Monday Apr, 15 2024 08:10:53 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 9, 2015

 • 01:57 AM Thu Dec 10, 2015
1,774
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

DECEMBER 9,
2015 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. GUSALI SA Cotabato city, pinasabugan
ng Granada PNP at Militar sa Midsayap, North Cotabato naka Triple red-alert

2. Anim na bahay, natupok sa ND village fire incident kanina.2. Anim katao patay sa enkwentro sa
Tulunan North Cotabato

3. Fr. Jose Ante, OMI, inilibing na kanina.

lOCAL...Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Fr. Jose Ante, OMI, ang first Filipino Oblates of Mary Immaculate provincial superior matapos ang misa na pinangunahan ni Cotabato archbishop Orlando Cardinal Quevedo, OMI, DD. Bumuhos ang luha nang ipasok na sa kanyang libingan si Fr. Ante sa OMI cemetery sa Grotto Shrine, Tamontaka, Datu Odin Sinsaut, Maguindanao. Si Fr. Ante, mas kilala sa tawag na Fr. Joe, ay nasawi sa isang car accident sa Davao del Sur noong Biernes. Local...Anim na mga bahay ang tinupok ng apoy sa sunog alas 7:10 kanina saBlock 4 ng ND Village Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City.Sinabi ni city fire office spokespersonFire Inspector James Rah, nagsimula ang sunog sa tahanan na pag-aari ng isang Bloaan family at agad na kumalat sa katabing mga bahay.Ayon sa initial investigation, nagluluto ang may-ari ng bahay nang biglang lumaki ang apoy. Tinatayang abot sa 5 milyong piso ang halaga ng natupok sa sunog subalit maari pa itong lumaki, ayon kay Ra. Local………………..

PATULOY PANG INAALAM NGAYON ng mga
imbedtigador kung sino ang nasa likod ng panghahagis ng granada sa 2nd floor ng
Sumael Building, Roman Vilo Alonzo street, Poblacion 5, Cotabato city
partikular sa dating AMA Computer college kahapon nang madaling araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng
pulisya, nabili ngayong taon ni Dahlia Sumael sa bangko ang nasabing gusali at
kasalukuyang isinasailalim sa renovation para gawin ding isang eskwelahan.

Unang nakarinig ng pagsabog ang mga
karpinterong nagtatrabaho sa gusali pasado alas dose ng madaling araw kahapon
pero hindi na muna nila ito pinagtuunan ng pansin sa pag-aakalang ilaw lamang
ang sumabog.

Pero paggising ng mga ito pasado alas
sais ng umaga kahapon, nakumpirma nilang hindi ilaw ang sumabog pagdating ng
kanilang project enginneer saka tumawag ng mga pulis.

Agad namang rumisponde ang Explosive
Ordnance and Disposal o EOD Team kung saan ay narekober ang isang safety lever
ng MK2 Hand grenade.

Wala namang naiulat na nasaktan sa
nasabing pagsabog maliban na lamang sa pinsalang idinulot nito sa pader at
flooring ng gusali.

Inaalam na rin ng mga imbestigador kung
ano ang posibleng motibo sa pagpapasabog ng granada sa nasabing gusali.

Local...SAMANTALA, NAKA-TRIPLE RED ALERT simula
pa kagabi ang hanay ng Philippine Army at Philippine National Police sa low
lying areas ng Midsayap, North Cotabato

Ito matapos na makatanggap ng report
ang mga otoridad na lulusobin umano ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic
Freedom fighters o BIFF ang nasabing bayan.

Ayon kay Midsayap PNP chief of police
Supt. Gilbert Tuson, nakadeploy na ang kanyang tropa sa iba't ibang parte ng
bayan kasama ang militar.

Tinitiyak nila ang seguridad partikular
sa remote area ng Midsayap.

Local …………………

NAGPAALALA
ang Datu Odin Sinsuat Maguindanao PNP sa lahat ng mga motorista na maging
maingat sa kanilang pagmamaneho sa anumang oras o panahon.

