Tuesday Nov, 29 2022 07:01:32 AM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 22, 2021)

NDBC BALITA • 09:00 AM Fri Jan 22, 2021
644
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  TATLO bigtime drug peddler sa Maguindanao, huli ng PDEA sa Cotabato City

2. TATLO patay dahil sa Covid-19 sa Region 12; May 51 bagong kaso naman ang nadagdag

3.  BARMM anniversary foundation, nagtapos kahapon, Chief Minister, nagsabing tuloy ang hangaring makamit ang kapapapaan sa Mindanao

4.  P. Duterte, nangako ng all out support para sa BARMM.

5.  SA USAPIN NG emergency program ng DOLE, South Gov. Tamayo at ex-Gov. Fuentes, nagpatutsadahan

6.  Kawani ng Kidapawan City epidemiology surveillance unit, nagpositibo sa Covid, tanggapan isinara, serbisyo tuloy daw

7.  North Cotabato LGU, ready na para sa pagbabakuna sakaling dumating na ang vaccines  

8.  LIMANG mga diumanoy terorista, patay sa law enforcement operation sa South Cotabato, mga biktima, nanlaban sabi ng PNP

9.  Mindanao, niyanig ng Magnitude 7.1 na lindol, sampung aftershocks naitala.

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA….

SUSUNOD’

-0-

LOCAL…

Dalawa sa mga nasawi ay mga senior citizen na taga General Santos City at isang 57 anyos na taga Kidapawan City.

Dahil dito, pumalo na sa 151 ang Covid-19 related deaths sa Rehiyon.

Pumalo naman ng hanggang 4,294 ang total coronavirus infection sa Region 12.

Ito’y matapos makapagtala ng DOH ng karagdagang 51 panibagong COVID-19 cases kahapon.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ay taga General Santos City na umabot sa 18, South Cotabato 17, North COtabato 15 at isa naman sa Sultan Kudarat.

Samantala, 40 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 3,663 ang total recoveries.

Tatlumpu at isa sa mga gumaling ay taga Sultan Kudarat, lima South Cotabato, tatlo General Santos City at isa North Cotabato.

Nasa 479 naman ang active cases.
 

-0-

LOCAL…

Ayon kay BARMM Public Works Minister Eduard Uy Guerra may mga proyekto na iniwan ang ARMM na hindi natapos o hindi nakumpleto pero halos 100 percent nang bayad ng pamahalaan.

May mga pondo aniya para sa ilang infrastructure projects ang ubos na bago pa man nai-turn over ang pamamahala sa ARMM patungonog BARMM noong February 2019.

Sinabi ni Guerra na sa isinagawang COA special audit sa mahigit 4,380 projects, may 3,784 sa mga ito ang nasimulan pero di tinapos, substandard, inabandona o half finished hanggang noong 2018.

Idinagdag niya na ang mga proyektong ito ay gawa ng mga pribadong kumpanya o kaya ng mga district engineering offices.

Dahil sa overpayment, depleted na ang pondo ng BARMM at hindi na mababayaran ang mga unfinished projects sa Basilan, Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, and Tawi-Tawi.”
 

-0-

LOCAL…

Kulungan ang bagsak ng mag live in partner na parehong drug suspect sa search warrant operation ng mga pulis sa Barangay Poblacion, President Roxas.

Nakilala ang mga suspect na sina Eddienel Condez, 35 anyos, mangagawa ng LGU Esther Sasi, 37 at isang negosyante.

Sa paghalughog sa bahay ng mga suspek, nakuha ng mga otoridad ang siyam na scahets ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng abot sa 13,000 pesos.

Nabatid din na itiniturong source ng iligal na droga ang maglive-in partner ng ilan rin sa mga nahiling drug personalities sa bayan.

Sa Kidapawan City, inaresto din ng PNP ang security officer ng isang agency sa hiwalay na operasyon sa Barangay Poblacion Kidapawan City.

Nakilala ang suspek na si Antonio Umali kung saan nakuha sa kanya ang walong sachet ng shabu.

Sa Magpet North Cotabato, hindi man naabutan sa kanilang bahay habang ginagawa ang search warrant implementation ay sumuko naman kalaunan sa mga barangay officials at PNP ang lalaking target ng drug operation sa barangay Owas magpet Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang nahuli na si Samuel Edol Sumalan na residente ng nasabing lugar.

