Tuesday Nov, 29 2022 05:07:51 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 8, 2020)

NDBC BALITA • 16:15 PM Tue Dec 8, 2020
777
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  PNP Director Gen. Debold Sinas, dumalaw sa DAtu Piang, Maguindanao

2.  Sta Teresita parish Church sa Datu Piang, tinamaan ng stray bullets, glass panes at statue, may mga bullet holes

3.  Police chief ng Datu Piang na si Capt. Bayona, ni relieve, Major Butuan, itinalaga.

4.  44 kataong may sakit na Covid, gumaling sa Region 12.

5.   Birthday ngayon ng Radyo Bida Koronadal; DXOM-AM, may pa-gimik sa mga tagapakinig

6.   Ang mga sabungan sa South Cotabato, ipapasara kapag nilalabag ang COVID-19 health protocol, ayon kay Gov. Tamayo.

7.  Suicide cases dahil sa Covid Sa North Cotabato, bini-beripika at ini-imbestigahan. (HEADLINE MALALUAN)

8.  6th ID naka heightened alert kasunod ng pananalakay ng BIFF sa Datu Piang, terrorist attack, nagpapahirap sa mga Moro, ayon sa Army. (HEADLINE ATILANO)

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

Local..

Nadagdagan ng 44 ang bilang ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease sa Soccsksargen region.

Ayon sa Department of Health–Region 12, sa mga bagong pasyente na gumaling, 20 ang mula sa General Santos City, 10 Cotabato City, 5 Sarangani at tig-tatlo sa North Cotabato, Sultan Kudarat at South Cotabato.

Sa ngayun, umakyat na sa 3,606 ang total recovered patient sa Rehiyon.

Kahapon din, iniulat ng DOH ang 35 bagong Covid 19 infections sa Soccsksargen.

Sa mga bagong kaso, 13 ang mula sa General Santos City, 9 Cotabato City, 6 Sarangani, 5 North Cotabato at tig-isa sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Nangunguna parin General Santos City sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng sakit na may 1,207 Covid Positive, South Cotabato 1,017 infections, Cotabato City 972, Sarangani 381, North Cotabato 307 at Sultan Kudarat 223.

Dahil diyan sumampa na sa 4,107 ang kabuoang bilang ng covid 19 infections sa Region 12.

Nasawi naman kahapon ang isang 69 anyos na babae na taga Surallah.

Dahil dito abot na sa 143 ang total related deaths sa Rehiyon, habang patuloy naman ang pagbaba na active cases na ngayun ay meron na lamang 357.

-0-

Local………………..

Sa Bangsamoro Region, sampung kaso ng Covid 19 Infections ang naitala ng Ministry of Health sa Basilan at Lamitan.

Dahil dito umaabot na sa 2,427 ang kabuoang bilang ng mga nagkasakit rehiyon.

Sa buong rehiyon, pinakamarami parin ang naitatalang kaso sa Lanao del Sur at Marawi City na may 1111 Covid positive, sumusunod ang Maguindanao na may 634 cases, pangatlo ang Sulu na may 234 infections, Basilan at Lamitan 195 at Tawi-tawi 133.

91 ang total death cases sa Bangsamoro Region dahil sa Covid 19.

-0-

local...

Sa nakalipas na labindalawang buwan, nakapagtala na ang Integrated Health Office o IPHO ng hindi bababa sa dalawanpung suicide incidents sa North Cotabato.

Sinabi ni EOC Manager Board Member Philbert Malaluan, iniimbestigahan pa ito ngayon ng Department of health kung lahat ng kaso ay COVID-19 cause o COVID related.

Ilan sa mga natukoy na dahilan umano ay ang pagkakulong sa bahay o isolation facility dahil sa quarantine protocols habang ang ilan naman ay dahil umano sa module ng Department of Education pero hindi pa ito kumpirmado hanggang sa magsagawa na ng case study patungkol sa nasabing usapin.

Dahil dito, masasabi pa rin na Zero ang COVID-19 suicide related death cases sa North Cotabato pero aminado naman si Malaluan na sa buong Pilipinas mayroong pagtaas sa kaso ng pagpapakamatay dahil sa isolation o home restrictions.

Sa ngayon, mas paiigtingin pa ang information and education campaign ng pamahalaan hinggil sa nasabing usapin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

-0-

local.

