Friday Apr, 26 2024 05:05:00 AM

NDBC BIDA BALITA August 28, 2015

 • 15:21 PM Sat Aug 29, 2015
1,924
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 28,
2015 (FRI)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong BIYERNES, AUGUST
28, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. SUNOD-SUNOD na kaso ng pamamaril,
muling naitala sa Cotabato city kahapon.

2. DALAWA pang mga suspek sa Agencia
Brillantes robbery hold up incident sa Koronadal City, natimbog ng mga pulis sa
Isulan, Sultan Kudarat

3. BILANG ng mga magsasakang inaresto
ng mga sundalo sa Kitao-tao, Bukidnon, nadagdagan pa

4. MGA OFW, may sarili ring bersyon ng
BBL.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

TATLO katao ang nasawi habang isa naman
ang patuloy na ginagamot sa ospital sa apat na magkakahiwalay at sunod-sunod na
insidente ng pamamaril sa Cotabato city mula kahapon hanggang kanina.

Pasado alas kwatro ng hapon nang
mangyari ang unang insidente ng pamamaril kung saan dead on the spot ang
biktimang si Kahar Bondola, taga- mother barangay Poblacion.

Naglalakad lang sa bahagi ng Salamat
St. corner Almonte St. ang biktima nang lapitan ng suspek na nakilalang isang
Akmad Bayao at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Hinala ng City PNP, personal ang motibo
ng suspek sa pamamaril sa biktima.

Sunod na naging biktima ng pamamaril
ang mekanikong si

Renato Manuel, taga Concha Drive, Block
1, De Mazenod Street, barangay Rosary Heights 3.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pasado
alas siyete kagabi nang may dalawang lalaking naka motorsiklo na nagtungo sa bahay
ni Manuel at sandali siyang kinausap ng mga ito sa labas ng kanilang gate.

Maya-maya pa ay binaril na lamang siya
ng isa sa mga ito gamit ang cal. 45 pistol.

Tinamaan ang biktima sa kanyang
tagiliran kaya agad siyang isinugod sa pagamutan habang ang mga suspek ay
mabilis ding tumakas sa di natukoy na direksyon.

Samantala, pasado alas onse naman
kagabi nang mabaril at mapatay din ng di pa nakikilalang mga suspek ang
biktimang si Tohame Ayunan, taga Mother Barangay Kalanganan.

Nakatayo lang sa Jose Lim Sr. Street
nang lapitan ng nag iisang suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa
dibdib mula sa cal. 45 pistol ang biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa hiwalay namang kaso ng pamamaril
kaninang madaling araw, binaril at napatay din ang isang habal-habal driver na
nakilalang si Abu Iman Macasasa.

Nakatambay lang si Macasasa malapit sa
city arcade, sa Bonifacio Street nang lapitan ng suspek at pinagbabaril.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

NAGHAHANDA na ang mga
kabataan mula sa Davao city para dumalo sa World Youth Day o WYD sa Krakow,
Poland sa susunod na taon.

Katunayan, nagsagawa na ng
orientation ang Davao Archdiocesan Youth Coordinating Apostolate o DAYCA para
sa mga kabataang gustong sumali sa deligasyon para makadaupang palad muli ang
Santo Papa kasama ng milyon milyong mga kabataan sa buong mundo.

Sinabi ni DAYCA Director,
Fr. Leomel Puerto na

Magpapadala ng pilgrims ang Archdiocese
of Davao sa WYD na may temang Blessed are the merciful, for they will receive
mercy.”

Aniya, maaaring sumama ang
mga youth minister, at mga miembro ng parish youth apostolate at organizations.

Ang Krakow, Poland ay
tahanan ni St. John Paul II, ang Santo Papa na nagsimula ng World Youth Day noong
Dec. 20, 1985.

Inilalarawan ng mga dumalo
sa WYD bilang ‘Life-changing’ ang kanilang karanasan dahil mas lumalim ang
kanilang pananampalataya sa Diyos pagkatapos nito.

2ND BREAK

Local …………………

TINANGAY ng di pa nakikilalang holdaper
ang abot sa 1.6 million pesos na pera ng Maguindanao Electric Cooperative o
MAGELCO.

