Thursday May, 26 2022 02:07:30 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 21, 2021)

NDBC BALITA • 08:45 AM Thu Jan 21, 2021
739
By: 
NDBC NCA

HEADLINES 

1.  Non-working holiday ngayon sa BARMM, pati Cotabato City holiday din, ayon kay BARMM Minister Sinarimbo.  

2.  Libungan Mayor Amping Cuan, inilibing na, hustisya sigaw ng pamilya.

3.  Zero death dahil sa Covid-19 sa Region 12 naitala, ayon sa DOH.

4.  Koronadal LGU mangangailangan ng P106-Million para pambili ng anti-COVID-19 vaccines upang mabakunahan ang lahat ng mamamayan nito

5.  Paggamit ng COVID-19 Contact Tracing System sa North Cotabato, ilulunsad na sa February, ayon kay Board Member Malaluan

6.  TARI-TARI area sa Isulan, sinalakay ng mga police, motorsiklo, naiwan ng mga parokyano.

7.  Lanao Sur mayors, nagpalabas ng resolution na sumusuporta sa extension ng BARMM transition period

8.  Cement mixer truck, humarurot, bahay, inararo sa Maguindanao

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

DEKLARADONG NON-WORKING holiday ngayong araw, January 21, 2021 sa buong Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Alinsunod ito sa proclamation na ipinalabas ni chief Minister Murad Ebrahim. Ipinaliwanag ni BARMM Minister of the Interior and Local Government and spokesperson Atty.

Naguib Sinarimbo na ito ay alisunod sa deklarasyon ng Bangsamoro Transition Authority na non-holiday ang January 21 dahil ito ang foundation day ng BARMM.

Ayon kay Sinarimbo sakop ng declaration ng holiday ang buong BARMM, pati na ang Cotabato City at 63 barangays ng North Cotabato.

-0-

Local………………..

Si BARMM spokesperson Naguib Sinarimbo.

Samantala, sinikap ng NDBC Radyo Bida na makuha ang panig ng Cotabato City LGU.

 Tumangging magpa-interview si Cotabato City administrator Dr. Danda Juanday pero sinabi niya na walang deklarasyon si Mayor Cynthia Guiani Sayadi na holiday ngayon sa city government.

Sinabi naman ni city information chief Girlie Frondoza na business as usual ang order ni mayor sa lahat ng mga opisina sa city hall.

-0-

Local………………..

Sa bangsamoro region, 13 panibagong COVID-19 infection ang naitala ng Ministry of Health kahapon.

Dahil diyan, umabot na sa 3,765 ang total Coronavirus Infection sa BARMM.

Sampu sa mga bagong kaso ay taga Lanao del Sur at Marawi City at tatlo naman sa Cotabato City.

Labing anim na pasyente ang gumaling pa ayon sa MOH kung kayat pumalo na sa 3,507 ang total recovered patients sa rehiyon.

Nasa 115 naman ang aktibong kaso.

Samantala, nasawi naman kahapon ang isa pang pasyente na taga Lanao del Sur at Marawi City kung kayat umabot na sa 143 ang Covid-19 related deaths sa bangsamoro region.

-0-

Local………………..

SUMUSUPORTA ANG MGA opisyal ng Lanao del Sur sa panukalang palawigin pa ang transition period ng BARMM hanggang 2025.

Pinagtibay ng League of Municipalities of the Philippines o LMP-Lanao del Sur chapter ang isang resolution na sumusuporta sa panawagan na bigyan pa ng 3-year extension ang transition time.

Inamin ng mga mayor ng Lanao, pati na si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr, na hindi makakaya sa loob ng tatlong taon na ipatupad ng BARMM ang mga nilalaman ng Bangsamoro Organic Law.

Noong nakaraang buwan, kumalat ang report na tutol si Gov. Adiong at ang mga mayor ng Lanao sa proposed extension.

 Ito ay hindi raw totoo.

