Sunday Mar, 26 2023 01:58:42 AM

NDBC BIDA BALITA August 27, 2015

 • 07:27 AM Fri Aug 28, 2015
1,998
By: 
ndbc

NEWSCAST

AUGUST 27,
2015 (THU)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong HUWEBES, AUGUST
27, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. APAT sa limang mga pugante sa
Maguindanao provincial jail, balik kulungan na.

2. ISA sa Top 20 illegal drug dealers
na tinutugis ng mga otoridad sa North Cotabato, patay sa pamamaril sa Mlang,
Cotabato.

3. Pambasabog at iligal na droga,
narekover sa bahay na ni-raid ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

4. MGA ESTUDYANTE sa mga state college
and universities, maglulunsad ng nationwide walkout
para almahan ang pagtapyas sa kanilang budget.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

MULING NADAKIP at naibalik na rin sa
kulungan ang pang-apat sa limang nakatakas na bilanggo sa Maguindanao
Provincial Jail, sa Cotabato city.

Mismong si Barangay Poblacion Dos
chairperson Johair Madag ang naghatid sa puganteng si Faizal Macarimbang sa Maguindanao
Provincial Jail pasado alas dos nang hapon kahapon matapos nila itong maaresto.

Tumakas sa naturang kulungan si
Macarimbang, kasama ang apat na iba pang inmates kahapon ng madaling araw.

Gayunman, dahil sa pina-igting na hot
pursuit operation ng mga otoridad, katuwang ang mga barangay official at tanod ng
lungsod at mga karatig na bayan sa Maguindanao, ay agad naaresto sina Orak
Makalay, Hakino Mento at Tampakan Antilino dakong alas tres ng madaling araw kahapon
sa isang checkpoint sa Esteros, Datu Odin Sinsuat.

Sa ngayon, tanging si Fahad Sangki na
lamang ang nananatiling at large” o tinutugis pa rin ng mga otoridad.

Sinabi ni Maguindanao Provincial Jail
Warden Macapagal Blao na nilagare ng naturang mga bilanggo ang rehas sa selda
otso na may lamang 25 inmates at saka tumakas.

Kaugnay nito, nanawagan na rin si Maguindanao
Gov. Esmael Mangudadatu sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan na
tumulong sa paghahanap at paghuli sa natitirang pugante na si Sangki.

Huling namataan si Sangki sa Purok
Silangan, Mother Barangay Tamontaka ng lungsod kagabi.

Usap-usapan sa naturang lugar ang
planong pagsuko ni Sangki subalit na-udlot umano ito matapos na makarinig ng
mga putok ng baril kagabi at nangamba para sa kanyang buhay.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

MAARING MAY BAHID politika ang desisyon
ng gobyerno na pigilan ang plano ng Bureau of Customs o BoC na magsagawa ng
random inspection sa balik-bayan boxes

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on
Migrants and Itinerant People chairperson at Balanga, Bataan Bishop Ruperto
Santos, posibleng natakot ang pamahalaan na hindi iboto ng mga OFW at ng mga
kamag-anak nila ang mga kandidato ng gobyerno sa 2016 presidential elections.

Pahayag pa ng Obispo, hindi rin dapat
ipagpasalamat kung hindi na pinabubuksan ng Pangulong Aquino ang mga balikbayan
box sa BOC dahil sila rin ang gumawa ng problemang ito kaya dapat sila rin ang
gumawa ng solusyon

Giit pa niya, wala talagang malasakit
ang pamahalaan sa mga OFW lalo na at mababaw ang kanilang dahilan kaugnay ng
pagbubukas at pagbubuwis ng balikbayan box.

Ayon kay Bishop Santos, sa halip na
pag-initan ang mga OFW bakit hindi ang malalaking smuggling sa bansa ang
bigyang pansin.

2ND BREAK

Local …………………

ISA NA NAMANG BANGKAY ng lalaki ang natagpuang
palutang-lutang sa Rio Grande de Mindanao, bahagi ng

Barangay Kalanganan uno, Cotabato city

Sa report ng city PNP, natagpuan ang
naturang bangkay pasado alas syete nang umaga kahapon.

