Saturday Apr, 20 2024 03:39:03 AM

NDBC BIDA BALITA AUG. 26, 2015

 • 06:57 AM Thu Aug 27, 2015
1,917
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 26,
2015 (WED)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MIYERKULES, AUGUST
26, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. HARASSMENT ng armadong grupo sa
isang public high school sa Cotabato city, itinanggi ng PNP

2. PANGULO ng isang state-owned college
sa North Cotabato, nagsalita na kaugnay sa mga isyung personal na ibinabato sa
kanya.

3. BOMBA, narekober ng mga sundalo sa nakubkob
na kuta ng NPA sa T’boli, South Cotabato

4. OFW power, nangibabaw laban sa planong
random inspection ng Bureau of Customs sa mga balik-bayan box.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

ITINANGGI ni Cotabato City PNP Dir. P.
Sr. Supt. Rex Anungos na may malaking gulong nagaganap sa pagitan ng mga guro,
mag-aaral at mga magulang ng Pilot Provincial Science and Technology High
School sa barangay Tamontaka 1, ng lungsod.

Ayon kay Anungos, away-bata lamang daw
ang nangyari at walang dapat na ipag-alala. Pero sinabi ni Anungos na
magpapadala sila ng mga pulis para magbantay sa paaralan bilang tugon sa hiling
ng school administrator.

ANUNGOS CUE…………….

Una rito, sa ulat na nakarating sa DXMS
AM Radyo Bida, at base na rin sa salaysay ng mga estudyante at mga guro sa
naturang paaralan, nitong Huwebes, August 20, ay sinugod ng armadong mga lalaki
ang kanilang paaralan tinutukan sila ng baril at pinagbantaan pa.

Sinira rin ng naturang mga armadong
lalaki ang ilang mga gamit sa guidance office ng paaralan.

Aaregluhin sana ang gulo ng mga nagka
iringang mga estudyante sa guidance office nang sumugod ang naturang mga
armadong lalaki na umano ay mga kapatid ng isa sa mga mag-aaral na sangkot sa
gulo.

Bunsod nito, pansamantalang sinuspinde
ang klase sa naturang paaralan sa takot na baka bumalik ang mga armado at
manggulo.

Nagtungo ang news team ng DXMS Radyo
Bida sa naturang paaralan at nadatnan ang mga nagkalat at natumbang mga upuan
at mesa, at mga nasirang gamit sa guidance office.

Sabi ng mga mag aaral at guro, iyon ay
kagagawan ng mga sumugod na armadong lalaki.

Halata ring takot na magsalita ang mga
estudyante at mga guro.

Gayunman, sa kabila ng naturang
sitwasyon ng paaralan, nanindigan ang city PNP chief na maliit lang na gulo ang
nangyari at hindi na dapat pang palakihin pa.

ANUNGOS CUE………….

Si Cotabato City PNP Dir. P. Sr. Supt.
Rex Anungos sa panayam sa DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga

Local……………………

Samantala, sa North Cotabato naman, presidente
ng isang state-owned college, sinagot ang isyung pambababae na ipinupukol sa
kanya

Mula sa DXND Radyo bida Kidapawan- narito ang report

(KIDAPAWAN – MOLAO)

Local …………………….

BOMBA, narekober ng mga sundalo sa nakubkob
na kuta ng NPA sa T’boli, South Cotabato

Mula sa DXOM
Radyo Bida- Koronadal, narito ang report

(KORONADAL –
BOMBA)

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Tugon sa malubhang traffic sa bansa ang
mahusay na urban planning, regulation ng mga sasakyan at pagmamalasakit ng tao
sa kapwa.

Ito ang iginiit ni Manila Archbishop
Luis Antonio Cardinal Tagle ang sinabi na ang malubhang traffic sa maraming mga
lugar sa bansa ay sumasalamin ng iba’t ibang ugali ng mga Pinoy gaya ng
pagiging mapagpasensiya, mapagbigay sa kapwa o pagiging makasarili at kawalan
ng respeto.

Bunga nito, iminungkahi ng kardinal sa
gobyerno na magsagawa ng urban planning para maayos na mapag planuhan ang daloy
ng trapiko.

