Monday Jul, 15 2024 04:29:48 PM

NDBC BIDA BALITA (9.21.19)

NDBC BALITA • 09:15 AM Sat Sep 21, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Drug-Free workplace, isinusulong ng PDEA BARMM at Cotabato City Government sa lahat ng government at private offices sa lungsod.

2. Guro at 5 years old na anak, patay sa pamamaril sa Koronadal City

3. 23 million pesos na pondo para sa dagdag sahod at honorarium ng mga health worker sa North Cotabato, aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan

4. Emergency hotline 911, inilunsad sa Koronadal City

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

 

HINIKAYAT ng Cotabato city LGU at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM ang mga pribadong kumpanya sa lungsod na mahigpit na magpatupad ng sarili nilang programa kontra iligal na droga.

Sinabi ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin na ito ay isa sa mga paraan para matiyak ang isang drug-free workplace sa lahat ng mga tanggapan at kumpanya sa lungsod.

Sa isinagawang seminar para sa “Advocacy for Drug-Free Workplace and Empowering Administrators, Frontliners and Security Officers of Hotels, Restaurants, Bar, Subdivisions, Condominiums and Warehouse”, hiniling ni Azurin na mapalakas pa ang ugnayan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ang lahat ng business owners sa isinusulong na drug-free workplace.

Ayon kay Azurin, mas mabuting magpatupad ng random drug testing ang mga pribadong kumpanya gayundin ang mga security agency para matiyak na drug-free ang kanilang mga opisyal at mga kawani.

Hiniling din nito sa mga business owner na ipaalam sa kanilang mga manggagawa ang masasamang epekto ng paggamit ng iligal na droga at gumawa ng mga aktibidad para maiwasang malulong sa bawal na gamot ang mga ito.

 

-0-

 

ARESTADO ang dalawang mga lalaki matapos silang makuhanan ng baril at mga bala sa Sinsuat Avenue, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina KEYPEE BANGON EGAY, 35 years old, may asawa, taga- Palimbang, Sultan Kudarat at MASTURA MULOK BANGON, 31 anyos, may asawa, magsasaka, at taga Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas syete ng gabi kamakalawa nang sumakay sa isang pampasaherong Multicab ang dalawa na pawang lasing at naglabas ng kanilang dalang baril.

Agad na tumawag ang isa sa mga pasahero sa Police Station 2 na nagkataon namang nagsasagawa ng checkpoint sa lugar kaya’t pinara ang Multicab na sinasakyan ng mga suspek at hinuli ang mga ito.

 

-0-

 

Patay ang isang kagawad ng barangay sa buy bust operation na nauwi sa engkwentro sa Wao, Lanao del Sur, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Larry Masid, kagawad ng Barangay Muslim Village.

Ayon kay PDEA BARMM Director Juvenal Azurin, agad na naglabas ng baril at nagpaputok si Masid nang matunugan na undercover agent ang kanyang katransaksyon pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon sa harap mismo ng bahay nito.

Sinabi ni Azurin na matagal na nilang sinusubaybayan ang drug activities ni Masid bago nila ikinasa ang operasyon laban dito.

Nakuha sa suspek ang nasa limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 100 thousand pesos, isang cal. 45 at isang .30-caliber M1 Cardine rifle.

Nabatid na una ng nadakip si Masid dalawang taon na ang nakalilipas pero napakawalan din ito dahil sa teknikalidad.

 

-0-

 

Tukoy na umano ng mga otoridad ang mga posibleng suspek na bumaril at pumatay sa isang mamimili ng bakal at bote sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Gayunman, tumanggi muna ang Pres. Quirino PNP na magbigay ng dagdag na detalye habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Nakilala ang biktima na si Alexander Manuel na tagang Barangay Tamba, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa report ng Sultan Kudarat PNP, habang sakay umano ang biktima ng kanyang traysikad at namimili ng bakal at bote sa Purok 4, Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng dalawang mga suspek gamit ang cal. 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungong Maguindanao.

Dead on the spot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

 

-0-

 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ng region-wide Roadshow Summit sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Tema ng aktibidad ay “Strengthening Radio Communications towards a Disaster-Resilient BARMM" na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultual Complex, OCM Compound, Cotabato city.

Layunin ng roadshow na mabigyan ng review session ang mga nag-nanais maging License Radio Amateur alinsunod sa Republic act 3846 o Radio Control law.

