Thursday Dec, 07 2023 07:13:02 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 23, 2015

 • 17:01 PM Wed Dec 23, 2015
1,552
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 23,
2015 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KARNAP NA MOTORSIKLO, narekober ng pulisya sa Cotabato city.

2. Buong service area ng COTELCO
posibleng hindi makararanas ng LOAD CURTAILMENT ngayong pasko at bagong taon

3. Kauna unahang Negosyo Center ng
DTI sa South Cotabato, binuksan na

4. DA-12,handang makipagusap sa banana grower ng North Cotabato sa usapin ng kanilang pagkalugi.

SA MGA DETALYE...Local………………..

NAIBALIK NA SA may-ari ang isang
nakarnap na motrsiklo matapos itong matagpuang nakaparada pasado alas nuwebe
nang umaga kahapon sa Capucao, Barangay Poblacion 2, Cotabato city.

Ang kukay itim na Honda Dream na may
license plate MJ 7436 ay nakarehistro sa pangalan ni Rosie Ramiso at naireport
na nakarnap dakong alas dos nang madaling araw sa Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao PNP noong December 21 ng taong ito.

Ayon sa report ng Police station number
1, iniwan ng isang hindi pa nakikilalang suspek ang motorsiklo sa lugar matapos
mapansin ang presensya ng mga otoridad.

Naibalik ito matapos itong
makapagpresenta ng mga dokumentong nagpapatunay na kanya nga ang nasabing
kinarnap na motorsiklo.

a ngayon ay nakikipagtulungan ang mga
imbestigador ng Police station number 1 sa mga Barangay officials at tanod ng
Poblacion 2 para makilala kung sino ang nagdala ng nasabing karnap na
motorsiklo sa lugar.

Local …………………

BINIGYANG
DIIN ni Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF spokesperson Abu Misry Mama
na bagama't hindi sila nag deklara ng ceasefire ngayong holiday season ay hindi
nangunguhulugang mang-aatake sila.

Ayon kay Abu
Misry, nirerespeto nila ang pagdiriwang ng mga kristiyano ng pasko at wala
silang planong guluhin ito.

Pinaalalahan
naman ni Abu Misry ang kanyang mga kapwa Muslim na ang pagdiriwang ng Pasko ay
para lamang sa Kristiyano.

Ayon sa
tagapagsalita ng BIFF, maging sa kahit anong paraan ng pagdiriwang ng pasko ay
hindi maaring dumalo ang mga Muslim.

SAMANTALA,
deklarado namang regular non-working holiday ngayon sa buong ARMM AT bahagi ng
region 12 para sa obserbasyon ng Maulidin Nabi o kapanganakan ni Prophet
Muhammad.

Local…………………….

SA
ISINAGAWANG Cotabato City Peace and Order Council o CCPOC meeting kahapon,
inihayag rito na kukuha na ang Cotabato city Government ng mahigit sa isang
daang Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT para matulungan ang pulisya at
Special forces ng Philippine Army sa pagpapaigting ng seguridad sa lungsod.

Ito ay
matapos ma-recall ang mahigit isang daang pulis na unang ipinadala ng Police
Regional Office o PRO-12 sa General Santos city bilang augmentation sa Cotabato
city Police Office.

Ayon
kay mayor Japal Guiani, Jr., maaaring umatake ang masasamang loob anumang oras
ngayong holiday season dahil sa limitadong puwersa ng law enforces sa lungsod.

Gayunpaman,
tiniyak ni mayor Guiani na malaki ang maitutulong ng mga BPAT members sa
pulisya lalo na at kabisado ng mga ito ang kani-kanilang mga barangay.

Nabatid
na sa mahigit 200 libong residente ng Cotabato city, abot lamang sa tinatayang
400 pulis kasama ang 5th Special Forces Battalion ang nagpapanatili ng
kapayapaan sa lungsod.

Local……………….

PORMAL NANG binasbasan at naiturn-over ang isloation rooms na
ipinatayo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth-12 para sa
Bahay Maria Foundation Incorporated, na matatagpuan sa Poblacion 4, Cotabato
city.

Pinangunahan mismo ni PhilHealth-12 Regional vice-president Dr.
Miriam Grace Pamonag ang turn-over kahapon ng umaga katuwang ang kanyang mga
staff at si Cotabato Auxilliary Bishop Jose Colin Bagaforo, DCC at Bahay Maria
Board of Directors chairperson Fr. Ben Torreto, DCC para naman sa blessing ng
gusali.