Kabilang din sa plano ang pagsasa
alang-alang sa mga pangangailangan at kakayahan ng mga mahihirap na mamamayan
ng bayan.

BERNADETTEand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD……

ILANG MGA BOTANTE na nagparehitro sa
COMELEC Cotabato City office, tinutukan umano ng baril ng ilang mga barangay
tanod.

CALOYand AT
ABANGAN SA TIMRA!

WALONG mga bahay naabo sa nangyaring
sunog sa Isabela city, Basilan.

Ang mga
balitang yan at iba pa, susunod na sa NDBC BIDA BALITA.

0-

2ND BREAK

Local …………………

NANAWAGAN ngayon si dating Cotabato
city vice mayor Mus Sema sa city PNP at Department of Interior and Local
Government o DILG-Cotabato City Office na tutukan ang mga tanod ng barangay sa
lungsod na may mga dalang baril.

Ito aniya ay matapos na tutukan ng
baril ng ilang mga armadong barangay tanod ang ilang mga botante na
nagpaparehistro sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC sa lungsod.

Sinabi ni Sema sa panayam sa programang
Madam Public Service, na ang naturang mga armadong tanod ay mula umano sa
mother barangay Tamontaka.

Aniya, hinaharas ng naturang mga
armadong barangay tanod ang mga botante na nagpapakuha ng kanilang biometrics.

Pakiusap ni Sema, sana ay imbestigahan
ng mga otoridad ang pangyayaring ito dahil nagdudulot ito ng takot sa mga
botante ng lungsod.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

NAGDIWANG ang mga overseas Filipino
worker o OFWs, sampu ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas, sa desisyon ni
Pangulong Aquino na ipatigil ang plano ng Bureau of Customs o BOC na pagkalikot
sa kanilang balikbayan boxes at itinuturing itong tagumpay ng kanilang
nagkaisang puwersa at tinig.

Kahapon ay idineklara ng isang
mambabatas na nagtagumpay ang OFW Power sa kanilang laban kontra bukas
balikbayan box” program ng BOC.

Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep.
Neri Javier Colmenares ang nasabing pahayag matapos pigilan ni Pangulong Aquino
sina BOC Commissioner Bert Lina at Finance Sec. Cesar Purisima sa kanilang
planong buksan ang balik­bayang boxes upang mapataas ang kanilang koleksyon.

Gayunpaman, hindi umano ito dahilan
para iurong na ng mga ito ang kanilang ipinatawag na imbestigasyon dahil marami
umanong dapat ipaliwanag ang BOC sa taumbayan.

Matapos matanggap ang direktiba ng Pangulo,
agad iniutos ni BOC Commissioner Lina sa lahat ng empleyado nito sa lahat ng
pantalan at paliparan na itigil na ang isinagawang pagbubukas sa mga dumarating
na balik­bayan boxes bunsod ng kaliwa’t kanang batikos na natatanggap ng
ahensya mula sa mga OFWs.

Kasabay nito, hihilingin din nito sa
mga kumpanya ng freight forwarder na maglagay ng sarili nitong x-ray machines
sa kanilang mga warehouses upang ma­siguro na walang magi­ging paglabag sa
karapatan ng mga OFWs.

Pero sa kabila ng aktuwal na paghinto
ng bukas balikbayan box”, hindi pa rin tiwala ang militanteng grupong Migrante
kaya’t itutuloy pa rin nito ang ikinakampanyang zero remittance day” sa August
28.

Ito’y upang iparamdam sa gobyerno ang
puwersa ng OFWs.

LOCAL…………………

May limang daang job seekers,
target na mabigyan ng trabaho sa Jobs Fair ng DOLE 12 at lokal na pamahalaan sa Isulan, Sultan
Kudarat ngayong araw

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
JOB)

Magkakaroon ng jobs fair ang
Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat
ngayong araw.

Ang jobs fair ay magkatuwang
na itataguyod ng ahensya at lokal na pamahalaan ng Isulan.

Ito ay kaugnay sa 4th
Hamungaya Festival sa bayan.

Ayon kay DOLE 12 Regional
Director Ofelia Domingo, ang jobs fair ay gaganapin sa Municipal Gym ng Isulan.