Sa unang bahagi ng summit ay nagkaroon ng review session kung saan nakakuha ng certificate ang mga kalahok na requirement para sila makakuha ng licensure exam.

Ipinaliwanag naman ni Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim ang kahalagahan ng radio communication lalong lalo na sa mga di inaasahang mga sakuna.

Dumalo rin sa summit sina BARMM Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo at Transportation and Communications Minister Dickson Hermoso.

 

-0-

 

Mahigit 200 mga indibidwal mula sa North Cotabato, nakinabang sa Integrated Livelihood Emergency Program ng DOLE Region 12

Abot sa dalawang daan at labin-anim na mga indibidwal mula sa dalawang mga bayan sa North Cotabato ng makikinabang na sa DOLE Integrated Livelihood Emergency o DILEEP na program ng Department of Labor and Employment 12.

Ito matapos isagawa ang turn over ceremony sa Kidapawan City kahapon na abot sa 3,617,462.00 sa mga naging benepisyaryo ng programa. Ang nakabenepisyo ay mula sa mga Barangay ng Arakan tulad ng Lanao-Kuran, Dallag, Kabalantian, Poblacion at Barangay Poblacion din sa Carmen, North Cotabato.

Ayon kay DOLE Regional Director Sisinio Cano, ito ay bahagi ng kanilang intervention for livelihood assistance sa mga napiling benepisyaryo. Sila ay napili sa pamamagitan ng kanilang bawat Barangay Local Government Unit ay sumailalim sa ilang mga training kabilang na ang enhancement training at capability building training bago nabigyan.

Dagdag pa niya, aasahan pa ang mas marami pang programa mula sa DOLE lalo na sa North Cotabato sa pangunguna na rin ni Provincial Manager Marjorie Latoja sa pakikipagtulungan na rin ng bawat pamahalaan. 

 

-0-

 

Dalawa mula sa 13 mga presong boluntaryong sumuko sa PNP na nakalaya dahil sa GCTA ay mula sa North Cotabato ayon sa PNP

Boluntaryong sumuko ang abot sa labin-tatlong mga dating preso na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA sa buong rehiyon 12 kasabay ng pagtatapos ng ultimatum na labin-limang araw na ibinigay sa mga heinous crime convicts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa naging panayam kay PNP spokesperson Police Lt Col. Lino Capillan, dalawa sa labin-tatlong sumuko ay mula sa North Cotabato, isa sa kanila y sumuko sa Pikit PNP municipal police station. Siya ay nasentensyahan noong September 29, 2016 ng dalawa hanggang anim na taong pagkakakulong dahil sa kasong Frustrated Murder.

Sa buong rehiyon 12, tatlungpu’t pito ang nakabenepisyo sa GCTA at dalawang put apat dito ang tinutugis na ngayon ng PNP at itinuturi ng pugante.

Nilinaw naman ng police official na walang silang natanggap na direktiba mula sa higer headquarters hinggil sa shoot to kill order sa mga presong nakalaya at hindi pa sumuko sa PNP. Kung kaya’t panawagan ng opsiyal sa mga dating preso na wag matakot na sumuko sa kanila-kanilang mga nasasakupan na estasyon ng pulis dahil nakahandang tumulong ang PNP sa kanila. 

Sa ngayon, inaantay na lamang nila ang direktiba mula sa PNP National kung ano ang kanilang susunod na hakbang hinggil sa nasabing usapin. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Pasado na ang abot sa 23 million pesos na pondo sa 2020 general budget sa isinagawang budget hearing na pagtaas ng honorarium at pangpapanatili ng year-end bonus ng mga nagtatrabaho sa lahat ng pampublikong hospital sa North Cotabato.

Kung maaprubahan sa regular sesyon sa Sangguniang Panlalawigan ang pondo ay makakatanggap na ng dagdag na 2,400 bawat taon o 200 kada buwan at 1 Thousand pesos na year- end bonus ang lahat ng 3,200 na mga Barangay Health Workers o BHW, 750 na mga Barangay Nutrition Scholars o BNS at 800 Day Care Workers at 5,000 Barangay Tanod sa buong probinsya.

Sa kasalukuyan, 12,000 to 14, 000 kada buwan ang tinatanggap na sahod ng nurses sa lahat ng mga district hospitals at 6,400 ang job orders bawat buwan.

