Friday Apr, 26 2024 01:10:36 AM

NDBC BIDA BALITA August 24, 2015

 • 18:22 PM Mon Aug 24, 2015
2,284
By: 
NDBC NCA TEAM

NEWSCAST

AUGUST 24,
2015 (MON)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong LUNES, AUGUST
24, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. PAGSABOG sa guard house ng mga
sundalo sa Cotabato city, hindi raw aksidente, giit ng hepe ng Army’s 5th
Special Forces Battalion.

2. MAG-AMA, tinambangan sa Arakan,
North Cotabato anak patay.

3. APAT na mga preso na nagtangkang tumakas
mula sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Center, arestado.

4. MAHIGIT isang milyong mga kabataan
sa Pilipinas, nanatiling mga tambay batay sa 2015 Labor Force Survey.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

IGINIIT NGAYON ni 5th
Special Forces Battalion commander Lt. Col. Ranulfo Sevilla na hindi aksidente
ang naganap na pagsabog ng rifle grenade sa kanilang guard house noong Huwebes
ng gabi, August 20.

Ito ay sa harap ng lumalabas na balita
na sa loob ng guard house sumabog ang naturang granada at hindi totoong may
umatake sa naturang grupo ng mga sundalo.

Ayon kay Sevilla, may isang public
official pa ng lungsod ang nagkakalat ng ganitong balita kahit wala namang
sapat na basehan.

Aniya, iresponsable ang ganitong mga
pahayag na nagbibigay ng masamang imahe sa kanilang hanay.

Paliwanag ni Sevilla, base sa salaysay
ng kanilang hawak na testigo, sadyang pinaputukan ng M-203 grenade launcher ang
kanilang kampo.

Aniya, may hawak din silang CCTV
footage na nagpapakita ng aktwal na pagbaril ng dalawang mga suspek na sa
ngayon ay hindi pa nakikilala ng mga otoridad.

SEVILLA CUE…………..

Sa naturang pagsabog ay nasawi ang
sundalong si Private First Class na
naka-duty sa guard house noon. Sugatan naman ang kasama nitong si Private First
Class Marvin Ona.

Ito na ang ikatlong harassment sa Special
Forces na naka-base sa Cotabato City.

Local……………………

NASAWI ang anak habang sugatan naman
ang kanyang ama, sa pananambang na naganap sa Arakan, North Cotabato. Mula sa DXND Radyo bida Kidapawan- narito ang report

(KIDAPAWAN – AMBUSH)

Blanko pa ang
Arakan PNP sa motibo sa nangyaring pananambang sa isang mag-ama sa Arakan North
Cotabato noong sabado ng hapon.

Ayon sa report
ng Cotabato Police Provincial Office, dead on the spot ang anak na si Roger
Forman Jr. habang sugatan naman ang ama na si Roger Forman Sr.

Ayon sa report pauwi
na sana sa brgy. Pobalcion, Arakan ang mag-ama sakay sa kanilang Kawasaki Fury
motorcycle pero pagdating nito sa bahagi ng brgy. Makalangot ay dito na sila
tinambangan ng mga di pa kilalang armadong kalalakihan.

Iniimbestigahan
na ngayon ng pulisya ang panibagong kaso na naitala sa bayan.

Napag-alaman na
nangyari ang insidente ilang araw lamang matapos ang pagbaril at pagpatay kay
Joel Gulmatico, leader ng mga magsasaka sa bayan.

Matatandaang
isang Special Investigation Task Group ang binuo ng PNP para tumutok at manguna
sa pag imbestiga sa sinapit ng biktima.

Samantala,
nagpalabas na rin ng deriktiba si Arakan Mayor Rene Rubino sa pagtugis sa mga
suspek sa dalawang kaso ng pamamaril.

Hinigpitan na
rin ng PNP ang seguridad sa bayan kasabay naman sa pagsisimula ng kanilang
ika-24 taong anibersaryo ng bayan at kauna-unahang SAGAYA Festival.

Local …………………….

APAT na mga preso na nagtangkang tumakas
mula sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Center, arestado.

