Monday Jul, 04 2022 02:45:35 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 19, 2021)

NDBC BALITA • 08:30 AM Tue Jan 19, 2021
694
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1.  Genuine autonomy, nakamit na ng Bangsamoro people, ayon kay BARMM chief Minister Murad Ebrahim.

2.  Extension ng BTA, inirekomenda ng NGO, sinuportahan ng Malacanang official, ayon kay Minister Sinarimbo

3.  Green Mindanao Project mas palalakasin pa upang iwas kalamidad – ayon kay Mindanao Development Secretary Pinol

4.  Sunog sa Cotabato City Schools Division ALS office, sinadya kaya? Sagot ng Fire Department…

5.  Mga kagamitan, intact ayon sa Cotabato City schools division superintendent.

6.  Mas marami gumaling sa Covid-19 kahapon sa Region 12 kumpara sa bagong kaso.  BARMM, may isang bagong kaso lang.

7.  SoCot Gov. Tamayo, nagpaliwag bakit di maaring ipatupad ang lockdown sa South Cotabato kahti may bagong Covid-19 strain 

7.  COVID-19 cases sa Koronadal, manageable pa rin sa kabila ng paglabas ng mga tao nitong holiday Season, sabi ni city Mayor Ogena 

8.  Road crash incidents sa Koronadal-Gensan highway dahil raw sa depektibong daan, ayon sa isang DPWH official 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

Road crash incidents sa Koronadal-Gensan highway dahil  raw sa depektibong daan, ayon sa inspectorate team ng DPWH na nagsagawa ng assessment sa nasabing daan.

Depektibong daan ang pangunahing sanhi ng road crashes sa bahagi ng national highway sa mga barangay ng Saravia at Carpenter Hill sa Koronadal  City.

Ito ang lumabas sa assessment ng inspectorate team ng Department of Public Works and Highways o DPWH 12 sa nasabing daan.

Sinabi ito sa Radyo Bida ni Nestor Lumawig, isa mga observer ng inspectorate team at public utility driver na may ruta sa Koronadal-General Santos City highway.

Ayon kay Lumawig natuklasan ng inspectorate team na maliban sa hindi pantay na pag-aspalto lumikha din ng irregular hole o maliliit na butas sa highway ang road widening projects ng DPWH.

Ito ang dahilan ayon kay Lumawig kung bakit madalas  nawawalan ng kontrol ang driver ng mga sasakyan lalo na tuwing umuulan.

Para maresoslba ang problema sinabi ni Lumawig na ipapadala ng DPWH 12 ang kanilang rekomendasyon sa kanilang kontraktor para ma-rectify o maayos ang depektibong bahagi ng highway.

Paalala naman ni Lumawig sa mga motorist pinakamabisa pa ring paraan para makaiwas sa road accident ang ibayong pagiingat.
 

-0-

Local………………..

Nakapagtala ng mas maraming COVID-19 recoveries kaysa mga bagong kaso ang Department of Health sa Region 12.

Kahapon, iniulat ng DOH ang 33 pasyenteng nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan at pumalo na sa 3,577 ang total recoveries sa Rehiyon.

Labing lima sa mga gumaling ay taga Sarangani, siyam South Cotabato, 6 General Santos City at tatlo North Cotabato.

Samantala, 17 na panibagong kaso ng Coronavirus disease ang naitala ng DOH. Dahil dito umabot na sa 4,172 ang total COVID-19 infection sa rehiyon.

Anim sa mga bagong kaso ay taga Sarangani, lima North Cotabato, tatlo General Santos City, dalawa South Cotabato at isa naman Sultan Kudarat.

Isa pang 79-anyos na lalaki ang naitalang nasawi kahapon kung kayat sumampa na sa 148 ang COVID-19 related deaths sa SOCCSKSARGEN. Nasa 446 naman ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

-0-

Local………………..

National ID System pre-registration sinimulan na ng PSA sa lalawigan ng Sultan Kudarat
Inaasahan na makapagpa pre-register sa Philippine Identification System o PhilSys na mas kilalang “National Identification o ID System ang mahigit 128 thousand na mga mamamayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ipinahayag ito ni Philippine Statistics Authority o PSA Sultan Kudarat Chief Statistical Specialist Herlita Caraan.

Kasunod ito ng pagsisimula kahapon ng pre-registration sa ID System sa nasabing lalawigan.
Magtatagal naman ito hanggang sa March 21.

