Thursday Jun, 20 2024 02:35:11 PM

NDBC BIDA BALITA (12.13.19)

NDBC BALITA • 20:15 PM Fri Dec 13, 2019
1
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 13, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MAGELCO general manager, magbibitiw na umano sa pwesto sa harap ng mga problemang kinakaharap ngayon ng kooperatiba.

2. NPA member na sumuko sa militar, nabigyan ng cash assistance kasabay ng isinagawang Local Serbisyo Caravan ng Provincial Government sa Magpet, North Cotabato

3. Ordinansa na magbibigay ng honorarium sa mga SK Officials aprubado na ng city council ng Koronadal

4. TAGUMPAY ng Philippine team sa 30th SEA Games, hindi umano maaaring maging dahilan para hindi na magkaroon ng imbestigasyon dito, ayon kay Sen. Ping Lacson.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

NAGDESISYON na lamang si Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO General Manager Sultan Ashary Maongco na magbitiw sa pwesto matapos ulanin ng batikos mula sa mga miembro ng Maguindanao Provincial Peace and Order Council o PPOC.

Emosyunal na nagpaalam at nagpasalamat si Maongco sa harap ng mga miembro ng PPOC na pinangungunahan ni Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Kahapon, kabilang kasi sa tinalakay sa PPOC meeting ang power supply sa buong lalawigan at ang perwisyong naidulot ng mahaba at malawakang power outage sa maraming mga bayan sa probinsya.

Kaugnay nito, isa-isang ipinaliwanag ni Maongco ang mga dahilan ng lumalalang problema sa kuryente ng lalawigan at inilatag din nito ang mga ginagawang hakbang para tugunan ang mga ito.

Gayunman, naglabas pa rin ng mga sentimiento ang mga miembro ng PPOC at kinuwestyon ang kakayanan ni Maongco na pamunuan pa ang MAGELCO.

Kaya naman, sinabi ni Maongco na mas mamarapatin na lamang nitong bakantehin ang kanyang pwesto bago matapos ang taong ito.

Samantala, binigyan na lamang ng hanggang May 2020 si Maongco para maayos ang lahat ng problema sa MAGELCO.

Nabatid na nagsilbing CEO at general manager ng LASURECO si Maongco mula taong 2007 hanggang 2014 bago pamunuan ang MAGELCO.

 

-0-

ISINUKO ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao sa militar ang mga armas na nalikum ng mga ito mula sa patuloy na pagpapatupad ng programang balik-baril program ng pamahalaan.

Mismong si Datu Saudi Ampatuan Mayor Edris Sindatok ang nag-turnover kay Lt. Col. Edwin Alburo ng Army’s 57th Infantry Battalion at Cpt. Dominador Tagorda III ng 14th Mechanized Company ng limang high-powered at dalawang low-powered firearms.

Kabilang sa mga isinukong armas ay isang Homemade cal. 50, tatlong 40MM, M79, isang 7.62 MM at M14 rifles, isang 12 gauge shotgun at isang Caliber .45 pistol.

Ang mga naturang armas ay isunuko ng mga pinuno ng pitong mga barangay sa bayan kasabay ng isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting.

Ang naturang mga armas ay nasa pangangalaga ngayon ng Army’s 1st Mechanized Battalion.

 

-0-

 

HANDA NA ang mga pulis at sundalo sa Cotabato city para bigyang seguridad ang mga dadalo sa Misa de Gallo simula December 16 hanggang December 24.

Ayon sa City PNP, maglalagay sila ng mga pulis sa mga lansangan at simbahan ng lungsod para tiyakin ang seguridad ng mga katolikong magsisimbang gabi.

Tutulong din ang Special Forces Battalion sa pagbabantay upang hindi makapaghasik ng kaguluhan ang mga masasamang-loob.

Nabatid na hindi lamang sa kasagsagan ng Misa de Gallo kundi sa buong kapaskuhan at maging sa pagsalubong ng bagong taon maghihigpit ng seguridad ang mga otoridad.

Maaari kasi itong samantalahin ng mga ekstremistang grupo para gumawa ng karahasan kaya’t paalala rin ng pulisya sa publiko na laging maging alerto at makipagtulungan sa mga otoridad sa lahat ng pagkakataon.

Sa kabilang dako naman, kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng pasko at bagong taon, tiniyak ng Cotabato City Grocers Association na hindi sila magtataas ng presyo ng mga Noche Buena products.

