Saturday Jul, 02 2022 06:27:56 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 12, 2020)

NDBC BALITA • 12:15 PM Sat Dec 12, 2020
616
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  Mas marami, gumaling sa Covid-12 sa Region 12 kaysa nagpositibo sa sakit, pero isa patay sa Cotabato City

2.  Taga-North Cotabato, pinag-iingat laban sa sakit na dengue.

3.  Special Investigation Task Group, binuo para imbestigahan ang pagpatay sa barangay kapitan mula Sarangani

4.  Crime rate sa North Ctoabato, bumaba sabi ng PNP; pero kahapon 3 patay sa pamamaril sa Kidapawan, 2 sa kanila mga babae

5.  2 karpentero sa Malabang, Lanao del Sur, nakuryente habang nasa kesame, bumagsak pa sa sementong sahig

6.  Mahigit 1,500 LGU sa buong bansa, nagdeklara sa mga NPA na persona non grata

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

local...

Mas maraming mga pasyente ang gumaling na mula sa Coronavirus disease ang naitala ng Department of Health sa Region 12 hanggang kagabi.

Kahapon, nakapagtala ang DOH ng 25 pasyenteng gumaling at nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

Sa naturang bilang, 15 ang taga General Santos City, 3 Cotabato City, 2 Sultan Kudarat at tig-iisa sa Sarangani at South Cotabato.

Dahil dito abot na ngayun sa 3,709 ang total recovered patients sa Rehiyon.

Iniulat naman ng DOH ang 16 pang panibagong kaso ng Covid 19.

Pito sa mga bagong kaso ay taga South Cotabato, lima sa General Santos City, at apat naman sa Cotabato City.

Kung kaya't meron na ngayung 4,197 ang total Covid 19 cases sa Rehiyon.

Mas mataas parin ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus ang naitala sa General Santos City na mayroong 1,229 covid positive, sumusunod ang South Cotabato na may 1,048 covid infections, pangatlo ang Cotabato City na may 994 cases, Sarangani 386, North Cotabato 313 at Sultan Kudarat 227.

Iniulat naman ng DOH ang isa pang nasawi kahapon, ito ay isang 96 anyos na babae na taga Cotabato City.

Dahil dito umaabot na sa 147 ang kabuoang bilang ng mga binawian  ng buhay dahil sa Covid 19 sa Region 12.

Habang bumaba pa ng hanggang 340 ang active cases o nagpapagaling pa.

-0-

Local …………………….

Bigtime drug suspek huli; higit 340,000 pesos na halaga ng shabu nakumpiska

Timbog ang isang bigtime drug pusher matapos malambat ng mga otoridad sa pamamagitan ng drug buy bust operation kahapon ng umaga, sa Barangay, Poblacion 2 Pigkawayan, Cotabato.

Nadakip ang suspek ng pinagsamang pwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Pigcawayan MPS, at PDEA XII.

Kinilala ang nadakip na si Manan Radzak Ebrahim, alyas Darwin, 34 anyos, at residente ng Barangay Upper Panangkalan.

Nakumpiska mula kay Ebrahim ang isang malaking sachet ng shabu na abot sa 340,000 ang halaga at nabawi rin ang isang libog piso na ipinatong sa boddle money na P100,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

-0-

Local………………..

MALUBHA ANG KALAGAYAN ngayon ng dalawang lalaking karpentero na taga Malabang, Lanao del Sur matapos na sila ay makuryente kahapon.

Nasa ospital sina Saban Alibon at Abdul Sabdullah at nagpapagaling sa pasa sa katawan dahil sa kuryente at dahil sa pagkabagsak nila mula sa kesame ng inaayos na bahay.

Naglalagay ng trusses ng kesame ang dalawa nang masagi ng mga ito ang isang live wire na naging dahilan upang sila ay malaglag sa sementadong sahig ng bahay.

 

-0-

Local………………..

PORMAL NANG INILIPAT NG DOLE-12 sa Bangsamoro Ministry of Labor and Employment ang pangangasiwa ng field office nito sa Cotabato City.

Ang formal turn over ay isinagawa kahapon sa Koronadal City.

Mismong si BARMM Labor Minister Romeo Sema ang tumanggap ng mga dokumento mula kay DOLE-12 Regional Director Raymundo Agravante.

Nangako si Sema na itutuloy ng kanyang tanggapan ang mga programa ng DOLE field office sa lungsod at ang pantay-pantay na implementation ng labor laws, rules and regulations.

Sakop na rin ng MOLE-BARMM ang 63 barangays sa anim na bayan ng Midsayap, Aleosan, Pigcawayan, Pikit, Kabacan at Carmen.