Ito ay nasa 5’2 ang tangkad, nasa 20
hanggang 25 taong gulang, nakasuot ng maong pants at itim na Tshirt.

May tatlong tama ng bala sa dibdib mula
sa hindi pa matukoy na uri ng baril ang nasabing bangkay na ngayon ay nasa
Villa Funeral Homes.

Naniniwala ang mga pulis na pinatay sa
ibang lugar ang nasabing lalaki, itinapon sa ilog at naanod sa naturang lugar.

Hanggang ngayon ay wala pa ring mga
kamag-anak o kakilala ang umaangkin sa nasabing bangkay.

Samantala, una rito, isa ring floating
cadaver ang narekober sa ilalim ng tulay sa Purok Tabanga, Barangay Bagua dos,
Cotabato city pasado alas sais nang umaga kamakalawa.

Kinilala ang nasabing bangkay na si
Berto Olivares, 19 years old, taga- Purok Miladek, Mother Barangay Bagua.

May mga tama ng saksak sa dibdib at ulo
si Olivares na pinaniniwalaang naging sanhi ng kamatayan nito.

Agad namang kinuha ng kanyang mga
kaanak ang bangkay ni Olivares.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

MAGLULUNSAD ng ‘nationwide walkout’
sa kanilang mga classroom ang ?mga?estudyante mula sa mga state university and
colleges o SUCs ngayong araw.

Ito
ay bilang protesta sa pamahalaan matapos tapyasan ang budget para sa mga SUCs.

Pangungunahan?ngational?Union?of?Students?of?the?Philippines o NUSP
at Rise for Education Alliance ang naturang pagkilos.

Ayon kay NUSP National?President?Sarah Elago,
malawakan pa rin ang lump sum allocations ng?pork?barrel sa 2016
budget.

Sa kabila nito, naka­umang pa rin ang
pagtapyas sa budget ng SUCs.

Malinaw aniya na ang budget cut ay
magreresulta sa pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa hinaharap.

Sinabi naman ni Kabataan Rep. Terry
Ridon na ang nakapormang budget cut ay sa kabila ng apat na porsiyentong
itinaas ng pondo para sa 114 SUCs na mula P42.3-B ngayong taon ay inakyat sa
P43.8-B para sa 2016.

3RD
BREAK

Local…………………….

BLANGKO pa rin ang mga otoridad sa motibo ng pananambang sa isang
sundalo sa national highway, barangay Bulik, Datu Montawal, Maguindanao pasado
alas dos ng hapon kahapon.

Kinilala ni Datu Montawal PNP chief police insp. Azul Pandulo ang nasawing
biktima na si private first class Herando Daban, taga-Midsayap, North Cotabato
at natalaga sa Army’s 7th Infantry Battalion.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagmamaneho ng
kanyang motorsiklo si Daban mula Amas, Kidapawan city patungo sana sa Pikit
nang tambangan ng hinihinalang riding tandem.

Sabi ni Pandulo, base sa kanilang pagtatanong, walang aktuwal na
nakasaksi sa insidente.

Ayon sa mga residente na nakatira malapit sa pinangyarihan ng
krimen, nakarinig lang sila ng sunod sunod na putok ng baril at nakita na lang
nilang bumulagta na sa kalsada si Daban.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol si Daban sa kanyang
leeg, dibdib, likod at tiyan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, tinututukan ngayon ng mga otoridad ang posibilidad na
mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang mga salarin.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

NANAWAGAN si Bureau of Internal Revenue
o BIR Commissioner Kim Henares sa mga netizen na itigil ang pagkakalat sa mga
social networking site na nakatakdang buwisan ng BIR ang mga remittance ng mga
OFW.

Nilinaw ni Henares na nanatiling
tax-free ang OFW remittances.

