Thursday Apr, 18 2024 12:27:42 AM

NDBC BIDA BALITA (April 10, 2023)

NDBC BALITA • 15:00 PM Mon Apr 10, 2023
2
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   PAGTALAGA kay BARMM Senior Minister Macacua bilang OIC governor ng Maguindanao Norte, tinututulan ni Gov. Mariam Mangudadatu

2   KALIGTASAN ng mga subdivisions sa landslide, tiniyak ng MGB 12

3   KORONADAL health officer, nagpaalala sa publiko upang maka-iwas sa mga sakit ngayong taginit

4   TBOLI LGU, magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing manggagawa ng mining.

5   PITONG bahay sa Magpet, North Cotabato, sinalanta ng malakas na hangin nitong weekend.

6   BARANGAY kapitan ng Lebak, patay sa pamamaril sa Maguindanao Sur; Barangay Kagawad at misis, patay din sa pamamaril sa Parang, Maguindanao Norte

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

-0-

Local…

DALAWANG MGA OPISYAL NG BARANGAY ang magkahiwalay na pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte nitong weekends.

Pinakahuling biktima ay si Barangay Kagawad Abdulmalik Uban ng Barangay Polloc, Parang, Maguindanao del Norte.

Alas 11 ng umaga kahapon habang minamaneho ni Uban ang kulay pulang Toyota Vios kasama ang kanyang misis malapit sa public market ng Parang nang dalawang lalaki ang lumapit at sila ay pinagbabaril.

Si Uban ay nasawi on the spot habang sa pagamutan na binawian ng buhay ang kanyang misis na si Salma.

Agad na kinundina ni Parang municipal police station chief Major Christopher Cabugwang ang pamamaril sa opisyal.

Ayon kay Cabugwang, ang mga biktima ay pinagbabaril sa Rizal Avenue, Parang public market sa Barangay Poblacion 2.

Sinabi niya na binuo na ang isang investigation task force para mapabilis ang pagresolba ng kaso.

Si Uban ay naging No. 1 councilor ng barangay Polloc matapos na mapatay si Polloc Chairman Abubacar Abdul noong Enero. 

Ang No. 1 councilor ay siyang naging barangay kapitan ng Polloc ngayon.

-0-

Local…

SAMANTALA, sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, pinagbabaril hanggang mapatay on the spot si Chairman Danny Angkay ng Barangay Salaman, Lebak, Sultan Kudarat.

Si Angkay, kasama ang ilang miembro ng kanyang pamilya ay nasa Maguindanao del Sur para bisitahin ang isang may sakit na kaanak.

Pauwi na sila noong sabado ng umaga sa Lebak nang sila ay ambusin ng dalawang lalaking nakamotor sa kahabaan ng national highway sa Ampatuan.

Sugatan din ang ilang sakay ng minivan na kasama ni chairman Angkay.

Naganap ang mga pamamaril na ito sa panahon ng Holy Week kung saan nakaalerto ang mga police sa pagpapatupad ng Oplan Semana Santa at Oplan SumVac o Summer Vacation.

-0-

Local…

Maguindanao Sur Gov. Mariam Mangudadatu, nagpahayag ng pagtutol sa pagtalaga ni P. Marcos kay BARMM Senior Minister Abduraof Macacua.

Kanyang iginiit na walang dapat i-appoint dahil walang nabakanteng position sa paghahati ng Maguindanao.

"WALANG NABAKANTENG posisyon na kailangan ng appointment mula sa Presidente."

Ito ang pinanindigan ni Maguindanao del Sur Gov Bai Mariam Sangki Mangungudatu kasunod ng pagkakatalaga kay BARMM Senior Minister Abdulraof Macacua bilang Office-In-Charge ng Maguindanao del Norte.

Iginiit ni Mangudadatu na umupo na siya bilang Governor ng Maguindanao del sur at Acting Vice Governor si 1st Board Member Nathaniel Midtimbang. Si Vice Governor Bai Ainee Sinsuat ay umupo na rin bilang Acting Governor ng Maguindanao del norte at Acting Vice Governor si 1st Board Member Datu Shariffudin Mastura.