Umaapela naman si Domingo sa
mga naghahanap ng trabaho na makiisa sa jobs fair.

Ayon kay Domingo target ng
ahensya na makapag-hire ng abot sa limang daang mga aplikante.

Payo pa nito sa mga pupunta
sa jobs fair, magdala ng maraming kopya ng mga kinakailangang dokomento tulad
ng transcript of records, resume’ at application letter.

Sa pamamagitan nito ayon kay
Domingo ay maaring mag-apply sa mas maraming kompanya ang isang job seeker at
magkaroon ng maraming pagkakataon na
matanggap sa trabaho.

Ang jobs fair na gagawin sa
Isulan ngayong araw ayon kay Domingo ,ay lalahukan din ng may sampung mga
kompanyang magaalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.

LOCAL…………………

BEAUTICIAN,
binaril at napatay sa Kabacan, North Cotabato

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
BEAUTICIAN)

TIMRA

NARITO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

TIMRA
08-26-2015 ARGIE GRATUITO

SUMAINYO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

Susunod ..

DALAWANG
mga barangay sa Kidapawan city, magpapatupad ng speed limit sa mga sasakyang
dumaraan sa kanilang lugar.

At………………………..

DOST 12 may handog na programa para sa
mga senior high school sa susunod na taon

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, susunod na sa NDBC BIDA BALITA!

0-

3RD
BREAK

Local…………………….

PINASAGASAAN ng Cotabato city government ang abot sa 200 modified
mufflers o mas kilala sa tawag na open pipe sa people’s palace.

Gamit ang pison, pinangunahan ni city mayor Japal Guiani Jr. ang pagsira
sa mga nabanggit na tambutso ng motorsiklo kahapon.

Sinabi ni Guiani na nakumpiska ng tropa ng City PNP at Traffic
Management Unit ang mga nabanggit na improvised motorcycle pipe o kilala rin sa
tawag na bora-bora bunsod ng mas pina-igting nilang kampanya laban sa paggamit
nito.

Ayon kay Guiani, nagdesisyon silang wasakin ang naturang mga modified
muffler para hindi na muling makuha at magamit pa ng mga pasaway na motorcycle
owner sa lungsod.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang alkalde sa mga may-ari ng motor
sa lungsod na huwag nang gumamit ng mga improvised pipe para hindi na maabala
at makapagmulta.

Ang paggamit ng improvised pipes o open pipes ay labag sa Republic
Act 4163 o Land Transportation and Traffic Code of the Philippines.

Ipinagbabawal ang paggamit nito dahil ito ay nagdudulot ng ingay,
polusyon, at istorbo sa mga mamamayan.

Local……………………

DALAWANG
mga barangay sa Kidapawan city, magpapatupad ng speed limit sa mga sasakyang
dumaraan sa kanilang lugar.

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
SPEED LIMIT)

Plano ngayon ng Barangay Balindog kasama ang Barangay ng Paco at Lanao
sa Kidapawan city na gumawa ng joint resolution para i-adopt ang kasalukuyang
ordinansa ng lungsod na nagtatakda sa speed limit sa mga dumadaang sasakyan sa
kanilang barangay. Sinabi ni Brgy. Balindog Chairperson Marites Villanueva
hawak na nila ngayon ang kopya ng kasalukuyang ordinansya sa speed limit upang
mareview ang ilang mga probisyon para mailatag na kaagad kay City Mayor Joseph
Evangelista. Ang nasabing hakbang ay suportado naman ng kani-kanilang mga
barangay officials. Ayon kay Villaneva, isa ito sa kanilang nakikitang solusyon
para maiwasan ang disgarsya sa kanilang mga barangay. Ilang mga kahalintulad na
insidente na rin kasi ang naitala sa Barangay Balindog na kong saan
overspeeding din ang dahilan nito Maliban rito, plano rin ng City LGU na
ipagpatuloy rin ang paglalagay ng mga streetlights mula sa bahagi ng North
Valley sa Barangay Lanao hanggang sa Barangay Paco ng lungsod. Isa rin kasi sa
nagiging sanhi ng aksidente sa lugar ay ang madilim na daan dala narin sa
kawalan ng mga streetlights. Matatandaang inararo ng isang 10 wheeler truck ang
limang mga sasakyan sa lugar na ikinamatay pa ng sanay ikakasal na binatlyong
tricycle driver at inakasugat naman ng mahigit 30 iba pa.

