Tuesday Jun, 18 2024 04:22:45 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 25, 2016

 • 17:03 PM Thu Feb 25, 2016
1,746
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 25, 2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPENDED MAYOR BENITO ng Balabagan,
Lanao del sur hinarang matapos magtangkang pumasok sa kanyang munisipyo

2. Dating DSWD Office at ngayon ang
Stock Room ng Cotabato Provincial Government, nasunog

3. South Cotabato 1st district
representative Pedro Acharon Jr, sinuspinde ng Sandiganbayan.

4. DXMS serbisyo sa bayan kaugnay ng anniversary nito, gagawin ngayon sa DXMS-AM studio MAGLULUNSAD
ngayong araw ng medical at dental mission ang DXMS AM – RADYO BIDA ng Notre
Dame Broadcasting Corporation sa Cotabato City.

Ito ay bahagi
ng mga aktibidad kaugnay ng ika-59 na anibersaryo ng himpilan.

Magiging
katuwang ng DXMS AM Radyo Bida ang People’s Medical team ng Maguindanao
provincial government na boluntaryong nag-alok ng kanilang serbisyo sa
pangunguna ni Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.

Magbibigay
rin ng libreng anti rabies vaccine para sa mga alagang hayop ang Cotabato City
Veterinary Office na bahagi pa rin ng BIDA FIESTA”.

Mayroon ding
libreng immunization para sa mga lolo at lola.

Magtungo lang
sa DXMS AM – RADYO BIDA stations, mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng
tanghali.

Samantala, sa
hapon, mayroon namang libreng gupit, manicure at pedicure para sa mga nanay at
tatay.

Sa gabi ay
magkakaroon din ng videoke singing contest, at ang lahat ng mga karaoke singer
ay maaaring sumali para sa pagkakataong manalo ng cash prize at gift packs.

Ang DXMS AM -
RADYO BIDA, 59 na... tuloy sa pagbibigay serbisyo at saya!

Abot sa limang milyong piso ang tinatayang danyos matapos masunog ang stock room o carpentry ng Cotabato Provincial Government sa Capitol Compound, Amas Kidapawan City pasado alas syete kagabi.Sinabi ni Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan head Fire Sr. Ins Noa Pacalda kasama sa mga nasunog ang tatlong mga sasakyan na nakaparada naman sa motorpool area katabi ng naturang stock room.Maliban dito lahat naman ng laman ng naturang kwarto ay naabo kagaya ng mga sirang computer, mga papel, upuan at iba pang mga gamit.Umabot naman sa ikatatlong alarma ang naturang sunog dahil mabilis na kumakalat ang apoy.Gawa kasi sa light materials ang bahagi ng naturang building.Ayon kay Pacalda nagsimula sa Tool room ng naturang building ang sunog kung saan naman nakalagay ang 20 taon gulang ng mga kable at linya ng kuryente.Agad namang rumesponde ang lahat ng mga BFP stations sa lalawigan para apulahin ang apoy.Higit 30 minuto naman ang nakalipas bagng ideklarang fire-out ang sunog.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ang naturang insidente. KINUMPIRMA ni dating Municipal
Administrator na si Dr. Jack Ugka na kasalukuyang suspendido si Balabagan Lanao
del sur Municipal Mayor Zaipal Benito.

Ito ay dahil sa inihaing reklamo ng ABC
president ng munisipyo na si Nasser Disalungan hindi umano pumapasok sa sesyon
ng lokal na pamahalaan ang Alkalde.

Giit naman ni Balababan Acting
Municipal Administrator Kasan Inog na hindi sila ang nagutos sa pagsuspinde sa
alkalde kundi mismo ang Ombudsman ang naglabas ng kautusan.

Dahil dito, hindi pahihintulutan ng
Munisipyo ng Balabagan, Lanao del sur na makapasok sa kanilang opisina si
Suspended Mayor Benito.

