Thursday May, 26 2022 12:07:42 PM

NDBC BIDA BALITA (3.4.19)

NDBC BALITA • 15:30 PM Mon Mar 4, 2019
1,127
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MARCH 04, 2019 (MON)
7:00 AM   

HEADLINES:   

1. ISA KATAO, PATAY habang dalawa pa sugatan sa magkahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Cotabaqto city nitong weekend.   

2. Dating sundalo at isang batang babae, arestado sa buy-bust operation sa Koronadal City   

3. IP children, nakabiyaya sa dental outreach program.

4. Police intelligence officer, patay sa pamamaril sa North Cotabato

4. 50 Marijuana plants, nakumpiska ng PNP sa Tampakan, South Cotabato 

-0-

MABILIS na isinugod sa ospital ang dalawang mga sugatang driver na pawang mga biktima ng pamamaril sa sa tapat ng isang computer school sa Sinsuat Avenue, Cotabato city pasado alas kwatro ng hapon kahapon.  

Nakilala ang mga biktima na sina WARED USOP MAKAALAY, 15 years old, may asawa, payong-payong driver at MISRIP ANTAO, 25, may asawa, isang multicab driver na kapwa mga residente ng Brgy. Tambak, Sultan Kudarat, Maguindanao.   

Sa inisyal na ulat ng City PNP, namamasada lamang si ANTAO at si MAKAALAY na nagsilbi niyang konduktor patungong down town nang sabayan sila ng riding tandem suspects at sunod-sunod na pinagbabaril.   

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima at patuloy ngayon na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.  

Samantala, makalipas naman ang dalawang oras ay pinagbabaril din at napatay ang biktimang si ABDULAZIZ PASANDALAN, 25, isa ring payong-payong driver na taga Barangay Rosary Heights 7 ng syudad.   

Nag aabang lamang umano ng pasahero si PASANDALAN sa bahagi ng Gov. Gutierrez Avenue nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.       

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.   

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa naturang mga panibagong insidente ng pamamaril at kung sino ang nasa likod ng naturang krimen.   

-0-

TINIYAK ni Pangulong Duterte na magkakaroon muli sila ng pag-uusap ni Moro National Liberation Front o MNLF founding-chairman Nur Misuari.   Muli ring iginiit ng pangulo na buo ang kanyang tiwala kay Misuari na hindi ito tatakas.   

Ayon sa pangulo, hindi gugustuhin ng MNLF leader na mamatay sa ibang bansa.   Aniya pa, pagbalik ni Misuari sa bansa ay pag-uusapan nila kung ano ang dapat gawin sa mga lugar na sakop ng Bangsamoro Organic Law o BOL.   

Nangako naman si Duterte na patuloy na magbibigay ng mga proyekto sa Mindanao sa natitira niyang dalawang taon kabilang ang isang international airport.   

Samantala, muli na namang binanggit ng punong ehekutibo ang kanyang ideyang palitan ang pangalan ng bansa.   Iginiit ni Duterte na sapilitan kasi ang ginawang pagpapa-convert ng mga Espanyol sa mga Pinoy para maging Kristyano. 

 
-0-

POSIBLE umanong hindi nailusot ng ekstremistang grupo ang improvised explosive device o IED at iba pang sangkap sa paggawa ng pampasabog kaya’t iniwan na lamang nila ito sa gilid ng daang bahagi ng Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato.   

Sinabi ni Pikit PNP Chief, Police Major Mautin Pangandingan na nakatanggap sila ng report na may iniwang bag sa naturang lugar na may lamang pagpamasabog kaya’t agad na rumesponde ang Explosives and Ordnance Disposal Team ng militar.   

Agad ding kinordon ng mga sundalo at pulis ang naturang daan habang sinusuri ang laman ng bag.   Nabatid na nasa loob ng naturang bag ang dalawang cartridges ng 40MM, isang Internet wire color blue, 12 Volts battery at apat na containers.   

Gayunman, ayon sa EOD Team, wala pang kakayahang sumabog ang naturang bomba dahil hindi pa kumpleto ang komposisyon nito.   Posible umanong sa ibang lugar ito dadalhin subalit nabigo ang mga suspek dahil sa higpit ng seguridad na ipinatutupad ng mga sundalo at pulis.

-0-

Sabay na isinugod sa ospital ang tatlong magkakamag anak matapos na maaksidente sa kanilang sinasakyang motorsiklo sa Kusiong Road na sakop ng Brgy. Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.   

Nakilala ang mga biktima na sina RENATO RONQUILLO, 37 years old; MICHELLE RONQUILLO, 38 at MARK ANTHONY, 22 na pawang mga residente ng ND Village, barangay Rosary Heights 8 ng lungsod.   Batay sa kwento ng kaanak ng mga biktima, pasado alas tres ng hapon kamakalawa habang pauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.   

