Monday Jul, 04 2022 01:27:12 PM

NDBC BIDA BALITA (5.7.19)

NDBC BALITA • 22:15 PM Tue May 7, 2019
948
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 07, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. SUSPEK sa pagpatay sa isang human rights worker at habal-habal driver, kusang sumuko sa otoridad

2. BARANGAY CHAIRMAN sa Lambayong, Sultan Kudarat at kasamang tanod, patay habang dalawang iba pa sugatan sa pamamaril sa Tacurong City

3. DETACHMENT NG CAFGU, sinalakay ng New People’s Army sa Arakan, Cotabato.

4. OWWA 12 handang tulungan ang mga OFW na pauuwiin dahil sa giyera sa Libya.

-0-

KUSANG SUMUKO sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM at kay Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang kawani ng Commission on Human Rights o CHR-BARMM at kasama nitong habal-habal driver sa lungsod.

Gayunman, sadyang di kinilala ang sumukong suspek para na rin sa kaligtasan nito at ng kanyang pamilya.

Personal na kinausap nina mayor Guiani at CIDG BARMM chief, Police Col. James Gulmatico ang suspek sa harap ng media para alamin ang dahilan ng pagpatay nito sa dalawang mga biktima.

Kwento pa ng suspek, nagka-alitan umano sila ng habal-habal driver na si Pio Orteza kaya binaril niya ito at nadamay lamang si Archard Ayao na isa ring dating TV reporter.

Ayon sa suspek, natakot at nakosensya siya sa krimeng nagawa kaya nagpasya siyang sumuko ng kusa sa mga otoridad. Aniya, handa na siyang pagbayaran ang krimeng nagawa.

Humingi rin siya ng tawad sa pamilya ng kanyang mga napatay at nagpahayag ng pagsisisi dahil nagpadala siya sa sobrang galit at init ng ulo. Nakatakda ng sampahan ng kasong double murder ang sumukong suspek.
Matatandaang naka-angkas si Ayao sa motorsiklong minameneho ni Orteza at pauwi na sana nang mangyari ang pamamaril sa mga biktima sa Don Ramon Rabago Street, Barangay Rosary Heights 4, pasado alas sais ng gabi noong May 1.

-0-

PATAY ang isang ama habang sugatan naman ang kanyang anak nang mabiktima ng pamamaril sa Barangay Kapinpilan, Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang namatay na biktima na si NORHASHIM BAYAO, 50 anyos, negosyante, at may asawa habang sugatan naman ang 14 na taong gulang nitong anak. Ang mga biktima ay kapwa mga residente ng Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Base sa kwento ng pamangkin ni Bayao, pasado alas nwebe ng gabi kamakalawa habang pauwi na ang mag-ama nang tambangan ng mga di pa nakikilalang mga suspek sa daan.

Nagtamo ng tama ng bala sa tagiliran si Bayao, na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Sa kaliwang hita naman ang sugat ng anak nito na patuloy ngayong nilalapatan ng lunas sa ospital.

-0-

PATAY ang isang negosyanteng taga Davao city matapos na pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Midsayap, North Cotabato kagabi.

Kinilala ang nasawi na si Jerry Dalde, 49 years old na taga Barangay Ulas, Davao city.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang kasama nitong nakilalang si Juanalyn Composano, 49, balo at taga- Barangay Upper Glad, Midsayap.

Sa inisyal na report ng Midsayap PNP, pasado alas nuebe kagabi habang pauwi ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang tambangan sila ng mga suspek sa bahagi ng Purok Waling-Waling, Barangay Poblacion Dos. Tama sa dibdib mula sa bala ng cal. 9mm pistol ang tumapos sa buhay ni Dalde.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng naturang krimen at kung ano ang motibo dito.

-0-

SUGATANG ISINUGOD sa ospital ang dalawang mga lalaki matapos na mabangga ng isang Toyota fortuner ang kanilang sinasaskyang payong-payong sa Gov. Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina TOTO ANAN, 21 years old at TAYA INGKAN, 44, pawang mga residente rin ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas sais ng umaga kahapon habang tinatahak ng mga biktima ang Sinsuat Avenue nang bigla umanong sumulpot ang Toyota fortuner na mabilis ang takbo at nahagip sila.