Ayon kay Inog, mismo si Sultan Quirino
Sampiano ang Office in charge ng bayan, ang nagutos na harangin ang pagpasok ni
Mayor Benito dahil sa kadudadudang mga pirma sa temporary restraining order na
ipinakita sa kanila mula sa Cagayan de Oro City.

Ipinaliwanag naman ni Inog ang dahilan
ng paghain ng petisyon ni ABC President Dasilungan na sinasabing hindi umano
kumikilala sa pagka alkalde ni Benito.

Giit naman ni Balababan Acting
Municipal Administrator Kasan Inog na mahigpit rin nilang iniimplimenta ang
Comelec Gun ban kung kaya't walang involved na armas sa naturang tensyon sa kanilang
munisipyo.

Ilang insidente lamang umano ng harrasment mula sa mga
supporters ni Mayor Benito ang ginagawa sa kanila ISASAGAWA ngayong araw
ang isang malawakang kilos protesta na inaasahang dadaluhan ng libo libong mga
residente ng Central Mindanao.

Nagsimula ito alas-7 ng
umaga hanggang alas-12 mamayang tanghali.

Ayon kay United Tri
People Secretary General Hamsa Abdullah, layunin ng nasabing peace rally ma
iapela sa mga matataas na pinuno ng bansa ang problemang idudulot ng tuluyang
pagkakabasura ng Bangsamoro Basic Law o BBL na bunga ng ilang taong negosasyon
ng Gobyerno at MILF.

Hindi lamang mga mamamayang
Moro ang inaasahang dadalo sa nasabing malawakang peace rally kundi maging ang
mga mamayang Kristyano at Lumad na apektado rin ng usaping pangkapayapaan sa
Mindanao.

Inihayag ni Hamsa na sa
bawat delegado na dadalo sa naturang rally ay may representateng bibigyan ng
pagkakataon na makapagsalita at makapaghayag ng kanilang mensahe at hinaing.

Nais naman ni Hamsa na
makatulong ang kanilang isasagawang rally sa paglinang ng kaisipan ng bawat
pilipino tungo sa kapayapaan at itigil na ang kaguluhan.

HULI ang
dalawang katao sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa brgy.
sadaan, midsayap north cotabato, pasado alas-10 kagabi.

Kinilala ang
mga naaresto na live-in partner na sina Louie Araneta, 40-anyos, At jean Huan,
38-anyosm pawang mga residente ng Brgy. Sadaan.

Nakuha sa mga
suspek ang limang pakete ng shabu at iba pang drug paraphernalias at marked
money.

Nabatid na
matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang mga suspek.

Inihahanda
naman ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Ito na ang
ika walong kaso ng droga na matagumpay na naaresto ng Midsayap PNP.

