Wednesday Jun, 19 2024 10:18:36 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 5, 2015

 • 02:11 AM Sun Dec 6, 2015
971
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 05, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Lima sugatan sa pagsabog ng granada sa Matalam, North Cotabato.2. TAUHAN NI Black Moro, PANIBAGONG
biktima ng pamamaril sa Cotabago city.

3. Higit dalawang oras na load
curtailment sa Service Area ng COTELCO, inaasahang magtatapos ngayong araw

4. Motorsiklo na ninakaw sa Banga,
narecover sa Lake Sebu, South Cotabato5.7 katao arestado sa raid ng PDEA sa Cotabato City

Local………………..

PATULOY
NA NAGPAPAGALING ngayon sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin
pasado alas onse ng tanghali kahapon sa Jose Lim, Sr. Street, Poblacion sais,
Cotabato city partikular sa tabi ng Washington bridge

Kinilala
ang biktima na si Abdulrakman Zacaria Tatak, 23 anyos, residente ng RS Buan,
Poblacion uno ng lungsod.

Ayon
sa report ng pulisya, pumunta sa lugar si Tatak para bisitahin ang isang
kaibigan

Pero
bigla umanong dumating ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril
ang biktima gamit ang kalibre 45 na baril.

Nagtamo
ng tama ng bala sa kanyang dibdib si Tatak na tumagos hanggang sa kanyang likod.

Agad
namang nakatakas ang suspek papunta sa hindi pa malamang direksyon habang
isinugod naman sa pagamutan ng mga rumispondeng tropa ng police station number
1 ang biktima.

Si
Tatak ay pinaniniwalaang tauhan ni Black Moro na una nang inaresto ng pulisya
matapos makipagbarilan sa 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army.

Local ………………… PATULOY pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire protection Cotabato City ang sanhi ng nangyaring sunog sa bahagi ng Estrella Street at Donya Teresa Street, Poblacion 3, alas-6:46 ng umaga kahapon.Ayon kay BFP Cotabato City Insp. James Rah, nasa anim na mga bahay ang tinupok ng apoy na abot sa 300 thousand pesos ang halaga ng danyos.Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Sainal Fanta na bagong occupant sa isang bahay sa lugar.Magiinit sana ng tubig ang kasama nito sa bahay na si Undang nang biglang magliyab ang naiwang nilang nakabukas na LPG sa kanilang kusina.Ayon kay Rah, posibleng nakalimutang i-off ng may-ari ng bahay ang kanilang LPG noong nakaraang gabi.Mabilis namang naapula ang apoy dahil sa pakikipagtulungan na rin ng mga residente sa lugar at naiwasang kumalat pa ang apoy sa ibang kabahayan.Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa naturang insidente. Local…………………….

KALABOSO
ANG pito katao matapos maaktuhan sa pinasok na drug den ng Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA-ARMM pasado alas onse noong nakaraang gabi sa Campo
Muslim, Mother Barangay Bagua, Cotabato city.

Kabilang
sa mga naaresto ang drug den maintainers na sina Bai Sahar Isra Jawaril at
Eizha Vin Isra Jawaril, kasama na ang mga pinaniniwalaang illegal drug users na
sina Faisal Isra Durado, Arshad Isra Durado, Mohammad Ramos Kitab, Mohammad
Samir Kahar Datumanong at Al-Harvey Isra Undong.

Ayon
sa report ng PDEA-ARMM, target sana ng operasyon sina Sai Isra at Spike Isra na
mga kilalang drug pusher sa Cotabato city, pero nakatakas ang mga ito.

Nakuha
ng mga operatiba mula sa nasabing drug den ang walong sachets ng shabu na may
kabuuang bigat na 55 grams at tinatayang nagkakahalaga ng 143,000 pesos, kasama
na ang mga drug paraphernalia.

Paglabag
sa Sections 5, 6, 7, 11 at 15 ng Article II ng Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakatakdang isampa laban sa mga naaresto.

Local……………….

GAHOL
na sa oras ang Commission on Elections dahil sa temporary restraining order ng
Korte Suprema laban sa No Bio, No Boto” policy sa 2016 elections.

Ayon
kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaapektuhan na ang paghahanda ng
Comelec sa halalan kapag ibabasura ang kanilang polisiya sa pagboto.

Dapat
kasing mag-adjust ng mga voting precinct sa mga botanteng walang biometrics na
aabot sa 2.5 million.

Apektado
rin ang paggamit ng vote counting machines o VCM dahil madadagdagan na ang
gagamit sa mga makina.

Sa
target nilang 800 na balotang dadaan sa isang VCM ay posibleng aabot na ito sa
mahigit 1,000 na magpapabagal naman sa operasyon ng mga presinto.

