Thursday May, 26 2022 12:34:40 PM

NDBC BIDA BALITA (3.12.19)

NDBC BALITA • 21:30 PM Tue Mar 12, 2019
1,203
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MARCH 12, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. LIMANG mga miembro ng BIFF, sugatan sa patuloy na opensiba ng militar sa Maguindanao; BIFF leader Abu Toraife, posibleng sugatan na rin, ayon sa militar.

2. Task Force El Niño, binuong muli sa South Cotabato bilang paghahanda sa posibleng matinding epekto ng tagtuyo’t sa lalawigan.

3. Kidapawan city tourism officer, umapela sa publiko na tangkilin ang iba pang tourist destinations ng lungsod kasunod ng pansamantalang pagsasara ng Mt. Apo

-0-

LIMANG MGA MIEMBRO umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasawi sa inilunsad na airstrike ng militar sa liblib na lugar ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Karim Binua, Munir Masdal, Ganih Lantih, Bukhari Samad at Sanday Musib, mga tauhan umano ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Sa report ng army’s 6th Infantry Division, binomba ng dalawang FA-50 Light Combat Aircraft at dalawang MG-520 Attach Helicopters ng Philippine Air Force ang kuta ng BIFF sa naturang lugar.

Tumulong rin ang Field Artillery Battalion na nagpasabog 105 mm Howitzers Cannon sa posisyon ng BIFF. Sinasabing umaabot naman umano sa isang libong mga sibilyan ang lumikas mula sa lugar dahil sa takot na maipit sa kaguluhan.

Umatras naman ang mga terorista at nagtago sa Liguasan marsh na target ngayon ng opensiba ng Joint Task Force Central Mindanao.

Sa intelligence report na natanggap ng 6th ID, maliban sa mga nasawi ay marami pang mga miembro ng BIFF ang sugatan sa naturang pag-atake.

Posible rin umanong kasama sa mga nasugatan ang kanilang lider na si kumander Abu Toraife.

-0-

NAGDIWANG kahapon ng kanyang ika-80 kaarawan si Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo.
Ito rin ang hudyat na hindi na maaari pang bomoto si Quevedo sa “papal conclave” na pumili ng susunod na pinuno ng buong simbahang katoliko.

Tanging si Cardinal Tagle na lamang ang natitirang kinatawan ng Pilipinas sa papal conclave. Si Quevedo ang ikawalong Pinoy na naging kardinal sa kasaysayan ng simbahan at kauna-unahan na mula sa Mindanao.

Siya rin ang Catholic church leader na nakiisa sa pagsusulong ng Bangsamoro Organic Law o BOL na nagtatag ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ginawang cardinal ni Pope Francis si Quevedo noong 2014. November 2018 naman nang tinanggap ng pontiff ang resignation ni Quevedo bilang archbishop of Cotabato at siya ay pinalitan ni Archbishop Angelito Lampon.

Nabatid na bukod kay Cardinal Quevedo, ilan pang mga kardinal ang mag o-otsienta anyos na ngayong taon gaya nina Cardinal Edwin O'Brien ng United States at Poland's Cardinal Stanislaw Dziwisz.

Sa ngayon, mayroon na lamang tatlong mga buhay na kardinal sa Pilipinas; sina Quevedo, Tagle at Manila Archbishop-emeritus Gaudencio Cardinal Rosales.

-0-

PATAY ang habal-habal driver matapos siyang barilin at pagnakawan ng dalawang di pa nakikilalang mga suspek na nagpanggap na mga pasahero sa Banisilan, North Cotabato.

Nakilala ang napatay na biktima na si Ernie “Bobong” Nicor, 40 years old at taga Barangay Bao, Alamada. Sa inisyal na report ng Banisilan PNP, pasado alas dos kamakalawa nang sumakay ang dalawang mga suspek kay Nicor mula sa Libungan at nagpahatid sa Barangay Salama, Banisilan.

