Tuesday Nov, 29 2022 06:35:07 AM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 11, 2021)

NDBC BALITA • 10:00 AM Mon Jan 11, 2021
841
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  Christine Dacera, inihatid na sa kanyang huling hantungan, hustisya hiling ng pamilya.

2.  Psychology expert, may payo sa mga magulang at mga anak kasunod ng kaso ng pagkamatay ni flight attendant Christine Dacera 

3.  3-month old baby, nasawi sa Region 12 dahil sa Covid-19

4.  BARMM, may bagong labing siyam na kaso ng Covid

5.  Fish kill, naganap na naman sa Lake Sebu, South Cotabato (HEDALINE GANDAM)

6.  Isa pang kongresista, nagpositibo sa Covid-19

 

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

Local………………..

INIHATID NA SA KANYANG HULING hantungan kahapon si Christine Dacera, ang flight stewardess na posibleng pinagsamantalahan at namatay habang nagpaparty noong New Year saisang hotel sa Makati City.

Siya ay inilibing sa isang pribadong libingan sa Gen. Santos City kung saan dumalo ang mahigit 100 kataong kapamilya, kaibigan at ka-=klase.

Tinawag ni Sharon Dacera na  “celebration of Christine’s life” ang kanyang libing sa Forest Lake Memorial Park in Barangay Apopong.

Hiling ni Sharon sa lahat na tulungan silang ipanalangin ang kaluluwan ni Christine at nang makamit nila ang hustisya.

Nangako siyang di titigil hanggat di napaparusahan ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng kanyang anak.

Ang 23 taong gulang na si Chrsitina ay natagpuang wala nang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati kung saan sila nagparty-party noong New Year’s Eve.

“Ruptured aortic aneurysm” ang sinasabing dahilan ng pagkamatay nito.

-0-

Pumalo na sa 3,908 ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease sa SOCCSKSARGEN region.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 48 na panibagong kaso ng sakit sa Rehiyon.

Tatlumpu sa mga ito ay taga Sultan Kudarat, siyam North Cotabato, walo General Santos City at isa sa Sarangani.

Samantala, sa huling case bulletin ng DOH-12, umakyat na sa 3,422 ang kabuoang bilang ng gumaling sa coronavirus disease sa Region 12, matapos nakapagtala ng 19 na pasyenteng gumaling mula sa sakit.

Sa 19 na gumaling, walo ang mula sa General Santos City, 7 North Cotabato at 4 sa Sultan Kudarat. Nasa 343 naman ang mga aktibong kaso. Nasawi naman kahapon ang isang 67 anyos na babae na taga Koronadal City. Sa ngayon, abot na sa 142 ang death toll sa rehiyon.

-0-

Local………………..

Samantala, nilinaw ng DOH-12 na merong typo error sa kanilang Jan. 9 bulletin kung saan naitala ang pagkasawi ng isang bata sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa DOH-12 erratum, ang nasawi sa Midsayap dahil sa Covid-19 complications ay hindi lalaking 3 taong gulang gulang kundi batang lalaki na tatlong buwan pa lang.

-0-

LOCAL

Sa BARMM, 19 na panibagong kaso ng COVID 19 ang naitala ng Ministry of Health.

Dahil dito sumampa na sa 3,665 ang total Coronavirus Infection sa Rehiyon.

Sampu sa mga bagong kaso ay taga Lanao del Sur at Marawi City, pito sa Maguindanao at dalawa sa Cotabato City

Naitala rin ng MOH ang 15 pasyenteng gumaling na mula sa sakit, kung kaya't sumampa na sa 3,410 ang total recovered patients sa Rehiyon.

Nasa 118 naman ang active cases habang nanatili 137 ang death toll ng covid 19 rehiyon.

-0-

Local………………..

SIMULA JAN. 17, 2021, araw ng linggo, may biyahe na uli ang Philippine Airlines mula Maynila patungong Awang Airport.

