Thursday Feb, 29 2024 10:27:54 AM

NDBC BIDA BALITA (9.23.19)

NDBC BALITA • 22:45 PM Mon Sep 23, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DALAWANG mga miembro ng MILF-BIAF, sugatan nang makasagupa ang isang armadong grupo habang drug personalities, timbog sa operasyon ng militar sa Maguindanao.

2. PUNONG BARANGAY, patay at tatlong iba pa, sugatan sa pinakabagong kaso ng pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

3. BILANG ng mga namamatay sa Dengue sa South Cotabato, nadagdagan pa, ayon sa provincial health officer ng lalawigan

4. 3 patay sa vehicular crash sa Makilala, North Cotabato 

 

SUGATANG isinugod sa ospital ang dalawang mga lalaki na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala matapos umanong maka engkwentro ang isang aramadong grupo sa Brgy. Dasawaw, Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao.

Nakilala ang mga sugatan na sina BASIT MAKAKENA at MINDATU LANSON na mga miembro umano ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at mga taga Midsayap, North Cotabato.

Bandang alas kwatro ng hapon kamakalawa habang nagbabantay sa lugar ang mga biktima nang makasagupa umano nila ang isang kahina-hinalang grupo na pawang naka-suot ng kulay itim at armado ng mga matataas na kalibre ng baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang binti ang dalawang mga biktima na agad namang isinugod ng kanilang mga kasamahan sa pagamutan.

 

-0-

 

HULI NAMAN ang anim na mga lalaki sa inilunsad na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Army’s 57th Infantry at 1st Mechanized Battalion ng Joint Task sa Sitio Matilak, Barangay Butilen, Datu Salibo, Maguindanao.

Base sa naantalang report ng Army’s 6th Infantry Division, inilunsad ng militar ang operasyon sa lugar katuwang ang PDEA-BARMM nitong nakaraang linggo na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na sina alyas Anwar; alyas Ruben, 27 anyos at alyas Tarry, 27 na taga- Barangay Kanguan, Datu Piang.

Nakuha sa bahay ni alyas Anwar ang dalawang mga pakete ng hinihinalaang shabu at mga drug paraphernalia, isang 9mm cal. pistol, isang motosiklo, at isang sports utility vehicle.

Samantala, pinasok din ng mga otoridad ang bahay ng isang alyas Samer kung saan narekober ang isang sachet ng hinihinalaang shabu, drug paraphernalia, isang carbine rifle, at limang cal. 45 pistols.

 

Arestado rin sina alyas Abubakar, 27 anyos, at isang nagngangalang Mak, 20 anyos na taga -Cotabato City na nasa loob ng bahay ni Samer nang isagawa ang raid.

 

Nasamsam din sa operasyon ang cash na nagkakahalaga ng 90 thousand pesos, isang barrel ng US rifle, camouflage uniforms, mga magazine at bala, assorted parts ng M16 rifle, MILF identification cards at ilang war materials.

 

Ang naturang operasyon ay bahagi umano ng pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao laban sa local threat groups at bilang pagsuporta sa kampanya kontra iligal na droga at loose firearms.

 

-0-

 

SUGATAN ang isang habal-habal driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Jose Lim Senior Street, barangay Poblacion 6, Cotabato city.

Kinilala ang biktima na si Alvin Merino Suvilla, 21 anyos, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Bagua Dos nitong lungsod

Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng Police Station 1, pasado alas tres ng hapon kamakalawa habang binabaybay ng biktima ang Jose Lim Senior Street sakay ng motorsiklo nang diktan siya ng ng gunman at pinagbabaril sa likod

Blangko pa ang mga otoridad kaugnay sa motibo ng pamamaril na nagsagawa pa ng hot pursuit operation pero bigo silang madakip ang hindi pa nakikilalang suspek

 

-0-

 

SUMUKO sa militar sa Basilan ang tatlong mga miyembro umano ng Abu Sayyaf Group o ASG.

Sa report ng Western Mindanao Command, ang mga sumuko ay sina Khadaffy Kalitut, Aliman Langkasan at Jiyad Arabin.

Ang tatlo ay kabilang sa grupo ni ASG sub-leader Nur Hassan.

Dagdag ng Wesmincom, sumuko ang mga ito sa 18th Infantry Battalion kamakalawa.