VC- VILLANUEVA 1

Samantala, isang prayer at blessing naman ang isinagawa ng mga Barangay
Official at mga residente ng brgy. Balindog kaninag madaling araw para
ipagdasal at mabigyan ng patnubay at kaligtasan ang mga dumadaang sasakyan sa
mga nabanggit na lugar. Ang nasabing aktibidad ay taon taon na nilang ginawa
bago paman sumapit ang kanilang kapyestahan.

VC- VILLANUEVA 2

Si Balindog brgy. Chairperson Marites Villanueva

Local………………….

DOST 12 may handog na programa para sa
mga senior high school sa susunod na taon

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
DOST 12)

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

Sigurado ka bang papasok ka sa trabaho
mo?”

Ito ang isa sa mga tanong na
iminungkahi ng isang mambabatas sa mga botante na itanong sa kanilang mga
congressional candidate pagdating ng kampanya sa susunod na eleksyon.

Ginawa ni Dasmariñas City Rep. Elpidio
Barzaga ang nasabing mungkahi dahil sa kabila ng mga pakiusap ng liderato ng
Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga mambabatas ay hindi pa rin nakakabuo ang
mga ito ng matagal na quorum.

Noong Lunes ay umabot sa 204
congressmen ang tumugon sa roll call subalit makalipas ng isang oras ay
isa-isang nag-alisan ang mga ito kaya hindi nagtagal ang naitalang quorum.

Sa panukala namang gamitan ng kamay na
bakal ang mga absinerong kongresista, isa sa isinusulong ay ang pagpapatalsik
sa mga mambabatas na sobra-sobra ang bilang ng pag-absent, tila kasamang
mapupuruhan ay si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Dahil dito, napag-usapan ang kaso ni
Pacquiao at kabilang ito sa mga mambabatas na nagtala ng pinakamaraming absent
lalo na sa panahon ng paghahanda o training kapag mayroon itong laban.

DA
NEWS

Banana Congress ng DA 12 sa
Kidapawan City nilahukan ng mga banana growers sa rehiyon

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

Ang anak n’yo ba ay isa sa mga batang takot
sa subject na math?

Narito ang mga dapat gawin para matulungan
ang inyong anak na mawala ang kanilang math anxiety.

Una, gawing habit ang pagkakaroon ng mas
mahabang oras sa pagtuturo ng math pagkauwi sa bahay.

Makabubuti kung mararamdaman nila na
tutulungan n’yo sila kung may hindi sila naiintindihan sa math.

Makatutulong din kung sila ang pasasagutin sa
mga totoong math problems katulad ng sukli sa jeep, o ilang minuto na lang ang
natitira bago kayo kumain.

Isa rin sa epektibong paraan ang pagbibigay
ng mga laruan na makakatulong sa kanilang math enhancement katulad ng mga
puzzles at sodoku.

Ugaliin din ang pagbibigay ng reward sa
tuwing nakakakuha ito ng mataas na grades sa kanyang math exams. Ito ay
maaaring pagkain, damit, o laruan.

Tandaanand
ang kagalingan ng isang bata sa paaralan, nagsisimula sa tahanan. Kaya,
responsibilidad ng magulang na turuan ang mga anak sa tuwing mayron silang
hindi naiintindihan.

CALOYand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

LALAKI, arestado sa Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao matapos makuhanan ng pinaniniwalaang Shabu.

At……………………

Dalawang mga designers sa KoronadalCity wagi sa Mindanao Wide Competition sa Davao City

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, tunghayan sa pagpapatuloy ng NDBC BIDA BALITA!

0-

4TH
BREAK

Local……………….

HULI ang isang lalake matapos makuhanan
ng pinaniniwalaang shabu sa Tenorio, Awang, Dos, Maguindanao kahapon ng hapon.

Kinilala ni DOS Chief of police Chief
Insp. Lendsy Sinsuat ang suspek na si Tungko Matola Kandado, 34-anyos, single,
walang trabaho at residente ng Tambak, DOS.