Sa resolution, sinabi ng mga alkalde na di sapat ang tatlong taon para maka-deliver ang BARMM lalo pa at angkaroon ng pandemya Ang resolution ay nilagdaan ng 39 na municipal mayors ng Lanao del sur, sa pangunguna ni LMP president at Butig town Mayor Jimmy Pansar.

-0-

Local………………..

Ikinustodya ng PNP sa Isulan, Sultan Kudarat ang may tatlumpuag mga motorsiklo, mga tricycle at isang van.

Ang mga ito ay naiwan ng mga mamamayan na nagsitakbuhan nang salakayin ng mga pulis ang  isang sabungan na tinawag ni Isulan Chief of Police, Lieutenant Colonel, Romeo Galgo Jr. na pauwakan.

Paliwanag ni Galgo iba kasi ang mekanismo na sinusunod sa “pauwakan” kumpara sa pangkaraniwang sabungan. 

Sinabi ni Galgo na ito ay matatapuan na liblib sa liblib na purok singko Barangay Lagandang, Isulan.

Ayon kay Galgo, aalamin ng PNP ang partisipasyon ng mga mayari sa iligal na sugal kapag kinuha na ng mga ito ang ikinustodya nilang mga sasakyan.

Ang problema ayon sa nasabing police official wala pang ni isa sa mga ito ang dumulog sa Isulan PNP.

Maliban sa mga sasakyan nakumpiska din ng mga pulis ang isang manok at tatlong kulungan ng mga ito.

Kinumpirma din ni Galgo na sasampahan ng kaukulang kaso ng PNP ang facilitator ng iligal na “pauwakan” na hindi muna nito pinangalanan sa ngayon.

Ayon kay Galgo dalawang mga sabungan lamang ang nabigyan ng permit sa Isulan.

Bukod dito ayon kay Galgo nalabag din ng ni-raid nilang sabungan ang COVID-19 health protocol sa physical distancing.

 

-0-

Local………………..

Tatawagin na Pagasa Youth Association  ang grupo ng mga kabataan na inorganisa ng Department of Trade and Industry o DTI sa Surallah, South Cotabato.

Layon ng organizational intervention ng DTI na mahasa ang kasanayan ng mga kabataan sa pagnenegosyo.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsailalim sa kanila sa skills training.

Ang mga kasapi ng Pagasa Youth Association ay sasanayin sa pagawa ng mga souvenir items para maibenta sa kanilang komunidad.

Kasama ng DTI sa pag-organisa sa ma ito ang kanilang negosyo center sa Surallah katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Payo naman ni DTI South Cotabato Provincial Director Rectoniel Reginio sa mga benepisyaryo ng programa, iparehistro ang kanilang grupo at  kuhanan ng permit to operate para makinabang  din sa mga programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan.  
 

-0-

Local………………..

Ipagpapatuloy muli ng Task Force Kaayusan ng lokal na pamahalaan ang  pagtanggal sa mga obstruction o sagabal sa mga pangunahing daan sa Koronadal City ngayong araw.

Saklaw ng malakawakang road clearing operation ang General Santos Drive, Alunan Avenue; Balmores, Antipolo, Posadas, Abad Santos, Roxas, Sucayan, Zulueta, Osmeña, Morrow, Aquino at Dizon Streets.

Ang pagtanggal sa mga sasakyan  at  mga istruktura sa mga road-right-of way ay iniutos  ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Naantala lamang ang pagpapatupad nito noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Koronadal Mayor Eliordo Ogena, bagama’t hindi magiging madali ang road clearing, gagawin ito ng matiwasay at bilang pagsunod na rin sa mandato ng national government.

Tiniyak ng alkalde ang pagkilala ng LGU sa karapatang pantao sa road clearing operation.

 

-0-

Local………………..

Nagsagawa ang caravan para sa mga programa nito sa bayan ng Polomolok, South Cotabato ang Department of Labor and Employment o DOLE 12.

Layon nito na matulungan ang mahigit apatnaraaang mga na-retrench na mga mangagawa na makahanap ng bagong mga oportunidad.