Matagal ring sinailalim sa surveillance ang suspek ta kahapon ay isinilbi na ang search warrant sa kanya.

Sa resulta ng operasyon ay nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng pinaghihinalanag shabu.

Sa Matalam, North Cotabato, arestado din si John Elvin Sanchez Lee alias na Purok 2 Barangay Estado.

Sa Kabacan, North Cotabato, di na rin nakapalag pa ang drug suspect na nakilalang si Jupiter Guiabel alyas tambok, ng Sitio Lumayong Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato.

Nakuha sa kanya ang isang malaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng abot sa 18,000 pesos na resulta ng buy bust at iba pang tatlong sachet ng shabu at caliber 38 pitsol maging mga bala nito.
 

-0-

LOCAL…

Dalawang araw na sarado ang tanggapan ng City Epidemiology Surveillance Unit o CESU sa Kidapawan City para sa disinfection activity makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga mangagawa nito.

Ito ang sinabi sa Radyo BIDA ni City Health Officer Dra. Jocelyn Encienzo.

Ayon sa kanya, ito’y matiyak na walang virus na posibleng hahawa sa iba pang mga mangagawa ng naturang tanggapan.

Sa ulat kasi ng City Government, nasa limang mga medical frontliners ang nagpositibo sa virus nito lamang buwan.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Encienzo na tuloy pa rin ang operasyon ng opisina tulad na lamang ng pagbibigay ng health certificate, isinasagawang contact tracing activity at iba pa.
 

-0-

LOCAL…

Pinulong kahapon ni Governor Nancy Catamco ang mga Local Chief Executive, sampu ng kanilang mga Health Officers and Municipal Local Government Operations Officers (MLGOO) kasama ang Department of Health kaugnay sa roll-out plan ng nakatakdang vaccination na inaasahang magsisimula sa unang quarter ng taon sa North Cotabato.

Naglapag ng presentasyon si PIATF Incident Commander BM Philbert Malaluan at IPHO Chief Dr. Eva Rabaya, kaugnay sa advisory ng DOH at NIATF sa implementasyon ng bakuna.

Kabilang sa naaprubahan ay ang pagpapalabas ng Gobernador ngbusang Executive Order na nagsusulong na mabuo ang  isang Task Force tututok sa mga detalye ng implementasyon.

Sinabi ni Malaluan na magkakaroon ng serye ng pagsasanay sa level ng mga health workers mula sa Provincial Government hanggang sa barangay level. 

Dadaan sa tatlong phase ang bawat taonna sasailalim sa vaccination:

1) Pre-listing ( ito ay gagawin ng BHERT at isusumite sa Provincial Government

2) Evaluation o Assessment (Ito ay gagawin ng PIATF-IPHO  katuwang ang LGU -MHO at iba pang ahensya ng pamahalaan)

3) Orientation and Signing of Consent  (ito ay gagawin ng PIATF-IPHO  katuwang ang LGU -MHO, DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan. 

Nilinaw ni IPHO Chief Rabaya na ang TF ang mag-uusap at magrekomenda ng panukala kaugnay sa mga kinakailangan logistics, storage facilities, schedules at maging ang iba pang detalye ng programa.

Batay sa guidelines ng DOH, ang vaccination ay dapat gawin kung saan malapit ang health facilities.

Ito ang magiging scenario sa lugar: Magkakaroon ng;

1) Waiting area

2) Vaccination area

3) Observation area

Sinabi ni Governor Catamco na marapat na paghandaan ang aktibidad upang matiyak na manatiling ligtas ang mga Cotabateños.

Inaasahan pa ang serye ng pulong kaugnay ng vaccination plan ng Probinsya.

-0-

LOCAL…

Mas lumubo pa ngayon ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong North Cotabato sa loob lamang ng 24 oras.

Kagabi lamang, labinwalo ang naiulat na kaso.

Kung saan sa nasabing bilang pinakaramai pa rin sa Kidapawan City na mayroong walo, Makilala apat, tig iisa sa Pikit, Pigcawayan at President Roxas.

Sa kabuuan, nasa 531 na ang kaso ng virus sa probinsya.

125 ang active cases habang dalawangput lima naman ang COVID-19 related deaths.