Bagama’t mahigpit na ipagbabawal ngayon ng Department of Health ang anumang pagtitipon dahil na rin sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19 aminado ang otoridad na may mga pamilya pa rin na tuloy ang pagdiriwang ng pasko at may selebrasyon.

Dahil dito, may paalala naman ang mga otoridad sa publiko lalo na ngayong nalalapit na ang pasko at pagdiriwang ng bagong taon.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Kidapawan City Information Officer Atty. Jose Paolo Evangelista, kahit magka-pamilya lamang sa loob ng bahay dapat pa ring maipatupad ang minimum health protocols laban sa COVID-19 dahil ito’y parte na ng New Normal policy. Sa panahon ng selebrasyon ng pasko dapat pa ring wag isaalang-alang ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya upang ligtas at kompleto ang pamilya sa pagsalubong ng bagong taon. V

Ginawa ng opsiyal ang pahayag matapos magpositibo ang ilang magkapamilya na dumalo sa isang birthday party at isinasailalim sa quarantine protocols ang iba pa na may close contact sa mga nagpositibo din sa sakit na pumunta sa nasabing selebrasyon.

-0-

local..

Bumaba na ang mga naitatalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa North Cotabato batay sa ipinalabas na ulat ng Department of Health.

Batay sa latest tracker ng DOH kagabi, lima na lamang ang naiulat na bagong kaso. Sa nasabing bilang, tatlo ang mula sa Kidapawan City kabilang ang 3 years old na batang lalaki na may exposure sa COVID-19 positive.

Isa naman ang naiulat na bagong kaso mula sa bayan ng Carmen at Kabacan, North Cotabato. Samantala, nadagdagan naman ng tatlo ang mga tuluyan ng gumaling sa sakit kahapon.

Umaasa naman ang health authorities na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng naitalang kaso ng COVID-19 sa probinsya kung patuloy ding susunod sa health protocols ang mga mamamayan ng probinsya. Sa kabuuan, nasa 307 na ang total number ng COVID infections sa buong Cotabato Province.

-0-

local....

Sumisimbolo ng pagmamahalan at katatagan na siya ring tema ng PASKORONADAL Christmas celebration ngayong ang giant parol na paiilawan mamamayang gabi sa city hall grounds.

Ayon kay Koronadal Mayor Eliordo Ogena, bagama’t inaanyahan nito ang mga mamamayan na makisaya sa selebrasyon dapat ay sumunod din ang mga ito sa minimuml health protocol.

Ang mga ito ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa physical o social distancing. Nauna nang ipinahayag ng alkalde na ipatitigil nito ang selebrasyon kung susuway sa health protocol ang mga mamamayan. Voice Clip….Si Koronadal Mayor Eliordo Ogena.

Kaugnay nito sinabi naman ni City Tourism and Cultural Affairs Officer Elric Batilaran na tampok din sa pagsisimula ang PASKORONADAL ang pagpaparining ng Christmas ID ng lungsod. Ipapakita dito ayon kay Batilaran ang katatagan at pagasa ng mga mamamayan ng Koronadal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nilinaw naman ni City Mayor’s Office Executive Assistant on Internal Affairs Jonathan Enmanuel na mahigit isang libo lamang ang papayagang sa city hall grounds sa pagpapailaw ng Giant parol. Ibig sabihin nito ayon kay Enmanuel papayagan lamang na makapasok ang mga may complimentary ticket’ Susundin naman ang clustering ng mga barangay sa pagpapasok ng mga mamamayan sa city hall grounds simula bukas.

-0-

PNP naka full alert laban sa mga violator ng COVID-19 health protocols kasunod ng pagtanggal ng ilang mga restriction ng local government ng General Santos City

Matapos luwagan ang COVID-19 restrictions naka- full alert status naman ngayon laban sa mga health protocol violator ang mga otoridad sa General Santos City. Ayon kay Gensan PNP Spokesperson Captain Rissa Hernandez, ito ay ipinagutos mismo ni Acting City Police Director Colonel Gilberto Tuzon sa walong mga police units sa nasabing lungsod`.

Ipinahayag ni Hernandez na kabilang sa mariin nilang minomonitor ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa physical o social distancing. Sinabi ni Hernandez na layon ng pagdekalara ng full alert status na matiyak na maipatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF at local government ang COVID-19 ang health protocols.

