Wednesday May, 22 2024 12:48:09 AM

NDBC BIDA BALITA Jan 23, 2016

 • 03:41 AM Sun Jan 24, 2016
1,462
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 23,
2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PHILIPPINE MARINES, inako ang lahat
ng gastusin ng pamilyang nasawi matapos mabangga ng kanilang military truck sa
South Upi, Maguindanao

2. Tulunan, North Cotabato, isasailim
na rin sa State of calamity dahil sa matinding epekto ng Rat Infestation at El
Niño sa bayan

3. Pinakamalaking Solar powered plant
sa Mindanao pasisinayaan sa South Cotabato ngayong araw.

4. Dog show, gagawin sa Kidapawan5. Grass fire sa Sultan Kudarat, Maguindanao, dahilan ng power blackout sa Cotabato Light franchise area. AT NGAYON SA DETALYE...Grass fire ang dahilan ng pagkawala ng mahigit 2 oras sa supply ng koryente sa franchise area ng Cotabato Light and Power Company noong Biernes ng gabi.Sinabi ni Colight communications chief Anna Lea Natanio na nasunog at nabuwal ang wooden structure No. 762-B sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao.Ang poste ay isa sa mga nagdadala ng supply ng korynte mula NGCP substation sa simuay patungong Cotabato City.Nawala ang koryente dakong alas 10:57 ng gabi ng Biernes at naibalik ala 1:40 ng madaling araw ng sabado.Inaalam pa ng NGCP kung sinadya o nadamay lang ng grass fire ang naturang poste. Sa ngayon, balik na sa normal ang daloy ng koryente. MATAPOS ang kalunos-lunos na vehicular
accident na nagdulot sa pagkamatay ng magasawa at kanilang anak nang mabangga
ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang Military Truck sa Barangay Looy,
bayan ng South Upi, Maguindanao nitong martes,

TINIYAK ng Philippine Marines na inako
nila lahat ng gastusin at mga kakailanganin para sa mga biktima.

Ayon kay 1st Marine Brigade Commander
Brig. General Emmanuel Salamat, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na mismo
ang motorsiklo ang bumangga sa kanilang Military truck dahil sa bilis ng takbo
nito.

Inihayag naman ni Salamat na agad din
silang nakipagusap sa kaanak ng mga biktima.

Mismo naman ang kaanak ng biktima ang
nagdesisyong hindi na sampahan ng kaso ang driver ng military truck na si Pfc.
Alexis Nadal na miyembro ng 5th Marine Battalion Landing Team.

Maaalalang isinugod pa ang mag-asawa na
sina Jaypee Meria, 30-anyos at Cristina, 30-anyos at anak nilang si Yassie sa
Datu Blah Sinsuat Hospital ng Upi, ngunit idineklara ring dead on arrival ng
mga doktor.

0-0PATULOY PANG
TINUTUGIS NGAYON NG pulisya ang isang matador matapos nitong pagtatagain ang
isa pang matador dakong alas nuwebe kagabi sa Doña Blanco street, Poblacion 4,
Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Orencio Ruben Bacero, 54 anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lango umano sa alak ang suspek na
kinilalang si Manny Guimarangan alyas Aming nang pinuntahan nito si Bacero na
nasa labas ng kanyang bahay at pinagtataga gamit ang sa murai na patalim na
abot sa 19 na pulgada ang haba.

Nagtamo ng
maraming sugat ang biktima sa ulo na agad namang isinugod ng kanyang mga kaanak
sa pagamutan kung saan ito kasalukuyang nagpapagaling.

Agad namang
tumakbo ang suspek papunta sa hindi pa malamang direksyon para tumakas.

Batay sa
inisyal na motibong nasagap ng mga imbesrigador ng pulisya, may hindi
pagkakaunawaan sa negosyo si Bacero at Guimarangan na siyang itinuturong ugat
ng insidente. NAKAUWI
NA ANG ilan sa mga biktima ng naaksidenteng van at motorsiklo sa highway sakop
ng Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao pasado alas sais nang umaga
kahapon.

