Sunday Jul, 14 2024 10:43:50 PM

NDBC BIDA BALITA (9.27.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Fri Sep 27, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. ISA KATAO PATAY habang isa pa sugatan sa hiwalay na mga kaso ng pamamaril sa P-PALMA area ng North Cotabato.

2. DALAWANG wanted persons, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa North Cotabato.

3. MIEMBRO umano ng Budol-Budol gang at kasama nitong nagpyansa sa kanya, patay sa pamamaril sa Koronadal City.

4. Karagdagang pondo para sa bakuna kontra polio, tiyak na raw, ayon sa Kamara

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA….

 

Myembro umano ng Budol-budol gang at kasamang nagpyansa sa kanya patay sa pamamaril sa Koronadal City

Dead on the spot ang biktimang si Manny Alvarez Diaz, 53 years old nang pagbabarilin sa General Santos Drive, Koronadal City kahapon ng tanghali.

Habang ang kasama naman nitong si Violebeth Guiamalon alyas “Glenda Cartagena” ay dead on arrival sa isang pribadong ospital sa syudad. Lumabas sa inisyal na pagsisiyat ng mga pulis na ang mga biktima ay binaril habang sakay ng isang tricyle.

Ayon sa mga saksi nahulog pa sa tricyle at nakatakbo na humiling ng saklolo ang biktimang si Cartagena.

Ngunit nang makitang buhay pa, siya ay binalikan ng mga suspect at muling pinagbabaril. Habang si Diaz naman na dadalhin pa sana sa ospital ay muling pinagbabaril ng isa pang nakamotorisklong suspek na nagabang sa Crossing Diaz.

Ayon kay Koronadal Chief of Police, Lt. Col. Joefel Siason ang biktimang si Diaz ay isa sa tatlong mga umanoy myembro ng budol budol gang na nabidyuhan na nagtangkang manuhol sa isang pulis sa syudad.

Ito ay matapos maaresto dahil sa pambibiktima ng isang 70 anyos na byuda sa Koronadal noong September 11. Nabatid na ang biktimang si Diaz ay kalalabas pa lamang ng kulungan matapos pyansahan ng biktimang si Cartagena nang pagbabarilin ang mga ito.

Nakaligtas naman sa insidente ang kasama din nilang ina ni Cartagena.

Habang nakatakas naman ang driver ng tricycle na sinakyan ng mga ito. Ayon kay Siason maaring suspek sa krimen ang mga nabudol budol ng grupo ni Diaz.

 

 

-0-

 

Business sector kasama na ng PDEA 12 sa kanilang kampanya kontra iligal na droga sa South Cotabato

Katuwang na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa kanilang kampanya kontra iligal na droga ang mga may ari ng mga mall, hotel at mga bar sa South Cotabato. Kasunod itong paglunsad ng PDEA ng kanilang Oplan Kalasag advocacy campaign para sa lugar ng trabaho na ligtas sa iligal na droga sa Koronadal City.

Bilang mga force multipliers inaasahan ng PDEA ang pagreport sa kanila ng illegal drug activities ng mga frontliners, security at maging mga mayari ng nasabing mga establisemento.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan, tuturuan din nila ang mga ito sa pagtukoy ng mga chemical, paraphernalia at iba pang palatandaan ng pagkakasangkot sa illegal drugs.

Nilinaw naman ni Duquiatan na wala pang naitalang pagamit sa illegal drug transaction ng mga hotel , bar at exlusive subdivision tulad sa Kalakhang Maynila sa lalawigan. Gayunpaman ayon kay Duquiatan hindi ito dapat ipagwalang bahala. Ayon kay Duquiatan, ilulunsad din nila ang Oplan Kalasag Advocay Campaign sa ibab pang mga lalawigan ng Soccksargen.

 

-0-

 

Magsasaka patay sa pamamaril sa Tantangan, South Cotabato

Binaril ang biktimang si Joel Siton, 24 years old, habang nakahiga sa duyan na nanonood ng TV sa tindahan sa kanilang lugar sa Sitio Datal Blobo, Barangay Maibo, Tantangan, South Cotabato.

Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Tantangan PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police, Major Romeo Albano Jr.

Ang magsasakang si Siton na nagtamo ng matinding tama ng bala ng baril sa lalamunan ay binawian ng buhay habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital.

Tinukoy naman ni Albano na suspek sa pagbaril sa biktima si Marjun Rizaldo, 38 years old, nakatira din sa nasabing barangay. Ayon kay Labano si Rizaldo ay naaresto sa follow up operation ng mga kasapi ng Tantangan PNP sa kanila ring lugar kahapon ng madaling araw.i Kalasingan ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa krimen.