Aminado naman si Hernandez na dumami kasi ang mga mamamayan na pumumunta sa mga shopping mall, beach at maging sa mga bar matapos bawiin ni Gensan Mayor Ronnel Rivera ang “No Movement Sunday” sa lungsod. Kinumpirma din nito na maraming mga mamamayan ang lumabag sa health protocol at probisyon na nagbabawal sa mga 15 years old and below na lumabas ng bahay.

Ang mga violator at maging mga pasaway na establisemento ayon kay Hernandez ay binigyan ng citation ticket. Ang mga mahuhuling lumabag sa minimum health protocol sa Gensan ay maaring pagmultahin ng mula two thousand hanggang three thousand pesos.

Posibleng ring mag-community service ang mga ito sa loob ng siyam na araw. Ito ay nakabase naman sa COVID-19 ordinance ng Gensan.

-0-

 

local...

South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. nagbantang ipasara ang mga sabungan sa lalawigan na lumalabag sa COVID-19 health protocol

Sundin ang minimum health protocol o tuluyan nang ipagbawal ang sabong sa South Cotabato.

Ito ang babala sa mga tagapamahala ng mga sabungan sa lalawigan ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Ipinahayag ito ni Tamayo matapos kumpirmahin ang paglabag sa protocol ng ilang mga sabungan sa lalawigan.

Sinabi ni Tamayo na sana ay huwag nang hintayin pa ng mga sabungan na amyemdahan nito ang ipinalabas na executive order Nilinaw ni Tamayo na bagama’t pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang sabong, dapat ay mariin pa ring sundin ang health protocol.

Binigyan diin ni Tamayo na ang pagsisigawan sa loob ng mga sabungan tulad ng isinumbong mismo sa kanya ay mapanganib dahil maari itong maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19. Voice Clip…Si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

-0-

LOCAL..

NI RELIEVE na bilang hepe ng Datu Piang PNP si Capt. Esrael Bayona at itinalaga bilang kanyang kapalit si Major Alexander Butuan.

Sinabi ito ni PRO-BARMM Regional Director Brig. Gen. Samuel Rodriguez kasabay ng pagbisita kahapon ni PNP Director Gen. Debold Sinas sa Datu Piang.

Si Sinas ay minsan ding naitalaga sa PRO-BARMM noong 2019 bago siya nalipat sa National Capital Region.

Nakipagpulong si Sinas kay Datu Piang Mayor Victor Samama at sentro ng kanilang pag-uusap ay ang naganap na pananalakay ng BIFF noong nakaraang linggo.

Ang simbahan ng Sta Teresita parish ay tinamaan ng mga ligaw na bala sa kasagsagan ng pananalakay ng BIFF.

Ang glass panes nito sa choir’s chamber ay may mga tama ng bala.  Tinamaan din ng mga bala ang image ni Sta Teresita, ang patron ng mga Katoliko sa Datu Piang.

-0-

Local…

Ngayung nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon, nakatakdang maglatag ng karagdagang pwersa ang Joint Task Force Central at Philippine National Police sa mga matataong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Central Mindanao.

Sinabi ito ni 6th Infantry Division Spokerson Ltc. Anhouvic Atillano.

Aniya bagaman at limitado sa ngayun ang mga pagtitipon at paglalabas ng mga tao dahil sa nararanasang pandemic, hindi pa rin nagpapakampante ang militar at mas pinaigting pa nila ang kanilang intelligence monitoring.

Hindi pa rin aniya kasi nawawala ang banta ng terorismo sa Central Mindanao.

Pero sabi ni Atilano, kung patuloy ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga otoridad ay tiyak sasalubungin natin ang pasko at bagong taon na ligtas at masaya.

Sinabi rin ni Atillano na hindi titigil ang militar sa pagtugis sa grupo ni Commander Karialan at Motorola na siyang responsable sa pag-atake sa Datu Piang.

-0-

“Sila ang dapat magbaba ng armas at sumuko sa gobyerno!”

Ito ang sinabi sa Radyo BIDA ni 6th Infantry Division spokesperson Lt Col. Dingdong Atilano laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na siyang responsible sa pananalakay sa Datu Piang Maguindanao kamakailan.

Ayon sa army official, ito’y pinalalabas anya ng BIFF ng Dawlah Islamiya para ma-terrorize o matakot ang mga tao. Ang pangunahing layunin din anya ng paghahasik nito ng gulo para matakot at palabasing malakas pa ang kanilang pwersa.

