Monday Nov, 28 2022 07:04:44 PM

NDBC BIDA BALITA (5.2.19)

NDBC BALITA • 11:00 AM Thu May 2, 2019
889
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 2, 2019 (THUR)
7:00 AM

HEADLINES:

1. CHR BARMM employee at habal habal driver patay sa pamamaril kagabi sa Cotabato City.

2. Apat na pasahero sugatan matapos bumaliktad ang sinasakyan van sa national highway ng Kidapawan City

3. Umento sa sahod, hiling ng daang daang myembro ng progresibong grupo na nagprotesta sa Labor Day Celebration sa Koronadal City

4. Dalawang magsasaka, huli sa anti-drug operation sa Norala at Surallah

-0-

Patay on the spot ang dalawa katao matapos tambangan at pagbabarilin ng di nakilalang mga suspek sa partikular sa tapat ng Cotabato City District Engineering Office, sa may Don Ramon Ragabo St. Brgy RH4 dito sa lungsod ala sais dyes kagabi.

Nakilala ang mga biktima na si ARCHAD AYAO, 28 anyos, Commision on human Rights BARMM Employee at si PIO GOLEN ORTEZA,42yrs old, may asawa,habal habal driver kapwa mga residente ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat,lulan ng isang XRM motorcycle ang mga biktima at habang binabaybay ang kalsada sa nasabing lugar ng lapitan at pagbabarilin umano sila ng mga di nakilalang salarin gamit ang 45 cal. Pistol.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanilang mukha ang mga biktima na agad na isinugod sa pagamutan ngunit dineklara ding dead on arrival ng mga doctor.

-0-

Hindi na nagawa pang makapalag ng isang Senior Citizen ng arestuhin ng mga otoridad matapos na makuha sa kanyang posisyon ang ilang sachet ng mga pinaghihinalaang iligal na droga sa Del Pilar St. MB Bagua,Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si OSIN UMAG ASI,60yrs old, walang trabaho, residente ng Lugay-Lugay,Bagua 1, ng lungsod.

Huli si ASI,matapos ikasa at pangunahan ni PS4 commander Police Capt. ELEXON VILLA BONA at PDEA BARMM ang drug buy operation sa lugar alas syete pasado ng gabi na nagresulta sa pagkaka aresto sa suspek.

Nakuha kay ASI, ang dalawang pinaghihinalaang sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon, nasa kustodiya ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban dito.

Umento sa sahod, hiling ng daang daang myembro ng progresibong grupo na nagprotesta sa Labor Day Celebration sa Koronadal City.

-0-

Sunod sunod na isinugod pagamutan ang tatlo katao matapos na magtamo ang mga ito ng sugat makaraang tamaan ng mga ligaw na bala sa nagyaring barilan sa Brgy. Kapinpilan, Midsayap,Cotabato.

Magugunitang unang isinugod sa pagamutan alas dos ng hapon kamakalawa ang magsasaka na si KANAKAN IBRAHIM, sunod na isinugod pag sapit ng gabi sina GUIAMAN MARLON at UNTONG JASON, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat, alas dos kamakalawa ng hapon ng mag pang abot sa area ang dalawang magkaibang grupo na diumano’y may rido at pawang armado, nagpalitan ng putok ang mga ito dahilan upang tamaan ng ligaw na bala ang mga biktima.

Nagtamo ng tama ng bala si IBRAHIM,sa kanyang kanang binti,sa kaliwang paa naman ang sugat ni GUIALON, samantalang pinaka malubha si UNTONG, na may tama sa kanyang tiyan.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan ang tatlo hanggang sa kasalukuyan.

-0-

PNP-Highway Patrol Group ng North Cotabato, tuloy-tuloy ang pina-igting na Comelec checkpoint

Mahigit isang linggo bago ang araw ng halalan, mas pina-igting ngayon ng PNP-Highway Patrol Group North Cotabato ang kanilang isinasagawang highway inspection.

Ayon kay PNP-HPG Provincial Chief, Police Lieutenant Colonel Danilo Lopez, isa sa tinututukan nila ngayon ay ang ipinapatupad na Comelec gun ban, bagaman sa ngayon ay wala pa anya silang nahuhuling lumabag rito.

Subalit hindi itinanggi ni Lopez na maraming mga motorista ang nakitaan nitong may paglabag sa batas trapiko lalo na sa Kidapawan City. Nangunguna rito ang mga bumabyaheng kulang-kulang ang papeles at ang expired na mga lisensya.