Pinayuhan din nito ang mga OFW na huwag
maniwala sa mga kumakalat sa Facebook na nakatakda nilang patawan ng 35% tax
ang mga ipinadadala nilang pera sa Pilipinas.

Paglilinaw pa ni Henares, may
binabayaran sa remittance centers pero hindi aniya ito napupunta sa gobyerno.

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

Marami sa mga Pinoy ang madalas umidlip
sa kalagitnaan ng kanilang trabaho o minsan ay kapag may mga sobrang oras at sa
tuwing nasa byahe.

Sinuportahan naman ng mga eksperto ang
gawaing ito ng ilang indibidwal na sinasabing maraming naitutulong sa ating
kalusugan.

Kagaya ng power nap o 20 minutong
pagtulog ay nakakapagbigay ng karagdagang muscle memory at nagaayos at narerelax
nito ang utak para sa pagbuo muli ng mga bagong ideya o pagdaragdag ng mga
bagong impormasyon.

Samantala, ipinapayo rin ng mga
dalubhasa ang lazy man’s nap o yung pagtulog ng 50-90 minutes kung saan lumabas
sa pag-aaral na it improves perceptual processing at great in repairing bones
and muscles.

4TH
BREAK

Local……………….

LUMAGDA NA ISANG KASUNDUAN ang
Bangsamoro Development Agency o BDA at United Nations Population Fund, dating

United Nations Fund for Population
Activities o UNFPA

para paigtingin ang kampanya laban sa
mataas na insidente ng pagkamatay ng sanggol at ina o neonatal at maternal
deaths sa proposed Bangsamoro territory.

Ginawa ang MoA signing kahapon sa Camp
Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Batay sa 2010 census na iprinisenta ng
UNFPA, ang ARMM ang may pinakamataas na poverty incidence na abot sa 47 percent
ng populasyon nito.

Ito ang itinuturong dahilan kaya mataas
din ang neonatal at maternal deaths sa rehiyon.

Dahil dito, pinondohan ng UNFPA ang mga
programang ipatutupad ng BDA para matugunan ang nasabing problema.

Ang unang phase ng programa na
kinapapalooban ng kampanya at pagsasanay ay ipatutupad ngayong taon habang
sisimulan naman sa susunod na taon ang phase 2 na Ligtas Buntis 2016”

Laking pasalamat naman ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF sa pangunguna ni chairperson Al Haj Murad Ibrahim kay UNFPA
country representative na si Klaus Beck.

Ayon kay Ibrahim, sa kabila ng
nakabinbin pa ring panukalang Bangsamoro Basic Law, mananatiling prayoridad ng
MILF ang kalusugan ng mga mamamayang Bangsamoro.

BALITA ABROAD…………………..
PLAY STINGER

BIBISITA ang prime minister ng Thailand
sa Pilipinas para mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin
tulad ng pagpapalakas ng relasyon ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o
DFA, ngayong araw nakatakdang dumating si His Excellency General Prayut
Chan-o-cha, Prime Minister ng Kingdom of Thailand para makipagpulong kay Pangulong
Aquino.

Sinasabing ito ang kauna-unahang
pagbisita sa bansa ni Chan-o-cha sa Pilipinas mula nang manungkulan ito sa
Thailand bilang PM noong Agosto 2014.

Kabilang sa nakatakdang pag-usapan ng
dalawang bansa ang mutual concern tulad ng defense, law enforcement, edukasyon,
trade and investments, agrikultura, turismo, security, technical cooperation,
at sa nilalaman ng Association of South East Asian Nation.

5TH
BREAK

SPORTS
……………. (Play Stinger)

Handa na ang limang
boksingerong sasabak sa Asian Confederation Boxing Championships na magsisimula
ngayong araw sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Association of
Boxing Alliances in the Philippines o ABAP executive director Ed Picson na
kayuang-kayang sungkitin ng limang atleta ang gintong medalya dahil kumpleto sila
sa ensayo.

Ang mga boksingerong
isasabak sa event ay sina Rogen Ladon, Ian Clark Bautista, Mario Fernandez,
Charly Suarez at Eumir Felix Marcial.