Sinabi ni Cotabato City Grocers Association President, Oscar Tan Abing na magiging stable ang presyo ng pasta, hamon, at iba pang mga pagkaing karaniwang inihahanda sa pasko.

Panawagan naman ni Tan Abing sa mga mamamayan ng lungsod, iwasan ang Christmas rush at bumili na ng mas maaaga para hindi gaanong maabala.

 

-0-

 

 

HANDANG HANDA NA ang Cotabato City LGU para sa week-long celebration ng Shariff Kabunsuan Festival simula December 15.

Sinabi ni Executive Secretary to the Mayor Boy Rasalan na kamakalawa ay nagsagawa na sila ng final security briefing para sa nasabing selebrasyon.

Plantsado na rin aniya ang lahat ng mga aktibidad kaugnay ng taunang selebrasyon sa lungsod.

Kaugnay nito, ay ina-anyayahan ni Rasalan ang lahat ng mga mamamayan ng lungsod at maging ng mga karatig na bayan na dumalo, makiisa, makisaya sa okasyon.

Ilan sa mga kaabang-abang na aktibidad sa Shariff Kabunsuan festival ay Guinakit Fluvial Parade, Crab Festival at ang Kuyog Street Dancing.

Samantala, nilinaw naman ni Rasalan na patuloy na iiral ang curfew o discipline hours sa Cotabato city ngayong Disyembre.

 

-0-

 

Sugatan at halos walang malay ng dalhin sa pagamutan ang isang lola matapos na mabangga ito ng taxi sa Santos Street, Barangay RH 6, Cotabato City.

Nakilala ang senior citizen na biktima na si ROSITA RANOGA, 75 yrs old residente ng nabanggit na Barangay.

Base sa kwento ng Taxi Driver na si HAMED MENTANG, bandang alas singko pasado ng hapon kahapon habang namamasada siya nang iwasan umano nitong makasalpukan ang kasalubong na Hilux.

Dahil sa ginawang pag iwas ay dumiretso naman ang kanyang taxi sa lola na saktong patawid sa kalsada kaya nya ito nabangga.

Sa lakas ng pagkaka bundol sa biktima ay tumilapon ito dahilan upang magtamo ng bali at maraming sugat sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Agad naman syang isinugod ng taxi driver sa ospital upang malapatan ng lunas.

 

-0-

 

NPA member na sumuko sa militar, nabigyan ng cash assistance kasabay ng isinagawang Local Serbisyo Caravan ng Provincial Government sa Magpet, North Cotabato

Nagpasalamat ang mga residente ng Barangay Don Panaca sa bayan ng Magpet, North Cotabato dahil isa ang kanilang lugar sa naserbisyuhan ng Lokal Serbisyo Caravan ng Provincial Government kahapon.

Anila, nabigyan na ng katuparan at sagot ang matagal na nilang hiling sa gobyerno tulad ng problema sa daan na nahihirapan ang mga magsasaka at negosyante sa pagluluwas ng kanilang produkto. Nakabenipisyo ang mga mamamayan ng nasabing Barangay sa mga programa mula sa ibat- ibang ahensya ng gobyerno.

Kabilang ang mga buntis na nabigyan ng buntis kit, CLOA program ng Department of Agrarian Reform, pagbibigay ng vocational courses sa mga mag-aaral, DOLE at marami pang iba.

Ang tinig ng ilang mga residente sa lugar. Samantala, kasabay ng aktibidad kahapon na pinangunahan ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ay nabigyan ng tulong pinansyal ang isang NPA member na sumuko sa pamahalaan na kinilalang si alyas Paquito na mula sa lugar.

Aminado naman si Magpet Mayor Florenito Gonzaga na marami pa ring mga rebeldeng grupo sa lugar at panawagan ng militar na bumaba na rin upang mabigyan ng tulong mula gobyerno. Ito na ang huling araw ng ELCAC program ng Provincial Government ngayong 2019 bilang pagtalima sa Executive Order number 70 ni Pangulong Duterte. Nagbigay din ng tuwa ang ibat-ibang mga departmnet heads kahapon para sa mga residente sa pamamagitan ng kanilang pagsayaw at pagkanta kasama ni Governor Catamco.

 

-0-

 

 

Mga magsasaka ng niyog sa North Cotabato, nakatanggap ng libreng patabang asin mula sa Office of the Provincial Agriculturist

Upang mas madagdagan ang produksiyon ng copra ng mga magsasaka ng niyog sa North Cotabato, namahagi ng abot sa 27,000 bags ng Agricultural grade salt bilang fertilizer ang Office of the Provincial Agriculturist kamakailan.