Nagpaalala naman ito sa mga motorista na kompletuhin muna ang kani-kanilang mga papeles upang hindi sila mahaharap sa patong-patong na kaso kung sakaling masangkot sa anumang aksidente.

-0-
Kalusugan ng mga inmates sa North Cotabato District Jail, tinututukan ng pamunuan

Wala umanong pangamba ang pamunuan ng North Cotabato District Jail matapos makapagtala ng mababang kaso ng iba’t-ibang uri ng sakit ngayong unang quarter ng taon.

Ayon kay Jail Officer 1 Zyres Nallos, ang jail nurse ng provincial jail, mababa umano ang kaso ng may sakit sa loob ng NCDJ ngayon kumpara sa nakaraang mga taon.

Sa kanilang ulat, apat sa mga preso ang may tuberculosis habang karamihan naman ay hindi gaano kalala gaya ng sakit sa ulo lalo na ngayong tag-init.

Dagdag pa ni Nallos, mahigpit din nilang tinututukan ang bawat presong may sakit para hindi na ito makahawa sa iba pa.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang interbensiyon ng nasabing pamunuan upang mapanatili ang mababang bilang ng may sakit sa loob. NDBC BIDA BALITA

-0-

Sugatan ang apat na mga pasahero ng van makaraang sumemplang sa gilid ng National highway sa Purok Mangga Barangay Paco, Kidapawan City, alas 2:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ang drayber ng van na si Rene Garino, 54-anyos, may asawa na taga Arakan, North Cotabato.

Habang kinilala namang ang mga nasugatan na sina Cristine Mae Bunsuran, 28 years old at isang guro, Marilou Polido, 29, isang private employee, Yolanda Guiaman, 69, dressmaker at isa pang menor de edad, pawing mga residente ng Arakan, North Cotabato.

Lumalabas sa imbestigasyon ng City PNP trafficsection, mag o-overtake na sana ang nasabing van pero bigla ring nag overtake ang isa pang van na nasa likod nito dahilan nang bigla nitong pag iwas kaya nawalan ng control sa manebela at overshoot sa malalim na bahagi sa gilid ng daan.

Nasa sa sampung mga pasahero naman ang sakay ng nahulog na van at ligtas namang nakalabas ang mga ito. Napag-alaman na galing Kidapawan City ang nasabing van at pauwi na sana ng bayan ng Arakan nang mangyari ang insidente.

Posible namang mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ng nasabing drayber. NDBC BIDA BALITA

-0-
Regional Management Committee meeting ng Department of Education SOCCSKSARGEN, isinagawa sa bayan ng Arakan, North Cotabato

Isinagawa sa Katipunan High School sa barangay Katipunan, Arakan, North Cotabato ang Committee Meeting o RMANCOM, sa Department of Education SOCCSKSARGEN.

Ang pulong kamakalawa ay dinaluhan ng mga DepEd Regional at Assistant Regional Director, mga Schools Division at Assistant Schools Division Superitendent, mga opisyales ng Department of Education na pinangunahan ng Cotabato Division sa katauhan ni Cotabato Schools Division Superintendent OMAR A. OBAS CESO VI.

Base narin sa Region 12 advisory No. 55, series of 2019 at utos ni Dr. Arlan Farnazo na magsagawa ng meeting na kung saan may ibat-ibang mga agenda.

Ilan lamang sa sa kanilang mga pinag-usapan ay ang DepEd Order 3, series 2018, Basic Education Enrolment Policy, Brigada Eskwela and Oplan Balik Eskwela Preparation, 1st RMEPA Results and updates of agreement, 1st Quarter Fund Utilization and Liquidation at Career Progression for Teacher.

Bago paman nagsimula ang pagpupulong-pulong at pormal na nagsimula ang programa ng mga opisyales, ay nagsagawa muna sila ng tree planting sa area ng Katipunan Central Elementary School.

Aasahan na maipapatupad ang mga resulta sa kanilang pulong ngayong school year 2019-2020. NDBC BIDA BALITA

-0-

Umento sa sahod, hiling ng daang daang myembro ng progresibong grupo na nagprotesta sa Labor Day Celebration sa Koronadal City

Sinalubong ng kilos protesta ng daang daang mga myembro ng progresibong grupo ang Labor Day Celebration saKoronadal City. Ang mga ito ay nagmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng region 12.

