at nakakatulong upang
magsaayos ng blood vessels dahil sa taglay na antioxidant.

0- 4th break

Local……………….

NAGTIPON
ang business sector ng ARMM kahapon ng umaga upang talakayin ang Bangsamoro
Basic Law at epekto ng substitute bill na tinatawag nilang BLBAR.

Ang
forum on the economic impact of the BBL original draft laban sa subsitute bill
ay pina ngunHan ng Regional Board of investments ng rehiyon.

Sa
pinakahuling business forum, lumalabas na makakaepekto sa gumagandang takbo ng
ekonomiya ng rehiyon ang pagrepaso ng ilang senador sa orihinalng version ng
BBL.

Nagbabala
din ang RBOI na ang house bill 5811 o substitue bill for BLBAR na nagtanggal sa
incentive ng mga negosyante sa ngayon ay nakakasama para sa pangeenganyo ng
dagdag na investor sa Bangsamoro land.

Ayon
kay RBOI - ARMM Chair Ishak Mastura, hindi lamang nasasagasaan ang karapatan ng
mga investors na kumita ng maayos kundi posible pang mahila nito pababa ang 5.5
billion investments na pumapasok sa rehiyon ngayong taon lamang.

Umaasa
ang opisyal na muling pagaralan ang substitue bill upang hindi magalangan ang
investors na mamuhunan sa rehiyon sakaling matuloy ang pagpasok ng bagong
Bangsamoro Government.

0- Hindi na mapapakinabangan pa ang isang SADDAM Truck matapos sunugin ng
pinaniniwalaang miembro ng New People's Army sa brgy. Imamaling, Magpet, North
Cotabato pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Sinabi ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, nagsumbong na
lamang ang driver ng naturang truck sa kanilang himpilan na si Antonio Imea
Dela Cruz at inireport ang pangyayari.

Sa salaysay ni Dela cruz sa mga otoridad, galing sila sa brgy.
Imamaling karga ang mga troso ng germilina pababa na sana sa Kidapawan City
pero, pinara sila ng tatlong mga armadong kalalakihan at nagpakilala pang mga
NPA.

Pinababa siya kasama ang kanyang dalawang helper at sinabing ang
may-ari lamang ng sasakyan ang umano may atraso sa kanila.

Agad sinunog ng mga armado ang naturang sasakyan maging ang mga trosong
karga nito na mabilis ring tumakas matapos ang panununog.

Ayon pa kay Dela Cruz ilang beses na silang dumaan sa nabanggit na
lugar pero ngayon pa lamang sila naharang ng mga rebelde.

Sa ngayon isinailalim pa ng Magpet PNP sa malalimang imbestigasyon ang
pangyayari.

VC- FORNAN

Si Magpet PNP chief of Police Senir Ins. Felix Fornan.

NDBC BIDA BALITA

Daan-daang mga Bagani leaders ang inaasahang magtitipon ngayong araw sa
bayan ng Arakan, North Cotabato para sa gagawing konsultasyon.

Ang Bagani leaders ay magmumula pa sa Davao Region At North Cotabato
province.

Layunin ng naturang pagtitipon ay para konsultahin ang mga leader ng
tribu kaugnay sa pahayag ni 2nd District Rep. Nancy Catamaco na gawing legal
ang pagpa-pa-armas sa mga katutubo, base sa kanilang tradisyunal na IP defense
system.

Plano ni Catamco na isulong ang nasabing batas sa kongreso matapos ang
mga insidente ng pang-aapi at panggagamit umano sa mga lumad sa ilang bahagi ng
Mindanao.

Ayon pa kay Catamco kapag legal na ang Bagani bilang defense system,
maiiwasan nang magamit ang mga lumad ng iba pang mga non-IP groups tulad ng New
Peoples’ Army, mga mining company, at iba pang mga organisasyon.

Mahigpit ring nakasaad sa naturang batas na mabibigyan ng kalayaan ang
mga lumad para protektahan ang lupa ng kanilang mga ninuno.

Pero mangyayari ito kapag nailatag na sa Kongreso, partikular ng
kanyang komite, ang batas at mga mekanismo para dito.

