Tuesday Jun, 18 2024 04:11:21 AM

NDBC BIDA BALITA Dec,. 4, 2015

 • 04:51 AM Sat Dec 5, 2015
1,940
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 4, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MANIKURISTANG nahulihan ng
shabu na itinago sa isang supot ng tinapay, sasampahan ng kaso ngayong araw ng
Cotabato City jail

2. DTI North Cotabato, may panawagan sa
publiko kaugnay sa nalalapit na kapaskuhan at bagong taon.

3. Makukulay na palamuting pamasko
dinarayo ng mga mamamayan sa South Cotabato Provincial Capitol

4. 11 mga bahay natupok sa sunog sa Midsayapa anim naman sa Cotabato City5. PUREGOLD department store, nagbukas na sa Cotabato City.

Local………………..

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa section
5 ng Republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang isang
manikuristang nahulihan ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng Cotabato city jail
pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala ang pinaniniwalaang drug
courier na si Esmael Andang, 35 anyos, at nakatira sa
Lugay-lugay, Mother Barangay Bagua, Cotabato city.

Ayon kay Cotabato city jail warden
Insp. Erwin Esden, kumatok sa gate nila si Andang para ipabigay ang isang supot
ng tinapay sa isang alyas Abu at nag-antay sa labas.

Pero nang makita ng mga gwardya na may
butas ang isa sa mga tinapay, ay sinuri nila ito kung saan ay natuklasang
isiniksik sa loob ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 2.5
grams at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso.

Dahil dito, agad kinostudiya ng mga
gwardya si Andang at isinailalim sa interogasyon.

Iginiit naman ni Esmael na hindi niya
alam na may kasamang shabu ang tinapay na pinadala sa kanya ng isang alyas
Along na suki umano niya sa pagma-manicure.

Nakikipagtulungan na rin ang Cotabato
city Jail sa Philippine Drug Enforcement Ageny o PDEA-ARMM para tugisin ang
alyas Along na siyang sinasabing nagpadala ng tinapay na may shabu
kay Esmael.

May
panawagan naman ang Cotabato City Jail sa publiko.

Local …………………

MAGBUBUKAS
ngayong araw ang PUREGOLD na isang supermarket sa Cotabato City.

Ito ay
matatagpuan sa SK pendatun Avenue sa lungsod ng Cotabato sa tapat ng CENTRO
department store.

Ang PUREGOLD
ay may layuning makapaghatid nang pinaka
Customer-Oriented na Hypermart, isang One-Stop Shopping convenienceat pinaka
the best na produkto para sa kanilang mga Customers.

Maliban
rito, nais rin nilang makapagbigay ng oportunidad sa negosyo at trabaho sa mga
tao.

Ayon
kay Antonio delos santos, vice president for operations ng PUREGOLD, handa ang
PUREGOLD na ihatid ang tama at konkretong serbisyo para sa kanilang customers.

Kamakailan lang ay nagbukas rin ang Mall of Alnor, Centro
department store at Superama hypermart sa Cotabato City, habang inaabangan
naman ang pagbubukas ng CityMall sa susunod na taon.

Local...MAMAMAHAGI
ngayong araw ang NOTRE DAME BROADCASTIGN CORPORATION o NDBC ng mga school
supplies at hygiene kits sa mga bata sa Brgy. Biarong at Brgy. Lamud, South
Cotabato.

Ayon kay NDBC
Corporate social responsibility in-charge Jeff Mendez, unang yugto pa lamang
ito ng naturang programa.

Kung saan
direktang makikinabang ang mga day care pupils ng Sitio Binalbalan at Sitio
Besu na halos mga teduray at maguindanaon ang mga residente.

Ayon kay
Mendez, ang mga nasabing barangay ay dalawa sa pinaka-malalayong barangay sa
South Upi na minsan nang naging sentro ng armadong bakbakan noon ng mga grupo
ng rebelde.

Kasama ng
NDBC sa naturang inisyatibo ang Modified conditional cash transfer-indigenous
people o MCCT-IP ng DSWD ARMM, RSY pawnshop, superrama hypertmart, herbal lfie fit at shape fitness club.

Local…………………….

UMAABOT
na sa 700 thousand bagged seedlings ng iba't ibang uri ng punong kahoy ang kasalukuyang
nasa nursery ng Department of Environment and Natural Resources-Autonomous region
in muslim mindanao o DENR-ARMM sa Sitio lomboy, Brgy. Dimapatoy, Datu Odin
Sinsuat,

Maguindanao.