Kabilang sa mga ito ang trabaho sa loob at labas ng bansa, social media marketing skills o pagtitinda online, entrepreneurial skils training, livelihood, Special Program for Employment of Students o SPES at scholarship para sa mga mangagawa at kanilang mga anak.

Ang Department of Labor and Employment-Regional Coordinating Committee o DOLE-RCC 12 caravan ay  laan para sa mga mangagawa sa pribadong sektor na natanggal sa trabaho dahil sa pandemya.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni DOLE 12 Regional Director Raymundo Agravante ang mga displaced workers na samantalahin ang mga programa at serbisyo na inaalok sa kanilang caravan.

Ayon kay Agravante, ang programa kasi ay binuo ng pamahalaan para maibsan ang problema sa kawalan ng trabaho dahil patuloy na banta ng COVID-19.

Hinikayat din ni Agravante ang mga displaced worker na pakinabangan ang mga programa ng pamahalaan na makatutulong sa kanila.

Kabilang sa mga ito ayon kay Agravante ang pagbibigay ng skills training o puhunan para makapagpatayo ng bagong kabuhayan.
 

-0-

Local………………..

Nangangailangan ng mahigit 106,000 doses ng COVID-19 vaccines ang Koronadal City.
Kinumpirma ito ni Koronadal Acting City Health Officer Dr. Edito Vego.

Ayon kay Vego target kasi ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng nasabing bakuna ang may 53 thousand na mga mamamayan sa lungsod.

Aminado naman si Vego na mangangailangan ang local government ng malaking pondo para pambili ng COVID-19 vaccines.

Dinagdag din ni Vego na hihintayin pa nila ang guidelines ng Department of Health bago bumili ng COVID-19 vaccines.

Paliwanag ni Vego na nakadepende pa rin kasi sa nasabing ahensya ang bibilhing brand ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Vego na prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine sa Koronadal ang mga medical frontliner sa mga public at private health facilities, pulis, sundalo, senior citizens at mga mahihirap na mamamayan sa Koronadal City. 
 

-0-

Local………………..

 Nagpapagaling na ngayon sa isang ospital sa Riyadh Saudi Arabia ang OFW na si Nelba Disabille ng Barangay Sibawan, Kidapawan City matapos itong maconfine sa Intensive Care Unit o ICU sa nasabing bansa.

Inaasahan namang ng kaanak ni Nelba na makakauwi ito sa lungsod sakaling tuluyan na itong gumaling matapos makontak ang kanyang employer at ang embahada ng Pilipinas.

Sa huling pag-uusap kasi nito sa mga kaibigan sa abroad ay umiiyak ito dahil hindi magalaw ang mga paa at hirap sa kanyang paghinga.

Simula noon ay mahigit kumulang isang linggo silang walang balita sa kondisyon ng ginang.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Overseas Filipino Worker Concerns Focal Person, Aida Labina, nang malaman aniya nila ang sitwasyon ng ginang sa Riyadh ay nakipag-ugnayan agad ang kanilang tanggapan sa embassy ng Pilipinas sa Saudi Arabia at sa employer nito.

Ayon kay Labina na may plane ticket at may aprubadong visa na si Disabelle at makakauwi na ito sa Pilipinas matapos na mag end contract base sa pag-uusap nila ng employer ng OFW.

Subalit inatake ito ng hypertension at di magalaw ang kanyang mga paa.

Agaran naman itong dinala sa ospital ng employer na isa ring doctor.

-0-

Local………………..

Dalawang daan at dalawangput apat na mga indigent beneficiaries sa Kidapawan City ang tumanggap ng kani-kanilang Livelihood Starter Kits mula sa City Government at Department of Labor and Employment.

Pinondohan ng DOLE sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP at ng City Government ang tulong pangkabuhayan ng nasabing bilang ng mga benepisyaryo ng programa.

Layun nito na makatulong na magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mahihirap na mamamayan na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sila yaong mga dumaan sa validation mula sa kanilang mga barangay officials at Public Employment Services Office ng City Government na lubos na nangangailangan ng tulong pangkabuhayan.