Nag overtake kasi sila sa isa pang sasakyan hanggang sa nawalan ng kotrol ang driver ng motorsiklo dahilan upang matumba at bumagsak ang tatlo sa kongkretong kalsada.  

Aminado naman ang mga biktima na nakainum sila ng alak habang nagkakasiyahan sa beach kaya’t lasing ang mga ito nang umuwi at madisgrasya.  

-0-

UMAABOT sa 26 na loose firearms ang isinuko ng ilang local officials sa Sulu.   Pinangunahan ni Sulu PNP Director, Police Col. Pablo Labra II ang isinagawang turnover ceremony.   

Dumalo din sa nasabing seremonya sina Provincial Election Supervisor Atty. Udtog Tago, at Emili Kadiri Provincial Director ng DILG.   Ayon kay Labra, ang pag-turnover ng loose firearms sa kanila ay dahil sa pinalakas na kampanya ng PNP laban dito.  

Kabilang sa isinukong loose firearms sa PNP ay: Isang M1 garand Rifle, Isang Cal. 45 pistol mula sa Patikul; dalawang M16 rifles at isang M-203 mula sa Maimbung; dalawang caliber .45 pistol mula sa Jolo, dalawang M1 Garand rifle mula sa Luuk, isang M79 40 mm mula sa Tapul, dalawang M16 rifles, isang AK Norinco 5.56, isang M14 rifle, pitong cal .45 pistol, 1 9MM pistol at dalawang M1 Garand Rifles ma mula naman sa Parang.

-0-

Mahigit sa 40 na mga kabataang IP nakinabang sa Free Dental check-up ng Philippine Dental Association Kidapawan chapter 

Bilang bahagi ng pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa pangangalaga ng ngipin sa katatapos na Oral Health Month. 

Isinagawa ng Philippine Dental Association o PDA Kidapawan City chapter ang Free Dental Check-up sa mga Kabataan sa isang IP School sa Barangay Ginatilan. 

Ayon kay PDA Board of Trustee Kidapawan Chapter Dr. Amie Banawis ang nasabing hakbang ay Bahagi ng kanilang programang adopt an IP School hinggil sa nasabing selebrasiyon. 

Partikular na nakabenepisyo dito ay ang mga bata mula sa Datu Ungkas Elementary School kungsaan isinailalim sila sa dental check-up ng libre sa mga private clinic sa lungsod. Ito ay isinagawa nitong Pebrero a-16 at Marso a-2.

Samatala, sinabi naman ni Banawis na ang Pilipinas ang pumapangalawa sa buong mundo sa may maraming sira ang ngipin. Dahil dito, patuloy ang kanilang kampanya sa mga magulang at indibidwal na alagaan ang ngipin. 

Siyam sa sampung mga Pilipino ang apektado ng dental caries o pagkasira ng ngipin. Sinabi pa ni Banawis na sa mga magulang simulan ng turuan magsipilyo ang mga bata sa mura pa lamang nilang edad. 

Dapat ding Bantayan ang ngipin ng mga bata dahil pagtuntong sa edad na 6 o 7 ay magsisimula ng tutubo ang kanilang mga permanent teeth. 

-0-

 

Grupo ng mga magsasagawa idinaan sa kilos protesta ang panawagang ibaba ang presyo ng mga bilihin. 

Daan daang mga magsasdaka mula sa mga bayan ng Makilala, Tulunan at Mlang sa North Cotabato ang nagsagawa ng kilos protesta para igiit na ibaba ang presyo ng mga bilihin at taasan ang presyo ng mga produkto ng magsasaka. 

Ang kilos protesta ay pinangunahan ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas o KMP North Cotabato na isinagawa sa Makilala North cotabato. 

Ayon sa leader ng Grupo na si Lito Roxas, umaaray na umano ang mga magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin pero mababa naman aniya ang bili ng kanilang mga produkto. Giit pa nito na sinasamantala lang umano sila ng mgha kapitalista. 

Isa pa sa kanilang panawagan ay ang itaas ang presyo ng Palay, mais, niyog at higit sa lahat ang Goma. 

Bitbit ang kanilang mga placards ay nagmartsa ang grupo ng higit isang kilometro papunta sa pamilihang bayan ng MAkilala kong saan ginanap ang programa. NDBC BIDA BALITA

-0-P

Patay ang isang 32-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng gunman na sakay ng motorsiklo sa krimeng naganap sa Barangay Manapan, Carmen, North Cotabato, nitong Sabado ng umaga. 

Kinilala ang nasawi na si P/Corporal Reshemer Langurayan Dolano, may asawa, miyembro ng intelligence at residente ng Barangay Kilala ng nasbaing bayan. 

