Thursday Jul, 07 2022 02:48:44 PM

NDBC BIDA BALITA (5.1.19)

NDBC BALITA • 10:15 AM Wed May 1, 2019
1,025
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 1, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. ILANG labor groups sa Central Mindanao, makikilahok sa nationwide Labor Day rally ngayong araw.

2. BINATA, patay nang ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Norala, South Cotabato

3. BARANGAY CHAIRMAN sa Kidapawan city na inireklamo matapos pagbantaan ang tatlong Red Cross volunteers, nagpaliwanag ng panig sa DXND AM - Radyo BIDA.

4. 44 sunog naitala sa North Cotabato; 5 patay, P88 million halaga ng pinsala naitala

-0-

HIGIT sa 50 libo katao ang inaasahang makikilahok sa kaliwa’t kanang kilos protesta sa iba’t ibang lugar sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw.

Ipinananawagan ng labor leaders kay Pangulong Duterte ang pagtupad nito sa kanyang mga pangako noong kampanya para sa mga manggagawa.

Iginiit ni Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog na nagpapatuloy pa rin kasi ang labor-contracting hanggang ngayon. Naniniwala rin si Labog na dapat ng magpatupad ng nararapat na umento sa sahod ang pamahalaan.

Giit ni Labog dapat ay ipatupad ang wage hike sa lalong madaling panahon at ang pagtatakda sa isang pambansang minimum wage upang makaagapay ang mga manggagawa sa epekto ng inflation at pagtaas ng cost of living.

Samantala, sinabi naman ni Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Sonny Matula at Joshua Mata ng Sentro-Nagkaisa na ang tuluyang pagsasabatas sa Security of Tenure bill ay unang hakbang para tuldukan na ang kontraktwalisasyon.

Responsibilidad aniya ni Pangulong Duterte ang paghimok sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso na ipasa na ang Security of Tenure bill. Ipoprotesta naman ng Tindig Pilipinas ang pagdami ng mga manggagawang banyaga sa bansa.

-0-

WALA NAMAN UMANONG umento sa sahod ang maaasahan ng mga manggagawa sa region 12 ngayong araw.

Ipinaliwanag ni Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region o RTWPB-12 Director Jessie Dela Cruz, hinihintay pa kasi nila ang resulta ng poverty threshold survey ng Philippine Statistic Authority o PSA.

Ito ang magiging batayan ng board sa pagdedesisyon kung nararapat na magpatupad ng wage hike para sa mga mangagawa ng pribadong sektor.

ni Dela Cruz, nagpapatuloy din ang kanilang pagsusuri sa socio-economic indicators.

Ayon pa kay dela Cruz, wala pa rin silang natatanggap na petition for wage increase mula sa mga labor group ng rehiyon.

Sa ngayon, ang arawang sahod sa mga manggagawa sa non-agriculture sector ay P311 base sa Wage Order 20 na inilabas ng DOLE 12 noong nakaraan pang taon. P290 naman ang arawang sahod sa agricultural, retail and services sector.

-0-

Duguan nang isugod sa pagamutan ang isang magsasaka makaraang tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Kapinpilan, Midsayap, North Cotabato pasado alas dos ng hapon kahapon.

Base sa inisyal na ulat, nagtungo sa kanyang palayan ang di kinilalang biktima para kunin sana ang kanyang kalabaw .

Nagkataon naman umanong nagpang-abot ang dalawang magkalabang armadong grupo sa lugar at nagkaputukan. Tinamaan ng bala sa kaliwang hita ang biktimang magsasaka kaya agad na isinugod ng kanyang pamilya sa isang ospital dito sa lungsod.

Away pamilya o rido naman umano ang dahilan ng nangyaring barilan sa nasabing lugar.

-0-

NABULABOG ang mga residente ng Pansacala Street, ng Barangay Rosary Heights 10, Cotabato city matapos na masunog ang isang tindahan ng Barbeque sa lugar.

Sa inisyal na report ng City Bureau of Fire Protection, ang natupok na barbeque stall ay pag aari ng negosyanteng si NOR-AIN MANGIGING, 38 years old. Pasado alas nuebe ng umaga nang bigla na lamang umanong magliyab ang pwesto ni MANGIGING.