-0-

Local …………………….

MAHIGPIT NA KINUNDINA ng mga local official ng Datu Piang, Maguindanao ang naganap na pananalakay ng mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa isang resolution na pinagtibay ng town council at iba pang local officials, sinabi ng mga local officials na hindi katanggap-tangap ang ganitong gawain.

Ang resoliusyon ay nagbibigay ng kapangyarihan kay Mayor Vic Samama na gamitin ang lahat ng resources ng local government upang matiyak na hindi na maulit pa ang naturang pananalakay.

Nanguna si Vice Mayor Nasser Abpi na siyang presiding officer ng town council sa pagsusulong ng resolusyon.

Ang buong resolusyon ay mababasa sa isyu ngayon ng The Mindanao Cross.

-0-

Local…

Pinuri ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagpapatupad nito ng Skills and Development Training para sa dating combatants ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ito ang buod ng mensahe na ipinaabot ni 6ID at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy sa pamamagitan ni Col. Jovencio Gonzales, Assistant Division Commander for Reservist and Retirees Affair sa ginanap na commencement program ng “Skills Development Training for Former Combatants” sa Darul ‘Aman Convention Hall sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang kahalintulad na mga aktibidad ay ginawa upang matiyak na mabigyan ng pagkakataon na makapag bagong buhay ang dating combatants ayon kay Col. Gonzales.

67 mga dating BIFF combatants ang nakapagtapos ng tatlumpong araw na skills development training na pinangasiwaan ng Ministry of Interior and Local Government (MILG) sa pamamagitan ng project “Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit” (TuGoN) program, pinasimulan sa ilalim ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

-0-

local..

ANG MGA KAWANI ng Dept Labor and Employment field office sa Cotabato City ay lilipat na sa Koronadal City at sa regional office ng DOLE-12 matapos na ang kanilang tanggapan ay ilipat sa pangangasiwa ng BARMM.

Sinabi ni BARMM spokesperson Naguib Sinarimbo na ang mga kawani ay merong option na manatili sa Cotabato City at mapapasailalim sa BARMM or manatili sa Region 12 at lilipat sa Koronadal o iba pang field office ng DOLE.

Kahapon, pormal na inilipat ang Cotabato City field office ng DOLE-12 sa BARMM Ministry of Labor and Employment na pinamumunuan ni Minister Romeo Sema.

-0-

 

local...

Dahil sa mas pina-iigting na police operations at dulot ng umiiral na quarantine protocols dahil sa COVID-19 bumaba ang naitalang crime rate sa North Cotabato ngayong taon.

Ito ang inihayag kahapon ni North Cotabato PNP Provincial Director Henry Villar sa isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting kahapon kasabay ng pagtatapos ng taong 2020. Bumaba sa 1,133 ang total crime incident ng probinsya ngayong 2020 kumpara sa 1,396 noong nakaraang taon sa kaparehong taon.

Batay sa report ng Cotabato Provincial Police Office mula July 1 hanggang November 30, 2020 para sa Crime Clearance Efficiency mayroong 83 to 90 percent increase habang 68 to 74 percent naman ang significant increase ng Crime Solution Efficiency.

Para sa 8 focus crime and special complex crimes naman mula sa 357 noong naging 174 na lamang ito ngayong taon. Ito ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injuries, robbery, theft, carnapping at rape with homicide na ayon sa police official ito ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng alas 5:00 ng hapon hanggang sa alas 8:00 ng gabi.

Ang pagbaba ng crime rate sa buong probinsya ay dahil na rin sa walng tigil na pagsisikap ng mga pulis, militar, iba pang law enforcement agencies maging ang suporta at pakikipagtulungan rin ng komunidad.

Samantala, iniulat din kahapon ni Villar ang kanilang tagumpay sa usaping Oplan KAPANALIG o Kapag Palaging Nandiyan Tayo ay Ligtas na kung saan abot sa 48,802 ang kanilang na-reprimand simula noong Enero hanggang Nobyembre ng taong ito.

-0-

local...

Bukod sa COVID-19, pinag-iingat na rin ng Rural Health Unit- Kabacan ang lahat hinggil sa nakakamatay din na sakit na dengue ngayong nakakaranas na ng mga pag-ulan.

Batay sa latest report na ipinalabas ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit, nakapagtala ng limang dengue cases ang bayan para sa buwan ng Nobyembre. Ang kaso ay mula sa apat na mga Barangay, dalawa ang naitala sa Barangay Kayaga, habang tig-iisa sa mga Barangay ng Bannawag, Osias, at Nangaan.

