Tuesday Nov, 29 2022 05:10:27 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 19, 2020)

NDBC BALITA • 16:00 PM Sat Dec 19, 2020
851
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  APAT na wild boar hunter, patay nang masabugan ng IED sa Lanao del Sur

2.   35 na mga Covid-19 positive sa Region 12, gumaling.

3.   Bilang ng mga may sakit na novel coronavirus sa North Cotabato nadagdagan pa.

4.   SA Mlang, North Cotabato, may nagsabong o tari-tari, ni-raid ng mga police, nagtakbuhan, mga manok, motor, bike at tsenelas naiwan.

5.   LEGITIMATE firecracker vendors sa Koronadal, humiling sa publiko na wag bumili sa mga paputok sa illegal vendor 

6.  Illegal drugs, nadiskubre sa loob ng South Cotabato provincial jail, inihagis daw mula sa labas para sa mga preso. 

7.  Kahit isolated siya kasama ang anak na may Covid-19, tiniyak ni Gov. Tamayo na tuloy ang kanyang trabaho. 

8.   Covid-19 positive sa buong bansa, halos kalahating milyon na.

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

Local…

APAT NA MGA SIBILYAN ang nasawi matapos na masabugan ng bomba na pinaniniwalaang itinanim ng mga teroristang Dawla Islamiya sa bukid ng Masalum, Lanao del Sur.

Naganap ang pagsabog sa Sitio Bangko, Barangay Tongan-Tongan, Madalum, Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Salman Saad ang mga nasawi na sina Leo Baloro, 24; Nito Bacayan, 22; Lito Angcap, 22 at Francis Alcaba, 32 na taga Barangay Poblacion, Bacolod, Lanao del Norte.

Dalawa sa kabilang mga kasamahan ang nakaligtas na kinilalang sina Christopher Allen, 18 at Anoy Ancap, 58.

Sinabi ni Saad na ang anim na kalalakihan ay mga wild pig hunter at di nila nalaman na nakarating na sila sa lugar na sakop ng Madalum.

Habang naghahanap ng baboy ay may malakas na pagsabog silang narinig.  Dito nakita nina Ancap at Allen na sugatan ang mga kasamahan kayat humingi sila ng tulong sa Munai police station, ang katabing bayan ng Masalum.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.

-0-

LOCAL…

ABOT SA 35 MGA PASYENTE NG COVID-19 ang gumaling sa Region 12 kahapon.

Batay ito sa talaan ng Dept of Health 12 kagabi.

Dahil diyan, abot na ngayon sa 3,921 ang mga gumaling.

Naitala din ng DOH-12 ang 23 mga bagong kaso. Kayat meron na ngayong 4,373 total Covid-19 cases sa rehiyon.

Gen. Santos pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso na 1,291, sumusunod ang Cotabato City an merong total cases na 1,012.  Nanatili naman ang Sultan Kudarat na may pinakamababang bilang ng Covid-19 patients na 238.

Sa Bangsamoro Region, isa kaso lang ang naitala ng Ministry of Health kagabi habang may 21 pasyente ang gumaling.

Ang nag=iisang kaso ay mula sa Tawi-TAwi.

SA ngayon, may total confirmed cases ang BARMM na 2,495 at sa bilang na ito ay 84 ang active patients habang 96 ang mga nasawi.

Ang kabu-uang bilang ng mga gumaling ay abot sa 2,315.

-0-

 

Local………………..

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG Datu Odin PNP sa Maguindanao ang No. 10 most wanted person ng bayan.

Kinilala ni Datu Odin PNP deputy chief Lt. Norman Nur ang suspect na si Robinson Angel, 27 taong gulang, taga Barangay Badak, Datu Osin town, Maguindanao.

Ginawa ang pagsilbi ng arrestr warrant laban kay Angel sa Barangay Labungan, alas 9 ng umaga kahapon.

Siya ay nahahaap sa kasong frustrated homicide at ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Kasan Abdulrakman ng 12th Judicial Region RTC Branch 27.

-0-

Local………………..

HUMINGI NG PAUMANHIN SI BARMM EDUCATION Minister Mohaqher Iqbal sa mga guro ng Maguindanao Division 1 and 2 dahil delayed ang kanilang sahod.

Paliwanag ni Minister Mohaqher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE-BARMM) na gaano mang katindi ang kanilang pagsisikap na maipalabas ang sahod sa takdang panahon ay talagang hindi makaya.