Marami sa kanila ang una ng nawalan ng regular na kita matapos ang pananalasa ng pandemya noon pang March 2020.

Pangalawa na ito sa mga tulong kabuhayan sa ilalim ng DILP na ibinibigay ng DOLE at City Government kung saan ay nakapagbigay ng paunang livelihood assistance buwan ng Nobyembre noong nakalipas na taon.

Mga kagamitan para sa: maliit na karenderya; bakery, pagluluto at paglalako ng pritong manok, balut at kakanin; barber shop at cosmetology gaya ng manicure at pedicure ang ilan lamang sa mga tulong pangkabuhayan na natanggap ng mga beneficiaries na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.

Ginawa ito upang agad makapagsimula ng maliit na negosyo ang mga beneficiaries, kapwa tugon pa ng DOLE at PESO na kapwa nangasiwa sa pagbibigay ng ayuda sa petsang nabanggit sa Mega Tent ng City Hall.

Bagamat at libre ang tulong, hinikayat naman kapwa ng DOLE at City Government na palaguin ng mga beneficiaries ang kanilang maliit na negosyo dahil bukod pa sa kikita sila mula rito, ay mas madali na rin silang makatangap ng iba pang ayudang magmumula sa Pamahalaan.
 

-0-

Local………………..

Mas paiigtingin pa ng Local Interagency Task Force on COVID-19 ang paggamit ng Contact Tracing System sa North Cotabato upang mas madaling matukoy ang mga nakasalamuha ng COVID-19 positive.

Inihayag sa Radyo BIDA ni EOC Manager Board Member Philbert Malaluan, pormal na ilulunsad sa probinsya ang CCTS sa buwan ng pebrero o sa susunod na buwan.

Ibig sabihin, bawal ng pumasok sa mga estbalisyemento, sa mga tanggapan sa parehong pampubliko at pribado kung walang CCTS kahit digital copy lamang na epresenta bago makapasok.

Layon nitong mas mapadali ang pagtukoy kung saan posibleng kakalat ang virus mula sa pasyente kung saan nasa 700,000 na ang mga 

Kung kaya’t panawagan nito sa mga hindi pa nakapagrehistro na magparehistro na sa pamamagitan ng r12ccts.ph small letters samantala sa mga establisiyemento naman ay sa google playstore r12cctsloggeract.

Narito ang hiling ni BM Malaluan sa lahat ng mga mamamayan ng probinsya.

-0-

Local………………..

Sa dalawang magkasunod na araw, marami ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa North Cotabato sa loob ng 24 oras.

Kagabi lamang, labin-anim ang bagong kaso ng sakit mula sa ibat-ibang lugar sa probinsya.

Sa nasabing bilang, lima ang mula sa Kidapawan City, lima din sa Libungan, dalawa sa President Roxas, tig isa sa Mlang, Carmen, Kabacan at Midsayap.

Ngayon, nasa 516 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa buong probinsya habang 112 na ang active cases.

Muling, ipinaalala sa publiko ang pag obserba ng minimum health protocols upang iwas sakit.
 

-0-

Local………………..

Arestado ang isang drug suspect na kabilang sa top 10 Regional Level Drug List ng PNP na taga Makilala, North Cotabato.

Nakilala ang nahuli na si John Andrade alyas Jay-Jay, 22 anyos na taga Luna, Sur Makilala North Cotabato.

Sa paghaloghog sa bahay ng suspect, nakuha ang dalawangpung mga sachets ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang abot sa 10,000 pesos.

Samantala, sa Mlang, North Cotabato, arestado din ang isa pang drug suspect na nakilalang si Rodel Vicente Daarol, 30 years old ng Purok Acacia, Barangay New Rizal Mlang.

Nakuha din sa kanya ang tatlong pakete ng shabu at isang unit ng caliber 38 homemade pistol.