Ito ay makaraang bigyan ng exemptions ng Cotabato City local government units ang mag pasahero na taga lungsod kapag linggo kung saan ipinatutupad ang No Movement Sunday.

Ang mga pasahero na aalis ng Cotabato City patungong Maynila at yaong mga mula Maynila papasok ng lungsod ay maaring magpakita lamang ng PAL ticket, health certificate at travel pass sa mga border checkpoints kapag lalabas patungong airport o papasok ng llungsod mula paliparan.

-0-

Local………………..

ISINUKO NG MGA local officials ng Talitay, Maguindanao ang walong mga armas bilang bahagi ng kanilang suporta sa disarmament campaign ng AFP sa lalawigan.

Sinabi ni 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Juvemax Uy sa isang pahayag na ang walong mga highpowered firearms ay isinuko ng mga opisyal sa pangunguna ni Talitay Mayor Montasir Sabal

Ang mga armas ay isinuko kay Lt. Colonel Omar Orozco, commander ng 2nd Mechanize Infantry Battalion.

 

Kabilang dito ang isang 60-mm mortar; isang Colt AR M-16 rifle; dalawang home-made 12 gauge shotguns; dalaang sniper firlfes, isang Garand rifle; isang locally-made caliber .38 revolver; at isang modified M16 rifle.

Ayon kay Sabal, ang mga baril ay isinuko ng mga sibilyan sa mga local official ng Talitay.

 

-0-

LOCal....

INAASAHANG LALO PANG mapapabilis ang construction ng mga pamblikong proyekto sa Tacurong City kasunod ng pagdating ng mga bagong construction heavy equipment sa lungsod.

Katunayan, na-bendesyunan na ni Fr. Allen Polaron, DCC ang mga kagamitan na ito, ayon kay Tacurong City Mayor Angelo O. Montilla.

Ang mga bagong equipment ay kinabibilangan ng dalawang dump trucks, isang cement mixer at isang road roller.

 

-0-

LOCAL...

Nagpapaalala nanaman si Kidapawan City Veterinarian Doctor Eugene Gornez sa mga mamamayab na mag-ingat at maging vigilante upang hindi na madadagdagan pa ang mga naiulat na kaso ng African Swine Fever o ASF sa lungsod.

Dapat din anyang huwag bumili ng mga produkto na walang identity for public consumption o anumang pork meat products. Dagdag pa niya sa mga hog raiser, huwag pakainin ng mga left overs sa kanilang mga alagang baboy para makaiwas sa sakit.

Samantala, tiniyak naman ni Gornez na ligtas sa ASF ang ang mga ibinebentang karne sa Mega Market o lahat ng mga produkto na mula sa slaughter house dahil dumaan ito sa meat inspection.

-0-

LOCAL...

“Be responsible with your actions” Ito ang payo sa mga kabataan ni Aida Labina, isang psychology expert na taga Kidapawan City.

Ginawa nito ang pahayag matapos maiulat ang kaso ng umano’y pagpatay at panggagahasa sa dalaga na si Christina Dacera na taga General Santos City kamakailan. Ayon kay Labina, may malaki at may mahalagang papel ang bawat magulang sa kanilang mga anak.

Dapat ding alam ng magulang ang lakad ng anak lalo na kapag dis oras na ng gabi ay hindi pa ito nakakauwi. Sa mga kabataan naman anya, dapat lamang maging responsible sa mga kinikilos. Samantala, matatawag na rape ang isang pangyayari kapag walang kakayahan o walang kapasidad na magdesisyon ang isang indibidwal.

Hindi din anya basehan ang pagsusuot ng “sexy” na mga damit ng mga babae para gahasain na ng lalaki.

Dagdag pa niya, sa kaugaliang Pilipino, hindi magandang tingnan na ang isang babae ay sumasamang umiinom ng alak sa mga lalaki lalo't hindi kaanak o maging kamag-anak .Tayo ay kumikilos ayon sa tanggap ng lipunan.