Aniya sa unang taon ng BARMM, ang pondo gamit nito ay mula pa sa binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Galing din sa ARMM ang mga programang ipinatupad ng BARMM.

Sa ikalawang taon, ito na at nagkaroon ng pandemya kayat delay talaga ang pagpapalabas ng pondo.

Sa papasok na taon, ayon kay Iqbal, inaasahan na mabibigay na sa tamang panahon ang sahod at benepisyo ng lahat ng mga guro.

Kamakalawa lang naipamahagi ang delayed salaries ng mga guro sa Maguindanao.

Inaasahang maibibigay na din sa mga susunod na araw ang sahod ng mga guro sa Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

-0-

local...

ISANG SENIOR HIGH SCHOOL student ang nasawi habang sugatan ang kanyang kasama sa pamamaril na naganap sa Pikit, North Cotabato kagabi.

Kinilala ng Pikit PNP ang nasawi na si Amer Zainal Esmail, 21, Senior High Student ng Pikit National High School taga Barangay Poblacion.

Sugatan nama ang kanyang kasama na si Rambo Amelil.

Si Esmail ay nasawi on the spot habang sugatan si Amelil at ngayon ay ginagamot sa isang pribadong pagamutan.

Sakay ng isang multi-cab ang mga biktima nang dikitan ng dalawang lalaking naka motor at pinagbabaril.

Agad na tumakas ang mga suspect sa di matukoy na direksyon at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.

Ang posibleng motibo ay personal grudge, ayon sa Pikit PNP.

-0-

local...

Driver ng motorsiklo patay sa vehicular crash sa Banga, South Cotabato

Kinilala ng Banga PNP na pinamumunuan ni Police Major Jospeh Forro III ang nasawing biktima na si Cesar Dangallo, 46 years old, may asawa t nakatira sa Barangay Lamba, Banga, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang binabaybay ng nakamotorsiklong si Dangallo ang kahabaan ng national highway mula Banga patungong Koronadal, nag-overshoot sa kabilang lane malapit sa Banga bridge ang kasalubong nitong Toyota Hi-Lux vehicle.

Naging dahilan naman ito para mabangga ng nasabing truck ang kasalubong na motorsiklo ng biktimang si Dangallo. Si Dangallo na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ang Toyota Hi-Lux vehicle na nakasalpukan ng motorsiklo ni Danggalo pati na ang driver nitong si Stephen Joe Tan, 36 years old at nakatira sa Davao city ay ikinustodya ng Banga PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash.

-0-

LOCAL...

Bumili lamang ng mga paputok sa mga lehitimong vendor para iwas panganib sa Pasko at Bagong taon. Ito ang hiling sa publiko ni Koronadal City Firecrackers and Pyrotechnics Vendors Association President Jomel Alo.

Paliwanag ni Alo ang mga consumer kasi ay matuturuan din ng tamang pagsindi ng mga paputok kapag bumili sa kanilang grupo. Iginiit ni Alo na ang mga tulad nilang legal firecracker vendors ay malaki rin ang ginagastos sa pagproseso ng kanilang permit.

Kaya para maging patas din sa kanila ayon kay Alo sana ay huwang nang bimili ng mga paputok sa mga iligal na nagtitinda nito ang publiko.

Ipinahayag ito ni Alo matapos kumpirmahin na simula bukas, December 20 magbebenta ng kanilang mga paninda ang may 20 mga legal na firecracker vendors sa Koronadal.

Ayon kay Alo tulad noong mga nakaraang taon, pinahintulutan sila ng lokal na pamahalaan na mag-display ng kanilang mga paninda sa national highway, Barangay Sto. Nino sa lungsod. Aminado din si Alo na limitado ang supply ng kanilang mga paninda ngayon.

Ayon kay Alo nakaapekto din kasi sa produksyon ng mga paputok ang COVID-19 lock down.

-0-

 

LOCAL...

Nakatuklas ng apat na mga sako o malalaking sachet ng umano’y shabu ang mga nag-ikot na gwardiya sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center na mas kilalang provincial jail dakong alas nuebe ng umaga kahapon.

Kinumpirma ito sa Radyo Bida ni OIC Provincial Jail Warden Felicito Gumapac. Duda si Gumapac na ang iligal na droga ay madaling araw itinapon ng suspek sa loob mula sa labas ng compound ng provincial jail.