Isinuko rin ng mga dating rebelde ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M-16, Garand rifles at M1 carbine.

Umaasa naman si Wesmincom chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na marami pang ASG members ang susuko sa susunod na mga araw.

Samantala, isang kampo ng mga pinaniniwalaang terorista ang natagpuan ng mga tauhan ng militar sa Brgy. Parii, Piagapo, Lanao Del Sur.

Ang nasabing abandonadong terrorist camp ay may kakayahang mag-accommodate ng 20-katao, ayon sa mga tauhan ng Army’s 49th Infantry Battalion.

Nakita sa lugar ang ilang IED components, medical paraphernalia, food supplies, at personal na gamit ng mga suspected Dawlah Islamiya members.

Sa ngayon ay patuloy ang operasyon ng militar sa lugar para tugisin ang mga miyembro ng nasabing grupo na nagpapalipat-lipat lamang ng mga lugar sa bulubunduking bahagi ng Lanao del Sur.

 

-0-

 

Tinangay ng pinaghihinalaang magnanakaw ang malaking halaga ng pera na pag aari ng isang lola sa Doña Soledad Avenue, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Ang biktima ay nakilalang si TITA VILLAFLOR MAGABILEN, 67 years old at residente ng nabanggit na Barangay.

Ayon sa biktima bandang alas nwebe ng umaga kamakalawa habang nagliligpit ng kanyang mga damit sa kanyang kwarto ang biktima nang matuklasan niyang nawawala na ang kanyang pera ng nagkakahalaga ng 50 thousand pesos sa loob ng kanyang cabinet.

Wala umanong ibang nakakapasok sa kanyang kwarto maliban sa suspek nitong kasambahay na kinilala lamang sa alyas na “Nene”, nasa hustong gulang, at taga Mabini Street, barangay Bagua tres ng lungsod.

Dagdag pa ng Lola, isang linggo na umanong hindi nagpapakita sa kanya ang suspek na kasambahay matapos ang insidente kaya nagtungo na ito sa Police Station 2 para iulat ang pangyayari.

 

-0-

 

Pondo para sa Material Recovery Facility ibibigay ng DENR 12 sa 14 na mga barangay sa region 12

Magbibigay ng pinansyal na tulong para sa paglalagay ng Material Recovery Facility o MRF sa 14 na mga barangay sa region 12 ang Environmental Management Bureau o EMB 12 ng Department of Environment and Natural Resources o DENR-EMB.

Ito ay para mapaigting ang kampanya sa solid waste management sa barangay level. Kasunod ito ng paglagda ng kasunduan ng DENR, EMB at mga benepisyaryong barangay. Ang SWM program ay isa sa mga prayoridad ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Ipinahayag ito ni DENR 12 Assistant Regional Director for Management Services Donna Mayor-Gordove. Ayon kay Gordove hindi madali ang pagpapatupad ng SWM kaya handang magbigay ng teknikal na tulong sa mga lokal na pamahalaan at barangay ang EMB. Ayon kay Gordove ang mga ito kasi ang responsable sa solid waste sanitation.

Ang pagkakaroon ng MRF para sa mga recyclable na basura sa mga barangay ay iniuutos ng RA 9003. Kabilang sa mga makatatangap ng financial assistance para sa pagtatag ng MRF ang mga barangay ng Sangay at Sta. Clara sa Kalamansig, Matiompong sa Lambayong, San Pablo sa Tacurong City pawang sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Mabibigyan din nito ang mga barangay ng Cabaruyan at Poblacion sa Libungan, Bagontapay at Bialong sa Mlang, Mahongkog sa Magpet,at New Cebu sa President Roxas sa North Cotabato. Magkakaroon na rin ng kanilang MRF ang Lamdalag sa Lake Sebu sa South Cotabato, Kabican sa Maasim, Gumasa sa Glan at Maguling sa Maitum sa Sarangani Province.

 

-0-

 

Nasawi sanhi ng dengue sa lalawigan nadagdagan pa sa kabilang ng pagbaba ng bilang ng dengue cases, ayon sa provincial health officer ng South Cotabato

Umabot na sa 24 katao ang nasawi sanhi ng dengue fever sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ay sa kabila ng pagbaba ng trend ng kaso ng dengue sa lalawigan. Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. Ayon kay Aturdido sumadsad na sa epidemic threshold o patuloy na bumababa ang naitatalang dengue cases sa lalawigan kada lingo.