Unang
isinugod sa Cotabato Regional Medical Center o CRMC ang abot sa 14 katao
matapos masangkot ang isang motorsiklo at pampasaherong van na pawang bumangga
sa isang nakaparadang 8-wheeler truck sa tabi ng highway na sinasabing
nasiraan.

Ayon
sa inisyal na imbestigasyon ng Sultan Mastura PNP, walang warning device na inilagay
ang nasabing truck.

Nagtamo
ng maraming sugat sa katawan ang mga biktima pero mabuti na lamang at walang
nasawi sa mga ito.

Kinilala
ang mga biktima na sinaand

1. FO1
Joraina Laup, 33 BFP-ARMM.

2.
Joseph Guisig Madali, van driver

3.
Sylvia Pastera, 52 Landasan

4.
Rechel Kabiara, 38 Landasan

5.
Polito Kamonaga, 49 Landasan,

6.
Bobby Bordadora, 36, Landasan

7.
Jeron Dave Diana Tinio, 18 Landasan

8.
Corazon Tinio, Landasan

9.
Angelina Seguerra 50 Landasan

10.
Resalex Dacanay, Cotabato City

11.
Kristine Abalos, Cotabato City

12.
Mary Joy Abalos, 28, Cotabato City

13.
Leonardo Marsada 18 Tambo, Sultan Mastura

14.
Susimo Balao

15.
Janet Flores, 44

PATULOY
ANG PAGHULI ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao PNP sa mga lumalabag sa
iniimplimentang nationwide Comelec Gun ban.

Kung
saan, nitong nakaraang araw lang ay isang Salipudin Kormat Masulot, 20-anyos,
isang magsasaka at taga-Magelco, Brgy. upper Capiton, DOS, Maguindanao ang
kanilang nahuli sa kanilang isinagawang checkpoint sa kurbada, Brgy. Awang.

Nakuha
mula kay Masulot ang isang unit ng .38 revolver pistol na baril na walang
serial number.

Wala namang
mapakitang dokumento ang suspek na pinahihintulutan itong mag-armas sa
kasagsagan ng implimentasyon ng gun ban.

Kasalukuyan
namang nasa kustodiya ng DOS PNP ang naturang suspek.