Gayunpaman, ang lasing na babae ay dapat igalang at protektahan. Nabatid na tuluyan ng hinatid na sa kanyang huling hantungan ang dalaga kahapon kung saan napuno ng pagdadalamhati ang kanyang huling burol mula sa kanyang mga kaibigan, kapamilya at iba pang kalapit na kakilala ng dalaga.

-0-

Binigyang linaw ni Doctor Gerardo Rigonan ang Presidente ng Makilala Institute of Science and Technology sa panayam ng Radyo BIDA ang pagkabalam ng pamamahagi ng cash grant mula sa Commission on Higher Education o CHED sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy program na nagkakahalaga ng 20 thousand pesos bawat semester sa mga benepisyrayo nito. S

inabi ni Rigonan na ipinamahagi na sila noong buwan ng Agosto at Setyembre sa 216 student grantees mula sa 231 total grantees para sa unang semester, subalit naantala ito dahil sa COVID 19 protocols, kung saan apektado ito sa ipinagbabawal sa mga 18 years old below ang pagbyahe noong kasagsagan ng Enhanced Community quarantine sa probinsya.

Hinikayat naman ni Rigonan ang mga estudyanteng hindi pa nakakakuha ng kanilang benepisyo na magtungo lang sa kanilang tanggapan ngayong hindi na mahigpit ang community quarantine at habang hindi pa nila naibabalik ang hindi nakuha na cash subsidy sa tanggapan ng CHED.

Samantala, aasahan naman ang pangalawang bahagi ng subsidy para sa pangalawang semester na nagkakahalaga din ng 20 thousand pesos na maaari ng makuha sa mga susunod na linggo.

-0-

LOCAL...

Mayroong labintatlong bagong kaso ng COVID- 19 infections sa North Cotabato kahapon batay sa latest report ng DOH nitong weekend.

Sa nasabing bilang nitong sabado, dalawa ang mula sa Kidpawan City, tig isa sa Makilala at Mlang habang kahapon naman ay lima ang mula sa Kidapawan City, dalawa sa libungan, tig isa sa Makilala at Midsayap.

Dahil dito, nasa pitongput isa na ang kumpirmadong active cases ng sakit sa buong probinsya. Nakapagtala naman ng COVID related death ang probinsya nitong sabado. Isa na rito ang 62 years old na senior citizen na taga Kidapawan City. Habang binawian din ng buhay ang COVID positive na 3month old baby boy na taga Midsayap.

Tiniyak din ng IATF na nasunod ang protocols ng DOH sa mga labi ng pasyente upang hindi na makahawa pa sa iba. Samantala, nasa pito naman ang panibagong nakarekober sa sakit sa probinsya kahapon.

-0-

LOCAL...

Dead on arrival sa pagamutan ang isang bente anyos na binate matapos pagbabarilin ng di pa kilalang mga salarin umaga nitong Sabado sa Sitio Marang, Prk 7A, Brgy Poblacion, Antipas, Cotabato.

Kinilala ni Antipas PNP Chief Police Captain John Minidel Calinga ang nasawi na si Wilmer Velita Octiva alyas Jhon2x, single, walang trabaho, na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng PNP, kakababa lamang ng biktima sa minamaneho nitong motorsiklo sa tapat kanyang bahay nang lapitan ng di pa tukoy na mga salarin at biglang pinagbabaril gamit ang kalibre 45 pistola batay sa narekober na tatlong fired cartridge case at fired bullet sa crime scene.

Sa ulo at likod ang tama ng binata na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Sinubukan pa itong dalhin sa ospital pero di na umabot pa ng buhay. Agad namang tumakas ang mga suspek patungog Brgy. Bangbang, Matalam, Cotabato. Ayon sa ulat ng PNP, ang nasabing binata ay dati na ring nakulong dahil sa kasong paglabang sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act pero nakalabas sa pamamagitan ng plea bargaining. Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa naturang insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

LOCAL...