Gayunpaman, umaapela si Aturdidno sa publiko na huwang maging kampante dahil marami pa ring lamok na nagdadala ng dengue sa mga bahay sa South Cotabato. Base ito sa resulta ng kanilang dengue vector surveillance. Kaya panawagan ni Aturdido sa mga mamamayan ng lalawigan, ipagpapatuloy lamang ang search and destroy o paglilinis at pagsira sa mga lugar na pinamamayahaan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

 

-0-

 

Task Force laban sa African Swine Fever binubo ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Mayroon nang inter agency task force na titiyak na mananatiling ligts sa African Swine Fever o ASF Virus ang lalawigan ng South Cotabato. Kasunod ito ng pagbugo ng ASF Task Force na ipinagutos mismo ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. bilang honorary chairman. Itinalaga namang Chairperson nito si South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot.

Kabilang sa mga myembro nito ang mga kinatawan mula sa Provincial Planning and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Environment and Management Office, at Integrated Provincial Health Office.

Kasama din ng mga ito ang mga representative ng mga concerned na ahensya ng gobyerno tulad ng PNP, Food and Drugs Administration, National Meat Inspection Service, DILG at DENR. Itinatag ang ASF Task Force sa South Cotabato kasunod ng outbreak ng ASF sa mga lalawigan ng Bulacan at Rizal. Ayon kay Bigot, pangunahing tungkulin ng kanilang grupo ang magpatupad ng maigting na monitoring, information education campaign,

ASF preparedness at pagpatupad ng quarantine measures. Layon nito na matiyak na hindi makapapasok sa lalawigan ang mga baboy na may ASF. Ipinahayag ni Bigot na para sa mas maayos na pagtupad sa mga kanilang tungkulin nagsawa na sila ng ASF Consultative meeting at Orientation.

 

-0-

 

Programa para mailigitas sa iligal na droga at terorismo ang mga kabataan, ipatutupad ng PNP 12

Binuo ng PNP 12 ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KDDAT para hikayatin ang mga kabataan na makiiisa sa kampanya ng pulisiya laban sa iligal na droga at terorismo.

Sa pamamagitan ng programa ay maparoprotektahan ang mga kabataan laban sa illegal drugs at ibang pang bisyo. Bilang panimulang hakbang sa pagpapatupad ng KDDAT Program isang workshop para dito ang pinangunahan ng PNP 12.

Nilahukan ito ng mga kinatawan ng iba pang ahensya ng gobyerno at stakeholder na aktibong nanganampanya para maiiwas sa masamang bisyo ang mga kabataan. Umapela naman si PRO 12 Regional Director Brig. General Alfred Corpuz ang mga participant na magkaisa sa paglaban sa iligal na droga at terorismo para sa matiwasay at maayos na kapaligiran.

 

-0-

 

Task Force na tututok sa presyo ng palay bubuuin ng DA 12

Tinipon para sa isang workshop ng Department of Agriculture o DA region 12 ang mga kinatawanng attached ahensya ng DA, lider ng mga magsasaka at iba pang stakeholder sa rehiyon. Layon nito na makabuo ng Task Force on Rice. Tutukan ng bubuuing Task Force ang pagsagawa ng mga kaukulang hakbang para mapigilan ang labis na pagbaba ng presyo ng palay.

Ito ay ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis. Naniniwala si Casis na sa pamamagitan nito ay mabawasan ang pangamba ng mga rice farmers sa kanilang kabuhayan.

Ipinahayag ni Casis na ang mga istratihiyang nabuho sa kanilang workshop ay isusumite naman sa DA Central office. Kaugnay nito, para matulungan ang mga rice farmers ng maglalaan naman ng pondo para sa pagbili ng kanilang mga produkto ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

 

-0-

 

300 na mga magsasaka mula sa Matalam, North Cotabato, nabigyan ng titulo ng lupa ng DENR 12

Nabigyan ang abot sa 300 na mga magsasaka ng land titles sa bayan ng Matalam, North Cotabato mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR 12.

