Saturday Dec, 10 2022 04:13:55 AM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 14, 2021)

NDBC BALITA • 11:00 AM Thu Jan 14, 2021
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  PNP, bumuo ng Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay kay Mayor Cuan

2.  Barangay Kagawad, patay sa pamamaril sa Maguindanao

3.  COVID-19 cases sa Region 12, lampas 4,000; walang naitalang nasawi sa nakalipas na 3 araw

4.  Kawani ng Tacurong Vice mayor’s office, nagka-Covid, co-workers, isinailalim sa quarantine

5.  Confirmed COVID patients sa North Cotabato, halos 100 ayon sa DOH. 5.  Granada, improvised bomb,    natagpuan malapit sa Army detachment sa Maguindanao

6.  May mga budol-budol gang members sa Antipas, North Cotabato, mga tao, pinag-iingat ng mga police

7.  DA-12, nagpaliwanag bakit na-reschedule ang pamimigay ng ayuda sa mga hog raisers. 

 

-0-

Local………………..

BINUO NG PNP ang Special Investigation Task Group Cuan o SITG-CUAN upang tutukan ang kaso ng pagpatay kay Libungan Mayor Christopher Amping Cuan at sa driver nito. Sinabi ni North Cotabato police director Colonel Henry Villar na alisunod ito sa kautusan ni Governor Nancy Catamco upang bilisan ang imbestigasyon sa Cuan murder.

Aniya, tututukan ng SITG-Cuan ang mga pangyayari bago ang pamamaril at ang mga kwento sa mga kaganapan alas 11 ng umaga noong lunes.

Ginawa ni Villar ang pahayag matapos na isumete sa kanya ang initial post mortem examination report.

Batay sa initial investigation, may 12 tama ng bala sa katawan at sa ulo si Mayor Cuan habang dalawa naman sa driver nito.

Idinagdag ni Villar na meron nang “persons of interest” na sinusundan ang PNP.

Ayon kay Villar, patuloy ang kanilang mas pina-igting na pagsisiyasat sa kaso.

Noong lunes, agad na inatasan ni Gov. Catamco ang PNP na gawin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mayor Cuan at driver nito.

-0-

Local… 

Imbes na sa susunod na linggo, ni-reschedule ngayon ng Department of Agriculture ang pamimigay ng tulong pinansyal sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng African Swine Fever sa Cotabato Province.

Tiniyak ni Department of Agriculture Regional Director Arlan Mangelen na mabibigay sa lahat ng apektadong hog raisers ang kanilang pinansyal na tulong at aasahan anyang matatanggap ito sa buwan ng pebrero.

Ipinaliwanag ni Mangelen na mayroon lamang silang pinoprosesong dokumento sa ngayon pero mayroon na anyang Special Allotment Release Order o SARO at naobligate na rin para hindi na ma-revert ang pondo.

Nabatid na isa ang North Cotabato sa buong buong rehiyon dose na lubhang naapektuhan ng ASF.

Humihingi din ang opisyal ng paumanhin sa mga magsasaka dahil sa pagreschedule ng pamamahagi ng kanilang cash assistance.
 

-0-

Local… 

Hindi talamak ang pagnanakaw at panloloko sa bayan ng Antipas at ito’y tanging isolated cases lamang.

Ito ang binigyang linaw ni Antipas PNP Chief Police Captain John Minidel Calinga sa Radyo BIDA.

Ginawa ng police official matapos kumalat ang impormasyon sa social media na umano’y talamak na ang nakawan ang mga nambudol-budol sa bayan ngayon.

Pinakuling nabiktima ng manloloko ay ang isang senior citizen at sinasabing taga Kabacan ang babaeng suspect na nakunan pa ng CCTV.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdang detalye ang hepe para hindi makompromiso ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan nito ang publiko lalo na ang mga mamamayan ng Antipas na maging maingat at maging vigilante sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang anumang salisi.
 

-0-

Local… 

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE ang lahat ng mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program o mga mangagawa na lubhang naapenyam ng krisis na dulot ng COVID-19 na kunin na ang kanilang pera.

Sinabi ni DOLE-12 Provincial Manager Marjorie Latoja, bukas na lamang January 15 ang huling araw para kunin ng lahat ng mga benepisyaryo ang kanilang 5,000 pesos na financial assistance ng pamahalaan sa pamamagitan ng DOLE sa mga remittance center.

Batay sa datus, nasa higit tatlong daan pa ang hindi nakakuha ng pera. Ipinaalam na rin ng tanggapan sa mga mangagawa na maari na nila itong makuha sa pamamagitan ng text at email.

Samantala, dagdag pa ni Latoja, ilan sa mga naging dahilan kung bakit hindi pa nakukuha ay hindi pa alam ng mga benepisyaryo.
 