Ngunit bago pa man makarating ang mga bombero ay naapula na ang sunog dahil sa pagtutulungan ng mga residente sa lugar na maapula ang apoy. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

-0-

Ipinag-utos na ng Malakanyang ang implementasyon ng annex of normalization sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Base sa executive order 79 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 24, pinatitiyak ng pangulo na makukuha ng mga residente sa Bangsamoro Region ang maayos, mapayapang pamumuhay.

Ipinag-uutos din ng pangulo ang pagbuo ng Inter- Cabinet Cluster Mechanism on Normalization na mangunguna sa pangangasiwa sa Normalization Program ng gobyerno.

Base sa EO, ang mga kinatawan mula sa Office of Presidential Adviser on the Peace Process at mga kalihim ng Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, National Security Council, Budget Management at iba pa.

Pinamamadali din ng pangulo ang implementasyon ng mga programa ukol sa rehabilitation, development at reconstruction sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inaatasan din ang OPPAP na maglabas ng operational guidelines para sa maayos na implementasyon ng EO.

-0-

Economic Activities sa rehiyon inaasahang lalo pang sisigla dahil sa mga pangunahing investments, ayon sa Assistant Regional Director ng National Economic Development Authority 12

Umaasa si National Economic and Development Authrotiy o NEDA 12 Assistant Regional Director Noel Quiratman na lalo pang uunlad ang ekonomiya ng rehiyon sa mga susunod na buwan.

Ito ay dahil sa pagpapatayo ng malalaking mga proyekto ng gobyerno at pribadong sektor.

Ayon kay Quiratman ang mga pagunald na ito ay nakasentro sa mga pangunging syudad ng General Santos, Tacurong, Koronadal, at Kidapawan. Makikinabang din sa mga development na ito ang mga umuunlad na bayan ng Midsayap at Kabacan sa North Cotabato, Alabel at Glan sa Sarangani, Surallah at Polomolok sa South Cotabato at Lebak at Isulan sa Sultan Kudarat.

Sinabi ni Quiratman na magpapatuloy ang pagunlad ng ekonomiya ng region 12 ngayong 2019 dahil sa mga investment sa real estate, retail industry, commercial banking, fast food chain at iba pang service-oriented industries.

Ito ayon kay Quiratman ay bukod pa sa nagpapatuloy na road expansion at pagpapatayo ng mga proyekto sa ilalim ng “Build Build Build” Program ng pamahalaan.

Ayon kay Quiratman kabilang sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno na inaasahang matatapos na ngayong taon ang 959 million pesos na expansion ng General Santos City International Airport.

Mahalaga din sa rehiyon ayon kay Quiratman ang Malitubog-Maridagao Irrigation Project-Phase 2 at Kabaulnan 2 Multipurpose Irrigation Project sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

Ayon kay Quiratman sisimulan na rin ngayong taon ang development ng SOCCSKARGEN Regional Hospital at South Cotabato State College sa bayan ng Surallah.

-0-

Binata patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Norala, South Cotabato

Kinilala ni Norala Acting Fire Marshall Inspector Richard Madayag ang biktima na si Anghel Fano 43 anyos,binata at nakatira sa Purok Mercado Rizal, Poblacion, Norala, South Cotabato.

Ayon kay Madayag,matapos bumalik sa nasusunog na bahay dahil mayroon umanong kukunin hindi na nakalabas pa ang biktima. Sinabi ni Madayag na nagtamo naman ng minor injury ang lima pang mga kaanak ni Fano na agad namang isinugod sa ospital.

Ayon kay Madayag nagsimula ang sunog sa bahay ng biktima pasado alas singko ng madaling araw kanina at nagdeklara ng fire out ang mga bombero makalipas ang may tatlong oras.

Sinabi ni Madayag na dahil sa may kalumaan na at gawa sa light materials ang ikalawang palapag, mabilis na kumalat ang apoy sa buong bahay.

Ipinahayag ni Madayag na nagsimula ang sunog sa kisame ng bahay kaya maaring naging sanhi nito ang nag-kaproblemang may kalumaan na ring linya ng kuryente.