Nasa 13,500 na mga magsasaka ng niyog ang nakatanggap ng libreng patabang asin mula sa ibat-ibang bayan ng probinsya.

Ayon kay Provincial Agriculturist Sustines Balanag, ito ay bahagi naman ng High Value Crops Development program ang Salt Distribution para sa coconut farmers na ipinatutupad ng OPAG Crops Division.

Layon nito na mabigyan ng libreng dekalidad na pataba ng niyog ang mga magsasaka upang madagdagan ang produksiyon ng copra sa lalawigan na may magandang presyo sa kasalukuyan. Inaasahang tataas ang produksiyon ng niyog isang taon pagkatapos ng salt fertilizer application.

Ang Salt Fertilizer Distribution Program ay pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato at to ay ipinatutupad ng OPAG upang mabigyan ng kaukulang 2 sako ng asin ang kada ektarya ng niyogan na naglalayong tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga magniniyog sa lalawigan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Bilang ng mga namatay dahil sa vehicular crash sa buong North Cotabato, abot na sa mahigit 20 nitong nakalipas na tatlong buwan

Dalawampu’t isang kaso ng reckless imprudence resulting to homicide ang naitala ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO mula sa halos 200 na kabuuang insidente ng vehicular crash sa buong North Cotabato nitong nakalipas na tatlong buwan.

Ito ay batay sa datus ng crime statistics mula Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM sa kategorya ng non-index crime mula Setyembre hanggang Nobyembre ngayong taon. Sa nabanngit na kabuuang bilang, 108 dito ay nagresulta sa kaso ng physical injuries habang 65 naman ang damage to property.

Samantala, nangunguna naman ang bayan ng Libungan sa may mataas na kaso ng vehicular crash nitong nakalipas na tatlong buwan na may kabuuang 47 kaso. Sinundan naman ito ng bayan ng Makilala na may 46 at bayan ng Mlang na may 21 kaso.

Ayon pa sa mga otoridad na karamihan sa mag sangkot sa vehicular crash ay mga motorsiklo na kung saan madalas itong nangayayari tuwing gabi o kaya’y madaling araw. Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang mga otoridad na mag doble ingat sa daan upang maiwasang masangkot sa naturang insidente.

 

-0-

 

 

Round 1 ng sabayang patak kontra polio, palalawigin ng Department of Health hanggang ngayong araw sa region 12

Pinalawig hanggang ngayong araw (December 13) ng Department of Health o DOH 12 ang round 1 ng sabayang patak kontra polio sa buong rehiyon.

Ayon kay DOH immunization Manager Dr. Edvir Jane Montaner, ito ay dahil hindi pa nila naabot ang 95 percent na kanilang target ang vaccination mula sa kabuuang bilang ng mga batang may edad limang taong gulang pababa na hindi na nabibigyan ng bakuna kontra polio.

Anya, isa sa mga lugar na kanilang tinututukan ngayon ay ang Cotabato Province na nasa 86. 2 percent pa lamang ang napabakunahan mula sa kabuuang bilang ng mga bata sa probinsya na nagtapos na dapat noong araw ng sabado. Bukod dito marami pa ring mga bayan at barangay sa buong rehiyon ang umabot sa 95 percent na kanilang target dahilan para pinalawig pa ito. Kaugnay nito, umaapela na ngayon ang kagawaran ng kalusugan maging ang LGU officials sa mga magulang na paturukan ang kanilang anak. 

May mga magulang pa rin anya na natatakot magpakuna kontra polio dahil sa isyu na dengvaxia noong nakaraang taon pero paliwanag ng DOH na proteksyon ang ibinibigay nito sa mga bata at walang dapat ikabahala. Payo naman para sa mga magulang na hindi pa napabakunahan kontra polio ay maaring lumapit sa pinakamalapit na health center. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Isa sa mga nasugatan sa sadyang panununog sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, binawian na ng buhay sa ospital kahapon

Binawian ng buhay habang nagpapagaling sa ospital kahapon ang isang lalaki na nasugatan dahil sa insidente ng sunog sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakailan.

