Thursday May, 26 2022 01:39:43 PM

NDBC BIDA BALITA (3.8.19)

NDBC BALITA • 20:15 PM Fri Mar 8, 2019
929
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MARCH 08, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MULTI-MILLION DOLLAR na proyekto para sa BARMM, nilagdaan ng Japan at UN

2. Limang mga suspected drug pusher mula Maguindanao, arestado sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malapatan, Sarangani

3. 54 na mga kolorum na sasakyan, na-impound bunsod ng mas pinalakas na lambat-bitag operation sa Magpet, North Cotabato

4. Baril ng tatay, pinaglaruan ng anak at pumutok, hita ng bata tinamaan.

-0-

Limang drug pusher mula Maguindanao, arestado sa drug buy-bust operation ng mga pulis sa Malapatan, Sarangani Province

Kulong ang limang mga umanoy taga Maguindanao na tulak shabu na naaresto ng mga pulis sa Barangay Poblacion, Malapatan, Sarangani Province.

Tatlo sa mga naaresto ay pawang mga nakatira sa Barangay Simway, Sultan Kudarat, Maguindanao. Kinilala ni PRO 12 Regional Director Police Brigadier General Eliseo Tam Rasco ang mga ito na sina TATO MUNDAS MAMALANGKAS alyas RASTY, 29 years old ; NASHIF ESMAEL MUDASS, 22 parehong may asawa at driver; HABIB BACULARAN SALIGAN, 21, estudyante at JAY-AR ESMAEL 18,walang trabaho.

Kasama din sa mga naaresto si SABRI ABAS SALIPADA, 28 years old, binata, driver , taga Barangay Matilac, Pigcawayan, North Cotabato. Ang nasabing mga drug suspek ay naharang sa checkpoint ng mga pulis sakay ng Nissan X-Trail SUV sa harap mismo ng Malapatan Municipal Hall.

Ayon kay Rasco nang matunugan na pulis ang nakabili ng apat na pakete ng umanoy shabu sa suspek na Rasty sa harap ng Sarangani Provincial Capitol sa bayan ng Alabel, agad na tumakas ang mga ito.

Naglagay ng checkpoint sa Malapatan ang PNP matapos makatanggap ng impormasyon mula kay PIB Chief, Police Lt. Col Neil Wadingan ng pagtakas ng mga drug courier..

Nakuha ng mga pulis sa sasakyan ng mga suspek ang siyam na pakete ng pinaghihinalaang shabu, anim na one thousand pesos bill, buy-bust money na limang tig one thousand pesos, gunting at OR CR ng nasabing sasakyan.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasaoong paglabag sa Comprehensive Dangeorus Drugs Act sa limang umanoy tulak na nakakulong ngayon sa lock up cell ng Malapatan PNP.

-0-

Ipinagmalaki ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process na magkakaroon ng mas maayos, ligtas at maasahang suplay ng tubig ang mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. na nalagdaan na kasi ang “Project for Agricultural Training for the Establishment of Peace in Mindanao” at “Project for the Improvement of Water Supply Equipment Management Capacity for the Establishment of Peace in Mindanao” sa pagitan nina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, UN Food and Agriculture Organization o FAO Country Representative Jose Luis Fernandez at International Labor Organization o ILO Country Director Khalid Hassan.

Ayon kay Galvez, bukod sa pagtiyak na magkakaroon ng maayos na supply ng tubig, ang kasunduan ay para rin aniya sa karagdagang kaalaman at kasanayan ng mga mamamayan ng BARMM sa food production and security.

Pinasalamatan naman ni Galvez ang mga international peace partner sa kanilang patuloy na suporta upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

Ang proyekto ay ipatutupad ng ILO at FAO at ang pondo ay magmumula naman sa pamahalaan ng Japan. Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng vocational skills training ang mga residente sa lugar, kabilang ang hands-on activities at demonstrations para sa crop production, integrated pest management, harvest at post-harvest processes.

Ang mga taga BARMM naman ay magiging katulong sa pag-develop, pagpapatayo at pagmamantine ng water supply, sanitation at hygiene facilities sa itatayong community-based water system.