Sinabi ni DOS PNP chief police inspector
Lendsy Sinsuat na nangyari ang insidente pasado alas tres ng hapon kahapon sa Sitio
Katalungan, Brgy. Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga
otoridad, ang naturang pera ay koleksyon ng MAGELCO mula sa kanilang mga
sub-office sa lalawigan.

Ayon kay Inspector Sinsuat, sakay ng TOYOTA
D4D van with licensed plate LGL 181 ang cashier ng MAGELCO na si Hana Malang,
26 years old, kasama ang security guard na si Basit Benito at driver na si Gerome
Romuar nang tutukan sila ng cal. 45 pistol ng nag iisang suspek at nagdeklara
ng holdap.

Sabi ng mga biktima, hindi nila alam
kung paano nakapasok ang suspek sa loob ng sasakyan.

Anila, hindi rin nila namalayang may
ibang tao na palang nakasakay sa loob ng van.

SINSUAT CUE………….

Kasunod nito, ginapos umano ng suspek
ang mga kamay ng biktima gamit ang packing tape at saka tumakas tangay ang
naturang halaga ng pera.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng DOS
PNP para malaman ang tunay na nangyari.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

Kung?may Bangsamoro Basic
Law o BBL,?magkakaroon
ng isa pang BBL para sa mga OFW subalit hindi para makamit ang kapayapaan sa
Mindanao kundi para
ilibre sa buwis ang kanilang mga ipinapadalang gamit sa Pilipinas na ikinakarga
sa balikbayan boxes.

Sa House Resolution 6067 na inihain ni
Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz, tinawag niya itong BBL o Balikbayan
Boxes Law na naglalayong mailibre sa buwis ang mga balikbayan boxes.

Ginawa ni Dela Cruz ang nasabing
panukala sa gitna ng pagpalag ng mga OFWs sa plano ng Bureau of Customs o BOC
na buksan ang mga balikbayang box na ipinaatras ni Pangulong Aquino kalaunan
dahil sa matinding protesta.

Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat
ng mga balikbayan na naglalaman ng mga gamit na hindi bababa sa US$1,500 ang
halaga ay ililibre na sa buwis.

0-

3RD
BREAK

Local…………………….

KALABOSO ANG DALAWA SA MGA SUSPEK sa
isa pang highway robbery na naganap sa MSU-Maguindanao, Dalican, Datu Odin
Sinsuat pasado alas onse nang tanghali kahapon.

Ito ay matapos holdapin ng mga suspek
ang biktima na kinilalang si Julamen Namla Tatib, 22 anyos, residente din ng
Dalican.

Batay sa imbestigasyon ng DOS PNP,
sakay ng kanyang multicab si Tatib at papunta sana ng Shariff Aguak,
Maguindanao nang pumara sa labas ng MSU para umihi nang lumapit ang mga suspek
at pilit na inagaw ang kanyang bag na naglalaman ng 120 thousand pesos na cash.

Agad sumakay ng motorsiklo ang mga
suspek na kinilalang sina Accel Macmod Buka at Mama Guiamla Guitor papunta sa
direksyon ng Shariff Aguak.

Hinabol naman ng biktima ang mga suspek
na may kasamang dalawang iba pa na nakasakay din sa motorsiklo.

Pagdating sa Barangay Meta, Datu Unsay,
Maguindanao ay naharang ng mga pulis sina Buka at Guitor pero wala na ang
perang natangay mula sa negosyanteng si Tatib.

Ito ay pinaniniwalaang natangay ng
dalawang iba pang suspek na nakatakas.

Agad namang naiturnover ng Datu Unsay
PNP si Guitor at Buka sa DOS PNP kung saan nakakulong ang mga ito sa ngayon
habang inaalam pa ang kinaroroonan ng dalawang iba pang suspek.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

Nananatiling pinaka mayamang tao sa Pilipinas
ang SM mall magnate na si Henry Sy sa ika-walong pagkakataon ngayong 2015.

Ito ay bunga na rin ng pagtaas ng net
worth ni Sy mula sa kanyang conglomerates, SM Investments ng 17 percent at SM
Prime Holdings ng may 20 percent sa nakalipas na taon.