Ayon kay Madayag base sa kanilang inisyal na assessment ang sunog ay tumupok sa mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng mga ari-arian. Nilinaw ni Madayag na hindi pa saklaw nito ang mga farm equipment kabilang ang harvester ng pamilya Fano na kasama rin sa mga tinupok ng apoy.

Nanawagan din si Madayag sa publiko na ipasuri sa mga electrician ang linya ng kuryente sa bahay lalong lalo na kung ito ay luma na para iwas sunog ngayong taginit.

-0-

Laborer na nakamotorsiklo patay sa vehicular crash sa Surallah, South Cotabato

Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Deputy Chief of Police, Lt. Col Freddie Humballas ang biktima na si Rodelo Calibayan, binata, Laborer at nakatira sa Barangay Little, Baguio, Surallah, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang motorsiklong minaneho ni Calibayan ay nag-overshoot sa highway at bumangga sa isang puno.

Ito ay matapos mawalan ng kontrol pagdating sa palikong bahagi ng daan na binabaybay patungong karatig bayan ng Lake Sebu.

Ang biktimang si Calibayan na nagtamo ng matinding mga sugat matapos gumulong sa highway ay dead on arrival sa Upper Valley Community Hospital sa Surallah. Ang motorsiklong walang license plate na minaneho nito ay ikinustodya ng Surallah PNP.

Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing vehicular crash.

-0-

Programa sa pautang ng OWWA mapapakinabangan ng 50 OFW at kanilang dependent na isinailalim sa Demo Farm Immersion sa Tupi, South Cotabato.

Nakumpleto ng limampung mga Overseas Filipio Workers at kanilang mga dependent na aplikante sa OFW-Enteprise Development and Loan Program ang kanilang Demo Farm Immerssion sa VMotril’s Farm sa Crossing Rubber sa Tupi, South Cotabato.

Layunin ng isang araw na aktibidad na maturuan pa ang mga ito sa pamamahala ng piniling kabuhayan o negosyo. Kalakip dito ang pagresolba ng mga problemang pinansyal, at marketing.

Ayon kay OWWA 12 OIC Kristine Marie Sison, ang aktibidad ay isa lamang sa kanilang mga programa para matulungan na magtagumpay ipatatayong kabuhayan ng mga OFW.

Dinagdag din ni Sison na para sa mga dagdag na training at seminar sa kanilang mga benpisyaryo, nakikipag ugnayan din sila sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Ang OFW-Enterprise Development and Loan Program na dating 2BM OFW Reintegration Program o OFW-RP ay isang programa sa pautang ng OWWA para sa mga OFW at kanilang mga dependent katuwang ang Land Bank of the Philippines.

-0-

“Buko” at Bamboo Straw bumida sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City

Nagbukas ang 2019 Palarong Pambansa na nilahukan ng mahigit 20,000 mga atleta at manonood sa makasaysayang intoduction ng Buko Juice bilang official energy drink.

Ayon kay DA Secretary Manny Pinol sa kauna unahang pagkakataon ang Buko Juice na madalas ibinebenta lamang ng mga vendor sa kariton ay kinilala bilang health drink sa isang national event.

Ito ay napagkasunduan ng DA, Department of Education at City Government ng Davao. Kaugnay nito, nangako naman sina Deped Secretary Leonor Briones at Palarong Pambansa Secretary General Revsee Escobedo na panatihin official drink ang Buko Juiced sa mga susunod na palarong pambansa .

Ayon kay Pinol maliban sa mga coconut farmers, kumikita din ngayon ang mga katutubo dahil ginagamit sa paginom ng buko Juice sa Palarong Pambansa ang mga bamboo straw na inani mula sa kanilang mga ancestral domain.

Umaasa si Pinol na makatutulong ang pagsulong nila sa Buko Juice para maging official energy drink sa national sports event para malaman pa ng publiko ang kabutihan nito sa kalusugan.

Sinabi ni Pinol na sa pamamagitan ng pag-inom ng Buko Juice ay mababawasan din ang oversupply at pagbaba ng presyo ng copra at coconut oil.