Ayon kay Gumapac ang itim kasi at naka-masking tape na plastic na pinagbalutan sa iligal na droga ay nilagyan din ng bato.

Ito ayon kay Gumapac ay upang magkaroon ng bigat at maitapon mula sa labas ng nasabing pasilidad. Sinabi ni Gumapac na dahil dito napatunayan ng mga jail guard na mali ang paratang na mayroon sa kanilang nagpupuslit ng iligal na droga sa provincial jail.

Ipinahayag din ni Gumapac na dahil dito mariin na ring ipinagbabawal sa mga persons deprived of liberty o PDL na lumapit sa perimeter fence ng kulungan.

Nananawagan din si Gumapac sa publiko na para matulungan ang mga inmate na magbagong buhay tigilan na ang pagpupuslit ng iligal na droga sa provincial jail.

-0-

LOCAL...

Serbisyo ng provincial government sa kabila ng pagsama sa COVID-19 positive na anak, tiniyak ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Business as usual pa pa rin ang provincial capitol ng South Cotabato kahit pa sinamahan ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa quarantine facility ang COVID-19 positive na anak.

Tiniyak ito mismo sa Radyo Bida ng nasabing gobernador. Ipinahayag ni Tamayo na pwede pa ring makipag-transakyon sa kanya virtually ang mga mamamayan na dudulog sa governor’s office.

Ayon kay Tamayo maari pa rin siyang kausapin ng sinumang pupunta sa kanya tanggapan sa pamamagitan ng malaking screen na inilagay dito. Bukod dito ayon kay Tamayo inihahanda din ng kanyang mga staff ang mga dokumento na kailangan nitong pirmahan.

Sinabi ni Tamayo na wala man siya sa kapitolyo ay tuloy pa rin ang serbisyo ng provincial government sa mga mamamayan. 

-0-

Pagpapaigting ng pork shipment sa Luzon na labis na naapektuhan ng ASF pinaghahandaan ng mga hog raiser sa General Santos City

Pinaigting ng mga hog farm sa General Santos City ang kanilang operasyon para maabot ang 15,000 hanggang 20,000 target shipment sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Kasunod ito ng pagbaba ng supply ng karneng baboy sa nasabing mga lugar dahil sa African Swine Fever o ASF na labis na nakaapekto sa kanilang hog industry. Ito ay ayon kay Gensan City Veterinarian, Dr.Antonio Ephrem Marin.

Ayon kay Marin ang Gensan ay isa sa mga kinokonsiderang pinakamalaking supplier ng karneng baboy sa Luzon. Nabatid na ang 30 billion pesos na hog industry sa Gensan at karatig lalawigan ng South Cotabato ay kayang mag-produce ng mula 25, 000 hanggang 30,000 na mga buhay na baboy.

Kaugnay nito sinabi ni Marin na sa pakikipagtulungan ng Gensan sa South Cotabato Swine Producers Association pinaigting pa nila ang mga programa kontra ASF. Ito ay upang mapanatili ang pagsu-supply ng buhay na baboy at pork products sa merkado.

Ayon kay Marin matapos lumala ang problema sa ASF, nakadepende na lamang ngayon ng kanilang supply ng baboy sa Gensan ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, at Calabarzon area sa Luzon.

-0-

 

local...

Abot sa 600 na mga benepisyaro ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/ Disadvantage o TUPAD program ng Department of labor and Employment sa pangunguna ng programa ni 3rd District Congressman Jose Tejada.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaro dahil kanila ng natanggap na tulong na mula sa pamahalaan lalo na ang mga mahihirap na pamilya mula sa bayan. Siniguro naman ni Congressman Tejada na hindi ito ang huling TUPAD beneficiary sa bayan. Samantala, namahagi rin ng pamasko kay Tejada sa mga Brgy. Officials, BNS, at BHW ng bayan.

Ikinatuwa naman ng Barangay official ang pamaskong handog ay patunay na naniniwala ito sa kakayahan ng mga opisyales ng bayan na paunlarin pa kahit paman sa panahon ng pandemya.

 

-0-

 

local...

Suportado ng Provincial Development Council ang pagsusulong ng registration ng National ID system sa Cotabato Province. Ito ay kabilang sa mga aprubadong resolusyon sa ginawang Provincial Development Council meeting.