Ito matapos
na maitala ang isang panibagong vehicular accident sa bayan noong nakaraang
linggo kung saan isa ang namatay.

Nangyari ang
insidente sa Provincial road partikular sa Brgy. Labungan ng nasabing bayan.

Minamaneho ni
Herbert Gunsi, 27-anyos, taga-Brgy. Pandan, South Upi ang kanyang Busnia Truck
na kulay Dark Green na may license plate YEM 814 patungo sana ng Cotabato Cityhabang
minamaneho naman ng isang Michael Sultan ,23-anyos, taga Timanan, South Upi ang
kanyang kulay red na single Baja kawasaki Motorcycle na may license plate LA
54836 kasama ang kanyang mga angkas na sina Rommy Sincuro, 33-years old, Albert
Gambua, 23 at Andy Umpal, 35-anyos.

Sa report ng
DOS PNP, habang nasa magkaibang direksyon ang dalawang sasakyan, biglang
pumasok ang sasakyan ni Gunsi sa dinadaanan ng motorsiklo ni Sultan, dahilan
upang mabangga nito ang kanyang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Agad namang
isinugod ang mga biktima sa pagamutan dahil sa mga natamong sugat nito pero
idineklara namang dead on arrival ng doctor ang isang angkas ng motorsiklo na
si Andy Umpal.

Kasalukuyan
namang nasa kustodiya ng DOS PNP ang mga sasakyang sangkot sa aksidente.

Local…………………….

INAALAM
PA NGAYON ng mga imbestigador kung may foul play sa sinasabing pagpapakamatay
ng isang binata pasado alas kwatro ng madaling araw kanina sa Purok Sampaloc,
Mother Barangay Bagua, Cotabato city.

Kinilala
ang biktima na si Rasul Tungkay, 23 anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon
sa report, natuklasan ng nakakatandang kapatid ng biktima na si Axel Tungkay
ang bangkay ni Rasul pasado

alas
kwatro nang madaling araw kanina nang ginising siya ng isang kaibigan para ipaalam
ang masamang balita.

Agad
pumunta si Axel sa bahay ng kapatid kung saan ay inabutan pa nitong nakabitin
ang biktima gamit ang sling ng bag na itinali nito sa kanyang leeg.

Paniwala
ni Axel, problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng kanyang kapatid.

Local……………….

TINIYAK ni
First Marine Brigae Commaner General Emmanuel Salamat mn walang dapat na
ipangamba ang sinumang turista na bibisita o mag-eenjoy sa mga tanawin at
karagatan ng bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Ito matapos na
sumiklab ang bakbakan ng dalawang grupo sa isang barangay sa nasabing bayan
mahigit isang buwan na ang nakalilipas, dahilan para magsilikas ang mga
residente.

Hanggang sa
ngayon ay patuloy ay ginagawang monitoring at pagassist ng marine sa bayan.

Paliwanag ng
opisyal na napakalayo ng barangay Senepak sa mga iba pang barangay na sakop ng
Datu Blah Sinsuat municipality lalo na sa mga lugar na madalas dinarayo ng mga
turista.

Local…………………..

NAGSIMULA
nang maginspeksyon ang PNP sa mag establisyemento sa Cotabato City na
nagbebenta ng paputok.

Nanguna
naman si Cotabato City Director Sr. Supt. Raul Supiter sa pagpapakalat ng
impormasyon tungkol sa Republic act 7183 o firecrackers at fire out techniques
law.

Sa
ilalim ng Republic act 7183, dapat hindi sumobra ng 0.2 gramo ang bigat o
sinlaki ng kutsarita ang isang paputok.

Ayon
kay Camba, maari nang makapinsala sa buhay ng tao kung sumobra na rito ang
bigat at laki ng isang firecraker.

Dahil
dito, mahigpit naman nilang iniimplimenta ang Oplan Ligtas paskuhan upang
maiwasang mabiktima ng paputok ang sinuman, lalo na ang mga bata.

