Thursday Nov, 30 2023 03:40:03 AM

NDBC BIDA BALITA Dec. 22, 2015

 • 20:00 PM Tue Dec 22, 2015
1,484
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 22,
2015 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BIFF pinabulaanang sila ang gumagawa
nang pambobomba sa Cotabato City

2. Buong
North Cotabato, nagbunyi sa resulta ng Ms. Universe 2015

3. Mga firecracker vendors nagsimula
nang magbenta sa Koronadal City

4. Tatlo taga North Cotabato,patay sa vehicular accident sa South CotabatoDETALYE..

Local………………..

IKINAGALIT ng Bangsamoro Islamic
Freedom fighters o BIFF ang pagsangkot ni Cotabato City PNP Director Supt. Raul
Supiter sa kanilang grupo na gumagawa umano nang mga terrorists acts sa
Cotabato City.

Ito matapos na ilabas ng National
Intelligence Coordinating Agency o NICA ang impormasyong kabilang ang Cotabato City sa high terrorism level sa
maraming lugar sa bansa ngayong disyembre.

Nang makapanayaman ng DXMS Radyo Bida
si Supiter noong nakaraang linggo, kinilala nito ang BIFF na isa sa mga threat
groups sa lungsod.

Giit ni BIFF Spokesperson Abu Misry
Mama, walang katutuhanan ang sinasabi ni Supiter na sila ang gumagawa ng
karahasan sa lungsod.

sa katunayan aniya, hindi sila gumagawa
ng mga bagay na nakakasama tao na wala namang kinalaman sa kanilang
pinaglalaban.

Nilinaw naman ni Abu Misry na hindi
sila ang nagpapasabog sa mga tore ng National Grid Corporation of the
Philippines o NGCP na nagiging dahilan ng kawalan ng suplay ng kuryente sa
bahagi ng Central Mindanao.

Aminado naman si Abu Misry na kung may
nangyayaring karahasan ay kusa nila itong inaamin, pero hindi kasali rito ang
mga pambobomba at anumang insidente na madadamay ang sinumang sibilyan.

Local …………………

NAGHABULAN pa
bago tuluyang mahuli ang dalawang carnapper sa Pikit North Cotabato, pasado
ala-7 kagabi.

Ayon kay
PIKIT Chief of Police Sr. Insp. Sindato Karim, isang biktima ang lumapit sa
kanila para isumbong na ninakaw ang kanyang motorsiklo makaraang iparada lamang
niya ito sa tabi ng Barangay Hall sa Brgy. Poblacion ng Bayan.

Agad namang
nagsagawa ng hot pursuit operation ang pnp, kung saan ayon sa isang testigo
nagtungo umano ang tatlong suspek sa bahagi ng Barangay Giligili.

Nang magpangabot
sa madilim na bahagi, ay dito na nagkahabulan kung saan matagumpay na nahuli
ang dalawang suspek na kinilalang sina Adjihar Pasadan Omar ng Brgy. Talitay At
Mark James Tupas Balolong na taga Brgy. Inug-og.

Nakatakas
naman ang isa pang suspek na si Haron Piang dala ang motorsiklong ninakaw mula
sa nagsumbong na biktima.

Kaugnay nito,
agad na nakipagcoordinate ang PIKIT PNP sa Pagalungan, Maguindanao PNP kung
saan sinasabing dumiritso si Piang.

Local…………………….

IKINATUWA
ng Cotabato City Department of trade and Industry o DTI na sa kanilang
isinasagawang monitoring sa maliliit o malalaking establisyemento, ay walang
lumalabag sa kanilang inihaing suggested retail price o SRP sa mga noche buena
items.

Binigyang
diin ni DTI Head Carlito Nunez, na mahigpit namang sumusunod ang mga business
sectors sa kanilang mga inilalabas na regulasyon dahil maari ring patawan ng
parusa ang mga lalabag rito.

Ayon
kay Nunez, linggo-linggo silang nagmomonitor lalo na't matindi ang bilihan
ngayon sa merkado dahil sa nalalapit na araw ng pasko at bagong taon.

