Thursday May, 26 2022 02:15:00 PM

NDBC BIDA BALITA (3.9.19)

NDBC BALITA • 20:30 PM Sat Mar 9, 2019
1,060
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MARCH 09, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COTABATO CITY mayor, iginiit na hindi nagbago ang kanyang posisyon kaugnay ng usaping ng BOL at BARMM.

2. 477 million pesos na halaga ng mga panamim sa North Cotabato, napinsala dahil sa matinding init ng panahon
3. 40 mga bagong kaso ng Tigdas, naitala sa region 12
4. Magsasaka patay sa panibagong pamamaril sa CArmen, North Cotabato

-0-

NILINAW ngayon ni Cotabato City mayor Cynthia Guiani na hindi nagbago ang kanyang posisyon hinggil sa Bangsamoro Organic Law o BOL at ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Taliwas ito sa lumabas sa isang column ng Philippine Star noong March 5 kung saan isinulat ng may akda na si Domini Torrevillas na sinusuportahan na umano ng alkalde ang BOL.

Iginiit ni Mayor Guiani na wala siyang ginagawang ganung pahayag. Bagkos aniya, ang tanging sinabi niya lamang ay makikipagtulungan siya sa BARMM government sa mga usapin at bagay na makaka-apekto sa lungsod dahil responsibilidad niya ito bilang punong ehekutibo.

Naniniwala si Sayadi na maganda naman ang hangarin ng sumulat ng naturang column subalit maaaring na-misinterpret lamang umano siya nito. Sa inilabas na opisyal na pahayag ng alkalde, binigyang-diin nito na hindi siya “BALIMBING” at “NAMUMULITIKA”.

Kung ano man aniya ang kanyang posisyon noon hinggil sa BARMM at BOL ay nananatili ito, pinaninindigan niya at hindi umano ito basta na lamang magbabago.

-0-

Nagpulong sina Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad at Moro Islamic Liberation Front chair at ngayon ay BARMM chief minister Al Haj Murad Ebrahim.

Sa pagbisita sa bansa ni Mahathir kasama sa kanyang schedule ang pagkikita nila ni Ebrahim sa Makati Shangri-la Hotel.

Ayon kay Ebrahim sa kanilang pulong, nangako si Mahathir na tutulong ang Malaysia sa ikatatagumpay ng layunin para makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Ipinaliwanag din ni Ebrahim sa Malaysian prime minister ang mga prayoridad at pagsubok na kinakaharap ng kanilang hanay ngayong pinamumunuan nila ang BARMM.
Inamin din ni Ebrahim kay Mahathir na isa sa mga pagsubok na ito ay ang pagbabago ng kanilang hanay mula sa pagiging revolutionary organization na ngayon ay katuwang na ng gobyero sa pagpapalaganap ng tunay na kapayapaan at kaunlaran sa bangsamoro region.

-0-

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang mangingisda sa ospital matapos siyang masabugan ng dinamita habang nangingisda sa karagatang bahagi ng Bongo Island, sa Parang, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si USMAN TAGANI, kwarenta anyos, may asawa at residente rin ng naturang lugar. Base sa kwento ng mga kasamahan ng biktima, pasado alas onse ng umaga kamakalawa habang nasa laot at maghahagis na sana ng dinamita nang bigla itong sumabog sa kanyang kamay.

Putol ang mga daliri at nagtamo rin ng maraming sugat sa mukha at katawan si Tagani dahilan para agad siyang isugod sa pagamutan sa Cotabato city.

-0-0

PATAY ang isang miyembro ng ISIS-inspired Maute Group na wanted dahil sa pagpatay sa isang pulis at pagtutulak ng iligal na droga makaraang olasa ng mga otoridad ang anti-iligal drugs operation sa Brgy. Pugaan, Ditsaan Ramain, Lanao del Sur.

Sinabi ni BARMM PNP Director, Police Chief Supt. Graciano Mijares na nasawi ang suspek na si Mamintal Manan sa shootout matapos nitong paputukan ang mga sumalakay na pulis sa hideout nito pasado alas- kwatro ng madaling araw kamakalawa.

Si Manan na miyembro umano ng drug ring na may ugnayan sa Maute Group ni Benito Marahomsar alyas Abu Dar. Siya ay pangunahing suspek sa pagpatay kay SPO1 Mohammad Liwalug sa Lanao del Sur noong December 4, 2018.