Mula sa DXOM
Radyo Bida- Koronadal, narito ang report

(KORONADAL –
PRESO)

KORONADAL CITY-Naudlot ang tangkang pagtakas ng
apat na mga preso sa South Cotabato Provincial Rehabiltiation and Detention
Center o SPRDC Koronadal City.

Ito ay matapos agad ding mahuli ng mga
otoridad.

Kinilala ang mga preso na sina Jeffrey Cabrera
residente ng Polomolok, South Cotabato at may kasong robbery-hold up at
Jonathan Campong ng Noru, Upi, Maguindanao na kinasuhan ng illegal possession
of explosive.

Ayon kay South Cotabato OIC Provincial Jail
Warden Juan Lanzaderas, sina Cabrera at Campong ay naaresto sa palayan di
kalayuan sa kulungan matapos makipaghabulan sa mga jail guard at mga pulis.

Habang ang mga kasama naman ng mga ito na sina
Remark Bersula ng Barangay San Jose Koronadal na may kasong robbery at Ryan
Paquera na kinasuhan ng illegal possession of firearms ay nadakip bago pa man
makalabas sa compound ng SCPRDC.

Naniniwala si Lanzaderas na pinagplanuhan ng
matagal ng apat na mga preso ang tangkang pagtakas.

Ito ay matapos marecover ng mga otoridad ang
pinagdugtong na beddings at bakal na ginamit ng mga ito sa pag-akyat at
pagtalon sa mataas na pader.

Ayon kay Lanzaderas, dahil sa araw ng
dalaw,abala ang mga Jail guard sa pag estima at pag inspeksyon sa mga mamamayan
na bibisita sa kanilang mga nakakulong na kaanak .

Ito ay sinamantala naman ng apat na preso na
tumangkang tumakas dakong alas dyes ng umaga kanina.

Ayon kay Lanzaderas isang inamte ang sumigaw ng
makita ang tangkang pagtakas ng kanyang mga kasamahan na agad namang nakatawag
pansin sa mga jail guard.

Problema sa pamilya at kakulangan umano sa
pagkain sa pasilidad ang dahilan ng kanilang tangkang pagtakas ayon sa isa sa
mga nadakip na si Campong.

Gayunpaman binigyan diin ni Lanzaderas na sa
kabila ng kakulangan ng pondo, ibinibigay naman nila sa mga preso ang kanilang
mga pangangailangan. (Roel P. Osano)

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Itinuturing ni Luis Antonio
Cardinal Tagle na isang salot sa buhay ng tao ang pagmamayabang sa sariling
kakayahan at sa halip ay alamin at ipahayag ang salita ng Diyos.

Ayon kay Cardinal Tagle, hindi
lamang karunungan o pagiging magaling sa paaralan at pag-angat sa buhay ang
kinakailangan ng isang mananamplataya .

Aniya, ang karunungan na
nagmumula sa kayabangan at pagiging makasarili ay hindi nakapagbibigay buhay sa
tao.

Habang ang kamangmangan naman
ay puwedeng maging ugat ng kapahamakan sa buhay

Nanawagan si Cardinal Tagle
sa mga kabataan na ugaliin ang pagsasabuhay ng salita ng Diyos imbes na
magyabang ng kakayahan sa iba’t ibang aspeto.

BERNADETTEand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD……

MISTER NA sinaksak ang sarili matapos
mapatay ang misis dahil sa sobrang selos sa Midsayap, North Cotabato, inilibing
na.

CALOYand AT
ABANGAN SA TIMRA!

Tropa ng mga sundalong sugatan na
nakipag-sagupa sa Abu Sayyaf, pinarangalan.

Ang mga
balitang yan at iba pa, susunod na sa NDBC BIDA BALITA.

0-

Local …………………

HINATID NA SA KANILANG HULING HANTUNGAN
ang mag-asawa na nasawi dahil sa sobrang selos.

Pasado alas nuebe ng gabi nang magwala
si Ramon Bajador, 38 years old, at pinagsasaksak ang misis niyang si Mylene
hanggang sa tuluyang mamatay.