Maliban
sa Noche buena items, minomonitor rin ng DTI ang mga electronic items na dapat
ay may tatak na ICC sticker para sa kaligtasan ng mamimili.

Hinikayat
naman ni Nunes ang publiko na kung sakaling may naging problema sa kanilang
pinamili ay maaring lumapit sa kanilang opisina.

Local……………….

MARIING
PINABULAANAN ng liderato ng Kamara ang isyu ng suhulan” para maipasa ang
panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon
kay House Deputy Speaker Pangalian Balindong ng Lanao del Sur, naging
makabuluhan ang naganap na party caucus sa Malakanyang bago ang Christmas break
ng kongreso dahil nagkaroon ng pag-asa ang BBL.

Naniniwala
ang mambabatas, na ito pa rin ang susi sa kapayapaan sa Mindanao at
responsibilidad ng mga mambabatas na ipagkaloob ito sa rehiyon ng Mindanao.

Bukod
dito, ang ang BBL din umano ang magsisilbing legacy ng 16th Congress.

Nanawagan
ito sa kanyang mga kasamahan na tuparin ang kanilang responsibilidad at tingnan
ang ibubunga ng BBL ng positibo. Local…………………..

NAKA-ALERTO
ngayon ang PIKIT PNP at ng buong PPALMA area kasama ang 45th Infantry Batallion
Philippine Army, matapos na muling hinarass ng mga armadong grupo ang kampo ng
38th Infantry Batallion sa Brgy. Sadaan, Pikit, North COtabato.

Nangyari
ang insidente, pasado alas-10 kagabi.

Sa
report, umabot sa 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng militar at mga
armadong grupo na sinasabing mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom
fighters o BIFF.

Agad
namang ipinagutos ni Midsayap Chief of Police Supt. Gilbert Tuzon na isara ang
kalsada para sa mga motoristang dumadaan sa Cotabato-Kidapawan highway upang
maiwasang madamay sa nagpapatuloy na bakbakan.

Matapos
humupa ang naturang insidente, ay binuksan na rin ang naturang kalsada.

Masuwerte
naman na walang naiulat na namatay o nasugatan sa hanay ng militar sa naturang
panghaharass.