Naagrabyado na napatay pa umano ng kalaguyo ng misis.
Ito ang sinapit ng isang harvester ng pinya matapos gantihan ng taga ng umano’y sinaksak nitong kalaguyo ng misis sa, Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Joven Tablu, trenta’y uno anyos at residente ng Barangay Landan, Polomolok.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, na habang papauwi, nahuli umano ni Tablu ang misis nitong nakikipag talik sa sitenta’y kwatro anyos na si Freddie Gavilan sa pineapple plantation.
Nagdilim ang pangingin ni Tablu at sinaksak ng kutsilyo sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan si Gavilan.
Gumanti naman si Gavilan at inundayan ng taga ng karet o lagaraw si Tablu na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Ang krimen ay naganap sa Purok Mainuswsagon, Barangay Maligo, Polomolok, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa.
Matapos umanong gawin ang krimen ang suspek na si Gavilan ay sumuko kay Maligo Barangay Kagawad Rodolfo Mapili.
Narecover naman ng mga pulis sa crime scene ang kawasaki baja motorcycle na may license plate 9988 LG, kutsilyo,at iba pang personal na gamit ng napaslang na si Tablu.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Polomolok PNP Patay ang isang securirty guard matapos barilin sa Sitio Sto. Nino, Barangay Centrala,Surallah, South Cotabato kamakalaw ang hapon.
Ang biktimang si Randy Silloren, trenta’y uno anyos residente ng Barangay Matlong Banga ay binaril ng riding tandem na mga suspek.
Si Silloren ay dead on the spot dahil sa tama ng di pa matukoy na uri ng armas sa kanyang ulo. Ito ay ilang saglit matapos umano nitong barilin sa tiyan ang isang Jesrel Agasan, trenta’y kwatro anyos ng Barangay Canahay, Surallah.
Si Agasan ay agad namang dinala sa South Cotabato Provincial Hospial sa Koronadal City.
Inaalam pa ng Surallah PNP kung ano ang motibo ng riding tandem na mga suspek na bumaril sa security guard na si Silloren. Mangunguna sa pagpapasinaya sa five megawatt solar plant sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang ilang mga national at local government leaders ngayong umaga.
Inaasahan din ang pagdalo dito ng mga local at banyagang stakeholders ng proyekto.
Ang planta ay matatagpuan sa walong ektaryang lupain sa Barangay Centrala, Surallah.
Ito ang pinakamalaking solar plant sa Mindanao at isa sa mga sampung solar projects na ipinatayo sa bansa sa ilalim ng Feed-In-Tariff Model.
Binubuo ito ng mahigit dalawamput tatlong libong mga solar panels na natapos nang maikabit at nagsimula nang mag supply ng kuryente Nobyembre noong nakaraang taon.
Saklaw din ng proyekto ang pitong kilometrong transmission line na kumukonekta sa solar plant ng Substation ng South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco 1 sa Barangay Dajay, Surallah.
Ang solar powered plant ay ipinatayo ng German Company na NV Vogt Philippines Solar Energy One, Inc.
Ayon kay NV Vogt Project President Reynaldo Casas, maliban sa pagbibigay ng karagdagang supply ng kuryente, ang solar powered plant ay inaasashang ding maging pangunahing tourist destination sa South Cotabato. Tinutugis pa rin ng mga otoridad ang nakatakas na preso ng South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.
Kinilala ni OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas ang nakatakas na inmate na si Joven Camsa, trenta’y kwatro anyos at residente ng Polomolok, South Cotabato.
Kinumpirma ni Lanzaderas na tinakasan ni Camsa ang jail guard na nagbabantay sa kanya sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City, pasado alas syete ng umaga kahapon.
Ayon kay Lanzaderas si Camsa ay dinala sa ospital dahil umano sa dinaraing nitong sakit sa bato.
Ang preso na si Camsa ayon kay Lanzaderas ay naka posas pa ng masalisihan ang kanilang jail guard .
Umaapela naman si Lanzaderas sa mga mamamayan na maaring makakita sa tumakas na preso na agad magsumbong sa mga otoridad.
Ang suspected drug pusher na si Camsa ay isa sa anim na mga drug suspek na naaresto ng mga pulis sa Bentung Sulit, Polomolok, Agosto noong nakaraang taon.