May nabasa kasi na mga ‘sweeet message’
si Ramon sa cellphone ng misis mula sa hindi natukoy na tao, kaya nagalit ito
at sobrang nagselos.

Matapos ang pananaksak sa misis ay
sinaksak din ni Ramon ang sarili na ikinamatay din nito.

Samantala, nagkasundo naman ang pamilya
ng nasawing mag-asawa na kupkupin na lang ang naiwang anak ng mga ito.

LOCAL…………………

Mahigit dalawang daang
libong mga turista, bumisita sa South Cotabato sa unang anim na buwan ng 2015

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
TURISTA)

Bumisita sa lalawigan ng South Cotabato
ang abot sa 241, 883 na mga turista mula Enero hanngang Hunyo nitong taon.

Ito ay batay naman sa datus ng Arts,
Culture, Tourism, Museum Development and
Promotion o ACTM Unit ng provincial tourism office.

Ayon kay Tourism Officer Annaliza
Mondejar, karamihan sa mga turistang dumayo ay mga same day”visitors o mga
excurtionist o turista na nag-overnight sa mga
tourist destinations sa South Cotabato.

Mahigit dalawang daang libo sa mga ito
ay mga local tourist at mahigit isang libo naman ay mga banyaga.

Pinakamaraming turista na umabot sa
mahigit dalawang libo ay bumisita sa Lake Sebu.

Ang Lake Sebu ay pangunahing tourist
destination sa South Cotabato .

Kabilang sa mga ipinagmamalaki ng lugar
ang malinis na lawa , luntiang kapaligiran , seven falls, zipline at Lang Dulay
Weaving Center.

Pumapangalawa naman sa Lake Sebu ang
bayan ng Tupi kung saan matatagpuan ang Tarsier Sanctuary at Polomok na
may pinakamalawak na pineapple
plantation sa buong mundo at Mt. Matutum.

Ayon kay Mondejar ang datus na kanilang
nakalap ay mula mismo sa mga accomodation establishments, resorts at iba pang tourist attractions sa buong lalawigan.

LOCAL…………………

Dispatcher,
patay sa pamamaril sa Kidapawan City

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
SHOOTING)

Patay ang isang dispatcher matapos
pagbabarilin sa overland terminal Kidapawan City pasado alas kwatro ng madaling
araw kahapon.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe
ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Junaire Panyaman Amuage, 56 anyos ,
dispatcher ng SUV Bound for Davao City na taga Talisay Street ng lungsod.

Ayon kay Anito sakay ang biktima sa
kanyang motorsiklo papunta na sana sa Overland Terminal pero pagdating nito
malapit sa bahay ng isang Mildred Acino ay dito na siya pinagbabaril ng mga
nakaabang sa kanyang mga pa kilalang suspek.

Apat na tama ng bala mula sa caliber 45
pistol ang tinamo ni Amuage sa kanyang batok na nagresulta ng kanyang agarang
kamatayan base na rin sa narekober sa crime scene.

Mabilis ring tumakas ang suspek matapos
ang krimen.

Sa dagdag na imbestigasyon ng pulisya
narekober rin sa biktima ang apat na pakete ng pianiniwalaag shabu na siyang
tinututukan nila ngayon ng PNP na posibleng dahilan sa pamamaril.

Pero wala naman pahayag ang pamilya ng
biktima kung gumagamit ba ng ilegal na droga ang biktima at wala naman raw
itong nababanggit na banta sa kayang buhay.

Sa ngayon tinutugis na ng mga otoridad
ang responsable sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

NASA 1.35 milyong mga kabataan na out-of-school
youth

mula sa kabuuang bilang na 2.68 million
ang nananatioing walang trabaho na nasa edad 15 hanggang 24 anyos.

ito ay batay sa 2015 Labor Force Survey
na isinagawa noong Abril.

Dahil dito, naghain ng panukala si
Senator Sonny Angara na naglalayong tulungan ang mga out-of-school youth na
sumailalim sa mga pagsasanay at iba pang skills training upang madaling
makapaghanap ang mga ito ng trabaho.