Ayon kay Mijares, ang pagkakatunton sa kuta ni Manan ay dahil sa tulong ng mga lokal na opisyal sa lugar. Nadakip din ang isa pang kasamahan ni Manan na si Saidamen Caya na sinasabing sangkot sa large-scale drug trafficking.

Samantala, natimbog ng Lanao del Sur Police at PDEA-ARMM ang isa pang hinihinalang drug dealer na si Amrodin Bantog sa bulubunduking bahagi ng Wao, Lanao del Sur. Nakuha mula sa suspek ang 6.8 milyong pisong halaga ng shabu na kanila na sanang ire-remit kay Abu Dar.

Napag-alaman na sa ngayon ay humihina na umano ng ang Maute Group na kasalukuyang pinamumunuan ni Abu Dar. Kaya naman, nais na umanong makipag-alyansa ng Maute Group sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.

-0-

Naglunsad ng AIRSTRIKE ang AFP sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort na nag-deploy sila ng military assets para atakihin ang pinaniniwalaang kuta ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Patikul.

Ito ay makaraang makumpirma ng militar ang impormasyon na mayroong 200 mga ASG member na nagkukuta sa lugar. Mayroon ding natanggap na ulat ang AFP na nagpaplano ng panibagong terror attacks sina Radulan Sahiron at Hajan Sawadjaan.

Pasado alas sais ng umaga kahapon nang isagawa ang pambobomba sa Sitio Agas-Agas at Limasan na pawang nasa Brgy. Kabbun Takas, Patikul. Kahapon ng tanghali, sinabi ni Monfort na nagpapatuloy pa ang kanyang aerial attacks sa lugar.

-0-

40 bagong kaso ng Tigdas, naitala ng DOH sa region 12

Kontrolado pa rin ang kaso ng Measles o Tigdas sa region 12 sa kabila ng 40 bagong kaso nito na naitala ng Department of Health noong nakaraang linggo.

Ito ang nilinaw ni DOH 12 Ani-measles Campaign Spokesperson Jenny Ventura. Ayon kay Ventura abot na sa 382 na kaso na Tigdas ang naitala ng DOH 12 mula Enero hanggang March 6, na mas mataas ng 6 percent sa 362 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

GAyunman ayon kay Ventura, mas mabababa pa rin ang kaso ng Tigdas sa region 12 kumpara sa ibang rehiyon sa bansa na nagdeklara na ng state of calamity.

Nangunguna pa rin sa lalawigan sa region 12 na may pinakaraming nagsakit ng tigdas na umabot sa 104 ang South Cotabato, pangalawa ang Sarangani na may 79, 74 sa North Cotabato, 61 sa General Santos City, 45 sa Cotabato City at 19 sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Ventura tatlo sa mga biktima ay binawian ng buhay na naiwasan sana sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Tiniyak din ni Ventura na ginagawa ng mga health workers ang lahat para wala nang mamamatay dahil sa tigdas sa SOCCKSARGEN.

Ipinahayag nito na sa pakikipagtulungan ng DOH nagpapatuloy ang catch-up immunization kontra tigdas ng mga local government units sa rehiyon. Ayon kay Ventura, para matiyak na mabakunahan ang lahat na mga nasa 59 months old pababa, nagiikot ngayon sa mga bahay ang mga barangay health workers sa SOCCKSARGEN.

-0-

Anak ng MILF Commander patay sa pamamaril ng riding tandem sa Lambayong, Sultan Kudarat

Tiniyak ni Lambayong, Sultan Kudarat, Chief of Police, Senior Inspector Herman Luna na nanatili pa ring matiwasay ang nasabing bayan. Ito ay sa kabila ng pagbaril, patay sa lugar sa anak ng isang commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Kinilala ni Luna ang biktima na si Norman Sanday alyas Dong. Ayon kay Luna si Sanday na anak ni Moro Islamic Liberation Front o MILF 106 Base Command Commander Guevarra ay binaril habang nakamotorsiklo sa Purok San Isidro, Barangay New Cebu, Lambayong, mag-aalas otso ng umaga noong Myerkules.

Ipinahayag ni Luna na ang biktima ay agad na binawian ng buhay matapos tamaan ng mga bala ng baril ng riding tandem na mga salarin sa katawan at ulo.

Narekober ng mga pulis sa crime scene at tatlong basyo ng 45 pistol. Ayon kay Luna, personal grudge ang motibo na sinundan ng kanilang imbestigasyon sa insidente.

Dinagdag din ni Luna na nangako naman ang ama ng biktima na si Commander Guevarra na ipapaubaya na lamang sa mga pulis ang imbestigasyon sa kaso at pagtugis sa mga salarin.