Sinasabi din kasi ng grupo na makakamit lamang ng nasabing bayan ang tunay na kapayapaan kung umalis na ang tropa ng militar sa lugar kung saan sinagot naman ni Atilano ang pahayag na ito ng BIFF. 

Samantala, dagdag pa ni Atilano na mas palalakasin pa ng militar katuwang ang pulisya ang security forces sa buong Central Mindanao kabilang na sa North Cotabato.

Sinigurado din nito na patuloy na mangunguna bilang depensa ang militar kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga mamamayan dahil hindi lamang daw sila maghihintay na atakehin kundi magsasagawa na sila ng unang aksyon.

-0-

Local………………..

Bubuksan na mamayang alas kwatro ng hapon ang bagong ayos na Sto Nino De Cebu Parish Church sa Makilala, North Cotabato.

Ang re-dedication ay pangungunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Matatandaang sinira ng malakas na lindol noong October 2019 ang simbahan, partikular ang altar nito. Nabasag din ang mga imahe sa loob ng simbahan.

Pansamantalang nagsasagawa ng kanilang misa ang mga parokyano sa Parish gymnasium.

-0-

LOCAL...

UMAABOT NA SA 54 LIBONG PAMILYA sa mga lalawigan ng BAngsamoro Region ang natulungan o nakatanggap ng relief assistance mula sa BARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro Government’s Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM-READI).

Ang mga natulungan ay mga biktima ng pagbaha at ng panddemya.

Ang unang grupo ng mga nakatanggapa ng relief goods na kinabibilangan ng bigas at canned goods ay mula sa mga liblib na barangay ng Pigcawayan at Midsayap, North Cotabato.

Sumunod ay ang mga residente ng Batulawan, Balungis, Dunguan, Tapodoc, Pikit, Gokotan, Nabuntas, Nalapaan, Panicupan, Bualan, Manaulanan, Pamalian, Macasandeg in Pikit, North Cotabato.

Sinabi rin ni BARMM interior Minister Naguib Sinarimbo na nakatanggap din ng ayuda ang mga mamamayan ng Basulta o Basilan, Sulu at TAwi-Tawi.

-0-

Local…

Mga mangingisda mula sa apat na bayan ng Maguindanao ang sinanay ng Ministry of Agriculture and Agrarian Reform o MAFAR-Maguindanao ukol sa Hands on Training on Fish Pot and Traps Construction sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong.

Ayon kay Provincial Supervising Aquaculturist Noralyn A. Lumbatan, layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kita ng mga mangingisdang sa pamamagitan ng paghasa sa mga teknikal na kakayahan at kaalaman nito ukol sa pangingisda at tamang pangangalaga sa mga lawa at ilog gamit ang mga kagamitan na mayroon sa kanilang lugar.

Dalawampong mangingisda o fisherfolks ang sumailalim sa training ukol sa Introduction to Environmentally friendly fishing, Introduction to Fish Trapping, Types of Fish Traps, Fishing Gears and Methods Applicable in Ligawasan Marsh, Selection of Fishing Grounds, Fishing Operation and Care of Catch, at Introduction to Aquaculture.

 

-0-

local...

Radyo bida na nagdiriwang ng ika anim na anibersaryo nito ngayong araw mamimigay ng load sa mga maswerte nitong tagapakinig.

Handog ng Radyo bida 963 sa Koronadal City sa mga tagapakinig nito ngayong araw ang libreng load. Ito ay bilang pasasalamat na rin sa mga listener ng nasabing himpilan na nagdirwang ngayong ng ika anim na anibersaryo.

Para manalo ng one hundred pesos load sa aming “Tanong Ko Sagot, Mo Promo.”sagutin lamang ang mga on air question ng mga radyo Bida announcer. Ibabase naman ang mga katanungan sa mga pinagusapan sa mga programa kaya mahalagang makinig.

Sa mga interesadong sumali, i-type lamang sa inyong mga cellphone ang Bida 6 Papremyo, space, sagot, space, pangalan at address ng texter at i-send sa 0925-852-7999 sa smart at 0917-848-6746 sa globe subscribers.