Ayon kay Sinsuat, nagsasagawa sila ng
mobile patrol sa Tenorio, Awang, DOS nang makita nila ang kahinahinalang suspek
sa lugar.

Nilapitan ito ng kanilang tropa at dito
nakuha mula kay Kandado ang TATLONG pakete ng maliliit na heat- sealed
transparent plastic na may laman ng pinaniniwalang shabu at iba pang drug
paraphernalia.

Kasalukuyan namang nakakulong si
Kandado sa DOS Locked-up cell habang isinasagawa ang imbestigasyon sa naturang
insidente.

Local………………….

Driver
ng 10-wheeler truck na nasangkot sa Vehicular accident sa Kidapawan City,
sinampahan na ng kaso

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
kaso)

Local…………………….

Dalawang mga designers sa Koronadal
City wagi sa Mindanao Wide Competition sa Davao City

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
DESIGNERS)

- Nagawagi sa katatapos lamang
na MODA Midnanao Wide Competition ang
mga designers mula Koronadal City.

Sina Sherwin Tengson at Lorj
Santos ay humakot ng award sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon dahil sa
pagdesenyo ng mga damit.

Kabilang sa mga nakuha
nila ang Championship sa RTW Category,
innovative category at coutoure
category.

Ayon kina Tengson at Santos,
naging inspirasyon nila para magpursige si Jared Servano na una nang
nakapagbigay ng karangalan sa Koronadal City.

Si Servano na naging mentor at
nagkumbisne sa dalawa na sumali sa kumpetisyon ay naging finalist sa Project
Run way Philippines .

Ang MODA Mindanaw Wide
Competition ay nilahukan ng mga young designers mula sa iba’t ibang bahagi ng
Mindanao.

Ito ay ginanap kasabay ng
Kadayawan Festival sa Davao City. 0-

ARAKAN
UPDATES……………… CUE

PLAY
(KIDA- KILALANIN ANG ARAKAN)

BALITA ABROAD…………………..
PLAY STINGER

NAGKASUNDO na ang North Korea at South
Korea na pansamantalang itigil ang tensyon sa Korean Peninsula matapos ang
ilang araw na pag-uusap ng mga lider ng dalawang bansa.

Ayon kay South Korea national security
chief, Kim Kwan-jin, ititigil na ng South Korea ang pagbo-broadcast ng mga ito
ng propaganda laban sa North Korea.

Sa panig naman ng NoKor, humingi ito ng
paumanhin dahil sa pagtatanim ng landmines sa Korean border na ikinasugat ng
ilang sundalo ng SoKor.

Tinanggal na rin ng Pyongyang ang semi-state
of war” sa ilalim ng napagkasunduan ng dalawang bansa.

CALOYand

SUNDAN ang mga balita sa NDBC Bida
Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

LABORER sa Makilala North Cotabato,
patay sa vehicular accident.

At......

Kaligtasan ng publiko sa
nalalapit na Tuna Festival at Charter Aniversary ng Gensan, tiniyak ng PNP at
military

Ang
detalye ng mga balitang ‘yan susunod sa NDBC BIDA BALITA.

0-

5TH
BREAK

Local…………………..

PATAY ang isang laborer matapos na
maaksidente sa Makilala, North Cotabato.

Mula sa DXND
Radyo Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
LABORER)

Isa na namang laborer ang nasawi matapos masangkot sa isang vehicular
accident sa National Highway ng brgy Kisante, Makilala North Cotabato pasado
alas sais kagabi. Kinilala ng imbesitigador na si Noel Taladoc ng Makilala PNP
ang namatay na biktima na si Delatore Makla na taga Pangayasan, Kisante,
Makilala. Ayon sa report, habang tumatawid ang biktima sa National Highway ay
nabundol ito ng rumaragasang SUV na may license plate NTO 370 na minamaneho ni
Dennis Salde, 47-anyos isang negosyante ng Kidapawan City. Sinabi ni Taladoc na
naisugod pa ang biktima sa pagamutan pero ilang sandali lamang ay binawian na
rin ito ng buhay. Si Makla na ang pangatlong biktima na nasawi sa road accident
sa brgy. Kisante, Makilala simula noong linggo.

Local…………………….

