Tuesday Nov, 29 2022 05:09:33 AM

NDBC BIDA BALITA (DEC. 16, 2020)

NDBC BALITA • 18:45 PM Wed Dec 16, 2020
701
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  Cotabato City, pormal nang nai-turnover sa Bangsamoro, All our support ang BARMM sa inyo, sabi ni Minister Murad. 

2.  Dagdag na kaunlaran, mangyayari na sa BARMM ngayong lumaki pa ang nasasakupan nito, ayon kay Sec. Año.

3.  9 na mga doctor, 29 na mga ospital sa Region 12 , posibleng kasuhan ng Philhealth dahil sa fraudulent claims

4.  Sa Kidapawan City, torotot vendors, umaray kasi bawal na ang kanilang paninda ngayong Pasko. 

5.  Pulis na suspek sa pambubugbog at pagpatay sa misis sa Koronadal, naaresto ng mga kapwa pulis sa Banga, South Cotabato. 

6.  Confirmed COVID-19 cases sa Cotabato City, lampas 1,000 na

7.  54 na mga Covid-19 positive sa Region 12, gumaling na.

8.  Kahit saan, kahit kailan at sinuman dapat may facemask, ayon sa Malakanynag

 

-0-

Local………………..

PORMAL NANG SAKOP NG BANGSAMORO Region ang Cotabato City.

Ito ay matapos ang formal turn-over ng DILG- national sa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mismong si DILG Sec. Eduardo Año ang nanguna sa programa na ginanap sa Shairff Kabunsuan Cultural Complex.

Ibig sabihin ito, ang Cotabato City ay hindi na sakop ng Region 12 kund under na ito sa BARMM.

Mananatili naman na alkalde ng lungsod si Mayor Cynthia Guiani Sayadi at iba pang elected officials at ordinary employees ng siyudad.

Sakop na rin ng BARMM ang 63 barangays ng North Cotabato.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ebrahim, all out support siya sa lungsod ng Cotabato at 63 villages ng North Cotabato.

Wala aniyang talo sa transfer ng lungsod sa BARMM.

NANAWAGAN NAMAN SI Sec. Año sa lahat na sama-sama dapat ang mga mamamayan ng Cotabato City at BARMM sa pagsulong ng kaunlaran para sa lahat.

Hindi dumalo sa programa ang sinuman sa executive department ng Cotabato City.

-0-

Local…

IPINAG-UTOS NI BARMM chief Minister Murad Ebrahim ang isang imbestigasyon sa claim ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na nakatanggap siya ng pagbabanta sa buhay bago ang official turnover of supervision ng lungsod sa BARMM.

Ginawa ni Ebrahim ang pahayag matapos ang formal turnover of supervision ng lungsod sa BARMM na pinangasiwaan ni DILG Sec. Eduardo Año sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex kahapon.

Ayon kay Murad, walang magbabanta sa buhay ng mga tumututol sa pagsasailalim ng BARMM sa lungsod dahil malinaw aniya sa batas na niratipika ang Bangsamoro Organic Law at nagwagi ang yes vote noong plebesito.

Sa mga text message na ipinarating kay Mayor Sayadi, sinabi nito na magkakaroon ng mga pagsabog at iba pang karahasan sa lungsod kung patuloy na tutol ang akalde sa lungsod.

-0-

Local………………..

Mas marami ang mga pasyenteng gumaling na mula sa Coronavirus Disease sa Soccsksargen Region kumpara sa mga panibagong kaso, ayon sa Dept of Health 12.

Hanggang kagabi, 54 ang mga pasyenteng tuluyan ng gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

Sa 54  na pasyenteng gumaling, 23 ang taga Sarangani, 11 Cotabato City, 10 South Cotabato, 8 General Santos City at tig-iisa sa North Cotabato at Sultan kudarat.

Dahil dito umaabot na sa 3,833 ang total recoveries ng Covid 19 sa Rehiyon.

Kahapon din, naitala ng DOH ang 28 panibagong coronavirus infection sa Rehiyon.

Syam sa mga bagong kaso ay taga North Cotabato, walo sa General Santos City, lima sa Cotabato City, apat sa Sultan Kudarat at tig-iisa sa South Cotabato at Sarangani.

Dahil diyan abot na sa 4,277 ang total Covid infections sa Rehiyon.

General Santos City parin ang may pinakamataas na kaso ng sakit sa boung rehiyon na may 1,251 covid positive, sumusunod ang South Cotabato na may 1,063 covid infections, pangatlo ang Cotabato City na may 1,006 cases, Sarangani 391, North Cotabato 331, at Sultan Kudarat 235.

