Saturday Jul, 02 2022 06:50:25 AM

NDBC BIDA BALITA (8.15.19)

NDBC BALITA • 15:45 PM Thu Aug 15, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Barangay Treasurer sa Northern Kabuntalan, Maguindanao, nabaril at napatay sa Cotabato City

2. DALAWANG mga magsasaka, patay sa hiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Carmen at Pikit, North Cotabato.

3. Vice President Leni Robredo, nag-turnover ng mga silid-aralan sa Tampakan at Polomolok, South Cotabato

4. Unang araw ng eat all u can sa Tempupo festival, dinagsa ng mga mahilig sa prutas sa Kidapawan 

 

 

SA DETALYE NG MGA BALITA...

 

-0-

DEAD ON THE SPOT ang isang barangay treasurer sa Northern Kabuntalan, Maguindanao matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Cotabato city kahapon.

Sa report ng City PNP, nakilala ang biktima na si Winnie Rogayan, 51 anyos, may asawa, at taga barangay Gayonga, Northern Kabuntalan.

Naglalakad lamang umano ang biktima sa Jose Lim Sr. Street, sa Barangay Poblacion Singko ng lungsod nang lapitan siya at pagbabarilin ng mga suspek gamit ang cal.45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasamahan nito.

Nabatid na batay naman sa salaysay ng pamilya ni Rogayan, bago binaril at pinatay ang biktima ay may natatanggap na umano siyang mga pagbabanta sa kanyang buhay.

 

-0-

SUGATAN naman ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek na Midsayap, North Cotabato.

Sa report ng Midsayap PNP, tinamaan sa magkabilang braso at kanang paa ang biktimang si Abdulwahab Hakan, 20 years old mula sa bala ng cal. 45 pistol.

Hinatid lamang umano ng biktima ang pasahero nitong si Nando Hassan sa barangay Poblacion Dos, pasado alas otso kagabi nang sundan sila ng motorcycle-riding tandem suspects at pinagbabaril.

Maswerte naman at hindi tinamaan si Hassan habang si Hakan at patuloy ngayong nilalapatan ng lunas sa ospital.

 

-0-

 

ISA NA namang drug suspect ang napatay sa shootout sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Sa report ng pulisya, nanlaban kasi sa mga pulis ang suspek na si Jerome Baud Salasal, taga barangay Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao.

Nagsagawa ng buybust operation ang pinagsanib na pwersa ng President Quirino PNP, at Sultan Kudarat PNP Drug Enfocement Unit sa Barangay Pedtubo, President Quirino ngunit natunugan ni Salasal na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti naman ang mga pulis sanhi para magtamo ng maraming mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Nakuha mula sa suspek ang isang baril at suspected shabu na nagkakahalaga ng 100 libong piso.

 

-0-

 

NANUMPA NA kahapon kay Executive Secretary Salvador Medialdea si dating Agriculture Sec. Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority o MinDA.

Magsisilbi si Piñol bilang Minda chief sa loob ng anim na taon.

Magiging point person din siya ni Pangulong Duterte sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Kaugnay nito ay tahasan sinabi ng dating agriculture secretary na ang economic managers ni P. Duterte at isang makapangyarihang political personality umano ang dahilan ng pagkakalipat sa kanya sa MinDA.

Gayunman, aniya, hindi siya patitinag at tuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda bilang bagong MinDA chief.

 

-0-

 

Inamin ng pamunuan ng Western Mindanao Command o WesMinCom na bagong istilo ng Abu Sayyaf Group o ASG ang pagpapasabog kahapon sa Patikul, Sulu, kung saan isang sundalong miembro ng Army’s 43rd K9 Platoon ang nasugatan.

 

Sinabi ni WesMinCom commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na nagsagawa muna ng roadside bombing ang ASG para rumesponde sa blast site ang tropa ng pamahalaan at saka pasasabukin ng mga ito ang ikalawang bomba o granada.

Ayon kay Sobejana, paraan ito ng ASG para ipakitang may kakayahan pa rin silang maghasik ng karahasan kahit humihina na ang kanilang puwersa.

Tinukoy naman ni Sobejana na grupo ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan ang nasa likod ng pag-atake at pagsabog kahapon sa Sulu.

Nitong Lunes, kasabay ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, tatlo ang napatay kabilang ang dalawang taong gulang na bata sa pagsalakay ng Abu Sayyaf sa lalawigan.

Samantala, tukoy na ng PNP ang uri ng IED na ginamit sa twin bombing kahapon sa Sitio Tibongbong, Barangay Igasan, Patikul.