Pinatawan ng ombudsman ng animnapung araw na suspension si South Cotabato Ist District representative Pedro Acharon Jr.
Ito ay habang dinidinig pa ng Sandiganbayan 2nd Division ang kanyang kaso.
kinatigan ng Sandiganbayan ang mosyon ng mga prosecutor ng ombudsman na isailalim sa preventive suspension si Acharon.
Sa kanyang FB page, sinabi ni Acharon na welcome sa kanya ang suspension order.Ang suspensionay batay naman inalabas nitong resolution noong Enero a biente otso,
Binalewala naman ng korte ang depensa ni Acharon na bilang congressman wala itong kakayahan na mag-apruba o maglabas ng pondo taliwas naman noong siya ay alkalde pa ng General Santos City.
Di rin pinakinggan ng ombudsman ang depensa ni Acharon na hindi patas sa mga taga South Cotabato na mawalan ng representasyon sa kongreseso kapag siya ay pinatawan ng preventive suspension
Naninidigan naman ng Korte na kahit anong katungkulan sa gobyerno ang hinahawakan ng isang akusado ay pwede itong suspendihin habang dinidinig ang kanyang kaso
Nabatid na inakusahan si Acharon at apat na iba pang opisyal sa paglabag sa Anti graft and Corrupt Practices Act.
Ito ay dahil sa maanumalya umanong paggamit ng P2.5 million pesos na pondo ng pumunta ang mga ito sa tambayayong Festival sa California, USA noong siya ay alkalde pa ng Gensan noong June 2006.
Inatasan naman ng korte si House speaker Feliciano Belmonte na ipatupad ang suspension order.
Saklaw ng first congressional district ng South Cotabato ang mga bayan ng Tampakan, Tupi, Polomolok at General Santos City Wagi sa National Schools Press Conference o NSPC na ginaganap ngayon sa Koronadal City ang ilang mga entry ngrehiyon dose.
Ang mga ito ay pawang kinatawan ng rehiyon sa Group Contest School Paper Category.
Ang pangatlong pwesto sa Pinakamahusay na Lathalain ay napanalunan ng Ang Sentro ng General Santos City SPED Integrated School ng Gensan.
Ang Salinday naman ng Matalam Central Elementary School sa Cotabato Province ay pang apat bilang Pinakamahusay sa Seksyong Editorial.
Habang ang pang walong pwesto naman sa naturang kategorya ay napanalunan ng Hiraya” ng Rotonda Elementary School sa Koronadal City.
Sa Secondary level nakuha naman ng Bukal” ng Kidapawan City National High School ang unang pwesto sa Pinakamahusay na Seksyong Editoryal.
Dumalo naman sa Cultural Presentation ng pamahalaang panlalawigan ang mga NSPC at Dep Ed Officials sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center kagabi.
Nasakihan ng mga ito ang mga pagtatanghal na nagpapakita sa makulay na kultura ng South Cotabato
Umaasa naman si Mervie Seblos ang NSPC 2016 spokesperson ng Deped na patuloy na magiging maayos at maitwasay ang NSPC 2016 hanggang sa pagtatapos nito bukas.
Inaresto ng mga pulis ang dalawa katao matapos mahuling nagdadala ng illegal na droga sa Koronadal City.
Ang mga suspek na sina Romeo Rosales ng Poblacion Polomolok at Boyet Nonoc, ng Tantangan South Cotabato ay nakuhanan ng tatlong malalaking sachet ng suspected shabu.
Nakumpiska din ng mga pulis ang umano’y listahan ng pautang sa illegal na droga ng mga ito.
