Saturday Jul, 02 2022 06:50:59 AM

NDBC BIDA BALITA (5.11.19)

NDBC BALITA • 23:45 PM Sat May 11, 2019
754
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 11, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MAHIGIT isang daang team na tututok sa mga kaso ng vote buying ngayong halalan, gumana na!

2. HEPE ng Kidapawan City PNP, ni-relieve sa pwesto ilang araw bago ang eleksyon.

3. PNP, mariing mino-monitor ang armadong grupo na posibleng mangulo umano sa gagawing eleksyon sa ilang mga lugar sa region 12.

5. Region 12, nasa tourism map ng Asia.

-0-

NAGSIMULA nang magtrabaho ang nasa 105 teams ng PNP na tututok sa mga kaso ng vote buying and vote selling sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Directorate for Operations, Police Maj. Gen. Mao Aplasca, na binuo nila ang naturang teams bilang tugon sa kahilingan ng Commission on Elections o Comelec na masawata ang mga namimili ng boto.

Ayon kay Aplasca, bawat team ay binubuo ng walo hanggang sampung mga pulis na mula sa Criminal Investigation and Detection Group, Special Action Force, intelligence group, at sa reserved force ng PNP.

Sa datos ng PNP, nasa 24 na mga indibidwal na naaresto ng PNP dahil sa vote buying kabilang na dito ang mga nadakip sa North Cotabato kamakailan.

Naniniwala naman si Aplasca na posibleng tataas pa ang bilang na ito ngayong papalapit na ang halalan. Umapela naman si Aplasca sa publiko na agad isumbong sa mga otoridad kapag may impormasyon hinggil sa mga namimili ng boto.

0-0-

TINIYAK naman ng pamunuan ng Army’s 6th Infantry Division na handang-handa na ang sila sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa araw ng botohan sa Lunes, May 13.

Sinabi ni Army’s 6th ID spokesperson Major Arvin Encinas na nagsagawa na gagawin ng mga sundalo ang lahat ng kanilang makakaya para maging maayos at payapa ang gagawing halalan.

Ayon pa kay Encinas, tiyak din na hindi makakapanggulo ang mga “peace spoiler” sa Central Mindanao bago at sa mismong araw ng halalan dahil sa dami ng mga magbabantay na mga sundalo at pulis.

Samantala, kinumpirma ni Ensinas na mayroon silang natanggap na impormasyon na may mga bomba umanong ibi-byahe sana sakay ng ng motorsiklo para dalhin sa mga Tacurong City; Isulan at Esperanza sa Sultan Kudarat; Koronadal City at General Santos City pero napigilan ito ng mga otoridad.

Nagpasalamat naman si Encinas sa kooperasyon ng publiko na nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad upang matiyak ang malinis, maayos at payapang eleksyon.

-0-

SASAMPAHAN NA ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10951 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isang punong barangay na nakuhanan ng mga armas at eksplosibo sa loob ng kanyang bahay sa Cotabato City.
Base sa report ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM nakilala ang naturang suspek na si Peter Cortez Morales, chairman ng Barangay Rosary Heights 1 ng lungsod.

Isinagawa ang raid sa bahay ni Morales sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa Kabacan, North Cotabato.

Nakuha mula sa bahay ng suspek ang dalawang cal. 45 pistol, mga magazine at mga bala. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG-BARMM si Morales.

-0-

Duguan na isinugod sa ospital ang isang habal-habal driver na biktima ng pamamaril sa Tamse Road, Barangay Poblacion 4, Cotabato City pasado alas dyes kagabi.
Nagtamo ng tama ng bala sa paa ang biktimang si RAZID KAMAD USMAN, 19 years old na residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na ulat ng City PNP, namamasahero lamang si Usman nang bigla siyang paputukan ng di pa nakikilalang suspek gamit ang di pa natukoy na uri ng baril.

Agad namang itinakbo ng mga concerned citizen sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas.

-0-

Agad na isinugod sa pagamutan ng mga concerned citizen ang isang lalaking nakita nilang duguan at nakahandusay sa tabi ng kalsada na sakop ng Brgy. Dimapatoy, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao pasado alas kwatro ng umaga kahapon.

Nakilala ang naturang lalaki na si ERIEL COLINARES MENDOZA, nasa hustong gulang.

Ayon kay Hadji NOOR, isa sa mga taong nakakita at tumulong sa biktima, nadaanan nila si MENDOZA na sugatan at halos walang malay katabi ng kanyang natumbang motorsiklo kaya agad nila itong itinakbo sa ospital.

Pinaniniwalaang na-aksidente si Mendoza pero inaalam pa ng mga otoridad ang detalye ng pangyayari.

