Tuesday Nov, 29 2022 06:00:46 AM

NDBC BIDA BALITA (5.15.19)

NDBC BALITA • 11:15 AM Wed May 15, 2019
1,061
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 15, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MGA NANALONG LOKAL NA OPISYAL sa Cotabato city, naiproklama na!

2. Incumbent Mayor sa Kidapawan City, nangunguna sa partial at unofficial result ng halalan

3. Election Supervisor, nagpaliwanag sa pagka-antala sa transmission ng Election Returns sa Provincial Board of Canvassers ng South Cotabato

4. Sa North Cotabato, election officer, inulan din ng batikos dahil sa palpak na SD car

-0-

NAIPROKLAMA NA ng Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato sa katatapos na local elections sa Cotabato City kagabi.

Nagwagi pa rin bilang alkalde ng lungsod si city mayor Cynthia Guiani habang bise alkalde pa rin si incumbent vice mayor Graham Nazzer Dumama.

Kabilang naman sa mga nanalong konsehal ng lungsod sina Jay Jay Guiani, Bruce Matabalao, Eddie Rabago, Johari Abu, Michael Datumanong, Abdillah Lim, Popoy Formento, Hassan Biruar, Freddie Ridao at Christina Chua.

Agad namang nagpasalamat si Mayor Guiani sa mga dasal at suporta ng mga mamamayang ng lungsod na naniniwala pa rin sa kanyang kakayahang mamuno sa susunod pang tatlong taon.

-0-

PORMAL NA proklamasyon na lamang ang hinihintay ng nanalong gubernatorial candidate ng Maguindanao na si incumbent Datu Abdullah Sangki mayor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Si Bai Mariam ang kauna-unahang babaeng naging gubernador ng lalawigan.

Hanggang kagabi ay ay nasa 31 mula 36 na mga bayan ng Maguindanao pa lamang ang nakapag-transmit na ng kanilang election returns.

Hinihintay na lamang ang mga ER mula sa mga bayan ng Parang, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat at Pandag para tuluyang matapos ang Provincial Canvassing sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex.

Samantala, landslide victory naman ang tinamo ni incumbent Vice Governor Datu Lester Sinsuat na mananatili pa rin sa kanyang pwesto sa susunod na tatlong taon.

0-0-

ILANG mga sibilyan ang nagsilikas matapos na salakayin ng armadong grupo ang bahay ng nagwaging vice mayoralty candidate sa Talitay, Maguindanao.

Sa report mula sa Army’s 6th Infantry Division, niratrat umano ng mga armadong lalaki, sa pamumuno ng isang Kumander Mike ang bahay ni Talitay Vice Mayor-elect Montasir Sabal.

Dahil naman sa takot ay agad na nagsilikas ang mga residente mula sa mga barangay ng Poblacion, Gadungan at Kilalan sa bayan.

Nagtutulungan na ang mga pulis at sundalo humupa ang gulo na duloy ng away politika.

Nabatid na nakikipagtulungan na rin ang AFP at PNP sa MILF-GPH CCCH para maresolba ang tensyon sa lugar.

-0-

Kinumpirma ni Army’s 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner ang pagsabog sa Marantao, Lanao del Sur na nangyari ilang metro lamang ang layo mula sa polling centers

Ayon kay Brawner, sumabog ang isang improvised explosive device sa loob mismo ng sasakyan ng mga suspek. Sugatan ang suspek na siyang maghahagis sana ng bomba at ang dalawa pang mga kasamahan nito. Sinasabing mga miembro umano ng MILF ang naturang mga suspek na ginagamit bilang private armed groups ng ilang mga pulitiko.

Sa kabilang dako naman, isa katao ang nasawi at pito naman ang sugatan sa insidente ng karahasan sa Lanao del Sur sa mismong araw ng eleksyon. Kasama ang 4 na bata sa pitong mga sugatan sa barilan na nangyari sa bayan ng Ganassi.

Ang mga biktima ay may edad lima hanggang 15 anyos, na naipit sa gitna ng palitan ng putok ng dalawang magkaribal na political clans sa kasagsagan ng eleksyon nitong Lunes.

-0-

Nabulabog ang ilan sa mga residente ng Mother Brgy. Bagua, partikular sa Tanghal Bridge, sa Cotabato city dahil sa sumulpot na ahas na halos 11 talampakan ang haba.

Isang bata pa umano ang muntik ng matuklaw nito. Ayon sa batang si “May May”, pasado ala una ng hapon kahapon nang makita niya ang naturang ahas habang namimingwit sa ilalim ng tulay kasama ang apat na iba pa.