Sa ngayon, nasa kustudiya na ng PNP ang dalawang mga suspect at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.
 

-0-

Local………………..

Sa loob ng dalawang araw, zero Covid-19 related death ang listahan ng DOH-Saoccsksargen region pero merong 54 na bagong kaso ang nadagdag sa talaan.

Dahil diyan, abot ngayoon sa 4,243 ang total confirmed Covid-19 cases sa rehiyon.

Gen. Santos City ang pinakamaraming bagong kaso na abot sa 23, habang ang North Cotabato ay merong 16, sampu sa Sultan Kudarat, tatlo sa South Cotabato at dalawa sa Tacurong City.

Ayon sa DOH, 6 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Sa nabanggit na bilang, tatlo ang mula sa General Santos City, dalawa North Cotabato at isa sa Sarangani.

Dahil dito, umakyat na sa 3,623 ang total recoveries at tumaas naman ng hanggang 471 ang aktibong kaso.

148 pa din ang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid.

-0-

Local………………..

INIHATID NA KAHAPON SA kanyang huling hantungan si Libungan Mayor Christopher Amping Cuan siyam na araw matapos na siya ay walang awang pagbabarilin sa Barangay Cabaruyan, Libungan, North Cotabato.

      Si Mayor Ampaing ay inilibing sa Gregory Hills Memorial Garden sa Barangay Cabpangi kung saan maraming kaibigan, kakilala at kababayan niya ang nakiisa.

Kabilang dito ang mga local officials sa pangunguna ni Gov. Nancy Catamco, Vice Gov. Emmylou Mendoza at mga mayors ng lalawigan.

Si Cotabato Archbishop Angelito Lampon, OMI, DD ang nanguna sa misa kasama ang ilang Oblate at Diocesean priests.

Pinasalamatan ng maybahay ni Mayor Cuan na si Apple ang lahat ng mga nakidalamhati sa kanila sa panahong sila ay nagluluksa.

Hiniling din niya sa mga taga Libungan na tulungan siya sa paghingi ng hustisya para sa namayapang mayor.

Si Mayor Cuan at ang driver nitong si Edwin Tawix Ihao ay pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan noong January 11 sa construction site ng New Libungan Gallera sa Barangay Cabaruyan.

Hanggang ngayon blangko pa din ang mga police kung sino-sino ang bumaril si Mayor Amping at kung bakit.
 

-0-

Local………………..

Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Munez, 18 anyos, helper at isang nakilala lamang sa pangalang Roland na driver ng truck, kapwa taga Barangay Awang, Datu Odin Sisuat, Maguindanao.

Sa salaysay ng kaanak ng isa sa biktima, bago lang napaandar ang truck pero bigla itong humarurot at di na nakontrol ng driver hanggang bumangga sa isang bahay sa gilid ng highway.

Nasaktan and driver pero mas nasaktan ang truck helper dahil tumalon ito mula sa mixer.  Nagtamo ito ng fractured bone sa kanyang tuhod at nagpapagamot na ngayon sa ospital.

Hindi maipaliwanag ng driver kung bakit biglang humarurot ang kanyang truck.

Maswerte namang walong tao ang nawasak na bahay.

-0-

Local………………..

TATLONG LAND AMBULANCE, isang speedboat para sa sea rescue Mission, tatlong refrigerated pick-up trucks na gagamitin sa paghakot ng mga anti-Covid-19 vaccines patungo sa malalayong lugar, solar power generating sets at iba pang medical provisions ang natanggap ng BARMM.

Ang mga makabagong kagamitan na ito ay mula sa United Kingdom, the International Office on Migration and the German Cooperation.

Pinasalamatan ni BARMM Health Minister Dr. Amirel Usman ang mga donor at sinabing malaking bagay ito upang magtagumpay sa laban kontra Covid-19.
 
Ito aniya ay maituturing na vote of confidence sa regional government.

Ginawa ang turn-over program kasabay ng 4-day celebration ng BARMM second foundation anniversary.

-0-

Local………………..

 

 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...