Local...Maging ang buong probinsya ng North Cotabato ay nagbunyi sa naging resulta ng 65th Ms. Universe 2015 na ginanap sa Las Vegas, USA kahapon.Ito matapos koronahan si Pia Alonzo Wurtzback, tubong Cagayan de Oro City bilang Ms. Universe 2015 kung saan tinalo nito ang 79 mga magagandang kandidata.Unang tinawag si Ms. Colombia na nanalo bilang Ms. Universe pero ilang minuto lamang ay humingi ng paumanhin si Steve Harvey, ang host ng pageant matapos mali ang nabasang resulta na ibinigay ng mga hurado.Dito na nagsimulang magsigawan ang daan daang supporters ni PIA at ng buong Pilipinas ng tanghalin siya bilang Ms. Universe 2015.Ilang minuto lamang matapos ang nabanggit na kompitesyon ay nagpadala agad ng mensahe si Pia kay Ralph Ryan Rafael ang secretary to the Governor ng North Cotabato kung saan ang laman ng kanyang mensahe ay nagpapaabot ng kanyang pasasalamat kay Governor Mendoza sa suportang ibinigay nito at ng buong lalawogan sa dalaga.Sa mensahe ni Pia, nagpapahiwatig itong na posible syang bumalik sa North Cotabato sakali mang makauwi ng Pilipinas.Una ng bumisita si Pia sa Kidapawan City sa harap ng Sanguniang Panlungsod members at kay Cotabato Governor Emylou Mendoza dahil naging host rin ito ng Mutya ng North Cotabato 2015.Ang tinig ni Ms. Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzback sa kanyang pagbisita sa Kidapawan City.Nabatid na higit apat na dekado rin ang lumpas pa bago nasundan ang yapak nina Gloria Diaz bilang Ms. Universe 1969 at Margie Moran noong 1973.At ngayong taon ay nasa Pilipinas naman ang korona ng Ms. Universe 2015 kung saan back to back rin ang panalo ng bansa matapos mauwi rin ni Angelina Ong ang Ms. Earth 2015. Local...Hindi na hahayaang maulit pa ni Kidapawan City chief of Police Supt. John Miredel Calinga ang insidente ng pang-aagaw ng motorsiklo sa Kidapawan.Ito matapos ang dalawang insidente ng carnapping sa lungsod nitong weekend kung saan hindi na nakuntento ang mga suspek pinaslang pa ang biktima at ang isa ay patuloy pa ngayong nagpapagaling sa pagamutan.Dahil dito nakatakdang makipagpulong si Calinga kay City Mayor Joseph Evangelista para masolusyunan ang nabanggit na issue.Paiigtingin rin ng PNP ang lahat ng kanilang Operation Plan o Oplan sa buong lungsod para matiyak na mahuhuli sa lalong madaling panahon ang mga suspek. 0Local...Halos umabot sa isang libong mga kabataan mula sa tatlong mga barangay ng Mlang North Cotabato ang nakatanggap kahapon ng maagang pamasko mula sa Mlang Local Government.Ito ay bahagi naman sa kanilang isinasagawang taunang Gift Giving activity kung saan ngayong taon ay hinati nila ito sa walong mga departamento ng LGU.Kahapon ay sinimulan nila ang naturang aktibidad sa brgy. Gaunan Sitio Paglaum, Poblacion B at Sitio Biao, Brgy. La esperanza na magtuloy tuloy naman ngayong araw at bukas sa Purok 6,brgy. Pag-asa, brgy. Palma Perez, Sitio Tinago,Poblacion A, brgy. Sangay, Mlang North Cotabato.Napili ang mga benipisyaryo sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development office lalo na yaong mga napabilang sa Indigenous Peoples at Less fortunate families kung saan nakatanggap sila ng mga libreng pagkain, tsinelas at iba.Sinabi ni Mlang Tourisim Officer Harold Santillan, kitang kita sa mata ng mga bata at magulang ang kanilang saya na nadama sa mga natanggap nitong mga regalo.Maliban sa mga regalo nagsagawa rin ang LGU ng feeding program para sa mga kabataan.Sa kasalukuyan ay bukas ang MLANG LGU na tumanggap sa kung sino man ang may mga gintong puso na nais magbigay at maghandog ng kanilang pamasko sa mga residente ng IP at Moro Communites sa Mlang North Cotabato. Local....Hindi na nagawang makapalag pa ang isang 40-anyos na lalaki matapos makuhanan ng mga tanim na marijuana sa Kidapawan City.Hinalughog ang bahay ng biktima sa bisa ng search warrant na isinilbi ni Hon. Judge