Ito ang kinumpirma sa Radyo BIDA ni Municipal Disaster Risk and Reduction o MDRRM head David Don Saure. Nakilala ang nasawi na si Franz Kenneth Dulay Arniego, 26 anyos at nakatira din sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, si Arniego ay nasa loob ng computer shop nang maganap ang unang insidente ng sunog na nagtamo ng sugat dahilan para isugod siya sa pagamutan sa Kabacan at kalauna’y inilipat sa isang ospital sa Davao City at doon na nalagutan ng hininga kahapon dahil sa third degree burn sa kanyang dalawang kamay at first degree burn naman sa kanyang mukha.

Samantala, agad nagbigay ng tulong pinansyal ang Kabacan LGU sa pamilya ng biktima upang makalabas sa ospital at maiuwi ang kanyang mga labi sa bayan. Labis naman ang pagdadalamhati ng pamilya, kaanak at kaibigan ni Arniego sa kanyang sinapit na biktima ng arson o sinadyang panununog sa lugar. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ordinansa na magbibigay ng honorarium sa mga SK Officials aprubado na ng city council ng Koronadal

Mayroon nang ordinansa na magbibigay ng Honorarium sa mga Sangguniang Kabataan o SK officials ang Koronadal City. Ito ay inabprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panglungsod. Ang nasabing ordinansa ay isinulong ni Koronadal City Councilor Anabelle Pingoy.

Ininutos ng ordinansa ang pagbibigay ng 1,500 pesos sa bawat dadaluhang session ng mga SK Kagawad, Secretary at Treasurer. Ito ay nakabase naman sa SK Reform Act. Sa pamamagitan ng ordinansa ay makatatanggap din ang mga SK Officials sa lungsod ng hindi bababa sa 3,000 pesos na hospitalization, medical at death benefits.

Nakasaad din sa ordinansa ang paglalaan ng lokal na pamahalaan ng 4.5 million pesos para sa nasabing benepisyo. Gayunpaman nilinaw ni Pingoy na nakadepende pa rin sa local chief executive ng Koronadal ang pagpapatupad ng nasabing SK Ordinance.

 

-0-

 

Regional Director ng PNP 12 suportado ang termination ng martial law sa Mindanao

Nagpahayag ng suporta sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang palawigan pa ang Martial Law sa Mindanao si PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz.

Ayon kay Corpuz, handa silang ipatupad ang anumang direktiba sa posibleng adjustment may kaugnayan sa pagtatapos ng Martial Law sa December 31.

Sa kabila nito tiniyak ni Corpuz na hindi pa rin dapat maging kampante ang PNP kaya tuloy pa rin ang maigting na kampanya laban sa mga krimen at iligal na droga sa rehiyon.

Ayon kay Corpuz mananatiling nasa full alert status pa rin ang mga police units sa Soccksargen kahit sa pagtatapos ng martial law. Sinabi ni Corpuz na sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa militar at iba pang law enforcement agency pinaigting na ng PNP ang secutity operation sa rehiyon. Ito bago pa man ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao ni Pangulong Duterte dahil sa Marawi siege noong 2017 Matatandaan na tinukoy na dahilan ng PNP 12 sa pagbaba ng crime rate sa rehiyon noong nakaraang buwan ang martial law.

 

-0-

 

Internet Operation Regulatory Board ng Koronadal binalaan ang mga internet café operators na nagpapapasok ng mga menor de edad sa mga oras ng klase.

Pagmumultahin o ipasasara ng lokal na pamahalaan ang mga internet café na mahuhuling nagpapasok ng mga menor de edad sa Koronadal city. Ito ang babala ni Koronadal Information Officer Romar Olivares sa mga may ari at operator ng mga internet café sa lungsod. Ito ay matapos maaktuhan na nagpapasok ng mga menor de edad sa oras ng klase.

Kaugnay ito sa surprised inspection ng mga kasapi ng Internet Operation Regulatory Board o IORB sa mga internet cafe. Ayon kay Olivares na siya ring Vice Chairperson ng IORB ang mga internet café na mahuhuling may menor de edad na customer ng tatlong beses ay babawian ng permit at ipasasara ng lokal na pamahalaan.

Habang ang mga unang beses pa lamang na lumabag sa internet café ordnance ng syudad ay papatawan ng limang araw na suspension at 2,000 pesos na multa. Sa pinakahuling paginspeksyon ng mga kasapi ng IORB, dalawang mga internet café na naaktuhang nagpapasok ng mga menor de edad ang kanilang ipinasara sa Koronadal City.