NDBC BIDA BALITA

Mariing itinanggi ni Kidapawan City Development Office Head Divina
Fuentes na merong nangyaring palakasasn system sa pagpili sa mga benipisyaryo
sa Resettlement project sa Brgy. Magsaysay, Kidapawan City.

Ito ang ibinunyag ni Fuentes sa DXND RADYO BIDA matapos lumabas ang mga
alegasyon na may ilang aplikate umano
ang pinaboran ng City Government sa ginawang validation para mapilang lamang sa
magiging benipisyaryo sa naturang proyekto.

Ayon sa report ilang mga LGU employee at kamag-anak rin ng LGU employee
ang umano kasali sa isinagawang draw lots sa mga lote noong martes.

Pero sinabi ni Fuentes dumaan sa tamang proseso ang pagpili sa mga
benipisyaryo sa pamamagitan ng Local Housing Board na kinabibilangan ng mga
opisyal mula sa National Housing Authority o NHA, Presidential Communication
for the Urban Poor, Planning and Development office, Assessor’s Office, at
Committee on Housing sa Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan.

Ang nabanggit na opisina ang siyang responsable sa pagpili sa mga
benipisyaryo para matukoy kung sino ang mas nangangailangan ng lote.

VC- FUENTES

SI CPDO Head Divina Fuentes

Nabatid na mula sa halos tatlong libong informal settlers sa lungsod
370 lamang sa kanila ang napili na maka avail sa naturang proyekto habang
inaasahang mabibigyan rin ng kahalintulad na proyekto ang mga naiwang potential
beneficiaries.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 24 million pesos na pinondohan ng
National Housing Authority na ang layunin ay mailipat sa mas ligtas na lugar
ang mga informal settlers na nasa flood-prone at landslide-prone area sa
lungsod.

NDBC BIDA BALITA

Gagawin na ngayong araw ang turnover of command sa pag upo ni Senior
Supt. Alexander Tagum bilang bagong Provincial Police Director sa North
Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni PNP Regional Personnel and Human Resource Chief
Senior Supt. Danilo Peralta matapos nitong malagdaan kahapon ang appointment
order ni Tagum bilang OIC sa provincial Command.

Nakapaloob sa naturang order mula sa PNP Camp Krame na maglilipat kay
Tagum sa Police Regional Office 12 galing sa Criminal Investigation and
Detection Group o CIDG.

Mismong si Peralta ang mangunguna sa nasabing turnover ceremony ngayong
araw na gagawin sa Provincial Headquarters sa Cotabato PNP, Amas Kidapawan
City.

Magiging bisita sa naturang seremonya si Cotabato Governor Emylou
Mendoza at iba pang mga opisyal mula sa Police Regional Office 12.

VC-PERALTA

Ang tinig ni Personnel and Human Resource Office 12 chief Senior. Supt.
Danilo Peralta.

Malaki naman ang paniniwala ni Peralta na magiging epektibong opisyal
si Tagum kontra sa iba’t ibang krimen, illegal drugs, presensya ng New People’s
Army at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na nanatiling problema sa
probinsya na ikinokonsiderang pinakamalaking area sa Region 12.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

PANAHON
na para mabigyan ng ayuda ng pamahalaan ang mga overseas filipino workers o
OFWs na lumikas at bumalik sa Pilipinas dahil sa patuloy na kaguluhan sa
bansang Syria.

Ito ang
binigyang diin ni Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles.

Ayon sa
arsobispo, itinuturing na buhay na bayani ang mga OFWs dahil sa sila ang
tumutulong sa pagtaas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapadala ng
remittances.

Kung
kaya't dapat na bigyan halaga ang mga nagawa ng mga OFW.

HINDI
naman nagustuhan ng obispo ang naging pahayag ni dating US First Lady Hillary
Clinton sa pamahalaan ng Pilipinas na ito ang pinakamalalang bansa dahil
ginagawang kalakal ang kanyang mamamayan.

0-eptember 17, 2015/Headlineand Truck na puno ng troso, sinunog ng
pinaniniwalaang New People's Army sa Magpet, North Cotabato.