Ayon kay Senior Police Officer 1 Reynante Santua ng Highway Patrol Group o HPG South Cotabato, ang mga suspek na sakay ng Rusi motorcycle na walang license plate ay nakipaghabulan pa sa mga pulis.
Isinagawa ng pulisiya ang entrapment operation sa dalawang suspected drug pusher sa national highway barangay Morales Koronadal City kahapon ng umaga.
Ayon kay Santua inaalam pa ng pulisiya kung sangkot din sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa South Cotabato at karatig lugar sina Rosales at Nonoc.
Ipinahayag ni Santua na ginagawa na kasing kapalit ng ilang mga drug pusher sa droga ang motorsiklo na ninakaw ng kanilang mga parokyano. 0-0Inaalam pa ng pulisiya kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagiwan ng isang improvised explosive device o IED sa Polomolok, South Cotabato.
Nabatid na ang pagkakatuklas sa pampasabog ay isumbong sa mga pulis ni Rodelen Atimonan, trenta’y nuebe anyos at employado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Polomolok.
Ito ay agad naman nirespondehan ng team ni Polomolok Chief of Police, Superintendent Joedy Lito Guisinga, pasado alas dos ng hapon kamakalawa.
Ang natuklasang IED na may detonating device na cellphone ay gawa sa 60 mm mortar.
Narekober din ng mga pulis sa lugar na pinag-iwanan sa IED ang 9 volts battery at resistor.
Ang pampasabog na inaakala noong una na isa lamang kaduda dudang bagahe ay iniwan sa Pioneeer Avenue, Barangay Poblacion, katabi ng Municipal Plaza ng Polomolok.
Ang IED ay agad namang na-disrupt ng Explosive Ordance Division o EOD team ng PNP South Cotabato, matapos ipagutos ni South Cotabato PNP Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero. Blanko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan sa bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Provincial road, Klinan 6 Polomolok, South Cotabato alas otso y medya ng umaga noong Martes.
Ayon sa Polomolok PNP ang bangkay na natagpuan ay blond ang buhok, nakasuot ng vaiolet na t-shirt, pulang short at tsinelas.
Ito ay may mga tattoo na king sa kanang balikat at yodab” sa alak alakan, may taas na humigit kumulang five feet at nasa dise syete hanggang biente anyos.
Ayon sa Polomolok PNP , ang di pa rin kilalang biktima ay tadtad ng saksak sa katawan.
Ang mga labi nito ay dinala na sa isang punerarya sa Polomolok.
Narekober ng mga pulis katabi ng bangkay ng biktima ang isang kutsilyo na posibleng ginamit ng di kilalang suspek sa krimen.
Samantala patay na rin ng matagpuan ang kwarenta’y otso anyos na si Rodrigo Jamila, security guard ng Social Security System sa General Santos City.
Ang bangkay ni Jamila ay natagpuan ng kasama nitong si Christopher Mungca sa JAMILA Farm sa barangay Kinilis, Polomolok kung saan din ito nagsa-sideline bilang caretaker.
Ang mga labi ni Jamila ay nasa state of decomposition na ng matuklasan dakong alas nuebe y medya ng umaga kamakalawa.
Narekober ng mga pulis sa lugar ang Honda Motrcyle na pagaari ng JAMILA and Company , 45 pistol , anim na bala nito, cellphone, at ilan pang personal na gamit ni Jamila.
Isasailalim pa sa autopsy ang mga labi ni Jamila para matukoy kung ano ang ikinasawi nito. INIREREKLAMO
ng isang barangay kapitan ang commander ng 5th special forces battalion na si
Lt. Col. Ranulfo Sevilla.