Nakatalon agad ang di nakilalang driver ng payong-payong kaya’t tanging ang mga pasahero nitong sina ANAN at INGKAN ang nagtamo ng mga sugat, bale at pasa dahil sa lakas ng pagkakabundol sa kanila.

-0-

PATAY ang isang miembro ng Abu Sayyaf Group o ASG habang isang sundalo naman ang nasugatan sa nagpapatuloy na bakbakan ng magkabilang panig sa Sitio Kan Udang, Brgy. Kan Ague, Patikul, Sulu.

Sa report ng AFP Western Mindanao, pasado alas nuebe ng umaga kamakalawa nang makasagupa ng Army’s 32nd Infantry Battalion ang sampung mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kagubatan ng nasabing lugar.

Umabot umano sa 20 minuto ang palitan ng putok ng magkalabang pangkat hanggang sa tuluyang umatras ang AG matapos malagasan ng isang kasamahan.

Ayon kay AFP Western Mindanao spokesperson Col. Gerry Besana, mabilis namang isinugod sa ospital ang sugatang sundalo.

Aniya, nagpapatuloy pa ngayon ang pagtugis ng tropa ng militar sa mga nagsitakas na ASG member.

-0-

Sugatan ang dalawang motorista matapos na masangkot sa vehicular crash sa Daang Maharlika, Kidapawan City alas 11:00 ng gabi, kamakalawa.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Rey Alonsagay Suan, 22 years old, private employee at si Randy Pulitud Alex, 20 anyos, na kapwa mga residente ng barangay Alibayon, Magpet Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP traffic section, parehong binabaybay ng dalawa ang National Highway patungong Davao ang direksyon at nang pagsapit sa pinangyarihan ng aksidente particular sa harap ng isang gasoline station ay nawalan umano ng control ang Honda Motorcycle na minamaneho ni Pulitud hanggang sa matumba.

Sumalpok naman ang parating na isa pang motorisklo na minamaneho ni Alonsagay dahilan para magtamo ng sugat sa katawan ang dalawang mga drayber.

Agad na isinugod ng rumespondeng 911 ang dalawang sugatang biktima para sa agarang medikasyon habang wala namang maipakitang pertamenteng dokumento ang dalawa. NDBC BIDA BALITA

-0-

Matapos ang walong taong pagtatago sa batas, huli ng PNP ang mag-amang suspek sa panghahalay sa Purok 3B, Brgy Kiyaab, Antipas, North Cotabato, alas 7:25 ng umaga kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest mula sa korte, arestado sina Manuelito Parcon, 70-anyos, isang magsasaka at Michael Parcon, 28-anyos, may asawa na kasalukuyang naninirahan sa Santa Ignacia, Tarlac Province, na may magkaibang kaso ng rape.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP, nakatanggap umano sila impormasyon na nasa Sitio Tigmamanok ng nasabing lugar ang mag-ama kaya agad itong tinungo ng mga operatiba at doon nahuli ang nasabing mga wanted person.

Napag-alaman na noong taong 2011 pa sinampahan ng kaso ang mga suspek sa RTC branch 17 sa Kidapawan City. Nasa kostudiya na ngayon ng PNP dalawang mga suspek. NDBC BIDA BALITA

-0-

Inatake ng rebeldeng New People’s Army ang detachment ng Citizen Arm Force Geographical Unit o Cafgu sa Sitio Katindo, barangay Malibatuan Arakan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa ulat umabot sa higit labin-limang minuto na pinaputukan ang detachment ng Citizen Arm Force Geographical Unit o Cafgu sa bayan ng di pa malamang bilang ng mga armadong kalalakihan.

Hanggang sa umatras ang rebeldeng grupo sa liblib na barangay ng nasabing bayan. Sa ulat na nakarating kay Arakan PNP Chief Police Captain Jose Mari Molina, wala namang nasugatan sa mga miyembro ng CAFGU na nakastandy sa nasabing detachment.

Kinumpirma din ng opisyal na nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residente sa lugar matapos lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo. Inaalam pa ng pulisya at militar kung anong armas ang ginamit ng rebeldeng grupo.