Ayon kay Dr. Pamonag, naging posible ang nasabing proyekto dahil
sa pondong nakalap nila sa Philhealth Run 2015 na isinagawa sa buong rehiyon
dose noong February 15 ng taong ito na siyang pinakamalaking halaga sa apat na
nagdaang taon.

Nabatid na umabot ng mahigit dalawang milyong piso ang naipon ng
Philhealth-12 sa Philhealth run ngayon taon na hinati sa dalawa.

Napunta aniya sa Bahay Maria ang 1.237 million pesos na ginamit
sa pagpapatayo ng isolation rooms, pagbili ng sasakyan at rehabilitasyon din ng
lumang gusali nito.

Maliban dito, mapupunta naman ang isa pang 1.237 million pesos
sa mga kababaihang nabiktima ng pang-aabuso na kasalukuyang nasa pangangalaga
ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Cotabato Auxilliary
Bishop Jose Colin Bagaforo, DCC sa Philhealth.

Maging ang 85 anyos na si Lola Alejandra Caños ay laking
pasasalamat sa naipagkaloob ng Philhealth-12 sa kanilang mga Bahay Maria
residents.

Local…………………..

PATULOY
pang iniimbestigahan ng Midsayap PNP kung ano ang motibo sa pagpatay sa isang
mananahi sa bayan.

Kinilala
ang biktima na si Nasser Piang Sandy, 26 anyos, taga-Brgy. Kadigasan, Midsayap.

Nangyari
ang insidente pasado alas-8 ng umaga kahapon ng papunta sana ang biktima sa
kanyang pinagtatrabahuang tailoring sa mismong public market ng bayan, sa
Poblacion uno.

Agad
na sinalubong ng suspek na si Eli Uto, taga-Datu Piang, Maguindanao ang biktima
at pinagbabaril ito.

Nagtamo
ng tama ng baril si Sandy sa kanyang dibdib.

Agad
namang itong dinala sa pagamutan pero kahaponan ay binawian rin ito ng buhay.

Local...PORMAL NANG NAITURN-OVER ni
dating Philippine Army's 601st Brigade commander Col. Mel Feliciano ang kanyang
pamumuno kay Col. Cirilito Sobejana sa isang simpleng seremonya sa Barangay
Kalandagan, Tacurong city.

Pinangunahan mismo ni
Philippine Army's 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan
ang turn-over na sinaksihan ng ilang mga lokal na opisyal.

Nabatid na dalawang
magkasunod na taon nang itinatanghal bilang Best Brigade of the 6th
Infantry Division ang 601st Brigade mula 2014.

Si Col. Feliciano na
nagsilbi sa 601st Brigade nang isang taon at siyam na buwan ay pansamantalang
maitatalaga sa 6ID headquartes, sa Camp Sionco, Awang, Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Tiniyak naman ni Col.
Sobejana na ipagpapatuloy niya ang nasimulang kampanya ni Col. Feliciano laban
sa lawless elements at buong suporta nito sa kapayapaan sa kanilang Area of
Responsibility saklaw ang bahagi ng Sultan Kudarat Province at Maguindanao.

Si Col. Sobejana na siyang
pang-dalawamput tatlong commander ng 601st Brigade ay dating Assistant Chief of
Staff for Operations o G3 ng Philippine Army at kasapi ng Philippine Military
Academy o PMA Hinirang” Class of 1987. Local..Ang negosyo center na kauna unahan sa lalawigan ay
inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI 12 at Notre Dame of Marbel
University o NDMU kamakalawa.

Ito ay matatagpuan sa Kobe Building, Alunan Avenue,
Koronadal City.

Ayon kay Dorecita Delima, ang Assistant Regional
Director ng DTI 12, layon ng pagtatag ng negosyo center na makatulong sa mga
maliliit na negosyante sa lalawigan na magkaroon ng access sa mga programa ng
gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na
kaalaman, pagsasanay, financing at marketing ng mga produkto ng mga Micro,
Small, and Medium Enterprises o MSMEs.

Tutulong din ang Negosyo center sa monitoring at
rekomendasyon ng angkop na negosyo para sa mga MSMEs.

Mas magiging madali riin sa mga maliliit na
negosyante na makahiling ng tulong sa
pribadong sektor sa pamamagitan ng pasilidad.

Ang Negosyo Center sa pamamagitan ng DTI ay
otorisado ring mag issue ng Certificate of Authority para sa mga Barangay Micro
Business Enterprises o BMBEs.

Ayon kay Delima ang pagtatag ng Negosyo Center ay
bilang pagtalima na rin ng DTI sa Republic Act 10644 na mas kilala bilang Go
Negosyo Act.”

