Monday Nov, 28 2022 08:00:36 PM

NDBC BIDA BALITA (5.4.19)

NDBC BALITA • 21:30 PM Sat May 4, 2019
964
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST
MAY 4, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Pulis patay,negosyante sugatan sa magka hiwalay na kaso ng pamamaril sa Cotabato City.

2. Mahigit sa 9,000 na mga pulis at militar, ipapakalat sa buong region 12 para sa May 13, Midterm elections

3. Empleyado ng pribadong kompanya na biktima ng hold up tinangayan din ng motorsiklo ng mga suspek sa Tupi, South Cotabato

4. NDU may walong bagong mga abogado.

-0-

Dead on arrival sa pagamutan ng pagbabarilin ng mga di nakilalang mga suspek ang isang pulis sa De Mazenod St. RH4 Cotabato City ala sais kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si FRANKLIN AMPAD MOYET,27yrs old, PNP member na nakatagala sa Mobile Force Company, CCPO, residente ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Base sa inisyal na ulat lulan umano ng kanyang motorsiklo si MOYET, at habang binabaybay ang kalsada sa nabanggit na lugar ng tambangan ng mga di nakilalang suspek saka pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang batok ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. Samantala makalipas ang isang oras sunod namang pinagbabaril ang isang negosyante sa Almonte extension Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si BJORN HERRERA, Alyas “Bon Bon”, Businessman may asawa residente ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat nagmamaneho ng kanyang sasakyang furtuner ang biktima pauwi ng sabayan umano ng mga di nakilalang riding in tandem suspek at saka sunod sunod na pinaputukan gamit ang di tinukoy na uri ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tagiliran ang biktima at patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa naganap na magkasunod na kaso ng pamamaril dito sa lungsod.

-0-

Ikinalungkot ng Commission on Human Rights ang pamamaslang isang imbestigador para sa Bangsamoro Commission on Human Rights nitong ika-1 ng Mayo , na itinuturing nilang bahagi ng serye ng mga atake sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa bansa.

Umaasa si RHRC-BARMM Director Atty. Abdulnasser Badrudin na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Archad Ayao.

Dating television reporter para sa ABS-CBN si Ayao, 28-anyos, na tinambangan habang nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Ramon Rabago Avenue. Napatay din sa parehong pamamaril ang kasamang habal-habal driver na si Pio Orteza, 42 taong gulang.

Parehong binawian ng buhay sina Ayao at Orteza matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, dahilan para ideklarang "dead on arrival" sa ospital.

Tatlong taon nang naglilingkod si Ayao bilang imbestigador sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao na ngayo'y Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa mga ulat, naging mahalagang bahagi si Ayao ng pagsasadokumento ng human rights cases sa probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Sinasabing nakasakay din daw ng motorsiklo ang mga suspek na dali-daling umalis matapos mamaril. Naniniwala ang mga kamag-anak at kaibigan ni Ayao na may kinalaman sa kanyang trabaho ang kanyang ikinamatay.

Umaasa naman ang CHR na mapabilis ang imbestigasyon ng kanyang pagkamatay.

-0-

Huli ang isang lalaki makaraang makuha ang isang homemade na armas,mga bala at isang baril sa loob ng kanyang tirahan sa Purok Mabagel, LugayLugay,bagua 1, Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si ABDULLAH TAN MACARIDO nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar. Inaresto ang suspek makaraang pangunahan ni Police Station 4 Commander, Police Capt.

Ang pag sisilbe ng Search Warrant makaraan umano itong lumabag sa RA 10591 na ipinalabasni Honorable Judge Alandrex M. Betoya,executive judge ng RTC 12th Judicial Region,Branch 16,Kabacan,Cotabato na nag resulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nakuha mula sa kanya ang isang M16 Rifle, isang Magazine ng M16, 25 perasong bala ng M16, tatlong bala ng M203 at isang homemade M203 grenade launcher sa kanyang bahay. Samantala nakatakas naman matapos matunugan ang paparating na mga otoridad ang isa pang suspek na kaanak din ni MACARIDO, at may kinakaharap ding kaso.

Nasa kustodiyang CIDG BARMM ang mga ibedensya na nakuha at ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampalaban laban sa kanya.

-0-

WALONG GRADUATE ng Notre Dame University College of Law and kabilang sa mga pumasa sa 2018 bar exam.