Sa pamamagitan ng Senate Bill 2889 o
ang JobStart Philippines Act ni Angara, itinatag ang JobStart Philippine
Program o isang labor market program.

Unang lumutang sa bansa ang JobStart
program noong Mayo ng nakalipas na taon na pinondohan ng pamahalaan ng Canada
at tulong teknikal naman mula sa Asian Development Bank.

Inilunsad naman ng Department of Labor
and Employment ang naturang programa sa General Trias, Cavite San Fernando,
Pampanga Taguig City at Quezon City.

Sa kabuuang 1,800 trainees, 677
­JobStarters ang nakakumpleto na ng unang yugto ng life skills training at agad
na nakakuha ng trabaho.

TIMRA

NARITO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

TIMRA
08-24-2015 ARGIE GRATUITO

SUMAINYO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

Susunod ..

SUSPECTED
DRUG COURIER, nadakip ng mga sundalo sa Midsayap, North Cotabato.

At………………………..

Cafgu na pinaniniwalaang bumaril at
pumatay sa mga kasamahan sa Tampakan, South Cotabato, naaresto sa Koronadal
City

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, susunod na sa NDBC BIDA BALITA!

0-

3RD BREAK

Local…………………….

NAARESTO ng mga
sundalo ng Army’s 38th Infantry Battalion ang isang suspected drug pusher sa
isinagawang checkpoint sa Makar National Road, sa barangay Kapinpilan, Midsayap,
North Cotabato.

Nakilala ang
naaresto na si Edwardo Jestro, 43 years old, laborer at taga-Brgy Salunayan, Midsayap.

Nakuha mula sa
suspek ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu na binili niya mula sa
isang liblib na barangay sa bayan.

Agad na inihatid ng
mga sundalo ang suspek sa Midsayap PNP upang masampahan ng kaukulang kaso.

Samantala, umaasa
ang mga pulis sa bayan na tuluyan nang matunton ang pinagkukunan ng shabu sa
bayan base na rin sa mga salaysay ng mga naarestong suspected drug pusher at
users.

Local……………………

Laborer,
patay matapos masangkot sa vehicular accident brgy. kagawad kritikal naman sa
pananaksak sa Makilala, North Cotabato

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
LABORER)

Patay ang isang 18 anyos na lalaki
matapos masangkot sa vehicular accident sa Davao-Cotabato National Highway
partkular sa Brgy Kisante, Makilala North Cotabato, mag-aalas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel
Cuesta Manzo, taga Sta Cruz, Dvo del Sur, na nagtatrabaho bilang laborer sa Brgy Bulakanon, Makilala.

Ayon sa report, minamaneho ng Manzo ang
kanyang Suzuki 155 raider motorcycle mula Bansalan area ng aksidente itong
bumangga sa isang steel signage sa nirerepair na kalsada sa lugar.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima
pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala nasa kritikal naman ngayon
ang kondisyon ng dalawa-katao, isa nito brgy kagawad matapos saksakin ng kanilang
kapitbahay sa brgy. Bulakanon, bayan pa rin ng Makilala.

Ang biktima ay kinilalang si Socrates
Abril 48anyos Brgy kagwad ng Bulakanon
at kasama nitong si Tine Ricaredo,
49-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Ernisto Jambora Jr, alyas kokoy
30anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inawat
lamang ni kagawad Abril at Rivaredo ang suspek mula sa nakainitan nito pero sa
halip na makinig ay sinasaksak niya ang dalawang mga biktima.

Sa ngayon, tinutugis na ng mga pulis
kasama ang mga brgy. official sa lugar si Jambora na tumakas matapos ginawa ang krimen.

Local………………….

Cafgu na pinaniniwalaang bumaril at
pumatay sa mga kasamahan sa Tampakan, South Cotabato, naaresto sa Koronadal
City

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
CAFGU)

TAMPAKAN,
SOUTH COTABATO – Naaresto na ng mga otoridad ang Civilian Auxiliary Forces
Geographical Unit (CAFGU) na suspek sa pamamaril ng kaniyang kasamahan kahapon
sa Brgy. Topland, lungsod ng Koronadal.

