Monday Jul, 04 2022 01:21:44 PM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 11, 2020)

NDBC BALITA • 15:15 PM Fri Dec 11, 2020
697
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.   Cotabato City Mayor at iba pang mga opisyal, tumanggap ng threat ng pambobomba sa pamamagitan ng text messages

2.   Lampas 4,000 na ang confirmed Covid patients sa Region 12; sa BARMM, dalawa ang nasawi kahapon dahil sa Covid

3.   2-hour brown out mararanasan sa franchise area ng Cotabato Light sa linggo, Dec. 13.

4.   Ngayong ayaw ng gobyerno ng ceasefire sa NPA, Army sa North Cotabato nasa defensive mode, sana daw sumuko na sila para Pasko masaya. 

5.   Big time drug pusher, huli sa Maguindanao, P680,000 halaga ng shabu nakumiska; sa Kidapawan, 2 drug suspect patay.

6.  Internet provider, papasok sa BARMM, P14 million investment, inaprobahan ng RBOI

7.   2021 national budget, bubusisiin daw ng mabuti ng pangulo dahil baka may mga insertion o pasingit ang mga corrupt congressmen at senators.

8.  Pinoy boxer Nonito Donaire, nagpositibo sa Covid-19

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

Local………………..

IBINUNYAG KAHAPON ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani sa kanyang FB posts na may natanggap siya at iba pang opisyal ng lungsod ng mga pagbabanta ng harassment at pambobomba sa lungsod dahil sa kanyang paninindigan sa usapin ng pagsasailalim ng lungsod sa BARMM.

Ang mga mensahe na sa Maguindanaon at tagalog mula sa ibatibang sim numbers ng mobile phone na halos makasabay na dumating sa kanya at kay Vice Mayor Graham Dumama at iba pa.

Isinisi niya sa Bangsamoro Region ang mga text na ito dahil dumating ang mga pagbabanta ilang araw matapos niyang igiit na aniyaw niyang masama o mapasailalim ang Cotabato City sa BARMM.

Sa kanyang pahayag, wala siyang tinukoy ang mga pangalan pero naniniwala si Sayadi na ito ay mula sa BARMM.

Sa Dec. 15 na itinakda ang pormal na pasasailalim sa lungsod sa BARMM at hindi na sa Region 12.

Ayon kay Mayor SAyadi, ang mga texter ay nagbanta ng mga pambobomba sa lungsod bago sumapit ang De. 15.

-0-

Local…

Umaabot na sa 4,181 ang kabuoang bilang ng coronavirus infections ang naitala ng Department of Health sa Region 12 matapos nadagdag ang 31 bagong kaso kagabi.

Sa 31 bagong kaso, 12 sa mga bagong kaso ay taga General Santos City, 10 Cotabato City, 4 South Cotabato, 3 Sultan Kudarat at 2 Sarangani.

Samantalang nadagdagan pa ng 19 ang mga gumaling na pasyente kahapon, kaya umakyat pa sa 3,684 ang kabuoang bilang nang Covid 19 recoveries sa Rehiyon.

Sa 19 na pasyenteng gumaling, walo ang mula sa Cotabato City, anim General Santos City, tatlo North Cotabato at tig-isa sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Nasawi naman kahapon ang isang 38 anyos na lalaki na taga Tampakan South Cotabato kung kaya't abot sa sa 146 ang total covid 19 related deaths sa Soccsksargen.

-0-

Local………………..

Sa Bangsamoro Region, dalawa pang mga pasyente na taga Lanao del Sur at Marawi City ang naitalang nasawi dahil sa Covid 19, ayon sa Ministry of Health-BARMM.

Dahil dito abot na ngayun sa 93 ang total related deaths sa Rehiyon.

Kahapon din, iniulat ng MOH ang 15 na panibagong pasyente.

Labing apat sa mga bagong kaso ay nagmula sa Lanao del Sur at Marawi City habang isa naman sa Tawi-tawi.