 

-0-

 

Programang pangkabuhayan ng OWWA mapapakinabangan ng 60 distressed OFW sa region 12

Isinailalim sa livelihood training ng Overseas Workers Welfare Admnistration ang 60 mga OFW sa region 12.

Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program o BPBH ng nasabing ahensya. Saklaw ng training na isinagawa sa Koronadal City ang pagtuturo sa mga distressed OFW ng financial literacy, simpleng bookkeeping, at business plan preparation.

Kaakibat din nito ang pagbibigay sa mga benepisayryo ng tig P10,000 na tulong pangkabuhayan. Ayon kay OWWA 12 PSD Chief Jenny Umag ang nasabing programa ay magbibigay ng income-generating projects sa mga bagong bayani.

Ito ay bukod pa sa paghikayat sa mga ito na manatili na lamang sa bansa at pamahalaan ang kabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan. Binigyan diin ni Umag na hindi lamang isang simpleng tulong ang BPBH. Kungdi ito ayon kay Umag ay malaking hamon din sa mga OFW kung papaano mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Kabilang sa mga maaring makinabang sa BPBH ang mga OFW na active at non-active OWWA members na apektado ng kaguluhan, reporma, at pagbabago sa pinatatrabahuhang bansa.

Mapapakinabangan din ang nasabing programa ng mga OFW na biktima ng illegal recruitment, o human trafficking at iba pang desstressful na kaganapan. Ayon kay Umag ang mga nais makinabang sa BPBH ay maaring makipag ugnayan sa OWWA 12 Office sa Koronadal City.

 

-0-

 

Mahigit isang daang mga dating sumusuporta at sumampa sa NPA sa Arakan North cotabato ang ngayo'y nanumpang magbabalik loob na sila sa gobyerno.

Bago ang panunumpa sa pagsalikway sa CPP_NPA-NDF ay ay isinailalim muna sila sa Peace and Development Seminar na inorganisa ng LGU Arakan, Department of Interior and Local Government o DILG, PNP at 19th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa nasabing seminar ay pinuno ng dagdag na kaalaman ang mga residente na karamihan mga IP hinggil sa hindi magandang maidudulot ng pagsampa at pagsuporta sa NPA at kasali na rito ang Executive Order Number 70 ni President Rodrigo Duterte.

Bahagi rin ng seminar ang Peace Rally kung saan bitbit ng mga partisipante ang mga placards na may nakasulat ng pagkondena at pagtutol na pumasok pa sa kanilang lugar ang NPA. Sabay-sabay rin nilang sinunog ang mga Flag ng New People's Army.

Ibinahagi rin ng isa sa mga IP na sumuporta sa NPA ang kanyang rason kung bakit ayaw na niyag bumalik pa sa naturang grupo.

 

-0-

 

Estudyante mula T’boli, South Cotabato magiging pambato ng region 12 sa national World Food Day 2019 On-the-Spot Poster Making Contest ng DA.

Magiging kinatawan ng Region 12 sa national level ng World Food Day 2019 On-the-Spot Poster Making Contest ang Grade VI pupil mula sa T’boli, South Cotabato. Ito ay matapos magwagi sa regional competition na isinagawa sa Koronadal City. Bilang regional winner, si Ashley Lugan ng Lugan Central Elementary School ay tumanggap ng P3,000 na premyo .

Pumangalawa naman sa kanya ang pambato ng General Santos City Special Education Integrated School na si Hannah Oriel Faye Gallego. Si Gallego ay nakapaguwi naman ng P2,000 cash prize.

Ang nasa pangatlong pwesto na si Princess Pearl Diamante ng Sto.Nino Central Elementary School sa bayan ng Sto. Nino ay nabigyan naman ng P1,000. Lahat ng mga nanalo ay nakatanggap din ng plake at medalya mula sa DA. Kaugnay nito, hinikayat ni DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis ang mga participant na patuloy lamang na gamitin ang kanilang galing sa sining para maisulong ang agrikultura.

Pinasalamatan din ni Casis si Deped 12 Regional Director Allan Farnazo sa suporta nito sa DA. Matatandaan na napabilang sa top five sa national competition ng World Food Day On-the-Spot Poster Making Contest noong nakaraang taon ang estudyane din ng Lugan Elementary School sa T’boli na si Alexa Clavido.

 

-0-

 

Dalawang mga wanted persons, aerstado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa North Cotabato

Arestado ang dalawang mga wanted persons kabilang ang isang menor de edad sa magkahiwalay na law enforcement operation ng PNP sa Mlang at President Roxas, North Cotabato.

Unang nahuli ang isang magsasaka na kinilalang si Edgardo Gregorio Roquero, 45 years old at nakatira sa Barangay Camutan, Antipas, Cotabato. Ang suspek ay nahuli alas 9:30 ng umaga kahapaon dahil sa apat na kasong grave threats na may petsang November 10, 2004.