Ito
ang kinumpirma ni Tampakan PNP Chief of Police PSI Sherwin Boy Maglana ng
makapanayam ng Radyo Bida Koronadal.

Kinilala
ang suspek na si Mark Anthony Aradaza, legal ang edad, residente ng Brgy. San
Isidro, Tampakan, South Cotabato at miyembro ng 72nd CAA/CAFGU na nasa ilalim
ng 27th Infantry Battalion, Philippine Army.

Matatandaang
pinagbabaril ng suspek ang kaniyang kasamahan na binawian ng buhay na sina
Frankly Viloria, 23 anyos at Mark Anthony Macul, 26 anyos, pawang mga binata at
ikinasugat naman ni Camilo De Claro, 23 anyos, binata at pawang mga residente
ng nabanggit na bayan habang nagpapahinga ang mga ito sa kanilang detachment sa
dakong 9and00 ng gabi sa Brgy. Palo 19 ng naturang bayan.

Kasalukuyang
nasa kostudiya ng Tampakan PNP ang suspek na CAFGU habang inihahanda na ang
kaukulang kaso laban sa kaniya.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

ABOT sa 39 billion pesos ang inilaang
calamity fund ng gobyerno para sa susunod na taon na nakapaloob sa 2016 national
budget na nagkakahalaga ng 3.002 trillion pesos.

Matapos ang isang linggong break,
ipagpapatuloy na ulit ngayong araw na ito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso
ang pagdinig sa pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay House deputy minority leader
Arnel Ty, ang calamity fund ay inilagay sa National Disaster Risk Reduction and
Management Fund.

Kabilang sa mga pondong ito ay ang
P19-B para sa rehabilitation, relief at calamity related service P18-B para sa
Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan at P1-B para sa People’s
Survival Fund.

DA
NEWS

MGA
MAGSASAKA sa isang barangay ng Tampakan, South Cotabato nakinabang sa
proyektong patubig ng DA 12

PLAY
DA 12 …. Aug 22

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

MGA
BIDA, worried ba kayo sa inyong BALAT?

Narito ang Top 10 Foods na mabuti para
sa skinand

Ang whole grains at oatmeal ay may
antioxidant na lumalaban sa mga implamasyon ng balat.

Ang goat milk, bukod sa masarap ay may
natural exfoliant at vitamins A at E. Binabalanse rin nito ang ph level at
alkalinity ng balat upang mas ma-absorb ang mga nutrients.

Ang nuts o mani ay mayaman sa Vitamin E
na pumipigil sa pagtanda.

Ang shea butter ay may antibmicrobial
at anti-inflamatory property na nag-aabsorb sa UV rays.

Syempre hindi mawawala ang mga red at
green vegetables at citrus fruits na nagpapanatiling bata sa balat.

Ang seafood naman ay may omega 3 fatty
acids na nag-aalis ng dryness ng balat.

At syempre ang honey na magpapanatili
ng moisture ng balat.

BE HEALTHY BE HAPPY...

CALOYand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

Running-mate ni Duterte sa
2016 niluluto na, ayon sa PDP Laban

At……………………

Mga guro at estudyante sa Koronadal
city, binigyan ng bakuna kontra tigdas, rubella at human papilloma virus

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, tunghayan sa pagpapatuloy ng NDBC BIDA BALITA!

0-

4TH BREAK

Local……………….

INULAN ng batikos sa social networking
sites na facebook at twitter ang Bureau of Customs o BoC sa plano nitong buksan
ang mga dumarating na balikbayan box na padala ng mga overseas Filipino workers
o OFWs para sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ilan sa mga nagpahayag ng galit at
pagkadismaya sa BoC ay mga OFW na mula sa Cotabato city.

Ang lungsod kasi at mga karatig na
lalawigan ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng mga mangagagawa sa middle
east.

Sa facebook post ni Mohammad, nagta
trabaho sa Dammam, sinabi nito na lagi na lang pinupuntirya ng gobyerno ang mga
mahihirap na Pinoy na nagsisikap magtrabaho sa ibang bansa para guminhawa lang
ang buhay.