-0-

BFP North Cotabato, nakapagtala ng 44 na kaso ng sunog para sa unang quarter ng taong 2019

Umabot na sa 88Million ang halaga ng danyos ang naitala ng Bureau of Protection Fire North Cotabato para sa unang tatlong buwan ng taong 2019. Ang nasabing halaga ay mula sa kabuuang bilang ng mga sunog mula sa ibat-ibang barangay at bayan sa probinsya.

Sinabi ni North Cotabato Fire Officer Samyr Mundas, ang pinakamalaking kaso na naitala ng kanilang tanggapan ay ang nasunog na Sugni Superstore sa bayan ng Kabacan nitong buwan ng Marso na nasa 70-M pesos. Dagdag pa ni Mundas, ang bilang para sa unang quarter ng taon ay halos walang pinagkaiba sa parehong mga buwan noong taong 2018.

Tumataas din anya ang kaso ng sunog o mga nasusunogan lalo na sa panahon ng tag-init. Dahil dito muling nagpaalala ang tanggapan na agad iparating sa kanilang ahensya ang anumang insidente ng sunog nang sa gayon ay maagapan pa at maapula ito.

May mga interventions na rin anyang ginagawa ang BFP Cotabato lalo pa at mas dumarami ang mga naiitalang sunog tuwing summer. NDBC BIDA BALITA

-0-

PESO Head ng Kidapawan City, nananawagan sa mga job hunters na dumalo sa weekly pre-employment orientation seminar ng tanggapan

Dumalo sa libreng pre-employment orientation seminar na pinangangasiwaan ng Public Employment Service Office o PESO sa Kidapawan City.

Ito ang naging panawagan sa mga job seekers sa loob at labas ng bansa ni Kidapawan PESO Head Herminia Infanta sa panayam ng Radyo Bida.

Paglilinaw din ni Infanta, walang isasagawang job fair ngayong araw Labor Day sa kanilang tanggapan dahil ito ay isasagawa sa ikatlong linggo ngayong buwan kasabay ng aktibidad ng Department of Trade and Industry o DTI na diskwento caravan.

Napaloob sa pre-employment orientation seminar ang mga tip, dapat na gawin at dalhin sa araw ng job fair at magbibigay din anya sila ng certificate.

Ipinagmalaki ni Infanta na nasa 1.98 percent lamang ang unemployment rate sa Kidapawan City pero malaki ang porsyento ng under employed na nasa 17 to 19 o mga manggagawa na hindi akma sa kanilang natapos na kurso.

Ang pre-employment orientation seminar ay isasagawa sa tanggapan ng PESO Kidapawan tuwing araw ng huwebes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng tangghali. NDBC BIDA BALITA

-0-
Kidapawan City Comelec, handa na para sa May 13 midterm elections - ayon sa City election officer ng lungsod

Hinihintay na lamang ng Kidapawan City Comelec office ang mga naimprentang ballota na gagamitin para sa May 13, Midterm Elections.

Ito ang sinabi ni City Election officer, Josephine Macapas sa naging panayam ng Radyo Bida. Sinabi ni Macapas , 99.9 percent ng handa ang kanilang tanggapan at maging ang mga gagamitin para sa halalan, mga pagsagawa ng training sa mga guro na magsisilbing electoral board.

Dagdag pa nito, automated at vote counting machine ang gagamitin ngayong eleksyon at sinisiguro nito na hindi mamanipula ang resulta ng halalan.

May lalabas din anyang resibo sa machine na maaring matingnan at makumpara ng mga botante ang kanilang mga ibinoto at nilinaw din ni Macapas na hindi na ito pwedeng dalhin sa labas.

Sa darating na May 10, tatlong araw bago ang eleksyon ay magsasagawa ng pagsusuri ang tanggapan sa mga voting machines na gagamitin sa eleksyon.

Nitong nakaraang linggo ay pinangunahan din ng Comelec Kidapawan ang pagbabaklas sa mga campaign materials na wala sa common poster areas.