Ayon sa Forbes, si Sy ay may asset
ngayon na umaabot sa 14.4 billion dollars, sinundan ni John Gokong­wei Jr. – may
5.5 billion dollars, Andrew Tan – 4.5 billion dollars, Lucio Tan – 4.3 billion
dollars, Enrique Razon Jr. – 4.1 billion dollars, George Ty – 4 billion dollars.

Sinundan ng Aboitiz Family – 3.6 billion
dollars, Jaime Zobel de Ayala andamp family – 3.5 billion dollars, David
Consunji – 3.2 billion dollars at Tony Tan Caktiong – 2.2 billion dollars.

Ang net worths ay base sa stock prices
at exchange rates sa merkado noong August 14, 2015.

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

Dahil
nauuso na naman ang sore eyes sa ilang bahagi ng bansa at karamihan sa mga
biktima ay estudyante, pinayuhan ng Department of Health o DOH ang publiko na
ugaliin ang paghuhugas ng kamay at kung may sore eyes ay gumamit ng tissue sa
pagpunas ng mata sa halip na mga panyo.

Ayon
sa DOH, self-limiting o wala namang masamang epekto kapag tumagal ang sore eyes
ngunit makaaapekto ito sa pang araw-araw na gawain kaya dapat na iwasang mahawa
nito.

Hindi
nakakahawa ang sore eyes kapag tinititigan o tinitignan ng taong may sore eyes.

Naisasalin
ang virus kung magkaroon ng kontaminasyon gaya ng kung naipahid ng taong may
sore eyes ang isang gamit sa kanyang mata at pagkatapos ay mahahawakan o
makukuha ito ng isang tao at maipapahid din sa kanyang mata.

Para
iwas sore eyes, dapat maghugas ng kamay at iwasan ang palaging magpahid ng
mata.

Sinabi
naman ng ophthalmologist na si Dr. Sherman Valero na kalimitang dumarami ang
nagkaka­hawahan ng sore eyes sa mga paaralan at sa bahay dahil sa magkakatabi
at naghihiraman ng ilang gamit.

Kaya
ang payo ng mga eksperto ay umiwas sa paggamit ng gamit ng taong may sore eyes.

5TH
BREAK

Local…………………..

NAMAHAGI ng mga bag at school supplies
si Sultan Kudarat Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura sa isang libo at 500 Kindergarten
at Grade 1 pupils sa Maguindanaon Elementary School.

Sinabi ni Mastura na mahalaga para sa
kanya ang edukasyon kaya’t nais niyang makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga kagamitan sa mga mag-aaral.

Samantala, hiniling naman ng alkalde sa
mga magulang ng mga bata na laging alalayan ang kanilang mga anak upang humusay
sa kanilang pag-aaral.

Mensahe naman ni Mastura sa mga bata…
mag –aral ng mabuti upang maging kapaki pakinabang at mabuting mamamayan ng
kanilang bayan sa hinaharap.

Maliban sa bags and school supplies,
pinaayos din ni Mastura ang mga sirang school building na una nang binaha noon.
0-local...Dalawang mga wanted person, huli sa Matalam, North Cotabato
Matapos ang halos dalawang taong pagtatago sa batas, hindi na nakawala pa sa kamay ng mga otoridad ang isang magsasaka na matagal ng wanted sa batas nang mahuli ito sa Poblacion Matalam, North Cotabato.

Ang suspek na si Lucio Alicanti Mahinay, 53 anyos ay nahuli ng Matalam PNP matapos matimbrehan ng PNP na nagbebenta ito ng kanyang mais sa isang establisyemento sa bayan ng Matalam.

Inaresto si Mahinay base na rin sa warrant of arrest na inisue ni Judge Alandrex Betoya, ang presiding judge ng RTC branch 16, Kabacan na may petsang October 17, 2013.

Nabatid na matagal ng tinutugis si Mahinay ng mga otoridad sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at number three rin ito sa TOP 10 drug personalities sa bayan.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Matalam PNP lock up Cell.

Sa iba pang balita... Arestado rin ng Matalam PNP ang isang 46-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong frustrated homicide habang nasa palengke ng bayan ng Matalam kahapon.