Inaalam na ng Municipal Agriculture Office kung ilang mga fish cage operator ang apektado ng pinakahuling insidente ng fish kill sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ipinahayag ito sa Radyo Bida ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam. Layon nito ayon kay Gandam na matukoy ang kaukulang tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong mamamayan. Paliwanag ni Gandam ang fish kill ay maaring naging sanhi ng kamahong.

Ito ay madalas nangyayari tuwing tagulan na naging dahilan din ng pagtaas ng sulfuric acid at nagpapababa ng supply ng oxygen sa lawa na nagresulta naman sa pagkamatay ng maraming isda. Sa kabila nito tiniyak naman ni Gandam na ligtas pa ring kainin ang mga isda galing ng Lake Sebu. Base sa inisyal na assessment ng Lake Sebu LGU apektado ng fish kill ang mga barangay ng Bacdulong, Tacunel at Poblacion.

Ang Lake Sebu ay supplier ng tilapia sa South Cotabato at karatig lalawigan ng Sultan Kudarat.

-0-

LOCAL...

Inindorso ng City Inter-Agency Taskforce o IATF for Emerging and Re-emerging Infectious Diseases ang 200 million pesos na pondo kontra COVID-19 ng lokal na pamahalaan ng General Santos City.

Ito ay ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera. Ayon kay Rivera, sa ngayon ay naghahanap pa na posibleng mga supplier ng COVID-19 vaccine na maaring aprubahan ng Food and Drug Administration o FDA ang Gensan LGU.

Binigyan diin ng alkalde na gagamitin lamang nila ang mga bakuna na pahihintulutan ng pamahalaan. Sinabi ng alkalde na ang pondo ay kukunin ng lokal na pamahalaan ng Gensan sa trust fund ng kanilang local disaster risk reduction and management office.

Inilaan din ng LGU ang ten million pesos sa nasabing pondo para sa storage facilities ng bakuna. Ipinaliwanag ni Rivera na nais lamang matiyak ng lokal na pamahalaan na magkakaroon sila ng bakuna kaya sila bumili nito.

Ito ay kahit na tiniyak na ni National Policy Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kalakip ang Gensan sa mga pilot areas sa COVID-19 vaccination.

Dinagdag din ng alkalde na pinagaaralan na ng CIATF kung papaano ipatutupad ang libreng COVID-19 vaccination sa Gensan.

-0-

LOCAL...

Barangay kagawad sugatan sa pananaga ng nag-amok na suspek sa Lake Sebu, South Cotabato

Nagpapagaling pa ng mga sugat ng pananaga na natamo nito ang isang barangay Kagawad sa Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ng Lake Sebu PNP na pinamumunuan ni Police Major Johnny Rick Medel ang biktima na si Lamfugon barangay kagawad Danny Timpal Banday, 45 years old. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na si Banday ay pinagtataga ng suspek na si Agustin Menson nasa hustong gulang.

Ito ay habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa kanilang lugar. Ang biktimang si Banday ay nagtamo ng sugat ng pananaga sa kanyang tiyan at ulo. Sinubukan pang tulungan ng mga concerned citizen at barangay tanod si Banday ngunit maging sila man ay tinangka ding tagain ng nag-amok na si Menson na may problema umano sa pagiisip.

Para kumalma ang suspek na si Menson siya ay binaril sa kanang paa ng Chief Tanod na si Dadek Yudok. Ang biktimang si Barangay kagawad na si Banday at tumaga umano sa kanyang si Menson ay dinala sa Lake Sebu Municipal Hospital. Ang itak na ginamit ng suspek sa krimen ay ikinustodya ng Lake Sebu PNP. -

-0-

LOAL...

Tinawag din ni fake news ni Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Arlan Mangelen ang report ng TV Patrol ng ABS CBN na apektado ang African Swine Fever o ASF ang South Cotabato.