Noong nakaraang 28th
Southeast Asian Games sa Singapore ay nanalo na ng gold medal Sina Ladon,
Bautista, Fernandez at Marcial.

Ang Asian Championships ay
qualifying event para sa AIBA World Boxing Championships sa Oktubre sa Doha,
Qatar, ang AIBA World Boxing Championships naman ang huling quali­fying
tournament para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

Kabilang sa top 20 Drug
Dealer patay sa pamamaril sa Mlang, North Cotabato

Patay na ng madatnan ng
Mlang PNP ang isang lalaki matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang
katawan sa liblib na lugar ng Brgy. Buayan, Malang, North Cotabato kahapon ng
umaga.

Kinilala ni Sr. Ins.
Jonameel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang biktima na si Roberto Sastrillo
,residente ng Purok Pag-asa, brgy. Buayan, Mlang.

Ayon kay Toñacao limang tama
ng bala ang tinamo ni Castillo mula sa kalibre 45 na baril na naging sanhi ng
kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya
kabilang si Castillo sa top 20 drug dealer sa lugar at napatunayan ito matapos
makuha mula sa kanyang bulsa ang siyam na mga sachet ng iligal na droga.

Naniniwala naman ang mga
otoridad na doon lang din sa lugar binaril ang biktima dahil na rin sa bakas ng
dugo na makikita sa lugar.

Nahirapan namang tukuyin ng
PNP ang responsable sa krimen dahil tago ang area at malayo ito sa bahay ng mga
residente.

Onsehan sa droga ngayon ang
sinusundang anggulo ng PNP sa posibleng dahilan sa pamamaril habang patuloy rin
nilang iniimbestigahan ang insidente.

Solar led lights ipinamahagi
sa 50 mga bahay sa isang IP village sa Kidapawan City

PAGKATAPOS ng mahaba-habang
panahong paghihintay, nagkaroon na rin ng ilaw ang may 50 mga bahay ng mga
katutubo sa Brgy. Balabag, Kidapawan City.

Ang Barangay Balabag ay
matatagpuan sa Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas at
pinamamahayan ito ng mga Manobo.

Ang mga bahay na itinayo sa
IP village ay bahagi ng proyekto na magkatuwang na ipinatupad ng National
Housing Authority at ng Kidapawan City LGU.

Para maging maayos at
matiwasay ang paninirahan ng mga katutubo sa kani-kanilang mga bahay, naglagay
doon ng solar panel at solar led lights.

Ang mga panel at ilaw ay
libreng ipinamahagi ng city LGU sa pamamagitan ng pondo mula sa Gangwon
Province sa Republic of South Korea, ng International Urban Training Center, at
ng United Nations Habitat.

Dahil sa libreng pailaw,
makakapag-aral na ng kanilang mga aralin sa gabi ang mga batang lumad.

Sinabi naman ni Kidapawan
City Mayor Joseph Evangelista ang nasabing solar led light ay kontra-dengue
rin.

Kahapon ay pormal ng iti-nurnover
na dinaluhan naman ng Korean Ambassador for International Affairs Doo Jung-So
at IUTC professors Kwi Gon Kim at Dr. Yeong-hoon Kim.

Sa nasabing seremonya,
ipinakita naman ng mga katutubo ang kanilang pasasalamat sa mga Koreano sa
pamamagitan ng kanilang mga sayaw.

Programa ng CDRRMO pwedeng
gayahin ng iba pang LGU's sa North Cotabato

Kung ang Republic Act 10-121
lang ang pagbabasehan, pwede nang magaya ng iba pang mga LGU's ng North
Cotabato ang Disaster Risk Reduction and Management Programs na ipinatutupad ng
Kidapawan City Government sa kasalukuyan.

Kamakalawa lang ay nagtipon
ang lahat ng Municipal Risk Reduction and Management Offices mula sa 17 bayan
ng North Cotabato na isinagawa sa Kidapawan City.