Ang suspek ay kinilalang si Arcel Turko Manlangit, may asawa at residente ng Brgy. Lampayan, Matalam.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu na Hon. Judge Laureano Alzate ang Presiding Judge ng RTC Branch 22, Kabacan na may petsang August 27, 2015.

Pero nakapayansa si Manlangit dahilan ng pansamantala nitong pagkakalaya.

local...Agarang implementasyon sa Speed Limit Ordinance sa Makilala, North Cotabato, Iginiit ng isang opisyal

Muling iginiit ni Makilala Municipal Councilor Pedro Ang - ang agarang pagpasa sa Speed Limit Ordinance sa bayan matapos ang sunod sunod na aksidente sa National Highway na ikinamatay ng dalawang motorista at isang pedestrian sa Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Ang, ang implementasyon ng Ordinansa ay magsisilbing daan para wala ng masayang na buhay dahil sa over speeding.

Sa pamamagitan rin nito mapoprotektahan din ang mga mamamayan mula sa mga abusadong driver.

Binigyang diin rin ni Ang na nararapat lamang na maipasa ang Ordinansa dahil na rin sa geographical locations sa highway ng bayan.

Si Ang, ang siyang proponent ng Ordinance #294-2015 o Ordinance Regulating the Travel Speed of Motor Vehicles in Makilala na una ng hindi pumasa sa Sanguniang Panlalawigan ng Cotabato dahil kulang ito sa requirments partikular ang pag lathala nito sa pambansang pamantalaan.

Sa naturang ordinansa, inirekomenda ni Ang,ang speed limit sa Davao-Cotabato at Makilala-Tacurong highway ng 30-60 km/hr depende sa area, at 20km/hr sa lahat ng mga school zone.

Pero posibleng pa umanong matagalan ang tuluyang pag implementa ng nasabing orinansa dahil wala pang pondo ang Sanguniang Bayan para sa publication nito, bagay naman na kinuwestyon ni Ang sa konseho.

Ayon kay Ang, nararapat lamang na paglaanan ito ng pondo ng Sangunian para mapatupad na ang mga kahalintulad na ordinansa na nakatutok sa Public Safety o kapakanan ng mamamayan.

Matatandaang simula noong linggo, tatlo ka-tao na ang binawian ng buhay na kinilalang sina Emmanuel Manzo, 18- anyos , Nilo Lauda Sr. 46-anyos at isang Dela Torre Macla matapos masangkot sa magkakaibang vehicular accident sa Dava-Cotabato Highway partikluar sa brgy. Kisante, Makilala, North Cotabato.

0-SPORTS
……………. (Play Stinger)

BINUKSAN ni Floyd
Myaweather. Jr. ang kanyang training camp at nagpasikat sa media bilang bahagi
ng promosyon ng kanyang nalalapit na laban kay Andre Berto sa September 12 sa
MGM Grand sa Las Vegas.

Sunod sunod niyang nakaharap
sa ring sa media workout ang mga sparmate na sina Don Moore at Ramon Montano.

Naroon din ang kanyang ama
at trainer na si Floyd Mayweather Sr at conditioning coach na si Alex Ariza.

Suot ni Floyd ang t-shirt na
may nakasulat na TBE at sa likod ang number na 48 - na ibig sabihin ay 48 wins
kung saan ang huling panalo niya ay laban kay Manny Pacquiao.

Ang 12-round welterweight
world championship ay merong pay-per-view price na $1,500, $1,000, $750, $500,
$300 at $150.

local...Ilang mga taga simbahan, sumusuporta umano sa
rebeldeng grupo, ayon sa Gobernador ng South Cotabato

Suportado umano ng ilang mga myembro ng simbahan ang mga
makakaliwang grupo sa South Cotabato.

Ito ay ayon kay Governor
Daisy Avance Fuentes.

Sa katunayan ayon kay Fuentes, ilang mga taga simbahan tulad ng
mga pastor at madre ang humiling ng tulong sa kanya para sa ipatatayong
eskwelahan sa mga liblib na lugar sa mga bayan ng T’boli at Lake Sebu.

Aminado naman si Fuentes na maganda ang adhikain ng mga ito na
makatulong sa mga indigenous people.