At
mahigit 400 thousand rito ay maari nang itanim.

Kahapon
lang ay binisita ng DENR-ARMM ang lugar, kasama ang CENRO at ilang bisita pati
ang mga residente ng Sitio Lomboy.

Ito ay
bahagi ng 1 million cash for work program sa ilalim ng National Greening
Project ng DENR National na iniimplimenta ng DENR-ARMM.

Laking
pasasalamat naman ng mga residente ng Sitio Lomboy, partikyular ang mga
miyembro ng Lupang Sinaka People's organization dahil malaking tulong ito sa
kanilang buhay.

Dahil
dito, napigil ang pamumutol ng kahoy sa lugar para gawing uling, tumaas rin ang
kita ng mga residente at naging responsable ang mga naninirahan sa lugar na
protektahan ang naturang watershed.

Tiniyak
naman ng DENR-ARMM na kahit matapos na nila ang isang milyong pagba-bagging ng
seedlings ay magtutuloy-tuloy parin ang kanilang proyekto.

Local……………….

LABING
ISANG mga bahay ang tinupok ng apoy sa Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato
pasado alas-10 ng umaga kahapon.

Ayon
kay BFP Senior fire inspector 4 Rolando Marquez, gawa sa light materials ang
mga bahay kung kaya't mabilis na kumalat ang apoy.

Nasa
500 thousand naman ang halaga ng danyos ng naturang insidente.

Patuloy
pang iniimbestigahan ng BFP Midsayap kung ano ang dahilan ng naturang
insidente.

Nabatid
na sa mabilis na pagresponde ng mga bombero, halos nasa 100 mga kabahayan ang nasalba
at masuerteng hindi nadamay sa naturang sunog.

Sa Cotabato City, anim na mga bahay ang natupok ng apoy sa sunog na naganap kaninang alas 6:45 ng umaga sa Dona Teresa Street, Barangay Poblacion 2, Cotabato City.Gas leak ng LPG tank ang pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog, ayon kay Fire spokesperson James Ra. Local…………………..

Namahagi
ang DAF-ARMM ng 145 kambing na nagkakahalaga ng 435 thousand pesos, 30 baka na
nagkakahalaga naman ng 900 thousand pesos at 30 kalabaw na nagkakahalaga rin ng
900 thousand pesos sa mga komunidad ng MNLF ng rehiyon.

Sinabi
ARMM executive secretary Laisa Masuhud Alamia na siya ring OIC ng DAF-ARMM, ang
pamamahagi ng farm animals ay idinaan sa mga kooperatiba ng barangay
Iginagampong ng Datu Unsay municipality

Barangay
Maslabeng ng Buluan barangay Mangadeg ng Datu Paglas municipality barangay
Kayaga ng Pandag municipality at barangay lower Idtig ng bayan ng Gen.SK
Pendatun, pawang mga nasa lalawigan ng Maguindanao.

