Saturday Jul, 02 2022 07:33:14 AM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 15, 2021)

NDBC BALITA • 08:45 AM Fri Jan 15, 2021
934
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  PNP North Cotabato, blangko pa din kung sino ang pumatay ay Mayor Amping Cuan.

2.  Ngayon deadline ng pagkuha ng ayuda mula sa DOLE-North Cotabato sa money remittance center, if ayaw ng beneficiary, marami naghihintay.

3.  APAT, patay dahil sa Covid sa Region 12  

4.   Surallah LGU, bibili din ng COVID-19 vaccines, prioridad ang mga frontliner sa tuturukan, sino pa po ang iba Mayor Bendita.(HEADLINE-BENDITA)

5.  Profiling at saturation drive sa isang lugar sa Koronadal isinagawa ng PNP, may kasama pang paliwanag ang police.

6.  Suspicious bag sa Kidapawan terminal, nagdulot na naman ng bomb scare.

7.  Flashfloods sa Lake Sebu, Souith Cotabato, hindi nakasira ng tulay, ayon sa PDRRMO

8.  Ambush sa Lanao del Norte, tatlong sundalo patay.

LOCAL…

Ang pagpapasara ay ginawa ni Montilla sa pamamagitan ng Executive Order No. 09 series of 2021 na nag-uuots ng pansamtanalang pagsara ng medicalestablishment na matatapuan sa Alunan Avenue, National highway, Barangay Poblacion, Tacurong City Tumanggi na si Mayor Montilla na kilalanin ang medical facility pero kinumpirma ng city health office na apat sa mga kawani nito ay positive sa Covid.

Ang pagsasara ay simula kahapon at tatagal hanggang Jan. 21 kung saan isasagwa din ang disinfection sa gusali.

Isinasagawa na rin ang massive contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng apat na manggagawa upang sila din ay magpasailalim sa quarantine. Naka-isolate na ang apat sa Ligtas Covid-19 facility.

-0-

Local……………………

 

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE ang lahat ng mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program o mga mangagawa na lubhang naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19 na kunin na ang kanilang pera.

Sinabi ni DOLE-12 Provincial Manager Marjorie Latoja, ngayong araw na lamang January 15 ang huling araw o palugit para kunin ng lahat ng mga benepisyaryo ang kanilang 5,000 pesos na financial assistance ng pamahalaan sa pamamagitan ng DOLE sa mga remittance center.

Batay sa datus, nasa higit tatlong daan pa ang hindi nakakuha ng pera. Ipinaalam na rin ng tanggapan sa mga mangagawa na maari na nila itong makuha sa pamamagitan ng text at email. 

Samantala, dagdag pa ni Latoja, ilan sa mga naging dahilan kung bakit hindi pa nila ito nakukuha ay dahil sa hindi pa alam ng mga benepisyaryo.

-0-

Local……………………

Sunod-sunod na nakakaranas ng mga pag-ulan ang North Cotabato simula nitong bagong taon.
Dahil dito, nakakaranas na rin ng pagbaha sa ibat-ibang lugar ng probinsya lalong lalo na sa mga low lying areas.

Sinabi sa Radyo BIDA ni PDRRM Warning and Action Officer Engineer Arnulfo Villaruz, naglaan na anya ang Provincial Government ng pondo para pambili at pagtatanim ng forestry seedling upang maiwasan na ang mga pagbaha.

Kaugnay nito, hinihikayat din ng opisyal ang iba pang Local Government Unit, iba pang ahensya ng pamahalaan maging sa mga private agencies na maglaan din ng pondo para sa kampanyang ito.

Samantala, inihayag din ni Villaruz na isa sa mga dahilan ng mga nararanasang pagbaha sa Cotabato Province ay climate change at mga pamumutol ng mga punong kahoy na makakatulong sana sa pagpigil ng kalamidad na maaring mawalan ng pang hanap buhay at kumitil pa ng maraming buhay.
 

-0-

Local……………………

Umabot na sa 1,955 ang naitalang health protocol violator ng Compliance Monitoring team at nabigyan ng citation ticket matapos maitala nito ang 490 violators sa loob ng huling isang linggo ng Nobyembre at dalawang unang linggo ng Disyembre.

Ito ay pinakamataas na bilang simula ng pinatupad ang panuntunan sa Kidapawan City.
Sa panayam kay City Compliance Monitoring Team Head Janice Garcia, maari pa anya itong madagdagan dahil hindi pa nila naitatala ang huling dalawang linggo ng Disyembre ng taong 2020 kung saan abala sa paglabas ang publiko dahil sa holiday season.

Sa pinakahuling ulat ng nasabing tanggapan, nasa mahigit 800 violators palang ang nakapagbayad sa mga kaakibat na monetary sanctions sa paglabag sa health protocols.

Ang mga bigong makapagbayad sa loob ng sampung araw ay awtomatikong bino-blotter sa PNP at pinapadalhan ng show cause order ng City Legal Office para tumugon.

Maari namang masampahan ito ng kaso kapag nabigong tumugon sa loob ng tatlong araw.

Samantala, nasa mahigit 30 namang mga establisyemento ang kanilang napadalhan na ng Violation letter dahil sa paglabag sa Health protocols, kabilang dito ang isang resort na inutos nilang ipasara matapos nakitaan din ng paglabag.
 