Sila ay kinilala at binigyang papugay ni NDU president Fr. Francis Zabala, OM.

Ito ay sina Hanamir P. Emblawa, Francisco L. Gepte Jr, Badrodin A. Mangindra, Abbyr A. Nul, Amon Jadeedah C. Pacasem-Salik, Amira S. Pagayao, Datu Haris M. Pinguiaman at Rasul M. Salik.

Samantala, nanguna ang law graduate mula sa Ateneo de Manila University na si Sean James Borja sa 2018 Bar Exams na inilabas ng Korte Suprema kahapon matapos makakuha ng 89.3060% rating.

Ayon sa SC, mas mababa ang mga nakapasa sa 2018 Bar examinations na umabot lamang sa 22.07 percent o kabuuang 1,800 ang pasado mula sa 8,158 examinees, kumpara noong nakalipas na taon na 25.5 percent ang pumasa.

Si Supreme Court Associate Justice Mariano C. Del Castillo ang nagsilbing chairperson ng 2018 Supreme Court Committee on the Bar Examinations.

Pasok din sa top 10 sina Marcley Augustus B. Natu-El ng University of San Carlos; Mark Lawrence C. Badayos ng University of San Carlos; Daniel John A. Fordan ng Ateneo de Manila University; Katrina Monica C. Gaw ng Ateneo de Manila University; Nadine P. Tongco ng University of the Philippines; Patricia O. Sevilla ng University of the Philippines; Katherine T. Ting ng De La Salle University-Manila; Jebb Lynus Q. Cane ng University of San Carlos at Alen Joel R. Pita ng University of San Carlos .

-0-

Empleyado ng pribadong kompanya na biktima ng hold up tinangayan din ng motorsiklo ng mga suspek sa Tupi, South Cotabato

Hinarangan ng mga suspek ang biktima habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa pineapple plantation sa barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Captain Samuel Bascon Jr. ang biktima na si Lito Legaspi, 54 anyos, DOLEPHIL employee at nakatira sa Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Sinabi ni Legaspi sa mga pulis na wala na itong nagawa pa ng harangan ng naka Baja motorcyle na mga suspek at tinutukan ito ng baril at pababain sa minamaneho nitong issued na berdeng Kawasaki KLS 150 motorcycle.

Matapos makuha ang may tatlong libong pisong pera at cellphone ng biktima tinangay din ng dalawang mga suspek ang kanyang motorsiklo patungong barangay Sumbakil, Polomolok.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang dalawang mga hold upper na tumangay din sa motorsiklo ng biktimang si Legaspi.

-0-

Mga pambato ng rehiyon sa national 21st Gawad Kalasag Search napili na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 12

Iginagawad ang Gawad Kalasag Award sa mga local government units, insitution at organisasyon na malaki ang naiambag para labanan ang masamang epekto ng kalamidad.

Sa Region 12 nanguna sa component city category sa 21st Gawad Kalasag Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance ang Koronadal City.

Ang nasabing syudad ay magiging kinatawan ng rehiyon sa National Gawad Kalasag Search ng NDRRMC.

Naniniwala naman si Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Cyrus Urbano na naging dahilan naman nito ang patuloy na pag-level up ng mga disaster programs ng syudad.

Kabilang sa mga ito ayon kay Urbano ang Search for Best Prepared Barangay na may layong mahasa ang kasanayan ng mga responder sa 27 barangay ng Koronadal City. Ito ay upang hindi na umasa pa sa city o provincial government sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ni Urbano na para matulungan ang mga kabataan na paghandaan ang kalamidad, taunan na ring pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang Search for Best Implementing Schools.

Sa Provincial Category wagi naman sa Regional Gawad Kalasag Search ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng South Cotabato.

Sa First Class Municipality napili naman ang bayan ng Kiamba, Sarangani Province. Habang sa Public Elementary School Category nanguna ang Marbel I Central Elementary School ng Koronadal, pangalawa ang New Isabela Elementary School ng Tacurong City, at pangatlo ang Salaman Central Elementary School sa Lebak, Sultan Kudarat.

Sa Public High School Category ang unang pwesto ay nakuha ng Dilangalen National High School sa Midsayap North Cotabato, pangalawa ang Polomolok National High School sa Polomolok at pangatlo ang Bambad National High School sa bayan ng Isulan.