-0-

Handa na ang tanggapan ng Comelec sa President Roxas, Cotabato maging ang mga gagamitin para sa May midterm elections. Ito ay ayon kay President Roxas election officer Carmen Francisco sa naging panayam ng Radyo-Bida.

Sinabi ni Francisco, dumating na ang lahat na gagamitin para sa halalan maging ang mga official ballots.

Nasa 30,833 ang registered voters ng President Roxas habang 141 naman na mga guro ang magsisilbing Electoral Board sa araw ng halalan.

Samantala, naging maayos naman ang isinagawang final testing and sealing ng mga Vote counting machines sa bayan kahapon.

Anya, hindi naman pumalya ang lahat ng mga 47 na VCM at kung may hindi naman gagana na makina sa araw ng eleskyon ay may reserbang lima sa tanggapan ng Comelec.

Dagdag pa ng opisyal, maari ring suriin ng mga botante ng nasabing bayan ang kanilang pangalan na inilabas ng Comelec.

Habang nakadeploy naman ang mga pulis sa ibat-ibang mga polline centers ng bayan. NDBC BIDA BALITA

-0-

Kulungan ang bagsak ng isang drug suspek matapos isagawa ang buy-bust operation ng Kidapawan City PNP alas 9:30 ng umaga kahapon sa Pendatun St., barangay Poblacion, Kidapawan City.

Kinilala ang nadakip na si Jejomar Montebon, 30-anyos na nakatira ng nasabing lugar. Nakuha sa suspek ang sampung mga sachet ng pinaghinihinalang droga na nagkakahalaga nga halos dalawampung libong piso.

Si Montebon ay nahuli ng operatiba Philippine Drug Enforcement Agency matapos mabilhan ng isang sachet ng droga ng kanilang asset.

Ayon kay PDEA 12 Public Information Officer Kath Abad, si Montebon ay isa umanong high value target na matagal rin minanmanan ng mga operatiba.

Nasa custodial facility na ngayon ng Kidapawan City PNP si Montebon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Muli ring nagpaalala ang PDEA na patuloy nilang minomonitor ang iba pang mga high value target lalo na sa lalawigan ng North Cotabato.

-0-
Hepe ng Kidapawan City PNP, ni-relieve sa pwesto

Na-relieve sa kanyang pwesto bilang hepe ng Kidapawan City PNP si Police Lt. Colenel Ramel Hojilla kahapon ng umaga. Isinagawa rin kahapon ang turn-over ceremony sa pag-upo ni Police Lt. Colonel Ma. Joyce Birrey bilang bagong hepe.

Si Hojilla rin ang pumalit sa iniwanang pwesto ni Birrey sa Cotabato Police Provincial Office o CPPO. Siya na ngayon ang bagong Deputy Provincial Director for Admin o DPDA ng CPPO.

Si Hojilla ay tumagal sa panunungkulan bilang hepe sa loob ng mahigit isang taon at pitong buwan sa Kidapawan City.

Sinabi ni Hojilla na politika ang posibleng dahilan ng kanyang pagka-relieve sa pwesto pero hindi na niya idenetalye ang mas malalim pang dahilan nito. NDBC BIDA BALITA

-0-

Itinanggi ni Kapitan Arnold Sumbiling ng Brgy Poblacion, Kidapawan City na binago umano nito ang listahan ng mga benepisyaryo ng relief assistance na isinasagawa ng Red Cross kahapon ng umaga.

Ayon kay Sumbiling, inayos lamang nila ang listahan dahil marami umano ang hindi nakatanggap ng coupon na siyang gagamitin sa pagkuha ng kanilang relief goods. Muling nagbigay ng bagong mga coupon mula sa Red Cross kung saan ibinase na ito sa inayos nilang listahan.

Sinabi rin ni Sumbiling ni maaari umanong ipresenta ang kahit anong valid ID sa pagkuha ng coupon. Nabatid kasi sa una nang inulan ng reklamo ang nasabing relief distribution dahil walang mga balidong ID ang ibang mga benepisyaryo.

Sa kabuuan, naging maayos naman ang isinagawang relief distribution sa City Gymnasium kanina kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 11kilos na bigas at limang lata ng sardinas.

Abot naman sa 2,756 na mga pamilya ang makakatanggap nito. Nabatid na hindi pa nila nauubos ang pamimigay ng nasabing relief goods at ipagpapatuloy pa ito pagkatapos ng eleksyon. NDBC BIDA BALITA

-0-

Tuloy ang botohan sa Barangay New Bohol sa Kidapawan City sa kabila nang pagkasunog ng kanilang paaralan nitong nakaraang Biyernes Santo.

Sinabi ni Kidapawan City Election Officer Josephine Macapas, gagamitn ang natirang daycare centers bilang voting precincts. May kabuoang 1,185 na mga botante sa dalawang presento ng nabangit na barangay. Samantala, all set narin ang elections sa buong lungsod sa darating na Lunes.