Ayon kay Kilusang Mayo Uno SOCCKSARGEN President Bert Dagang, layunin nito na iparating sa pamahalaan ang kanilang hiling na itaas sa P750 ang minimum wage sa rehiyon.

Ipinahayag ni Dagang na marami sa mga mangagawa ngayon sa rehiyon ay idinadaing ang mababa umanong sahod. Ipinananawagan din ng mga nag-kilos protesta ang pagpapatigil sa kontraktwalisasyon.

Marami sa mga nakiisa sa rally ay pawang mga kabataan na idinaan sa pagtatanghal ang kanilang hinaing.

Ang grupo ay nagmarsta sa bahagi ng General Santos Drive hanggang sa rotonda area na mas kilalang roundball kung saan nagkaroon ng maikling programa ang mga ito.

Nauna nang ipinahayag ni Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 Secretary Jessie Dela Cruz na walang maasahang umento sa sahold ang mga mangagawa sa rehiyon ngayon.

Paliwanag ni Dela Cruz hinihintay pa nila ang resulta ng poverty threshold survey ng Philippine Statistics Authority na magiging batayan kung maaring ipatupad ang wage hike sa pribadong sektor.

Ayon kay Dela Cruz kahit na wala pa silang natanggap na petisyon hinggil sa wage increase mula sa mga labor groups tuloy din ang pagsusuri ng mga kasapi ng RTWPB 12 sa mga socio economic indicators.

Sa ngayon ang mga mangagawa sa non-agriculture sector sa region 12 ay may arawang sahod na 311 pesos at 290 naman sa agricultural, retail at service sector. Ito ay base naman sa Wage Order Number 20 ng board noong nakaraang taon.

-0-

Mga proyekto ng DSWD at United Nations Development Program na nagkakahalaga ng P13 million pesos mapapakinabangan ng mga mahihirap na komunidad sa region 12

Naisakatuparan ang mahigit 13 million pesos na halaga ng mga proyekto sa region 12 sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sa United Nations Development Program o UNDP.

Ayon kay DSWD 12 Assistant Regional Director for Operations Bonifacio Sema ang labinisang mga proyektong ito ay ang mga day care centers, eskwelahan, centre sa mga batang may espesyal na pangangailangan at senior citizens building.

Ipinahayag ni Sema na ang mga ito nasa superbisyon ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-A Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services ay tinukoy mismo ng mga benepisyaryo.

Ayon kay Sema isa sa mga proyekto na kabibigay pa lamang ng DSWD ang 800 thousand pesos na day care center sa Midsayap, North Cotabato.

Abot din sa 17 mga day centers sa rehiyon ang nabigyan ng ahensya ng flat screen TV, set ng mga mesa at upuan, sanitation kits at visual learning aids.

Sinabi naman ni DSWD 12 Convergence Focal Person Pamela Susvilla na 14 pang mga community projects na nagkakahalaga ng 23 million pesos ang matatapos sa rehiyon sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Susvilla ang mga ito ay kanila nang minamadali para mapakinabangan ng mga mahihirap lalong lalo ang mga nasa liblib na lugar ng SOCCKSARGEN.

-0-

ISA sa 2 magsasaka mula Norala at Sto Nino, south Cotabato, sugatan sa anti-drug operation

Isinugod sa Norala District Hospital sa Norala,ang drug suspek na sugatan matapos mangtangkang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Norala, South Cotabaeto

Kinilala ng Norala PNP na pinamumunuan ni Deputy Chief of Police, Police Lt. Col. Bertito Delco Jr. Ang suspek na si Sison Dalongdong, 25 anyos, magsasaka at nakatira sa Sitio El Kuda, Barangay Puti, Norala.

Matapos matunugan ang paparating na mga pulis tumakas umano si Dalongdong patungo sa likod ng kanilang bahay. Ngunit nang makorner pinaputukan umano nito ang mga pulis na naging sanhi naman para siya barilin ng mga ito sa hita.

Nakuha ng mga pulis mula kay Dalongdong ang dalawang matchbox ng dried marijuana leaves, at paltik na shot gun. Sa karatig barangay naman ng Katipunan sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato arestado din ang isang magsasaka na nasa target list ng mga pulis sa nasabing bayan.

