Monday Oct, 03 2022 11:46:39 PM

NDBC BIDA BALITA (2.25.19)

NDBC BALITA • 20:00 PM Mon Feb 25, 2019
987
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST FEBRUARY 25, 2019 (MON) 7and00 AM HEADLINESand 1. TURNOVER sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, gaganapin na bukas sa Cotabato city. 2. SUNDALONG pamangkin ng DXMS AM Radyo Bida reporter, patay matapos maaksidente sa Mlang, North Cotabato 3. 15 drug offenders, isinasailalim sa rehabilitasyon sa Balay Silangan Reformatory Center sa Malungon, Sarangani 4. STL attendant patay sa pamamaril sa Polomolok, South Cotabato ISASAGAWA na bukas, February 26, ang official transition ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM mula sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. Sinabi ni BARMM interim Chief Minister Al Hajj Murad Ebrahim na gagawin naman ngayong araw ang official turnover of powers sa Bangsamoro Transition Authority o BTA. Si Ebrahim ang mangunguna sa 80 mga miembro ng BTA na una ng nanumpa sa Malacañang nitong Biyernes, February 22. Ang BTA ang pansamantalang mamamahala sa BARMM na papalit sa ARMM matapos maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law. Nabatid na kumpara sa ARMM, ang BARMM ay may mas malawak na land at water jurisdiction, fiscal autonomy, pinalaking share sa national government resources, at iba pa. Samantala, nilinaw naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez na 12 mga miembro ng Moro National Liberation Front o MNLF at hindi lima lamang ang naitalaga sa BTA. Ayon kay Galvez, ginawa niya ang paglilinaw matapos umanong madismaya si Bangsamoro People’s National Congress of MNLF Speaker Datu Ali Montaha Babao dahil kokonti lamang umano ang MNLF representatives sa BTA. INATASAN NA ni Pangulong Duterte sina Presidential Adviser on the Peace Process secretary Carlito Galvez at dating congressman Gerry Salapuddin para simulan na ang pakikipag-usap kay Moro National Liberation Front MNLF founding-chair Nur Misuari. Sinabi ni Galvez na uumpisahan nila ang pakikipag-usap kay Misuari sa pamamagitan ni Peace Adviser undersecretary Nabil Tan sa susunod na linggo. Tiwala naman si Galvez na may magandang pundasyon ang pamahalaan at MNLF dahil sa Bangsamoro Organic Law o BOL. Sa ngayon, hindi pa matiyak ni Galvez kung aalukin din ni Pangulong Duterte si Misuari ng sariling Bangsamoro region. Samantala, tiniyak naman ni Galvez na hindi mauuwi sa kaguluhan ang pagkadismaya ng MNLF sa komposisyon ng BTA. Ayon kay Galvez, personal siyang makikipag usap sa mga kinatawan ng MNLF ngayong araw sa Cotabato city kasabay ng official turnover of power sa BTA. Inaasahan aniyang magkakaroon ng transition bukas, February 26 sa pagitan ng mga opisyal ng ARMM at BARMM caretakers. ARESTADO ang alkalde ng Datu Salibo, Maguindanao dahil sa kinakaharap nitong kasong kasong Multiple Murder with Multiple Frustrated Murder. Nabatid na ang nadakip na suspek na si mayor Norodin Salasal ay nasa Narco-list din ni Pangulong Duterte. Hinuli ang alkalde sa bisa ng warrant of arrest with criminal case # 2004-701 na inisyo ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC 12th Judicial Region Branch 13 sa Cotabato City. Pababa pa lamang si Salasal sa eroplano galing ng Maynila at pauwi sana ng Maguindanao nang inaresto siya ng mga pulis sa Cotabato-Awang Aiport. Hindi naman pumalag si Salasal at kusang sumama sa mga otoridad. Large Scale Mechanized Central Material Recovery Facility na kauna unahan sa bansa, inilunsad ng DENR sa General Santos City Matatagpuan ang kauna unahang large scale mechanized Central Material Recovery o CMRF sa bansa sa Integrated Ecological Solid Waste Facility sa Barangay Sinawal, General Santos City. Ang nasabing pasilidad ay mayroong waste conveyor at segregator, compartment para sa mga pinaghihiwalay na basura, plastic shredder, bottle crusher, cement at plastic mixer, biodegradable granulator, gantry mixer, at separator machine. Mayroon din itong kapasidad