Kaligtasan ng publiko sa
nalalapit na Tuna Festival at Charter Aniversary ng Gensan, tiniyak ng PNP at
military

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
TUNA)

Magtutulungan ang militar at
pulisiya sa pagpapatupad ng mahigpit na
seguridad sa General Santos City.

Ito ay kaugnay sa 17 Tuna
Festival at 14th Charter Anniversary ng lungsod na gaganapin sa
September 1 hanggang 6.

Ayon kay Police Chief
Inspector Edgar Yago, ang Chief of Police ng Gensan, handa na ang PNP at joint
task force sa pag deploy ng karagdagang mga sundalo at pulis sa mga matataong
lugar sa gensan.

Tutulong din sa
pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod ang mga pulis mula sa Pnp Regional
Office 12.

Ang mga ito ayon kay Yago ay
itatalaga sa mga matataong lugar sa Gensan.

Maglalagay din ng mga choke
points at bomb squad sa mga piling lugar sa lungsod.

Ayon naman kay Col. Renato
Padua,ang hepe ng Joiint Task Force , pinaigting nila ang pakikipag ugnayan ngayon sa pulisiya.

Nagdagdag na rin sila ng mga
sundalo .

Para matiyak ang kaligtasan
ng publiko, ipatutupad ng pulisiya at militar ang No Backpack Policy” lalong
lalo na sa Oval Plaza.

Bawal ding pumasok sa lugar
ang mga motorsiklo at mga sasakyang walang car pass.

Maliban sa mga deputized
personnel mula sa PNP at militar, ipinagbabawal din ang pagdadala ng baril sa
mga lugar kung saan gagawin ang pagdiriwang.

Local…………………..

PTA subsidies sa public schools
sinimulan ng ipinamahagi ng Kidapawan City LGU

Mula sa DXND
Radyo Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
PTA SUBSIDY)

Sinimulan ng ipinamahagi ng City LGU ang PTA Subsidies sa mga
pampublikong eskwelahan sa Kidapawan City. Sinabi ni City Mayor Joseph
Evangelista, Layunin ng pagbibigay ng mga subsidy na mailibre na ang P200 na
bayarin sa Parents Teachers Association Projects ng mga mag-aaral sa mga
pampublikong elementary at high schools sa limang distrito ng DepEd sa lungsod.
Noong nakaraang araw ay personal na iniabot ng alkalde ang tseke sa Macebolig
Integrated School at San Miguel Elementary School sa brgy Macebolig. Kahapon ay
tumanggap rin sa kanilang subsidy ang Mateo Olodin Elementary School at
Linangcob National High School sa brgy. Linangcob. Naka schedule ring tumanggap
ang iba pang public elementary at secondary schools sa susunod na mga araw. Ang
P200 subsidy kada bata na naka enroll sa public schools ay doble na sa ngayon
simula ng ipatupad ni Evangelista ang P100 na PTA subsidy noong nakalipas na
school year. Sa school year 2016-2017 naman, nangako ang city government na
dadagdagan ng isang daang piso ang PTA subsidy nila. Magiging P300 na ito kada
pupil o estudyante.

VC- EVANGELISTA Si
Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista

SPORTS
……………. (Play Stinger)

Handa na ang limang
boksingerong sasabak sa Asian Confederation Boxing Championships na magsisimula
ngayong araw sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Association of
Boxing Alliances in the Philippines o ABAP executive director Ed Picson na
kayuang-kayang sungkitin ng limang atleta ang gintong medalya dahil kumpleto sila
sa ensayo.

Ang mga boksingerong
isasabak sa event ay sina Rogen Ladon, Ian Clark Bautista, Mario Fernandez,
Charly Suarez at Eumir Felix Marcial.

Noong nakaraang 28th
Southeast Asian Games sa Singapore ay nanalo na ng gold medal Sina Ladon,
Bautista, Fernandez at Marcial.

Ang Asian Championships ay
qualifying event para sa AIBA World Boxing Championships sa Oktubre sa Doha,
Qatar, ang AIBA World Boxing Championships naman ang huling quali­fying
tournament para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

WEATHER
UPDATE…………… (Play Stinger)

Cue………….
Victoria

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong MIYERKULES, AUGUST 26, 2015…
INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION,
ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...