-0-

Kulong ang dalawang mga estudyante at isang binata matapos maaresto sa operasyoon laban sa droga ng mga pulis sa Koronadal City.

Kinilala ang mga drug suspek na sina Ryan Dagunan, alias “Ryan” 27 years old at Norly John Lamis alias “John-john” 25 pawang mga estudyante ng isang kolehiyo sa syudad.

Arestado din ang kasama ng mga ito na si Bryan Magbanua, alias Bryan, 21 years old, binata. Nanguna sa pagaresto sa mga ito ang mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit o CPDEU ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Superintendent Benjiel Kirby Bajo.

Kasama din ng mga ito sa drug buy-bust operation sa Arellano Street, Purok Antipolo ang mga kasapi ng City Anti Drug Abuse Council o CADAC. Nakuha ng mga pulis sa mga ito ang dalawang pakete ng suspected shabu, 500 pesos marked money at drug paraphernalia.

Sa hiwalay na operasyon ng mga pulis sa Barangay Zone 3 sa syudad, inaresto naman ng mga ito ang service crew ng isang fast food charin na si Rey Vallespin, 23 ng Poblacion, Tantangan, ,South Cotabato. Nakuha ng mga pulis kay Vallespin ang isang malaking pakete ng umany shabu, 500 pesos marked money at drug parapernalia.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laman sa apat na mga naaresto umanong tulak ng shabu.

-0-

Mag-iitik patay, kasama sugatan sa pananaga ng kapwa Mag-iitik sa Banga, South Cotabato

Kinilala ng Banga PNP ang nasawing biktima na si Neil Dayaday Jr, 40 anyos,mag iitik at nakatira sa Barangay Cabuling, Banga, South Cotabato.

Sugatan din sa pananaga ang helper nitong nitong si Albert Princilla, 26 years old, binata ng Barangay Liberty, Norala. Ang dalawang mga biktima ay tinaga usa iba’t ibang parte ng katawan ng suspek na si Isidro Lanado na umano ay gumanti sa kanila.

Sinabi ng misis ni Lanado sa mga pulis na ang lasing na sina Dayaday at Princilla ay pumunta umano sa kanilang tent sa Barangay Liwanay, Banga at hinarass ang mga ito gamit ng masasamang mga salita.

Nang sinubukan umano ng mga biktima na pumasok sa kanilang tent inunahan na sila ng suspek na si Lanado. Ang biktimang si Dayaday ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City kung saan din nagpapagaling ang kasamang sugatan na si Ramos.

Habang ang suspek na hinarass umano ng mga ito na si Lanado na tumakas matapos ang krimen ay pinaghahanap pa ng mga pulis.

-0-

Paggamit ng mga programa ng ahensya sa pamumulitika pinabulaan ng Regional Director ng DA 12

Binigyan diin ni DA XII Regional Executive Director Milagros Casis na hindi lamang sa panahon ng eleksiyon namimigay ang ahensiya ng mga proyekto nito.

Sinabi nito na ang pamamahagi ng proyekto ay ginagawa ng DA saa nmang panig ng rehiyon sa bansa. Isa sa mga proyektong itinuturo ng ilang indibidwal na pinupulitika raw ng DA ay ang programang Special Area for Agricultural Development o SAAD.

Paglilinaw ng direktor, bago pa man ang eleksiyon, nakapamahagi na ang SAAD ng iba’t ibang interbensiyon sa mga mahihirap na magsasakang nakatira sa dalawampung pinakamahihirap na lalawigan sa buong bansa.

Dito sa Rehiyon Dose, kabilang ang mga lalawigan ng North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa mga nabigyan ng mga proyekto sa ilalim ng SAAD. Bukod sa mga nabanggit na probinsiya, pinangangasiwaan din ng DA XII ang implementasyon ng SAAD sa probinsiya ng Maguindanao.

-0-

477Million na halaga ng panamim sa North Cotabato, napinsala dahil sa matinding tag-init

Bagaman at hindi pa napabilang ang probinsya ng Nortn Cotabato sa tatlong kategorya na dry condition, dry spell at drought ay abot na sa 477M na halaga ng mga produkto ang apektado ng matinding init.

Ito ay ayon kay PDRRM warning aand action officer Engr. Arnulfo Villaruz sa naging panayam ng Radyo-Bida. Abot na din sa 8,500 farmers at naapektuhan at hindi pa kabilang dito ang mga laborers sa North Cotabato. Giit pa ni Villaruz, posibleng sa susunod na mga linggo ay madadagdagan na ang apat na mga bayan na nagdeklara ng state of calamity kung patuloy ang tag-tuyot.