Mas pina-iigting na rin ngayon ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar at mga Barangay Officials para hindi na madagdagan pa ang kaso ng sakit. Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang bawat Kabakenño na palakasin ang kampanya laban sa dengue upang patuloy na bumaba ang kaso nito 

-0-

local...

Samantala, sa ospital na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos na barilin ng di pa kilalang mga suspect particular sa Sandawa Homes Phase 1, Barangay Poblacion Kidapawan City mag aalas 7:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ali Cermino, may asawa at nakatira sa Antipas, Cotabato. Ayon kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt Col Ramel Hojilla, lumalabas sa kanilang isinasagawang imbestigasyon, pinagbabaril ang biktima habang naghahanda patungo sana sa kanyang sakahan sa bayan ng Antipas. Dalawa ngayon ang tinitingnang anggulo ng mga pulis na posibleng motibo sa pagpatay sa nasabing biktima.

Ang pagkakasangkot nito sa illegal na droga dahil nabatid na nasa target list ng Antipas PNP ang biktima habang ang isa naman ang personal grudge. Pasado mag-aalas 8:00 naman kagabi, patay din ang 20 anyos na babae na kinilalang si Jinefer Cortez na taga Lola Dilang Street Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng riding in tandem suspect ang biktima habang nagluluto ng barbeque sa harap ng kanilang bahay. Inaalam pa ang motibo sa krimen.

Samantala, nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation ng Antipas PNP sa posibleng salarin sa pagbaril at pagpatay kay Vannesa Lumawig Mariano, 30-anyos, single, vendor na pansamantalang naninirahan sa Lozare Boarding sa Don Mariano Street Brgy. Poblacion, Antipas, Cotabato.

Ayon kay Antipas PNP Chief Police Captain John Minidel Calinga, naganap ang insidente pasado alas dos ng hapon kanina, habang nasa isang tindahan ang biktima kung saan biglang nalang itong pinagbabaril ng di pa nakilalang suspek. Sa ulo ang tama na biktima na itinakbo pa sa ospital pero di na ito umabot pa ng buhay. Narekober sa crime ang isang basyo ng caliber 45 pistol. Patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

-0-

local...

Nasa anim na mga nagbalik loob na mga rebelde mula sa bayan ng Arakan, Matalam at Magpet, North Coatabato ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ay may kabuuang 90,000 pesos o P15,000 bawat isa. Personal na inaabot ni Governor Nancy Catamco, DILG Provincial Director Ali Abdullah, Board Members Jonathan Tabara at Onofre Respicio sa isinagawang Joint Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Peace and Order Council Meeting ang naturang ayuda na magagamit ng mga rebel-returnee sa kanilang pagbabagong buhay.

Sa nasabi ring aktibidad, napag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa pagtitiyak ng seguridad ng lalawigan na iprenisenta ng mga opisyal ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang pagbibigay ng karagdagang ayuda sa mga nagbalik loob na rebelde ay isang inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan upang matugugunan ang usaping insurhensiya. NDBC BIDA BALITA

-0-

local...

Nananatiling nasa full-alert status ang hanay ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO bilang paghahanda sa holiday season kabilang na ang ilalatag sa seguridad sa pagsisimula ng simbang gabi sa susunod na linggo.

Sa panayam kay CPPO Director Police Colonel Henry Villar, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanilang crime-prevention program at anti-criminality campaign kung saan lahat ng hakbang ay tinututukan ng PNP para mapanatili ang kaayusan sa buong lalawigan.

Bagama’t malaki ang pagbaba ng bilang ng iba’t-ibang krimen sa probinsya dahil na rin sa pandemya, pero mananatili ang pagbabantay ng mga pulis ngayong nalalapit na ang pasko at bagong taon. Katuwang ng PNP ang iba pang force multiplier ng law enforcement at militar upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lalawigan. 

Hinikayat naman ni Villar ang publiko na makiisa sa mga otoridad upang mahadlangan ang mga masasamang balakin ng mga lawless groups at mapanatili ang kaayusan sa buong North Cotabato.

 

 

-0-

local...

Drug suspek na myembro ng terrorist group patay sa shootout sa Polomolok, South Cotabato

Kinilala ni Polomolok Deputy Chief of Police, Captain Randy Apostol ang sumakabilang buhay na drug suspect na si Mohalidin Marot alias “Alimudin Marot” nasa hustong gulang. Si Marot ay nakorner ng mga kasapi ng Polomolok PNP sa kanila mismong lugar sa Barangay Lumbakil, Polomolok, South Cotabato.