Nangunguna parin sa may pinakamaraming kaso ang Lanao del Sur at Marawi City na mayroong 1,135 Covid infections, sumusunod ang Maguindanao na may 634 covid positive, pangatlo ang ang Sulu na may 239 cases, Basilan at Lamitan 196 at Tawi-tawi 134.

-0-

Local………………..

HULI ANG ISANG SUSPECTED drug pusher sa anti-drug operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng national highway sa Datu Odi Sinsaut, Maguindanao.

Nakakumpiska rin ang mga tauhan ng PDEA ng P680 libong pisong halaga ng suspected shabu mula kay Allan Sambutan Abdul matapos ang buy bust operation alas 9:45 ng umaga.

Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na ang suspect ay taga Talayan, Maguindanao batay sa kanyang driver’s license.  Nakuha sa kanya ang isang granada./

Sinabi ni Azurin na mahigit isang buwan din nilang sinusubaybayan ang suspect na labas pasok sa Cotabato Ctiy at naglalaki ng shabu.

Abot sa 100 grams na shabu ang nakuha mula sa suspect na hindi naman nanlaban nang arestuhin. 

Aniya, inutusan lang daw siya ng di niya kilala para dalhin ang maliit na bag sa Cotabato Ctiy at meron lang susundo sa kanya sa Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Noong Mierkules, may apat na drug suspect ang nadakip ng PDEA at PNP sa anti-drug operation sa Datu Odin samantalang isa pang drug suspect ang napatay nang manlaban sa mga otoridad sa SPDA village.

-0-

Local………………..

PINABULAANAN ng Datu Odin Sinsuat local government unit ang mga kumakalat na balita sa Facebook na ipinasara ang lahat ng mga beach resort sa Barnagay Kusiong.

Ang sabi ng DOS LGU, mananatiling bukas ang mga swimming resort pero dapat sinusunod ang minimum health protocols tulad ng paggamit ng facemasks, faceshields at physical distancing.

Fake news daw ang kumalat na balitang may no movement Sunday sa Barangay Kusiong

-0-

Local………………..

MAKAKARANAS NG DALAWANG ORAS na brownout sa buong franchise area ng Cotabato Light and Power Company light sa linggo.

Sinabi ni Cotabato Light spokesperson Arlene Valdez Hepiga na ito ay dahil sa NGCP activity na temporary transfer ng Colight at Maguindanao Electric Cooperative o Magelco sa Tacurong Sub Station at pagbabalik sa main NGCP sources.

Ang power interruption ay magaganap alas 8 hanggang alas 9 ng umaga sa linggo, Dec. 13, 2020. At mula alas 6 hanggang alas 7 ng gabi.

Nangako ang Cotabato Light na agad ibabalik ang serbiyso ng kuryente kung maagang maisagawa ang regular maintenance activity.

-0-

local..

Inaresto ng mga awtoridad ang pito na mga hinihinalng miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Hoffer, Maguindanao.

Inihayag ni 40th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Rogelio Gabi na ang naturang mga indibidwal ay nalambat sa Sitio Barugot, Barangay Mother Tuayan, Datu Hoffer makaraang magkunwaring mga kasapi ng 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Subalit nang tanungin ng kanilang pagkakakilanlan ay walang naipakitang identification card o mga papeles na magpapatunay na sila ay mga miyembro ng MILF kaya pinagdadampot ang pitong armadong kalalakihan at kinumpiska ang kanilang mga baril ayon pa kay Col. Gabi.

Nakuha mula sa grupo ang dalawang M1 Garand rifle, isang M14 rifle, isang M4 rifle, at mga bala.

SAMANTALA, sinabi ni Colonel Gabi na may mga sumuko din na BIFF sa military dahil sa patuloy na pagpapalakas ng kampanya kontra terorismo.

Aniya, nananatiling bukas ang kanyang battalion headquarters sa mga kasapi ng BIFF na gustong sumuko at magbagong buhay. 

-0-

local..