Aniya, fully operational na ang dalawang lalawigan matpaos ang plebesito noong 2022.  Ang dapat lang daw na italaga ng pangulo ay ang mabakanteng pwesto sa provincial board ng dalawang lalawigan.

Umapela din si Governor Mariam kay Pangulong  Marcos Jr na i-reconsider ang kanyang pag talaga kay Macacua dahil nagsimula na ang corporate existence ng dalawang probinsya base sa nakasaad sa RA 11550.

-0-

Local…

SAMANTALA, arrival kanduli o pasasalamat isinagawa sa Kabubuntalan, Maguindanao del Norte kasunod ng pagtalaga ni P. Marcos kay BARMM senior minister Abduraof Macacua bilang OIC governor.

ISINAGAWA ANG ARRIVAL KANDULI o thanksgiving ni BARMM Senior Minister at Maguindanao del Norte OIC Governor Abdulraof ‘Sammy Gambar’ Macacua sa Barangay Gambar, Mother Kabuntalan, Maguindanao del Norte, ala una ng hapon kahapon.

Libu-libong mga supporters, matataas na opisyal na Bangsamoro Government at mga alkalde sa iba’t-ibang mga bayan sa Maguindanao del Norte ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Kasunod ito sa pagtalaga ni Pangulong Marcos Jr. kay Macacua bilang unang governor ng Maguindanao Norte noong April 05.

Si Macacua ay nanumpa rin sa harap ng pangulo noong nakaraang Mierkules.

Bilang OIC, si Macacua ay inatasan ng pangulo na panatilihin ang kapayapaan sa probinysa tungo sa pag-unlad ng hindi lamang ng Norte kundi pati ng buong BARMM.

Tiniyak naman ng Marcos administration na ang kanilang itinalagang OIC sa probinsya ay isang ‘able and competent leader’.

Bago ang kanyang appointment bilang OIC Governor, si Macacua ay Senior MInister at executive secretary ng BARMM.

Itinalaga rin ni P. Marcos si Bai Fatima Ainee Limbona Sinsuat bilang OIC vice governor, Gov. Bai Mariam Mangudadatu bilang OIC governor ng Maguindanao del Sur at si board member Nathaniel Midtimbang bilang OIC vice governor.

-0-

LOCAL…

ISA LANG ANG nagpositibo sa COVID 9 sa Region 12 kahapon at isa din ang nasawi.

Parehong taga Gen. Santos City ang bagong nagpositibo at ang namatay dahil sa complications.

Wang iniulat na gumaling mula sa naturang sakit.

Sa BARMM, sa pinakahuling bulletin, may 13 taga Maguindanao at tatlong taga Cotabato City ang nagpositibo sa virus.

Ang BARMM ay may 70 active COVID 19 cases.

-0-

LOCAL…

May bago ng Chief of Police simula nitong April 7, 2023 ang President Roxas PNP sa katauhan ni Police Major Jun Napat.

Ito'y matapos na marelieve sa pwesto si Police Major Mautin Pangandigan.

Nagsagawa kasi ng inspection si Regional Director Police Brigadier Jimili Macaraeg sa post at napag-alaman na bigong ipatupad ng hepe ang flagship program ng PNP ang Project BOMBILS.

Ang proyekto na ang layunin ang mapaganda ang paligid at magsisilbing perimeter fence sa area.

Project HORSE o an extra mile of service na ang layunin naman ay makapaghatid ng pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa remotes areas.

Ang dalawang flagship programs na ito ay hindi naipatupad ng hepe simula ng umupo bilang hepe sa President Roxas PNP.

Si Major Pangandigan ay pansamantalang nakatalaga ngayon sa Cotabato Police Provincial Office.

Ang nasabing inspection ay isinagawa kabahagi pa rin ng heigtened alert status ng bawat police police sa rehiyon upang mabatid ang kahandaan sa pagresponde ng anumang emerhensiya, proper implementation ng proper safety and security measures.

-0-

LOCAL…

Inaasahan pa ang pagdagsa ng tao ngayon katulad ng terminal kahit tapos na ang semana santa sa Kidapawan City.

Sinabi ni Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Peter Pinalgan Jr., nitong holy week mahigpit ang ginawang pagbabantay ng PNP sa lahat ng places of convergence.