Ngunit pagsapit sa Sitio Kodon ng nabanggit na barangay ay bigla na lamang pumara ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Tinangay ng mga suspek ang kita ng biktima at ang kulay itim na Badja Motorcycle nito. Naiwan namang nakahandusay sa daan si Nicor hanggang sa matagpuan ng mga bypasser na wala ng buhay mag aalas kwatro ng hapon.

Sa follow up investigation ng mga otoridad, sinasabing hindi mga taga-North Cotabato ang mga suspek na pumatay at nang holdup sa biktima.

-0-

KALABOSO ang isang suspected holdaper matapos na mambiktima ng isang guro sa bahagi ng Barangay Poblacion 6, Cotabato City pasado ala una ng hapon kahapon.

Nakilala ang suspek na si BEN MAMISON BAJUNAID, 33 years old, may asawa, at taga Lugay Lugay Street, Barangay Bagua Uno, ng lungsod.

Sa report ng City PNP, bigla na lamang umanong tinutukan ng baril ng suspek ang biktima na si ANSARI MINAO BANGON, 21 years old, taga Barangay Poblacion Dos, Parang, Maguindanao at nagdeklara ng hold up sabay tangay sa kanyang laptop at motorsiklo.

Matapos ang insidente mabilis na nagtungo sa Police Station 1 ang biktima upang isumbong ang pangyayari. Kaagad namang nag-responde ang mga pulis sa lugar kaya inabutan pa nila ang suspek at nadakip.

Nabawi mula sa suspek ang mga tinangay nitong gamit at nakuhanan din siya ng isang improvised hand gun na may bala at isang glass tooter.

-0-

MULING ITINANGHAL NA CHAMPION si Uztadz Numan Pimbayabaya ng Barira, Maguindanao sa male category ng 45th National Quran Reading Competition na ginanap sa UP Bahay Alumni sa UP Diliman, Quezon City kahapon.

Ito na ang pang-limang championship title na napanalunan ni Uztadz Pimbayabaya sa nakalipas na pitong taon niyang pagsali sa national competition. Second place naman si Uztadz Kamaruddin Zaidon ng BARMM at third place si Ustadz Saidi Saiduna ng Soccsksargen.

Ang 35-taong gulang na si Uztadz Pimbayabaya ay siyang official representative ng Pilipinas sa International Quran Reading Assembly (IQRA) na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na buwan.

Ayon kay Uztadz Pimbayabaya, palagi siyang nagbabasa ng Quran, nagpapaturo sa ibat ibang Quran reading trainor, panay ang praktis at nanonood ng international Quran reading competition sa pamamagitan ng Youtube.

Ito ang pangatlong pagsali ni Uztadz Pimbayabaya o mas kilala sa tawag na Uztads Numan, sa international competition.

Siya ay nag-champion sa international Quran reading contest sa Tripoli, Libya noong 2007.

At nag-champion din sa Malakka, Malaysia noong 2010 at 4th placer sa IQRA sa Indonesia noong 2014 at 3rd place. Si Uztads Numan ay nagtuturo ng Quran reading subjects sa Sitio Timbangan, Sarmiento, Parang, Maguindanao at Barangay Tapayan, Sultan Mastura, Maguindanao.

Samantala, sa female category, champion si Uztadza Rahima P. Amerol ng Northern Mindanao at second place si Uztadsa Jamila Saracan ng Lanao del Norte at third place si Uztads Raihana Ambangala, na champion noong nakaraang taon.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng cash prize at trophies.

-0-

Monitoring sa mga bayolasyon ng mga internet cafe operators, pinaiigting ng Internet Operations Regulator Board sa Koronadal City

Pinagmulta ng Internet Regulatory Board o IORB bilang kabahagi ng kanilang pinaigting na monitoring ang labinisang internet cafe sa Koronadal City. Ang mga ito ay kabilang sa 25 pinakahuling inspeksyon ng IORB .

Ayon kay City Information Officer at IORB Vice Chair Wilyn Joy Manlabao, kabilang sa mga naging bayolasyon ng mga pinagmultang internet cafe ang kawalan ng business permit,at sinages.