Ayon kay Macapas, 109 na mga Vote Counting Machines ang walang nakitang aberya sa isinagawang final testing and sealing kahapon. Tanging ang SD card lang ng isang VCM sa Barangay Sibawan ang kinakikitaan ng pagpalya.

Masusulosyunan naman daw ito ayon kay Macapas, dahil I reconfigure lang daw ito at maari nang gamitin. Nasa mga voting precincts narin ang mga VCM’s at guwardiado ito nang tigdadalawang mga pulis, dagdag pa ni Macapas.

-0-

Makalipas ang 14 na taong paghihintay ay magkakaroon na ng sarili nitong gusali sa Koronadal City ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA region 12.

Ang mahigit 35 million pesos na gusali ay ipatatayo na ngayong taon sa Regional Center sa barangay Carpenter Hill sa syudad.

Ito ay ipatatayo naman sa loteng bigay ng lokal na pamahalaan ng Koronadal. Maliban sa kanilang regional office, magpapatayo din ang TESDA 12 ng Regional Manpower Training Center sa Alabel, Sarangani Province.

Pinasalamatan naman ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II si Senator Manny Pacquio sa paglalaan ng 45 million pesos para sa nasabing training center.

Ang dalawang mga proyekto na may kabuuang halaga na 80 million pesos ay inaasahang matatapos sa 2020.

0-0-

Private Employee na nakamotorsiklo patay sa vehicular crash sa Surallah, South Cotabato

Kinilala ng Surallan PNP ang nasawing biktima na si Bernard Canaria, 45 anyos, SUMIFRU employee at nakatira sa Purok Rizal, Bo.5, Banga, South Cotabato. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nakasalpukan ng motorsiklo ng biktimang si Canaria ang kasalubong na Bongo Truck.

Ito ay matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho at inokopa ang kabilang bahagi ng palikong bahagi ng daan sa Pruok Rizal Dos, Barangay Lamsugod, Surallah, South Cotabato. Ang biktimang si Canaria na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa Upper Valley Community Hospital sa Surallah.

Ang Bongo truck na nabanga nito at driver na si Jemar Francisco 33 years old ay ikinustodya ng Surallah PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash.

0-0

PNP mariing minomonitor laban sa armadong grupo na maaring mangulo sa eleksyon ang mga boundary ng General Santos City

Nagtalaga na ng mga pulis na mag-momonitor sa mga barangay na nasa boundary ng syudad sa South Cotabato at Sarangani ang pulisiya sa General Santos City.

Katuwang ng mga police personnel sa pagsasagawa nito ang mga kasapi ng Joint Task Force Gensan at 1002nd Brigade ng militar.

Ito ay ayon kay Gensan PNP Spokesperson Police Lt. Renato Dungca Jr. Ayon kay Dungca kabilang sa kanlang mariing binabantayan ngayon ang barnagay ng San Jose sa T’boli, South Cotabato; at ilang barangay sa Malungon at Alabel sa Sarangani.

Ito ay dahil umano sa presensya ng mga armadong grupo na maaring mangulo sa May 13 midterm elections. Gayunpaman nilinaw ni Dungca na ang mga barangay na ito ay hindi itinuturing na election hot spots.

Ayon kay Dungca naka-deploy na rin sa mga polling centers at iba pang matataong lugar sa Gensan ang mahigit 700 mga pulis na tutulong sa pagpapanatili ng seguridad sa eleksyon.

0-0

Pilipinas napabilang sa mga bansang madalas dayuhin ang Agri-tourism sites, ayon sa Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture

Isa sa mga bansang nagunguna sa Agri Tourism Sites ang Pilipinas.

Kasabay din nito ang patuloy na pagsulong ng Department of Agriculture na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa bansa.

Sa ulat ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture o SEARCA ang mga agri-tourism sites sa bansa ay maihahambing sa Taiwan,Hawaii, Tuscany sa Italy, California sa Amerika at Brazil.

Ayon naman kay Rose Libongco ng Hotel Sales and Marketing Association, dahil sa mga likas yaman nito, napanatili ang mga Agri-tourism sites sa Pilipinas.

Nakadagdag pa dito ayon kay Libongco ang mayamang pamana sa agrikultura ng mga magsasaka at pagiging likas ng mga Pilipino sa mga banyaga.

Dinagdag dito na nagungunang mga agri-tourism hubs sa Pilipinas ang mga organic, nature-friendly at health and wellness farm. Sa South Cotabato isa sa mga dinarayo ng mga turista ang Mariano’s Blooming Petals sa bayan ng Tupi.

Ito a dahil sa malawak na sun flower plantation at organikong mga produktong pang-agrikultura.

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...

Job opportunities at Cotabato City power firm

The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) is looking for business process specialist and distribution network technician.