Sunday Mar, 03 2024 03:08:35 PM

NDBC BIDA BALITA (9.20.19)

NDBC BALITA • 18:15 PM Fri Sep 20, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DALAWANG mga miembro ng MILF-BIAF, arestado matapos makuhanan ng mga armas at bala nang maharang sa isang checkpoint sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

2. MGA SUSPEK sa pagpatay sa isang mamamahayag sa Kidapawan City, sinampahan na ng kasong murder

3. KAMBING na may kakaibang itsura, pinagkakaguluhan ngayon sa Koronadal City

4. TAsk force on African swine fever, itinatag sa REgion 12

 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA…. 

 

-0-

 

ARESTADO ang dalawang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF matapos silang makuhanan ng mga baril at bala sa isang checkpoint sa barangay  Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief, Police Major Julhamin Asdani ang mga nadakip na sina Datu Ebrahim Egal, 23 anyos, single at Ali Mama Unting, 32 anyos, may asawa, pawang mga magsasaka at mga residente  ng Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Asdani, sakay ng pulang Toyota Corolla ang  dalawa kung saan nakuha ang isang M-16 A1 Elisco Rifle  na may isang magazine at 21 pirasong mga bala at isang cal. 45 pistol armscor na may isang magazine at pitong mga bala.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o comprehensive law on firearms and ammunitions ang mga naarestong MILF-BIAF members na ngayon ay nasa kustodiya ng SK PNP.

Samantala, sa Cotabato city naman, inaresto rin ng mga otoridad ang dalawa katao matapos umanong makuhanan ng isang granada habang sa Krislamville, Barangay Rosary Heights 6 ng lungsod.

Nakilala ang mga suspek na sina NORIA KASAN, 38 years old at HASHIM DATILAN, 32 kapwa mga residente rin ng nasabing lugar.

Sa report ng Police Station 2, nagpatupad sila ng Oplan Paglalansag Omega at tinungo ang nabanggit na pasado alas sais ng umaga kahapon bitbit ang isang search warrant for violation of RA 105912 na inisyu ni RTC Branch 27 Judge Kasan Abdulrakman.

Sa ginawang raid sa lugar ng mga suspek ay doon natagpuan ang isang fragmentation hand grenade dahilan para arestuhin sina Kasan at Datilan.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang habal-habal driver sa isinagawang buy bust operation ng Police Station 3 sa Crossing Bubong, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Pinangunahan ni Police Station 3 commander Major Theng Bacal ang operasyon kasama ang mga elemento ng 1404th Regional Mobile Force Company, Regional Mobile Force Batallion 14 at PDEA BARMM

Nakilala naman ang nadakip na suspek na si Rolando John Manabilang alyas Lando o Orlando Manabilang, 43 years old, may asawa at taga LR Sebastian, barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos at nabawi rin sa kanya ang buy bust money.

Samantala, huli rin ang isang tindero matapos na maaktuhang humihithit ng iligal na droga sa Cotabato City

Kinilala ang suspek na si Mukidin Mantor Masla, 42 anyos, may asawa, at taga-Purok Lumayon 2, Barangay Poblacion Mother ng lungsod.

Sa report ng police station 1, naaktuhan umano ng mga barangay tanod na humihithit ng pinaniniwalaang shabu si Masla kaya kaagad nila itong dinakip at dinala sa himpilan ng pulisya

Nakatakda sampahan ng kaukulang kaso ang dalawang mga naaresto ngayong araw.

 

-0-

 

INIUTOS NA ng Korte Suprema sa Commission on Elections o Comelec na bumuo ng special provincial board of canvassers para maideklarang panalo bilang congresswoman si Shirlyn Banyas Nograles sa unang distrito ng South Cotabato.

Ito ay kasunod ng pagpabor ng mga mahistrado sa petisyon ni Nograles na ibasura ang resolusyon ng Comelec.