Ipinamahagi ang naturang mga titulo ng lupa sa pamamagitan ng programang "Handog Titulo" ng DENR katuwang ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Matalam. Personal na iniabot ni DENR -12 Regional Director Dr. Sabdullah Abubacar, kasama sina Matalam Mayor Oscar Valdevieso at Atty. Ma. Theresa Pescadera ng the Registry of Deeds at iba pang opisyal ng DENR ang mga titulo ng lupa sa mga naging benepisyaryo.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing programa ay mula sa mga barangay ng Sarayan, Tamped, Pinammaton at Taguranao sa bayan ng Matalam, Cotabato. Layunin ng “Handog Titulo” program na mapabilis ang pagproseso at issuance ng public patents ng mga kwalipikadong benepisyrayo. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bangkay na natagpuan malapit sa palayan sa Matalam, North Cotabato, tukoy na ng PNP

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Matalam PNP ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki na itinapon lamang ang bangkay nito malapit sa isang palayan, pasado 12:30 ng tanghali nitong Sabado sa Brgy. Kidama, Matalam, Cotabato.

Una nang iniulat na wala pang identity ang biktima pero kahapon ay positibo itong kinilala ng kanyang kapatid nang datnan sa isang punerarya sa bayan.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, kinilala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Helen Ebad na taga- Columbia, Sultan ang bangkay na si Conrado Ramos Alemania Jr, 30 years old, may asawa, truck driver at resident of Brgy. Leboce, Makilala, Cotabato. Bagama't may mga person of interest na ang PNP pero patuloy pa ngayon ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Matatandaang duguan at wala nang buhay nang maabutan ng mga otoridad si Alemania matapos itapon ang bangkay nito di kalayuan kung saan ito unang pinagbabaril.

Nabatid na narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang belt bag na kombinasyon ng kulay brown at black na nakuha sa daan ng mga pulis, apat na fired cartridge cases ng 45 caliber, sigarilyo at isang small size heat sealed transparent plastic sachet na may lamang tira-tirang pinanininwalaang shabu. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bangkay na natagpuan malapit sa palayan sa Matalam, North Cotabato, tukoy na ng PNP

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Matalam PNP ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki na itinapon lamang ang bangkay nito malapit sa isang palayan, pasado 12:30 ng tanghali nitong Sabado sa Brgy. Kidama, Matalam, Cotabato.

Una nang iniulat na wala pang identity ang biktima pero kahapon ay positibo itong kinilala ng kanyang kapatid nang datnan sa isang punerarya sa bayan.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, kinilala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Helen Ebad na taga- Columbia, Sultan ang bangkay na si Conrado Ramos Alemania Jr, 30 years old, may asawa, truck driver at resident of Brgy. Leboce, Makilala, Cotabato.

Bagama't may mga person of interest na ang PNP pero patuloy pa ngayon ang kanilang isinasagawang imbestigasyon. Matatandaang duguan at wala nang buhay nang maabutan ng mga otoridad si Alemania matapos itapon ang bangkay nito di kalayuan kung saan ito unang pinagbabaril.

Nabatid na narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang belt bag na kombinasyon ng kulay brown at black na nakuha sa daan ng mga pulis, apat na fired cartridge cases ng 45 caliber, sigarilyo at isang small size heat sealed transparent plastic sachet na may lamang tira-tirang pinanininwalaang shabu. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Punong Barangay patay at tatlong iba pa sugatan sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

Patay na nang isugod sa ospital ang Barangay Chairman habang sugatan naman ang tatlong kasama nito matapos na pagbabarilin alas 9:15 kagabi sa Sitio Lumayong, Barangay, Kabacan North Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng Kabacan PNP, nakilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacanna, 43 anyos incumbent Barangay Chairman ng Barangay Kayaga, habang sugatan naman sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid na lahat residente sa nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nag-uusap lamang sa harap ng Barangay Hall ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng di pa kilalang suspek.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na mabilis namang naisugod sa ospital pero ideneklarang patay ang Barangay chairman habang patuloy namang ginagamot sa isang ospital sa Kidapawan City at tatlong nasugatan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 5.56 MM samantala patuoy naman ngayon ang isinagawang hot pursuit operation ng PNP at ng 7th IB ng Philippine Army. Sa panayam kay Cotabato Provincial Police Offcie spokesperson Bernard Tayong, personal grudge at may kinalaman sa kanyang trabaho ang sinusundang anggulo sa pamamaril sa nasabing biktima.

Habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pagbaril sa Punong Barangay na siyang pang-apat na Kapitan na pinatay sa nasabing bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Patay na nang isugod sa ospital ang Barangay Chairman habang sugatan naman ang tatlong kasama nito matapos na pagbabarilin sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato alas 9:15 kagabi.
Sa inisyal na ulat ng Kabacan PNP, nakilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacanna, 43 anyos incumbent Barangay Chairman ng Barangay Kayaga, habang sugatan naman sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid na lahat residente sa nasabing lugar. Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nag-uusap lamang sa harap ng Barangay Hall ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng di pa kilalang suspek.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na mabilis namang naisugod sa ospital pero ideneklarang patay ang Barangay chairman habang patuloy namang ginagamot sa isang ospital sa Kidapawan City at tatlong nasugatan.
Sa panayam kay Cotabato Provincial Police Office spokesperson Bernard Tayong, personal grudge at may kinalaman sa kanyang trabaho ang sinusundang anggulo sa pamamaril sa nasabing biktima. Habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pagbaril sa Punong Barangay na siyang pang-apat na Kapitan na pinatay sa nasabing bayan.

 

-0-

Tatlo ka tao patay kabilang ang isang menor de edad habang dalawa sugatan sa magkahiwalay na vehicular crash sa Makilala, North Cotabato

Idineklarang patay ng mga doctor ang tatlong mga lalaki na sakay ng motorsiklo matapos na bumangga sa isang puno sa National Highway particular sa Barangay Singkatulan, Makilala, North Cotabato ala 1:30 ng madaling araw kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ruel Tolintino Laureta, magsasaka na taga Pulang lupa, Mlang, Jonathan Soyat Doceo, 17 anyos at Garry De Asis, 35 anyos na kapwa nakatira sa Barangay New Janiway Mlang, North Cotabato.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Makilala PNP traffic section, binabaybay ng Kawasaki Bajaj na motorsiklo ang daan patungong Mlang Cotabato ang direksyon na minamaneho ni Laureta sakay ang dalawa pang nasawi pero pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay sinubukan nitong mag overtake sa isa pang motorsiklo pero nang mapansin ng drayber na may kasalubong ito dahilan na mabilis na naikabig ang manebela pabalik hanggang sa nawalan ng control ang drayber at bumangga sa Talisay tree.

Napag-alamang lango sa nakakalasing na inumin ang drayber na pauwi na sana sila sa bayan ng Mlang nang mangyari ang aksidente.

Samantala, patuloy namang nagpapagamot sa ospital ang dalawa ka tao makaraang magbanggan ang motorsiklo at multicab sa sitio Patulangon, Barangay Malasila Makilala, Cotabato.

Sa ulat, binabaybay ng Big Eye SUZUKI multicab ang Davao Cotabato highway alas 9:30 ng gabi nitong sabado na minamaneh ni Sotero Melchor Caccam, sakay si Jocelyn Caccam pero pagdating sa lugar ay lumiko ito sa kaliwang bahagi ng daan at dito na bumangga ang kasalubong na Honda motorcycle na minamaneho ng sugatang si Daryl Arellano Untal, 28 anyos at residente ng New Barbasa, Mlang.

Sugatan din ang angkas ng multicab na si Jocelyn Caccam at nagtamo din ng kasiraan ang dalawang mga sasakyan. Nabatid ding nakainom ang daryber ng motorsiklo na si Untal na mabilis namang naisugod sa isang ospital sa Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

 

 

 

 

NDBC BIDA BALITA (Feb. 29, 2024)

HEADLINES 1   SUSPECT sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief na si ret. Colonel Balquin, naaresto ng CIDG 2 ...

BARMM Chief Minister signs into law bill creating parliamentary districts

COTABATO CITY  – Bangsamoro Region Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Balawag Ebrahim signed into law Wednesday night a bill creating...

Suspect sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief ret. Colonel Balquin, naaresto

ITO ang kinumpirma ni CIDG BARMM Chief Lt.Col Ariel Huesca matapos maaresto ang suspek pasado alas 6:00 ngayong gabi sa Purok Lugay-Lugay, Barangay...

El Niño expected to affect up to 80 provinces – task force

MANILA – Task Force El Niño on Wednesday warned that about 80 provinces may experience the adverse effects of the weather phenomenon, sparing...

PRO-12, LGUs set rules against North Cotabato motorcycle races

COTABATO CITY  - The Police Regional Office-12, local executives and the provincial government of North Cotabato are now together addressing the...