Matatandaang prayoridad ng administrasyon ni Governor Nancy Catamco ang programa at pagtataas ng sahod ng mga nagtatrabaho sa health sector at inisyatiba na rin ni Board Member Philbert Malaluan na siyang may hawak ng committee on health. Si Malaluan na siyang may hawak ng committee on health and sanitation. Kung maaaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang 23Million pesos na budget para sa taong 2020 ay magiging epektibo ang pagtaas ng kanilang sahod simula Enero 2020. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Door to door delivery ng gamot para sa mga senior citizens sa Kidapawan City, sinimulan na ng lokal na pamahalaan

Malaking ginhawa para sa mga Senior Citizens ng mga barangay sa lungsod ang ginagawang “door to door” delivery sa kanilang maintenance medicines sa Kidapawan City.

Ito ay simula pa noong September 13 ng taong 2019 kagaya sa naging ipinangako ng pamahalaan sa kanila upang hindi na mahirapan pa ang mga matatanda. Mga Anti—Hypertension maintenance drugs na Losartan at Amlodipine ang gamot na libreng ibinigay ng City Government.

Nagmula ang mga ito sa With Love Jan Foundation Incorporated na kapartner ng City Government sa Health at Social Services programs na isinusulong nito. Unang inihahatid ang mga gamot sa tuwing may naka schedule na Senior Citizens Assembly sa barangay. Kapag absent sa asembleya ang senior citizen member ng kanilang pederasyon, ay ihahatid na mismo ng mga kawani ng Barangay Affairs Unit ng City Mayor’s Office ang gamot sa mismong tahanan ng beneficiary.

Una ng ipinasa ng Office of the Senior Citizen’s Affairs ng City Government ang listahan ng mga nakakatandang nangangailangan ng anti-hypertension maintenance medicine sa LGU na agad naman itong inaksyunan. Target ng mabibigyan nito ang lahat ng senior citizens ngayong buwan ng Setyembre bago muling uulitin ang programa sa hinaharap. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dating miyembro ng NPA ikinuwento ang naging karanasan bago nagbalik loob sa gobyerno kasabay ng Peace Building and Development Seminar sa Arakan, North Cotabato

Kung noon ay sunod-sunuran sa rebeldeng New People’s Army o NPA si Mang Rommel, tubong Arakan, North Cotabato, ngayon ay pinagsisihan nito ang pag-anib sa nasabing grupo.

Aniya, maraming taon at panahon ang sinayang nito dahil lamang sa pakiki-isa at pakikisama sa makakaliwang grupo.

Isa lamang si Mang Rommel sa mahigit isang daang mga indibidwal na dumalo sa isinagawang Peace Building and Development Seminar ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Arakan, North Cotabato kahapon.

Ayon pa sa kanya, nasaksihan mismo nito ang pagpatay ng nasabing rebeldeng grupo sa kanyang sariling kapatid, bagay na hindi nito makakalimutan. Ibinunyag din nito kung paano sila nangongolekta ng revolutionary tax sa mga negosyanteng pumapasok sa kanilang lugar at siyang ginagamit bilang pondong pambili ng pagkain at pangangailangan.

Sa maraming taon nitong pagtatago, wala naman aniya itong naitulong sa kanila kundi pahirap lamang at pasakit. Kaya’t malaki ang pasasalamat ni Mang Rommel sa programa ng gobyerno na sinasalba ang mga mamamayan sa pang-eengganyo ng rebeldeng grupo sa sumampa sa kanilang samahan at makibaka sa gobyerno. 

Sila ay sasailalim sa nasabing seminar sa loob ng tatlong araw. Samantala, nilinaw naman ng militar na bagama’t hindi lahat ng lumahok sa peace building seminar ay mga sumampa sa rebeldeng grupo, may iilan aniya rito na matatawag na rebel returnee. NBBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kampanya kontra online child at teen pornography pinaiigting ng LGU sa General Santos City

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra child and teen pornography ang United Sates Department of Homeland Security o US-DHS.

Kasunod ito ng paglunsad ng US Embassy sa nasabing lungsod sa Project iGuardian na titiyak ng kaligtasan ng mga bata at kabataan laban sa mga sindikato online. Paiigtingin din ng proyecto ang kaalaman ng mga local officials at iba pang stakeholders sa paglaban sa child at teen cyber pornography. Ipinahayag ito ni US embassy attache’ Ricardo Navalta.