Ito ay magkatuwang naman na pamamahalaan ng NDMU at
DTI 12.
Patay ang driver ng isang motorisklo sa panibagong
road accident sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Jerry Pundo,residente ng
Barangay Glamang sa bayan.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na
habang minamaneho ni Pundo ang isang Yamaha RS 110 motorcyle na may license
plate MA 91493 na may kargang sako-sakong feeds mula General Santos papuntang
Polomolok.

Aksidenteng nakabanggaan nito ang kasalubong na
Isuzu truck na may license plate KEN 204 nang tinangkang mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Ang aksidente ay naganap sa national highway, partikular
sa Silway 8 bridge, Polomolok, dakong alas tres kwarenta ng hapon kamakalawa.

Ang biktimang si Pundo na nagtamo ng matinding mga
sugat matapos tumilapon at tumama ang ulo sa highway ay dead on the spot.

Ang driver naman ng Isuzu truck na nakabanggaan nitong
si Robert Porras, kwarenta’y uno anyos ng Barangay Delotilla sa Isulan, Sultan
Kudarat ay bolontaryong sumuko sa mga pulis.

Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng
Polomolok PNP.
Local...Nanguna sa Customs Licensure Examination ang biente
uno anyos na graduate ng Mindanao Polytechnic College o MPC sa General Santos
City.

Si Sheena Mae Gonzales, ay binigyan ng special
citation ng Sangguniang Panglugsod ng General Santos City sa kanilang nakaraang
regular session.

Nabatid na si Gonzales ay nagtapos bilang cum laude
sa kursong Bachelor of Science in Customs Administration.

Siya ay kabilang sa 721 nakapasa sa 1,764 na kumuha ng Customs Licensure
Examination noong Nobyembre.

Si Gonzales din ang kauna unahang graduate ng MPC na
nag top one sa kanilang licensure examination.

Ayon kay Gonzales
determinasyon at pananalig sa diyos ang naging sikreto nito para sa
kanyang tagumpay.

IInihayag ni Gonzales na plano nitong magtrabaho sa
Bureau o Customs at magaral ng abogasya.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni Gensan City
Councilor Ramon Melliza na sana ay
magsisilbi ring inspirasyon sa mga kabataan ng lungsod ang naging tagumpay ni
Gonzales.

Local..Mas masayang
maipagdiwang ang pasko at bagong taon kapag walang biktima ng mga fire crackers.

Ito ang
ipinahayag ni Senior Fire Inspector Regenal Legaste, ang City Fire Marshall ng
Koronadal.

Ayon kay
Legaste magpapatupad ng sila ng maigting na monitoring sa mga fire cracker
vendor at maging sa mga kalye.

Layon nito
ayon kay Legaste ay upang matiyak na di makalusot ang nga nagbebenta ng mga
illegal na paputok.

Inihayag ni
Legaste na kung di talaga maiiwasan ang magpaputok, dapat ay isaalang alang din
ng mga mamamayan ang kanilang kaligtasan sa pagdiwang ng pasko at bagong taon.
Local...Arestado sa
anti illegal drug operation ng mga pulis ang isang suspected drug pusher sa
Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng
Tupi PNP ang suspek na si Rodolfo Amar, alyas Pong, trenta’y otso anyos, at
residente ng PUrok Uno, Barangay Bunao,Tupi.

Ang
pag-raid sa bahay ng suspek ay pinangunahan ni Police Chief Inspector Rey Egos
ang OIC ng Tupi PNP at Police Inspector John Maynard Marcusi ng 1st
Regional Public Safety Batallion o RPSB
12 ng PNP kamakalawa ng umaga.

Nakuha ng
mga ito mula sa bahay ng suspek ang labin isang sachet ng suspected shabu.

INihahanda
na ng Tupi PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous
drugs act laban sa suspek na si Amar.

