Sunday Jan, 29 2023 02:59:03 AM

NDBC BIDA BALITA (10.1.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Tue Oct 1, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. MGA nagparehistro sa BARMM para sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, tumaas ng 20 porsyento.

2. Mataas na lider ng New People’s Army o NPA na taga President, Roxas, North Cotabato, arestado sa operasyon ng PNP sa Agusan Del Sur

3. Dalawang mga magsasaka, patay sa vehicular crash sa Norala, South Cotabato

4. DENR-12, namahagi ng titulo sa mga magsasaka ng Sultan Kudarat

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

 

TUMAAS umano ng 20 porsyento ang turnout ng voters’ registration sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ang inihayag ni COMELEC BARMM Regional Director, Atty. Rey Sumalipao kasabay ng pagtatapos kahapon ng Continuing Voters Registration bilang paghahanda sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sinabi ni Sumalipao na marami sa mga bagong rehistrante ay mga kabataan.

Sa Maguindanao at Cotabato City, nasa 12 percent naman umano ang itinaas ng registration turnout na karamihan ay Application for Transfer.

Ang lahat ng mga nagpatala mula August 1 hanggang September 30 ay idadaan sa Election Registration Board hearing ngayong October 20 bago tuluyang maging ganap na botante.

Nilinaw naman ni Sumalipao na wala ng ibinigay na "extension" ang COMELEC para sa Continuing Voters Registration bagaman at may nakabinbing panukalang ipagpaliban ang barangay at SK polls.

Samantala, iginiit ni Sumalipao na tuloy din ang kanilang ginagawang paghahanda hangga’t wala pang batas na magpapaliban sa halalan sa 2020.

Base sa Calendar of Activities ng Commission on Elections para sa May 11, 2020 Barangay at SK elections; ang filing ng Certificate of Candidacy ay itinakda sa March 12 hanggang March 19, 2020.

Ang Election Period naman ay itinakdang ng COMELEC mula March 12 hanggang May 18, 2020.

Itinakda naman ang Campaign Period sa May 1 hanggang May 9, 2020 at ang deadline ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures ay itinakda sa June 10, 2020.

 

-0-

 

Mga mamamayan na humabol sa huling araw ng voters registration dumagsa sa Comelec Office ng Koronadal City

Tulad noong nakaraan taon dagsa pa rin ang mga mamamayan sa tanggapan ng Comelec sa Koronadal City para humabol sa huling araw ng voters registration kahapon. Hindi pa mang nagbubukas kahapon, mahaba na ang pila ng mga mamamayan sa labas ng city Comelec office.

Karamihan sa mga ito ay pawang mga estudyante habang ang iba naman ay mula sa mga malalayong barangay na hindi rin nakapagparehistro sa satellite registration. Ayon kay Koronadal City Election Officer Atty. Michael Ignes inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa huling araw ng voters registration.

Ito ayon kay Ignes ay kanilang napaghandaan. Sinabi ni Ignes na nagdagdag ng computer para sa data capturing ang city comelec office. Ang Comelec Koronadal ay nakapagtala ng mahigit 3,000 botante sa katatapos lang na registration of voters. Binigyan diin ni Ignes na wala nang extension para sa dito ang Comelec.

-0-

 

NAGLIPARAN ang bubong ng nasa siyam na mga bahay nang hagupitin ng malakas na hangin at ulan sa Tacurong City.

May ilang mga bahay din ang nasira matapos madaganan ng natumbang mga puno dahil sa lakas ng hangin.

Sinabi ni Barangay San Emmanuel chairman Rolfan Catbagan na parang buhawi ang tumama sa mga bahay dahilan para masira ang mga ito.

Aniya, walong mga bahay ang partially damaged habang isa naman ang tuluyang nawasak.

Naghahanap na ngayon ng pondo ang barangay council para mabigyan ng ayuda ang mga apektadong pamilya.

 

-0-

 

NAGBIGAY ng Educational Cash Assistance ang Cotabato city LGU sa 50 high school students sa lungsod na may mga kapansanan.