Umaasa
si Camba na mabibigyan ng designated area ang mga magbebenta ng paputok upang
makaiwas sa hindi inaasahang sunog o aksidente.

Wala
pa namang naitalang kaso ng mga nabiktima ng paputok sa lungsod.

Local...Pinaghihinalaang biktima ng summary execution ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Crossing Kulas, Poblacion, Tantangan, South Cotabato kahapon ng umaga.
Paliwanag ni Police Senior Inspector John Rick Medel, ang chief of Police ng Tantangan, ang biktima ay may bakas ng posas sa kamay.
Mayroon din itong tama ng bala ng baril sa katawan at naka packing tape ang bibig.
Ang natuklasang bangkay ayon kay Medel ay nagkaka edad ng mula trenta hanggang kwarenta anyos, nakasuot ng itim na short at pantalon, at asul na tsinelas.
Ito ay may taas na five feet at six inches.
Ang mga labi ng biktima ay dinala na sa isang punerarya sa bayan ng Tantangan.
Umaapela naman si Medel sa sinumang nawalan ng kakilala o kaanak na makipag ugnayan lamang sa Tantangan Municipal Police Station. Local...Patay ang isang magsasaka sa pamamaril at pananaga sa Sitio Matampad, Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang biktima na si Dexter Ignen, trenta’y otso anyos at residente ng katabing Sitio ng Lampok, Barangay Malaya, Banga.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na habang naglalakad papunta sa kanyang sakahan, ang biktima ay binaril sa likod ng suspek na si Oton Tanon.
Nang matumba ang biktima, isa umanong Teng Tanon ang kumuha sa itak na nakasukbit sa kanyang bewang at pinagtataga ito sa tiyan at leeg na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Narekober ng mga pulis mula sa crime scene ang isang bala , isang basyo ng 12 gauge shot gun,at isang bala ng 357 revolver.
Ang dalawang mga suspek na tumakas matapos gawin ang krimen ay pinaghahanap pa ng mga pulis.
Inaalam pa ng Surallah PNP ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima. Local...Pagbibigay ng balanse at mga balitang dumaan sa masusing talakayan.
Ito ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel ang mahalagang papel na ginagampanan ng Radyo Bida 963 sa pagunlad ng lungsod.
Inihayag ni Miguel na ipinagpasalamat nito ang pagtatag ng Radyo Bida sa Koronadal dahil sa balance reporting nito at pagbibigay ng mas malawak na perspektibo sa mga isyu ng lipunan.
Ayon sa alkalde, naging instrumento rin ang radyo bida hindi lamang sa pagbibigay ng entertainment kungdi maging ng edukasyon sa mga mamamayan ng Koronadal City.
Ito ang ipinahayag ni Miguel kaugnay naman sa unang anibersaryo ng pagkakatag ng Radyo Bida 963 kahapon.Matatandaan na kasabay ng blessing ng himpilan noong nakaraang taon, hinamon ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo OMI ang Radyo Bida, na patuloy na makibaka sa katotohanan ,integridad at maging instrumento ng kapayapaan.
Ang hamon na ito ni Cardinal Quevedo ayon naman kay Radyo Bida Koronadal Station Manager May Pinol ay matapang naman na hinarap ng himpilan.
Sa katunayan ayon kay Pinol sa pagsahimpapawi nito sa nakalipas na isang taon, ang radyo bida Koronadal ay sumusulong sa kapayapaan, at pagbibigay ng boses sa mga mamamayan sa mga isyung makaapekto sa kanila.
Hangad naman ni Father Jonathan Domingo OMI ang Chief Executive Officer ng NDBC ang patuloy pagiging instrumento ng paghahatid ng magandang balita sa publiko ng himpilan.
Local...Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng militar sa panunuog ng apat na mga heavy equipment na ginagamit sa road construction project sa Sitio Lamsuguing, Barangay Lamfugon Lake Sebu, South Cotabato