Regional Awardee din ng Gawad Kalasag sa Civil society Organization ang Sarangani Province Empowerment and Community Transformation Forum Inc o SPECTRUM.

Pasok din sa Volunteer Organization Category ang Kabalikat Civicom, Inc. ng Maitum sa Sarangani.

Dalawa naman ang napili sa Early Childhood Category. Ang mga ito ay ang number 1 na San Lorenzo Ruiz Day Care Center ng Koronadal at Malinawum Day Care Center ng Lun Padidu sa Malapatan, Sarangani.

Ang mga ito ay magiging pambato rin ng SOCCKSARGEN sa national level ng Gawad Kalasag Search.

-0-

3 million pesos inilaan ng Deped 12 para sa insentibo ng mga atleta ng rehiyon na makakuha ng medalya sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City

Itinaaas ng Department of Education 12 sa 3 million pesos mula sa 1.5 million pesos noong nakaraang taon ang pondo nila para sa insentibo ng mga atletang wagi sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.

Ayon kay Deped 12 Regional Director Allan Farnazo, layunin nito na hikayatin ang mga atleta na lalo magsumikap para makakakuha ng medalya nasabing palaro.

Sinabi ni Farnazo na ang mga gold medalist ng SOCCKSARGEN sa 2019 Palarong pambansa ay makatatanggap ng 20 thousand pesos na insentibo, 5 thousand ang silver at 3 thousand pesos ang bronze medalist.

Makatatanggap din ng dagdag na 10 thousand pesos ang tatlong mga atleta na unang nakapagbigay ng gold medal sa rehiyon.

Sinabi ni Farnazo na ginawa nila ito dahil na rin sa suporta ng mga local government units na nagbigay ng 24.5 million pesos para sa SOCCKSARGEN Warriors.

-0-

Welder patay tatlo sugatan sa pamamaril sa sabungan sa Koronadal City

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Rey Egos ang nasawing welder na si Reynan Pagdato 54 anyos na nagmamay ari din ng tindahan sa compound ng Koronadal Sports Complex sa barangay, Sto. Nino, sa syudad.

Si Pagdato ay agad na binawian ng buhay sa pamamaril ng tatlong mga salarin na bigla na lamang umanong pumasok sa sabungan alas dyes y medya kagabi.

Sugatan din sa insidente si Harry Depito 15 anyos estudyante na kritikal ngayon ang kondisyon dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Nagpapagaling din sa iba’t ibang mga ospital sa Koronadal ang mga sugatan din sa insidente na sina , Johnreal Alverio 22 anyos , laborer at Mark John Berameda, 12 anyos, pawang mga nakatira sa Barangay Sto. Nino sa syudad.

Ayon sa ina ng isa sa menor de edad na tumangging magpakilala, ang mga sugatang biktima ay suma-sideline bilang tagabantay ng mga nakaparadang sasakyan ng mga pumapasok sa sabungan.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang tatlong mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pamamaril.

-0-

Paggamit ng mga rice traders sa mga bogus na kooperatiba para makapagbenta ng palay sa NFA pinaiimbestigahan ni DA Secretary Pinol

Imbestigahan ang umanoy paggamit ng mga rice traders sa mga bugos na kooperatiba ng mga magsasaka para makapagbenta ng palay sa National Food Authority o NFA. Ito ang mariing ipinagutos ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol kay NFA Acting Administrator Tomas Escares.

Ayon sa kalihim ang ganitong modus ay naunang ipinarating sa kanya ng mga farmer leaders sa Central Luzon. Sinabi ni Pinol na para maiwasan ito, dapat ay magsagawa ng validation sa mga farmer cooperatives ang NFA sa pakikipag ugnayan sa mga Municipal Agriculture Office.

Dapat din ayon sa kalihim ay gumawa ng listahan ng mga kooperatiba ng mga magsasaka na maaring magbenta sa kanila ang NFA at harangan ang mga inactive coop na bigla na lamang naging active. Iniutos din ni Pinol kay Escares na patawan ng administrative sanctions ang mga sangkot na NFA employees.

Iginiit na Pinol na ang pagbili ng NFA ng palay sa mga trader ay paglabag sa Rice Tarrification Law na nagtutuos sa ahensya na bilhin lamang ang mga produkto ng mga lokal na magsasaka.