No movement Sunday sa Cotabato City, magpapatuloy ngayong buwan.

Sinabi ni secretary to the Mayor Kitem Kadatuan na maliban sa Dec. 20, araw ng linggo, ang iba pang nalalabing Sunday sa lungsod ay mananatiling no movement day.

Sa Dec. 20 ay papayagan ang paglabas ng mga tao na magsisimba sa misa de gallo pero alas 7 ng umaga ay balik na uli ang no movement Sunday, ayon kay Kadatuan.

Pinakalayunin nito na maiwasan ang pagdami pa ng Covid-19 sa lungsod.

 

-0-

local..

Nananatiling nasa active defense mode ang militar sa lalawigan matapos inanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘no holiday ceasefire’ laban sa CPP-NPA-NDF.

Sinabi sa Radyo BIDA ni 39th IB Commanding Officer Lt.Col Geoffrey Carandang na naka-base sa Makilala, Cotabato na sa ngayon ay wala pang guidelines na ibinaba ang kanilang higher unit hinggil sa usaping tigil putukan pero mananatiling nasa high alert status ang tropa ng pamahalaan laban sa mga lawless groups.

Kaugnay nito siniguro naman ng Carandang na kontrolado ng militar ang seguridad sa mga lugar na sakop ng 39th IB sa North Cotabato at kalapit lugar katuwang ang pulisya.

Hinikayat din nito ang mga nasa kaliwang grupo na mas magandang sumuko nalang sa pamahalaan bago ang kanilang anibersaryo ngayong Disyembre a-26 upang mas maging masaya ang kanilang pasko kapiling ang kanilang mga pamilya.

Sa ngayon kasi ay marami ng mga former rebels ang piniling magbalik loob sa pamahalaan dahil na rin sa ipinatutupad na programang National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ng pamahalaan. 

-0-

 

local...

Matapos matuklasan ang illegal mining activity sa Barangay Don Panaca, Magpet North Cotabato nitong nakaraang araw, nanawagan ngayon ang mga otoridad na makipagtulungan ang mga mamamayan lalo na ang mga nakatira sa nasabing Barangay para sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources at matukoy ang nasa likod ng iligal na gawain na ito.

Sa magkahiwalay na panayam ng Radyo BIDA kay PENRO Mamutor Cariga at John Mikel Ansao ng DENR-MGB 12, sinabi nitong bago paman kumalat ang mga litrato sa social media hinggil sa pang-aabuso sa ancestral domain may mga nakarating na rin anilang reklamo sa kanilang tanggapan pero takot magsalita ang mga mamamayan doon.

Ilan sa mga hakbang ng DENR ay ang paghain ng Cease and Desist order sa pagpapasara ng nasabing tunnel ngunit hindi padin nito mapapabilis ang kaso kung walang tatayong testigo. Dagdag pa nito, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng taga DENR kundi lahat ng mga mamamayan ng probinsya ay dapat tumulong sa pagprotekta.

Samantala, tutulong naman daw ang Magpet LGU para sa agarang pagpapalabas ng resulta sa isinasagawang imbestigasyon. Sa mga mamamayan naman dapat anilang panindigan ang ulat.

Pero karamihan kasi umano sa kanila ay takot dahil may sangkot na kilalang tao na nasa likod nito. Sinabi naman ni Ansao, kung matutukoy at mapapatunayan ang sinumang lumabag sa itinakdang batas na nagpoprotekta sa kalikasan ay dadaan sa due process at maaring makulong.

-0-

local...

Nagsasagawa na ng mas malalimang imbestigasyon ang Magpet PNP hinggil sa alegasyon ng umano’y may mga pulis na protector ng mga iligal na nagpapasabong sa nasabing bayan.

Hinamon naman ni Magpet PNP Chief Police Major Bryan Espinosa ang mga saksi na ituro at pangalanan ang mga pulis na sinasabing sangkot sa iregularidad upang agad na masampahan ng kaso kung mapapatunayang mayroong paglabag ang mga ito.