Mayroon ding mga nahuling nagpapasok ng mga menor de edad kahit na sa mga oras ng klase na mariin namang ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan. Paalala ni Manlabao sa mga internet cafe operators na mahuhuling lumabag sa internet cafe ordinance ng syudad, maaring pagmultahin ang mga ito ng mula 2000 hanggang 5,000 pesos.

Maari ring bawiin ng lokal na pamahalaan ang business permit ng mga ito. Ang mga bata na maaktuhang sa mga internet shop sa oras ng klase ay binibigay naman ng IORB Team sa kanilang mga eskwelahan o magulang.

-00

Bureau of Fire Protection 12, nangangailangan ng dagdag na mga volunteer sa mga barangay

Makikipagugnayan sa mga Barangay ang Bureau of Fire Protection o BFP 12 para hikayatin ang mga ito na magtatag ng kanilang volunteer fire brigades.

Ayon kay BFP 12 Regional Director, Fire Chief Superintendent, Louie Puracan, kailangan nila na magtatag ng fire-brigades at magsanay ng mga fire volunteer sa mga barangay.

Dinagdag ni Puracan na maliban sa firefighting, ang mga fire volunteer ay sasanayin din ng BFP sa basic first aid.

Ipinahayag nito na isinusulong din ng BFP ang pagkakaroon ng mga local companies at commercial establishements ng sariling volunteer fire brigades.

Ayon kay Puracan ngayong Fire Prevention Month, tutungo sa mga barangay at iikot sa mga bahay ang mga personnel ng BFP. Layunin nito na maituro sa bawat tahanan ang mga dapat gawin para makaiwas sa sunog at peligrong maaring dala ng El Nino Phenomenon.

-0-

Magsasaka natagpuang patay sa Banga, South Cotabato

Kinilala ni Banga Chief of Police, Police Senior Inspector Joseph Villanueva ang biktima na si Hani Aquillo, binata, 51 anyos, magsasaka at nakatira sa Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato.

Ang wala nang buhay na katawan ni Aquillo ay natagpuan ng napadaang mga mamamayan sa kanal sa Purok Sampaguita, Barangay Malaya, Banga. Hinala ni Villanueva, ang biktima ay maaring binawian ng buhay gabi pa noong Linggo at natagpuan na lamang ng mga mamamayan kinaumagahan.

Ipinahayag din ng police official na dahil sa kalasingan, maaring nadulas at nahulog sa sementadong kanal sa likod ng Barangay Hall ang biktima nang magtangka itong tumawid.

Ayon sa police official posibleng tumama sa semento at nabagok ang sugatang ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Gayunpaman nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. Ito ay matapos mabatid na nanalo umano ng mahigit P40,000 sa sabong sa pyesta ng barangay Malaya ang biktimang si Aquillo bago natagpuan ang kanyang bangkay.

-0-

Presidente ng kooperatiba ng mga magsasaka na tumanggap ng inseintibo mula sa lokal na pamahalaan nanawagan sa kapwa magsasaka sa Koronadal na magpatupad ng organic farming

Umapela si National Agri Ventures Producers Cooperative o NATCO Chairman Jaime Abao sa kapwa mga magsasa sa Koronadal City na magpatupad ng organic farming.

Ipinahayag ito ni Abao matapos makatanggap ng mahigit 11 thousand pesos na insentibo bilang organic farmer mula sa lokal na pamahaan.

Ayon kay Abao ang pagpapahalaga sa kalusugan ang nagtulak sa kanya para igatuguyod ang organic farming dahil natitiyak siyang ligtas sa anumang chemical ang kanyang mga kinakain.

Si Abao na barangay Kagawad din ng Topland sa Koronadal ay apat na taong nang organic rice farmer sa syudad. Maliban kay Bagao tatlo pang mga organic farmers mula Barangay Namnama sa Koronadal ang nabigyan ng insentibo ng lokal na pamahalaan.

Ang mga ito ay sina Joey damo na mabigyan ng mahigit 10 thousand pesos, Ismael Damo na tumanggap ng mahigit 18 thousand pesos at Megildo Aguinaldo na nabigyan ng may 11 thousand pesos.