Naisulong rin ang pag-apruba ng pagtatayo ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) katuwang ang Kidapawan City LGU. Nabatid rin sa update na nasa DPWH na ang 20M pondo sa pagtatayo ng gusali.

Maging ang pagsuporta sa proposed construction ng Philhealth Insurance Corporation Building sa bayan ng Midsayap ay naaprobahan. Aprubado na rin ang pagpapatayo ng mga radio station sa mga paaralan na saklaw ng Deparatment of Education upang isulong ang panibagong mode of learning sa harap ng pandemya.

Inaasahan na magkaroon mas malawakang coverage ang mga radio stations ng paaralan ayon sa panukala ni Mayor Vicente Sorupia. Naaprubahan din ang pagpapalawak ng Provincial Commodity Investment Plan upang mas mapatatag pa ang suporta para mga magsasaka.

-0-

local...

Karamihan sa mga mamamayan sa Kidapawan City ay takot pa ring magpabakuna laban sa COVID-19. Nabatid na may ilang bakuna na ang lumalabas ngayon na posibleng gamitin din para sa mga mamamayan ng probinsya matapos isagawa ang clinical trials.

Para kay Alyas Mary, dapat dumaan munang dumaan sa mas maraming trials bago magpaturok upang masigurong ligtas bago ito gamitin. Sinabi naman ni Dong, nagdadalawang isip pa anya sila sa paggamit nito kung lalabas pa sa pilipinas dahil baka may side effects. 

Ipinahayag naman ni AJ na kailangan muna nilang obserbahan sa ibang lugar kung epektibo ito bilang gamot sa COVID-19. Batay sa Food and Drug Administration o FDA, malaking hamon ngayon sa pamahalaan ang pagiging epektibo ng bakuna pero kahit pa man target ng Pilipinas na mabigyan ng bakuna ang 60 to 70Million na mamamayan sa loob ng tatlo hanggang limang taon kailangna pa rin na boluntaryo lamang ang pagbibigay nito.

 

-0-

local...

Bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa North Cotabato, nadagdagan pa NORTH COTABATO- Sa ilang magkasunod na araw, bumaba na ang bilang ng mga naitatalang bagong COVID-19 infections sa Cotabato Province.

Samantala kagabi, isa na lamang ang naiulat na bagong kaso ng sakit. Batay sa facebook post ni EOC Manager BM Philbert Malaluan, ang bagong pasyente ay 57 anyos na babae n amula sa Pigcawayan na may history of travel mula sa Davao City.

Nakaadmit ngayon ang pasyente sa CRMC. Samantala, isa naman ang naiulat na kaso ng COVID related death. Siya ay senior citizen na babae at taga Midsayap, North Cotabato. Tiniyak naman ng IATF na nasunod ang protocols ng mga labi ng pasyente. 

-0-

TIMRA NEWS

LIMANG SUNDALO ang nasugatan sa pakikipaglaban sa bandidong Abu Sayyaf sa Sulu kahapon. Sinabi ni Westmincom commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr na dakong 1:30 p.m. nang hapon nang sumiklab ang lababan sa Barangay Pansul, Patikul, Sulu. Di masabai ng Army kung ilan ang nasawi o nasaktan sa panig ng Abu Sayyaf pero tiyak meron dahil maraming dugo ang nakita sa lugar ng labanan.

-0-

SA AGUSAN DEL NORTE, nag-laan ang World Bank, provincial government at Philippine Rural Developemnt Project ng Dept of Agriculture ng halagang P19 milyong piso pra sa coffee processing center. Ito ay para sa Green Coffee Bean Production and Marketing project ng mga magsasaka.

-0-

SA ZAMBOANGA CITY, nakumpiska ng PNP ang mahigit isang milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Barangay Sangali.  Dumaan sa Army at PNP checkpoint ang isang Bongo type vehicle na minamaneho ni Nasul Salim.  Nang isagawa ang visual inspection, nadiskubre na may karga itong kontrabando.

-0-

SA CARAGA REGION, mahigit 20 libong katao ang apektado ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan na dala ni Tropical Depression (TD) Vicky. Umapaw ang Agusan river kayat maraming mga low lying areas ang lubog sa tubog baha.

The City Disaster and Risk Reduction Management Council (CDRRMC) here said it is also closely monitoring the water level at Agusan River.

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today announced another round of oil price rollback that will take effect Tuesday morning. The pump prices of diesel will...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...