-0-

Local… 

Dahil sa inaasahang La Niña hanggang Marso, isa sa mga hakbang ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO at LGU ay ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa low lying areas ng Antipas, North Cotabato.

Partikular na tinukoy ni MDRRM Officer Diosdado Duque ay ang mga nakatira malapit sa ilog ng Brgy Malatab, Antipas, na siyang catch basin na malubhang tinamaan ng pagbaha.

Kabilang din sa matinding tinamaan ay ang Brgy Kiyaab at Magsaysay kung saan maraming bahay ang pinasok ng tubig-baha pero agad naman itong humupa kinaumagahan.

Pero dahil sa pagkalagas ng isang buhay dahil sa kalamidad, ililipat naman ang ilang mga bahay na malapit sa malalaking ilog sa mas ligtas na lugar.

Sinabi ni Duque na planong ng LGU na bumili ng 800 square meters na lupain para sa mga pamilyang ililikas kabilang na rito ang isasailalim sa force evacuation.

Sinabi naman ni Duque na ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng matinding pag-ulan na nagresulta sa pagbaha.

Tinukoy naman ng opisyal na isa sa mga dahilan ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog ay ang bumabarang putol na puno ng saging.

 

-0-

Local… 

Lumubo pa ngayon ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa North Cotabato batay sa report ng Department of Heath sa loob ng 24 oras.

Kahapon, nasa sampung bagong kaso ang naitala habang isa naman ang nakarekober sa sakit na mula sa President, Roxas.

Sa nasabing bilang, apat ang mula sa Kidapawan City, tatlo sa Midsayap, dalawa Mlang at isa sa Makilala.

Nagpapagaling na ngayon lahat ng mga active case sa isolation center para na rin sa kanilang quarantine period.

Sa kabuuan, nasa 95 active cases na ang naitala sa buong probinsya. 465 ang total cases at 23 ang related deaths.

Muli namang pinag-iingat ng health authorities ang publiko lalo na ngayong nakapasok na sa Pilipinas ang bagong strain ng virus kahapon. 

-0-

Local… 

Aasahan ng mga mamamayan na dumarayo sa Rizal Park sa Koronadal City na isinasailalim sa rehabilitasyon ang dagdag na mga atraksyon.

Kabilang sa mga ito ang 15 meters na aviary dome na ipatatayo ng  lokal na pamahalaan sa nasabing park.

Ayon kay City Special Project Unit o SPU Head Rene Ju7milla ang proyekto ay pinaglaanan ng Koronadal LGU ng mahigit 6.5 million pesos.

Ito ay  bahagi ng ikalawang bugso ng pagsasaayos ng Rizal Park.

Umaasa si Jumilla na maisasabay ang pag-release sa nasabing halaga sa 15 million pesos na pondo na gagamitin naman ng lokal na pamahalaan sa paglalagay ng interactive musical fountain sa Rizal Park.

Kukunin naman ito sa Local Government Support Fund-Assistance to Cities ng Department of Budget and Management o DBM.

Sinabi naman ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena na kapag natapos na ang rehabilitasyon nito makikita ng mga mamamayan na dadayo sa Rizal Park ang mas maraming mga istruktura na napapaligiran ng maraming mga bulaklak.

Ito ayon sa alkalde, ay inaasahan din na magpapasigla ng kalakalan sa mga establisemento na nakapaligid dito.

Para maging masigla isinusulong din ng Koronadal LGU ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga aktibidad sa Rizal park na  dadayuhin ng mga mamamayan tuwing mga araw ng Sabado at Linggo.

-0-

Local… 

Pinagaaralan na ngayon ng lokal  na pamahalaan ng General Santos City ang posibleng COVID-19 vaccine na kanilang bibilhin.

Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera inaalam pa ng lokal na pamahalaan ang availability ng mga bakuna.

Dinagdag din ng alkalde na sa ngayon ay nakikipag negosasyon na rin ang Gensan LGU sa posibleng mga supplier nila ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Rivera na posibleng magiging available  ang nasabing bakuna sa ikalawang quarter ng 2021, base na rin sa abiso sa kanila ng mga manufacturer.

Ipinahayag din nito na isa din sa kanilang kinokonsidera sa pagbili ng COVID-19 vaccine ang cold storage facility lalo na sa gawa ng Pfizer na kailangan ng 70 degrees Celsius.

Aminado si Rivera na hindi ito madali para sa LGU.

Katuwang ng Gensan LGU sa pakikipag negosasyon sa mga supplier ng vaccine ang League of Cities of the Philippines o LCP na tumutulong sa pagbili ng LGU ng COVID-19 vaccine.

Sinabi Rivera na kinokonsidera ngayo ng LPC ang AstraZeneca na mayroon lamang storage requirement na 8 degrees gayundin ang Sinovac na mas madaling i-transport.