-0-

AMINADO si BARMM Chief Minister Al-Hajj Murad Ebrahim na hindi madali ang nangyayaring transition ngayon ng bagong bangsamoro entity mula sa dating ARMM sa pangunguna ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Ngunit ayon kay Ebrahim, bahagi lamang ito ng mga hamon na haharapin nila sa loob ng tatlong taon. Kaugnay nito, hinihiling ni Ebrahim ang kooperasyon at dedikasyon ng lahat upang maging produktibo at epektibong pamahalaan ng bangsamoro.

Naniniwala si Ebrahim na sa pamamagitan ng ministerial governance, maitutuwid ang mga mali sa implementasyon ng paghahatid ng serbisyo at mga programa mula sa ehekutibo at lehislatura.

Nilinaw din ni Ebrahim sa mga empleyado na ang mga may permanent appointment ang maiiwan sa posisyon hanggang sa ma-adopt na ng BTA ang transition plan.

Ngunit, bibigyan naman umano ng pagkakataon ang mga casual at contractual employee na magpatuloy sa kanilang trabaho ngunit depende ito sa kanilang performance.

-0-

MALUBHA ngayon ang kondisyon ng isang lalaki matapos siyang tagain ng kanyang nakababatang kapatid sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao pasado alas otso ng umaga kahapon.

Nakilala ang biktima na si EDWIN LARGO, 36 years old habang ang suspek naman ay nakilalang si ELVIN LARGO nasa hustong gulang.

Ayon sa inisyal na ulat, bigla na lamang kumuha ng bolo si ELVIN, matapos na makasamaan ng loob at makasagutan ang kuya nito at biglang pinagtataga ang biktima.

Nagtamo ng malaking sugat sa likod ang biktima na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Kasalukuyan namang nakakulong ang suspek sa Sultan Kudarat PNP detention cell.

Sa iba pang balita, mabilis na isinugod ng kanyang mga magulang sa ospital ang isang batang lalaki matapos tamaan ng bala nang aksidenteng pumutok ang baril ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao pasdao alas otso ng umaga kahapon.

Nakilala ang biktima na si RICO, 7 years old.

Ayon sa salaysay ng ama ng bata na si SINGKI na isang barangay tanod, nagulat na lamang siya nang makarinig ng putok ng baril sa loob at nakitang duguan na ang kanyang anak.

Dagdag pa ng ama, naabot kasi ng anak, ang kanyang baril na itinago niya sa itaas ng aparador at pinaglaruan ito hanggang sa pumutok. Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti ang bata na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

-0-

NAGSAGAWA ng Mass Measles Vaccination ang Maguindanao Provincial Hospital sa panguguna ni bagong BARMM Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan at Integrated Provincial Health Office - Maguindanao.

Ayon kay Provincial Health Officer 2 Dr. Tahir Sulaik, layunin ng aktibidad na makontrol ang posibleng pagkalat pa ng sakit na Tigdas sa lalawigan.
Halos isandaang kabataan ang isinailalim sa pagbabakuna na boluntaryong dinala ng mga magulang sa Maguindanao Provincial Hospital.

Ang Ligtas Tigdas campaign ay isa sa highlights ng Libreng Gamutan Pangkalahatan para sa Bangsamoro, "YES TO KALUSUGAN na inumpisahan noong Martes- March 5 at magtatapos ngayong araw, March 8.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Sulaik sa lahat ng kanilang partners mula sa San Pedro Medical Center ng Davao city at sa mga pasyenteng nagtiwala at tumangkilik sa kanilang taunang aktibidad.

-0-

HANDA umano ang Malaysian government na tumulong sa pagpapaunlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM matapos ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Ito ay ayon kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad matapos ang kanyang bilateral meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon. Umaasa anya si Mahathir sa magiging maayos ang pagpapatakbo ng Bangsamoro Transition Authority o BTA sa BARMM.

Tumayong third party facilitator ang Malaysia sa pakikipagdayalogo ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front para sa kasunduang naging basehan para mabuo ang BOL.

Samantala, tinalakay din ng dalawang lider ang mga programa para sa mga guro at mag-aaral sa mga Madrasah partikular sa Mindanao maging ang mga dapat gawin para maresolba ang problema sa terorismo at karahasan sa pamamagitan ng Trilateral Cooperation Agreement.

Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa Malaysia para sa patuloy na suporta nito sa Mindanao.

