Saturday Dec, 10 2022 04:34:52 AM

NDBC BIDA BALITA (5.20.19)

NDBC BALITA • 20:30 PM Mon May 20, 2019
110
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 20, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BRIGADA ESKWELA 2019, aarangkada na ngayong araw.

2. Kagawad ng isang barangay sa Pikit, North Cotabato, sugatan sa pamamaril

3. MOTIBO sa pamamaril sa dalawang mga kawani ng DENR 12 sa Koronadal City, tukoy na ng PNP.

4. Kampanya kontra rabies, kasama sa Brigada Eskwela sa South Cotabato

-0-

AARANGKADA NA simula ngayong araw ang “Brigada Eskwela 2019” o ang taunang schools maintenance week at tatagal ito hanggang sa Sabado, May 25.

Layon ng taunang aktibidad na pagkaisahin ang lahat ng education stakeholders sa paghahanda sa school facilities para sa muling pagbubukas ng klase.

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw, nagpaalala ang DepEd sa mga principal at school heads na sumunod sa inilatag na guidelines para sa pagpapatupad ng programa.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na dapat tiyakin ng school heads na mananatiling voluntary ang Brigada Eskwela dahil dapat nitong mapakita ang ‘spirit of volunteerism’.

Hindi aniya ito sapilitan at di maaaring gawing enrollment requirement.

Iginiit pa ni Umali na bawal ang paniningil ng kahit anong halaga para sa naturang aktibidad. Samantala, ang taong-panuruan 2019-2020 ay nakatakdang magbubukas sa June 3, araw ng Lunes.

-0-

RIDO o away pamilya naman ang nakikita ng mga otoridad bilang motibo sa pamamaril sa isang sundalo sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Maaari rin umanong kagagawan ng Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang pagpaslang sa naturang sundalo.

Nakilala ang biktima na si Staff Sergeant Miranda Lumbatan, 45 anyos, Cafgu Detachment Commander ng Army’s 38th Infantry Battalion.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones na kalalabas lamang ng biktima sa Mosque sa Barangay Tanuel at pabalik na sana sa kanilang detachment sa Sitio Daywan nang bigla siyang pagbabarilin ng riding tandem suspects gamit ang cal. 45 pistol.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival dahil s mga tinamong tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

-0-

Huli ang isang lalaki sa ikinasang Buy Bust operation ng mga otoridad sa Jose Lim Sr. St. Barangay Poblacion 5, Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si GUIAMELON PILOTO NOVA Alyas “Man”, trenta anyos at taga Mother Brgy. Kalanganan ng lungsod.

Nanguna sa Operasyon si Police Station 4 comamander police Capt. Elexon Bona, kasama ang City Police Drug Enforcement Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM pasado alas otso kagabi.

Nahuli sa aktong nagbenta ng ipinagbabawal na gamot ang suspek matapos na mapagbentahan nito ang isang pulis na nagpanggap lang na buyer.

Nakuha mula kay Guiamelon, ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang marked money na ginamit sa buy bust operation.

-0-

Tinangay ng di pa nakikilalang babaeng swindler ang mga mamahaling alahas at cash ng isang ginang sa loob ng isang establisyemento sa Cotabato city.

Nakilala ang biktima na si AMINA SAPTULA, 56 years old, ng Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Base sa kwento ng anak ng biktima, pasado alas onse ng umaga kamakalawa nang makilala umano ng kanyang ina at makausap ang isang babae sa loob ng department store.

Parang na-hypnotize umano ang biktima at habang nag uusap ay napapayag siya ng suspek na ibigay ang kanyang Gold Pin na nagkakahalaga ng 18 thousand pesos, gold ring na sampung libong piso ang halaga at cash na isang libong piso.

Hindi na umano nagpakita pa ang suspek at di na rin nila ito ma-contact sa cellphone kaya nagsumbong na lamang sila sa pulis.

SAMANTALA, tinangay naman ng di pa nakikilalang carnapper ang motorsiklong pag aari ni PATA EDZAMAN BAGUNDANG, 27 years old at taga Mother Barangay Poblacion ng lungsod.

Kwento pa ni Bagundang, ipinarada lamang niya sa sa tapat ng isang fastfood chain sa Gov. Gutierrez Avenue ang XRM motorcycle na Black and White ang kulay at may temporary license plate pasado alas dos ng hapon kahapon.

Ngunit nang balikan niya ay nawawala na ang kanyang motorsiklo. Sinusuri na ng mga otoridad ang CCTV footages sa mga nakapaligid na establisimento sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng kawatan.