Gayunpaman ayon sa gobernador,
maaring samantalahin lamang ng
mga eskwelahan na ito ang kawalan ng sapat na kaaalaman ng mga mamamayan para
turuan ang mga ito na labanan ang gobyerno.

Ito ay ginagawa na umano ng mga rebelde sa mga liblib na
barangay ng Sarangani.

Patunay dito ayon kay Fuentes ang video ng sariling bersyon ng
pambansang awit ng Pilipinas ng NPA na itinuro sa mga magaaral .

Kaya hiling pa ng gobernador sa mga taga simbahan, bantayan din
ang kanilang hanay.

Ayon kay Fuentes, nakikisakay din ang mga rebeldeng grupo sa mga
isyu na ipinaglalaban ng simbahan para maisulong din ang kanilang mga binabalak
gawin.

Voice Clip…..Si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.

Sinisikap pa ng DXOM Radyo Bida Koronadal na makuha ang panig ng
simabahan sa usapin.

0-May limang libong mga mamamayan iinaasahang makiisa
sa malawakang kilos protesta kontra aerial spraying sa South Cotabato

Inaasahang makikilahok sa
grand rally kontra aerial spraying ang may limang libong mga mamamayan
mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon dose.

Ang malawakang kilos protesta ay gagawin sa ika a uno ng
Setyembre.

Ito ay pangungunahan naman ng simbahan.

Ayon kay BUTUAN Chairman Father Monico Fuerta ng Iglesia
Independencia ,ang rally ay sisimulan sa pamamagitan ng caravan mula sa
Sarangani.

Ang mga makikiisa sa rally ay
dadaan naman sa General Santos City bago tumungo sa T’boli, South Cotabato kung saan gaganapin
ang kilos protesta.

Gagawin ang kilos protesta bilang pagpapakita ng pagtutol ng mga
mamamayan sa aerial spraying na ayon sa mga ito ay nagdadala ng peligro hindi
lamang sa kalusugan ng mga mamamayan kungdi maging sa kapaligiran.

Ang aerial spraying ay isinagsagawa sa mga banana plantation sa
mga bayan ng T’boli, Surallah, Tampakan, at Tupi sa South Cotabato.

Matatandaan na para di makalipad ang eroplano ng SUMIFRU na
ginagamit sa aerial spray, nagsagawa ng kilos protesta ang mga tumututol dito sa airport ng
Surallah.

Nagresulta naman ito sa pagsampa ng kaso ng banana company na
Sumifro sa mga lider ng nagkilos protestang mga mamamayan.

Mga pulis at barangay Officials sa bayan ng T’boli,
sinanay sa paghawak ng kaso ng pangaabuso sa mga kababaihan

Sumailalim sa pagsasanay hinggil sa pangaabuso sa mga kababaihan ang mga barangay officials at pulis sa T’boli, South Cotabato.

Ang dalawang araw na training na sinimulan kahapon ay
pinangunahan ng Municipal Police Station ng T’boli.

Ayon kay Police Chief Inspector Jose Marie Simangan, ang police
chief sa bayan, layon nito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga pulis at mga barangay officials sa tamang
paghawak ng mga kasong may kaugnayan sa pangaabuso sa mga kababaihan.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa pagtatag ng Violence Against
Women o VAW Desk sa bawat barangay sa bayan.

Gayunpaman, nilinaw ni Simangan na hindi mataas ang bilang ng mga kababaihang
nakararanas ng pangaabuso sa T’boli.

Ang nais lamang nila ayon sa police official ay lalo pang
mapababa kung di man tuluyang masawata ang mga ito.

Voice Clip…..Si T’boli Chief Police, Chief Inspector Jose Marie
Simangan

NDBC News AM Aug

Headline and Pagbibigay ang artificial insemination sa mga algang
hayop, pinaigting ng provincial
veterinary office ng South Cotabato

Target ng Provincial
Veterinary Office ng South
Cotabato na makapagbigay ng artificial
insemination sa dalawang libong mga alagang
hayop sa lalawigan.

Ayon kay Flora Bigot, ang OIC ng Provincial Veterinary Office,
ito ay bilang kabahagi ng pagpapaigting ng kanilang artificial insemination
program.