Ayon kay Alcudia maaring responsable sa karahasan ang hindi bababa sa pitong myembro ng armadong grupo.
Inihayag ni Alcudia na may isang platon kasi ng Front 73 ng New Peoples Army ang nag-kukuta sa lugar.
Inihayag ni Alcudia na extortion o pangingikil at takot na malawan ng recruit ang posibleng nagtulak sa mga rebelde na sunugin ang mga heavy equipment kamakalawa ng gabi.
Paliwanag ng army official, kapag natapos na kasi ang daan na mag-uugnay sa Lamfugun at Barangay NED magkakaroon na ng access sa mga basic services ng gobyerno ang mga Indegenous People Communities sa lugar.
Inihayag ni Alcudia na dahil sa pagnanais ng mga ito na umunlad ang kanilang lugar, nag-bolontaryo ang mga sibilyan doon na bantayan ang road construction project.
Kaya lamang ayon kay Alcudia, hindi nakayanan ng mga ito ang mga matataas na kalibre ng baril ng rebeldeng grupo na sumalakay sa kanila.
Nilinaw din ni Alcudia na ang pagkasawi ng dalawang mga gwardiya sa katabing barangay ng NED ay inaalam pa ng militar kung may kaugnayan sa panunog ng mga heavy equipment.
Nauna nang kinumpirma ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan na ang sinunog na mga ekwipo ay pagaari ng Gemma Construction Supply
Local...Timbok sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang isa katao sa Koronadal City.
Kinilala ni Glorio Sandig, ang Action Officer ng City Anti Drug Abuse Council o CADAC ang suspek na si Nicolas Silda, alyas Nicole”.
Ayon kay Sandig, si Silda ay naaresto sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Purok Murillo, Barangay Santa Cruz kahapon.
Ang naarestong suspected drug pusher ayon kay Sandig ay pangdalawa sa drug watchlist ng mga pulis sa Koronadal City.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerousn Drugs Act laban kay Silda na nakakulong na ngayono sa City PNP lock up cell. Local... Pagdating sa implementasyon ng Senior High School, wala raw dapat ikabahala ang mga taga-Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ni Kidapawan City Schools Division Superintendent Dr. Kahar Macasayon sa panayam sa kanya ng RADYO BIDA.Ayon kay Macasayon sa kasalukuyan, sampung mga Secondary Schools na sa Kidapawan City Division ang nakahanda ng magbukas ng senior high school sa para sa susunod na school year.Sa katunayan aniya, nag-umpisa ng magpatayo ang ilang mga paaralan ng mga dagdag na classroom sa lungsod.Naniniwala kasi si Macasayon na sa pamamgitan ng K to 12 ay mas lalo pang mapaangat ang kaalaman ng mga mag-aaral. Tanging ang Pilipinas nalang umano ang bansa sa asya na hindi nagpapatupad ng dagdag na dalawang taon sa sekondarya.Paraan rin ito para mas lalo pang maiingat ang mga kakayahan ng mga mag-aaral upang maihanda ito sa kanyang napiling larangan at maipagmalaki ito sa ibang bansa. Panawagan ngayon ni Macasayon ang lubos na suporta ng mga magulang, studyante at mga guro sa Kidapawan city na suportahan ang k to 12 program ng Department of Education upang mapatupad ito ng matagumpay.VC- MACASAYONSi Kidpawan City Division Supt. Dr. Kahar Macasayon Local...Patay ang anim katao matapos magka-enkwentro ang dalawang grupo sa pagitan ng mga magsasakang Kristyano at Muslim Sitio Saban, Barangay Maybula, Tulunan, North Cotabato kahapon ng umaga.Kinilala ni Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang tatlo sa mga nasawing biktima na sina Renato Tadiaque, Anthony Camiring, kapwa taga Barangay Maybula, Tulunan at isang Loloy Lumacad ng Barangay Kanebong