Mula sa simbahan, palengke at mga terminal na dinadagsa ng mga tao kabilang na ang pagpapaigiting sa checkpoints.

Nitong Holy week na dagsaan ang biyahero sa terminal at ang tiyak din na magpapatuloy ang bus marshalling sa tulong ng ibat-ibang force multipliers.

Ilan din sa kanilang tinututukang krimen na kadalasan nangyayari ay pagnanakaw sa mga bahay na walang tao, establisyemento at iba pa.

Nakatulong anya ng malaki ang pagdagdag ng paglalagay ng contact numbers sa lahat ng mga lugar na dinadayo.

-0-

Local…

Base sa datus, tumataas ang rabies cases o mga nakakagat ng aso sa Kidapawan City lalo na kapag summer.

Ito ay dahil ang mga kabataan ay nasa bahay lang walang pasok at nakatambay lang ang pamilya sa bawat tahanan.

Pero sinabi ni Dr. Eugene Gornez, na siyang City Veterinarian, ngayong taon asahan na hindi na ganun ka rami dahil wala pang summer break ang mga mag-aaral.

Ganun paman, mas pina-igting pa ng Veterinary Office ang pagbabakuna sa mga aso o ang House to House Vaccination hanggang sa makuha ang kanilang target.

Ang hindi lang nabigyan ng bakuna ay ang mga aso na hindi nahahawakan ng may-ari at stray dogs.

Dagdag pa niya, kapag summer season tumaas rin ang dog bite cases sa lungsod.

-0-

Local…

Nauwi sa peligro at paglikas ang sanay panahon para magnilay at magayuno nitong araw ng Sabado de Gloria sa dalawang barangay sa Magpet, Cotabato.

Binayo ba naman ng malakas na hangin ang apat na bahay sa Purok 4A Inac at isa naman ang nasira sa Purok 2 ng nasabing barangay nitong Sabado.

Habang hindi rin nakaligtas ang dalawang bahay sa Purok 1, Barangay Doles na nilipad at bumaliktad habang natumbahan naman ng kahoy ang isa dahil sa lakas ng hangin.

Ilang minuto lang ang pagitan sa pagkakasunod ng pagtama sa dalawang barangay na pinaniniwalaan ng nakakarami na umano'y isang buhawi lang ang tumama sa dalawang lugar.

Kabilang sa mga apektado ang bahagi ng sagingan na halos lutay-lutay na nang datnan ng mga residente.

Pansamantala namang sumilong ang ilang pamilyang apektado sa mga kaanak nila.

Patuloy ang ginagawang assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan sa danyos at ginagawang interbensyon sa pagkumpune sa mga sira dulot ng weather disturbances.

-0-

Local

Isinasailalim muna sa geological sites scooping ng Mines ang Geosciences Bureau o MGB ang mga lugar na pagtatayuan ng mga housing projects at subdivisions.

Layon nito ay ayon kay MGB 12 Senior Geologist Vincent Gascal na matiyak ang kaligtasan ng mga titirang mamamayan.

Ayon kay Gascal kumpara sa kanilang geohazard maps mas detalyado ang ginagawa nilang Geological Site Scooping Reports o GSSR.

Ipinunto pa nito na mahalaga ang GSSR dahil ang mga konting problema sa mga proposed subdivision sites ay maari pang rendahan.

Kalakip dito ayon kay Gascal ang paglalagay ng foundation at flood control measures para mapigilan ang posibleng landslide.

-0-

Local…

Huwag ipagkait sa mga anak na nasa 0 hanggang 59 months old ang karapatan na mabakunahan para maging ligtas sa mga communicable diseases.

Ito ang panawagan sa mga magulang ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.

Ayon kay Aturdido magkakaroon kasi ng supplemental immunization activity para measles at polio ang IPHO sa May 2 hanggang 31, ngayong 2023.

Ipinahayag ni Aturdido na para maabot ang herd immunity kailangan ng IPHO na makapagbigay ng measles rubella vaccine sa 89,675 na mga bata sa lalawigan at 105,361 naman ang dapat mabigyan ng oral polio vaccine.