Sa resolusyon kasi ng Comelec, sinuspindi ang halalan noong May 13, 2019 para sa kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Nakasaad din sa Comelec resolution ang pagtakda ng special elections para sa first district ng South Cotabato at lone district ng General Santos City dahil sa Republic Act 11243 na naghihiwalay sa General Santos City bilang bahagi ng unang distrito ng South Cotabato.

Ang nasabing resolusyon ng Comelec ay idineklara ng Korte Suprema na null and void.

Ayon sa mga mahistrado, sa May 2022 na dapat gawin ang pagpili ng magkahiwalay na kinatawan para sa lone district ng General Santos City at sa 1st district ng South Cotabato.

Matatandaan na nakakuha ng pinakamataas na boto si Nograles noong halalan para maging kinatawan ng unang distrito ng South Cotabato.

 

-0-

 

Duguan at namimilipit sa sakit nang isugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos na aksidenteng matusok siya ng hook na kanyang ginagamit sa pangingisda sa karagatang bahaging Barangay Matober, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Sa report ng mga otoridad, pasado alas dose ng tanggahali kahapon habang nasa laot si HASLIM BUTUKAN, 34 anyos at nililigpit ang kanyang kagamitang pangisda nang bigla siyang natusok ng malaking hook sa kanyang kaliwang kamay.

Agad na dinala ng kanyang pamilya sa ospital si Haslim at patuloy ngayong nilalapatan ng lunas.

 

-0-

 

Ibat-ibang mga aktibidad ng Integrated Bar of the Philippines o IBP North Cotabato, tampok ngayong Law week celebration

Nagsagawa ng maraming aktibidad ang Integrated Bar of the Philippines o IBP North Cotabato kasabay ng law week celebration ngayong taon.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ng kanilang presidente na si Atty. Emma Ferenal- Andiano at lahat ng mga abogado at hurado sa buong North Cotabato chapter.

Kabilang na dito ang Free legal consultation at ang free Notarial services nitong martes sa Barangay Nuangan, Kidapawan City na bukas para sa lahat ng mga taga North Cotabato.

Bumisita din sila sa North Cotabato District Jail at nagbigay ng libreng konsultasyon sa mga preso at pagpapaliwanag sa mga kaanak hinggil sa kaso ng isang bilanggo.

Ayon kay Atty. Vicente Andiano, bukod sa mga nabanggit hinggil sa usaping legal ay nagsagawa din sila ng iba pang aktibiad tulad ng sportsfest at outreach program.

Maririnig din ang mga abogado na mula sa North Cotabato Chapter sa programang Action- Line ng DXND- Radyo- BIDA simula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng umaga na nagbibigay din ng legal na payo mula sa mga mensaheng ipinadala ng mga tagapakinig ng himpilan na kaugnay pa rin sa kanilang selebrasyon.

Habang kahapon naman ang kanilang culmination program na siyang araw din na ideneklarang “Law Day” base na rin sa Proclamation No. 1477 series of 1975. Tema ng Law week celebration ngayon taon “Justice bilis not justice tiis” NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Patuloy ngayon ang isinasagawang voters satellite office at pagtanggap ng mga voters applications ang Kidapawan City Comelec office simula noong August 1, hanggang sa September 30, 2019 bilang paghahanda ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa taong 2020.

Ayon kay City Election officer Angelita Failano, tumatanggap din ang opisina ng application for correction at application for transfer. Sinbi ng opisyal, bukas para sa mga aplikante ang kanilang tanggapan alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula lunes hanggang sabado.

Una ng sinabi ni Failano sa Radyo-BIDA na hanggang ngayong linggo lamang sila magsasagawa ng voters satellite office sa mga Barangay at gagamitin naman ang huling linggo para sa mga hindi nakapag rehistro sa kanilang mga Barangay.

Sa ngayon, umabot na sa 4,680 applicants at 2, 369 dito ay Katipunan ng Kabataan applicants.

Nilinaw din ni Failano, kailangan pang pumunta sa tanggapan ng Comelec ang mga SK voters na 18 years old pataas na hindi pa nakuhanan ng bimoterix pero kapag nakuhanan na ay authomatic ng maging regular na botante. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sinampahan na ng kasong murder ang tatlong mga suspek sa pagpatay sa anchor ng Brigada News FM sa Kidapawan City.