 

-0-

 

Tricycle driver patay sa pamamaril ng riding tandem na mga salarin sa Polomolok, South Cotabato

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang dalawang mga salarin na bumaril sa isang tricycle driver sa Polomolok, South Cotabato dakong alas syte ng gabi noong Myerkules.

Binaril ang biktimang si Ryan Macabangin alias “Cosme” 39 years old habang minamaneho ang tricycle nito sa national highway, barangay Sulit sa nasabing bayan. Ito ang lumbas sa inisyal na pagsisiyasat ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police, Lieutenant Colonel Marvin Duadua.

Si Macabangin kasama ang limang myembro ng kanyang pamilya ay pauwi na sana sa Barangay Proper, Polomolok nang dikitan ng nakasunod sa kanilang riding tandem suspek at pagbabarilin ng tatlong beses.

Ang nasabing biktima ay agad na binawian ng buhay sanhi ng malubhang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo. Matapos ang krimen ang dalawang mga salarin ay agad na tumakas sakay ng itim na Bajaj motorcycle na walang license plate.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang tatlong basyo ng 45 pistol. Hindi pa batid ng Polomolok PNP kung sino ang dalawang mga salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

Anim na buwang sanggol patay sa pamamaril umano ng ama sa Lake Sebu, South

Binawian ng buhay kaninang medaling araw habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal city ang anim na buwang sanggol na nabaril umano ng sariling ama sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala mismo ng kanyang inang si Shagi Uga ang nasawing biktima na si John Rey Uga, nakatira sa barangay Lamfugon sa nasabing bayan na naubusan ng dugo.

Ayon sa ina umuwi umanong lasing ang mister nitong si Rudy Uga, 32 years old, magsasaka pasado alas kwatro kahapon. Sinabi ni Shagi na habang nanonood ng TV sa kapitbahay pinauwi umano sila ng mister. Nagulat na lamang ang misis nang makitang may hawak na baril ang kanyang mister. Binigyan diin din nito na wala naman silang pinagawayan ng kanyang mister na ayon sa kanya ay madalas naglalasing. Ayon sa nasabing misis, itinutok ng mister ang hawak na armas sa lupa. Ngunit sa kasamaang palad, tinamaan ng bala ng baril sa paa ang kanilang sanggol na noon ay hawak ng nakaupong misis. Ayon kay Shagi patakas itong tumakbo habang karga ang anak at humiling ng tulong para madala sa ospital . Ang tumakas naman na mister na suspek umano sa krimen ay pinaghahanap pa ng mga personnel ng Lake Sebu PNP.

 

-0-

 

Anim katao patay sa vehicular crash sa Tacurong City, Sultan Kudarat

Anim katao ang nasawi sa karambola ng tatlong mga sasakyan madaling araw ngayong Friday the 13th sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Kinumpirma ito ni Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRM Action Officer Boggs Jamorabon.

Sinabi ni Jamorabon na lima sa mga nasawi ay pawang mga sakay ng isang tricyle. Habang ang isang biktima ay maaring sakay ng nagkarerahang umanong Montero vehicle o Hi-lux pick na umaro sa tricyle sa national highway sa nasabing lugar.

Ayon kay Jamorabon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

 

-0-

 

Designated cold examination areas kontra African Swine Fever disease ilalagay ng gobyerno sa mga pantalan sa bansa

Paiigtigin pang lalo ng pamahalaan ang monitoring nito laban sa African Swine Fever o ASF sa pamamagitan ng paglalagay ng designated cold examination areas o DCEA sa mga pantalan sa bansa. Layon nito na masuri ang lahat ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.

Unang ilalagay ang DCEA sa mga daungan ng Maynila, Batangas, Subic, Cebu at Davao. Ang pagtatag ng DCEA ay aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito sa pagkakaharang ng mga otoridad sa pantalan ng Maynila ng mga kontamidong karneng baboy galing China. Kaugnay nito, sinabi ni DA Secretary William Dar na sa pamamagitan ng DCEA ay maiinspeksyon ang lahat na imported agricultural products.

Binigyan diin ni Dar na para maiwasan ang pagpasok muling ASF sa bansa kailangan ang mahigpit na seguridad. Nilinaw ni Dar na sa ngayon ay ligtas at walang dapat ipangamba ang mga mamamayan sa mga karneng baboy sa bansa.

 

 

 

 

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...

Extensive probe on Lamitan City gas station bombing sought

COTABATO CITY - Residents urged for a deep probe on Tuesday night’s bombing of a fuel station in Lamitan City, convinced it was not a terror attack,...