Local...Ramdam na ng mga mamamayan sa South Cotabato ang simoy ng pasko.
Ito ay matapos pailawan ang mga palamuting pamasko sa Provincial Capitol sa Koronadal City.
Pagsapit ng gabi nagmistulang munting Christmas village ang buong compound ng provincial capitol, dahil sa mga makukulay at kumukutitap na mga ilaw at iba’t ibang palamuting pamasko.
Kaya ang mga mamamayan na namamasyal dito, kanya kanya kuha ng litrato, bata man o matanda.
Maging ang mga malalaking puno sa harap ng kapitolyo ay pinuno din ng mga makukulay na ilaw na nagpapaala sa mga mamamayan na wala na talagang makapipigil pa sa pagdating ng panahon ng kapaskuhan.
Ayon sa isa sa Bidang tagapakinig na Karen Joy Pangcog na isa sa mga dumayo sa lugar , hindi na kailangan pa ng mga mamamayan na gumastos ng malaki o pumunta sa ibang lugar para makapaglibang ngayong holiday season.
Ito ay dahil sa mga nakaaliw na tanawin ngayon sa South Cotabato Provincial Capitol.
Local...Patay ang isang lolo matapos maaksidente sa daan sa Barangay Topland, Koronadal City.
Kinilala ng Koronadal City PNP ang biktima na si Hilario Lico-an, sitenta’y dos anyos, at residente ng Purok Pagasa, Barangay Esperanza sa lungsod.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na si Lico-an ay aksidenteng nabangga ng van na may license plate MEJ 473 habang nagbibisekleta.
Ang aksidente ay naganap sa provincial road ng barangay Topland dakong alas nueve kwaranta’y singko ng umaga kamakalawa.
Ang biktimang si Lico-an ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ito ay matapos magtamo ng matinding mga sugat.
Ang van na nakabangga at driver nitong si Ronnel Hurtado, biente sais anyos ng Barangay Zone 3, Koronadal ay inilagay sa custody ng pulisiya, habang nagpapatyloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente. Local...Nakakuha ng limang bronze medals, anim na silver at tatlong gold medals ang lalawigan ng South Cotabato sa katatapos lamang na Batang Pinoy National Games sa Cebu City.
Nagbigay ng gintong medalya sa South Cotabato si Jose Hapitan para sa 400 meter run.
Si Hapitan at nakasungkit din ng silver medal para sa 100 at 200 meter run
Gintok medalya din ang naiuwi ni Mike Jehanoor sa Pencak Silat 55 hanggang 58 kilograms category at Marizel Bluer sa Javelin Throw na nakakuha din ng silver sa shotput.
Nakasungkit din ng silver medals para sa South Cotabato sina Salem Sahaba sa Class Boy 34 hanggang 37 kilogram category ng Pencak Silat, Shaira Lym Maculados sa 46 kilogram boxing at Jonavil Juadiong para sa boxing 44 kilorams category.
Ang bronze medal ay naiuwi naman ng mga swimmer na sina Lalynee Faith Alegre at Jazz Gabriel Babagonio.
Bronze medal din ang nakuha ng mga Penckack Silat Players na sina Johani Bongcarawan , arnis player na si Ivy Jane Acebedo at boxer na si Zasper Catalbas.
Pinagaaralan pa ng pamahalaang panlalawigan kung magkano ang insentibo na matatanggap ng mga atleta nito na nakapaguwi ng karangalan mula sa Batang Pinoy National Games.
Ang batang Pinoy games na pinangunahan ng Philippines Sports Commission at Philippine Olympic Committee ay bukas sa mga manalalrong nagkakaedad ng labinlimang taong gulang pababa.
Lahat ng kalahok nito ay inidorso ng kani kanilang mga local government units.
Layon ng patimpalak na makahanap ang mga atleta para sa pambansang koponan na isasabak sa mga international sports events.
Local...Nakapagbigay ng abot sa 118 na mga matataas na kalibre ng armas ang pamahalaang panlalawigan sa mga piling barangay sa South Cotabato.
Ayon kay Board Member Agustin Demaala, ang Chairman ng Peace and Order Council ng Sangguniang Panlalawigan, kabilang sa mga tumanggap ng 12 gauge tomahawk shotgun ang mga barangay ng Koronadal City, mga bayan ng Norala, Banga, Surallah, Sto. Nino, Tantangan, Tupi, T’boli, at Tampakan.
Pinakamarami namang natanggap na armas na umabot sa dalawamput tatlo ang bayan ng Polomolok.
Paliwanag ni Demaala sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, ang dami ng mga armas na ipinamimigay ay ibinatay din sa mga pagbabanta sa peace and order situation ng isang barangay.
Ang mga US made automatic shot gun ay binili ng provincial government ng tig dalawamput walong libo o mahigit 3.5 million pesos.