Ito na ang pangtatlong magkasunod na araw na mas marami ang naitalang kaso ng sakit sa Cotabato Province.

-0-

LOCAL…

Inihahanda na ang isang pribadong pagamutan sa lungsod, isang drive-in lodge at ang city gymnasium bilang mga karagdagang quarantine at isolation facility dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso coronavirus disease sa Kidapawan City.

35 mga karagdagang silid ang gagamitin sa Dizon hospital, 24 naman sa Double-R drive-inn at 40 mga silid naman ang ilalagay sa city gym.

Ang nabanggit na pribadong hospital ay isolation facility para sa mga mild positive, quarantine facility naman ang drive-in lodge at gagamitin bilang pangalawang Temporary Treatment and Monitoring facility para sa mga COVID positive asymptomatic patients ang city gym.

Sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na as soon as possible ay magagamit na ang mga karagdagang isolation at quarantine facilities pero ito ay kung aaprubahan ng Department of Health.

Sa ngayon kasi ayon sa health bulletin ng DOH, nasa 44 ang active cases sa lungsod.

Ayon kay alkalde, sa kabila na patuloy na pagtaas ng COVID cases sa lungsod, manageable at kontrolado pa aniya ito ng local IATF.
 

-0-

LOCAL…

 Patutsada ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa pagpapatupad ng emergency employment program ng DOLE  sinagot ni former Governor Fuentes at DOLE 12.

Napulitika umano ang pagpili ng mga benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa South  Cotabato.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr., marami  umano sa nakinabang ay hindi rin umano karapat dapat sa programa.

Bukod dito ayon kay Tamayo sumama din sa pamimigay ng ayuda ang dating opisyal ng lalawigan na hindi nito ginawa para hindi mahaluan ng pulitika ang pagpapatupad ng TUPAD.

Tugon naman  ni dating South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa patutsada ni Tamayo,  sumama lamang siya noon sa pamimigay ng payout sa mga benipisyaryo ng TUPAD sa pakiusap ni Second District Congressman Ferdinand Hernandez na nasa Maynila.

Paliwanag ni Fuentes ang  ginamit kasi na payout sa TUPAD ay bahagi ng insertion sa pondo ni Congressman Hernandez.

Pinabulaanan ni Fuentes ang umanoy pakikipag ugnayan sa kanya ng DOLE.

Ayon naman kay DOLE 12 Assistant Regional Director at DOLE South Cotabato Provincial Office Concurrent Head Arlene Bisnon, isang beses lamang nitong nakadaupang palad si Fuentes at ito ay noong nakaupo pa ito bilang gobernador ng lalawigan.

Nilinaw  din ni Bisnon na maliban sa mga mamamayan na apektado ng pandemya nakinabang din sa TUPAD ang mga karapat dapat ding dating barangay officials sa South Cotabato.

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers ng DOLE ay nagbibigay ng emergency employment sa mga mamamayang nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal na mga mangagawa.

-0-

LOCAL…

Basahin ng mabuti at intindihin ang mga dokumentong pinapipirmahan sa kanila ng mga ospital at iba pang kahalintulad na pasilidad.

Ito ay upang hindi mabiktima ng mapanlinlang na wellness program na  umoobliga sa mga mamamayan na magpa-admit sa ospital para makakuha ng benepisyo sa Philhealth.

Ipinalaala ito sa publiko sa pamamagitan ng ipinalabas na advisory ni Philhealth 12 Acting Regional Vice President Dr. Hector Zenon Leonardo Malate.

Sinabi ni Malate na may mga ospital umanong nagsasagawa ng libreng konsultasyon at ipinapalabas na may sakit ang isang myembro ng Philhealth o dependent nito na kailangan ma-admit sa ospital.

Ito ayon kay Malate ay upang makakolekta ng insurance claims.

Payo ni Malate sa kanilang mga myembro para hindi magamit sa panloloko huwag pumirma sa blankong mga dokumento.

Sinabi din nito na ang mga Philhealth member na nais magpakonsulta ay maaring dumulog sa pinakamalapit na primary care facilities.

Babala pa ni Malate sa mga Philhealth members na mapatunayang kasabawat sa nasabing modus, maaring bawian ang mga ito ng Philhealth benefits.