Samantala, naaresto rin ang drug suspek na menor de edad na isa ring magsasaka na sadyang hindi kinilala sa report at residente ng Purok 4 Barangay Bialong, Cotabato.

Siya ay naaresto alas 11:40 ng hapon kahapon na may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002. Dala ng PNP ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Tabaosares ng RTC Branch 16, Kabacan Cotabato. Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng PNP ang dalawang mga wanted persons at kakaharapin ang kasong isinampa laban sa kanila. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Diocese of Kidapawan Bishop Bagaforo, tutol sa isinusulong na SOGIE Bill

Hindi sang-ayon ang obispo ng Kidapawan diocese sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender identity and Expression o SOGIE bill na sa harap ng debate patungkol sa karapatan ng mga indibidwal na nasa ikatlong kasarian.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, DD, tutol siya dahil sa tatlong kadahilan.

Una mahirap at magiging magulo para sa mga mamamayan sapagkat ang magiging basehan anya ay ang kanilang orientation at maging batayan ng batas at kultura, pangalawa ang gender identity ng isang tao ang lalaki at babae na siyang tutol naman sa ating mga nakagawain at ito’y makasisira sa buhay ng isang pamilya dahil hindi naman maaring ikasal ang lalaki sa lalaki at babae sa babae.

Pangatlo, tutol ang simbahan dahil ang isinusulong na SOGIE bill ay isa lamang sa malawakang kampanya ng mga western nations at liberal ideas ng mga anti-life na mga grupo. Pero paglilinaw ng Obispo na nirerespito ng simbahang katoliko ang expression at lifestyle ng ibat-ibang mga tao.

Matatandaang una nang nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender identity or expression" bagay na proprotekta sa mga lesbyan, bakla, bisexual, transgender at maraming iba pa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tubong Kidapawan City, number 7 sa kakatapos lamang na Philippine Medical Technology Licensure Examinations Pasok bilang topnotcher ang isang Kidapawaweño sa kakatapos lamang na Philippine Medical Technology Licensure o Medtech Examinations.

Si ISAAC ORIG na taga Sandawa Homes, Poblacion ng lungsod ay pang-pito sa September 2019 Medtech examinations na nakakuha ng 89.40 percent na general average.

Siya rin ay nagtapos ng kanyang sekundarya sa Integrated Basic Education o IBED sa Notre Dame of Kidapawan College o NDKC habang nagtapos naman siya sa kanyang medical course sa San Pedro College sa Davao City.

Ang nasabing eksaminasyon na ginanap sa Davao City ay isinagawa noong September 21- 22 2019. Isa lamang si Orig sa mga taga Kidapawan City na pasok bilang topnotchers sa larangan ng akademya. Ang tagumpay ni Orig ay nagpapakita ng angking galing at talino ng Kidapawenyo. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ikinababahala ngayon ng ilang mga mamamayan sa Kidapawan City ang mga nangyayaring pang-gugulpi matapos maitala ng PNP ang kaso ng mga nabiktima nito.

Nilinaw ni Kidapawan City PNP Chief Lt. Col. Rammel Hojilla na hindi konektado ang mga kasong naitala na may kinalaman sa serye ng nasabing insidente.

Nabatid na kalunos-lunos ang sinapit ng isang menor de edad kamakalawa matapos na lumabas sa imbestigasyon ng PNP na umano’y posibleng pinagtulungan. Naitala rin ang kaso ng pambubugbog sa isang matanda na taga Barangay Kalaisan ng lungsod na umano’y pinagtripan at ginulpi.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, magkaiba ang naging ugat ng nasabing kaso dahil ang matandang taga-Kalaisan ng lungsod ay may nakaalitan sa isang inuman habang hanggang sa ngayon ay hindi pa batid ang motibo sa pagpatay sa isang menor de edad kamakalawa.

Samantala, hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin itong walang pagkakakilanlan, pero lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakita itong nakikipag-inuman sa KCCC Sports Complex ng lungsod. Kaugnay nito, muling umapela si Hojilla sa mga magulang na dapat alamin kung saang lugar pumupunta ang kanilang mga anak.

-0-

 

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Midsayap, North Cotabato kahapon.

Nakilala ang biktima na si Arnel Ceiga, 41 years old, may asawa, walang trabaho at taga Barangay Poblacion 6 ng bayan.

Sa report ng Midsayap PNP, pasado alas kwatro ng hapon kahapon habang nakaupo lamang umano ang biktima sa isang tindahan sa kanilang lugar nang lapitan ng nag-iisang suspek at pinagbabaril ng pitong beses gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima na umano ay dati ng nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Samantala, bago ito ay sugatan ding isinugod sa pagamutan sa Cotabato city ang isang lalaki matapos na biktima rin ng pamamaril sa Libungan, North Cotabato pasado ala una ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Leonard Quiñones, 42 anyos, may asawa at taga barangay Poblacion, Libungan.