Tinawag naman ni Jonathan, florist sa
Al Khobar, ang BoC na buwaya dahil ultimong mga maliliit na bagay na
pinaghihirapan ng mga OFW ay pagkikitaan pa daw ng ahensya.

Sabi naman ni Steph, nurse sa Jedah,
nakikinabang naman ang gobyerno sa kanilang mga remittance kaya sana ay ibalato
na lang ng BoC ang kanilang mga pinapadlang bagahe para sa mga pamilya sa
Pinas.

Una rito, nagkapit-bisig ang Filipino
communities sa apat na sulok ng mundo upang kuyugin ang Bureau of BOC.

Katunayan, May malaking pagpupulong ang
mga OFW group para planuhin ang gagawing hakbang laban sa BoC.

Samantala, nanindigan naman si BOC
Commissioner Bert Lina na alinsunod lamang sa pagpapatupad ng batas ang
pinaghigpit na inspeksyon sa mga balikbayan box na dumadating sa bansa.

Pahayag ito ng ahensya kaugnay sa mga
panawagan ng OFWs na huwag nang buksan ang mga balikbayan box na ipinapadala sa
bansa.

Sinabi ni Lina na ito'y bahagi ng
kanyang tungkulin na protektahan ang Pilipinas mula sa smuggled goods tulad ng
iligal na droga at hindi lisensyadong mga baril.

Ayon kay Lina, ginagamit kasi ng mga
mapagsamantalang traders ang balikbayan boxes para makapagpuslit ng smuggled
goods.

Iginiit din ng komisyoner na random
inspection lamang ang kanilang isasagawa at walang dapat ikatakot ang ating mga
kababayan kung wala naman silang itinatago.

Aniya, hindi rin dadagdagan ang buwis
na ipinapataw sa mga balik bayan box.

Local………………….

Running-mate ni Duterte sa
2016 niluluto na, ayon sa PDP Laban

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
DUTERTE)

ARAKAN
UPDATES……………… CUE

PLAY
ARAKAN SPECIAL REPORT

Local…………………….

Mga guro at estudyante sa Koronadal
city, binigyan ng bakuna kontra tigdas, rubella at human papilloma virus

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
BAKUNA)

Target ng Integrated Provincial health
Office ng Sarangani na mabakunahan ang mahigit dalawamput isang libong mga estudyante
sa lalawigan.

Ito ay kaugnay sa malawakang pagbibigay
ng bakuna kontra measles o tigdas, rubella, tetanus diphtheria,at human
papilloma virus o HVP na isinasagwa sa lalawigan ngayon.

Kabilang ang Sarangani sa dalawampung
pinakamahirap na lalawigan sa bansa na nakinabang sa malawakang vaccination na
pinaglaanan ng isang daang milyong piso ng Department of Health O DOH.

Gayunpanan naglaan ng karagdagang isang
milyon ang Sarangani Provincial
Government para sa pagbibigay din ng bakuna sa isang daang mga guro.

Ang mga guro na nagkakaedad ng 22
hanggang 30 years old ay binigyan ng HPV vaccine na isa sa mga kailangan para
maiwasan ang cervical cancer.

Ayon kay Sarangani Governor Steve
Chiongbian Solon ito ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng Sulong Kalusugan
scheme.

Layon nito ayon kay Solon na mabigyan
ng health safety precaution hindi lamang
ang mga estudyante kungdi pati ang kanilang mga guro.

Nilinaw naman ni Dr. Arvin Alejandro,
ang provincial health officer ng Sarangani na walang outbreak sa tigdas,
at rubella sa Sarangani.

INTERNATIONAL
NEWS…………………..

Inanunsiyo ng United Arab Emirates na
pinalaya na ng Al-Qaida sa Yemen ang kanilang bihag na British national.

Kinilala ang biktimang 18 buwan ding
hinostage na si Robert Douglas Semple, 64-anyos.

Nagtatrabaho si Semple bilang petroleum
engineer sa Hadramawt, Yemen nang kinidnap noong February 2014.