Binigyan diin ni Mangelen na hindi binanggit sa source ng nasabing TV station na si Samahang Industriya ng Agrikultura o Sinag Chairman Rosendo So na nakontamina na rin ng ASF ang lalawigan. Nilinaw ni Mangelen na base sa report ng Bureau of Animal Industry o BAI ng DA noong December 21, nanatiling ASF-Free ang South Cotabato.

Ginagawa rin ng mga otoridad ayon kay Mangelen ang lahat para hindi makapasok sa lalawigan ang ASF. Ang buong South Cotabato ay nasa ilalim ngayon ng “dark green” zone o kabilang sa mga lugar na nananatiling ligtas sa ASF. Pero limang mga bayan sa North Cotabato at isa sa Sarangani Province ang infected ng ASF at nasa “red zone.”

Dinagdag din nito na tuloy din ang pamimigay ng livestock program and regulatory division ng DA ng disinfectants, vacutainers o blood collection tubes, personal protective equipment at iba pang supply sa mga LGU. Ito ay upang makatulong sa surveillance at paglaban sa ASF. Nauna nang ipinahayag ni South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot na DA lamang ang makapagdeklara na apektado ng ASF ang isang lugar.

-0-

LOCAL..

Nakakuha ng 93.22 percent sa Unit Performance Evaluation Rating o UPER ang South Cotabato PNP na pinakamataas sa buong rehiyon noong Disyembre.

Ang UPER ay batayan ng operational at administrative performance ng mga pulis. Para makuha ang unang pwesto kailangan na magpakitang gilas sa mga ito ang mga police unit sa rehiyon.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni South Cotabato PNP Provincial Director Police Colonel Jemuel Siason ang mga police personnel sa lalawigan.

Sinabi ni Siason na ang tagumpay na ito ay patunay na epektibo ang istratehiya ng PNP South Cotabato na JEMUEL o Just Executing Management Unveiling Excellent Leadership at Performance and Dedication through Service Commitment in Producing Productive Output o PDSCPPO.

Resulta din ito ayon kay Siason ng teamwork at dedikasyon sa trabaho ng mga pulis sa lalawigan. Pangalawa naman sa South Cotabato sa pinakahuling Unit Performance Evaluator ang North Cotabato PNP na may 92.42 percent rating at pangatlo ang Sultan Kudarat Province na may 91.58 percent rating.

-0-

 

NARITO ang mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

SA ZAMBOANGA CITY ….DALAWANG mga tubero ang minalas at makuryente habang ginagawa ang kanilang trabaho sa barangay Santa Maria. Isa sa kanila ang namatay at isa pa na-ospital. 

Ang mga biktima ay sina Kadil Hashim, 30, and Nabel Kasla, 22, both working for JL Construction and Enterprises.  Inakyat ni Kasla ang truck upang hawiin ang live wire para di masagi ng truck nang siya ay nakuryente at namatay.

-0-

SA VALENCIA CITY, nahuli ng PNP ang isa sa mga suspect ng pagpatay sa isang 35-taong gulang na nurse noong January 4. Kinilala ni Valencia City police chief Lt. Col. Cipriano Bazar ang suspect na si Jason Jamero, 20. Siya at isa pang teenager ang huling nakitang kasama ng lalaking nurse sa motel.

-0-

SA JOLO, Sulu, nailigtas ng Western Mindanao Command ang anim kataong unang iniulat na nawawala habanbg bumibiyahe sakay ng pumpbpat patungong Jolo mula Isabela City sa Basilan. Sila ay nailigtas ng Navy sa karagatan ng Jolo.

-0-

SA BASILAN, patay ang isang barangay kapitan at tatlong iba pa matapos na silay pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, Tipo-Tipo.  Nakilala ang nasawing kapitan na si Chairman Bin Saudi Sarakil ng Barangay Matata, bayan ng Ungkaya Pukan, Basilan.

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...