Arvin Sadiri Balagot kahapon kung saan nakita ang labing isang marijuana seedlings mula sa suspek.Kinilala ito na si Richard Filitro Micael, na taga Apo Sandawa Phase 2, brgy. Singao Kidapawan City.Nakatanim ang naturang mga tanim sa gilid ng bahay ng suspek.Ayon sa report matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang ilegal na aktibidad ng suspek na ngayon ay nakakulong na sa Kidapawan City PNP lock up Cell.Sa kabilang dako, sa nagpapatuloy naman na Oplan Padaplin ng PNP naaresto ang dalawang lalaki na sina RONNIE DELAS CRUZ, 37 ANYOS at ALBERT MENRANO, 21 ANYOS dahil sa halip na pumara para sa gagawing inspeksyon ay pinaharurot pa nito ang sinasakyan nilang motorsiklo kaninang madaling.Mabilis namang hinabol ng PNP ang dalawa dahilan sa pagkakahuli ng mga ito nasinubukan pang bunutin ng isa sa mga suspek ang kanyang 38 caliber pistol.Pero dahil na rin sa tulong ng mga residente sa bahagi ng Sinsuat Street ng lungsod ay nahuli ang dalawa at nakuhanan pa ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Naghihimas na ngayon ng malamig na bakal ang dalawa sa City PNP lock up Cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.local...Tila huminto ng ilang minuto ang mundo kagabi para sa mga taga Kidapawan City matapos magliwang ang kalangitan dahil sa engrandeng fireworks display.Ito ang isa sa mga highlight ng HANDOG PASASALAMAT Christmas Presentation ng City LGU para sa suportang ibinagay sa kanila ng publiko.Halos umabot ng 20 minuto ang naturang fireworks display kung saan libu-libong mga residente hindi lamang mga taga Kidapwan City ang dumagsa kagabi kundi ang halos buong North Cotabato.Para sa City LGU, hindi nila inaasahan ang libu-libung bisita na dumagsa kagabi sa City Plaza at sa Kidapawan City Pilot Ground para suportahan ang kanilang mga aktibidaa.Binuksan rin kasi ang Dancing Fountain sa City PLAZA na nakadagdag ng attraksyon sa publiko at sa libreng wifi na bukas sa lahat.Dahil nga sa liwanag na dala ng Fireworks display ay huminto rin ang mga sasakyan sa National Highway kung saan nagresulta rin ito ng halos 20 minuto traffic.Pero sa kabila nito, lubos lubos ang pasasalamat ng City LGU sa publiko sa suportang kanilang ibinigay.Sa kabuuan naging matiwasay at masaya ang resulta ng naturang aktibidad na una nang pinaghandaan ng City Government, maging ang seguridad ng lahat na dumalo nito. Local...Nagsimula na ang bentahan ng mga paputok sa Koronadal City.
Ayon kay Jomel Alo, ang presidente ng Koronadal Firecracker Vendors Association, itinalaga bilang lugar para mapagbentahan ng mga paputok sa lungsod ang bahagi ng General Santos Drive sa barangay Sto. Nino.
Inihayag ni Alo na mula sa dalawamput siyam na mga stalls noong nakaraang taon, dalawamput dalawa na lamang ang nagbebenta ng mga firecrackers ngayon.
Ito ayon kay Alo ay matapos lumipat ng ibang lugar ang iba nilang mga myembro.
Umapela naman si Alo sa publiko na huwag bumili ng mga paputok sa mga tindahan at mga naglalako nito kung saan saan lalong lalo na sa mga barangay at subdivision.
Ayon kay Alo, hindi kasi dumaan sa seminar ng Bureau of Fire Protection o BFP ang mga ito at hindi nabigyan ng permit.
Umaapela din si Alo , ng proteksyon sa kanilang grupo.
Ayon kay Alo, dapat matiyak ng mga otoridad lalong lalo na ng PNP na hindi makalusot sa lungsod ang illegal na mga paputok tulad ng Piccolo.
Binigyan diin ni Alo,na sa kabila ng pagbabawal sa kanilang myembro na magbenta ng mga paputok, marami sa mga ito ang nakalusot sa mga tindahan lalong lalo na sa mga barangay.
Kadalasan ayon kay Alo, sila ang nasisisi kapag mayroong naputukan ng mga firecracker.
Matatandaan na nauna ng hiniling ni Senior Superintendent Jose Briones Jr. ang provincial director ng PNP South Cotabato sa publiko na agad isumbong sa mga kinauukulan ang sinumang makikitang nagbebenta ng illegal na mga paputok sa mga barangay.