Ayon kay Demaala ito ay bilang kabahagi ng pagpapaigiting ng pagbabantay ng seguridad sa South Cotabato. Local...Patay ang biente uno anyos na binata matapos mabiktima ng pamamaril sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector John Erick Medel, ang Chief of Police ng Tantangan ang biktima na si Pluto Baguisan.
Ayon kay Medel si Baguisan ay residente ng Lambayong Sultan Kudarat at dayo lamang sa Barangay Magon kung saan natagpuan ang kanyang bangkay kamakalawa ng hapon.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na bago natuklasan ang wala ng buhay na katawan ng biktima, nakarinig ng putok ng baril ang mga residente malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay Medel ang tama ng bala ng baril sa g mukha na tumagos sa kanyang ulo ang naging sanhi ng pagkasawi ng biktima.
Si Baguisan ay agad namang inilibing ng kanyang mga kaanak nang naayon sa tradisyon ng mga Muslim.
Kasama sa mga iniimbistigahan ngayon ng pulisiya ang umanoy caretaker ng lupain na pinangyarihan ng insidente na si Joy Barber .
Si Barber ayon kay Medel ang umano’y huling nakasama ng biktima bago pa man natuklasan ang bangkay nito. Local...Maituturing na ngayon ng Kabacan PNP na case close ang anim na mga kaso ng pamamaril sa bayan matapos na tumugma ang mga baril na nakuha mula sa mga nahuling suspek sa inilunsad na OPLAN SUYOD ng Kabacan PNP noong nakaraang linggo.Una nang nabanggit ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na posibleng sangkot si Omar Sultan alias ‘Menu’ Derby Gani na taga Brgy. Lower Paatan, Kabacan sa ilang kaso ng pamamaril sa bayan.Pero kahapon ay kinumpirma nga ng PNP na tumugma ang baril na narekober kay Sultan sa anim na mga kaso ng pamamaril sa Kabacan.Sinabi ni Guzman na apat na shooting incident ang nagawa ni Sultan nitong mga nakaraang buwan na tumugma sa kanyang baril habang ang dalawa pa nitong mga kasamahan ay nagpositibo rin sa nangyaring pamamaslang sa bayan ng Carmen.Dahil dito, anim na kaso ng pamamaril ang mareresolba sa matagumpay na pagkaka-aresto kay Omar Sultan sa ginawang operasyon ng mga pulis, militar at sa deriktiba ng punong ehekutibo ng Kabacan.Ayon sa opisyal, kabilang sa mga pinaslang ni Sultan batay sa forensic examination na isinagawa ng crime laboratory ay si Danilo Cadot Angeles noong November 19 kung saan tinangay pa ang motorsiklo nito sa Brgy. Kayaga. Dalawang kaso ng pamamaril rin kamakailan at ang isa pa na pinaslang din nito ay sa bayan ng Midsayap.Samanatala, iginiit naman ni Guzman na hindi pa rin sila titigil sa paghanhanap sa iba pang kasamahan ni Sultan na umano isa sa mga leader ng PENTAGON GANG na responsable sa ibat' ibang krimen sa lalawigan ng North COtabato.Ang oplan Suyod sa bayan ng Kabacan ay suportado naman ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza kung saan una na itong nagpahayag na magbibigay ng reward sa mga informant sa bayan. Local...MAHIGIT sa isang daang mga baboy ang sabay-sabay na lilitsonin sa bayan ng Mlang ngayong araw.Highlight ang aktibidad na ito ng isang buong linggong pagdiriwang ng 7th Kawayanan Festival.Ayon kay Councilor Jannerey Paracha, ang chair ng Litsonan sa Kawayan, ipapakain ng libre ang mga lechon sa mga residente at mga panauhing dadayo para makipamiyesta.Kakaiba ang gagawing paglilitson dahil lahat ng gagamitin ay kawayan, kabilang na ang sigang magsisilbing panluto sa baboy.Taon-taon dinarayo ng mga bisita ang bayan ng Mlang dahil sa okasyong ito.Sa mga bisita namang Moro, hindi dapat mangamba dahil may sarili ring pagkain na inilaan para sa kanila.Nagtalaga kasi ng lugar ang LGU kung saan magkakaroon din ng litsong manok at halal na pagkain ang mga bisitang Moro.Kabilang sa mga palaging present sa selebrasyon ang mga panauhing mula pa sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Davao del Sur.Layunin ng listonan sa kawayan na ipakilala ang lumalagong hog industry sa bayan ng Mlang.Marami kasi sa mga residente ang may sariling piggery at nagsusupply ng buhay na baboy maging ng karne sa ibat-ibang mga bayan ng North Cotabato. Nakaalerto ngayon ang Mlang PNP sa pagtatapos ng 7th Kawayanan Festival sa bayan ng Mlang,North COtabato ngayong araw.Una nang sinabi ni Supt. Joefrry Todeño, hepe ng Mlang PNP, na Novemebr 28 pa lang ay nagsimula nang i-deploy ang mga PNP personnel sa ibat-ibang bahagi ng Poblacion kung saan ginagawa ang mga aktibidad.Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa buong bayan hanggang matapos ang nasabing engradeng selebrasyon.Hinigpitan rin pati na ang mga entrance and exit points sa bayan.Maliban sa PNP katuwang rin nila ang 7th IB at 38th IB ng Philippine Army maging ang halos tatlong daang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT na magmomonitor sa lugar lalo na sa mga matataong area.Hinigpitan ring lalo ng PNP ang kanilang isinasagawang highway inspection Local...Nanawagan ngayon ang pamunuan ng Department of Trade and Industry o DTI North Cotabato sa mga consumer na huwag nang hintayin pa ang rush hour sa pagbili ng kanilang mga Noche Nuena Items para sa pasko at bagong taon.Ayon kay DTI North Cotabato standard Officer Jong Quijano posible pa kasing tumaas ang presyo ng mga ito lalo na kung magkaubusan ng mga produkto.Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang paglilibot ng DTI sa mga malalaki at maliliit na tindahan sa lalawigan para mamonitor kung sino ang mga lumabag sa mga nakatakdang suggested retail price o SRP para sa mg items.Sa ngayon wala pang paggalaw sa presyo sa merkado ang mga pangunahing Noche Buena Items sa lalawigan.Ilan sa kanilang tinututukan ngayon ang mga kadalasang mabenta ang presyo ng ham, fruit cocktails , cheeze, mayonaise, tomato sauce, at mga pasta products. Nag-iiwan rin sila ng mga posters sa mga tindahan para makita ng mga consumer ang kasalukuyang presyo ng kanilang mga binibiling produkto.Bukas naman raw ang tanggapan ng DTI sa anumang reklamo ng mga consumer kaugnay sa presyo ng mga produkto ngayon pasko at bagong taon. Local...Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang suplemental budget para sa bonuses na matatanggap ng mga public official at employee ng Kidapawan City.Sinabi ni Vice Mayor Gantuangco sa DXND Radyo Bida, abot sa 23 million pesos ang inilaang pondo para sa naturang mga gift check ng mga empleyado na kinuha naman mula sa savings ng City LGU.Positibo naman ang Sanguniang Panlungsod Members na papasa ito sa third at final reading.Nakasaad sa naturang resolusyon na makakatanggap ng tig-20 thousand pesos ang lahat ng casual at regular employee kabilang na ang mga elected officials at dagdag na five thousand pesos para sa health insurance.Tig 5-thousand pesos naman para sa mga Job orders, Call 911 personnel, medtech, og radtech, RN heals 20 thousand rin sa mga doctors 2500 sa mga brgy workers katulad ng BNS, Daycare Worker, BHW, at barangay Tanod 2000 pesos habang 1,500 pesos naman para sa mga Barangay Animal Worker, BHRAO, PNP, BJMP, Bureau of Fire and protection, lupon at socco personnel.Maliban dito makakatanggap rin ang higit 50 Senior Citizens kabilang na rito ang mga opisyal ng kanilang pederasyon.Inaasahan namang matatangap kaagad ng mga empleyado ang naturang pamasko matapos ang approval at proseso nito. Local...Kasong illegal possesion of Firearms ang kakaharapin ngayong ng isang 19-anyos na binata matapos mahulihan ng di lisensiyadong sa Mlang, North Cotabato.Kinilala ni Police Chief Inspector Joefrey Todeño, Hepe ng Malang PNP ang suspek na si Samer Maido Silongan, na taga Barangay Kalunga, Datu Paglas, Maguindanao.
Ayon sa report, nahuli ang suspek sa kasagsagan ng ipinapatupad na seguridad hinggil sa isinasagawang Kawayanan Festival sa bayan sa likod ng municipal gym.Nabatid na nung una umayaw umano ang suspek na inspeksyunin ang bag nito at iginiit na sigarilyo lamang ang laman nito.Sa ikalawang pagkakataon ay pumayag na ang suspek kung saan dito na narekober sa kanya ang isang kalibre .45 na baril, isang magazine at anim na mga bala.Agad namang nakipag ugnayan ang PNP sa Datu Paglas Municipal Police Station at dito napag alamang hindi ito residente ng Datu Paglas.Iniimbestigahan na ngayon ng PNP kung konektado ba ang suspek sa malaking grupo sa lalawigan na responsable sa ibat ibang mga krimen.Nananatili ngayon ang suspek sa Mlang PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...