Matapos ang pangangatake ay dinoble na ng lahat ng unit ng detachment ang seguridad sa posibleng diversionary attack ng kalaban. Pinag-igting narin ng PNP ang lahat ng entry at exit point sa bayan. NDBC BIDA BALITA

-0-

Patuloy na ginagamot ngayon sa isang ospital sa Kidapawan City ang isang lalaki matapos na barilin ng di kilalang gunman sa isang inuman sa gilid ng National Highway Quezon Boulevard, Kidapawan City.

Kinilala ng City PNP ang biktima na si Marcelo Elnas Urbon alyas Tyson, may asawa na taga Nursery phase 1 ng lungsod.

Sa naging imbestigasyon ng Kidapawan City PNP, alas 11 ng gabi nitong linggo binaril ang biktima habang masayang nakikipag inuman kasama si Alyas barok Gieveso sa isang Ballot stall sa lugar nang bigla itong dinikitan ng suspek at pinagbabaril.

Nang makita din ng biktima ang suspek ay sinubukan pa nitong tumakas pero tinamaan parin ng bala.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa kanyang leeg at sa kanyang tiyan na mabilis namang naisugod sa pagamutan habang ang suspek ay tumakas patungong Padilla Street barangay Poblacion ang direksyon Narekober sa crime scene ang isang bala at dalawang fired cartridges ng caliber 45 na pistol.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng mga responsable sa pamamaril. NDBC BIDA BALITA

0-0-
Drug suspek, arestado sa operasyon ng Kidapawan City PNP kaninang madaling araw

Tatlong mga sachet ng mga iligal na droga ang nakumpiska mula sa isang drug suspek sa ikinasang search warrant operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12 at Kidapawan City PNP sa McArthur St., Barangay Poblacion Alas kwatro kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Benjamin T. Vasquez, 32 anyos na residente ng nasabing lugar.

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court ay pinasok ng PNP ang bahay ng suspek at sa kwarto mismo nito nakuha ang tatlong mga maliliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu pati narin ang mga drug paraphernalia.

Inamin naman ng suspek na gumagamit ito ng iligal na droga pero itinanggi nitong sa kanya ang mga nakuhang ebidensya. Matagal ring isinailalim sa surveillance ng PNP ang suspek at makailang beses rin itong nabilhan ng iligal na droga.

Sa bahay narin mismo umano nito nagsasagawa ng pot session ang suspek. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kidapawan City PNP ang suspek habang inihahamda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

-0-

Dead on arrival sa ospital ang isang barangay Chairman na biktima ng pamamaril sa Tacurong City Sultan Kudarat pasado alas onse ng umaga kahapon

Kinilala ni Tacurong Chief of Police, Lt. Col. Joefel Siason ang nasawi na si Barangay Lilit,Lambayong, Sultan Kudarat Chairman Abdul Daud, 44 anyos. Ang biktimang si Daud ay nagtamo ng malubhang mga tama ng bala ng baril na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Patay naman on the spot sa pamamaril ang kasama nitong kasapi ng kanilang Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT na si Kahir Tankilisan. Ang anak ng nasawing barangay Chairman at gurong si Riannie Guiwan Daud, 21 years old at pamangkin na si Abdulrakman Daud Solaiman ay sugatan din sa pamamaril .

Nabatid na ang biktima na kagagaling lamang sa isang clinic para magpa check up ay dumaan para bumili sa isang tindahan sa J. Quirino Mercado Avenue, sa Barangay Poblacion, Tacurong nang pagbabarilin

Ayon kay Tacurong PNP, Investigator Police Chief Master Sergeant Jasper Garcia,makita naman ng mga pulis sa kuha ng CCTV na ang mga biktima ay binaril ng nagiisa at nakamotorsiklong suspek.

Ayon kay Garcia pa batid ng mga pulis kung sino ang salarin at ano ang motibo ng mga ito sa krimen.

-0-

Binatilyong nakamotorsiklo, patay sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Samuel Cadungon ang biktima na si Jayson Aguinaldo, 15 anyos at nakatira sa Tupi, South Cotabato.