Hindi na idinitalye ng mga otoridad
kung paano pinakawalan at na-rescue si Semple.

Nabatid na modus operandi ng al-Qaida
na mangidnap ng mga foreigners kapalit ang multi-million-dollar ransom.

Noong Disyembre, pinatay ang American
citizen na si Luke Somers at South African teacher Pierre Korkie dahil sa
kabiguang magbayad ng ransom.

Dinukot si Somers ng al-Qaida sa Sanaa
noong September 2013 at si Korkie naman ay kinidnap sa Taiz noong May 2013.

CALOYand

SUNDAN ang mga balita sa NDBC Bida
Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

Amateur boxers mula sa North Cotabato
at General Santos City nagsalpukan sa Governor Lala Invitational Boxing Open sa
bayan ng Alamada.

At......

Dalawang liblib na mga Sitio sa
Koronadal City, magkakaroon na ng computer at internet connection

Ang
detalye ng mga balitang ‘yan susunod sa NDBC BIDA BALITA.

0-

5th
BREAK

Local…………………..

NAGKAKAISA ang mga mambabatas mula sa
Mindanao sa paghimok sa Joint Congressional Power Commission o JCPC para ihirit
sa Department of Energy o DOE ang posibleng pagkakaroon ng Mindanao Power
Corporation o MPC.

Ayon sa Lanao del Norte solons na sina
Reps. Imelda Quibranza Dimaporo at Abdullah Dimaporo, malaking hamon at
perwisyo ang pagkakaroon ng krisis sa kuryente kaya naman dapat itong harapin
at solusyunan para sa hinaharap ay maagapan ang mga nakaumang na power crisis.

Ang dalawang solon ang nag-akda ng
House Resolution 2243 na humihikayat sa energy department na magsagawa ng
feasibility study nang sa gayon ay maipursige ang pagbuo ng MPC na mangangasiwa
sa Agus-Pulangui Hydroelectric Power Complexes o APHPC.

Bukod dito umaapela rin sa Department
of Budget and Management o DBM ang mga mambabatas na maglaan ng alokasyon ng
sapat na pondo hinggil dito sa 2016 General Appropriations Act.

Local…………………….

Dalawang liblib na mga Sitio sa
Koronadal City, magkakaroon na ng computer at internet connection

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
SITIO)

Magkakaroon na ng access sa internet
ang mga mamamayan sa liblib na Sitio ng Nga Bango sa Barangay Saravia, at
Barangay Assumption sa Koronadal City.

Ayon kay Koronadal City Mayor Peter
Miguel,ang dalawang mga computer unit na ilalagay sa lugar ay bigay ng grupo ng
mga alkalde na dumalaw sa lungsod noong nakaraang linggo.

Ang wifi internet connection naman sa
dalawang mga barangay ay sagot na ng
pamahalaang panglungsod.

Layon nito na hindi mahuli sa paggamit
ng makabagong teknolohiya ang mga residente sa dalawang mga lugar na karamihan
ay pawang mga B’laan.

Ayon sa alkalde malaki ang maitutulong
ng mga computer at wi-fi connection sa pagaaral lalong lalo na sa pananalisik
ng mga estudyante sa nabanggit na mga lugar kung saan din matatagpuan ang
tribal village.

Plano ng lokal na pamahalaan na
ilagay ang mga computer units at wifi
connecton sa mas lalang madaling panahon para mapakinangan ng mga residente.

BALITA
ABROAD……………. (Play Stinger)

Kinumpirma ng Department of Foreign
Affairs o DFA na dalawang Filipino nurses ang kabilang sa panibagong
nag-positibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome CoronaVirus o
MERS-CoV sa Saudi Arabia.

Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose,
iniulat ng Philippine Embassy sa Riyadh na kasalukuyang nasa ­intensive care
unit ng isang ospital sa Saudi ang dalawang hindi pinangalanang Filipino
nurses.

Tiniyak naman ng hospital management sa
Philippine Embassy na tinutugunan ang pangangailangang medikal ng dalawang
Pinoy.