Nang
magsagawa ng pagpupulong ang Liga ng Cotabato, nabigla na lamang si Barangay
Tamontaka dos Chairperson Jhoven Pangilan, ng lapitan siya ng isang gwardiya at
sinasabing pinapalibutan ng mga special forces ang kanyang nakaparadang
sasakyan sa likurang bahagi ng City hall.

Ayon sa
kapitan, nang magkaharap sila ni Sevilla ay pinahiya na umano siya nito.

Hindi naman
mabatid ni Kapitan kung bakit ito ginawa sa kanya.

Ikinakatakot
ni kapitan sa posibleng gawin ng SF dahil matapos ang insidente ay kinuhanan pa
umano ng litrato ang kanyang sasakyan at sinundan pa ito hanggang makalabas sa
City hall.

Sinusubukan
naman kunin ng DXMS RADYO BIDA ang panig ni 5th SF Commander Sevilla pero tumanggi
muna itong magkomento bagama’t napakinggan niya ang pakikipanayam kay kapitan
Pangilan. Umakayat na sa anim na raang milyong piso ang danyos ngayon na dulot ng El Niño Phenomenon sa lalawigan ng North Cotabato. Ito ay base sa pinakahuling report mula sa Office of the Provincial Agriculturist.Kaugnay nito nagpapatuloy ngayon ang ginagawang Cloud seeding operation sa lalawigan lalo na sa mga areas na labis na naapektuhan ng nabanggit na kalamidad kagaya ng Alamada, Pigcawayan, Kabacan, Matalam, Aleosan, Mlang, Magpet, Kidapawan City, Pikit, Tulunan at Carmen.Sa kasalukuyan, nakapagsagawa ng limang paglipad ng eroplano na katumbas ang apat na oras na cloud seeding operation na may kabuuan namang 75 bags ng asin na naibudbod sa mga ulap sa himpapawid. Ang mga bayan na kung saan unang nakapagsagawa ng cloud seeding ay sa Mlang, Makilala, Kidapawan City, Pres. Roxas, Antipas, Magpet, Matalam, Carmen at Alamada.Naitala naman ang mga pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Pikit, Midsayap, Aleosan, Makilala, Magpet, Antipas at sa boundary ng Davao del Sur pagkatapos ng sortie o paglipad ng eroplano. Ang cloud seeding operation ay isang mitigation measure Provincial Governemnt katuwang ang Provincial Agriculturist at ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office bilang tugon sa mga apektadong magsasaka at mga pamilya. Itinuturing ngayong Economic Growth Driver ang patuloy na paglago ng turismo sa North Cotabato.Ito ang ipinahayag ni Josephine Abellana ang OIC ng Provincial Affairs Assistance Tourism Development Division o PAATSDD kasabay sa isinagawang provincial tourism Summit kahapon sa Kidapawan City na bahagi naman sa Tourism Code ng Probinsya.Ang naturang summit ay may temang Tourism Industry Catalyst for Economic Growth and Development.Ayon kay Abellana pinalalakas pa ngayon ng Provincial Tourism Office ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders lalo na sa mga micro medium and small enterprises para hikayatin na palaguin ang kanilang mga negosyo para mas maka-engganyo pa ng mga turista.Sa katunayan umabot sa 635,019 tourist ang nakabisita sa North Cotabato noong nakaraang taon lamang sa ibat ibang tourist attraction sa probinsiya.Sa summit kahapon inimbitahan rin ang mga Tourism representative ng lahat ng munisipyu ng lalawigan, brgy. Officials kung saan mas nakilala at matatagpuan ang mga una nang pinangalanang tourist destination sa lalawigan kagaya ng Asik, Asik Falls sa Alamada, Lake Agco sa Kidapawan City at Eco-Adventure Park sa New Israel, Makilala.Sa usaping seguridad naman inaayos na umano nila ngayon ang pagbuo ng tourism police na siya namang tututok sa kaligtasan ng mga turista at bisita na dadagsa sa lalawigan.Ito ay bubuuin naman ng mga pulis, sundalo, BFP personnel, Disaster Risk Reduction and Mangement Council at Local Officials.Samantala sa mensahe naman ni Department of Industry o DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo, makakaasa din ang mga stakeholders at mga tourism official ng suporta at tulong lalo na mga gamit at sa finances nila. Sinimulan na ng isang gasoline station sa Alim street sa Kidapawan City ang pagsasaayus sa kanilang concrete pavement sa kanilang tangke para sa gagawing LEAK-TEST, isang araw bago maospital ang isang buwang sanggol sa lugar.Ayon sa isang residente sa lugar na kinilalang si Dodong, ang masamang amoy raw ng gasolina ang naging dahilan sa pagkakaospital ng kanyang anak matapos itong mahirapang huminga.Ang kanilang bahay ay matatagpuan naman ilang metro lamang mula sa kanal kung saan dumadaloy ang tagas ng gasolina tatlong buwan na ang nakararaan.Nakaperwisyu naman ito ng higit 30 pamilya Canapia Subdivision, Poblacion, Kidapawan.Matagal na rin itong idinadaing ng mga residente pero binalewala lamang raw ng management dahilan para humingi na ng saklolo sa City Government.Sinabi naman ni City Public Safety officer Psalmer Bernalte, agad nilang tinungo ang naturang gasoline station at binigyan ng ultimatum para makaiwas sa mga malaking problema kagaya ng pagkasunog, pagkasira sa water ways at sakit ng mga residente.Nagbigay naman ang managment ng garantiya na isailalim sa nila sa LEAK-test ang kanilang gasoline tank para maayos na ang leakage.Posible namang ipapasara ang naturang gasolinahan sakaling hindi nila agad masolusyunan ang problema ng mga residente sa lugar.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...