Ayon kay PNP BARMM Director Police Brig. Gen. Marni Marcos, ang Pipe bomb na sumabog kahapon ay kapareho ng ginagamit na bomba sa Jolo Cathedral bombing.

 

-0-

 

Magsasaka na nakamotrosiklo, patay sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

Patay ang isang magsasaka makaraang barilin ng riding in tandem suspects sa Purok 4, Barangay Ranzo, Carmen, Cotabato alas 12:50 ng tanghali kamakalawa.

Kinilala ang biktima sa si Marcelo Langote, 38 years old, may asawa at nakatira sa nasabing lugar. Sa ulat, sinasabing sakay ng kanyang Kawasaki Bajaj na motorsiklo ang biktima nang barilin siya ng di pa kilalang suspek.

Nabatid na kinuha ng mga suspect ang motorsiklo ngbiktima matapos gawin ang pamamaril. Isa naman ang nakaw-motorsiklo sa mga sinusundang anggulo ng pulis sa insidente. Habang patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng PNP sa naturang pamamaril.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Unang araw ng “Fruits eat all you can” sa Kidapawan City, dinagsa ng mga mamamayan na mula pa sa ibang lugar sa Pilipinas

Daan-daang mga turista ang dumagsa sa Kidapawan City kahapon na unang araw din ng Timpupo “Fruits eat all you can” sa lungsod. Nasa 3,000 kilos naman sa bawat araw ang inihanda ng City Government sa loob ng apat na araw na aktibidad na isinagawa sa City Plaza.

Ma ibat-ibang mga prutas na nakahilera kagaya ng mangosteen,marang, durian, lanzones, rambutan at saging na kanya-kanyang kuha ang kalahok at unang naubos na prutas ay ang marang at ang durian. Hindi lamang mga taga Kidapawan City at ibang lugar sa North Cotabato ang sumali kundi pati na ang mga balik bayan mula sa Luzon at Visayas.

Dumalo din kahapon si North Cotabato Vice Governor Emmylou Talino-Mendoza at iba pang mga local officials sa probinsya. Samantala, ngayong araw naman ang 3 Cocks-Pang Masa Derby Elimination at ang Kiay-Kiay sa dalan o “Sayawan sa daan”.

Simula alas 6:00 ng umaga kanina, nagsimula ang Kiay-Kiay sa dalan mula sa Our lady of mediatrix all graces Cathedral patungong City Plaza.

Suot ang makukulay na kasuotan ay sumayaw ang mga kalahok sa National Highway mula sa ibat-ibang lugar sa lungsod.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga NPA surenderee sa bayan ng Arakan, North Cotabato, nakapagtapos na sa skills training ng TESDA 12

Nagtapos na sa Skills training ng Technical Education Skills Development Authority o TESDA ang 53 mga dating rebeldeng NPA na sumuko sa pamahalaan. Ang 53 mga nagtapos ay mga nasa Indigenous People Community ng Barangay Tumanding, Arakan Cotabato.

Karamihan sa kanila ay kumuha ng Appliance Repair Electronics Product Assembly NC II. Katuwang ng TESDA sa programa ang 19th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ayon kay Barangay Captain Dante Tumanding, ito ang unang pagkakataon na sumailalim ang kanyang mga kabarangay na sumampa pero nagbalik loob sa gobyerno ng kahalintulad na training.

Dagdag pa nito, ito na ang simula na mabago ang buhay ng kanyang mga kabarangay sa tulong ng naturang programa ng TESDA at hindi ang pagsampa sa NPA ang sagot sa kanilang mga problema.

Matatandaan na unang sinabi ni TESDA Director General Secretary Isidro S. Lapeña na “TESDA Abot Lahat” ang mandato ng kanyang administrasyon dahil gusto nitong maabot ang mga nasa lay-layan ng bansa na kulang sa serbisyo ng gobyerno.(Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bilang ng Dengue Cases sa North Cotabato, lalo pang lumobo sa 221% Mas lalo pang tumaas sa 221% ang bilang ng dengue cases na naitala ng Integrated Provincial Health Office o IPHO sa probinsya ng North Cotabato.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dra.Eva Rabaya, dalawang bayan na sa probinsya ang isinailalim sa state of calamity dahil sa mataas na kaso ng Dengue at ito ay ang bayan ng Alamada at Banisilan, North Cotabato.

Dagdag pa ni Rabaya, ngayong taon ay itinuturing na epidemic ang kaso ng dengue dahil sa laganap at may mataas na kaso ang dengue sa probinsya kung ikukumpara noong mga nakalipas na taon.

Base sa pinakahuling datus na inilabas ng Department of Health o DOH12, abot na 4, 765 na ang bilang ng dengue cases sa North Cotabato na pumapangalawa sa may pinakamaraming bilang sa buong rehiyon. Sa nasabing bilang, labin-anim na rito ang namatay.