Ang resolusiyon ay inilabas ni City Acting Prosecutor Mariam April Mastura-Linsangan na may Criminal Case No. 5281-2019. Kabilang sa mga kinasuhan sina Junell Jane Andagkit Poten alias Junell Gerozaga, Sotero Jacolbe, Jr. alias Jun Jacolbe at Dante Encarnacion Tabusares alias Bong Encarnacion.

Nabatid na sina Tabusares at Jacolbe ay kapwa mga mamamahayag sa lungsod. Ang kaso ay isinampa sa Kidapawan Regional Trial Court matapos na makitaan ng probable cause ng piskalya ang mga inihaing ebedensiya, saksi at pangyayari hinggil sa pagpatay kay Dizon.

Hindi naman isinama sa mga kinasuhan si Helario Cavan Lapi Jr., na siyang look-out sa krimen, matapos na tumayo itong saksi at sumailalim sa Witness Protection Program o WPP sa ilalim ng section 12 ng RA 6981. Nabatid na binaril si Dizon habang pauwi noong gabi ng July 2019 sa national highway ng Quezon Boulevard cor. Diversion Road, Sinsuat St., Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 
May panawagan ngayon ang isang motorista na taga Poblacion, Magpet, North Cotabato, matapos masita ng mga traffic enforcer ng Kidapawan City.
Ito matapos kumpiskahin ng tauhan ng Traffic Management Unit o TMU Kidapawan ang kanyang lisensya kahit wala naman itong traffic violation at kompleto rin ang kanyang dokumento. Kwento ni alyas Marvin, papunta sana ito ng Kidapawan City mula bayan ng Magpet nang pinatigil ito sa checkpoint at kinuha ang kanyang lisensya.
Ayon sa kanya, hindi umano siya tumigil sa highway ng Pinantao nang pinara ito ng TMU. Paliwanag nito, hindi niya nakita ang nasabing enforcer at wala ring mga signages o palatandaan na pina-para ng TMU ang mga motoristang papasok ng lungsod. Kaya nagulat ito nang biglang nalang kinuha ang kanyang lisensya at pinapamulta ng abot sa limang libong piso.
Ibinunyag nito na maaari rin aniyang tawaran ang nasabing halaga kung saan mula limang libo ay gagawin na lamang 2, 500-pesos na babayaran nito sa tanggapan ng TMU. Pero dahil walang pero si Onoc, hindi na nito nakuha ang kanyang motorsiklo, dahilan na nawalan ito ng kita sa pang araw-araw. Kaya nananawagan ito sa kinauukulan na kung maaari ay bigyan siya ng kaunting konsiderasyon dahil wala naman umano itong ginawang paglabag. 
Samantala, sa panig naman ng Traffic Management Unit, sinabi ni TMU Head Rey Manar na pina-paimbestigahan pa nito ang nasabing insidente. Sa ngayon inaalam pa nito ang buong detalye ng pangyayari. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

30 mga investors mula sa ibat-ibang lugar ang ngayo’y maglilibot sa Arakan Valley Complex at Tulunan North Cotabato upang ipakita at malaman ang mga posibleng negosyong kanilang maitatayo sa naturang mga bayan.

Ang aktibidad ay bahagi ng Arakan Valley Complex and Tulunan Investment Fair 2019 na inorganisa ng Action against Hunger o ACF na isang Non - Government organization katuwang ang Provincial Government of North Cotabato. Ang arakan valley Complex ay binubuo ng mga Munisispyo ng Arakan, Antipas, Roxas at Matalam.

Ayon kay Kerwin Jade Mallorca ng ACF, ang naturang investment Fair ay naglalagyong maka attrack ng mga investors. Isa sa mga magiging adbintahi aniya ng mga LGU's na kasali sa fair ay ang agricultural lands nito.

Kahapon ay isinagawa ang Investment Pitching ang bawat LGU sa mga investors at ayon kay Mallorca ay positibo aniya ang tugon ng mga Investors sa ipinakita ng mga LGU. Sa lebel naman ng LGU ay ipinasiguro nilang magiging ligtas ang mga negosyong itatayo ng mga investors.