Ang biktimang binatilyo ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Polomolok Municipal Hospital.

Ito ilang oras matapos masangkot sa vehicular crash sa Nationasl Highway, Barangay Pagalungan, Polomolok.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis naka-head on collision ng motorsiklong minamaneho ng biktimang si Aguinaldo ang kasalubong ring motorsiklo na minamaneho ni Ahmad Mangelin, 18 anyos ng Barangay, Sumbakil, Polomolok.

Sugatan din sa insidente si Mangelin at angkas nitong si Fritch Cambarijan, 17 anyos ng Surallah, South Cotabato. Ang mga ito ay dinala sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City. Ang dalawang nagkasalpukang motorsiklo ay ikinustodya ng Polomolok PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

-0-

Tutulong ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sakali mang may taga region 12 na malakip sa mandatory repatriation ng Department of Foreign Affairs sa mga OFW sa Libya.

Ito ay bunsod pa rin ng kagulahan sa nasabing bansa. Ayon kay OWWA 12 OIC Kristine Sison ang pauuwing mga OFW mula Libya ay makatatanggap ng tig 20 thousand pesos na tulong pangkabuhayan.

Ito ay sa pamamagitan ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program ng OWWA. Nilinaw naman ni Sison na batay sa nakitang nilang listahan, wala pang OFW sa region 12 na pauuwin mula sa bansang Libya sa ngayon.

Gayunpaman nananawgan Sison sa mga kaanak ng mga OFW sa libya na makipagugnayan sa OWWA 12 Office sa Koronadal City. Ito ay upang agad na matulungan ng gobyerno kung kinakailangan.

-0-

Sumailalim sa paralegal training ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang 50 mga personnel ng PNP, Philippine Marine, Philippine Coastguard, mga kinatawan mula sa local government units, at mga volunteer.

Ayon kay DENR 12 Enforcement Division Chief at Forester Dirie Macabaning, maipapatupad lamang ng maayos ang mga batas sa pangangalaga ng mga likas yaman kung may sapat na kaalaman ang mga tagapagpatupad nito.

Ipinahayag ni Macabaning na hanggang ngayon kasi ay talamak pa rin ang illegal activities sa rehiyon. Umapela din si Macabaning sa PNP at kanilang mga volunteer na maging mapagmatyag sa illegal wildlife trading.

Ayon kay Macabaning ang region 12 lalong lalo na ang General Santos City ay entry point ng Illegal wildlife trading .

Umaasa naman si DENR 12 Regional Executive Director Nilo Tamoria na pagkatapos ng training ay mapaigting pa ang pakikipagtulngan ng kanilang mga environmental officers sa PNP.

Ito ay upang masigurong magawa ng mga ito ang kanilang trabaho na protektahan ang mga likas yaman ng rehiyon.

0-0

Clean up drive sa Lake Sebu, ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Mangunguna sa malawakang clean up drive sa Lake Sebu ang Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato.

Ayon kay PEMO Senior Environment Management Specialist Loida Villa, ito ay kanilang sisimulan pagkatapos na ng May 13 Midterm elections.

Ipinahayag ni Villa na para makapagbigay ng kabuhayan kukuha sila ng 20 mga mangagawa sa komunidad na tutulong sa kanilang clean up drive.

Ipinahayag ni Villa na maliban sa regular na pagtanggal ng mga water lilies , ide-demolish din nila ang mga illegal fish cages, guard houses at abadonadong mga instruktura sa mga Lawa.

Ang clean up drive ayon kay Villa ay pinaglaanan ng pamahalaang panlalawigan ng 200 thousand pesos. Tig 50 thousand pesos sa nasabing pondo ay inilaan sa paglilinis ng Lake Seloton at main lake na Lake Sebu, at 100 thousand sa Lake Lahit.

Ayon kay Villa inaasahan nilang matatapos ang taunang clean up drive sa Hunyo. Kasama din ng PEMO sa pagpapatupad ng clean up drive ang Municipal Agriculture Office at Environment and Natural Resources Office ng Lake Sebu.

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...

Comelec urges barangay, SK voters to register starting Monday

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Saturday reminded Filipinos eligible to vote in the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK)...