-0-

Hindi hinihikayat ng PNP na tumanggap ng kahit-anumang regalo ang mga pulis sa North Cotabato kung ito ay may kapalit na pabor dahil ito ay malinaw na paglabag sa batas.
Ito ang sinabi sa Radyo-BIDA ni Cotabato Police Provincial office o CPPO spokesperson Police Lt. Col Bernard Tayong, matapos magpahayag ng pag pabor ang Malacanyang sa pagbibigay ng regalo sa mga empleyado ng pamahalaan kabilang na ang mga pulis.
Sinabi ng police official, kultura na rin anya sa mga pinoy na nagbibigay ng regalo kung natutulungan bilang pasasalamat na rin at kung ito ay hindi naman makakasira sa katauhan o mismong sa buong organisasyon. Lalo na ang pagtanggap ng protection money at mahahalagang gamit bilang kapalit sa kanilang trabaho. VC- TAYONG Si CPPO Spokesperson Police Lt. Col Bernard Tayong.
Dagdag pa ni Tayong, maglilingkod naman ang PNP sa publiko kahit walang kapalit na regalo. Una ng binalaan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga pulis na tatanggap ng pera at regalo na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo. Ayon kay Año, sinumang police officers na mapapatunayang guilty sa pag-solicit, pagtanggap ng regalo at pera na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang law enforcers ay sasampahan ng kaso.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Magsasaka patay habang kapatid nito sugatan sa pinakabagong kaso ng pamamril sa Pikit, North Cotabato
Patay ang isang 27 anyos na lalaki habang sugatan naman ang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga gunman sa Sitio Pogpog, Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato alas 12:15 ng madaling araw kanina.
Kinilala ang biktima na si Steve Mark Delamide, isang magsasaka habang sugatan naman ang kapatid nito na si Jake Delamide, 25 anyos na taga Barangay Inug-nug ng bayan.
Sa ulat ng Pikit PNP, natutulog umano ang magkapatid sa loob ng kanilang tahanan nang paulanan sila ng bala dahilan ng agarang pagkamatay ng nakakatandang Demalide at pagkasugat ng kanyang kapatid. Mabilis namang tumakas ang suspek sa di pa malamang direksyon habang narekober sa crime scene ang basyo ang 5.56 caliber.
Hanggang sa ngayon hindi pa batid ng PNP kung ano ang motibo ng mga responsable sa pagbaril sa magkapatid.(Cherry Exim)

 

-0-

 

 

Nakasungkit ng limang parangal sa katatapos lang na 3rd National Bayani Ka! Awards ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang limang mga volunteer groups sa region 12.

Tatlo sa mga pinarangalan ay mula sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ang mga ito ay ang Parents Teachers Association ng FB Concha Elementary School sa Limulan Kalamansig na awardee sa Indigenous People’s Welfare Category at Tibpuan Barangay Suproject Management Committee ng Tibpuan Lebak na awardee naman sa Environmental Protection Category.

Hindi rin nagpahuli ang Sustained Community Group Category Awardee na United Muslims Christians Farmers Association ng Barangay Katitisan sa bayan ng Lambayong. Nakakuha rin ng dalawang award sa awarding ceremony sa Butuan City ang dalawang grupo sa lalawigan ng Sarangani.

Ang mga ito ay ang Kapanal Women Association ng Gasi sa bayan ng Kiamba na awardee sa Gender and Development Category at Kapatan Barangay Subproject Management Committee ng Kapatan sa bayan ng Glan na awardee naman sa Sustained Community Group Category. Nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga ito si Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista.

Ayon kay Bautista layon ng Bayani Ka! Awards na kilalanin ang mga grupo at indibidwal na malaki ang naitulong sa pagpapatupad ng mga programa kontra kahirapan ng DSWD.

 

-0-

 

Drug suspek patay umano sa shootout sa Tantangan, South Cotabato

Dead on arrival sa ospital ang isang drug suspek na lumaban umano sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Tantangan, South Cotabato. Kinilala ng Tantangan PNP na pinamumunuan ni Police Captain Romeo Albano Jr. Ang nasawing drug suspek na si Tong Manguda, 41 years old, may asawa.

Isinagawa ng mga pulis ang drug buy-bust operation laban kay Manguda sa kanila mismong lugar sa Purok Lower Salucag, Barangay Poblacion, Tantangan. Si Manguda na matinding tinamaan ng bala ay nabaril ng mga pulis matapos umanong magpapaputok ng armas habang nakatakas naman ang di kilala nitong kasama.