Sa initial internal investigation ng hepe, pinabulaan ng kanyang mga tauhan ang nasabing mga paratang na nakarating sa himpilan ng Radyo BIDA kung kaya’t malaki ang maitutulong ng witness para sa imbestigasyon. Sinigurado naman ng police official ang seguridad ng makakapagturo at mananatiling confidential ang pagkakakilanlan nito.

Ayaw din ni Espinosa na malagay sa alanganin ang pangalan ng Magpet PNP kung kaya't hiling niya na sana'y makipag tulungan ang saksi at makipag ugnayan lang sa kanilang himpilan upang malinis ang hanay ng pulisya.

Samantala, sa kabila ng mga paratang at akusasyon na ibinabato sa kanila nananatiling mataas ang morale ng mga pulis sa bayan ng Magpet at patuloy lamang anilang gagampanan ang kanilang tungkulin lalo na ang pagpapanatiling matiwasay sa kanilang Area of Responsibility.

-0-

local

Sa pamamagitan ng bayanihan mas mapapabilis na ang paghahanda ng mga relocation site para sa mga bakwit na naapektuhan ng lindol noon taong 2019 sa sa Makilala, North Cotabato.

Aabot sa 3,481 na pamilya na ideneklarang nakatira sa high risk areas ng bayan ang nakatakdang tatanggap ng bahay mula sa National Housing Authority o NHA. Ang pagbili ng lupa at paghahanda sa lugar o site development ang iilan lamang sa mga itinakdang requirements para sa proyekto. Ayon kay Makilala Mayor Armando Quibod, malaking balakid sa site development ang kakulangan ng mga heavy equipment ng LGU.

Kaugnay nito, agad namang nagbigay ng tugon ang ilang local private contructors sa probinsya ang panawagan nina DPWH District Engineer Elpidio Birog sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga heavy equipment sa lugar. Natapos na ang bayanihan sa Malasila Relocation Site at isusunod na ang Barangay Sto-Niño Relocation.

Malaki naman ang pasasalamat ng LGU sa mga tululong para sa pagpapadali ng nasabing proyekto. 

-0-

Daan-Daang pang mga pamilya mula sa Barangay Bituan sa Tulunan, North Cotabato ang nakinabang ng tulong sa nagpapatuloy na Local Serbisyo Caravan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Bituan Peace Development Volunteer Farmer's Association ay isang dating underground mass organization.

Ito ay naitatag noong 2017 at ngayon dahil narin sa Nagkakaisang Adhikain para sa mga Cotabatenos - Local Serbisyo Caravan (NAC - LSC), ay mas madali na nilang napa renew ang rehistro ng kanilang organisasyon sa Department of Labor and Employment.

Nakatanggap narin sila ng corn mill dati at ngayon ay mas matutulungan pa silang matamasa ang iba pang mga proyekto at programa na tiyak na makakatulong sa kanilang mga miyembrong magsasaka. Ang DOLE 12 ay patuloy naman sa pagsulong ng Bayanihan Grant II program sa apat na probinsya atlungsod na saklaw nito.

Kabilang ito sa tulong na ipinapamahagi ng pamunuan ni Regional Executive Director Raymundo G. Agravante. Kabilang dito ang P6.5 million DOLE-TUPAD benefits para 1,271 displaced/disadvanataged workers ngbDistricts 1 and 3 sa North Cotabato. Ito ay ilan lamang sa mga tampok sa isinagawang serbisyo caravan kahapon.

-0-

local...

Bukas ang mga tanggapan ng Land Transportation Office o LTO sa Koronadal City at General Santos City para sa mga bidder ng mga ipasusubastang mga sasakyan ng nasabing ahensya.

Ayon kay LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga, magtatagal ang public viewing hanggang December 17. Ito ay isang araw bago ang pagsubasta ng mga sasakyan na naka-impound sa mga tanggapan ng LTO sa December 18. Sinabi ni Gonzaga na mahigit 250 na mga sasakyan ang maaringn tingnan ng mga bidder sa LTO 12 Office sa Koronadal at LTO Gensan.