Sa report ng Libungan PNP, susunduin sana ng biktima ang kanyang anak sa Lope Kial Elementary School sakay ng payong-payong ngunit sinabayan siya ng motorcycle-riding tandem suspects at pinagbabaril.

Tinamaan sa pisngi ang biktima na agad namang isinugod sa ospital at ngayon ay nasa stable nang kondisyon.

 

-0-

 

 

Timbog ang dalawang mga lalaki nana maaktuhan sila ng mga nagrorondang barangay tanod na humihithit ng pinaniniwalaang shabu pasado alas onse ng umaga kahapon sa Purok Rajahmuda, Barangay Poblacion 7, Cotabato City

Kinilala ang mga suspek na sina Datu Hamsa Pakan Quituar, 27 anyos, laborer at residente rin ng nabanggit na lugar at si Saddam Kusa Esmael, 26 anyos, na taga-Purok Bulibod, Barangay Poblacion 7 ng lungsod.

Sa report ng Police Station 1, naaktuhan umanong nagpa pot session ang dalawa dahilan para arestuhin ang mga ito at dalhin sa himpilan ng pulisya

Nakuha mula sa mga suspek ang limang sachets ng suspekted shabu at drug paraphernalia.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang lalaking wanted sa kasong robbery sa Barira, Maguindanao.

Dinakip ng mga pulis ang suspek na si Aymen Bangon Macapantao, nasa hustong gulang, may-asawa at taga Barangay Bugasan Sur, ng bayan sa bisa ng warrant of arrest.

Nadakip ang suspek sa pinagtataguan nito sa Sitio Talaid, Barangay Bualan dahil sa tulong ng ilang mga mamamayan sa lugar.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Barira PNP lockup cell ang nadakip na suspek.

 

-0-

 

NAKA quarantine ngayon sa isang ospital sa Cotabato city ang tatlong buwang gulang na sanggol na hinihinalang mayroong polio.

Sinabi ni Department of Health o DOH 12 Information Officer Jenny Panizalez, nasa isolation room ng Cotabato Regional Medical Center ang naturang sanggol na nakitaan ng mga sintomas ng polio gaya ng lagnat at pangangalay ng paa.

Gayunman, ayon kay Panizalez, hindi pa kumpirmadong polio nga ang sakit ng sanggol dahil mayroon din namang ibang mga sakit na may kahalintulad na mga sintomas.

Sa ngayon ay masusing sinusuri ang kalagayan ng pasyente at hinihintay pa ang resulta ng mga laboratory test.

Ang Poliomyelitis o Polio na nagdudulot ng pagkalumpo ay isang nakakahawang sakit na dulot ng poliovirus na mahigpit ngayong mino-monitor sa buong bansa.

 

-0-

NATIONAL....

NAKAHANAP NA ang Kamara ng pagkukunan ng karagdagan pondo para sa bakuna kontra polio.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy, karagdagang 250 million pesos ang ilalaan ng House Committee on Appropriations para sa bakuna sa sakit na polio sa mga batang may edad na limang taon pababa.

Sinabi nito na kukunin ang pondo para sa bakuna sa polio sa ilalim ng emergency fund ng Department of Health o DOH.

 

-0-

 

Nagdeklara ang bagong talagang commandant ng Philippine Military Academy o PMA ng giyera laban sa hazing at nangakong gagawin ang lahat para puksain ang karahasan at pagmaltrato sa mga kadete ng PMA.

Ginawa ni PMA commandant Brig. Gen. Romeo Brawner ang pahayag kasunod ng pagkamatay sa hazing ni Darwin Dormitorio at pagka-ospital ng ilan pang kapwa-kadete nito dahil sa maltreatment.

Sinabihan ni Brawner ang mga kadete na umalis na lang sa PMA kung hindi nila lalabanan ang hazing.

Hindi anya kailangan sa PMA ang mga kadete na nagmamaltrato sa kanilang mga kapwa-kadete.

 

-0-

 

APRUBADO NA ng National Police Commission o Napolcom ang pag-recruit ng mahigit sampung libong mga pulis sa PNP.

Sinabi ng NAPOLCOM na inaprubahan ang Resolution No. 2019-707 na nagbibigay ng otorisado sa recruitment ng mga pulis.

Batay sa resolusyon, layong nitong masolusyunan ng insurgency problem at masuportahan ang personnel build-up programs.

Kinakailangang makapag-recruit ang PNP ng kabuuang 7,895 law enforces para sa PNP Mobile Forces at 2,105 na mga pulis para sa National Support Units.

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes kagabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...