Dinagdag din nito na ang maling pagamit ng benepisyo ay maaring magresulta sa pagkaubos ng 45 days na benefit allowance ng mga Philhealth members at kanilang dependents.

Sa ngayong dalawamput limang mga ospital at siyam na mga doktor sa region 12 ang iniimbestigahan ng Philhealth dahil umano sa maanomalyang health insurance claims.

-0-

LOCAL…

Plea bargainer at apat na kasama arestado, drug den nabuwag sa anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa General Santos City.

Balik kulungan ang isang plea bargainer matapos maaresto sa  anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa Barangay Dadiangas North, General Santos City.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan target nilang drug suspect na si John Rey Moraga, alias Jan-jan, walang trabaho, at nakatira sa Barangay Lagao, Gensan.

Ayon kay Duquiatan si Moraga  na naaresto noon dahil sa iligal na  droga ay kasalukuyang nasa probation matapos makinabang sa plea bargain agreement ng korte.

Pero sa halip na magbagong buhay mas dumami pa umano ang kanyang mga parokyano.

Ayon kay Duquiatan si Moraga ang isa sa mga nagpapakalat umano ng iligal na droga sa Gensan.

Aresto din sa drug buy-bust operation ng mga otoridad ang mga kasama nitong sina Troy Benigno Bangoy, 34 years old, driver; Salvador Carmona, 38, leadman; John Bismarck Parcon, 29,delivery man; at Roland Pandero, 35 years old security guard.

Nakuha  ng pinagsanib na pwersa ng PDEA 12 at Gensan PNP sa nasabing mga drug suspect  ang may 11 grams ng umanoy shabu na nagkakahalaga ng mahigit  11 thousand pesos at one thousand pesos marked money na ginamit sa kanilang anti-illegal drug operation.

Nabuwag din ng mga ito ang kanilang drug den.

Ang arestadong mga drug suspect ay mahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-0-

LOCAL…

Libreng edukasyon ng LGU mapapakinabangan ng mahigit 1,600 na mahihirap na bata sa General Santos City.

Lumagda na ng kasunduan sa labinsiyam na mga opisyal ng mga ekswelahan para makapagbigay ng libreng edukasyon sa mahigit 1,500 na mga estudyante sa General Santos City si Mayor Ronnel Rivera.

Nabatid na mahigit animnaraan sa mga benepisyaryo ay pawang mga Edukar  Scholars ng lokal na pamahalaan habang ang mahigit isang libo naman ay mula sa iba’t ibang mga eskwelahan sa Gensan.

Mabibigyan ang ma ito ng financial assistance ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Rivera nakikipag Ugnayan din sila ngayon sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA , Department of Labor and Employment o DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno.

Layon nito na hilingin ang kanilang suporta para lalo pang maisulong ang education programs ng Gensan LGU.

Sinabi ng alkalde na isa kasi sa mga isinusulong ng LGU ay ang pasagawa ng mga pagsasanay sa mga magaaral na  nasa  malalayong mga barangay ng Gensan.

Ito ay bilang pagpapatupad din sa programa nilang “Edukar Gensan” o Alay sa Kabataang Generals Lahat ng Alaga at Talino o AKLAT-CMO.

Layon nito na makapagbigay ng edukasyon sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga magaaral sa nasabing lungsod.

-0-

LOCAL…

Driver ng motorsiklo patay sa vehicular crash sa Koronadal City
Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Jofel Siason ang nasawing biktima na si Angelo Aloy, 29 years old, binata.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nawalan ng kontrol sa minameneho nitong motorsiklo si Aloy pagsapit sa palikong bahagi ng highway sa Barangay Zone IV.

Naging dahilan naman ito para mahulog sa kanal sa tabing daan ang nasabing biktima.

Si Aloy na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ang angkas naman nitong si Jimmy Pendatun, 21 years old na sugatan din sa insidente ay nagpapagaling pa sa nasabing ospital.

Ayon sa traffic section ng Koronadal PNP ang mga biktima ay pauwi  na sana sa kanilang lugar sa Purok Salkan, Barangay Paraiso sa lungsod nang maganap ang vehicular  crash.

Ang motorsiklo na sinakyan ng mga ito ay ikinustodya ng PNP.

Ito ay habang  nagpapautloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash.