Ipinahayag ito ni Rivera kasunod ng pag-abpruba ng City Inter-Agency Task Force o CIATF for the Management and Re-merging  Infectious Diseases ng 200 million pesos para sa kanilang mga programa kontra COVID-19.
 

-0-

Local… 

Suspendido muna simula kahapon ang operasyon ng Office of the Vice Mayor at Office of the Sanggunian ng Tacurong City, Sultan Kudarat.

Paliwanag ni Tacurong Vice Mayor Lino Montilla ito ay bilang kabahagi na rin ng kanilang pagiingat.

Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang myembro ng Sanggunian at pagtalima naman sa rekomendasyon ng inter management team o IMT ng lungsod,
Dahil dito ayon kay Montilla kailangan din na isailalim sa quarantine ang iba pang mga myembro ng konseho at kanilang mga kawani.

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin si Vice Mayor Montilla sa publiko.
Ipinahayag ng bise alkalde na muling bubuksan sa publiko ang Vice Mayor at Sanggunian Office  sa January 21.

Matatandaan na una nang isinailalim ni Tacurong Mayor Angelo Montilla sa localized lockdown ang labintatlong mga bahay sa pitong barangay sa Tacurong City.

Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

-0-

Local… 

Naglaan ng inisyal na 260 thousand pesos ang lokal na pamahalaan ng Koronadal bilang pantulong sa mga nasunugang mga pamilya sa mga barangay ng Zone 1 at General Paulino Santos noong Disyembre.

Ito ay bahagi lamang ng 456 thousand pesos na pondo ng LGU para sa mga biktima.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Cyrus Urbano, ang walong may ari ng nasunog na mga establisemento ay tumanggap ng tig 20 thousand pesos at tig three thousand pesos ang kanilang mga empleyado.

Ang labinlimang mga may ari naman ng nasunog na mga bahay at kanilang mga boarder ay nabigyan ng tig ten thousand pesos.

Habang ang tig dalawang libong pisong pinansiyal na tulong ay ibinigay naman ng lokal na pamahalaan sa mga ninakawang mga mamamayan habang nasa kasagsagan ng sunog.

Nilinaw ni Urbano na matapos masunugan agad na nakatanggap ng paunang tulong  na pangunahing mga pangangailangan mula sa LGU ang mga biktima.

Ayon kay Urbano ang financial assistance ay dagdag na tulong lamang sa kanila ng city government.

Nanguna sa pamimigay ng tulong sa mga nasunugang mamamayan sa Koronadal Mayor Eliordo Ogena.

-0-

Local… 

Kinilala ng Lake Sebu PNP na pinamumunuan ni Police Major Johnny Rick Medel ang  nasawing biktima na si Lemuel Kaying, 28 years old at nakatira sa Barangay Lemsnolon, T’boli, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Kaying ay nabagsakan ng bato sa ulo malapit sa seven falls sa  barangay Lahit, Lake Sebu.

Ito ay habang nagpuputol ng mga kawayan sa ilalim nito.

Ang nasabing biktima ay dead on arrival sa Lake Sebu Municipal Hospital.

Sanhi ito ng malubhang sugatan natamo sa kanyang ulo.

Gayunpaman nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Lake Sebu PNP sa insidente.

-0-

Local… 

NAKABUROL NA NGAYON sa municipal covered court ng Libungan, North Cotabato ang mga labi ni Mayor Christopher Amping Cuan.

Kahapon, ginawa ang misa para kay Mayor Amping na pinamunuan nina Fr. Rex Carnaso, DCC at Fr. Nicasio Lozada, DCC.

Tuwing hapon, ginagawa ang misa para sa pumanaw na alkalde sa pangunguna ng Diocesan at Oblate priests.

Sa January 20, si Cotabato Archbishop Angelito Lampon, OMI, DD ang mangunguna sa daily mass.

Ito ay ginagawa tuwing alas 5 ng hapon.

Pinapayuha ang lahat ng mga kaibigan, kakilala at mga taga Libungan na nais dumalo sa daily masses para kay Mayor Amping na mahigpit na sumunod sa physical distancing at gumamit ng facemask at face shields.
 

 

Ambush sa Aleosan, 6 CAFGU patay

ALEOSAN, North Cotabato – Anim na mga miembro ng CAFGU ang nasawi sa ambush na naganap sa Barnagay Tapudoc dito kaninang hapon. Sa report ng...

BARMM approves P75-M investments before the year ends

COTABATO CITY  – The Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) convened on Friday, December 9, 2022 and approved the registration for...

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022. Kinilala ng...

MILG gears for a robust local governance, crafts 2023-26 strat plan

DAVAO CITY – The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ended Thursday...

LPA to bring scattered rain showers across PH

MANILA – The low-pressure area (LPA) last located 610 km. east of Hinatuan, Surigao del Sur will bring scattered rain showers and thunderstorms...