Nagsigawan at humingi ng saklolo ang mga bata nang mapansing mabilis na papalapit sa kanila ang naturang ahas.

Agad namang sumaklolo ang ilan pang mga residente sa lugar at pinagtulungang patayin ang ahas.

Wala namang nasaktan sa insidente pero nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na nakakita ang mga residente doon ng malaking akas.

-0-

Gusali para sa mga Muslim at IPs ipatatayo sa pagtutulungan ng ahensya ng gobyerno at iba pang sektor sa General Santos City

Naglaan ng P12 million ang pamahalaang nasyonal para sa pagpapatayo ng bagong tanggapan at convergence building para ng mga Muslim at Indigenous Peoples sa General Santos City.

Sa ngayon ay pinoproseso na ang pagpapatayo ng nasabing gusali na popondohan ng Department of Public Works and Highway o DPWH. Ito ay ayon kay Indigenous Peoples Alliance Movement Founding President Fulong Dan Alim.

Ayon kay Alim matatagpuan sa dalawang palapag na gusali ang mga tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF at Kastafa Hall ng mga IP’s.

Ang Kastafa ay isang B’laan term para sa tradisyunal na pagkikita at pagbibigayan ng regalo ng mga nakatatanda at settlement ng di pagkakaunawaan ng mga IPs.

Ipinahayag ni Alim na ito ay magiging lugar din kung saang maaring makabuo ng mga polisiya, programa, proyekto at iba pang mga aktibidad para sa kanilang ikauunlad ang mga IP leader.

Ayon kay Alim ang nasabing gusali ay ipatatayo sa kasalukuyang site ng NCMF Office sa city goverenment center ng Gensan na ipapademolish ng lokal napamahalaan.

Ipinahayag ni Alim na ipatatayo ang nasabing proyekto sa pagtutulungan ng mga tribal leaders, lokal na pamahalaan ng Gensan, DPWH, NCMF, Regional Development Council 12 at iba pang stakeholders na sumusulong sa kapakanan ng mga Katutubo.

-0-

Nakamotorsiklong lalaki patay sa vehicular crash sa Koronadal City

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni OIC Police Lt.Col Rey Egos ang nasawing biktima na si Lorenzo Panaguiton nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Sta. Cruz, Koronadal City.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nabangga umano ng motorsiklong minamaneho ni Panaguiton ang kasalubong na Mitsubishi Montero vehicle sa national highway, Barangay Sto. Nino sa nasabing syudad.

Ito ay matapos umanong pumihit pakanan at inokopa ang lane ng kasalubong na four-wheeled vehicle. Ang biktimang si Panaguiton na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa South Cotabato Provinical Hospital.

Ang mitsubishi montero na nabangga umano nito ay ikinustudya ng Koronadal PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente. Habang ang driver naman nitong si Mario Saur Jr. 60, years old, nakatira din sa Barangay Santa Cruz ay isinugod sa ospital dahil sa alta presyon.

0-

Election Supervisor nagpaliwanag sa pagkaantala sa transmission ng election result sa Provincial Board of Canvassers ng South Cotabato

Defective o corrupted na secure digital o SD Card, kawalan ng signal at masamang panahon.

Ito ang mga dahilan na tinukoy ni South Cotabato Election Supervisor Atty. Duque Kadatuan ng pagkaantala ng transmission ng resulta ng eleksyon sa provincial board of canvasser.

Ayon kay Kadatuan ang defective na SD card sa Barangay Zone IV Koronadal ay ipinadala pa sa regional hub ng Comelec sa General Santos City para ma-reconfigure. Aminado si Kadatuan na maaring tumagal ang re-configuration sa nasabing SD card dahil kailangan pa ng go signal ng Comelec central office.

Dinagdag din ni Kadatuan na bukod sa nagka-brown out, wala ring signal sa Barangay Ned, Lake Sebu na naging balakid din sa pag-transmit ng mga myembro ng election board sa resulta ng eleksyon.

Sinabi ni Kadatuan nakaantala rin sa paghahatid ng mga election returns mul a Ned ang masamang panahon na nakaapekto sa daan pababa ng lugar

Sa kabila ng mga aberyang ito ayon kay Kadatuan naging generally peacefull ang katatapos lang na local at national midterm elections sa South Cotabato.

-0-

Kulang pa rin ng mga doktor na accredited ng Department of Health na sasailalim sa mga preso sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC sa drug dependency education o DDE ang provincial health office ng South Cotabato.

Ang DDE ay kailangan ng mga preso na nais makinabang sa plea bargaining agreement na maaring magpapababa sa kanilang parusa.

Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, si Dr. Allah Baby Vingo lamang ng Provincial Health Office ang nabigyan ng accreditation ng DOH na susuri sa mga presong drug personalities.

Paliwanag ni Aturdido, sa pamamagitan ng DDE ay maaring masuri ng accredited doctor ang lebel ng drug addiction ng isang tao na nais makinabang sa Plea Bargaining Agreement.

Mahalaga ito dahil dito malalaman kung ang isang pasyente ay maaring ipasok sa Community rehab o sa mga ire-refer nilang rehabilitation institutions.

-0-

Pangamba ng mga magsasaka sa Mindanao sa Rice Tarrification Program pinawi ni DA Secretary Manny Pinol

Wag matakot sa Rice Tarification Program. Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture o DA Secretary Manny Pinol sa mahigit 400 mga myembro ng irrigators association at small water impounding associations mula sa anim na rehiyon ng Mindanao.

Ang mga ito ay dumalo sa Mindanao-wide Consultation on Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF sa General Santos City.

Paliwanag ni Pinol mandato ng Rice Tarification Law ang pagtatag ng RCEF na titiyak ng sampung bilyong pisong suportang pinansiyal sa rice sector sa loob ng anim na taon.

Ayon sa kalihim nakasaad din sa implementing rules ang regulations ng nasabing batas na kalahati sa naturang halaga ay ilalaan sa pagbibigay ng mga farm equipment ng Philippine Center for Post harvest Development and Modernization o Philmech.

Ilalan naman ang iba pang bahagi ng nasabing pondo sa development ng bagong seeds ng Philippine Rice Institute, programa sa pautang, Agricutural Training Insitute at TESDA na huhubog sa kasanayan ng mga magsasaka.

Ipinahayag ni Pinol na sa ilalim ng Rice Tarification Law ipinatutupad ng bansa ang 35 percent per ton tariff sa imported rice mula sa mga bansang myembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at 50 hanggang 180 percent sa mga non-ASEAN members.

-0-

Ilang mga pulitiko sa North Cotabato, nagsimula na sa pagbaklas ng kanilang campaign materials

Nagsimula na sa pagbabaklas ang ilang mga nanalo at natalong kandidato sa North Cotabato sa kakatapos lamang na eleksyon Una ng nagpalala ang mga otoridad sa lahat ng mga tumakbo at maging ang mga taga suporta na sila pa rin ang responsable sa paglinis ng kanilang mga election paraphernalia.

Nagbabala din ang Commission on Election na tanggalin ang mga posters na karamihan ay nakakabit sa harap ng paaralan dahil sa papalapit na brigada Eskwela at pasukan ng mga mag-aaral.

Makikita din sa harap ng Kidapawan City Pilot Elementary School ang napakaraming campaign posters na tumatakbo sa ibat-ibang posisyon at halos natakpan na ang nasabing paaralan.

Samantala, hinimok naman ng environment and health watchdog na EcoWaste Coalition ang mga pulitiko at publiko na wag sunugin at wag ikalat ang mga campaign materials na ginamit sa nagdaang eleksyon.

Unang nakapagbaklas ng mga posters si incumbent board member at tumakbo bilang Vice Governor Socrates Piñol, nagbaklas na din ang tumakbong councilor ng lungsod na nasa ikapitong pwesto sa partial and unofficial result na si Pipoy Dizon.

-0-

Kidapawan City PNP, walang naitalang paglabag sa 48-hour na liquor ban sa lungsod

Walang naitalang election related incidents sa Kidapawan City sa pagdaraos ng May 13, elections sa lungsod.

Ito ay ayon kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Ma. Joyce Birrey sa naging panayam ng radyo Bida. Sinabi sa hepe, wala namang insidente na nakapaekto sa inilatag na seguridad ng City PNP.

Maging sa walong mga lugar na tinukoy ng PNP na election areas of concern ay naging mapayapa din naman ang botohan.

Maliban sa Philippine National Police ay tumulong din sa pagbantay ng seguridad ng mga botante sa bawat polling centers ang militar.

Habang wala ding naitala ang mga kapulisan hinggil sa mga paglabag sa ipinatupad na 48-hour na liquor ban sa buong bansa simula hating gabi ng May- 12 hanggang matapos ang eleksyon. Naging generally peaceful at ang pagpapanatili ng peace and order hinggil sa halalan sa apat-napung barangay ng Kidapawan City.

Dagdag pa ni Birrey, bagaman tapus na ang eleksyon ay patuloy ang kanilang pagbabantay sa seguridad upang mapanatili ang katiwasayan at kaayusan sa lungsod. NDBC BIDA BALITA

-0-

Hindi maipaliwanag ngayon ng COMELEC kung bakit nasira ang iilang mga SD Card sa kasagsagan ng halalan.