Sa magkasunod na dalawang araw walang naitalang nasawi rehiyon kayat nanatili sa 150 ang total related deaths.

Habang mas bumaba ng hanggang sa 293 ang active cases o  mga pasyenteng nagpapagaling pa.

-0-

Local………………..

Sa Bangsamoro Region, isa pang pasyente na taga Maguindanao ang naitalang nasawi kahapon dahil sa Coronavirus Disease.

Sa ngayun, abot na 95 ang kabuoang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa Coronavirus disease sa BARMM.

Samantala, batay sa ulat ng Ministry of Health, dalawa pang kaso ng Covid infections ang naitala sa rehiyon.

Isa ang taga Maguindanao at isa rin sa Sulu.

Dahil diyan, umaabot na ngayun sa  2,478 ang kabuoang bilang ng nakamamatay na sakit sa Rehiyon.

Pinakamarami parin ang bilang ng mga naitatalang kaso sa Lanao del Sur at Marawi City na may 1,143 covid positive, sumusunod ang MAguindanao na may 642 infections, pangatlo ang Sulu na may 242 cases, Basilan at Lamitan 196, at Tawi-tawi 135.

-0-

local..

local...

Cotabato Province, nakapagtala ng siyam pang panibagong kaso ng COVID-19 at isang recovery Lumubo pa ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa North Cotabato.

Sa latest post ni EOC Manager BM Philbert Malaluan, siyam ang nadagdag sa bagong kaso kagabi mula sa ibat- ibang lugar sa probinsya. Sa nasabing bilang, apat ang mula sa Kidapawan City, tig dalawa ang mula sa Matalam at Midsayap habang isa naman ang mula sa President, Roxas.

Apat sa mga bagong kaso ay kabilang sa vulnerable group na mga senior citizen. Isinailalim na sa quarantine period ang lahat ng mga pasyente sa kani-kanilang isolation facility. Samantala, nakapagtala naman ng isang recovery na mula sa bayan ang Carmen ang probinsya kahapon.

-0-

 

local.. Bilang tulong sa mga COVID-19 frontliners ng lungsod partikular ang mga manggagawa ng city hall na patuloy na tumutulong sa pagsugpo sa nakakahawang sakit, naisip ng isang barbershop sa Kidapawan City ang mag-alok ng libreng gupit.

Ang Sozu barbershop ay matatagpuan sa Quezon Blvd., Kidapawan City sa bandang Sugni Superstore kung saan ipepresenta lamang ng isang city hall frontliner ang kanilang ID upang maka-avail nito.

Ayon kay City Information Officer Atty. Paolo Evangelista, mismong ang may-ari ng nabanggit na barbershop ang lumapit sa local government upang mag-alok kung papaano makatulong sa mga frontliners.

Kaunay nito, hinikayat naman ng local IATF ang mga nais pumunta na sundin pa rin ang minimum health protocol.

-0-

LOCAL…

SIYAM NA MGA DOKTOR at 25 mga ospital sa Region 12 ang posibleng mahaharap sa kasong katiwalian at fraudulent insurance claims sa Philhealth-12.

Sinabi ni Philhealth 12 acting regional vice president Dr. Hector Zenon Leonardo Malate na ito ay bay sa isinagawang fact finding investigation sa 40 suspicious claims ng mga ospital.

Aniya, naisumete na ng Philhealth 12 legal section ang report sa Philhelath central office Fact-Finding, Investigation and Enforcement Division (FFIED).

Sinabi ni Malate na ang FFIED ang mag-deterime ng possible administrative charges laban sa mga ospital at sa mga sangkot na doctor.

Karamihan sa mga nadiskubre ay “misrepresentation o may claim para sa mga non-admitted patients, extension sa period of confinement ng mga pasyente para ma cover ng Philhealth at multiple filing of claims.”

-0-

Local………………..

NAGPAALALA ang Bureau of Fire Protection sa publiko tungkol sa paggamit ng christmas lights ngayong Disyembre.

Payo ni Cotabato City Fire Marshall Chief Insp. Lucilyn Banac sa publiko na huwag basta-basta bumili ng mga Christmas lights na mumurahin.

Ayon kay Banac, kailangang tiyakin na dumaan sa quality check ang mga ilaw na bibilhin at huwag tangkilikin ang mga sub-standard na produkto dahil madalas dito nagsisimula ang sunog.

Idinagdag ni Banac na dapat ay iwasan talaga ng publiko ang octopus connections para iwas sa sunog.