Kasama ng Tantangan PNP sa kanilang anti illegal drug operation laban kay Manguda ang mga kasapi ng Regional Police Drug Enforcement Unit o RPDEU 12.

Nakumpiska ng mga pulis sa kanya ang 45 pistol na may mga bala, spare magazine ng nasabing armas na may pitong bala, at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu. Kinumpiska din ng mga pulis ang cellphone at motorsiklo na ginagamit umano mn ni Manguda sa kanyang illegal drug transaction.

 

-0-

 

 Cash For Work Program kontra dengue ipatutupad ng pamahalaang panlalalawigan ng South Cotabato Inilaan ng pamahalaang panlalawigan ang P1.5 million na bahagi ng Quick Response Fund nito sa Cash

For Work Program para masawata ang dengue fever. Ibig sabihin nito bawat local government ng South Cotabato ay makatatanggap ngn tig P100,000 para sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRMMO Operations and Warning Officer RD Aquino. Ayon kay Aquino tutukan sa Cash for Work Program ang pagsira sa mga lugar na maaring pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Nilinaw naman ni Aquino na ibibigay lamang ang pondo sa bawat LGU kung makapagsumite ng proposal sa PDRRMO ang kanilang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Bawat benepisyaryo ng Cash For Work Program ay may arawang sahod na P250.

Trabaho ng mga ito na manguna sa “Operation Kulob”, clean up drive sa mga Sitio, purok at Barangay. Bahagi ng pondo ay laan naman sa Honorarium ng mga operator ng fogging at misting machine. Sa pinakahuling datus ng Provincial Health Office umanot na sa 4,447 ang dengue cases sa South Cotabato mula January hanggang August 5, 2019. Mas mataas ito ng 184% kumpara sa 1,567 dengue cases sa lalawigan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Umabot na rin sa 22 ang nasawi dahil sa dengue sa lalawigan sa unang walong buwan ng 2019 NDBC

 

-0-

 

News AM Aug 15 Headline : Mild El nino dapat paghandaan ng mga magsasaka, ayon sa provinical agriculture officer ng South Cotabato

Gamitin ng ng tama ang supply ng tubig lalong lalo na ang mga naggaling sa irrigation canal. Ito ang panawagan ni South Cotabato Provincial Agriculturist Justina Navarete sa mga magsasaka ng lalawigan. Layun nito na mapaghandaan ang posibleng mild El Nino Phenomenon sa South Cotabato sa huling quarter ng 2019.

Ipinahayag ni Navarete na kapag umulan kasunod naman ng mahabang tag-init dapat ding maging alerto ang mga magsasaka sa pangaatake ng mga peste sa mga pananim.

Sa katunayan ayon kay Navarete namemerwisyo na ang mga pasteng daga, army worms,at fusarium sa mga sagingan sa Barangay San Jose, General Santos City.

Kaugnay nito umapela si Navarete sa mga magsasaka sa South Cotabato na agad na magreport sa provincial agriculture office kapag nakakita ng peste sa kanilang mga sakahan Ito ay upang maagapan ang pamiminsala ng mga ito sa kanilang mga pananim

 

-0-

 

Vice President Robredo nag-turn over ng mga silid aralan sa Tampakan at Polomolok, South Cotabato

Nanguna sa pag-turn over sa tig dalawang mga classroom building sa Tampakan Elementary School sa Tampakan at Dole Cannery Central Elementary School sa Barangay Cannery Site pawang nasa South Cotabato Si Vice President Leni Robredo. Ito ay matapos mismong imbitahan ni Aruga tungo sa Pagbabago at Pag-asa o AGAPP Foundation Inc. Executive Director Eduardo Galvez.

Ang nasabing mga silid aralan ay ipinatayo ng nasabing foundation para makatulong sa edukasyon ng mga batang mahihirap. Bago pa man pangunahan ang pagturn over sa apat na mga classroom tumungo muna si Robredo sa bayan ng Lake Sebu.

Binisita nito ang LASIWWAI isang grupo ng mga kababaihang T’boli Weaver na kumikita at tumutulong sa preserbasyon ng kanilang mga kultura sa pamamagitan ng paghahabi. Ayon sa bise Presidente pangunahing pakay nito ang pagbisita sa nasabing grupo na kanilang inaalagaan. Kaya lamang nang malaman na wala pang turn over sa mga silid aralan sa Tampakan at Polomolok na naipatayo noon pang nakaraang administrasyon agad nitong tinungo ang nasabing mga lugar.

Nilinaw din ni Robredo na matagal pa at wala pa itong tiyak na plano para sa 2022 national at local elections.

 

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...

Job opportunities at Cotabato City power firm

The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) is looking for business process specialist and distribution network technician.