Nang mapansin na nagkunwaring pulis ang ka-transakyon sa iligal na droga, pinatukan ito ng baril ng suspek.

Ayon kay Apostol agad namang nakakubli ang nasabing pulis at ginantihan ng iba pang myembro ng operating team ang patakas na suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Ang nasabing drug suspek na nagtamo ng matinding mga tama ng bala ng baril ay dead on arrival sa Polomolok Municipal Hospital.

Narekober naman ng team ni Police Captain Jessie Garcia ng Scene of the Crime Operatives o SOCO sa lugar umano ng shootout ang isang 45 pistol mga bala at basyo nito, at tatlong basyo ng 9mm na baril Nakakumpiska din ng mga pulis ang apat na mga sachet ng suspected shabu na nagkahalaga ng mahigit six thousand pesos at motorsiklo na ginagamit umano ni Marot sa kanyang illegal drug transaction.

Kinumpirma ni Apostol na ang napatay na drug suspek ay spotter ng terrorist group na Daulah-SOCCKSARGEN Khatiba.

-0-

local...

Mayroon nang special task force ang PNP na tututok sa pagpatay kay Barangay Glan Padido, Glan Chairman Isedrito Poncardas Cañete sa Genera Santos City.

Ayon kay Gensan Acting City Police Director Colonel Gilbert Tuzon, layon ng pagtatag ng special task force na mapabilis ang pagresolba ng kaso sa pagpatay sa nasabing barangay Chairman. Sinabi ni Tuzon na ang investigation team na kinabibilangan din ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ay nasa ilalim ng kanyang supervision.

Inaasan nila ayon kay Tuzon na mareresolba ng team ang kasong pagpatay sa biktima sa loob ng isang linggo. Pero ayon kay Tuzon kung wala maigiging resulta sa imbestigasyon ng special investigation team magtatag ang Gensan PNP ng task force EGO o elected government official.

Ang biktimang si Cañete ay Presidente ng Liga ng mga Barangay sa Glan at ex-officio member din ng konseho sa nasabing bayan. Matatandaan na si Cañete ay pinagbabaril ng riding-tandem na mga salarin.

Ito ay habang sakay ng Toyota Fortuner sa national highway sa Barangay Lagao patungong Gensan Proper dakong alas dyes ng umaga noong Martes, Si Cañete na tinamaan ng mga bala ng baril sa ulo at katawan ay agad na binawian ng buhay.

Ligtas naman ang driver ng sasaskyan at barangay Treasurer ng Glan Padidu na kasama ng biktima nang maganap ang pamamaril. Sinabi ni Tuzon na napakinggan na nila ang statement ng mga witness at kakilala ni Cañete na maaring makatulong sa kanilang imbestigasyon sa nasabing krimen.

-0-

 

local.

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang muling pagbubukas ng tourist destination na Lake Holon sa T’boli, South Cotabato sa January 4, 2021.

Ito ay ayon kay Tboli Senior Tourism Operations Officer Rodel Hilado. Matatandaan na isinara sa publiko ang Lake Holon noong Enero sa layon na mabigyan daan ang rehabilitasyon nito at dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Hilado sa muling pagbubukas nito, tiyak na makararanas ng panibagong adventure ang mga turista dahil sa inilagay na bagong mga pitstops. Ang mga ito ay ang food stops at scenic spots sa mga dadaanang komunidad.

Tiniyak din ni Hilado na matutungyahan ng mga trekker ang rejuvenated at na-rehabilitate na Lake Holon. Sinabi ni Hilado na sinamantala kasi ng lokal na pamahalaan ang pagsara ng Lake Holon para makapagsagawa ng rehabilitation activities,.

Kalakip sa mga ito ang upgrading ng pasilidad sa campsite at view deck. Sa pamamagitan ng six million pesos na support fund mula sa provincial government naglagay din sila ayon kay Hilado ng comfort room na akma ang desinyo sa lugar.

Dinagdag ni ni Hilado na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang biodiversity assessment at pananaliksik ng mga eksperto sa potability ng tubig at medicinal plants sa paligid ng Lake Holon Nilinaw din nito na papayagan lamang sa pagbubukas muli ng nasabing tourist destination ang 75 mga climber.

-0-

 

local....

Mayroong mahigit dalawang daang mga “Tsuper Iskolar” ang General Santos City. Ang mga ito ay pawang mga myembro ng pamilya ng mga public utility vehicles o PUV drivers na apektado ng modernization program ng pamahalaan.