Ayon kay Caraan prayroridad sa national ID system pre-registration ang mga barangay sa Sultan Kudarat na may pinakamaraming mahirap na pamilya na inirekomenda ng mga local government unit o LGU.

Sinabi ni Caraan na  ang PSA ay may kinuhang field supervisors at data enumerators na nag-iikot sa mga bahay para kumuha ng datus ng mga prayoridad na mamamayan.

Kukunin naman sa pre-registration ang pangalan, sex, date of birth, blood type, address at marital status.

Bawat kwalipikadong registrant ay binibigyan ng registration slip na may nakalagay kung kelan sila tutungo sa registration center para makuhanan ng fingerprint at litrato.

Kailangan din ng mga aplikante ayon kay Caraan na magdala ng mga supporting documents na nakalista sa PhilSys Form A.

Para sa matagumpay na pagpapatupad ng PhilSys sa lalawigan umapela naman ng suporta si Caraan sa mga LGU at mamamayan ng Sultan Kudarat.
 

-0-

Local………………..

Kinilala ni Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. ang Commander ng Western Mindanao Command ng militar ang mga sumukong myembro ng Communist Terrorist Group o CTG na sina Tener Mantang Maquil, alias Buyo-Buyo, supply officer; Anamie Maquil Bal-ot alyas Lyn-Lyn, medic; Allan Mistibo Samblang, alyas Caesar; Tyron Asom Saligan; Timbangan Ganang Maquil, alyas Kilohan; at Mike Ganang Maquil, alyas Arnold.”

Ayon kay Vinluan ang mga ito ay pawang mga taga Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato at myembro ng Platoon West, Guerilla Front Musa, Far South Mindanao Region o FSMR ng NPA.

Ang nasabing mga NPA member ay sumuko sa 37th Infantry Batallion ng militar sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.

Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang matataas na kalibre ng armas.

Pagod sa pakikipaglaban sa gobyerno at hangaring makapamamuhay ng matiwasay ayon kay Vinluan ang dahilan ng pagsuko ng  nasabing NPA members.

Sinabi naman ni 603rd Infantry Brigade Commander Colonel Eduardo Gubat na ang mga sumukong NPA member ay isinasailalim pa sa custodial debriefing.

Tiniyak din ni Gubat ang tulong sa mga ito ng pamahalaan.

Matatandaan na  abot sa pitumput limang mga kasapi ng Guerilla Front Musa ng NPA ang sumuko sa militar noong nakaraang taon.

-0-

Local………………..

COVID-19 cases sa Koronadal, manageable pa rin sa kabila ng pagdami ng mga mamamayan noong Holiday Season, ayon kay Mayor Eliordo Ogena.

Kontrolado pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa Koronadal city kahit na inaasahan noon na tataas ito pagkatapos ng Holiday Season.

Sa katunayan ayon kay Koronadal Mayor Eliordo Ogena ang lungsod ay mayroon lamang ngayon labinsiyam na COVid-19 active cases.

Naniniwala ang alkalde na resulta ito ng mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 health protocols.
Kabilang sa mga ito ay ang agad na paglalagay sa isolation o quarantine facility sa mga COVID-19 patient at pag-obliga ng swab test sa mga mamamayan mula sa ibang lugar.

Kung tutuusin ayon sa alkalde dumami ang COVID-19 cases sa Koronadal hindi dahil sa local transmission kungdi matapos ma-exposed sa iba lugar ang mga mamamayan na pumapasok sa lungsod.

Nangyari ito ayon kay Ogena sa General Santos City fishport noong nakaraang taon.

Sinabi din nito na marami ding mga kawani ng mga regional office sa Koronadal ay nagka-COVID-19 matapos umuwi sa kani-kanilang mga lugar.

Dinagdag din nito na karamihan sa labintatlong mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Koronadal ay mga nakatatanda at mayroong cormobodities o madaling mahawa ng virus dahil sa iniindang karamdaman.
 

-0-

Local………………..

 Labis ngayon ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Tulunan at Makilala, North Cotabato na ilan sa mga lugar na pinakapaektado ng 2019 earthquake dahil sa tulong na ipinagkaloob sa kanila lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa bayan ng Tulunan, abot sa higit 2.7Million pesos ang inilaan para sa mga barangay ng New Culasi, Sibsib, Bubawan, Popoyon, Tambac at sa Barangay Paraiso at New Caridad para sa walong daan na mga mamamayan.

Nakakatanggap ng 2,500 ang mga pamilya na kabilang sa totally damaged households at 2,000 sa mga partially damaged households.