Kapag
magdadagdag ang Comelec ng VCM ay posibleng hindi na ito maide-deliver bago ang
halalan at hindi rin tiyak kung may available pang mga makina.

Local…………………..

INILUNSAD
ng Department of Health o DOH ang Hospital Advisor,” na isang website na magagamit ng publiko para sa
pag-review,pagpili at pakikipaguganayan sa ibat ibang ospital at healthcare
facilities sa bansa.

Ang
proyekto ay suportado ng Bilateral Program Fund ng British embassy sa Maynila
na kinonsepto ng Office for

Health
Regulations ng DOH.

Ayon
sa Embahada, ito ay ginawa para maging tulay ng mga ahensiya, mga ospital,
healthcare professionals, at mga pasyente para magbigay ng mabilis na serbisyo
sa prevention, treatment at pagpapagaling ng mga sakit.

Layunin
din na matukoy ng direkta ng pasyente ang ospital na kanyang pagpapagamutan
kung saan matutugunan umano agad ang
kanilang mga reklamo at rekomendasyon hindi lamang ng DOH kundi maging ng may
access sa website.

Local...Inaasahang makakabalik na ngayon araw ang suplay ng kuryente mula sa Therma South Inc. na isa sa pinagkukunan ng suplay kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Ito ang sinabi ni ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio batay na rin sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.Una na kasing sinabi ni Baguio na sa unang araw ng Disyembre ay babalik sa normal ang supply ng kuryente pero hanggang nitong miyerkules ay lalong lumala ito kung saan ipinatupad ang tig-dalawang rounds ng load curtailment kada araw.Paliwanag pa ng opisyal na nabalam rin kasi ang pagpasok ng Therma Marine Inc o TMI, isang independent Power Producer na pinapatakbo ng Aboitiz Power sa Mindanao grid, dahilan kung bakit malaki ang kulang sa supply ng kuryente.Sa ngayon nagmemaintain lamang ang COTELCO ng 19 MW na load kada araw.At dahil nga ay umaabot sa peak demand ang nagagamit ng mga consumer ng COTELCO ng 32-34 MW kada araw ay napakalaki ang kulang sa suplay ng kuryente.Ito naman ngayon ang dahilan kung bakit nakakaranas pa rin ng dalawa hanggang apat na oras na load curtailment sa service area ng COTELCO.Samantala humingi naman ng pang-unawa ang COTELCO sa publiko kung bakit hindi sila makapagbibigay kaagad schedule sa kanilang ipinapatupad na load curtailment. Local...Hanggang ngayon ay dismayado pa rin si Mlang Mayor Joselito Piñol sa imbestigasyon sa kaso ng Mlang bombing noong nakaraang taon.Ayon kay Piñol hindi niya nararamdaman ang intervention mula sa National Government ukol sa nabanggit na usapin.Una na umanong humiling at dumaan pa sa maraming pasikot sikot ang Mlang LGU para lamang tutukan ang naturang issue pero tila mga bingi ang National Government tungkol dito.Bumuo na rin sila ng TASKFORCE Mlang at nagbigay pa ng direktiba sa PNP kasama na ang NBI pero hanggang ngayon ay wala pa ring isinusumiteng report ang NBI sa kanilang imbestigasyon.Matatandaan noong nakaraang taon tatlong mga binatilyo ang nasawi dahil sa pagsabog ng isang granada sa isang billard hall ng bayan ilang metro lang ang layo mula sa City Plaza.Naniniwala ang Mlang LGU na hindi naman taga Mlang ang mga responsable sa krimen bagay naman na nahihirapan din sila para tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga ito.Sa ngayon umaasa pa rin ang alkalde na mabibigyan pa rin ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima at tinitiyak nitong hindi na mauulit pa ang insidente sa tulong na rin ng mga otoridad at residente ng Mlang.Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Piñol sa mga nakiisa kahapon sa kanilang Culmination Program sa 7th Kawayanon Festival kung saan naging matiwasay ang kanilang mga aktibidad sa pangkalahatan. Local...Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Matalam, North COtabato partikular sa Rotonda area papuntang palengke ng Poblacion mag-aalas onse kagabi.Ito ang kinumpirma ni Chief Ins. Sonny Leoncito, hepe ng Matalam PNP sa DXND Radyo Bida.Ayon kay Leoncito, lima ang naging sugatan sa naturang pagsabog ng granada at kabilang na rito ang isang tricycle driver na kinilalang si Macmod Canacan, 24-anyos na taga Kilada, Matalam.Habang ang mga sugatan bystanders naman ay kinilalang sina Danjan Alam, 28, isang Dilangalen 32 ng Datu Montawal, Maguindanao, Graldo Peralta Jr. ng Poblacion Makilala at isang Sharon Diaz, 35-anyos.Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, posibleng ang tricycle driver na si Canacan naman ang target ng naturang pagsabog.Sa salaysay kasi ni Canacan sa mga otoridad ilang mga nakamotorsiklo na ang umaaligid aligid sa kanya bago pa nangyari ang insidente.Samantala, agad namang dinala sa Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City ang mga sugatang biktima na agad namang nilapatan ng medikal na atensyon na ngayon ay patuloy pang nagpapagaling.Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad anga nabanggit na insidente. Local..Sinaksihan ng maraming residente ng Kidapawan City ang pagpapailaw sa Giant Christmas Ball na pagmamay-ari ng Kidapawan Doctors Hospital Incorporated o KDHI kagabi.Ito naman ang pinakamalaking Christmas Decor na mapapansin ngayon sa lungsod.Sinabi ni Engr. Weng Aleon, Director For General Services ng KDHI, binubuo ng sampung libong mga LED BULB ang nakabalot sa naturang CHRISTMAS BALL na makikita naman sa gilid ng National highway.Tintayang nasa 70 thousand pesos naman ang kabuuang halaga ng naturang dekorasyon na saby sabay na pinailawan ng mga matataas na opisyal ng KDHI kasabay sa isinagawang ceremonial lighting.Ayon naman kay Fr. Jessie Esparagoza, layunin nito na mapabatid sa Kidapawenyos ang kahalagahan ng Pasko, lalo na sa mga kabataan na magsislbing simbolo sa kanilang pag-asa at liwanag sa kanilang pamilya.Kasabay nito, isang memorandum of Agreement rin ang nilagdaan ng KDHI para sa kanilang ikalawang taong supplemental feeding Program para sa Rey Buenaventura Sabulao Memorial Lelementary School, isa sa mga IP School sa Kidapawan.Ayon sa proncipal ngnatural paaralan na si Noime Broses, abot sa 318 na mga mag-aaral ang makakabenipisyo sa naturang programa kung saan 60 sa mga ito ay mga katutubo.Dahil sa programa, bumaba ang bilang ng mga absences at mga drop out ng mga estu.dyante. Local...Pormal nang umatras si Yasser Tumindig sa kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng lungsod ng Kidapawan.