Ang mga “Tsuper Iskolar” sa Gensan ay may pitong technical-vocational courses na pagpipilian. Ang mga ito ay ang wielding, Electric Installation Maintenance, Dressmaking, Bookkeeping, Caregiving ,Computer Systems Servicing at driving. Kabahagi din ng programa na pinondohan ng mahigit limang milyong piso ang entrepreneurship training.

Ang mga trainee ay makatatanggap naman ng tig 350 pesos na arawang allowance, internet allowance, at Protective Personal Equipment o PPE dahil sa COVID-19 pandemic. Katuwang ng Gensan LGU sa pagpapatupad ng programa ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ayon kay TESDA Sarangani-Gensan Provincial Director Remegias Timonio, maliban sa online classes ang mga “Tsuper Isklar ay sasailalim di sa actual classes. Sinabi naman ni Gensan Mayor Ronnel Rivera madali lang sabihin ang pagtanggal ng mga tricycle at lumang mga jeep sa kalsada. Pero balewala rin ang mga ito kung walang maibibigay na ibang mapagkakakitaan sa apektado mga pamilya ang pamahalaan.

-0-

 

local...

Naghahanda na para sa drug-clearing deliberation ng Regional Oversight Committee para maideklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang dalawamput pitong mga barangay ng Koronadal City.

Kalakip dito ang pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC. Ito ay ayon kay City Anti-Drug Abuse Council Action Officer Agustin Demaala.

Ayon kay Demaala, kabilang sa mariin isinusulong ngayon ng mga BADAC sa Koronadal ang pagkumbinse sa mga Persons Who Used Drugs o PWUD na sumuko. Ito ay para sumailalim sa Barangay Community Rehabilitation Program o BCRP.

Binigyan diin ni Demaala na regular na nagsasagawa ng information at education campaign ang CADAC para makumbinse ang mga PWUDs na makilahok sa CBRP. Sinabi ni Demalaa na ang BADAC ay may listahan din ng mga suspect na kailangang isailalim sa nasabing programa.

Tintutukan ngayon ng CADAC ang mga BADAC dahil ito ang kanilang first line of defense sa iligal na droga. Umaasa si Demaala na maideklarang drug-free ng PDEA ang lahat na mga barangay sa Koronadal sa susunod na taon.

-0-

TIMRA

ISINAGAWA NG DEPT OF AGRICULTURE at ng Mindanao Development Authority o MinDA ang P14 million food terminal sa bayan ng Talakag, Bukidnon.

Sinabi n DA-Region 10 (DA-10) Technical Director for Operations Carlota S. Madriaga na ang terminal ay merong malaking cold storage facility.

Inaasahang matatapos ang food terminal ay inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng 2021.

Bahagi ito ng programa ng DA na naglalayong matulungan ang mga magsasaka at matiyak ang kasapatan ng pagkain sa Mindanao at sa bansa.

Kasabay ng ground breaking ang "Imtasula Vegetable Derby and Festival," a bagsakan ng mga agriculture products mula sa apat na mga bayan ng Bukidnon na kinabibilangan ng Impasug-ong, Talakag, Sumilao, at Lantapan.

-0-

SA DIPOLOG CITY, sinanay ng Dept of Agriculture ang 50 mga school principal at mga guro para sa vegetable production management sa ilalim ng High-Value Crops Development Program.  Layunin nito na magkaroon ng pagkakataon ang mga guro at principal na magkaroon ng dagdag income.

-0-

SA MISAMIS ORIENTAL, nangunguna ang lalawigan na ito sa may pinakamaraming bilang ng mga biktima ng human trafficking at nakaligtas sa tulong ng NGO at pamahalaan. Sa buong rehiyon, 275 ang total victim-survivor ng human trafficking, ayon sa DSWD.  216 ang mula sa Misamis Ocidental habang 23 sa Bukidnon, 13 sa Lanao del Norte at apat sa Camiguin island.

-0-

SA TAGUM CITY, mahigit 1,500 katao ang isinailalim sa swab test matapos na sila ay makasalamuha ng mga nagpositibo sa Covid 19.  Sinuman ang naging malapit sa may sakit, dapat magpaswab talaga, ayon sa local ordinance.

-0-

SA ZAMBOANGA SIBUGAY, boluntaryong sumuko ang isang babaeng rebeldeng NPA dahil gusto raw niyang mag-aral at maging professional pagdating ng panahon.  Kinilala ni PRO-9 Regional Director Brigadier General Ronaldo Llanera ang NPA amazon na si Jomilyn C Dominisac, 22 taong gulang na taga-Pancilan village, Sapad, Lanao Del Norte.

 

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...

Job opportunities at Cotabato City power firm

The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) is looking for business process specialist and distribution network technician.