Samantala, sa Makilala Cotabato Province nakatanggap ng tulong ang mga pamilya ng mga binawian ng buhay at nasugatan sa nasabing kalamidad.

Ang nasabing halaga ng pera ay pinondohan ng Department of Interior and Local Government.

Kasabay din g programa, ang pagsasagawa ng mental and psychological health presentation ang tanggapan ng MSWD na nakasentro sa pag -iwas sa depression na nangunguna sa mga dahilan kung bakit marami ang mga nagpapatiwakal mula sa nasabing bayan.

Nabatid na may iilan pa ring mga pamilya sa ngayon ang hindi pa nakakabalik sa kanilang lugar dahil sa wala pang temporary temporary shelters para sa kanila.
 

-0-

Local………………..

 Magsisimula na ngayong araw ang Mindanao bamboo forum na pangangasiwaan ng Mindanao Development Authority sa pangunguna ni Secretary Manny Pinol.

Ayon kay Secretary Pinol, layon nito na mas palakasin at adbolasiyang maisulong pa ang Green Mindanao para sa ika-uunlad pa ng ekonomiya sa parehong sector ang agriculture and fisheries. 

Upang masigurong mapanatili ang dalawang sector lalo na ngayong dumarami na ang populasyon, mahalaga anyang protektahan ang sources na pinakamahalagang factors sa pang-agrikultura.

Una na rito ay ang Klima, lupa at maging ang tubig.

Para din maibalik na ang Green areas, iwasan ang pamumutol ng kahoy sa halip na magtanim tulad na lamang ng punong kawayan na makakatulong sa pagpigil ng kalamidad na mapapakinabangan ng mga mamamayan ng Mindanao lalo na sa Cotabato Province na nakakaranas ngayon ng sunod-sunod na pag-ulan at nagdulot ng mga pagbaha.

Samantala, target ng MinDa Bamboo Program ang 1,000 hectares ng tribal ancestral domain, critical watersheds, denuded highlands, deforested and former mining areas, kabilang ang riverbanks of water basin headwaters sa Mindanao.
 

-0-

Local………………..

Nagpapagaling na ngayon sa isang ospital sa Riyadh Saudi Arabia ang OFW na si Nelba Disabille ng Barangay Sibawan, Kidapawan City matapos itong maconfine sa Intensive Care Unit o ICU sa nasabing bansa.

Inaasahan namang ng kaanak ni Nelba na makakauwi ito sa lungsod sakaling tuluyan na itong gumaling matapos makontak ang kanyang employer at ang embahada ng Pilipinas.

Sa huling pag-uusap kasi nito sa mga kaibigan sa abroad ay umiiyak ito dahil hindi magalaw ang mga paa at hirap sa kanyang paghinga.

Simula noon ay mahigit kumulang isang linggo silang walang balita sa kondisyon ng ginang.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Overseas Filipino Worker Concerns Focal Person, Aida Labina, nang malaman aniya nila ang sitwasyon ng ginang sa Riyadh ay nakipag-ugnayan agad ang kanilang tanggapan sa embassy ng Pilipinas sa Saudi Arabia at sa employer nito.

Ayon kay Labina na may plane ticket at may aprubadong bisa na si Disabelle at makakauwi na ito sa Pilipinas matapos na mag end contract base sa pag-uusap nila ng employer ng OFW.

Subalit inatake ito ng hypertension at di magalaw ang kanyang mga paa.

Agaran naman itong dinala sa ospital ng employer na isa ring doctor.

VC - Hindi naman sya pinapabayaan ng employer.

Ang tinig ni OFW Concerns Focal Person Aida Labina.

Samantala patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Labina sa embassy at employer nito sa pagsiguro sa kondisyon ni Disabelle.
 

-0-

Local………………..

 Pinaalalahanan ngayon ng Integrated Health Office ang mga senior citizen na bawal lumabas lalo na kung may comorbidities sa Cotabato Province.

Ito’y dahil sa dumarami ngayon ang mga senior citizen na nagpopositibo at mga binawian din ng buhay dahil sa virus.

Kagabi, sa limang mga bagong kaso, tatlo ang mula sa bayan ng Mlang, tig isa sa Banisilan at Pigcawayan.

Nakarekober naman sa sakit ang tatlong pasyente na mula sa Pikit at bayan ng Kabacan.
 

-0-

Local………………..

Nagkabitak-bitak ang higit sa 30-metrong haba ng kalsada na sakop ng Guibato Bridge sa Brgy Salasang, Arakan, Cotabato nitong linggo dulot na rin ng sunod-sunod na ulan.