Ang texter na unang makakasagot ng tama ang siyang mananalo ng one hundred pesos worth ng load. Unang sumahimpapawid ang Radyo Bida 963 Koronadal noong December 8, 2014. Ito ang isa anim na mga himpilan ng Radyo ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC ng Oblates of Mary Immacualte o OMI sa South Central Mindanao.

-0-

local...

Dalawa katao patay sa vehicular crash sa Norala at Polomolok, South Cotabato

Kinilala ng Norala PNP na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas ang nasawing biktima na si Ariel Famulag, 37 years old at nakatira sa Barangay Liberty sa nasabing bayan.

Ang biktimang si Famulag na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa Norala, District Hospital

Ito ay matapos mabangga ng minamanehong motorsiklo ang isang Montero vehicle sa Poblacion, Norala, South Cotabato. Sa bayan naman ng Polomolok, patay din ang isang naka-motorsiklong lalaki matapos masangkot sa vehicular crash sa nasabing bayan.

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Alex Joe Orcajada ang biktima na si Daryl Ganacial, 25 years old, binata at nakatira sa Barangay Maligo, Polomolok. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Ganacial ay nahulog sa tulay sa Barangay Road ng Klinan, Polomolok.

Ito ay matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo. Si Ganacial na nagtamo ng matinding sugat sa ulo ay dead on arrival nang dalhin ng Rescue Team ng Polomolok LGU sa Howard Hubbard Hospital. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa magkasunod na vehicular crash.

-0-

local...

Nasa ligtas ng kalagayan ng isang preso matapos saksakin ng kapwa preso sa South Cotabato Provincial Jail sa Koronadal City. Kinilala ni OIC Provincial Jail Warden Felisito Gumapac ang biktima na si Jerry Tuason.

Ayon kay Gumapac si Tuason ay sinaksak umano malapit sa tenga ng kapwa inmate na si Ryan Pasirda. Sinabi ni Gumapac na marahil ay nagalit si Pasirda ng sitahin ito ng biktimang si Tuason matapos katayin ang kanilang alagang pato na ihahanda sana nila sa Pasko.

Nilinaw ni Gumapac na walang riot sa provincial jail at ang naganap ay isolated case lamang sanhi ng hindi pagkakaintindihan ng dalawang mga inmate. Ayon kay Gumapac ang biktimang si Tuazon ay nasa ligtas nang kalagayan matapos dalhin sa provincial hospital. Habang ang suspek na si Pasirda ay inilagay sa single cell bilang disciplinary action at para na rin sa kanyang kaligtasa.

Paliwanag ni Gumapac maaring nakuha ng mga inmate ang bakal na ginawang ice speak sa kontruksyon noon sa compound ng provincial jail. Kaya ayon kay Gumapac pagkatapos ng nangyaring pananaksak, kinausap nito ang mga lider ng selda na kumbinsihin ang mga kasama na isurender ang kanilang mga patalim. Sinabi ni Gumapac na isinusko sa kanila ng mga inmate ang labinanim na mga patalim at tatlong cellphone. 

 

-0-

 

Tig-lilimang milyong pisong pondo ang ibibigay ng provincial government ng North Cotabato para sa Boy Scout at Girl Scout of the Philippines bilang pondo ng organisasyon sa muling pagsulong ng mga scouting activities.

Ito ang isa sa mga tampok sa isingawang Provincial State of the Children Address ni North Cotabato Governor Nancy Catamco kahapon. Ayon sa ulat, tinatayang nasa 180, 000 na mga bata sa buong lalawigan ang potential members ng Boy Scout pero nasa labin limang libo lamang ang naka rehistro.

Habang sa Girl Scout naman, nasa 147,000 ang potential members pero nasa halos 12-thousand lamang ang naka-register. Sa pamamagitan ng nasabing pondo, inaasahan namang tataas hanggang 50 percent ang sasali sa nasabing mga organisasyon.

Sinabi naman ng gobernadora na sa harap ng makabagong panahon at teknolohiya, nararapat pa ring mapatatag ang moral values ng mga kabataan at tiyaking sila’y maging responsableng mamamayan at magiting na Pilipino.

Kinikilala ng pamahalaang panlalawigan ang kakayanan ng dalawang council na makapaglunsad ng tukma at naayong aktibidad dahil ito'y isang institusyon na kilala sa buong mundo.

 

 

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today announced another round of oil price rollback that will take effect Tuesday morning. The pump prices of diesel will...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...