Dagdag pa nito, patuloy na binabantayan
ng embahada ang kalagayan ng mga biktima at nakikipag-ugnayan din sa Filipino
community sa nasabing bansa.

Sa tala ng World Health Organization
mahigit na sa isang libo katao ang nasawi sa naturang sakit kabilang na rito
ang 186 sa South Korea.

SPORTS
…………….

MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ang
Cotabato Private Schools Athletic Association or COPRISAA sa ika-42nd Cotabato
Provincial Athletic Association Meet o CPAAM noong ika August 20 hanggang
August 22, 2015 sa Cotabato Provincial Capitol Sports Complex.

Ito ay may temang Sportsand
Breaking Borders, Building Peace”.

Dinaluhan ng mga atleta mula
elementarya at sekondarya sa iba't ibang bayan ng lalawigan kabilang ang
Pigcawayan, Libungan, Alamada, Midsayap, Aleosan at Pikit Makilala, Pres.
Roxas, arakan, Magpet at Antipas at Tulunan, Matalam, Carmen, M’lang, Kabacan
at Banisilan at ang COPRISAA.

Nagtagisan ng galing sa
larong baseball, basketball, football, futsal, sepak takraw, softball at
volleyball ganun din sa socio-cultural
contests.

Ang nasabing programa ay
pinangunahan ni Gov. Emmylou Lala” Taliño-Mendoza at Third District of
Cotabato Representative Jose Ping-Ping” Tejada kasama ang DepEd Cotabato
Division.

Local…………………..

Amateur boxers mula sa North Cotabato
at General Santos City nagsalpukan sa Governor Lala Invitational Boxing Open sa
bayan ng Alamada.

Mula sa DXND
Radyo Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
BOXING)

Abot sa 80 na mga amateur boxers o mga
bagitong boksingero mula sa North Cotabato at General Santos City ang
nagpalitan ng malalakas na suntok sa katatapos lamang na Governor Lala
Taliño-Mendoza Invitational Boxing Open sa Alamada Municipal gym, Alamada,
North Cotabato.

Ayon kay Cot Provincial Sports
Coordinator Romeo Anito, maliban sa pagiging disiplinado ay nakitaan din ng
malaking potensiyal ang mga lumahok sa boxing tournament na may 39-40 bouts.

Sinabi pa ni Anito na determinado ang
mga boksingero mula sa Midsayap, Antipas, Aleosan, Libungan, Pres.Roxas at
Alamada,Cotabato na maipakita ang kakayahan sa boxing ganundin ang mga
katunggali mula sa Gen San.

Kabilang sa category o catch weight ay
27 hanggang 63 kilograms kung saan tampok rin ang ilang mga female boxers.

Ayon naman kay Allan Matullano,
tournament focal person, marami sa mga boksingero ang nangangarap na sumunod sa
yapak ni People’s Champ Manny Pacquiao na nagsimula rin bilang isang mahirap na
boksingero.

Samantala, ibayong husay naman ang
ipinamalas ng mga Karate-do mula sa lalawigan sa katatapos lamang din na
Karatedo Tournament sa Antipas Municipal Gymnasium .

Nasungkit ng Antipas Karate-dos and
ikalawang puwesto na nakakuha rin 46 medalya habang naging kampeon naman ang
Surigao Karate-dos na nakakuha ng 31 medals.

Ikatlong puwesto ang Notre Dame of
Kidapawan College na may 13 medals, ika-apat na puwesto ang Tagum City
Karate-dos, ika-limang puwesto ang Holy Cross of Sasa Davao at Nasa ika-anim,
pito at walong puwesto naman ang Don Carlos Bukidnon.

Layunin ng tournament na palakasin pa
ang sports sa hanay ng kabataan at ilayo sila sa illegal drugs at palakasin pa
ang sportsmanship at mabuting ugnayan ng mga karate-dos sa iba’t-ibang lugar sa
Mindanao.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin
ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival at ika-101 anibersaryo ng Lalawigan ng
Cotabato sa Sep 1, 2015.

WEATHER
UPDATEand WEATHER- Victoria

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong LUNES, AUGUST 24, 2015… INYONG
NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO
BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...