Ngayong taon, ipinagbabawal ang pagpapaputok gamit ang fire crackers at baril sa Cotabato City kung kaya't

umaasa ang BFP na magiging ligtas sa publiko ang paghahanda sa araw ng pasko at pagsalubong sa

bagong taon.

Maari naman anyang mag-ingay sa loob ng bahay bilang pagsasaya at tiyakin lamang na nasusunod

ang standard health protocol upang makaiwas sa COVID 19, ayon kay Banac.

-0-

local...

Ginawa na ring mga frontliner ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 ang mga mamamayan mismo ng General Santos City.

Kasunod ito ng pagpapatupad ng Gensan LGU ng kanilang “BIDA KaBarangay Kontra COVID-19.” Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera, layon ng programa na maresolba ang local transmission ng COVID-19 lalong lalo na sa mga barangay. Binibigyan din nito ng mas malaking responsibilidad ang mga mamamayan sa monitoring ng pagsunod sa minimum health protocols.

Pero ang mas mahalaga ayon kay Rivera, isinusulong din ng nasabing programa ang pagkakaisa sa pagitan ng lokal na pamahalaan at kanilang stakeholders. Dinagdag ng alkalde na iniutuos na rin nito sa mga barangay at komunidad na paigitingin pa ang kanilang ang kampanya sa pagsunod sa health protocols. Kalakip sa mga ito ang pagsusuot ng face mask at face shields, regular na paghugas ng kamay, kalinisan sa pangangatawan at pagsunod sa physical o social distancing.

Naniniwala din Rivera na sa pamamagitan ng kanilang “Bida KaBarangay Kontra Covid-19” ay mas mahihikayat din nila ang publiko na magpatupad ng mga inobasyon sa kanilang mga tahanan, lugar ng trabaho at mga pampublikong lugar.

Layon nito ayon kay Rivera na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Gensan. Binigyan ng alkalde na mahlaga din ang pagkakaisa para protektahan laban sa COVID-19 ang mga komunidadd. Paalala nito sa publiko tuwing umaalis ng bahay huwag kaligtaan ang kanilang QR-code cards na titiyak sa mas mabilis na contact tracing sakali mang mayroong magpositibo sa COVID-19.

-0-

 

-0-

 

Local…

ISANG SUNDALO ang nasugatan nang magkasagupa ang Army at BIFF sa Northern Kabuntalan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa report ng 34th Infantry Battalion, sinalakay ng BIFF ang Army detachment sa liblib na lugar bago pa man magalas 5 ng umaga.

Pinamumunuan umano ni Omar Abdullah alias Commander OB-10 ang mga sumalakay.

Sa clearing operation ng Army, na-recover ang isang Barret cal. 50 sniper rifle, isang cal. 45 pistol, apat na rifle grenade at isang improvised bomb, ayon kay 34th IB chief Lt. Colonel Glenn Cabalero.

Samantala, isang buntis na ginang ang nasawi matapos na bumagsak umano ang isang explosive sa Datu Shariff Saydona Mustapha kagabi.

Ito ay naganap sa Barangay Pusao pasado alas 10 kagabi.

Ayon sa bayaw ng biktima na Mursid Mamolintao, posibleng sundalo o mga BIFF ang nagpasabog ng rifle grenade

Bagamat nagawa pang isugod sa Maguindanao Provincial Hospital ang biktimang si Rabiyah Damada Lakim ay hindi na ito umabot pa ng buhay. Buntis sa pangalawang supling sana ang biktima.

Sa ngayon tensyonado pa rin ang kanilang lugar dahil sa manaka-nakang putukan sa pagitan ng militar at ang hinahabol nilang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Wala nga daw tulog ang mga sibilyan doon dahil sa tension.

May panawagan naman si Mamolintao sa Pamahalaan na sana ay matigil na ito at sana ay hindi na maulit pa ang ganitong sitwasyon kung saan naiipit ang mga sibilyan.

-0-

Local..

MATAPOS MABIGONG magpakita ng lisensya ng pag-dadala ng baril, inaresto ng Philippine Marines ang dating vice mayor ng Talitay, Maguindanao habang ito ay papasok ng Cotabato City para dumalo sa turnover ceremonies sa BARMM.

Kinilala ni Cotabato City police director Col. Richard Fiesta ang nadakip na si Kamid Buisan, dating vice mayor ng Talitay.

Ayon kay Fiesta, nakuha mula sa sasakyan ni Buisan ang isang cal. 45 pistol na walang kaukulang papales.

Si Buisan ay nai-turnover na sa Police Station 3 para sa pormal na pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

-0-

local...