Sinabi ni city Mayor Cynthia Guiani na ang mga naturang estudyante ay mula sa Canizares National High School, Cotabato city National High School - Main Campus, Rojas Site, Notre Dame Village National High School, Datu Ayunan High School at Don E. Sero High School.

Ayon kay Guiani, paraan ito ng lokal na pamahalaan para iparamdam sa mga mag-aaral na may kapansanan na suportado ng gobyerno ang kanilang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Katuwang ng City LGU ang Office on Social Welfare and Development sa pamamahagi ng naturang educational cash assistance.

 

-0-

 

INARESTO ng tropa ng Police Station 3 sa Cotabato City ang isang wanted person dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 pasado alas dyes ng umaga kamakalawa sa Crossing Bubong, Brgy. Datu Balabaran ng lungsod.

Kinilala ang suspek na si Reagan Vadgelidad Guialani, 32 years old, habal-habal driver, may-asawa at taga Barangay Kalanganan Dos.

Sa report ng Police Station 3, tinungo umano nila ang suspek at isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim noon pang July 10.

Sa ngayon ay nasa custodial facility na ng Police Station 3 ang nadakip na suspek.

 

-0-

 

NAHALAL bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines o LMP - Maguindanao Chapter si Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura.

Si Mastura ang pinili ng 24 na mga alkalde bilang pangulo ng LMP mula sa kabuuang 36 na mga bayan sa buong Maguindanao.

Sinabi ni Mastura na ang pagkakahalal sa kanya ay patunay umano ng tiwala sa kanya ng mga kapwa local chief executive.

Naniniwala naman si Mastura na ang kanyang maayos na pamamalakad at epektibong mga programa sa kanilang bayan ang naging basehan ng kanyang mga kasamahang alkalde sa probinsya para siya ang piliin bilang LMP-Maguindanao president.

 

-0-

 

DILG North Cotabato, bumuo ng pangkat na siyang tututok sa isasagawang assessment sa pagpapatupad ng road clearing operations sa bawat bayan ng probinsya

Bumuo na ng grupo ang Department of the Interior and Local Government o DILG na siyang tututok sa kanilang isasagawang validation ng assessment sa ipinatupad na road clearing operations base na rin sa ipinalabas na Memoramdum Circular number 2019- 121.

Alinsunod ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of the Interior and Local Government na linisin ang mga nakaharang sa road right of way.

Sinabi ni Provincial Director Ali Abdullah, maayos naman anya itong ipinatupad ng bawat LGU sa probinsya ng North Cotabato at walang naging problema sa pagsasagawa ng kautusan. Nagsisimula na rin anya sa ngayon sa pag-iikot ang grupo na binuo ng bawat LGU sa lungsod at bayan sa probinsya bukod pa ito sa grupo ng DILG North Cotabato na binubuo ng PNP, BFP, BJMP at ng Civil Society Association.

Ito ay sa layuning masuri kung maayos at tama nilang naipatupad ang operasyon kasabay ng pagtatapos ng anim na put limang araw na ibinigay ng DILG.

 

-0-

 

Mataas na lider ng New Peoples’s Army o NPA na taga President, Roxas, North Cotabato, arestado sa operasyon ng PNP sa Agusan Del Sur

Huli sa operasyon ng pulisya ang babaeng umano’y mataas na lider ng New People’s Army o NPA sa na bayan ng San Francisco, Agusan del Sur nag-ooperate sa Central Mindanao at Southwestern Mindanao. Kinilala ang nahuli na si Rachel Daguman Cortez na mas kilala ding si alyas Kumander Jasmin, alyas Yude at alyas Raya na taga President, Roxas, North Cotabato.

Ayon sa ulat, nahuli si Commander Jasmin sa isang operasyon na ikinasa ng Intelligence Security Unit (ISU) ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) national headquarters, katuwang ang Philippine National Police, Philippine Army, at mga civilian intelligence agents. Matagal na umanong minamanmanan ng PNP ang mga kilos ng kumander at agad na ikinasa ang operasyon mataapos na makatanggap ng ulat na sa bayan ng San Francisco.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Agusan del Sur provincial police office si Kumander Jasmin habang nakatakda naman siyang ililipat sa North Cotabato at kakaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Isa sa mga lugar kung saan nag-ooperate ang naarestong kumander ay sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Naging misis siya ni Kumander Benjie Pahak na isang lider rin ng NPA na napaslang noong taong 2005. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City Veterinary Office, ginawaran bilang Anti-rabies best implementor sa buong bansa

Ginawaran ang City Veterinanay office sa Kidapawan City bilang Anti-Rabies best implementor sa buong bansa. Nakamit ang gawad bilang pagkilala sa narehistrong ‘zero’ rabies death cases ng Kidapawan City sa limang magkasunod na taon.