Ang suspek na si Ronan Alair alyas “Nonoy” 41 anyos ay inaresto sa bisa ng searcgh warrant ng korte.

Ito ay matapos makumpiska sa kanya ng mga pulis ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu. Ang dalawang mga magsasaka ay parehong nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-0-

OWWA 12 OIC nagpaliwanag ng kahalagahan ng pagtuturo ng mental health sa kanilang mga iskolar

Mahalaga ang maayos na mental condition para sa academic success. Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 OIC Kristine Marie Sison, ito ang dahilan kung bakit isinailalim nila sa “Seminar Workshop on Mental Health” ang 39 nilang mga scholar.

Ayon kay Sison sa pamamagitan ng dalawang araw na aktibidad ay matutulungan ang mga OWWA scholar ng magandang pananaw sa buhay at madaling makapag-adjust sa kanilang kapaligiran.

Nakinabang sa nasabing aktibidad ang mga benepisyaryo ng Education for Development Scholarship Program o EDSP at OFW Dependent Scholarship Program o ODSP ng ahensya.

Pinaalalahanan naman ni OWWA 12 Scholarship Program Manager Jenny Umag ang kanilang mga scholar na magaral ng mabuti at sisikaping maabot ang kanilang mga pangarap. Dapat din ayon kay Umag na huwag balewalain ng mga OWWA scholar ang sakpripisyo ng kanilang mga OFW-family member.

Tatanggap pa ng application para sa kanilang scholarship Program ang OWWA 12 hanggang sa May 17. Ang mga aplikante ay maaring makipag ugnayan sa OWWA sa kanilang mga Public OFW Desk Officers.

-0-

Isa katao patay, isa sugatan sa pamamaril sa Lambayong, Sultan Kudarat

Kinilala ni Lambayong, Sultan Kudarat Chief of Police, Police Captain Herman Luna ang biktimang nasawi sa pamamaril na si Budsal Mamasadungea Galay, 52, anyos.

Sugatan naman sa insidente ang kasama nitong estudyante na si Amir Aliman na sa legal na edad at nagpapagaling pa sa ospital.

Ayon kay Luna ang dalawang mga biktima ay pinagbabaril sa Purok Baganihan, Barangay Kapingkong, Lambayong pasado alas tres kahapon.

Ito ay habang sakay ng motorsiklo pauwi sa kanilang lugar sa Barangay Tambak, sa nasabing bayan mula karatig syudad ng Tacurong.

Ang biktikmang si Galay ay agad na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng 45 pistol sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga tumakas na salarin. Ayon kay Luna personal grudge at iligal na droga ang mga posibleng motibo na sinusundan ng imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.

-0-

NATIONAL...

Handang makinig ang Malacañang sa rekomendasyon ng Department of Energy na habaan ang election holiday para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa araw ng halalan.

Ayon sa DOE, bukod sa May 13, baka dapat gawing holiday na rin ang May 14 para mas matiyak na walang magaganap na brownout sa bilangan ng mga boto. Pero sa ngayon, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pa silang natatanggap na pormal na rekomendasyon mula sa DOE.

Sa oras na makarating daw ito sa Palasyo, pag-aaralan nila agad ito para makatugon sa lalong madaling panahon.

Matatandaang nagpahayag ng pangamba ang ilang mga mambabatas sa posibilidad ng brownout lalo na sa bilangan ng boto dahil maaapektuhan nito ang kredibilidad ng resulta ng halalan.

-0-

Aabot sa 30,000 hanggang 40,000 sundalo ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa darating na Mayo 13.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Col. Noel Detoyato, ang tropa ng militar ay magsisilbing augmentation forces sa Philippine National Police (PNP) na siyang mangunguna sa poll duties upang tiyakin ang mapayapa at matiwasay na pagdaraos ng eleksyon.

Mahigit sa 900 ang mga lugar na isinailalim sa election hotspots kabilang ang ilang ikinategorya sa red areas.

Sa mga ‘red areas’ idedeploy ang mga sundalo dahil sa presensya ng New People’s Army, Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Liberation Front at Private Armed Groups. B

ukod sa pagbabantay sa mga polling precincts, ang militar ay inatasan ding magbiyahe ng election paraphernalias sa mga lugar na matindi ang isyu sa seguridad.

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today announced another round of oil price rollback that will take effect Tuesday morning. The pump prices of diesel will...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...