Ayon sa ulat, alas-7:15 ng umaga habang sakay sa kanyang kulay asul na multicab pabalik na sana sa kanilang himpilan, matapos na magsagawa ng monitoring sa kalsada ng barangay Manarapan at Aroman hinggil sa napaulat na carnapping incident. 

Nang sundan ito ng riding in tandem na may takip sa mukha sakay sa XRM na motorsiklo at pinagbabaril ang nasabing pulis. Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos maisakatuparan ang krimen. 

Naisugod pa sa Carmen Municipal Hospital ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival. Nagtamo ang biktima ng anim na tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan nanaging sanhi ng pagkamatay nito. 

Sa naging panayam ngayong umaga kay Supt Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng Cotabato police provincial Office, sinabi nito na isa sa mga tinututokan ngayon nila sa pagbaril kay Dolano ang anggulong may kinalaman sa kanyang trabaho bilang head ng Intelligence ng Carmen PNP. 

 Matatandaang sunod-sunod ang operasyon ng PNP hinggil sa iligal na Droga sa bayan noong nakaraang mga lingo. 

-0-

One stop shop ng LTO sa Arakan North Cotabato sisimulan na ngayong araw. 

Magbubukas na ngayong araw ang limang araw na One Stop Shop ng LTO sa Arakan North Cotabato. Dito ay maaring mag renew ng kanilang mga Driver's license pati narin ang issuance ng Student Permit ang mga nagmamay-ari at nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan. 

Matatandaang unang hiniling ni Arakan Mayor Rene Rubino sa Land Transportation office o LTO ang hinggil sa one stop shop na gagawin sa bayan. 

Lumabas kasi sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management ng Arakan na tumaas ang bilang ng mga naaksidenteng motorsiklo sa kanilang bayan at napag-alaman na karamihan sa kanila ay walang mga lisensya. 

Una naring sinabi ni LTO Kidapawan chief Ginalinda Ganotice na inaprubahan ng LTO Regional Office ang hiling ng LGU arakan para sa nasabing One Stop Shop. 

Paglilinaw pa ni Ganotice, online parin ang medical certificate at magdadala din sila ng mga accredited doctors na taga LTO. Para sa mga magre-renew ng kanilang mga Driver’s License ay kinakailangan lang ang lumang driver’s license at ang Online Medical Certificate. 

Para sa renewal ng rehistro ay ang smoke emission test at ang kanilang registration. Sa kukuha ng Student’s permit kailangang dalhin ang medical certificate at birth certificate mula sa PSA. 

Ang aktibidad na ito ay bukas din para sa mga kalapit na bayan ng Antipas at president Roxas na magtatagal hanggang ngayong araw ng byernes. Bukas din ang tanggapan ng LTO kung may mga LGU pang gustong magrequest para sa LTO one stop shop sa kanilang bayan.

-0-

City Agriculture Office pinaigting ang interbensyon sa mga maagsasakang apektado ng tumtidinding taginit sa Gensan 

 Namimigay na ng mga vegetable seedlings sa mga magsasaka ang City Agrciulture Office ng Gensan bilang pagpapaigting ng kanilang programa para maibsan ang epekto ng El Nino Phenomenon. 

 Sa pamamagitan nito ay mayroong alternatibong mapagkakakitaan ang mga magsasaka kahit na sa pagtatanim lamang ng gulay sa kanilang mga bakuran sa mahabang tagtuyo’t. 

 Ito ay ayon kay Gensan City Agriculture Officer Merlinda Donasco. Sinabi ni Donasco na mariin din nilang minomonitor ang epekto ng El Nino sa mga upland areas ng Gensan. 

 Ipinahayag nito mahigit isang daang ektarya ng mga sakahan sa nasabing syudad ay tinamnan ng iba’t ibang mga produkto na karamihan ay mais, na namemeligro sa matinding taginit. Ang mga ito ayon kay Donasco ay matatagpuan sa mga barangay ng Batomelong, Conel, Bawing, Upper Labay, Sinawal, Tinagacan, San Jose, at Olympog. 

 Ayon kay Donasco, Disyembre pa lamang noong nakaraang taon, pinayuhan na nila ang mga magsasaka sa Gensan na iwasan na magtanim ng mais at iba pang produkto. Kasunod ito ng advisory hinggil sa tagutuyo’t ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA. 

 Tiniyak din ni Donasco na magbibigay ng planting materials ang lokal na pamahalaan sa mga magsasaka ng Gensan na apektado ng El Nino Phenomenon pagdating ng planting season sa Mayo. 

-0-

PNP mayroon nang lead sa pagpatay sa isang Barangay Chairman sa General Santos City May potential persons of interest na sa pagpatay sa isang barangay Chairman sa General Santos city ang mga pulis. 

Ito ang tiniyak ni Gensan Chief of Police,Police Col. Raul Supiter, matapos mabaril at mapatay si Dadiangas North Chairman Arman Mejia, 46 anyos. 