Tulunan na parehong mga magsasaka.Habang kinilala naman ang mga Morong magsasaka na nasawi na sina Borhan Nanding, Polis Kapya at Pasigan Mataz. agad namang dinala sa Tulunan Municipal Police Station.Sinabi naman ni Senior Superintendent Alexander Tagum, provincial director ng Cotabato Police Provincial Office, lunes pa nagsimula ang enkwentro ng dalawang grupo matapos umanong pasukin ng mga armadong moro ang isang lugar na tinitirhan ng mga Illongo at Blaan na tribu.Dito umano tinangay ng dalawang mga menor de edad ang kalabaw na pagmamay-ari ng isang magsasakang kinilalang si Fernandez.Binawi naman ito ni Fernandez at habang pauwi na ito ay dito na xa pinagbabaril ng mga armadong Muslim na taga Columbio, Sultan Kudarat pero maswerte itong nakaligtas at nakahingi ng saklolo sa mga grupo ng Illongo.Umabot naman sa dalawang oras ang naging bakbakan ng dalawang grupo.Samantala kahapon alas syete ng umaga ay sumiklab ulit ang bakbakan matapos atakehin ng mga Moro ang brgy. Maybula.Tatlong mga magsasakang ilonggo ang dead on the spot at tatlo rin sa kabilang grupo.
Nabatid na pareho umanong inaangkin ng dalawang grupo ang lupa sa nabanggit na lugar.Sa ngayon ay tinutugis na ng PNP ang mga suspek na umano tinatayang nasa 30 armado na umatras matapos ang ilang oras na bakbakan.Higit dalawang daang indibidwal na may 64 pamilya ang lumikas dahil sa takot na madamay sa naturang insidente. Local...Ngayong Holiday season, pinag-iingat ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang publiko laban sa paglipana na naman ng pekeng pera sa lungsod.Ito ang paalala ng alkalde matapos makarating sa kanyang tanggapan ang reklamo ng ilang mamamayan na nabiktima ng pekeng pera lalo na sa Mega Market.Sinabi ni Evangelista na dapat suriing mabuti ng mga negosyante ang mga perang ibinabayad sa kanila.Kaugnay nito, nagpalabas na ng deriktiba si Evangelista sa Civil Service Unit o CSU at PNP na agad na arestuhin kung sino mang mahuhuli na nagpapakalat ng pekeng pera.Malimit kasing nangyayari ang panloloko gamit ang pekeng pera tuwing dapit hapon kung saan ay nagsisimula ng dumilim.Bunga nito ay pinapayuhan ang lahat ng nagtitinda na mas mainam magkaroon ng fake money detector ng sa gayun ay maiiwasang mabiktima ng pekeng pera.Ito ay isa lamang sa mga modus operandi ng mga manloloko dala na rin sa dagsa na bilang ng taong namimili sa mga tindahan sa panahon ng Kapaskuhan.Una na ring nagbabala ang PNP sa modus operandi ng mga SALISI GANG at BESFREN GANG na pagala-gala ngayon sa Kidapwan City. Local...Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Magpet Road, Sitio Pinantao, brgy. Sudapin Kidapawan sa harapan mismo ng outpost sa lugar pasado alas dos ng madaling araw kanina.Kinilala ang biktima na si Ritchie Porras, 39-anyos na taga Purok 5, brgy. Lanao Kidapawan.Ayon sa report ng City PNP sakay ang biktima sa isang motorsiklo kung saan napagitnaan ito ng driver at angkas na suspek at dito na siya pinagbabaril ng ikalawang beses.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang leeg at mukha gamit ang calibre 45 na baril base na rin sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa naturang pamamaril habang nangangalap pa sila ng dagdag na impormasyon para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. Local...LABINGWALONG taon nang ginagawa ng pamilya ni Engr. Exequiel Vega sa bayan ng Makilala ang paglalagay ng mga makukulay na Christmas lights sa kanyang bahay maging sa mga hardin nito.Kaya ang bahay nito ang naging atraksiyon