na limang tonelada kada oras.Nanguna sa pagpapasinaya nito si Department of Environment and Natural Resources, Assisstant Secretary for Field Operations in Western Mindanao Jim Sampulna kasama ang mga opisyal ng ahensya sa region 12.Ayon kay Sampulna malaking hamon sa lumulubong populasyon ngayon ang solid waste management kaya mahalaga ang CMRF.Habang ipinahayag naman ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera na tugon ang CMRF sa problema sa pagsunog ng basura at solid waste management. Ipinahayag ni Rivera na makatutulong ang CMRF sa kapaligiran, makakabuti sa kalusugan at pamumuhay ng mga mamamayan ng Gensan. Naninwala naman si DENR 12 Regional Executive Director Nilo Tamoria na sa pamamagitan ng CMRF ay mapanatiling malinis ang Sarangani Bay upang hindi matulad sa Manila Bay. Nangako din si Tamoria at iba pang opisyal ng DENR ng suporta sa Gensan LGU para matiyak ang tagumpay ng nasabing proyekto. Ang 780,000 US DOllar na CMRF sa Gensan ay pinondohan ng Global Enviroment Facility o GEF at ipinatutupad ng DENR at United Nations Industrial Development Organization o UNIDO. 15 drug offenders, isinasailalim sa rehabilitasyon sa Balay Silangan Reformatory Center sa Malungon, Sarangani Province. Nananatili ng tatlong buwan sa Balay Silangan Reformatory Centers sa Malungon, Sarangani Province ang 15 mga drug offender na nakinabang sa plea bargaining agreement. Ang mga ito ay kabilang sa ikalawang batch ng mga sumukong drug personalities na sasailalim sa drug rehabilitation sa nasabing pasilidad. Saklaw ng programa ang pagsailalim sa mga drug surrenderee sa health awareness education, psychological,spiritual at physical activities, counselling, moral recovery at values formation. Ito ay ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan. Ayon kay Duquiatan ang Balay Silangan sa Malungon ay kauna unahan sa g bansa. Ang 20 unang batch ng mga drug personalities na pumasok dito ay nakalabas Oktobre noong nakaraang taon. Ayon kay Duquiatan, lima sa mga ito ay may trabaho na sa mga pribadong kompanya, lima ang nagsanay para maging CAFGU habang ang iba naman ay bumalik sa pagsasaka. STL Attendant patay sa pamamaril sa Polomolok, South Cotabato Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Samuel Cadungon ang biktima na si Edmar Perater 32, anyos , STL Attendant at nakatira sa Purok Sta, Cruz, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato. Habang tumatanggap ng bet money sa isang kliyente isang suspek ang lumapit at binaril ang biktimang si Perater sa STL outlet sa harap ng kanilang bahay. Ito ang lumabas sa inisyal na pagisisiyasat ng mga puli. Si Perater ay dinala ng kanyang mga kaanak sa Howard Hubbard Hospital sa Polomolok, kung saan siya idineklarang dead on arrival. Ito ay matapos magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo. Narekober ng mga pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng 45 pistol. Matapos mabaril ang biktima ang salarin ay agad na tumakas sakay ng asul na Honda XRM motorcycle na walang license plate. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang bumaril at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima. Community Sectoral Division Chief ng Provincial Social Welfare and Development Office ng South Cotabato may panawagan sa mga magulang ng mga batang may disabilities. Dalhin ang kanilang mga aanak na may mga kapansanan sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO para matulungan. Ito ang panawagan ni PSWDO Community Sectoral Division Chief Genelene Vidanes sa mga magulang ng children with disabilities sa South Cotabato. Umapela din si Vidanes sa publiko na tulungan sila sa paghahanap ng mga may disabilities lalong lalo na ng mga bata para mabigyan ng libreng konsultasyon. Ginagawa ito ng PSWDO sa tulong ng Tebow CURE Hospital sa Davao City.Sinabi ni Vidanes na maaring makinabang sa tulong ng nasabing ospital ang mga nagtataglay ng clubfoot, bowed legs, bone deformities, cleft lip at