Tumanggap naman ng mahigit 4 thousand pesos cash incentive ang organic vegetable farmer na si Romeo Jison. Mabibili ang organic rice sa organic mart sa lumang city hall na sinuspinde ang pagbebenta ng organic na gulay dahil sa pinangangambahang El Nino Phenomenon.

-0-

Task Force El Nino, binuo muli ng pamahalaang panlalawigan bilang pahahanda sa posibleng epekto ng mahabang tagtuyo’t sa South Cotabato

Ni-reactivate na ng pamahalaang panlalaiwgan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng dry spell ang Task Force El Nino ng South Cotabato. Kinumpirma ito ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mila Lorca.

Sinabi ni Lorca na tinalakay sa pagpupulong ng mga myembro ng nasabing task force ang mga posibleng gawin sakali mang lumala ang dry spell sa lalawigan. Nilinaw naman ni Lorca na base sa report na kanilang nataggap, bayan pa lamang ng Surallah ang nakararanas ng epekto ng dry spell.

Ayon kay Lorca myembro ng El Nino Task Force na kanyang pinamumunuan ang mga kinatawan ng Provincial Engineering Office, Agriculture office at Provincial Health office.

Sa Koronadal City, nilinaw naman ni City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano na manageable pa ang epekto ng dry spell sa mga magsasaka ang dry spell ng syudad.

Sa katunayan ayon kay Urbano, nakakapag-supply pa ng tubig sa mga sakahan ang mga ilog sa Koronadal City. Gayunpaman, ayon kay Urbano,mayroon nang contingency plan ang lokal na pamahalaan sakali mang lumala ang epekto ng taginit sa syudad.

-0-

Mga barangay officials na may ini-endorso na mga pulitiko, maaaring kasuhan ayon sa DILG

Maaring kasuhan ang isang barangay official kung mapapatunayang may iniendorsong mga pulitiko. Ito ay ayon kay Department of Interior and Local Government Provincial Director Ali Abdullah sa naging panayam ng Radyo-Bida.

Sinabi ni Abdullah, ang mga barangay chairman maging ang mga barangay kagawad ay non-partisan o walang partido na sinusuportahan. Pero giit nito, maari parin silang magsalita o magbigay ng kanilang sariling opinion.

Samantala, walang ding kapangyarian ang mga local officials mula sa gobernador at alkalde na magtanggal ng barangay chairman o barangay kagawad.

Nilinaw ni Abdullah na maging ang DILG ay wala ding kapangyarian na magtanggal sa isang posisyon at tanging korte lamang ang makakapagdesisyon kung mapapatunayan. Ito matapos makatanggap ng reklamo ang himpilan ng DXND-Radyo Bida dahil di-umano sa pagsuporta ng isang barangay chairman sa tatakbong pulitiko sa North Cotabato.

Dagdag pa ni Abdullah kung may mga kahalintulad man na reklamo ay maaring pumunta lamang sa tanggapan ng DILG upang mabigyan ito ng karampatang aksyon. NDBC BIDA BALITA

-0-
Magkasintahan, sugatan sa road crash sa Makilala, North Cotabato

Sugatan ang magkasintahan matapos na masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Sitio Bagong Silang, Poblacion, Makilala, North Cotabato. Kinilala ang mga biktima na sina Saniboy Sumoda, 23-anyos at nakatira sa Purok mansanitas, barangay Malasila at ang kasintahan nito na nakilalang si Shikera Madut, 21-anyos, taga Luayon ng nasabing bayan.

Naganap ang aksidente mag aalas-8:00 ng umaga nitong Sabado. Ayon sa ulat ni SPO1 Xerxes Anthony Fiel, ang traffic investigator ng Makilala PNP, galing sa bayan ng Luayon ang mga biktima sakay ng raider na motorsiklo at sinusundan ito ng isa pang motorsiklo na XRM naman minamaneho ni Danny Cutay, 35 anyos.