Namangha ang mga ito sa mga
programang ginagawa ng CDRRMO mula ng itatag ni City Mayor Joseph Evangelista
ang City Call 911 noong September 11, 2013.

Katunayan, ang City Call 911
ay bahagi ngunit mahalagang component ng Public Safety Program na pangunahing
prayoridad ni Mayor Evangelista upang masegurong ligtas ang kanyang mga
constituents sa lahat ng panahon.

Sa mga programa ng CDRRMO,
nakikitang praktikal na pamamaraan ng iba pang MDRRMO na gawin sa kani-kanilang
lugar ang mga sumusunodand pagkakaroon ng
aktibong emergency responders para sa agarang pagtugon sa panahon ng kalamidad,
pagbili ng dagdag na kagamitan gaya ng dagdag na radyo at internet, pagkakaroon
ng blood donors directory para sa agarang pagbibigay ng dugo lalo na sa mga may
malubhang sakit gaya ng dengue o di kaya ay biktima ng aksidente at iba pa.

Hinikayat naman ng CDRRMO
ang ibang mga LGU's sa lalawigan na pag-aralang mabuti ang mga probisyon ng RA
10-121 o DRRM law lalo pa at marami sa nilalaman nito ang makakatulong ng
malaki sa kanilang kapasidad na mapalakas pa ang pagreresponde sa panahon ng
kalamidad.

Kabilang sa top 20 Drug
Dealer patay sa pamamaril sa Mlang, North Cotabato

Patay na ng madatnan ng
Mlang PNP ang isang lalaki matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang
katawan sa liblib na lugar ng Brgy. Buayan, Malang, North Cotabato kahapon ng
umaga.

Kinilala ni Sr. Ins.
Jonameel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang biktima na si Roberto Sastrillo
,residente ng Purok Pag-asa, brgy. Buayan, Mlang.

Ayon kay Toñacao limang tama
ng bala ang tinamo ni Castillo mula sa kalibre 45 na baril na naging sanhi ng
kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya
kabilang si Castillo sa top 20 drug dealer sa lugar at napatunayan ito matapos
makuha mula sa kanyang bulsa ang siyam na mga medium sized sachet ng iligal na
droga.

Naniniwala rin si Toñacao na
doon lang din sa lugar binaril ang biktima dahil sa bakas ng dugo na makikita
sa lugar.

Nahirapan namang tukuyin ng
PNP ang responsable sa krimen dahil tago ang area at malayo ito sa bahay ng mga
residente na sanay pwedeng makapagbigay ng dagdag ng detalye kaugnay sa
insidente.

Onsehan sa droga ngayon ang
sinusundang anggulo ng PNP sa posibleng dahilan sa pamamaril habang patuloy rin
nilang iniimbestigahan ang insidente.

Sundalo patay sa pamamaril
sa Datu Montawal, Maguindanao college student kalaboso sa buy bust operation
sa Kidapawan City

Patay ang isang sundalo
matapos pagbabarilin ng riding tandem sa National Highway ng brgy. Bulit, Datu
Montawal, Maguindanao pasado ala-una ng hapon kahapon.

Kinilala ni Police Ins.
Rasul Pandulo, hepe ng Datu Montawal PNP ang biktima na si Private First Class
Hernando Hayo Daval, kasapi ng Alpha Company, 7th Infantry Battalion ng Philippine
Army.

Ayon kay Pandulo, sakay sa
kanyang motorsiklo ang biktima papuntang Pikit, North Cotabato kung saan ito
naka destino nang pagbabarilin ng mga suspek.

Maraming tama ng bala ang
tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan mula sa di pa
matukoy na uri ng baril.

Base naman sa pahayag ni 2nd
lt. Perez ang commanding officer ng biktima dati na raw itong nakatatangap ng
mga banta sa kanyang buhay na ngayo’y tinututukan naman ng pulisya na posibleng
dahilan sa insidente.

0

Sa Kidapawan City- Kalaboso
ang isang college student matapos mahuli sa buy bust operation na isinagawa ng
mga pulis sa public market ng lungsod mag-aalas dos ng hapon kahapon.