Hindi na mapapakinabangan pa ang isang SADDAM Truck matapos sunugin ng
pinaniniwalaang miembro ng New People's Army sa brgy. Imamaling, Magpet, North
Cotabato pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Sinabi ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, nagsumbong na
lamang ang driver ng naturang truck sa kanilang himpilan na si Antonio Imea
Dela Cruz at inireport ang pangyayari.

Sa salaysay ni Dela cruz sa mga otoridad, galing sila sa brgy.
Imamaling karga ang mga troso ng germilina pababa na sana sa Kidapawan City
pero, pinara sila ng tatlong mga armadong kalalakihan at nagpakilala pang mga
NPA.

Pinababa siya kasama ang kanyang dalawang helper at sinabing ang
may-ari lamang ng sasakyan ang umano may atraso sa kanila.

Agad sinunog ng mga armado ang naturang sasakyan maging ang mga trosong
karga nito na mabilis ring tumakas matapos ang panununog.

Ayon pa kay Dela Cruz ilang beses na silang dumaan sa nabanggit na
lugar pero ngayon pa lamang sila naharang ng mga rebelde.

Sa ngayon isinailalim pa ng Magpet PNP sa malalimang imbestigasyon ang
pangyayari.

VC- FORNAN

Si Magpet PNP chief of Police Senir Ins. Felix Fornan.

NDBC BIDA BALITA

September 17, 2015/ Headlineand Bagani Leaders mula Region 11 at North
Cotabato province, magtitipon ngayong araw

Daan-daang mga Bagani leaders ang inaasahang magtitipon ngayong araw sa
bayan ng Arakan, North Cotabato para sa gagawing konsultasyon.

Ang Bagani leaders ay magmumula pa sa Davao Region At North Cotabato
province.

Layunin ng naturang pagtitipon ay para konsultahin ang mga leader ng
tribu kaugnay sa pahayag ni 2nd District Rep. Nancy Catamaco na gawing legal
ang pagpa-pa-armas sa mga katutubo, base sa kanilang tradisyunal na IP defense
system.

Plano ni Catamco na isulong ang nasabing batas sa kongreso matapos ang
mga insidente ng pang-aapi at panggagamit umano sa mga lumad sa ilang bahagi ng
Mindanao.

Ayon pa kay Catamco kapag legal na ang Bagani bilang defense system,
maiiwasan nang magamit ang mga lumad ng iba pang mga non-IP groups tulad ng New
Peoples’ Army, mga mining company, at iba pang mga organisasyon.

Mahigpit ring nakasaad sa naturang batas na mabibigyan ng kalayaan ang
mga lumad para protektahan ang lupa ng kanilang mga ninuno.

Pero mangyayari ito kapag nailatag na sa Kongreso, partikular ng
kanyang komite, ang batas at mga mekanismo para dito.

NDBC BIDA BALITA

Headlineand Isang opisyal itinanggi ang nangyaring palakasan system sa
pagpili sa mga benipisyaryo sa Pabahay Program ng Kidapawan City LGU.

Mariing itinanggi ni Kidapawan City Development Office Head Divina
Fuentes na merong nangyaring palakasasn system sa pagpili sa mga benipisyaryo
sa Resettlement project sa Brgy. Magsaysay, Kidapawan City.

Ito ang ibinunyag ni Fuentes sa DXND RADYO BIDA matapos lumabas ang mga
alegasyon na may ilang aplikate umano
ang pinaboran ng City Government sa ginawang validation para mapilang lamang sa
magiging benipisyaryo sa naturang proyekto.

Ayon sa report ilang mga LGU employee at kamag-anak rin ng LGU employee
ang umano kasali sa isinagawang draw lots sa mga lote noong martes.

Pero sinabi ni Fuentes dumaan sa tamang proseso ang pagpili sa mga
benipisyaryo sa pamamagitan ng Local Housing Board na kinabibilangan ng mga
opisyal mula sa National Housing Authority o NHA, Presidential Communication
for the Urban Poor, Planning and Development office, Assessor’s Office, at
Committee on Housing sa Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan.

Ang nabanggit na opisina ang siyang responsable sa pagpili sa mga
benipisyaryo para matukoy kung sino ang mas nangangailangan ng lote.