-0-

Local……………………

Sa pagsuri ng Explosive Ordnance Disposal o EOD team ng PNP, mga bato at hindi pampasabog ang laman ng mga bag na dala-dala ng isang babae nang ito’y papasok sa Overland Terminal Kidapawan City alas onse ng umaga kahapon.

Sa entrance pa lamang ay napansin na ng mga sundalo ang kaduda-dudang mga bagay sa loob nang kapkapan ang kanyang mga bag, kaya agad dinala at kinordon ang nasabing babae at pinabuksan sa ito kanya.

Tumambad naman sa mga otoridad ang mga lamang damit, mga cellophane, bato at iba pang gamit sa loob ng kanyang bag.

Ayon sa mga otoridad, ang babaeng taga Cotabato City ay ‘mentally challenged’ kaya inalalayan na lamang ito pauwi sa kanilang bahay sa Pigcawayan, Cotabato.

Sa panayam kay Police SMSgt Newton Fajardo, siyang Head ng PNP K-9 Unit ng lungsod na negatibo ito sa pampasabog, pero agad nilang isinagawa ng safety procedure upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.

Matatandaang mas lalo pang naghigpit sa isinasagawang inspection ang pamunuan ng Overland Terminal kasunod na rin ng nangyaring bomb scare sa lungsod nitong nakaraang linggo.
 

-0-

Local……………………

Anim na mga pasyente ng COVID-19 sa Kidapawan City, gumaling na sa sakit 
NORTH COTABATO- Bagaman patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa buong North Cotabato may mga pasyente namang tuluyan ng gumaling sa sakit.

Kagabi, goodnews dahil sa anim na mga pasyente ang gumaling na at lahat ay taga Kidapawan City.
Samantala, pito naman ang panibagong naitalang kaso ng infection.

Sa bilang na ito, tatlo ang mula sa Kidapawan, dalawa mula sa Tulunan, isa Pikit at President Roxas.
Sila ay may exposure sa COVID-19 positive habang ang iba dito ay galing pa sa social gathering.
Nagpapagaling na ang mga pasyente.
 

-0-

Local……………………

PORMAL nang nanumpa ang may 141 newly hired employees ng BARMM Ministry of Public Works and Highways at naitalaga na sa ibat-ibang engineering districts sa buong rehiyon.

Labing tatlo sa kanila ay mapunta sa Tawi-Tawi engineering district, 13 sa Basilan, 30 sa Sulu, pito sa Lanao del Sur, 23 sa Maguindanao at 48 ang sa MPW regional office sa Cotabato City.

Sila ay nanumpa sa Shariff Kabunsuan Cultural Center at nanguna si Public Works Minister Eduard Guerra. Ayon kay Guerra silang mga nanumpa ay dumaan sa mahigpit na recruitment process.

Halos 22,000 ang nag-apply, 141 lang ang natanggap.

-0-

Local……………………

NAMIGAY ng relief aid ang isang non-government organization sa mga mamamayan, kababaihan at kabataan na apektado ng kaguluhan sa South Upi, Maguindanao.

Personal na nagtungo ang grupo ni Aileen Kesa Marie Usob Hualde, executive director of Women Organization of Rajah Mamalu Descendants (WORMD) ang Barangay Itaw, South Upi upang magpaabot ng relief assistance para samga nag-bakwet na Teduray.

Nilisan nila ang kanilang mga bahay dahil sa harassment na ginawa laban sa kanila ng mga armadong kalalakihan.

Ang grupo ni Hualde ay namigay ng food packs, hygiene kits, blankets at pre-loved clothes para sa mga internally displaced persons.

Abot sa bale 599 families ang apektadong pamilya pero 190 lang ang nabigyan ng grupo ni Hualde. Sila ang mga nasugugan ng bahay at nawalan ng maliit nilang kabuhayan sa Sitio Manguda, Barnagay Itaw.

-0-

Local……………………

SA LANAO DEL NORTE, patay ang tatlong sundalo at dalawang sibilyan matapos na sila ay pagbabarilin habang patawid ng ilog sa bayan ng Poona Piagapo. Ang mga nasawi ay kinilala ng Poona Piagapo PNP na sina Corporal Albert Saura, Corporal Bryan M Binayog at Private Albert S Soriano, lahat miembro ng third company ng 4th Mechanized Infantry Battalion at off duty; habal-habal driver na si Camilo Andog alias TabaBuwaya at Hadji Amen Sumagumba na nagkataong napadaan lang sa crime scene.

Lumabas sa imbestigasyon na tumatawid sa ilog ang motor na pinakyaw ng tatlong sundalo patungong Pantao Ragat, Lanao del Norte nang sila ay pagbabarilin ng mga suspect na sakay ng hiwalay na motor.

Si Ustadz Sumagumba ay sakay ng pick-up vehicle at patawid sa ilog nang tamaan ng ligaw na bala.

-0-

 

2 Maute group member surrender in Marawi

MARAWI CITY - Two remnants of the Dawlah Islamiya-Maute Group surrendered with their firearms to police authorities on Thursday in Marawi City....

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...