Ngayong araw ay maglilibot ang mga invesors sa Coop Center ng Roxas, Commercial Center ng Antipas, Pineapple Plantation sa Matalam, Agricultural Center sa Arakan at Eco-Tourism na Tausovan falls sa Magpet. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City Comelec office, nagpapatuloy ang isinasagawang voters satellite registration sa kada Barangay ng lungsod- ayon sa City election officer

Patuloy ngayon ang isinasagawang voters satellite registration at pagtanggap ng mga voters applications ang Kidapawan City Comelec office simula noong August 1, hanggang sa September 30, 2019 bilang paghahanda ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa taong 2020.

Ayon kay City Election officer Angelita Failano, tumatanggap din ang opisina ng application for correction at application for transfer.

SinAbi ng opisyal, bukas para sa mga aplikante ang kanilang tanggapan alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula lunes hanggang sabado. Una ng sinabi ni Failano sa Radyo-BIDA na hanggang ngayong linggo lamang sila magsasagawa ng voters satellite office sa mga Barangay at gagamitin naman ang huling linggo para sa mga hindi nakapag rehistro sa kanilang mga Barangay.

Sa ngayon, umabot na sa 4,680 applicants at 2, 369 dito ay Katipunan ng Kabataan applicants.

Nilinaw din ni Failano, kailangan pang pumunta sa tanggapan ng Comelec ang mga SK voters na 18 years old pataas na hindi pa nakuhanan ng bimoterix pero kapag nakuhanan na ay authomatic ng maging regular na botante.

 

-0-

Kambing na may kakaibang itsura pinagkagulan sa Koronadal City

Nag-viral sa social media at pinagkaguluhan ang isang kambing na isinilang sa Barangay Topland sa Koronadal City. Ito ay dahil sa kakaiba at nakatatakot nitong itsura. Ang nasabing kambing na patay na ng ipinanganak ay mayroon lamang isang malaking mata at hugis itlog na ulo.

Ayon kay Christian Bacas Dacquel pagaari ng kanyang nakatatandang kapatid ang nag-viral na kambing. Kaugnay nito ipinaliwanag naman ni Koronadal Veterinarian Dr. Charliemagne Calo na ang deformity sa nasabing kambing ay maaring sanhi ng inbreeding sa kanilang grupo.

Ayon kay Calo possible ring magresulta sa tinawag nitong congenital anomalies ang “excessive genes” mula sa magkapatid na hayop. Ang nasabing kambing ay itinapon naman ng mayari nito sa ilog dahil sa takot na ayon kay Calo ay hindi dapat ginawa.

Binigyan diin ni Calo na mas mabilis kasi ang kontaminasyon sa ireponsableng pagtatapon ng patay na hayop sa mga anyong tubig tulad ng mga sapa at ilog.

 

-0-

 

Provincial Social Welfare officer ikinabahala ang pagdami ng nakababatang dialysis patients sa South Cotabato

Pabata ng pabata na umano ang mga dialysis patients na humihiling ng tulong sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO South Cotabato.

Ito ayon kay PSWD Officer Haydee Agustin ay kanila namang ikinaalarma. Ipinahayag ni Agustin na sa ngayon mayroon nang nasa 13 hanggang 23 years old ang humihiling ng pampa-dialysis sa kanilang tanggapan.

Masa mababa ito sa may 50 years old pataas na karamihan sa mga nagpapa-dialysis noon sa lalawigan. Dinagag ni Agustin na sa ngaon mahigit 400 dialysis patients ang humihiling ng tulong sa kanilang tanggpan. Karamihan sa mga ito ay mula sa Koronadal City at mga bayan ng Surallah at T’boli.

Nauna nang nananawagan ang mga health officials sa mga mamamayan ng South Cotabato na panatilihin ang healthy lifestyle. Ito ay upang mapangalagaan ang kalusugan at makaiwas sa mga lifestyle diseases tulad ng diabetes.