Una ng nagdeklara ang mga bayan ng Pikit, Aleosan, Mlang at Alamada. Sinabi ni Villaruz, nagpapatuloy ang kanilang mga binibigay na ayuda sa mga magsasaka gaya ng pagbibigay ng bigas. Magbibigay na din ng mga seedlings ang Provincial Government kung magsisimula na ang tag- ulan sa susunod na mga buwan.

Paalala naman ni Villaruz sa mga mamamayan na iwasang magsunog dahil na din sa sunod-sunod na grassfire sa lugar at maging ang pagtapon ng upos nga sigarilyo lalo na kung malakas nag hangin. NDBC BIDA BALITA

-0-
Pay-out ng mga senior citizen, dalawang beses nalang sa isang taon- ayon sa DSWD 12

Dalawang beses nalang kada taon ipapalabas ang social pension ng mga senior citizen. Ayon kay DSWD 12 spokesperson Lavinia Saraw, epektibo ang bagong implementasyon simula sa buwan ng abril at hunyo.

Sinabi ni Saraw, plano ding palitan ang mode of payment ng kanilang social pension. Sa kasalukuyan, inihuhulog ang pera sa LGU pagkatapos ng MOA signing.

Ngayon, tatlo ang iminungkahi na mode of payment para sa pension ng senior citizen una ang Regional office 12 ang magbibigay sa pamamagitan ng kanilang special disversing officer, pangalawa ay ihuhulog na sa ATM at panghuli ay ang service provider.

Pero ayon kay Saraw, depende pa kung ano ang mapagpipilian ng mga opsiyales. Sa nagyon, direct payment muna ang kanilang gagamitin kung saan ang tauhan mismo mula sa DSWD pupunta sa mga municpyo para sa release ng kanilang pension.

Samatala, wala din umanong direktiba ang DSWD 12 na compulsory ang pagpapamiyembro ng senior citizen sa isang organisayson. Giit pa ni Saraw, kailangan ang buong benepisyo ang matatanggap ng isang senior citizen dalawang beses kada isang taon. NDBC BIDA BALITA

-0-
Number 4 wanted person sa North Cotabato, arestado sa operasyon ng PNP

Huli ang number 4 wanted person dahil sa kasong rape sa buong North Cotabato. Nakilala ang suspek na si Tito Enero Ediong, 42 anyos at nakatira sa barangay Singao, Kidapawan City.

Isinagawa ng City PNP ang operasyon sa bahay mismo ng suspek kahapon. Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest batay na rin sa ipinalabas at inisyu ng isnag hukom sa lungsod. Wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa kalayaan ng nasabing suspek.

Temporaryong nakakulong na si Ediong sa lock up cell ng Kidapawan City PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. NDBC BIDA BALITA

-0-
Isyung pag-atras sa pagtakbo bilang kongresista ni Councilor Mike Rualo sa ikalawang distrito sa North Cotabato, pinasinungalingan ng opisyal

Nilinaw ni Councilor Mike Rualo na hindi siya umatras sa pagtakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito sa North Cotabato. Ginawa ng opisyal ang pahayag sa Radyo-Bida matapos kumalat ang isyung nagwithdraw siya ng kanyang kandidatura.

Ayon sa mga isyung kumakalat na kinausap umano siya ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na umatras nalang sa pagtakbo.

Pero nilinaw ng opisyal hindi niya ito tinanggihan at hindi din siya pumayag, anya hindi din naman maiiwasan na maisingit dahil magkaibigan naman ang dalawa. Nagtataka din ang opisyal kung bakit kumalat ang maling impormasyon gayung hindi naman niya ito iniintindi.

Habang sinusubukan pa ng himpilang ito na kunin ang panig ni Secretary Manny Piñol hinggil sa nasabing isyu. NDBC BIDA BALITA

-0-

Magsasaka patay sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

Nakilala ang biktima na si Yasser Butch Mamento, 42 anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Pagagawan Datu Montawal Maguindanao.

Naganap ang pamamaril sa Langogan Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at nang pagdating sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay pinagbabaril na ng gunman gamit ang caliber 45 pistol ang biktima Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na barangay sa bayan ng Carmen tangay ang XRM na motorsiklo ng biktima.

Dead on the spot spot si Mamento matapos magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang motibo ng mga responsible sa nasabing pamamaril. NDBC BIDA BALITA

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...