Sa nakalap na impormasyon ng Radyo Bida, mismong si Tumindig ang nagwithdraw ng kanyang Certificate of Candidacy sa opina ng COMELEC kahapon.Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan sa pag-atras ni Tumindig na kakandidato sana bilang City Mayor.Dahil dito, un-opposed na si Incumbent Mayor Joseph Evangelita bilang alkalde.Sa buong lalawigan ng North COtabato, tatlong mga tumakbong alkalde ang un-opposed, una si Incumbent Arakan Mayor Rene Rubino, ikalawa si Carmen Mayor Roger Taliño at ikatlo si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista. Local...Nakarecober ng mga pulis ang isang nakaw na motorsiklo sa Sitio Tinuus, Barangay T’kunel, Lake Sebu, South Cotabato.
Ang Kawasaki Bajaj Motorcyle na may license plate 9800 MI ay natuklasan ng mga pulis sa loob mismo ng bahay ng isang Danny Rey Antog, biente kwatro anyos dakong alas onse ng umaga kamakalawa.
Si Antog na wala sa bahay nito nang magsagawa ng raid ang pinagsanib na pwersa ng Banga at Lake Sebu PNP ay pinaghahanap pa rin.
Nabatid na ang motorsiklo na narecover sa bahay nito ay pag aari ng gurong si Angelito Gasmin, kwaranta’y syete anyos.
Ang motorsiklo ni Gasmin ay ninakaw habang nakaparada sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Sitio Kataan, Lambingi, Banga noong Disyembre a dos.
Ito ay ibinalik na kay Gasmin, matapos makapagprisinta ng mga kaukulang dokomento sa mga pulis.Local...Isinasailalim sa stress de-briefing o pscho-social intervention ng Municipal Social Welfare and Development o MSWD sa Kiamba, Sarangani Province ang isang labin anim na taong gulang na binatilyo.
Ito ayon kay Lt. Col Ronald Jess Alcudia,ang Commanding Officer ng 27th IB ng militar ay bunsod ng traumang nararanasan matapos ma-kidnap ng New Peoples Army o NPA.
Ang binatilyo na matagal na umanong kinukumbinsi ng rebeldeng grupo na sumama sa kanila ay inireport ng kanyang ama na nawawala sa Kiamba, Municipal Police Station noong Oktbre biente uno. Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ni Alcudia, na ang binatilyo ay ginawang tagasilbi ng mga NPA na dumukot sa kanya.
Ayon kay Alcudia, nakatakas lamang ang binatilyo at makahingi ng tulong sa kampo ng militar matapos malinlang ang mga dumukot sa kanya kamakailan lang.
Kinilala naman ng menor de edad na isang indigenous people o IP ang umano’y dumukot sa kanya na si Nicanor Pason alyas Costan o Roton.
Si Pason ang umano’y kasapi ng Front 73 ng NPA
Inihayag ni Alcudia na sa kabila ng trauma nito, desido ang nakatakas na binatilyo na muling makapag aral.
Nauna nang ipinahayag ni Alcudia na naging target ng pang-rerecruit ng mga rebelde ang mga IP Communities sa mga boundary ng South Cotabato at Sarangani. Local...Ibigay ang 13th Month Pay ng kanilang mga mangagawa.
Ito ang paalala ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa mga private employers sa rehiyon.
Sa isang pulong balitaan,sinabi ni DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo, na dapat maibigay na ang 13th month pay bago ang Disyembre 24.
Ayon kay Domingo kabilang sa makatatanggap ng naturang benipisyo ang mga rank-and-file employees na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan sa isang kompanya.
Tiniyak din ni Domingo ang maigting na monitoring ng DOLE 12 sa mga kompanya.
Ito ay upang matiyak ang pagsunod sa Presidential Decree 851 na naguutos ng pagbibigay ng 13th month pay sa mga kawani ng pribadong sector.