Kinilala ng City PNP ang
suspek na si Jun Carl Tomas Dote, 19-anyos na taga Urban poor, brgy. Singao,
Kidapawan.

Nakuha mula kay DOTE ang
limang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso bill bilang marked money.

Nakakulong na ngayon ang
suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda na ang kasong
isasampa laban sa kanya.

0-

LOCAL…

Walong LGU sa Rehiyon dose
tumanggap ng Seal of Good Local Governance Award mula sa DILG

Ginawaran ng Seal of Good Local Governance Award ang
walong mga local government units sa rehiyon dose.

Ang parangal ay ibinigay
mismo ni Secretary Mar Roxas ng Deparmtent of Interior and Local Government sa
mga nagwaging LGU sa Koronadal City kamakalawa.

Kabilang sa mga tumanggap ng
parangal ang provincial government ng
South Cotabato.

Pinarangalan din ang mga
bayan ng M’lang, Tulunan, at Magpet sa North Cotabato Sto. Nino sa South
Cotabato Kiamba sa Sarangani Columbio at Bagumbayan sa Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, ipinahayag ni
Director Rey Bungubong ng DILG Region 12 na ang pagbibigay ng parangal ay
ibinatay sa evaluation ng mga datus at accomplishment reports ng mga local
government units noong 2013 at 2014.

Ang South Cotabato na kaisa
isahang lalawigan sa rehiyon na tumanggap ng parangal ay magkakaroon ng access
sa Performance Challenge Fund na umaabot sa pitong milyon.

Habang ang mga nagwagi
namang bayan ay mabibigyan ng tig tatlong milyon.

- 0-

Bilang ng mga kabataang
nabubuntis sa Gensan bumaba, ayon sa city health office

Nakapagtala ng abot sa 4,361
na kaso ng teenage pregnancy ang General Santos City Population Office noong
2014.

Gayunpaman, nilinaw ni
Judith Janiola ang acting population Officer ng Gensan, na ito ay mas mababa ng 6.54 percent kung ikukumpara noong
mga nakaraang taon.

Ayon kay Janiola, bagama’t
konti lamang ang ibinaba ng mga menor de edad na nabubuntis at naging ama sa
Gensan, maituturing pa rin nila itong tagumpay.

Ito ayon kay Janiola ay
patunay na kahit papaano ay naging epektibo ang kanilang mga programa.

Ayon kay Janiola dahil sa
pakikipag tulungan nila sa iba pang ahensya ng pamahalaan at private sektor,
nagkaroon ng mas malaking impact sa mga kabataan ang kanilang kampanya kontra
sa maagang pagbubuntis.

Kabilang sa mga ito ayon kay
Janiola ang U4U,at Kids Camp, na naging
daan upang maturuan ng mga eskwelahan ang mga kabataan na makaiwas sa teenage
pregnancy.

Ito ay bukod pa sa mga
counseling activites ng mga ito.

Ayon kay Janiola ang pagresolba sa teenange pregnancy ay isa
sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Gensan.

Binigyan diin ni Janiola na
ang maagang pagbubuntis ay hindi lamang nakaapekto sa teenager na nabuntis kungdi maging sa pamilya nito at buong
komunidad.

0-

Lola patay matapos ma-hit
and run sa Polomolok, South Cotabato

Patay ang isang lola matapos
mabiktima ng hit and run sa national highway, barangay Glamang,Polomolok, South
Cotabato.

Ang aksidente ay naganap
pasado alas dose ng hatinggabi kamakalawa.

Kinilala ng Polomolok PNP
ang biktima na si Lolita Flores na inaalam pa rin ang address sa ngayon.

Nabatid na ang otsenta anyos na lola ay tatawid na sana
sa highway ng aksidenteng mabangga ng
forward truck na hindi nakuhanan ng license plate.

Ang lolang biktima ay
nagtamo ng grabeng mga sugat sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang
dagliang pagkasawi.