-0-

UMANI ng mga negatibong reaksyon mula sa netizens ang plano ni Maguindanao Governor-Elect Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na gawin na lamang ospital ang kasalukayang Provincial Capitol sa Buluan, Maguindanao at muling gawing operational ang inabandonang kapitolyo sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon sa netizens, sayang ang milyon-milyong pisong ginastos para sa pagpapatayo ng provincial white house.

May ilan naman ang nagsabing lagyan na lamang ng gulong ang susunod na itatayong kapitolyo para hindi na mahirapan ang mga susunod na lider ng lalawigan sa paglilipat.

Maka-apat na beses na kasing nagpalipat-lipat ng kapitolyo ang Maguindanao. Una sa bayan ng Pagalungan, sumunod sa Sultan Kudarat, sa Shariff Aguak at ngayon ay sa Buluan.

Gayunman, nanindigan ang incoming Maguindanao governor na nakasaad kasi sa batas na ang bayan ng Shariff Aguak ay ang tunay na sentro ng Maguindanao.

Inabandona ang kapitolyo sa Shariff Aguak matapos ang nangyaring karumal-dumal na masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong November 23, 2009 at naging gubernador ng lalawigan si Maguindanao 2nd District Congressman-elect Toto Mangudadatu.

Sinasabing nagkakahalaga ng 218-million pesos ang naturang kapitolyo na ginawa na lamang kampo ng mga sundalo. Nagkakahalaga naman ng 500 million pesos ang bagong kapitolyo sa Buluan na bago lamang binuksan na pinangunahan pa mismo ni Pangulong Duterte.

-0-

Pamunuan ng Kidapawan City National High School, iniimbitahan ang lahat na makilahok sa isasagawang brigada eskwela 2019 ngayong araw

Nananawagan ngayon ang pamunuan ng Kidapawan City National High School sa lahat ng stakeholders na makiisa at makilahok sa isasagawang brigada eskwela 2019 simula ngayon araw hanggang sa sabado. Ang National Schools Maintenance Week ay may temang “Matatag na bayan para sa Maunlad na Paaralan”.

Alas 7:00 ngayong umaga ay magsasagawa ng motorcade mula sa KCNHS hanggang sa Gaisano Lanao at short opening hanggang alas 9:00 ng umaga. Habang ala 1:00 ng hapon naman ay magkakaroon ng Orientation at enrolment para sa Grade 7 at 11 at bukas naman ang para sa grade 8 at 12.

Sa araw ng miyerkules meron ding libreng medical check up at masahe para sa mga dadalo at sa huwebes naman ang orientation at enrolment ng mga papasok sa grade 9 at grade 12.

May libre ding mga school supplies sa huwebes at sa naman hapon ang enrolment at orientation para sa lahat ng lebel. Mahigpit namang ipinaalala ng Department of Eduaction na ang brigada eskwela ay hindi requirement para sa enrolment ng mga estudyante.

-0-

Kagawad ng isang barangay sa Pikit, North Cotabato, sugatan sa pamamaril

Patuloy na ginagamot ngayon sa isang bahay pagamutan ang barangay kagawad ng barangay Rajamuda, Pikit matapos na barilin ng di pa kilalang gunman sa National Highway ng barangay Fort Pikit, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Sasama Guimadel Samok, 58 anyos, may asawa, kasalukuyang barangay kagawad ng barangay Rajamuda Pikit.

Ayon sa ulat, pasado alas 10 ng umaga nitong sabado pinagbabaril ang biktima habang lulan ng kanyang motorsiklo patungong barangay Poblacion.

At nang pagsapit nito sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay dinikitan ng dalawang mga suspek ang biktima at pinaputukan ng baril na tumama sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa liblib na lugar ng nasabing bayan matapos gawin ang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang motibo ng mga responsable sa naturang pamamaril. NDBC BIDA BALITA

-0-

Tricycle driver, sugatan sa vehicular crash sa Kabacan, North Cotabato

Sugatan ang isang 25 anyos na lalaki matapos na masangkot sa vehicular crash sa barangay Osias, Kabacan North Cotabato.

Nakilala ang sugatang biktima na si Maktar Buisan at nakatira sa barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Ayon sa imbestigasyon ng kabacan PNP traffic section, ala 1:00 ng hapon kahapon habang binabaybay ang National Highway ng isang pang motorsiklo na minamaneho ni Maute Shurang, 30 anyos, may asawa na taga Ma. Clara St Kabacan at pagdating sa nasabing lugar at nabundol ito sa kasalubong na motosiklo na minamaneho ng sugatang biktima.