-0-

LOCAL…

MATAPOS ANG MAHABANG PANAHONG SURVEILLANCE, tatlong mga suspected big time drug pushers ang naaresto ng mga tauhan ng PDEA-BARMM sa isinagawang anti-drug operation alas 5:30 kahapon sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

At nakumpiska sa kanila ang 50 gramo ng shabu na may market value na P340,000, tatlong mobile phones, boodle money, isang lisensayadong cal.

9mm pistol, mga bala at puting Honda city na kotse na may license plate NCU-5251.  

Sa isang press statement, sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na nakipag-transaksyon ang isang undercover agent sa mga suspect para sa pagbili ng 50 gramo ng shabu.

Kinilala niya ang mga nadakip na sina Datu Fhai Bansuan Midtimbang alias “Fhai” at alias “King,” Desma Watamama Midtimbang alias “Des” at si Datukon Mislay Mohamad alias “Toks,” lahat taga Talayan, Maguindanao.

Ang mga suspect ay tinuturing ng PDEA na mga “high value targets,” ayon sa isang PDEA agent.

-0-

LOCAL…

SA BANGSAMORO REGION, may 16 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng inter-agency task force on infectious diseases.

SA 26 na bagong kaso, 14 ang mula sa Maguinanao, 10 sa Lanao del Sur at dalawa sa Cotabato City.

Dahil diyan, abot na sa 3,791 ang total confirmed cases sa rehiyon. May 16 na pasyente naman sa BARMM ang gumaling kayat abot na sa 3,523 ang total recovered patients.

May 123 active patients ang rehiyon as of yesterday habang abot na sa 145 ang nasawi dahil sa Covid-19 complications.

-0-

LOCAL…

PORMAL NANG NAGTAPOS KAHAPON ANG WEEKLONG 2nd foundation anniversary ng Bangsamoro Region.

SA kanyang mensahe, muling iginiit ni BARMM chief Minister ang kahalagahan ng paglahok ng bawat Bansamoro sa hangaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Narito ang bahagi ng recorded message ni Minister Murad.

-0-

LOCAL…

SAMANTALA, nagpaabot ng kanyang mensahe si P. Duterte sa BARMM kagabi kasabay ng 2nd anniversary ng pagpapatibay sa Bangsamoro Organic Law.

Nangako ang pangulo na tuloy tuloy ang suporta ng kanyang administration para sa ikabubuti ng BARMM bilang pagkilala sa karapatn sa self determination, pagsusulong ng karapatang pantao at karapatang panglipunan ng bawat Bangsamoro.

-0-

LOCAL…

PATAY ANG LIMANG hinihinlang miembro ng Dawla Islamiya sa magkahiwalay na police operations sa Polomolok at Tboli sa South Cotabato.

Apat ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga elemento ng PNP sa Barangay Basag, Tboli alas 6:15 ng umaga kahapon, ayon kay town police chief Maj. Irish Hezron Parangan.

Magsisilbi sana ng warrant ng mga police pero sila ay pinaputukan ng mga ito kayat nagkaroon ng shootout.

Kinilala ni Parangan ang mga nasawi na sina Saadin, Narjaid, Baharan and Morn, lahat may apilyedong Macabangin.

Ang mga ito ay pinaniniwalaang magkapatid at magpinsan.

Sa Polomolok, patay din si Kamarudin Sante, na miembro daw ng Maguid terror group, matapos manlaban sa mga police habang isisilbi sana ang warrant laban sa kanya sa Barangay Koronoadal proper.

-0-

LOCAL…

NIYANIG NG magnitude 7.1 na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao kagabi.

Naganap ang pagyanig alas 8:23 at ang epicenter ay natukoy may 200 kilometro mula sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

 Ito ay nasa bahagi ng Pacific Ocean.

Tectonic in origin ang lindol at naramdaman ang mga sumusunod na intensity.

Intensity V - Kiamba, Sarangani

Intensity IV - City of General Santos; Alabel, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato

Intensity III - City of Kidapawan City of Bislig, Surigao del Sur; City of Gingoog, Misamis Oriental

Intensity II - City of Cagayan de Oro; City of Surigao, Surigao del Norte; City of Borongan, Eastern Samar

Intensity I - City of Catbalogan, Samar

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...