Sa halip na tulungan, ang di
kilalanag driver ng truck na nakabangga sa biktima ay agad na tumakas.

Nagpapatuloy pa nag
imbistigasyon ng pulisiya para matukoy kung sino ang driver ng forward truck na
nakabangga sa pedestrian na biktima.

0-

Anti-retro-viral drugs para
sa mga HIV patients sa lalawigan, maari nang makuha sa South Cotabato
Provincial Hospital.

Hindi na kailangan pa ng mga
persons living with HIV sa South Cotabato na pumunta sa Davao city para
mabigyan ng retroviral drugs.

Ayon kay John Cudilla, ang
HIV focal person ng lalawigan, mayroon nang anti retroviral drugs ngayon ang South Cotabato Provincial
Hospital.

Bukod dito ayon kay Cudilla
may dalawang mga government doctors din sa lalawigan na sinanay ng Deparmtent
of Health para mag-diagnosed sa HIV.

Ayon kay Cudilla nakatuon
ngayon ang kanilang tanggapan sa Test for Treat” o ang pagbibigay ng agarang
treatment sa taong nag-positibo sa HIV.

Ang mga gamot para sa mahigit animnapu katao na living with HIV sa
lalawigan ay nai-download na rin sa South Cotabato Provincial Hospital.

Nabatid na sa 688 katao na
nakiisa sa libreng HIV testing marathon noong nakaraang linggo, walo sa mga ito
ay natuklasan na nagtataglay umano ng
nakamamatay na virus.

Gayunpaman ipinadala pa sa
kalakhang Maynila ang blood samples ng mga ito para sa confirmatory test.

Ang Provincial Epedimiology
and Surviellance Unit o PESU South Cotabato ay nakapagtala ng tatlumput isang
bagong kaso ng HIV noong Hunyo.

0-

Pambasabog at droga,
narekover sa bahay na sinalakay ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

Nakakumpiska ng umano’y
illegal na druga at granada mula sa isa katao ang mga pulis sa bayan ng
Tampakan, South Cotabato kamakalawa.

Ang illegal na droga at
pampasabog ay nakuha ng mga kasapi ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special
Operation Task Force ng South Cotabato PNP sa bahay ng isang Mark John
Compendio sa Yakal Street, Barangay Poblacion, Tampakan.

Katuwang ng South Cotabato
Police sa pag-raid sa bahay ng suspek
ang mga kasapi ng Tampakan PNP na pinangunahan ni Chief of Police, Senior
Inspector Sherwin Boy Maglana.

Ito ay matapos makakuha ng
search warrant mula sa korte.

kabilang sa mga nakuha ng mga
pulis sa tahanan ni Compendio ang tatlong sachet ng suspected shabu, granada at
drug paraphernalia.

Maliban sa paglabag sa Dangerous Drugs act si Compendio ay maari ring kasuhan ng
illegal possession of explosive .

Ang suspek ay nakulong na
ngayon sa Tampakan PNP lock up cell.

0-

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong MIYERKULES, AUGUST 26, 2015…
INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION,
ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

Cops uproot P2M worth of marijuana in Bukidnon

COTABATO CITY - Policemen uprooted some P2 million worth of marijuana shrubs in an operation Friday in an upland area in Valencia City in...

2 BIFF members shot dead by companions

COTABATO CITY - Alleged members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters killed in an ambush Friday in Maguindanao del Sur two companions...

Socoteco 1 announces 9hours power service interruption for Banga on March 26

Scheduled service interruption on March 26, 2023, Sunday Time 8:00AM-5:00PM (9 hrs.) Affected: BANGA SUBSTATION FEEDER 91: Portion of...

Cotelco PPALMA announces power interruption sked for March 26

Scheduled power interruption: Please be informed that we will be having a scheduled power interruption for the details as mentioned below:...

Part of DOS, Mag Norte to experience 4-hour scheduled power interruption, says Cotabato Light

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Dinaig St., Freedom, DOS, Maguindanao, on...