Dahil sa impact, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pinakamalapit na hospital sa bayan. Nagtamo din ng kasiraan ang dalawang mga motorsiklo na ngayo ay naka kustudiya na ng Kabacan PNP. NDBC BIDA BALITA

-0-

Tuloy-tuloy ngayon ang operasyon ng Highway Patrol Group lalo sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay Police Lieutenant Danilo Lopez, hepe ng Highway Patrol Group o HPG North Cotabato, tinututukan nila ngayon ang anti-carnapping campaign kung saan matatandaang marami pa ring kaso ng nakaw-motorsiklo sa lalawigan.

Matatandaang ngayong unang quarter ng taon ay abot na sa mahigit dalawampung kaso ng nakaw-motorsiklo ang naitala ng mga otoridad at karamihan sa kasong ito ay hindi pa nahuhuli ang mga suspect.

Nabatid na kahapon ay may iilang mga motorista ang hindi makalusot dahil kaliwa't kanan ang hulihan sa mga lansangan.

Ayon pa sa HPG, ang mga ito ay mga nagmamanehong kulang-kulang ang dokumento.

Karamihan naman dito ay ang mga motoristang hindi nakapag-renew ng kanilang mga lisensya o ang mas malala pa ay ang mga walang lisensya.

May mga naka-impound din mga motorsiklo ngayon sa tanggapan ng HPG at makikipag-ugyanan pa sila sa Land Transportation Office o LTO bago ito maisauli sa may-ari. NDBC BIDA BALITA

-0-
Nagpapagamot na sa ospital ang isang retiradong guro matapos na pagbabarilin sa loob ng kanyang tindahan sa Purok 2, Lanao Kidapawan City.

Naganap ang pamamaril alas 5:00 ng hapon kahapon sa nasabing lugar. Kinilala ang biktima na si Lolita Calubira Blasé, 72 anyos, may asawa at nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP, pinagbabaril ng di pa kilalang suspek ang biktima habang abala ito sa loob ng kanyang tindahan.

Habang mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa di pa malamang direksyon at ang biktima ay naisugod sa bahay pagamutan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng 38 revolver na siyang ginamit ng mga suspek sa nasabing pamamaril. Blangko pa ang PNP sa motibo ng mga responsable sa pagbaril sa biktima. NDBC BIDA BALITA

-0-

DILG 12 Regional Director nilinaw na wala sa kapangyarihan ng ahensya ang pagpapasara sa KAPA Ministry

Walang kapangyarihan ang Department of the Interior and Local Government o DILG na ipasara ang KAPA Ministry. Ito ang nilinaw ni DILG 12 Regional Director Josephine Leysa.

Ayon kay Leysa iniutos lamang ni DILG Secretary Roberto Ano na tutulong lamang sa pagpapalaganap ng impormasyon ang mga field offices ng ahensya. Ito ipinahayag ni Leysa kaugnay sa umanoy kumakalat na maling impormasyon na pagpapasara nila sa KAPA ministry

Nabatid sa iniliabas na en banc resolution ng Securities and Exchange Commission na aprubado nito ang pag-deputized sa mga local goverment units, PNP, at NBI.

Ito ay para ipatupad ang cease ang desist order laban sa KAPA alinsunod sa Securities and Regulation Code.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay DILG 12 12 Legal Officer Michelle Viejo na walang dahilan para ipatupad ng nasabing ahensya ang cease and desist order ng SEC.

Ipinahayag ni Viejo na naibigay na rin nila sa mga local government unit ang advisory ng DILG na pagpapasarA sa KAPA ministry.

Ayon kay Viejo tutulong lamang ang DILG sa pagbibigay ng technical assistance sa mga LGU kahalintulad ng kanilang ginagawa sa iba pang mga programa ng ahensya.

-0-

Branch Manager ng isang foundation, na tinangayan ng motorsiklo, patay sa pamamaril sa Tupi, South Cotabato

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Captain Samuel Bascon Jr, ang nasawing biktima na si Renato Banlasan, 28 anyos, at nakatira sa Tapia Montevista, Compostela Valley.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis si Banlasan na Branch Manager ng ASA Philippines FoundatioN ay binaril ng dalawang suspek na bigla lamang sumulpot sa banana plantation.

Ito ay habang minamaneho ang itim na Honda AFS motorcycle na may license Plate LD 44035 sa Purok I, Palian, Tupi.

Matapos matumba ang motorsiklo na issued sa biktima ng nasabing foundation ay tinangay ng mga suspek patungo sa karatig na barangay ng Tubeng.

Ang biktimang si Banlasan na nagtamo ng matinding sugat sa likod ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng 45 pistol na maaring ginamit ng dalawang di pa pa tukoy at pinaghahanap pa ng mga pulis na mga salarin.