Ayon kay Navalta sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay maipapalaganap pa ang mga kaalaman kung papaano maging ligtqas sa online environment ang mga bata at isumbong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang online activity. Sinabi ni Navalta na para maprotektahan ang kanilang mga sarili dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa peligro ng online environment ang mga kabataan.

80% ng mga kabataan sa Pilipinas ay nanganganib sa online sexual abuse, bullying, at iba pang cybercrimes.

Ito ay ayon sa United Nations Children’s Fund o Unicef. Kaugnay nito ipinahayag naman ni Gensan Councilor Lourdes Casabuena na ilang mga indibidwal na sangkot sa child pornography ang kinasuhan na sa lungsod.

 

-0-

 

Emergency hotline sa panahon ng emerhensya inilunsad ng lokal na pamahalaan sa Koronadal City

Mayroon ng emergency hotline na mas mabilis mahingan ng tulong sa panahon ng emerhensya ang mga mamamayan ang Koronadal City. Kasunod ito ng paglunsad ng lokal na pamahalaan ng emergency hotline ng lungsod na Korona 911.

Ang emergency communication system o ECS ay magiging sentro ng komunikasyon ng mga concerned na ahensya ng gobyerno at mga stakeholder sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Cyrus Urbano, sa pamamagitan ng nasabing hotline ay magiging madali na ang pagbibigay ng babala sa paparating na kalamidad .

Dinagdag ni Urbano na magsisilbi sa mga mamamayan ng Koronadal ang 911 hotline sa loob ng 24 oras. Ang mga Globe at TM subscriber na hihiling ng tulong sa ECS ay maaring mag-dial ng 911 sa kanilang mga telepono. Maari namang i-dial ng mga subscriber ng ibang communication network ang 083 31200 hanggang 2005.

 

-0-

 

Guro at 5 years old na anak patay sa pamamaril sa Koronadal City

Binaril ang biktimang mag-ama habang sakay ng kanilang kotse bago pa makarating sa kanilang bahay sa Abrenica Street Barangay General Paulino, Santos pasado alas otso Kagabi.

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Joefel Siason ang mga biktima na sina Bryan Togonon, 31 years old at limang taong gulak na anak nitong si Nicolo Bryzon.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang mga biktima ay pauuwi pa lamang matapos bumili ng gatas sa downtown area ng tambangan ng mga suspek.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng matinding mga tama ng bala ng baril.

Ang biktimang si Bryan na isang guro na nagmamaneho ng kotse ay binawian ng buhay sa isang pribadong ospital sa Koronadal. Habang ang anak naman nito ay dead on arrival sa nasabing pagamutan.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang apat na basyo ng 45 pistol.

Hindi pa batid ng Koronadal PNP sino ang tumakas na mga suspek,pero ayon sa mga nasaksi isa mga ito na naka-face mask ang bumaril sa mga biktima.

Ayon naman kay Siason ang pagkakasangkot umano ng biktimang si Bryan sa isang investment scheme ang motibo na tintutukan ng PNP sa krimen.

 

-0-

 

 DA 12 pinarangalan ang mga pinakamagaling na benepisaryo ng Special Area for Agricultural Development Project sa North Cotabato

Kinilala ng Department of Agriculture 12 bilang Best Best Peformer sa mga nakinabang sa Special Area for Agricultural Development o SAAD ang Kamada Integrated Farmers Association sa bayan ng Magpet. Ang nasabing farmer cooperative ay tumanggap ng mahigit P300,000 cash incentive.

Gagamitin naman nila ito sa itatatag na swine fattening project. Pumangalawa naman ang Central Bulanan Farm Workers’ Association sa Midsayap.

Ang mga myembroo nito ay nabigyan naman ng P200,000 na gagamitin sa kanilang Chicken Production Project.

Ang Tibao San Vicene Ferrer Multipurpose Cooperative ng Mlang na nasa pangatlong pwesto ay makapagpapatyo din ng swine fattening project. Ito ay matapos mabigyan ng P100,000 cash incentive. Ang pagpaparangal sa mga natatanging benepisyaryo ay tampok sa SAAD Saga 2019 ng DA 12 sa Kidapawan City.

Kaugnay nito, umapela si DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis sa iba pang mga SAAD beneficiary na gawing ehemplo ang mga awardee para lalo pang magtagumpay sa pinili nilang proyekto.

 

 

 

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...

P1.2-M smuggled cigarettes recovered in Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - In a coordinated effort on the night of July 13, 2024, law enforcement units successfully intercepted a...

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes ng gabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...