Matapos ang dalawang araw na paghahanap, tuluyan nang naaresto ng mga kabaro nito si Police Corporal Edwin Habagat. Sinabi sa Radyo Bida ni Kornadal PNP Investigator Reynaldo Sotelo, na si Habagat ay naaresto ng mga kapawa pulis sa Barangay El Nonok sa bayan ng Banga.

Ipinahayag ni Sotelo na maayos namang sumama sa mga kasamang pulis ang suspek. Si Habagat ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City PNP , intelligence, drug enforcement unit at mobile force company ng South Cotabato provincial police office.

Ang nasabing pulis ay nasa kustodya na ng Koronadal PNP at kinasuhan na ng parricide. Ayon kay Sotelo, si Habagat na pansamantalang nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng PNP 12 ang suspek sa pagpatay sa misis nitong si Davy Joy Habagat, 37 years old.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal PNP na ang biktimang misis ay dead on arrival nang dalhin ng suspek na mister sa ospital.

Ito ay matapos magreklamo ng matinding pananakit ng ulo at hinimatay noong December 12 ang biktima,tatlong araw matapos umanong bugbugin ng mister sa kanila mismong pamamahay sa Barangay Paraiso, Koronadal.

-0-

local...

Nakapag-release ng mahigit 272 million pesos na emergency assistance para sa libo-libong mga mamamayan sa region 12 ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo ito ay bilang pagpapatupad sa assistance to inviduals in crisis situations o AICS. Layon ng AICS na mabigyan ng ayuda ang mga mamamayan na apektado ng krisis.

Sinabi ni Espejo na pinakamalaking tapyas na mahigit 200 million pesos sa nasabing halaga ay ginamit ng ahensya para sa medical assistance at 22.6 million pesos sa funeral support. Naglaan din ang ahensya ng mahigit 10 million pesos sa mga mamamayang nawalan ng mga bahay dahil sa sunog.

Dinagdag ni Espejo na nakapagbigay din sila ng mahigit 68 thousand boxes ng family food packs na nagkakahalga ng 38 million pesos sa mga nangangailangang mga pamilya noong December 8.

Ipinahayag ni Espejo na matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng kanilang mga benepisyaryo.

Kaya para sila matulungan ayon kay Espejo pinaigiting ng DSWD 12 ang kanilang pakikipagugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan. Sa katunayan ayon kay Esepejo sa ngayon ay inihahanda na nila ang pamimigay ng Livelihood Assistance Grant o LAG sa ilalim ng Social Amelioration Program. Makikinabang sa LAG ang mga low-income families na ang mga kabuhayan ay apektado ng pandemya.

-0-

local...

Magpapatayo ng gallery para sa collection nila ng mga larawan at dokumento ang Sangguniang Panlalawigan o SP ng South Cotabato.

Sa katunayan ayon kay Vice Governor Vicente De Jesus na siya ring presiding officer ng konseho kumuha na sila ng team ng consultants para sa nasabing proyekto.

Ang gallery ay magsisilbing repository o paglalagyan ng mga collection ng records at litrato ng SP mula 1966 kung kelan itinatag ang lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay De Jesus, ang mga consultant ay nakapag-scan copied na ng mahigit isang libong mga litrato at dokumento gamit ang makabagong teknolohiya.

Sinabi ni De Jesus na sa tulong ng mga donor, nakakolekta sila ng mga larawan ng unang gobernador at SP members ng South Cotabato.

Nanawagan din si De Jesus sa publiko na ibahagi sa SP ang mga luma nilang litrato ng mga opisyal ng lalawigan at maging ng old capitol building. Umaasa naman si De Jesus na matatapos nila ang proyekto at mailagay sa frame ang mga litrato at dokumento para ma-exhibit sa susunod na taon.

-0-

local...

Hinirang ng Department of Agriculture bilang national winner sa ika 49th Gawad Saka Awards ang isang coconut farmer sa South Cotabato.

Siya si Jesus Dignadice ng bayan ng Polomolok. Ang nasabing magsasaka ay pinarangalan bilang “Outstanding Coconut Farmer” para sa taong 2018 hanggang 2019.

Si Dignadice ay kabilang sa dalawamput dalawang mga magsasaka na tumanggap ng parangal sa virtual awarding ceremonya na pinangunahan ng DA kamakalawa. Layon ng Gawad Saka Search ng DA na bigyan pugay ang mga magsasaka na may natatanging kontribusyon sa sektor ng pagsasaka.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni DA Secretary William Dar ang mga awardee dahil sa giniwa ng mga ito para lalo pang maisulong ang agriculture sector sa bansa.

Hangad naman ng kalihim na maging magandang ehemplo sa kapwa nila mga magsasaka at mangingisda ang mga awardee na ayon sa kanya ay malaki ang naitulong sa food security ng Pilipinas.