Una ng nagpaalala sa publiko lalo na sa mga botante si Comelec spokesperson James Jimenez na maaring magdala ng listahan ng iboboto sa araw ng halalan upang mas mapadali ang kanilang pagboto. NDBC BIDA BALITA

-0-
GMA Kapuso Foundation at militar namigay ng tulong sa mga pamilyang apektado sa weak El-Nino sa Kidapawan City

Nagsimula na sa pamimigay ng calamity assistance ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan sa mga pamilya na apektado ng tag-init sa lungsod.

Ang bawat pamilya ang makakatanggap 11kilong na bigas na siyang pinagkasunduan ng sangguniang panlungsod, noodles at canned goods.

Abot din sa 980 gallons na tubig na maiinom ang ibinigay sa mga residente ng dalawang mga barangay sa pamamagitan ng GMA kapuso foundation, 901st Brigade at 72nd Infantry battalion ng Philippine Army sa daan-daang mga pmilya mula sa barangay ng Onica at Amas Kidapawan.

Ang iba ay nakatanggap din ng food packs mula sa foundation sa tulong narin ng Militar.

Una ng isinailalim ang lungsod sa state of Calamity at dahil dito ay magagamit na ng City LGU ang 5percent na calamity fund para sa mga taga Kidapawan na abot sa mahigit 23,000 na mga residente mula sa 40 na mga barangay.

Kung saan ito ay pinangungunahan ng mga barangay officials at ng Philippine National Red cross ang pamamigay sa mga apektadong pamilya sa lungsod. NDBC BALITA

-0-
Isang barangay Chairman sa Kidapawan city, inireklamo matapos na pagbantaan ang tatlong mga volunteer ng Red Cross;

Kapitan sinagot ang reklamo sa Radyo BIDA Handa umanong makipag-ayos si Kapitan Azer Perez ng Barangay Muan sa tatlong mga volunteer ng Red Cross, matapos itong ireklamo.

Nabatid na nagpadala ng blotter extract sina Jhon Rey Sibonga, 27 anyos at nakatira sa Taran Subdivison, Jhon Mark Amores 26 anyos na taga Quezon Boulevard Kidapawa at si Dionel Penaranda , 18-anyos na taga Sudapin ng lungsod sa Radyo Bida.

Una ng inireklamo ng tatlong mga volunteer ng red-cross si barangay Muan Chairman Azer Perez matapos umanong nagbitiw ng masasakit na salita at sinampal niya ang niya ang isa sa mga volunteer.

Ang insidente ay naganap nito pang April 26 sa gymnasium ng barangay kasabay ng pagbibigay ng calamity assistance sa mga residente ng lugar na pinangunahan ng Red cross at mga barangay officials.

Iginiit naman ng Kapitan na hindi anya totoo na sinampal niya si Sibongga at maging ang pagbitiw ng masasakit na salita taliwas naman sa nakasaad sa blotter report.

amantala, sinubukan naman ng Radyo-Bida na kunan ng pahayag ang pamunuon ng Philippine National Red Cross North Cotabato Chapter, ngunit tumanggi muna itong magbigay ng pahayag batay narin sa utos ng National office ng Red Cross.

Marcos retains Basileño as SPDA administrator

COTABATO CITY - Residents of Basilan got elated with the retention by Malacañang of the Basileño administrator of the Southern Philippines...

MILF commander patay sa Maguindanao ambush

COTABATO CITY - PATAY ON THE SPOT ang brigade commander ng 105th base command ng MILF matapos na siya ay ambusin ng mga armadong lalaki sa Sitio...

Cop donates blood to mom suffering from postpartum hemorrhage

COTABATO CITY  – One good deed a day to be happy. This is the vision of Police Lt. Colonel Julius Malcontento, chief of Lebak, Sultan Kudarat...

3K marijuana plants uprooted, shabu peddler nabbed in Lanao del Sur

COTABATO CITY - A police team uprooted 3,000 marijuana shrubs in the upland Tugaya town in Lanao del Sur Tuesday. Col. Jibin Bongcayao, director...

More cops at night ‘till dawn in Cotabato City to deter crimes

COTABATO CITY  – The city police and local government have applied a pro-active stance against crimes by deploying more police on city streets...