Layon ng programa ayon kay Bigot ay para ma-upgrade o mapabuti
ang lahi ng mga native na hayop sa South Cotabato.

Ang provincial veterinary Office ayon kay Bigot ay mayroong
semilya para sa buffalo na kalabaw at Brahman na baka.

Payo ni Bigot sa mga mamamayan tumawag o pumunta sa kanilang
tanggapan sa Provincial capitol compound kapag naglalandi na ang kanilang mga
alagang kalabaw at baka.

Ito ay para mapuntahan at mabigyan ng artificial insemination ng
mga kawani ng PVET.

Bilan tulong na rin sa pagpapatupad ng programa nagbigay
ang PVET South Cotabato ay nabigyan din
ng Department of Agriculture 12 ng
artificial insemination supplies.

kabilang sa mga ito ang straw sheets, rubber boots, at vials.

Dating mayoralty candidate sa Lake Sebu, nasawi sa
road accident sa Banga, South Cotabato

Nasawi ang dating mayoralty candidate sa bayan ng Lake Sebu,
South Cotabato matapos maaksidente sa daan sa Banga, South Cotabato.

Kinilala ni Senior Police Officer 2 Nemecio Tenorio, ng Banga
PNP Traffic Section ang biktima na si Amkan Dalungdong residente ng Barangay
Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Tenorio habang minamneho ng biktimang si Dalungdong ang kanyang Yamaha motorcycle, aksidenteng
nabangga nito ang sinusundang Kubota Trailer pagdating sa Crossing Bo.5,
Barangay Liwanay Banga.

Ang insidente ay naganap dakong alas singko ng umaga kahapon.

Ang biktimang kumandidato
sa pagka alkalde ng Lake Sebu noong 2013 election ay dead on the spot matapos
magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng katawan dahil sa lakas ng
pagkakabanga nito sa trailer.

Kinilala naman ni Tenorio ang driver ng Kubota trailer na nabangga
ng biktima na si Arnie Junio residente ng Barangay
Colungulo, Surallah, South Cotabato.

Inihayag ni Tenorio na patuloy pa ang paguusap ng pamilya ng
nasawing biktima at Kubota driver na si
Junio para sa posibleng pagaayos ng kaso.Dalawa pang suspek sa Agencia Brillantes robbery hold
up incident sa Koronadal City natimbog
ng mga pulis sa Isulan, Sultan Kudarat.

Makalipas ang halos isang taon, tulayan nang natimbog ng mga
pulis ang dalawa pang mga suspek sa
Agencia Brillantes robbery-hold up incident sa Koronadal City.

Sa panayam ng DXOM Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ni
Superintendent Nestor Salcedo ang Chief of pulis sa lungsod, na ang mga suspek ay naaresto sa bayan ng Isulan,
Sultan Kudarat dakong alas dos y medya
ng hapon kahapon.

Katuwang ng Koronadal City PNP sa pagtugis sa mga suspek ang
Highway Patrol Group ng South Cotabato police at mga kasapi ng Isulan Municipal
Police Station.

Tumanggi muna si Salcedo na pangalanan ang mga naarestong suspek
at magbigay ng karagdagang detalye kung papaano nila naaresto ang mga suspek.

Paliwanag ng police official
nagpapatuloy pa interogasyon at follow up operation ng pulisiya sa
dalawa nilang mga kasamahan.

voice Clip…. si Koronadal City Chief of Police, Superintendent
Nestor Salcedo

Matatandaan na di pa
nakuntento sa pagtangay sa daan daang
libong halaga ng mga alahas, binaril at
napatay ng mga suspek ang dalawang mga security guards ng agencia
brillantes Setyembre disi otso noong
nakaraang taon.

Ang dalawa pang mga suspek sa krimen na sina Khadaffi Guiamelon
at Minsuari Bansil ay parehong nakakulong na sa South Cotabato Provincial
Rehabilitation and Detention Center matapos maaresto sa Cotabato City at Maguindanao ilang buwan matapos
ang insidente.

0- CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong BIYERNES, AUGUST 28, 2015…
NYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION,
ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...