palate at maging ang mga paso na hindi pa nagagamot. Ayon kay Vidanes nais nilang matulungan ang lahat ng mga bata sa lalawigan kaya kailangan nila ang tulong ng publiko para ma-trace ang mga ito. Sinabi ni Vidanes na maaring makipagugnayan sa PSWDO ang mga may alam na children with disabilities sa pamamagitan ng official facebook page ng provincial government ng South Cotabato. Mga makinarya at farm inputs napakinabangan ng isang kolehiyo at mga magsasaka sa Arakan, North Cotabato Nagbigay ng mahigit 8.6 million pesos na farm inputs at makinarya ang Department of Agriculture o DA region 12 sa Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST at mga magsasaka sa Arakan, North Cotabato. Ito ay bilang pagpapatupad sa Special Area for Agricultural Development o SAAD Program ng DA. Nanguna sa pamimigay ng nasabing tulong si National SAAD Coordinator Marvin Segovia. Hiniling ni Segovia sa mga magsasaka sa lugar na hikayatin ang kanilang mga anak na pasukin ang agrikultra. Ayon naman kay CFCST Vice President for Research and Development and Extension Dr. Onofre Corpuz, makatutulong ang mga farm inputs at makinarya na bigay ng DA para mapataas ang produksyon ng upland rice sa lugar. Ito ay bukod pa sa pagpapaigting ng mga technical courses ng nasabing kolehiyo. Mental Health Mission, isinagawa sa Provincial Capitol, Amas Kidapawan City Abot sa 450 katao ang naging benepisyaryo ng dalawang araw na mental health mission 2019 na ginanap sa provincial gymnasium, Amas Kidapawan City. Ayon kay Integrated Provincial Health Health Office Chief, P5 milyung piso ang halaga ng pinundo ng provincial government para sa nasabing programa Layun nito na mapasailalim sa pangggamot ang may mga deperensiya sa pag iisip. Malaking tulong din aniya ito para sa mga mahihirap at hindi kayang maipagamot ang miyembro ng pamilya o kamag-anak na may kahalintulad na sakit. Mismo ang lokal na pamahalaan sa probinsya ng Cotabato ang naglaan ng pondo para sa gamot sa pangmatagalang suporta sa kanilang medisina. Sinabi naman ni Cotabato Governor Emmylou Taliño- Mendoza, ipagpapatuloy ang adbokasiya ng Serbisyong Totoo at ibat-ba pang programa para sa mga mamamayan ng Cotabato. Nagpasalamat naman ang maraming benepisyaryo sa mental health mission na pinangunahan ng Provincail Government at sa pakikipagtulungan ng Philippine Mmental health Association, Cebu Chapter. Drug suspek, huli sa isinagawang operasyon ng PNP sa Kidapawan City Kinilala ang naarsto na si Arvin Ranario Leong alyas Syoti, 46 years old may asawa at nakatira sa Talisay St. Poblacion, Kidapawan City. Isinagawa ng City PNP at PDEA 12 ang operasyon sa nasabing lugar,madaling araw nitong sabado. Bitbit ng Kidapawan City PNP ang search warrant na permado ni Judge Arvin Sadiri Balagot ng RTC branch 17 laban sa suspek na nakuhanan ng 11 sachets ng pinaghihinalaang shabu. Si Leong ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002. Samantala, nakatakas naman ang isa pang target ng operasyon na kinilalang si Mads Gampong Masla, 38 anyos at nakatira sa nasabing lugar. Narekober sa bahay nito ang apat na mga pakete ng suspected shabu na patuloy namang tinutugis ng pulisya. Sa ngayon, temporaryong nakapiit na ang suspek sa lock up cell ng Kidapawan City PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Babae, kritikal matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa Pikit, North Cotabato Kritikal ang isang babae, matapos na pagbabarilin ng di pa kilalalang suspek sa Brgy. Ginatilan Pikit, North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Francisca Dela Cerna, 50 anyos, balo at nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa ulat ng Pikit PNP, pinagbabaril ng riding in tandem suspek ang biktima habang nakatayo lang sa nasabing lugar. Ang suspek ay agad tumakas patungong liblib na lugar ng bayan Pikit. Mabilis namang naisugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa agarang medikasyon nito. Sa ngayon, blangko pa ang PNP sa motibo ng mga suspek sa pagbaril sa nasabing biktima. Patuloy namang ginagamot ang biktima sa isang ospital sa Pikit, North Cotabato. Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing pamamamaril. Karpintero, patay matapos makuryente sa Digos City Patay ang isang 38 anyos na karpintero matapos na makuryente sa Disgos City. Kinilala ang biktima na si Alexander Munsad Artiaga, may asawa at nakatira sa Purok Sadipa Extension Brgy. Tukson Digos City. Nangyari ang insidente pasado alas 6 ng gabi nitong sabado sa Purok Roxas barangay Tiguman ng nasabing lungsod. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakuryente ang biktima habang nag-ooperate Electric Sander sa rooftop sa kanilang ginagawang bahay ni alyas Totong Lagare Purok Rosas, Brgy. Tiguman, Digos City. Bigla umanong nanginig ang biktima hanggang sa mahulog ito. Mabilis namang isinugod si Artiaga sa pinakamalapit na ospital pero ideneklarang patay ng mga attending physician. Sa ngayon inaalam pa ang dahilan ng pagkakuryente ng nasabing biktima. NDBC BIDA BALITA Sundalo, patay matapos maaksidente sa Mlang, North Cotabato Kakulangan sa early warning devices sa ginagawang daan ang nakikitang dahilan ngayon kung bakit naaksidente ang isang sundalo sa Barangay Bagontapay Mlang, North Cotabato kagabi. Kinilala ang biktima na si Private First Class Marlou Torino, 22 anyos na nakatira sa Midsayap sa Probinsya ng Cotabato. Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo para magpa load lang umano pero pagdating sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi nito napansin ang mga gamit pang kontruksyon hanggang sa natusok ang kanyang tiyan ng isang bakal. Walang mga ilaw maging mga early warning devices ang ginagawang daan kaya hindi agad napansin ng biktima ang naka usling bakal. Hindi naman umano lasing ang nasabing biktima. Si Torino ay mag-iisang taon palang sa serbisyo ngayong darating na Marso. Sa ngayon ay nasa isang punerarya na sa bayan ng Mlang ang bangkay ng biktima. NATIONAL...POSIBLENG MAGPATUPAD ang Department of Education o DepEd ng No vaccination, no enrollment policy sa mga pampublikong paaralan, kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng tigdas na naitatala sa bansa. Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ipinanukala sa kanila ng Department of Health na magpatupad ng nasabing polisiya dahil sa outbreak ng tigdas. Ayon kay Briones, sakali maipatupad ang naturang polisiya ay magbibigay sila ng consent form at evaluation form, na magka- categorize sa mga mag-aaral bilang vaccinated, doubtful, at not vaccinated. Kailangan ding beripikahin aniya ang school records at vaccination cards mangalap at magbahagi ng mga data sa bilang ng mga batang naapektuhan na ng tigdas makipag-ugnayan sa mga health center staff sa mga mag-aaral na absent at sa mga magulang na hindi nagbigay ng consent sa pagbabakuna.

 
 
 

8 cops get merit medal from PRO-12

GEN. SANTOS CITY – As a result of the exemplary and efficient performance to duty, eight police personnel of PRO 12 were conferred with medals during...

No bakuna vs. COVID, no LET exam in Kidapawan

KIDAPAWAN CITY - "Umalis ng bahay dala ang pangarap pero umuwing bigo." Isa lang yan sa pahayag ng nasa higit 30 mga examinees ng Licensure...

2 kids dead, 3 hurt in machete attack; culprit killed too

COTABATO CITY - A mentally-challenged man killed his son and niece, both pre-school children, and wounded three more in a machete attack in...

Higit P1.6 million na halaga ng illegally cut woods, nakumpiska sa Barira Maguindanao.

COTABATO CITY - Abot sa 20,748 board feet ng iba't ibang dimensions ng mga red at white Lauan lumbers ang nakumpiska ng Marine Battalion Landing Team...

DALAWANG TAGA South Cotabato at isang taga Maguindanao, kabilang sa 433 kataong nanalo ng lotto 6/55 jackpot prize

DALAWANG TAGA SOUTH COTABATO at isang taga Maguindanao, ang kabilang sa 433 kataong nanalo sa October 1 Grand Lotto 6/55 draw. Ang lotto jackpot...