-0-

Grass fire incidents na patuloy sa pagtaas ikinaalarma ng Operations Chief ng Bureau of Fire Protection sa General Santos City

Apketado ng grass fire ang mahigit 300 ektaryang lupain sa Gensan na ikinaalarma naman ng Bureau of Fire Protection o BFP sa nasabing lungsod.

Ayon kay BFP Gensan Operations Chief Senior Fire Officer 3 Rey Allan Imperio, abot na sa may 17 grassfire ang kanilang nirespondehan simula noong nakaraang buwan. Karamihan sa mga ito ay naganap sa mga barangay ng Sinawal, Fatima, Apopong, Calumpang, Tambler at Mabuhay. Nilinaw naman ni Imperio na walang nasaktan o instrukturang nadamay sa nasabing mga grass fire incidents.

Kaugnay nito, binigyan diin ni Imperio na mahalaga ang ibayong pagiingat dahil sa tumataas ding peligro ng grassfire bunsod ng matinding taginit ngayon. Umapela si Imperio sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga magsasaka na para iwas sunog huwag gumamit ng apoy sa paglilinis ng kanilang mga sakahan at iwasan ang pagsusunog ng basura.

Nananawagan din si Inperio sa mga barangay officials ng Gensan na imonitor ang kanilang lugar at italaga bilang mga responder sa grass fire ang mga kasapi ng kanilang peacekeeping action teams.

Sinabi ni Imperio na ang Gensan na mayroon limang firetruck ay mayroon lamang 30 mga bombero. Binigyan diin ni Imperio na bagama’t ginagawa ng mga bombero ang lahat sa pagresponde sa sunog, kailangan pa rin nila ang tulong ng mas maraming mga volunteer.

-0-

Dagdag na pondo para sa kanilang mga pangunahing programa hinihiling sa pamahalaan ng DOLE 12

Humihiling ng 147 million pesos na pondo sa pamamahalaan para sa mas malawak na pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa susunod na taon ang Department of Labor and Employment o DOLE 12.

Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano, nagsasagawa ngayong ng konsultasyon ang ahensya sa kanilang mga stakeholders para sa proposed budget ng kanilang dalawang pangunahing mga programa.

Ang mga ito ay ang Special Program for the Employment of Students o SPES na hiningan nila ng 65.5 million pesos at DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP na may 81.8 million pesos proposed budget sa 2020.

Paliwanag |Cano, humihiling sila ng dagdag na pondo para makatulong sa mas maraming nangangailangan. Ang SPES ng DOLE na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng trabaho sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante at out-of-school youth na nais magbalik eskwela.

Habang ang mga benepisyaryo naman DILEEP ay makikinabang sa emergency employment, o mabibigyan ng kabuhayan starter kits Sinabi ni Cano na 13 mga civil society organizations na kanilang kinonsulta ang pabor sa hinihiling nilang pagtaas sa budget.

Ang mga ito ayon kay Cano ay lumagda sa budget partnership agreement sa DOLE at bumalangkas ng resolusyon na umiindorso dito na kanilang isusumite sa Department of Budget and Management at social committee ng Regional Development Council 12.

-0-

Epekto ng tagtuyo’t nararanasan na sa ilang lugar sa lalawigan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng South Cotabato

Sinira ng matinging taginit ang mga pananim sa ilang mga lugar sa Surallah, South Cotabato.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mila Lorca, ito ay kahit na hindi pa nalakip sa pinakahuling climate advisory ng Pagasa hinggil sa mahabang tagtuyo’t ang South Cotabato.

Sinabi ni Lorca na batay sa datus na isinumite sa kanilang ng Surallah LGU apektado ng matinding taginit ang 226 na magsasaka sa mahigit 200 ektaryang maisan.

Nasira din ng dry spell ang may anim na ektaryang palayan ng 17 mga magsasaka sa nasabing bayan. Nilinaw ni Lorca na sa ngayon ay wala pang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa El Nino ang lokal na pamahalaan ng Surallah.

Dinagdag ni Lorca na nagpapatuloy din ang rapid damage analysis ng PDRRMO sa posibleng epekto ng dry spell.