Ipinunto pa ni Aturdido na bagama’t hindi nakamamatay ang tigdas maari namang bawian ng buhay dahil sa mga kumplikasyon tulad ng pneumonia ang sinumang matamaan nito.

Sinabi ito ni Aturdido matapos kumpirmahin na bumaba ang bilang ng mga nabakunahang mga bata na nasa 0 hanggang 59 months old sa South Cotabato sa nakalipas na tatlong taon.

-0-

Local…

Umiinom ng mula dalawa hanggang tatlong litrong tubig kada araw para makaiwas sa dehydration ngayong taginit.

Ito ang  payo sa publiko ni Koronadal Acting  Health officer Dr. Vincent Ende.

Paliwanag ni Ende ang dehydration kasi ay maaring maging sanhi ng acute o chronic kidney disease.

Pinaalalahanan din nito ang mga mamamayan lalo  na umiiwas a mga mainit na lugar  na maaring maging sanhi ng pagtaas ng blood pressure.

Paalala nito sa mga hypertensive huwag kaligtaan na umiinom ng pang maintenance na gamot.

Pinayuhan din ni Ende ang mga mahilig gumamit ng mga pamputi na umiiwas sa tindi ng sikat ng araw na maaring magdulot ng skin cancer

Paliwanag nito ang glutathione kasi na madalas sangkap sa mga whitening products ang nakaapekto sa melanin pigment na panlaban sana ng balat sa matinding init.

-0-

Local…

Magbibigay ng kaukulang tulong sa tatlo katao na nabagsakan ng malaking tipak ng bato sa mining compound na iligal nilang pinasok ang lokal na pamahalaan ng Tboli, South Cotabato.

Ito ay ayon kay Tboli Mayor Keo Dayle Tuan.

Sinabi ni Tuan na ang mga kaanak ng dalawang mga biktima na dead on arrival sa ospital ay bibigyan ng LGU ng burial assistance.

Habang ang isa pa nilang kasama na sugatan sa paa  ay mabibigyan ng medical assistance.

Kinumpirma ni Tuan na ang tatlong mga biktima ay iligal na pumasok sa compound ng Tribal Mining Corporation o TMC noong April 3 ng gabi.

Ayon kay Tuan simula kasi nang temporaryong tumigil ng operasyon ang TMC sa barangay Kematu, daang daang mga landowners ang pumapasok sa kanilang compound tuwing gabi para mag-sacking ng lupa na nakaimbak para makapag-extract ng ore.

Aminado si Tuan na dahil sa dami ng mga trespasser nahihirapan ang gwardiya ng TMC at mga opisyal ng barangay na pigilin ang mga ito.

Ayon kay Tuan dahil sa hindi nakapag-renew ng permit temporaryong tumigil ng operasyon ang TMC sa barangay Kematu.

-0-

Local…

Nagsawaga din ng artificial insemination o AI services sa mga baka, kalabaw at kambing ang DA 12 sa mga  barangay ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Ang nasabing programa ay ipinatutupad ng DA sa ilalim ng kanilang Unified Artificial Insemination Program o UNAIP.

Ayon sa DA 12 layon nito na mapataas ang livestock production sa rehiyon.

Katuwang ng DA sa pagtataguyod  nito ang provincial veterinary office ng Sultan Kudarat, lokal na pamahalaan ng Lambayong, at  Philippine Carabao Center sa USM Kabacan.

Saklaw din ng UNAIP ang pamimigay ng veterinary drugs, AI paraphernalia, at Liquid Nitrogen Field Tank sa LGU.

Nakinabang din sa mga ito ang mga livestock raiser sa mga barangay ng Midtapok, Mamali, Pidtiguian at Bilumin.

Naunang isinagawa ng DA 12 ang AI services sa bayan ng Esperanza.

 

 

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...

Drug peddler arrested, P426K shabu seized in Marawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Combined police personnel from city police office, city drug enforcement unit, police mobiel groups and...

3 bigtime drug peddlers nabbed in Koronadal

KORONADAL CITY - Three big-time drug peddlers were arrested during a drug buy-bust operation in Barangay Morales, this city on Sunday.  Joint...