Iginawad ng Department of Health National Rabies prevention nd Control program ang pagkilala nitong kahapon sa paggunita ng World Rabies Awareness Day. Ang zero date rate sa kaso ng rabies na mula sa kagat ng aso, ay bahagi ng Health, Nutrition and Education at Public Safety program na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Pagkilala rin ang gawad sa aktibong kampanya ng City Government sa Rabies Free Philippines na programa naman ng DOH. Personal na tinanggap ni Kidapawan City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang parangal sa seremonya ng Rabies Awareness Day sa DepEd Complex sa Pasig City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PNP pina-iingat ang publiko hinggil sa isang modus na LPG Anti-Leakage Device sa Magpet, North Cotabato

Pina-iingat ngayon ng pulisya ang mga mamamayan sa bayan ng Magpet, North Cotabato hinggil sa isang modus operandi na pagbebenta umano ng LPG Anti-Leakage Device o LPG Safety Device ng iilang mga indibidwal.

Ayon kay Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera Jr., istilo ng nasabing mga indibidwal ang pag-iikot at pagpunta sa mga bahay upang ipresenta ang kanilang produkto na aniya, isang LPG regulator.

Target aniya nito ang mga senior citizen, mga walang kasama o mga housewife lalo na ang mga may mamamahaling gamit sa loob ng kanilang pamamahay.

Ang paraan ng mga ito ay madalas na nagpapanggap na taga-gobyerno o kaya ay taga Bureau of Fire Protection o BF para mag-survey ukol sa mga ginagamit na LPG Brand.

Ang naturang mga LPG Safety Device o LPG Anti-Leakage Device ay kadalasang ibinebenta ng mga manloloko sa halagang Php 2,000 hanggang Php 11, 000 na kung susuriin ay nagkakahalaga lamang ng di tataas ng Php 500.

Kaya payo ni Dillera na huwag bigyan ng pagkakataon ang mga kawatan na makapasok sa kanilang pamamahay at huwag ding magpa-engganyo sa kanilang produkto. Ang nasabing device ay hindi ibenebenta o ine-endorso ng kahit anong ahensya ng gobyerno. Bagama’t iilan lamang ang nabiktima nito, sinabi ni Dillera na maging maingat upang hindi mabiktima ng mga ito. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Disaster monitoring hub na kauna-unahan sa bansa binuksan ng DSWD 12 sa Koronaddal City

Matatagpuan ang disaster monitoring hub sa compound ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sa Koronadal City. Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo, ito ay kauna-unahan sa buong bansa.

Ang nasabing pasilidad ay tutulong din sa iba pang ahensya ng pamahalaan na mapaghandaan ang masamang epekto ng kalamidad. Mayroon kasi itong kakayahan na inomonitor ang bagyo, lakas ng ulan, temperatura, alon at air quality. Ipinahayag ni Espejo na magagamit din ito para sa in-house trainings, Geographic Information System Presentations at Video Conferencing.

Binigyan diin ni Espejo na ang Pilipinas ay isang disaster prone na bansa kaya mahalaga ang disaster monitoring hub para makaiwas sa masamang epekto ng kalamidad.

 

-0-

 

Dalawang magsasaka patay sa vehicular crash sa Norala, South Cotabato

Kinilala ng Norala PNP na pinamumunuan ni Police Captain JS Pedrosa ang mga biktima na sina Norman Gumban 39 years old at angkas ng minamaneho nitong motorsikong si Glen Gualin, 34 years old. Ang mga magsasakang biktima ay pawang mga nakatira sa Barangay Simsiman, Norala, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na binangga ng motorsiklo na sinakyan ng mga biktima ang kasalubong na Isuzu Forward Truck. Ito ay habang binabaybay ang kahabaan ng provincial road mula Norala patungong Barangay Kulambog, Isulan, Sultan Kudarat.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng motorsiklo ng mga biktima sa truck nakaladkad pa ang mga ito ng ilang metro sa daan. Sina Gumban at Gualin na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa Norala District Hospital.