Kinumpirma ni Lorca na nararanasan na ang kakulangan ng supply ng tubig sa ang ilang barangay ng Tampakan. Payo naman ni Lorca sa mga mamamayan, para may pantawid gutom sakali mang lumala pa ang tagtuyo’t sa South Cotabato magtanim ng gulay at mga root crops sa kanilang mga bakuran.

Matatandaan na dahil sa El Nino advisory ng PAGASA pinayuhan na ng Provincial Agriculture Office ng South Cotabato ang mga magsasaka sa lalawigan na huwag na munang magtanim.

-00

Cloud seeding operations dahil sa El Nino, pinahahandaan na ng DA region 12

Naglaan ng 2.5 million pesos para sa cloud seeding operation nito para labanan ang epekto ng El Nino Phenomenon ang Department of Agriculture Region 12.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, inaayos na lamang nila ang mga kakailanging dokumento para sa cloud seeding operations.

Gagawin ito ng DA katuwang ang Bureau of Soils and Water Management. Ayon kay Casis ang 40 sorties o round ng cloud seeding ay target masimulan ng ahensya sa katapusan ng Marso.

Layon nito ayon kay Casis na maibsan ang masamang epekto ng El Nino Phenomenon sakali mang tumama sa ilang bahagi ng region 12.

Ayon kay Casis, sinimulan na ng DA XII ang mga paghahanda ng tulong sa mga apektadong mga magsasaka at hindi na hinintay pa ang bagong advisory ng PAGASA.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni DA 12 Field Operations Division Officer-in-Charge Rey Embajador na nakahanda na ang 9,000 bags ng palay seeds mula sa kanilang Quick Reponse Fund para ipamigay sa mga magsasakang maapektuhan ng El Nino.

Nilinaw naman ni Embajador na ang mga ito ay ipamimigay lamang sa mga magsasaka sa mga lugar na na-validate para sa rehabilitasyon ng DA.

Sinabi ni Embahador na kailangan pang isailalim sa validation ng DA ang mga lugar sa region 12 na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa tagtuyo’t.

Pinayuhan din nito ang mga magsasaka na magtanim ng mga piling rice varieties, plant legumes o root crops tulad ng cassava, camote at maging water melon at iba pang produkto na tatagal sa mahabang taginit.

Hiniling din ni Embajador sa mga City at municipal agriculture officers na magsagawa ng monitoring sa mga outbreak ng peste at sakit sa mga maisan at palayan na madalas nangyayari tuwing dry spell.

-0-

54 na mga sasakyan, pinigil sa lambat bitag sasakyan sa Magpet, North Cotabato

Abot sa 54 na mga sasakyan ang naimpound na may ibat-ibang traffic violations sa isinagawang Oplan Lambat Bitag ng PNP sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Magpet PNP at 72 Infantry Battalion Philippine Army, kamakalawa. Kalimitan sa mga naging paglabag ang hindi pagsusuot ng helmet, walang driver’s license, expired registration at iba pang mga paglabag sa mga umiiral na Municipal ordinances.

Sa ngayon ay nakaimpound na ang mga nasabing bilang ng motorsiklo habang ang iba naman ay nakuha na ng mga may-ari matapos makapagbayad ng kanilang penalidad. Samantala sa Kidapawan City, nahaharap sa kasong carnapping ang isang lalaki na itinuturong suspek sa pagnakaw ng motorsiklo sa Digos City.

Nakilala ang naaresto na si Jay Aguilar, 26 anyos at nakatira sa barangay Inac Magpet, North Cotabato. Isinagawa ang operasyon ng Digos City at Kidapawan City PNP sa Sinsuat St. Poblacion Kidapawan City. Nasa kustodiya na ng Digos City PNP ang naaresto maging ang kanyang ninakaw na motorsiklo. NDBC BIDA BALITA

-0-
Pagtatalo ni Rep. Cagas at Kapitan Bucol ngDavao Del Sur, umani ng samut-saring reaksyon sa Social Media

Viral ngayon sa social media ang nakuhang video na pagtatalo nila Davao Del Sur Representaive Mercedes Cagas at Tres De Mayo Kapitan Oscal Bucol Jr. at namuno din bilang ABC president ng lungsod.