Local...Inaasahan na magiging masaya at maliwanag ang pagsalubong ng pasko at bagong taon ng mga power consumers sa buong service area ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Ito ang ibinunyag ni Engr. Godofredo Homez, ang General Manger ng COTELCO sa panayam sa kanya ng Radyo Bida.Ayon kay Homez ilang araw na rin kasing hindi nakakaranas ng load curtailment ang service area ng COTELCO at posibleng magtutuloy-tuloy ito hanggang sa susunod na taon.Sa ngayon abot sa 27 megawatt ang sinu-suplay na Kuryente ng COTELCO sa kanilang service area na sapat naman para sa mga power consumer.At ngayong Holiday season karamihan sa mga malalaking establisyemnto lalo na sa Kidapawan City ay maghoholiday, bagay naman na mas makakatipid sa kuryente ang COTELCO.Bagamat todo gamit naman ng kuryente sa mga kabahayan ay mas mababa naman ito kumpara sa magagamit na mga malalaking planta, malls, estbalisyemento at iba pa na bukas kung regular day.Samantala, sakali namang magbabalik operasyon na ang iba pang mga unit ng planta ng Therma Marine Inc. at Therma South Inc. na una nang nakaranas ng pag shutdown at sa isinagawang mga preventive maintenance ay madadagdagan rin ang masusuply na kuryente ng COTELCO at magiging supisyente na ito sa para sa kanilang libu-libong power consumers.Local...Handa na ang Kidapawan City PNP sa kanilang mga gagawing monitoring at pagbabantay para sa siyam na araw na ibinigay ng City Government para sa mga firecracker Vendor sa lungsod.Ngayon araw kasi bubuksan ang City Highwalk kung saan dito ang itinalagang area na maaaring magdisplay ang mga vendor ng kanilang mga pebentang pyrotechnics.Una nang nagpalabas ng deriktiba sa Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na ang papayagan lamang ng Ciyt LGU na magbenta ng mga paputok ay yaong mga miyembro ng Kidapawan City Fireworks Vendors Association.Kailangan rin nila’ng kumuha muna ng permit at lisensiya mula sa licensing office, dumalo sa seminar ng Bureau of Fire Protection, at ang paglalagay ng safety measures sa kanilang tindahan para iwas sunog.Samantala, para makaiwas sa disgrasya, tinukoy naman ni Supt. John Meridel Calingan, hepe ng City PNP na kabilang sa mga bawal ibebenta na mga paputok ay ang watusi, piccolo, superlolo, atomic big triangle, mother rocket, lolothunder, pla-pla, big bawang at iba pa. Kasabay nito, ay magsasagawa rin ng mahigpit na inspeksyon ang PNP katuwang ang mga City LGU personnel at Bureau of Fire Protection para sa mga bawal at pwedeng ibenta na mga paputok.Ang naturang display ay hanggang a-31 lamang ngayon buwan ng disyembre. Local...Bukas ang Department of Agriculture Regional Office 12 sa pakikipagdayalogo sa Banana Growers sa North Cotabato kaugnay sa umano pagkalugi ng mga ito bunga ng kakulangan ng shipping vessel para ikarga ang kanilang mga produktong saging patungong kalakhang Maynila.Sinabi ni DA12 Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan, nagulat na lamang sila sa naturang problema kung saan umaabot na pala sa 4-7 million pesos kada linggo ang nalulugi mula sa mga Banana Growers.Iginiit ni Datukan na nanantiling matibay at maayos ang takbo sa presyuhan ng saging at maraming mga potensyal na Banana traders na handang bumili ng mga produkto at hindi na kinakailangan itawid sa Mindanao.Nasa 16-18 pesos ngayon ang presyo ng saging sa rehiyon habang nasa 30-37 pesos naman ang retail nito sa lokal na merkado.Para kay Datukan, posible rin umano na ang mga double identity o yaong mga farmer-traders na bago sa industriya ang siyang labis na naapektuhan sa naturang suliranin dahil hindi nila ito napaghandaan at napag-aralan ng maigi.SSamantala, nilinaw ng opisyal na walang sapat na kapangyarihan ang DA sa mga Traders at shipping sectors pero tiniyak naman nitong handa ang kanilang tanggapan na pag-usapan ang problema para mapaabot ito sa mga responsableng ahensya. SPORTS ……………. LUMAKAS
ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang isa sa tatlong hosting rights sa 2016
FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo 4 hanggang 10.

Ayon
kay Samahang Basketbol ng Pilipinas Pre­sident Manny Pangilinan, nakumpleto ng
asosasyon ang mga resikitos na hiningi ng FIBA sa pormal na paghahain ng
bidding.

Nakapagbayad
ang Pilipinas ng bidding fee na 20,000 Euros noong Oktubre habang naisumite
nito ang mga kinakailangang dokumento isang linggo bago ang itinakdang deadline
ng FIBA.

Kasama
ang Pilipinas sa anim na pinagpipiliang bansa kabilang ang Czech Republic,
Germany, Italy, Serbia at Turkey.

Matapos
ang deliberas­yon ng nine-man FIBA executive committee, ihahayag ng FIBA ang
tatlong magwawaging koponan sa Enero 19.

MP Dumama-Alba is new MILG-BARMM minister replacing lawyer Sinarimbo

COTABATO CITY – A member of parliament of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) today assumed as the new minister of the Ministry of the Interior...

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...