Ang driver naman ng truck na nabangga umano ng mga ito na si Niel Octaviano, 45 years old ng Barangay Punong Grande, Banga ay sumuko sa mga pulis. Ang motorsiklo at truck na nabangga nito ay ikinustdoya ng Norala PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing vehicular crash.

 

-0-

 

Mahigit 400 titulo ipinamigay ng DENR 12 sa mga mamamayan ng lalawigan ng Sultan Kudarat

Namahagi ng mahigit 400 mga titulo sa mga mamamayan ng lalawigan ng Sultan Kudarat ang Department of Environment and Natural Resources o DENR 12.

Ito ay bilang pagpapatupad ng “Handog Titulo” Program ng nasabing ahensya. Katuwang ng DENR sa pamimigay ng mga land titles ang ang pamahalaang panlalawigan at Land Registration Authority o LRA.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu na ang pamimigay ng titulo ay patunay ng pagnanais ng pamahalaan na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Ayon naman kay DENR 12 Assistant Regional Director for Technical Services Ma. Socorro Lanto, ang pamimigay ng land titles ay isa sa 10-point-socio-economic agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layun nito na mapabuti ang kabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng security of tenure sa kanilang mga lupain. Dinagdag din ni Lanto na mandato ng DENR na manguna sa pamimigay ng mga public lands. Matatandaan na ipinagutos ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pagsasagawa ng ahensya ng “Handog Titulo” kada Setyembre.

Layun nito na mapabilis ang pagproseso at pamimigay ng public land patents sa mga kwalipikadong mga benepisyaryo.

 

-0-

 

Barangay officials pinasalamatan ng gobernador dahil sa pagbaba ng dengue cases sa South Cotabato

Pinuri ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang mga barangay officials dahil sa laki ng naitulong ng mga ito sa pagbaba ng kaso ng dengue sa lalawigan.

Nabatid na mula sa 308 na kaso sa Morbidity Week 29 na mula July 14 hanggang July 20, 2019, bumaba sa 88 a o 71% ang dengue cases sa Morbidity Week 37 o mula September 18 hanggang 14 sa lalawigan.

Ang integrated provincial health office o IPHO ay nakapagtala ng mas mababang 25 dengue cases noong September 15 hanggang 21.

Ibig sabihin nito mula sa alert threshold, bumaba na sa endemic threshlold ang kaso ng dengue sa South Cotabato ngayon. Kaugnay nito, tiniyak ni Tamayo sa mga lokal at barangay officials na handang tumulong sa kanila ang provincial government.

Ito ay upang masawata ang kaso ng dengue sa kanilang mga lugar. Nananawagan din ang mga health officials ng South Cotabato sa mga mamamayan na huwang maging kampante at ipagpapatuloly lang ang operation kulob.

 

 

BARMM caps successful 4th year anniversary; MOTC hailed as grand champion in float parade

COTABATO CITY — The Bangsamoro Government culminated its 4th year foundation anniversary today, Jan. 27, with awarding of winners of different...

6th ID in central Mindanao has new commander

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte --- A new commander of the Army’s largest division in the country assumed Friday, replacing a predecessor who...

Maranaws hail independent, inclusive, women-led Marawi Compensation Board

COTABATO CITY  – The Government made good its promise to compensate Marawi war victims with a reparation board that is truly independent,...

Cultural solidarity seen in BARMM anniversary festivities 

COTABATO CITY - The celebration of the 4th founding anniversary of the Bangsamoro region was a showcase of the gains of self-governance under...

BARMM releases P21-M to 7 Mercury Drug pharmacy branches for indigent patients

COTABATO CITY—A total of Php21 million has been released to seven (7) branches of Mercury Drug Pharmacy by the Bangsamoro Government’s Ministry of...