Makikita sa nasabing video na pi-nost ng isang netizen na may tinatalakay si Cagas sa harap ng publiko matapos ang isinagawang turn over ng isang proyekto na inangkin umano ng kongresista at naging political rally.

Pinasaringan ni Cagas si Bucol na hindi ito nag-oopisina sa kanilang barangay dahil abala ito sa kanyang sakahan sa Surigao.

Dito na nagsimulang umalma si Bucol at nilapitan si Cagas upang sagutin ang alegasyon ng opsiyal sa loob mismo ng Tres De Mayo Gymnasium sa harap mismo ng mga mamamayang nakilahok sa programa.

Sinabi din ni Bucol sa video, sobra na ang mapumulitika ng kongresista at sa pag-angkin ng proyekto ng DPWH.

Nadismaya din ang kapitan matapos balewalain ni Cagas ang partisipasyon nito at pagsisikap upang matapos na ang proyekto.

Sa halip din na turn over ceremony ay nagbit-bit pa ng mga kandidato ang kongresista na kanyang i-endorso.

SAamantala, isiniwalat ng DPWH-Davao del Sur District Engineering Office na ang nasabing proyekto ay pinondohan ng DPWH national.

Hindi naman nagpa-unlak ng panayam sa Cagas sa mga media upang hindi na din umano lumaki ang isyu na viral na ngayon sa Facebook. NDBC BIDA BALITA

-0-
Drayber na drug suspek, huli sa operasyon ng PNP sa Makilala, North Cotabato

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga ototridad sa Purok 7 barangay Sinkatulan, Makilala alas 4 ng hapon kahapon. Nakilala ang suspek na si Rex Arodillos, 26 anyos at nakatira sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa suspek ang dalawang mga pakete na may lamang hinihinalaang shabu at mga drug paraphernalia. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive dangerous drugs Act of 2002 si Arodillos na temporaryong nakapiit na sa lock up cell ng Makilala PNP. NDBC BIDA BALITA

-0-
Alkalde sa bayan ng Antipas, Cotabato iginiit na hindi nito close in security guard ang lalaking nahulihan ng di lisenyadong armas

Ito ang paglilinaw ni Antipas Mayor Egidio Cadungon sa naging panayam ng Radyo-Bida ngyaong umaga.

Sinabi ng alkalde, ang nahulihan ng armas na si Ibrahim Flores Aliudin, 48 years old at nakatira sa Purok 6, barangay Malatab, Antipas ay Job Order ng municpyo at nakatalaga sa operation tubig na programa ng Antipas LGU.

Nahuli ang suspek sa isinagawang checkpoint operation ng pulisya sa Purok 2, Crossing Marang, barangay Poblacion Antipas pasado alas 8 ng umaga kahapon.

Nakuha sa kanya ang isang Caliber 45 pistol na may serial number 213025, dalawang magazine at 11 live ammunitions. Dagdag pa ng alkalde, may banta ang nasabing empleyado dahilan kung bakit may bit-bit ito na armas.

Samantala, sa panayam naman kay Antipas PNP Chief Police Captain Bernard Abarquez, sinabi nitong ang baril na nahuli ay pagmamay-ari ni Mayor Egidio Cadungon batay na rin sa sinabi Aliudin. VC- ABARQUEZ Si Antipas PNP Chief Police Captain Bernard Abarquez. NDBC BIDA BALITA

-0-

Drayber na drug suspek, huli sa operasyon ng PNP sa Makilala, North Cotabato

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga ototridad sa Purok 7 barangay Sinkatulan, Makilala alas 4 ng hapon kahapon. Nakilala ang suspek na si Rex Arodillos, 26 anyos at nakatira sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa suspek ang dalawang mga pakete na may lamang hinihinalaang shabu at mga drug paraphernalia. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive dangerous drugs Act of 2002 si Arodillos na temporaryong nakapiit na sa lock up cell ng Makilala PNP.

Sa Pikit North Cotabato, nahuli naman ang number 5 wanted person dahil sa kasong frustrated murder. Isinagawa ang operasyon sa bahay ng suspek na kinilalang si Robin Guiamalon alyas Coco Martin, 33 anyos may asawa at nakatira sa Bualan Pikit, kamakalawa.

Inaresto si Guimalon sa bias ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rainera Usua na may petsang May 23, 2018.

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...