Payo naman ni Gonzaga sa mga interesadong bidder magpatala at magbayad ng five hundred pesos sa LTO 12 Regional Office . Sinabi ni Gonzaga na para hindi mahirapan sa pagpaparehistro ng mga bibilhing sasakyan ang mga buyer ay bibigyan ng LTO ng certification of sale. Ito kasi ang pangunahing requirement para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

Kabilang sa mga ipasusubastang mga sasakyan ay mula sa iba’t ibang bahagi ng Soccksargen. Ang mga ito ay hindi nakuha ng mga may ari sa mga tanggapan ng LTO matapos ma-impound dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon. Voice Clip….Si LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga.

-0-

local...

Aminado si General Santos City Social Welfare and Development Officer Elvira Capote na inaasahan na nila ang pagdami ng mga batang namamalimos sa mga kalye tuwing holiday season. Pero ang mas nakababahala ngayon ayon kay Capote, maari itong maging sanhi ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni Capote na bukod sa maaring mahawa ng COVID-19 posible ring makahawa din sa iba ang mga namamalimos na street children. Kaya ayon kay Capote sinimulan na nila ang pag-rescue sa mga batang kalye. Katuwang nila sa pagpapatupad nito ayon kay Capote ang PNP.

Sa ngayon apatnaput tatlo nang mga street children ang na-rescue ng CSWDO at PNP sa Gensan. Dalawamput pito sa mga ito ay lalaki at labin anim naman ang mga babae na nagkakaedad ng mula 15 hanggang 16 years old.

Karamihan sa mga ito ayon kay Capote ay mula din sa Badjao families na matagal nang nanirahan sa Gensan. Dinagdag din nito na ang pagligtas sa mga street children ay bilang pagpapatupad na rin sa “Oplan Sagop Bata sa Dalan” ng Women and Children Protection Desk ng Gensan PNP.

Sinabi ni Capote na ang mga na-rescue na mga street children ay pansamantalang ikinustodya ng kanilang tanggapan para ma-assess ang kanilang pangangailangan.

Sasailalim din ang mga ito sa counseling kasama ang kanilang mga magulang. Ayon kay Capote nakikipagugnayan na ang LGU sa mga opisyal Zamboanga City at Tawi-tawi para sa posibleng pagpapauwi sa mga dayong Badjao sa Gensan.

-0-

Van driver patay sa pamamaril sa Tupi, South Cotabato

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Verlin Pammpolina ang nasawing biktima na si Morsed Buletin alyas Atoy, 36 years old. Si Buletin ay binaril ng nakamotorsiklong gunman. Ito ay habang nakahinto ang minamanehong van sa tabi ng national highway sa barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato para sumakay ng pasahero.

Ang biktima ay agad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Habang ang salarin naman na nakatakip ang mukha ay agad na tumakas matapos ang krimen. Narekober ng mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ng PNP sa crime scene ang siyam na mga basyo ng 45 pistol.

Umaasa naman ang Tupi PNP na makatulong sa kanilang imbestigasyon ang kuha ng CCTV camera malapit sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

-0-

local..

Pedestrian patay matapos ma-hit and run sa Tupi, South Cotabato Dead on the spot ang isang pedestrian matapos mabiktima ng vehicular crash sa Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Verlin Pampolina ang biktima na si Lovodino Aguillon, 55 years old nakatira sa Barangay Palian, Tupi. Si Aguillon ay nabanga ng van na minamaneho ni Randy Ganayo, 43 years old ng Barangay Griño, Tacurong City, Sultan Kudarat. Ito ay habang tumatawid sa national highway sa Palian.