Ayon kay Domingo, maging ang mga employment agency ay dapat ding magbigay ng 13th Month pay sa kanilang mga mangagawa.
Nilinaw din ni Domingo na bagama’t walang sanction ang kabiguan ng mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay, saklaw pa rin ito sa assessment ng ahensya sa compliance ng mga kompanya.
Sa katunayan ayon kay Domingo, sinusumite nila sa DOLE National Office ang talaan ng mga kompanyang hindi nagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado. Local..Kakatawan sa rehiyon dose para sa 2015 Tagsanay Award ang tatlong mga trainer ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Kinilala ang mga ito na sina Kiril Van Aguilar ng University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus sa North Cotabato,at Hope Esparagosa ng Surallah National Agricultural School sa Surallah, South Cotabato .
Makakasama rin ng mga ito Dioscoro Cabrera Jr, ng Golden State College sa Sarangani Province.
Ayon kay Rolando Palencia, ang information Officer ng TESDA 12, ang tatlong mga Technical Vocation Education and Training o TVET Trainer ay sasailalim sa isang linggong programa ng ahensya.
Kabilang sa mga ito ang technical at agricultural field trips,group work, fellowship at iba pang mga pagsasanay.
Ito ayon kay Palencia ay magsisimula sa Disyembre a trese.
Bago pa man mapili ang mga minor at major awardees, ang mga nominado sa Tagsanay Awards ay sasailalim din sa written exam, individual at team activities, panel interview at evaluation.
Layon ng Tagsanay Award na kilalanin ang naging kontribusyon ng mga TVET trainer sa pagpapatupad ng mga programa ng TESDA. Local...Binuo muli ng Department of Health DOH 12 ang Regional Bantay Asin Task Force o RBATF.
Layon nito na ma-monitor ang supply at distribution ng iodized salt sa rehiyon.
Ang RBATF ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga ito ang Department of Science and Technology, Department of Agriculture, Department of Education, National Economic Development Authority, Philippine Information Agency, Department of Trade and Industry, National Commission on Indegenous Peoples, Population Commission, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guards ,salt traders at suppliers.
Ayon kay Dr. Teogenes Baluma, ang |Regional Director ng DOH 12, magkakaroon ng pagpupulong ang mga myembro ng Task Force sa Koronadal City sa Disymebre a syete.
Layon nito na mapagusapan ang mga kaukulang hakbang na maaring gawin para lalo pang maisulong ang paggamit ng iodized salt.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng action plan na binuo ng Task Force sa mga nalalabing araw ng 2015.
Isinusulong ng DOH ang paggamit ng iodized salt para maresolba ang nakakaalarmang problema ng kakulangan ng iodine lalong lalo na sa mga buntis at sanggol.
Ang kakulangan sa iodine ay maaring makaapekto sa mental ability ng isang tao.

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...

Extensive probe on Lamitan City gas station bombing sought

COTABATO CITY - Residents urged for a deep probe on Tuesday night’s bombing of a fuel station in Lamitan City, convinced it was not a terror attack,...

P254K smuggled cigars seized, lady from MagNorte nabbed in anti-drug op

KORONADAL CITY - On June 17, 2024, joint forces from Police Regional Office Soccsksargen Region and Banga municipal police station conducted an anti-...