Bigla umanong nag U-turn ang XRM na sinusundan ng magkasintahan dahilan na nagkasalpukan ang dalawang mga motorisiklo. Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malulubhang sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan ang magkasintahan kung saan napuruhan sa nasabing aksidente si Sumoda n siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Mabilis namang isinugod ospital ang mga biktima at kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Davao City Sinabi ni Charita Sumoda, ang tiyahin ng biktima na inoperahan sa tiyan ang kanyang pamangkin at ngayo’y nasa maayos na ang kalagayan. Nakatakda na sanang babalik sa abroad ang biktima sa susunod na linggo. NDBC BIDA BALITA

-0-
Senior citizen, patay sa pamamaril sa Davao Del Sur

Patay ang isang lalaki na senior citizen matapos na barilin ng di pa kilalang suspek sa Purok 6, barangay Southern Panigi Padada Davao Del Sur. Kinilala ang biktima na si Felix Camarinos Rabillum, 60 years old, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Nangyari ang pamamaril habang nakaupo ang biktima sa bahay ng kanilang kapit-bahay alas 9:00 ng umaga nitong sabado.

Ayon sa PNP, hinihintay lang ni Rabillum ang kanyang anak upang ipagamot ang karamdaman nito sa Digos City, pero sa walang rason ay binaril ito ng gunman na lulan ng motorsiklo gamit ang caliber 45 pistol. Naisugod pa ang biktima sa ospital pero edeneklara na itong dead on arrival ng mga doctor.

Sa ulo ang tama ng bala na siyang agad namang ikinamatay ng biktima. Di pa malaman sa ngayon kung ano ang motibo ng mga resposable sa nasabing pamamaril. NDBC BIDA BALITA

-0-
Magsasaka, patay sa pananaksak sa Matalam, North Cotabato Patay ang isang magsasaka matapos na pagsasaksakin sa barangay Estado Matalam, Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Siriako Casya Rebuta, 35 anyos at nakatira sa Purok 5 ng nasabing barangay.

Sa panayam ngayong umaga kay Matalam PNP Chief, Police Chief Inspector Bryan Placer, sinabi nitong inabangan ng mga suspek ang biktima na pauwi na sana galing ng sayawan sa lugar.

Nangyari ang pananaksak kahapon ng madaling araw. Patay on the spot ang biktima dahil sa maraming sugat na natamo nito sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan. Mabilis namang tumakas ang mga suspek at iniwang duguan si Rebuta.

Dagdag pa ni Placer, posibleng kakilala lamang ng biktima ang nanaksak at pumatay sa kanya. Sa ngayon, blangko pa ang PNP sa motibo ng mga di pa kilalang suspek sa pagpatay sa nasabing biktima. NDBC BIDA BALITA
-0-

Dalawang daan na mga buntis sa Kidapawan City, nabigyan ng libreng serbisyo sa Buntis Caravan ng City LGU

Umabot sa dalawang daang mga buntis ang nabigyan ng libreng maternity check-up sa Barangay Magsaysay Kidapawan City.

Katuwang ng City LGU sa nasabing programa ang With Love Jan Foundation Incorporated sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.

Isinagawa ang libreng konsultasyon sa ilalim ng Buntis Caravan program ng Department of Health na naglalayung maging ligtas para sa mga ina at sanggol ang pagdadalantao at panganganak.

Nagbigay din ng lecture hinggil sa tamang pagbunbuntis ang mga empleyado ng City Health Office bago pa ang maternity check-up.

Nabigyan ng libreng maternity services ang mga buntis tulad ng Ultrasound, Blood Extraction, Urinalysis, Laboratory, Dental Services at Pre-natal check-ups. May libre din na personal at hygiene kits kagaya ng disinfectant, diapers, toothpaste at iba pa sa mga benepisyaryo na mula pa barangay Magsaysay, Kalaisan, Singao, Balindog, Macebolig, Sumbac, Junction at Amazion.

Muli namang ipinaalala ng mga local health services provider sa mga ina na panatilihin ang tamang nutrisyon upang maiwasan ang mga komplikasyon dulot ng pagbubuntis.

-0-

Isasagawa ngayong araw ang National Women’s Month Celebration na gaganapin sa Kidapawan City gymnasium.