Nang matumba sa highway bunsod ng pagkakabanga sa kanya, ang biktimang si Aquillon ay nasagasaan naman ng paparating na Toyota Hi-Lux vehicle. Ito ay minamaneho naman ni Jemmar Bayaton, 32 years old ng Santo Tomas, Davao Del Norte. Ang pedestrian ay nagtamo ng matinding mga sugat na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Ang dalawang mga sasakyan na naka-hit and run sa biktima pati na nag mga driver ng mga ito ay ikinustodya ng Tupi PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.

-0-

local...

Nakapag-construct na ng 125 na mga infrastructure Development subprojects ang Philippine Rural Development Program o PRDP ng Department of Agriculture sa anim na mga rehiyon ng Mindanao. Kabilang sa mga proyektong ito ang farm-to-market roads, irrigation system, potable water system at maraming iba pa. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit 4.52 billion pesos.

Ayon sa ahensya ang nasabing mga proyekto ay nakatulong para mapadali ang pagdadala sa mga pamilihan at mapababa ang transportation cost ng mga produkto ng mga magsasaka sa Mindanao.

Base sa datus ng DA, ang mga proyekto sa ilalim ng PRDP ay mapapakinabangan ng mahigit isang milyong mga indibidwal o may tatlong daang libong households sa Mindanao.

Pinakamarami na mahigit 278 thousand sa mga ito ay nasa Region 11, pangalawa ang region 12 na may mahiagit 212 thousand, may 206 thousand sa region 9, 138 thousand sa region 13 at 45 thousand individual beneficiaries naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

-0-

TIMRA

MATAPOS NA MAGKASAKIT NG COVID-19 ANG 456 health workers ng Southern Philippines Medical Center mula March hanggang ngayon, humingi ng reinforcement ang pinakamalaking pagamutan sa Mindanao.

Sa 456 na mga doctor, nurses, medical technologist at laboratory workers, dalawa na ang binawaian ng buhay habang ang 424 sa kanila ay gumaling at nakauwi nah bang ang iba ay nagpapagaling pero asymptomatic.

 

Sinabi ni SPMC officer-in-charge Dr. Ricardo Audan na ang reinforcement personnel ay kinabibilangan ng 29 mula sa AFP, 20 nurses mula sa National Capital Region, 15 nruses mula Cagayan de Oro City, 10 personnel mula sa Bureau of Fire Protection-Davao at 22 na mula sa hanay ng PNP.

Idinagdag ni Dr. Audan na may 20 health workers pa mula sa Cebu City ang nakatakdang dumating.

-0-

SA SURIGAO DELSUR, patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang law enforcement operation ng mga sundalo at police sa isang resort sa Tandag City.

Ang nasawi ay si National Democratic Front - Mindanao spokesperson Alvin Luque na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan matapos daw na manlaban sa gobyerno.

Siya ay nasa loob ng Hermenias Resort in Tandag City nang salakayin ng PNP at Army.

Si Luque na kilala rin bilang Joaquin Jacinto ay nahaharap sa kasong murder at serious illegal detention.

Pero sa isang pahayag, iginiit ng NDF Mindanao na si Luque ay sadyang pinatay ng mga sundalo at tinamnan ng mga ebidensya.

Ayon sa NDF, si Luque ay nasa Hermenias Resort dahil nagpapagaling sa sakit.  Katunayan siya ay half paralyzed at di na makapaglakad.

-0-

SA SULU, itinayo ng 1102nd Infantry Brigade ng Army ang ilang tourist sites sa loob ng kampo nito sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.

Layunin nito na mapalapit ang Army brigade sa mga tao.

Ayon kay 1102nd brigade commander Brigadier General Ignatius Patrimonio, ang tourist sites ay kinabibilangan ng Rajah Baguinda shrine, Bud Datu Mini Zoo at Forest Lodge.

Paliwanag ni Patrimonio na ang Rajah Baguinda shrine ay pagkilala sa kanya sa pagdadala ng relihiong Islam sa Sulu island.

 

 

 

 

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...

Comelec urges barangay, SK voters to register starting Monday

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Saturday reminded Filipinos eligible to vote in the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK)...