Ipinaguutos din ng PNP sa lahat ng mga store owners lalong lalo na sa mga barangay na maglagay ng listaan ng legal at ipinagbabawal na mga paputok sa harap ng kanilang mga tindahan.
Local...Matutuloy na ang pagtatayo ng Integrated Public Terminal ng Koronadal City.
Ito ang ipinahayag ni City Mayor Peter Miguel matapos ang ground breaking ng proyekto kahapon.
Ayon sa alkalde inaasahan na matatapos ang pagtatayo nito sa loob ng walong buwan.
Ang proyekto ay pinaglaanan ng lokal na pamahalaan ng abot sa mahigit isang daang at limampung milyong piso.
Ito ay matatagpuan sa may anim na ektaryang lupain sa Crossing Diaz, Barangay Zone 3. Tulad ng karamihan ng mamamayang Pilipino, inabangan din ng mga mamamayan sa Koronadal City ang 64th Miss Universe Beauty Pageant kahapon.
Sa Koronadal City Hall lobby, sandaling nagtipon ang mga empleyado sa city information office para saksihan ang pagpapakitang gilas ni Miss Philippines Pia Wurtzbach.
Hiyawan at palakpakan ang naririnig sa tuwing lumalabas sa entablado ang pambato ng Pilipinas.
Kampante naman ang mga taga Koronadal na makukuha ng pinay ang Koronadal dahil sa mahusay na pagsagot nito ng mga tanong .
Ngunit nang ihayag na ng host na si Steve Harvey na ang pambato ng Colombia na si Adriadna Gutteriez ang nagwagi, tila biglang natahimik ang lahat at hindi makapaniwala.
Nang bumalik sa entablado si Harvey at nilinaw na ang tototoong nanalo ay si Miss Philippine Pia Wurtzbach, nakakabinging sigawan ang mariring sa city hall.
Iba sa mga mga nanood ay di napigilan ang tuwa at naglundagan pa.
Ayon sa mga ito, apatnaput dalawang taon kasi bago muling nasungkit ng pinay ang Koronadal sa Miss Universe.0-0Humantong sa trahendya ang masayang bakasyon sana sa Koronadal City ng magasawa mula sa North Cotabato.
Ito ay matapos maaksidente sa sinakyang motorsiklo sa bayan ng Tantangan, South Cotabato dakong alas syete ng gabi kamakalawa.
Kinilala ni Police Senior Inspector John Erik Medel,. ang Chief of Police ng Tantangan PNP ang mga biktima na sina Marbon Fronda at misis nitong si Maricel na tatlong buwang buntis.
Magasawang Fronda ay pawang biente singko anyos.
Ayon kay Medel ang magasawa ay sakay ng motorsiklo mula Arakan, North Cotabato na minamaneho ng mister at magbabakasyon sana sa kanilang mga kaanak sa Bo.5,Koronadal City.
Ngunit pagdating sa bahagi ng Purok Accacia New Iloilo, aksidenteng nabanga ng mga ito ang sinusundan at nag left turn na Isuzu Bighorn vehicle.
Ang biktimang si Marbon ay dead on the spot dahil sa matinding mga sugat na natamo nito.
Ang misis naman nitong si Maricel at ang nakiangkas sa kanilang si Dexter John Didua, biente kwatro anyos ay binawian rin ng buhay habang ginagamot sa isang ospital.
Kinilala naman ng pulisiya nag driver ng sasakyang nakabangga umano sa mga biktima na si Armando Sormillo.
Kinumpirma din ni Medel na nagkasundo para sa amicable settlement ang pamily ang biktima at driver ng isuzu vehicle. Local...Iwasan na magpaputok ng kanilang mga armas at maging responsableng gun owners.
Ito ang apela ni Superintendent Nestor Salcedo ang Police Chief ng Koronadal sa mga mamamayan ng lungsod.
Layon nito ayon kay Salcedo na matiyak na maiwasan ang disgrasya at maipagdiwang ang pasko at bagong taon ng masaya at matiwasay.
Ito ang ipinahayag ng police official matpaos kumpirmahin ang pagselyo sa nguso o muzzle ng armas ng mga police sa Koronadal City.
Ayon kay Salcedo, nais matiyak ng pamunuan ng PNP na walang illegal discharge o pulis na magpapaputok ng kanilang armas ngayong panahon ng kapaskuhan.
Maari lamang gamitin ng mga pulis ang kanilang armas sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Kasabay din nito ang patiyak ng police officials na nakalatag na ang kanilang security plans sa pasko at bagong taon.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...