Gayunpaman tumanggi muna si Supiter na kilalanin ang mga ito habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente. Ipinahayag ni Supiter na isa sa mga anggulong sinusuri ng PNP sa pagpatay sa nasabing barangay chairman ang personal grudge. 

Matatandan na ang nakamotorsiklo at pauwi nang si Mejia ay binaril ng nagiisa at nakamotorsiklo ring suspek malapit sa Gensan public transport terminal sa Bulaong Avenue bago maghatinggabi noong February 21. 

Umaasa si Supiter na makatutulong sa pagkilala nila sa salarin ang kuha ng mga close circuit television camera ng mga establisemento malapit sa crime scene. Ang pamamaril sa biktimang barangay Chairman na nasa unang termino pa lang ay mariin namang kinondena ni Gensan Mayor Ronnel Rivera.

Ipinagutos din ni Rivera sa pulisiya ang agarang pagresolba sa kaso at pagsasampa ng kaso sa gunman at posibleng mastermind sa krimen. 

-0-

Dating sundalo at menor de edad na babae arestado sa drug buy-bust operation ng mga pulis sa Koronadal City 

Arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang isang dating sundalo at umanoy kasama nitong menor de edad sa Koronadal City. 

Kinilala ni Koronadal City Anti Drug Abuse Council o CADAC Head Glorio Sandig ang dating sundalong drug suspek na si Arnel Atanoso. 

Ayon kay Sandig si Anatanoso ay dating scout ranger na nag-absent without leave o AWOL. Inaresto din ng ng mga pulis ang 17 anyos na live-in partner ni Atanoso na umano ay taga-transact sa ibinebenta nitong iligal na droga.

Sinabi ni Sandig na naaresto sina Atanoso at kasama nitong menor de edad sa follow up operation ng mga pulis sa General Santos Drive, Barangay Zone II.

Ito ay matapos maaresto sa unang drug buy bust operation ng mga kasapi ng city drug enforcement unit ng PNP ang kanilang mga parokyano sa Barangay Morales, Koronadal.

Sinabi ni Sandig na naka-transkyon ng mga pulis na nagbalatkayong bibili ng iligal na droga ang menor de edad na kasama ni Atanoso.

Nakuha ng mga pulis sa dalawa ang limang pakete ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, cellphone at kotse na ginagamit umano sa kanilang illegal drug transaction at drug paraphernalia.

Ayon kay Sandig ang dalawang drug suspek ay pumunta lamang sa Koronadal City mula bayan ng Norala, South Cotabato para magdala ng umanoy iligal na droga. Inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs laban sa dating sundalo. 

Kapag napatunayan na menor de edad ang kasama nitong babae ay ibibigay ng PNP sa Department of Social Welfare and Development o DSWD. 

0-0

50 puno na bagong ani na Marijuana nakumpiska ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato 

Natuklasan ng team ng Tampakan PNP na pinamumunuan ni SPO3 Arthur Lubino ang may 50 puno ng bagong ani na Marijuana plants sa liblib na Sitio ng Datal Alyong, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato. Tinungo ng mga pulis ang nasabing lugar matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen sa mga umanoy inaning Marijuana . 

Kinilala naman ng mga pulis ang umanoy cultivator ng mga nakumpiskang kontrabando na sina Silie Solili may ari ng kubo na malayo sa mga kapitbahay kung saan nakita ang mga marijuana plants at ang may ari ng lupang tinamnan ng mga ito na si Gugwelen Magondon. 

Wala naman ang mga suspek sa lugar ng dumating ang mga pulis. Gayunpaman ang mga ito ay kakasuhan pa rin ng Tampakan PNP ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga ito. 

-0-

Pagtatanim ng special rice varieties para sa mas makagandang kita ng mga magsasaka isinusulong ng DA Secretary Pinol 

Magtanim ng special rice varities para kumita ng mas malaki. Ito ang hiling ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol sa mga magsasaka. Ayon kay Pinol, nananatili pa rin kasi ang presyo ng special rice varities gaya ng mayroong good eating quality at aromatic variety.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang importasyon ng ordinaryong bigas sa bansa. Ipinahayag ni Pinol na kabilang sa special variety na dapat itanim ng mga masasaka ang RC 160, RC 218, RC 300.

Ayon sa kalihim ang spcial rice varities ay naibebenta ng mula 22 hanggang 25 pesos per kilogram. Ito ayon kay Pinol ay mas mataas naman kumpara sa 14 hanggang 15 persos kada kilogram na bentahan ng pangkaraniwang palay.

 

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...

Duterte hopes monkeypox less fatal than Covid-19

MANILA – President Rodrigo R. Duterte on Monday expressed hope that the monkeypox outbreak being reported mostly in Europe would not be as fatal...