ngayon tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre sa lugar.Kuwento pa ni Engr. Vega sa Radyo Bida, matapos siyang mag retire sa pag-aabroad naisipan niyang maglagay ng mga makukulay na mga palamuting pampasko sa kanyang bahay.Kung noong una ay dekorasyon lang ito, naging tila panata na daw niya ang paglalagay nito taon taon.Umaabot lang naman sa 2, 500 na mga ilaw at nasa 10, 000 mga led at Chritsmas lights ang naka-palibot ngayon sa kanilang bahay.Kaya maraming mga residente ng Makilala maging sa kalapit bayan ang dumarayo para mapanood ang natatanging Christmas display.Sakripisyo na rin nga daw itong maituturing dahil ang kanyang electric bills tuwing Disyembre, umaabot sa P25,000.Gayunman, hindi naman daw ito natutumbasan ng salapi ang kasiyahang naibibigay ng kanilang pamilya sa mga taong dumarayo para mapanood ang kanilang display.Samantala, mga higanteng parol naman ang ibinida ng LGU Makilala.Gawa sa mga recyclable materials ang mga parol na nilagyan ng mga makukulay na Christmas lights.Bukas ang Christmas display sa harap ng munisipyo mula alas 6 hanggang 10 ng gabi. Local...Agad na nagpulong ang lokal na pamahalaan ng Matalam at Cotabato Police Provincial Office o CPPO matapos ang magkasunod na grenade throwing incident sa Matalam, North Cotabato.Sinabi ni Chief Ins. Sonny Leoncito, hepe ng Matalam PNP napagkasunduan sa naturang meeting kahapon na magtatayo sila ng isang POLICE OUTPOST sa Round Ball area ng bayan.Layunin nito na maiwasan ang anumang kriminiladad na maitatala sa bayan. Ito ang ibinunyag ni Cotabato Police Provincial Office Director Sr. Supt. Alexander Tagum na suportado naman ni Matalam Mayor Oscar Valdivieso lalo na’t papalapit na ang Municipal Anniversary ng bayan.Samantala, itinuturing naman ni Chief Ins. Leoncito na isolated case ang dalawang magkasunod na panghahagis ng granada sa bayan at hindi terorismo.Ito matapos na lumabas sa kanilang imbestigasyon na parehong personal na motibo ang dahilan ng mga insidente.Una rito noong biyernes ng gabi ay lima ang naging sugatan sa panghahagis ng granada kung saan awayan sa lupa ang motibo nito na kinasasangkutan naman ng isang tricycle driver na siyang target sa krimen.Habang personal na alitan naman sa dalawang grupo ang motibo sa pinakabagong grenade throwing nitong lunes ng gabi na ikinasugat ng tatlo katao.Sa ngayon mas hinigpitan pa ng Matalam PNP ang kanilang ipinapatupad na security measures sa buong bayan ng Matalam.NDBC BIDA BALITA

Peaceful BARMM plebiscite beckons hope for new citizens of BARMM

COTABATO CITY  – The voters in 63 villages in North Cotabato on Saturday ratified the creation of eight new municipalities in the Bangsamoro...

4 MILF slain in MagSur ambush triggered by 'rido'

PATAY ANG APAT na miembro ng MILF sa isang ambush na pinaniniwalaang dahil sa rido sa Barangay Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kahapon....

NDBC BIDA BALITA (April 15, 2024)

HEADLINES 1   PLEBISITO sa BARMM Special Geograpic Area, tahimik, mapayapa, at maayos, ayon sa Comelec; YES vote panalo 2 ...

MOLE orders employers to protect workers from heat stress

COTABATO CITY - The Bangsamoro labor ministry has ordered owners of private establishments in the autonomous region to protect workers from...

SGA okays 8 new towns, MP Antao describes plebiscite as culmination of Bangsamoro aspirations

COTABATO CITY - A Moro enclave that became an official part of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) through a plebiscite in...