Ito ngayon ang nakikitang rason ng COMELEC kung bakit naantala ang dapat sana’y isasagawang canvassing sa provincial hall kahapon.

Sa ngayon ay nasa limang mga munisipyo pa ang hindi nakapag-transmit ng data sa COMELEC dahilan rin ng pagkabalam ng isasagawang sanang proklamasyon.

Ayon Atty Jay Gerada, na siya ring chairman ng Provincial Board of Canvassers, nag-abiso na ang National Technical Support Center o NTSC sa COMELEC na palitan ang mga pumlayang SD cards.

Hinihintay na lamang ng COMELEC ang patch na siyang direktang magco-configure sa mga SD cards para ma-transmit ang mga boto.

Marami naman ang nadismaya sa naging sistema ng COMELEC. Umaasa na rin ang mga supporters ng mga tumakbong mga kandidato na ngayong araw isasagawa ang proklamasyon.

-0-
Incumbent Mayor sa Kidapawan City, nangunguna sa partial at unofficial result ng halalan

Posibleng mailulok pa rin para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng lungsod si incumbent mayor Joseph Evangelista.

Ito matapos na nangunguna si Evangelista sa botohan laban sa tatlong mga katunggali nito na sina incumbent vice mayor Jun Piñol, Hilario Meñosa at Junas Aznar.

Habang posible ring maiproklama bilang bise alkalde ang kapartido ni Evangelista na si incumbent councilor Jiv-jiv Bombeo.

Tinalo ni Bombeo ang mga katunggali nito na sina incumbent councilor Francis Buboy Palmones at incumbent board member Noel Baynosa sa botong mahigit 29 na libo.

Sa mga magiging kasapi ng Sangguniang panlungsod, karamihan sa mga nakapasok dito ay mga incumbent kungsaan anim na pambato ng Nacionalista party ang nakapasok, dalawa mula sa PDP Laban at dalawang independent.

Nanguna dito si Lamata, Melvin; pangalawa si Malaluan, Maritess; pangatlo si Lonzaga, Goyong; pang-apat si Padilla-Sison, Ruby; panglima si Agamon, Carlo; pang-anim si Pagal, Aying; pampito si Dizon, Pipoy; pang-walo si Taynan, Lauro Jr.; Pang-siyam si Amador Narry at pang-sampu si Salac Peter. Bagaman at hindi pa opisyal na naiproklama ang mga ito ng Comelec ay malinaw naman ang kanilang pagkapanalo matapos na umabot na sa 99.9% ang nakuhang election returns, kahapon.

Ang ilang mga nanalo at natalong kandidato ay nag-paabot na rin ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang kandidatura. NDBC BIDA BALITA

-0-
Independent candidate na isang negosyante, naiproklama bilang alkalde sa Makilala, North Cotabato

Naiproklama na ang mga nanalong kandidato sa bayan ng Makilala, North Cotabato. Ito ayon kay election officer Nonoy Garcia sa panayam ng DXND-Radyo BIDA.

Nanalo bilang alkalde si Armando Quibod na may 19,738 votes na nakuha laban sa pambato ng Nacionalista Party na si Roel Caoagdan na 12,503 votes at PDP Laban na si Ricky Cua na nakakuha ng 7,151 votes.

Naiproklama na rin ang alkalde ng Arakan na si incumbent mayor Rene Rubino at ang kanyang bise alkalde na si Jiji Pangilinan.

Inaasahan din ang pagkapanalo ni incumbent mayor Pip Limbungan sa bayan ng Tulunan laban sa kanyang katunggali na si Lani Candolada.

Sa Magpet naman naiproklama na rin si incumbent Florenito Gonzaga matapos na manalo laban sa katunggali nito na si Roldan Pelonio. Sa marami ng pagkakataon ay hindi pa rin matalo ang mga Valdevieso sa bayan ng Matalam.

Ito matapos na makakuha pa rin ng maraming boto si incumbent vice mayor Oscar Valdevieso laban sa katunggali nito na si Jerwel Jadulco sa pagka-alkalde ng bayan at uupo naman bilang bise alkalde ng bayan ang anak nitong si Cheryl Catamco.

Mananatili pa rin sa kanyang pwesto si Atty. Russel Abonado bilang mayor sa bayan ng Mlang at ang kapartido nitong si Vice Mayor Joselito Piñol matapos na mamayagpag pa rin sa katatapos na halalan. NDBC BIDA BALITA

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...