-0-

local...

Upang iwas COVID-19, pansamantalang pinasususpende ang taunang Tricycle Renewal sa lahat ng operator at driver sa Kidapawan City.

Ayon kay Traffic Management Unit Head Rey Manar, ito’y kinabibilangan ng renewal ng permit at franchises ng tricyle para sa taong 2021.

Base na rin ang suspension ng seminar sa isang Resolusyon na ipinalabas at ipinasa ng Local IATF kontra COVID-19. Bagamat suspendido na ang seminar, magsasagawa pa rin ng inspection ang TMU sa lahat ng mga tricycle na rekisito sa kanilang renewal. Gagawing limitado ng City Government ang bilang na hindi lagpas sa dalawang daang operator at driver ang inspection ng kanilang unit kada araw.

Pagbabasehan din ang KD Number ng mga tricycle sa kung anong araw sila magpapa inspection sa TMU. Pinapayuhan ang mga operator at driver na sumunod pa rin sa mga itinakdang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shields, tamang disinfection at physical distancing kung isasailalim sa inspection ang kanilang tricycyle.

Kinakailangan din na may dala silang kaukulang papeles gaya ng lumang franchise, OR/CR ng motor, driver’s at operators’ ID kapag magpapa-inspection ng kanilang unit. Ipagbibigay alam ng TMU ang schedule ng renewal ng mga tricycle sa mga susunod na mga araw.

-0-

local...

Sa kabila ng COVID-19 tuloy pa rin ang tradisyunal na Simbang gabi para sa lahat ng mananampalatayang katoliko sa North Cotabato simula kaninang madaling araw.

Kaugnay nito, inilatag ni Our Lady of Mediatrix of all Grace Cathedral Rector Father Jun Balatero ang mga panuntunan sa lahat ng mga dadalo sa misa. Nagsimula na rin ang 9 day-anticipated mass kagabi simula alas 6:00 hanggang alas 7:30. Samantala ang dawn mass naman ay alas 3:00 hanggang alas 4:30 naman ng madaling araw simula kanina.

Ayon kay Father Balatero, aasahan pa anya ang pagdami ng tao dahil tradisyunal na ito sa mga katoliko bilang paghahanda sa araw ng kapanganakan ni Jesus. Ilan sa mga panuntuan dito ay ang pagbabawal na makapasok ang 15 years old pababa at mga senior citizen 65 years old pataas.

Mahigpit na ipapatupad ang physical distancing sa loob ng simbahan, pagsusuot ng facemask, faceshield at iba pang panuntunan na inilatag ng simbahan.

May inihanda ring parabolic at mga upuan sa labas ng simbahan kung sosobra na sa 50-70 percent ang tao na papasok dito. Sa mga hindi naman makakadalo sa simbahan ay maari pa ring makinig sa pamamagitan ng DXND- Radyo BIDA at Happy FM simula alas 4:30 hanggang alas 5:30 ng umaga.

-0-

local...

Inanunsiyo na ng Department of Health na mahigpit na ipagbabawal ang paggamit ng tororot at pito alternatibong pampaingay at pampasaya sa Pasko at sa pagsalubong ng bagong taon sa panahon ng COVID-19.

Itoy dahil hindi kasali ang torotot at pito sa ipinalabas na listahan ng DOH sa mga ligtas na alternatibong paraan para sa pagdiriwang ng selebrasyon bilang pag-iwas na rin sa COVID-19. Kaugnay nito, marami sa mga mamamayan ng lungsod ang hindi pumabor dahil mawawala na anya ang tunay na diwa ng pasko at magkapamilya lang naman ang gagamit nito.

Para naman kay alyas Noy, isa sa mga dahilan na hindi siya pabor sa pagbabawal ay dahil sa ilang mga negosyanteng nagbebenta ng torotot. Nakaugnay naman ng Radyo BIDA ang ilang mga vendor ng tororot sa lungsod. Anila, ito lamang ang panahon na kumite sila para may maihamag din na pagkain sa araw ng pasko.

Samantala, narito naman ang “Pitong Patok na Alternatibo sa Paputok” ngayong holiday season ang pagpukpok sa kaldero, pagpalo sa tambol, pagbusina, pag-alog ng alkansya, pagkumpas ng tambourine, pagpapatugtog ng malakas at pagpapa-ilaw ng glow sticks, dahil ang mga ito ay ligtas at may pagsasaalang-alang sa COVID-19 pandemic.

-0-

 

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today announced another round of oil price rollback that will take effect Tuesday morning. The pump prices of diesel will...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...