Ayon kay Councilor Ma. Stella Lamata na siyang committee on women and gender equality at committee on labor, magiging guest speaker ngayon si DOLE 12 Labor ang Employment Chief Marjorie Latoja. Sinabi ni Lamata, sa 40 mga barangay ng lungsod ay pinapalakas pa ang partisipasyon ng mga kababaihan gaya ng pagsagawa ng gender sensitivity training at iba pa.

Tema ngayong taon, We make Change Work For Women. Iniimbitahan naman ni Lamata ang lahat na mga kababaihan na taga Kidapawan City na lumahok at makiisa sa mga inihandang programa ngayong araw. VC- Lamata Si Councilor Ma. Stella Lamata, ang committee on gender and equality at committee on Labor.

Samantala, suportado naman ng opisyal ang house bill number 8875 na naglalayong mabigyan ng sahod ang mga may-bahay na nagbabantay ng kanilang anak pero anya obligasyon at responsibilidad din naman ng isang ina na alagaan ang kanilang sariling anak.

Sa panayam naman kaninang umaga kay City Councilor Ruby Padilla Sison committee on education at human rights at co-chair ng committee on women, inaasahang 1,000 ang dadalo sa selebrasyon ngayon mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod. VC- SISON Si Councilor Ruby Padilla Sison.

-0-

NDBC BIDA BALITA City Tourism officer ng Kidapawan, umapela na tangkilin ang iba pang mga tourist destinations ng lungsod kasunod ng maagang pagsara ng Mt.Apo

Hinimok ngayon ni Kidapawan City tourism officer Joey Recimilla ang mga turista na tangkilikin ang iba pang mga tourist destinations ngayong summer.

Ito matapos mas pinaaga pa ang pagsasara ng Mount. Apo epektibo kahapon March 11 para sa mga climbers at trekkers.

Aminado si Recimilla na marami ang maapektuhan sa kanilang deklarasyon lalo na ang 40 na mga tour guides at mahigit 100 na mga porters ng bundok na inaasahan sanang mas malaki ang kanilang kikitain ngayong summer season sa sektor ng turismo. Pero maari pa ring bumisita sa mga resorts na malapit sa Mount Apo kagaya ng Lake Agco at ang Paniki Falls na nasa barangay Balabag.

Layon ng nasabing hakbang na maiwasang masunog ulit ang bundok dahil na din sa matinding init ng panahon at sa dami ng mga taong umaakyat dito.

-0-

Pedestrian na senior citizen, sugatan sa vehicular crash sa Kidapawan City

Sugatan ang isang 78 anyos na babae matapos na mabundol ng sasakyan sa Magsaysay Kidapawan City particular sa harap ng barangay hall kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Vicenta Demabildo, 78 anyos, may asawa at nakatira sa Datucelo, Magpet North Cotabato.

Ayon sa imbestigasyon ng Kidapawan City PNP traffic section, minamaneho ng isang David Salvador Roque, 68 years old, may asawa at residente naman ng barangay Singao Kidapawan City ang kanyang Honda 125 kulay pula na motorsiklo at nang pagsapit sa lugar ng insidente ay hindi nito napansin na tumatawid ang nasabing biktima.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat si Demabildo na agad namang naisugod sa pinakamalapit na ospital sa Kidapawan City at kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Davao City.

-0-

Utility boy na drug suspek, arestado sa operasyon ng pulisya sa Kidapawan City

Nakilala ang suspek na si Danilo Alcano Espia, 24 anyos, utility boy at nakatira sa Suerte subdivision, barangay Poblacion Kidapawan City.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP, RPDEU at PDEA region 12 kamakalawa ng umaga. Narekober sa suspek ang dalawang mga pakete na may lamang hinihinilang shabu at ang 5hundred peso bill na siyang ginamit bilang marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangeropus drugs act of 2002 ang suspek na ngayon ay temporaryong nakapiit sa lock up cell ng Kidapawan City Police station.

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...

Duterte hopes monkeypox less fatal than Covid-19

MANILA – President Rodrigo R. Duterte on Monday expressed hope that the monkeypox outbreak being reported mostly in Europe would not be as fatal...