VC- FUENTES

SI CPDO Head Divina Fuentes

Nabatid na mula sa halos tatlong libong informal settlers sa lungsod
370 lamang sa kanila ang napili na maka avail sa naturang proyekto habang
inaasahang mabibigyan rin ng kahalintulad na proyekto ang mga naiwang potential
beneficiaries.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 24 million pesos na pinondohan ng
National Housing Authority na ang layunin ay mailipat sa mas ligtas na lugar
ang mga informal settlers na nasa flood-prone at landslide-prone area sa
lungsod.

NDBC BIDA BALITA

September 17, 2015/Headlineand Turn-over ceremony sa bagong PNP
Provincial Director sa North Cotabato, gagawin ngayong araw

Gagawin na ngayong araw ang turnover of command sa pag upo ni Senior
Supt. Alexander Tagum bilang bagong Provincial Police Director sa North
Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni PNP Regional Personnel and Human Resource Chief
Senior Supt. Danilo Peralta matapos nitong malagdaan kahapon ang appointment
order ni Tagum bilang OIC sa provincial Command.

Nakapaloob sa naturang order mula sa PNP Camp Krame na maglilipat kay
Tagum sa Police Regional Office 12 galing sa Criminal Investigation and
Detection Group o CIDG.

Mismong si Peralta ang mangunguna sa nasabing turnover ceremony ngayong
araw na gagawin sa Provincial Headquarters sa Cotabato PNP, Amas Kidapawan
City.

Magiging bisita sa naturang seremonya si Cotabato Governor Emylou
Mendoza at iba pang mga opisyal mula sa Police Regional Office 12.

VC-PERALTA

Ang tinig ni Personnel and Human Resource Office 12 chief Senior. Supt.
Danilo Peralta.

Malaki naman ang paniniwala ni Peralta na magiging epektibong opisyal
si Tagum kontra sa iba’t ibang krimen, illegal drugs, presensya ng New People’s
Army at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na nanatiling problema sa
probinsya na ikinokonsiderang pinakamalaking area sa Region 12. 0- 5th break

Local…………………..

GINAWARAN
ng ranggong lieutenant coronel” ng Army’s 6th Infantry Division si
Maguindanao First District Rep. Bai Sandra Sema sa ilalim ng reserve force ng
hukbong sandatahan.

Mismong
si Army’s 6th ID commanding general B/Gen. Edmundo Pangilinan ang
nagsuot ng rank insignia kay Sema sa isang simpleng seremonya sa 6th
ID camp.

Ang
paggawad sa kongresista ng naturang ranggo ay base sa probisyong itinakda ng
batas o ang Section 44 ng Republic Act 7077 na nagsasaad na maaaring mahirang
bilang mga opisyal ng Reserve Force ng militar ang mga elected official at
presidential appointee sang-ayon sa mga panuntunan ng Armed Forces of the
Philippines.

Sabi
ni Sema, ang paggawad sa kanya ng naturang ranggo sa militar ay magbibigay daan
para mas makita niya ang lahat ng anggulo ng mapayapang opsyon bilang isa sa
mga policy maker.

Ang
paghirang kay Sema bilang opisyal ng Army’s reserve force ay may basbas ni P.
Aquino base naman sa rekumendasyon ni Pangilinan.

0-

SPORTS ……………. (Play Stinger)

NAPILI
ng Olympic Council of Asia o OCA ang Hangzhou na kabisera ng Zhejiang Province
sa East China bilang host sa gaganaping 2022 Asian Games.

Nagdesisyon
ang OCA sa isinagawang 34th Congress sa Ashkhabad, Turkmenistan.

Ang
Hangzhou ay ang nag-iisang lungsod na kandidato para sa 2022 Asian Games.

Sa
matagumpay na pilian, nangangahulugan lamang na ang mga regional game ay
gaganapin sa China para sa ikatlong pagkakataon matapos na ganapin sa Beijing
noong 1990 at southern Guangzhou noong 2010.

Ang
Beijing ay napili rin kung saan gaganapin ang 2022 Winter Olympics makaraan ang
pagho-host nito sa Summer Games noong 2008.

Sa
Incheon, South Korea naman ginanap ang 2014 Asian Games, samantalang sa
Jakarta, Indonesia naman gaganapin Asian Games sa 2018.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER 17, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...