Lumambot kasi ang lupa na pinapatungan ng naturang kalsada sanhi upang masira ang bahagi ng naturang highway.

Lahat ng mga sasakyang dumaraan sa nasirang bridge ay dahan-dahan pagdating nasabing lugardahil sa higit anim na pulgadang lalim ng bitak sa naturang kalsada papuntang tulay ng Guibato.

Sabi ng isa sa mga trabahante ng DPWH 1st Engineering District na si Carlos Alapan, bago pa lamang ang naturang kalsada at kahapon din ay agad silang nagsagawa ng clearing operation sa lugar.

Ang Guibato Bridge ay siyang madaraanan ng mga residenteng papasok at palabas ng Brgy Katipunan, Datu Ladayon sa Arakan at mga lugar sa Davao at Bukidnon.

Nabatid na ito na ang pangalawang tulay na sinira ng pag-ulan sa Brgy Salasang.

Maaalalang nitong Nobyembre ng nakalipas na taon, gumuho rin ang approach ng Diwatix Bridge ilang metro lamang layo mula sa nasirang Guibato Bridge.

-0-

Local………………..

Governor Tamayo ipinaliwanag kung bakit hindi maaring ipatupad ang lockdown sa South Cotabato sa kabila ng pangamba  sa bagong COVID-19 strain.

Nilinaw ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na hindi ito magpapatupad ng lockdown sa lalawigan sa kabila ng pangamba  ng mga mamamayan sa bagong variant ng COVID-19.

Paliwanag ng gobernador hindi kasi papasa ang South Cotabato sa minimum requirement ng National Inter-Agency Task Force o NIATF na magrerekomenda nito.

Sa katunayan ayon kay Tamayo katatanggap lang nila ng notice mula sa NIATF na nagsasabing nanatili pa rin ang modified general community quarantine o MGCQ sa South Cotabato.

Gayunpaman ayon kay Tamayo nakipag ugnayan na siya sa mga myembro ng South Cotabato Medical Society.
Ito ay para pagusapan ang mga maaring gawin bilang pagiingat na rin sa bagong variant COVID-19 strain.

Sinabi nito na ang rekomendasyon ng nasabing grupo ay kalakip sa  ipapalabas nitong Executive Order. 

-0-

Local………………..

Sinabi ni Cotabato City Fire chief Major Lucille Jusay na ito ang lumabas sa imbestigayon ng BFP sa sunog na naganap January 16 ng gabi sa ikalawang palapag ng ALS building sa schools division office sa Barangay Rosary Heights 8.

Nasa kasagsagan ng buhos ng ulan nang maganap ang sunog alas 8:30 ng gabi. Nakarinig ng pagsabog ang security guard na nasa guard house malapit sa gate kayat nagtungo ito sa gusali, may 50 meters ang layo, upang magsiyasat pero wala naman daw siyang nakitang unusual.

 Kaya naglakad siya pabalik sa guard house.  

Paglingon niya, malaki na ang apoy.

-0-

Local………………..

Si Cotabato City fire marshall Major Lucille Jusay.

Sinabi rin niya na ang mga nasunog sa second floor ay nagkakahalaga ng di lalampas sa P1.5 million.

Sinabi ni Jusay na intact naman ang lahat ng gamit at mga document sa ground floor ng 2-storey building.

-0-

Local………………..

Sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang natamo nina Samer Mamualas at Tawte Onalaw na kapuwa taga Barira.

Matapos mabigyan ng first aid ng barangay, sila ay dinala sa CRMC. SAMANTALA, sa ospital din ang bagsak ng isang lalaki at dalawang mga batang babae makaraang masangkot sa vehicular crash.

Sila ay sakay ng motor at nakabangga ang isa pang motor sa Barangay Samberen, Parang, Maguindanao. Mabilis umano ang takbo ng dalawang motor at hindi na makaiwas nang sila ay magtagpo.

Seryoso ang kalagayan ni Aladin Martin at ng dalawang angkas niyang mga bata na nagkakaedad ng 14 at 15 years old.

Sugatan din ang driver ng isa pang motorsiklo pero di ito kinilala sa report.

Payo ng PNP, mag-ingat sa pagmamaneho, lalo kapag maulan dahil ang kalsada ay “slippery when wet.”

-0-

 

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...

Comelec urges barangay, SK voters to register starting Monday

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Saturday reminded Filipinos eligible to vote in the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK)...