 

-0-

 

DSWD 12 tumulong sa mga biktima na sakay ng truck na nahulog sa bangin sa T’boli, South Cotabato.

Nagbigay tig P10,000 na tulong pinansyal sa mga biktima ng vehicular crash sa Lamsalome, T’boli, South Cotabato na ikinasawi ng 20 katao noong Martes ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12. Ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagpapalibing sa mga nasawi at pagpapagamot sa mga sugatang biktima.

Ito ay ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo. Ayon kay Espejo nagpapatuloy pa ang assessment ng ahensya sa maari pang kakailanganin ng mga biktima. Kaugnay nito matapos maaprubahan ng Sanggunian Bayan ang urgent resolution, nakapamigay na rin ng financial assistance sa mga biktima ng trahedya ang lokal na pamahalaan ng Surallah kahapon.

Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, karamihan kasi sa mga biktima ay mula sa kanilang lugar habang ang iba naman ay mula sa kalapit bayan ng Banga at Bagumbayan sa Sultan Kudarat.

Ito ay bukod pa sa inaasahan ding tulong mula sa Office of the President. Una na ring nangako ng tulong sa mga biktima si T’boli Mayor Diby Tuan.

Matapos ang insidente ipinahayag ni Tuan na pinagaaralan ng lokal na pamahalaan ang pagbabawal ng mga malalaking sasakyan sa Gensan-T’boli shortcut road. Tiniyak din ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima.

 

-0-

 

Tuloy pa rin ang pagiikot ng mga kawani ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa iba’t ibang lugar sa region 12.

Layun nito na matingnan ang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa utos ng national government na magsagawa ng road clearing operation. Isa sa pinakahuling binisita ng mga ito ang bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa DILG layun nito na maalis ang mga balakid o obstruction sa mga tabing daan na pribado nang ginagamit ng ilang mga mamamayan .

Kaugnay nito, binigyan diin naman ni Isulan Mayor Maritess Pallasigue na kahit hindi pa ipinagutos ng DILG, sinimulan na nila ang paglilins sa mga road right of way. Gayunpaman aminado si Pallasigue na malaking hamon pa rin sa lokal na pamahalaan ang pagpapaalis sa mga tabing daan ng ilang mga pasaway na mamamayan.

 

-0-

 

 

Task Force laban sa African Swine Fever, binuo ng DA 12

Myroon nang Task Force para tumulong sa pinaigting na monitoring ng Africal Swine Fever o ASF ang Department of Agriculture region 12.

Myembro Task Force ASF na pinamumunuan DA ang mga kinatawan mula sa quarantine team, swine raisers, PNP at iba pang grupo sa Soccksargen. Binuo ng DA 12 ang nasabing Task force, kasunod ng pagpositibo sa ASF ng mga alagang baboy sa mga lalawigan ng Rizal at Bulacan. Ito ay ayon kay DA 12 Regional Technical Director Zaldy Boloron.

Ayon kay Boloron, maliban sa monitoring responsibilidad din ng Task Force ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa ASF. Nilinaw naman ni Boloron na nanatili pa ring ligtas sa ASF ang rehiyon dose. Umapela din si Boloron sa mga bayan at lungsod sa rehiyon na magtatag ng Task Force ASF.

Para mapigilan ang pagpasok ng ASF sa lungsod, naglagay ng quarantine checkpoints sa entry points ng Koronadal sa mga Barangay ng Concepcion at Morales ang City Veterinary office.

Cotabato City disaster response official slain in ambush

COTABATO CITY - Gunmen killed the operations chief of the Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office in a daring ambush here on...

Cotabato City CDRRM officer slain in gun attack

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang Chief Of Operations ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jose Raymond...

Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog

INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang...

15 BIFF sumuko sa Cotabato City at BARMM government

DALA ang pitong mga matataas na kalibre ng armas ay nagdesisyon ang 15 dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction na...

Cotabato Light announces power service interruption in Sultan Kudarat on March 1

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Barangay Calsada, on Friday, March 1, 2024...