-0-

Bayan ng Kabacan sa North Cotabato, nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng homicide sa buong probinsya sa unang quarter ng taon

Nangunguna ang bayan ng Kabacan sa North Cotabato na may pinakamaraming kaso ng pagpatay sa probinsya para sa unang tatlong buwan ng taong 2019.

Batay sa Crime Statistics ng Cotabato Police Provincial Office, nakapagtala ang nasabing bayan ng labin-isang kaso, sinundan naman ito ng Kidapawan City na may sampu at pumapangatlo ang bayan ng Pikit na may siyam na kaso.

Sa kabuuan, limampu’t siyam na ang naitalang kaso ngayong quarter, habang apat naman ang kabuuang bilang ng kasong murder. Batay sa datus ng Directorate for Investigation and Detective Management ng pulisya ang nasabing bilang ay nangunguna rin sa may pinaka-maraming kaso ng crime against person.

Napag-alaman na marami paring mga kaso ng pagpatay sa buong North Cotabato ang hindi pa nareresolba ng mga otoridad. NDBC BIDA BALITA

-0-

Most wanted person ng Kidapawan City, inaresto ng mga pulis sa Cagayan De Oro City

Huli ang most wanted person sa Kidapawan City sa isinagawang operasyon ng City PNP sa pangunguna ni Police Lt. Col Ramel Hojilla at Bohol CIDG sa Cagayan De Oro City.

Ang operasyon ay isinagawa kamakalawa laban sa suspek na kinilalang si Tito Ediong Enero na taga Kidapawan City.

Si Enero ay number 9 wanted person sa Cotabato province at most wanted person naman sa City level. Dala ng mga otoridad ng warrant of arrest laban kay Enero na may kasong rape.

Ayon sa PNP, mahigit siyam na taon ng nagtatago sa Cagayan De Oro City ang suspek. Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o protection against child abuse exploitation and discrimination ang kakaharapin ng suspek.

Temporaryong nakapiit na si Enero sa detention facility ng Kidapawan City police office habang inaantay na masampahan ng karampatang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

0-0

Pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, kinondena ang pagpatay sa kanilang dalawang empleyado

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya maging ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco matapos mangyarai ang pamamaril sa kanilang dalawang mga kawani sa Sitio Lumayong barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, kamakalawa.

Ang biktima na si Karen Dapon-Callos ay sampung taong ng nagtatrabaho sa nasabing tanggapan bilang Consumer Welfare Desk Officer habang magta-tatlong taon naman si Basser Sawa- Cabuyao bilang isang security guard na parehong nakabase sa Cotelco Carmen.

Panawagan ng tanggapan sa mga pulis ang mas malalimang imbestigasyon at hiling din nitong paigtingin pa ang seguridad sa bayan upang matukoy at masampahan ng kaukulang kaso ang responsable sa pamamaril at pagpatay sa dalawang mga biktima.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy ng mga otoridad ang motibo ng mga salarin sa pagpatay sa dalawang kawani ng Cotelco.

Iniimbestigahan na din ng pulisya kung may gamit ba ng mga biktima ang kinuha ng mga suspek na posibleng motibo ng mga responsable sa krimen. NDBC BIDA BALITA

-0-

Mahigit sa 9,000 na mga pulis at militar, ipapakalat sa buong region 12 para sa May 13, Midterm elections

Isinagawa kamakalawa ang send-off ceremony ng mga pulis na magbabantay ng seguridad para sa Midterm elections sa buong probinsya.

Abot sa 9,370 na tauhan ng Philippine National Police 12 at militar sa ibat-ibang probinsya ng North Cotabato kabilang ang Saranggani, South Cotabato, Sultan Kudarat at North Cotabato.

Pinangunahan mismo ni PRO 12 Regional Director Elesio Tam Rasco ang seremonya sa General, Santos City. Napag-alaman na 6,212 na mga pulis mula mismo sa Region 12, 2,846 mula sa pwersa ng Armed Forces of the Philippines at 312 mula sa National and Administrative support units.

Ang pagpapadeploy ng mga pulis at militar ay bahagi ng security measure na ipinatutupad ng PNP 12 para sa halalan. May mga tauhan din ng PNP ang nakahanda at nasanay bilang Electoral Board kung sakaling may magbaback-out na guro sa eleksyon. NDBC BIDA BALITA

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today announced another round of oil price rollback that will take effect Tuesday morning. The pump prices of diesel will...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...