0-0

Kampanya kontra rabies, tututukan din sa Brigada Eskwela ng Deped sa South Cotabato

Maliban sa paglilinis at pagkumpuni tutukan din ng Deped sa lalawigan ang “Rabies Awareness Prevention” sa mga eskwelahan Ito ay ayon kay Deped South Cotabato Schools Division Superintendent Isagani Dela Cruz.

Ayon kay Dela Cruz ipapalaganap nila sa mga estudyante, guro at mga magulang ang mga dapat gawin para makaiwas sa rabies.

Ilulunsad naman ng Deped South Cotabato ang Brigada Eskwela o School Maintenance Week sa Banga Central Elementary School sa bayan ng Banga ngayong araw.

Tiniyak din ni Dela Cruz na nakalatag na ang mga istratehiya ng Deped kung papaano sila makakuha ng mas maraming resources at supOrta ng kanilang mga stakeholder.

Kaugnay nito, umapela si Dela Cruz sa mga kabataan at kanilang mga magulang na makiisa sa Brigada Eskwela. Sa Koronadal City, ilulunsad naman ang Brigada Eskwela sa Salkan Elementary School sa Barangay Paraiso.

Ayon kay Deped Koronadal Schools Division Superintendent Gildo MosquedA, ito ay sisimulan sa pamamagitan ng Caravan sa mga pangunahing kalye ng syudad.

0-0

PNP may motibo nang sinusundan sa pagbaril sa dalawang mga kawani ng DENr 12 sa Koronadal City

Maaring may kaugnayan sa trabaho O job related. Ito ngayon ang anggulong sinundan ng imbestigasyon ng pulisiya kaugnay sa pagbaril sa dalawang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 sa Koronadal City.

Gayunpaman hindi muna nagbigay ng dagdag na detalye sa krimen si Koronadal PNP OIC Police Lt. Col Rey Egos sa krimen.

Ayon kay Egos sa ngayon kasi ay inaalam pa ng mga pulis kung sino ang riding tandem suspek na bumaril sa mga biktima.

Dinagdag din ni Egos na ligtas na ang biktimang si Hazna Sabdulla na nagpapagaling pa sa isang bribadong ospital sa Koronadal.

Pero ang ina nitong si Bai Mariam Sabdulla, 60 years old na ka-oopera pa lamang sa puso ay muling dinala sa operating room para maiwasan ang kumplikasyon.

Ayon kay Egos ang driver naman ng tricycle na sinakyan ng mga ito na si Kenneth Lozada, ay ligtas na rin sa South Cotabato Provincial Hospital.

Matatandaan na ang mga naka-tricycle na biktima ay binaril ng riding tandem suspek sa Purok Clemente, Barangay Zone IV, Koronadal City mag-aalasyete ng gabi noong Byernes.

0-0-

Mga kalabaw na magpapataas ng produksyon ng gatas sa rehiyon inibigay ng DA at Philippine Carabao Center sa isang Dairy Farm sa Mlang, North Cotabato

Nagbigay ng 25 babaeng kalabaw sa D and L Dairy Farm sa Mlang North Cotabato ang Department of Agriculture.

Kasama ng mga taga Department of Agriculture o DA 12 na nanguna sa pamimigay ng nasabing mga kalabaw ang mga kinatawan ng Philippine Carabao Center o PCC na nakabase sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan.

Ito ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng Carabao-based Enterprise Development Program o CBED ng PCC. Layunin ng programa na mabigyan ng dagdag na mapagkakakitaan ang mga magsasaka at mapabuti ang kalusugan ng mga farming communities.

Ayon kay DA 12 Task Force Gatas Chairman Ret.Col. Celestino Desamito, ito ay panimula lamang sa kanilang adhikain na gawing milk producing region sa bansa ang SOCCKSARGEN.

Ipinahayag naman ni DA 12 Technical Regional Director Zaldy Boloron na ang pagpapatupad ng nasabing programa bilang patalima na rin sa “Masustansyang Pagkain, Para sa Batang Pilipino” Act.

Ambush sa Aleosan, 6 CAFGU patay

ALEOSAN, North Cotabato – Anim na mga miembro ng CAFGU ang nasawi sa ambush na naganap sa Barnagay Tapudoc dito kaninang hapon. Sa report ng...

BARMM approves P75-M investments before the year ends

COTABATO CITY  – The Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) convened on Friday, December 9, 2022 and approved the registration for...

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022. Kinilala ng...

MILG gears for a robust local governance, crafts 2023-26 strat plan

DAVAO CITY – The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ended Thursday...

LPA to bring scattered rain showers across PH

MANILA – The low-pressure area (LPA) last located 610 km. east of Hinatuan, Surigao del Sur will bring scattered rain showers and thunderstorms...