Ipinahayag di ni Lanzaderas na nakadepende sa magiging resulta ng kanilang imbistigasyon sa insidente, ang pagpataw ng posibleng disciplinary action ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes laban sa Jail Guard na si Jocel Taglip.
Si Taglip ang gwardyang natakasan ng preso na si Camsa.
Naglaan ng mahigit limampung milyon ang Department of Health O DOH para sa Upper Valley Community Hospital sa Surallah, South Cotabato.
Ito ay ayon kay Second District Representative Ferdinand Hernandez.
Nabatid na labinlimang milyong sa nasabing halaga ay ibibili ng mga gamit sa ospital at tatlumpung milyon naman ay gagamitin sa pagtatayo ng dagdag na gusali para dito.
Habang ang paglalagay ng staff sa ospital at pasweldo sa mga ito ay aakuin naman bilang counterpart ng pamahalaang Panlalawigan.
Tiwala naman si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na handa ang Sagguniang Panlalawigan na sumuporta kapag kailangan ang dagdag na pondo na pambili ng dagdag na pasilidad sa ospital.
Ipinatayo ang Upper Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, para maibsan naman ang siksikan ng mga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ito ay mapapakinabangan ng mga mamamayan sa upper valley area ng lalawigan kabilang ang mga bayan ng Banga, Surallah, Lake Sebu, T’boli, Sto. Nino at Surallah.
Aprubado na rin ng mababang kapulungan ang House Bill na nagsusulong para gawin itong regional hospital ng SOCCSKSARGEN.
Umaatake na naman muli ang mga armadong grupo sa bayan ng T’boli,South Cotabato.
Ito ay matapos sunugin ang mga heavy equipment na ginagamit sa road expansion project sa Barangay Edwards, T’boli dakong alas otso kagabi.
Ayon kay Chief Inspector Jose Mari Simangan, ang Chief of Police ng T’boli, totally burned at hindi na mapapakinabangan ang pison, backhoe, grader at dumptruck.
Ang mga ito ayon kay Simangan ay posibleng binuhusan ng gasolina ng mga suspek bago sinilaban.
Ang mga sinunog na heavy equipment ayon kay Simangan ay pagaari ng isang pribadong kompanya na kinontrata ng kompanya ng saging na Sumifru.
Ipinahayag ni Simangan na hindi bababa sa sampung mga pawang naka-bonnet na myembro ng armadong grupo ang sumalakay sa lugar.
Ayon kay Simangan, bago umalis pinasok pa ng mga suspek ang packing plant ng Sumifru at inagawan ng 38 revolver at isang hand held radio ang gwardiya ng kompanya.
Extortion naman ang motibo na tinukoy ni Simangan sa insidente.
Ayon kay Simangan may iniwan kasi na sulat para kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes isang Attorney Carlos na may ari ng container van na kinontrata rin ng Suminfru ang mga suspek.Ang mga armadong grupo ayon kay Simangan ay tumakas patungong bulubunduking bahagi ng katabing Barangay ng Maculan sa bayan ng Lake sebu.
Ayon kay Simangan bagama’t sinabi ng mga gwardiya na New Peoples Army ang mga nang-harass sa kanila ito ay ay kinukumpirma pa ng PNP. Nagdulot ng takot sa ilang mga mamamayan kahapon ng hapon ang pagkawala ng TNT o pulbura na dala ng isang K9 Unit member na umano ipinatong lamang sa isang semento sa Kidapawan City Plaza.Sinabi ng naturang K9 handler tuwing hapon siya sa City Plaza para sanayin ang kanilang sa aso paghahanap ng bomba o anumang mga ekplosibo.Pero ilang sandali lamang ay nawala na ito at binasag pa umano ang nilagyan nito na parang isang paso.Nakasilid ang naturang pulbura na itinuturing rin na High Explosive sa isang lata.Iginiit pa ng opisyal na ilang beses na rin niya itong ginagawa pero kahapon lang ito nawala.Ayon sa kanya blasting cap na lang daw ang kulang ay magdudulot na ito ng malakas na pagsabog at malaking pinsala sa mga istruktura at tao.Para kasing itong mortar at sangkap sa mga ginagawang pampasabog.Kaya naman umapela ito sa publiko na sakali mang makita o matagpuan ito ay agad humingi ng tulong sa mga otiridad.Posible rin kasing sasabog ang naturang pulbura kung nasisinagan ng sikat ng araw. Abot sa 62 mga indibidwal kasama na ang kanilang mga alagang aso ang sabay sabay na tumakbo kaninang alas sais ng umaga Kidapawan City National Highway.Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod at isulong ang responsible Pet ownership at owner-dog relationship sa mga taga Kidapawan City. Sinabi ni Dr. Januel Toledo Dela Cruz siyang nanguna sa naturang aktibidad, nais nilang itanim sa mga isipan ng mga may-ari ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga alagang aso.Ang nabanggit na DOG run ay Bahagi sa kanilang unang taong anibersaryong paglilingkod at serbisyo sa mga pet owner sa lungsod.Nilahukan naman ito ng ibat-ibang mga organisasyon at sektor kasama na ang student organization ng University of Southern Mindanao, Dog Lover’s Community at iba.Kasama sa naturang pagtakbo ang mga aso na may ibat ibang breed kagaya ng German Shepherd, Belgian Shepherd, Shiatsu , Japanese Spitz, Pug at iba pa. Umaabot na sa 3 million pesos ang pinsala ngayon sa palay at mais sa tatlong mga barangay ng Tulunan North COtabato dahil sa matinding epekto ng Rat Infestation at El Niño Phenomenon.Sinabi ni Jeric Ardena ang Municipal Disaster Risk Reduction and Mangament Council Officer ng Tulunan, nasa 156 na ektarya na ng rice at corn field ang tigang na tigang na at ilang bahagi nito ay halos di na mapapakinabangan.Nasa 136 na mga magsasaka na rin ang apektado.Ayon kay Ardena wala ring katiyakan na magsusurvive sa El Nino ang natitira pang mga palay na umaasa lang din sa tubig mula sa irrigation at water pump.Ngayon hinihitay na lamang ang pormal na deklarasyon ng Sanguniang Bayan sa pagsasailaim sa Tulunan sa state of calamity para magamit na nila ang calmity fund.Kaugnay nito ilang mga stratehiya na rin ngayon ang pinag-aaralan ng MDRRMC kasama na ang Tulunan LGU para sa mga magsasaka.Kabilang na rito ang Food For Work, kung saan bibigyan ng bigas ang mga magsasaka kapalit ng kanilang mga mahuhuling daga at maipakita ang buntot nito.Magbibigay rin sila ng mga pestisidyu na makakatulong sa mga magsasaka.Prioridad naman ngayon ng MDRRMC at LGU ang walong daang pamilya mula sa barangay ng Bituan, Maybula og Banayal na umaasa lamang sa pagsasaka. Sinimulan na ng mga Election officer ng COMELEC North Cotabato ang pagpili sa mga guro na magsisilbing Board of Elerction Officer para sa nalalapit na Halalan ngayong Mayo.Ayon kay Provincial Comelec Officer Atty. Duque Kadatuan nayong darating Marso gagawin ang unang pagsasanay sa mga guro.Gayunpaman hindi pa rin nawawala sa ilang mga guro na pumasok sa mga barangay partikular sa Pikit, North Cotabato dahil sa takot at banta raw sa kanilang seguridad.Pero tiniyak naman ni Cadatuan na walang magiging problema ukol dito lalo na sa mga areas of Concern na nayon ay patuloy nilang tinututukan.Hindi rin umano problema ang banta laban sa mga armadong grupo dahil maging sila umano ay tutulong upang maging mapayapang maidaos ang eleksyon.Sa ngayon ay pinagsisikapan na rin ng COMELEC North COtabato na walang mangyayaring Power Interuption sa panahon ng eleksyon.Dagdag pa ng opisyal una na silang nakipag ugnayan sa National Grid Corporation of the Phillipines at iba pang power Producers upang mapasigurado na sapat ang kuryente ngayong darating na Mayo. Nilinaw ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP na nagpapatuloy pa rin ang 95 percent deployment ng kanyang mga tauhan sa mga pangunahing area sa Kidapawan City.Ito ang naging pahayag ng opisyal matapos umani ng batikos ang kawalan ng PNP personnel at Barangay Peace Keeeping Action Team o BPAT at Special Action Team o SAT member sa City Plaza nang magkaroon ng kaguluhan duon.Wala na kasing nagawa ang isang binatilyo kundi dumulog na lamang sa City PNP matapos itong batuhin ng isang grupo ng mga kabataan sa City PLAZA kamakalawa ng hapon.Ayon sa biktimang si Zaidon Sabang, naglalakad lamang siya sa City Plaza nang batuhin ito at mabilis ring tumakbo ang naturang grupo.Aminado rin si Calinga na may natatanggap silang report na awayan ng mga kabataan o gang sa lungsod at katunayan aniya walong mga kabataan ang kanilang na nahuli noong nakaraang linggo.Kaugnay sa insidente, ipinaliwanag ng opisyal na meron talagang nakatokang PNP sa lugar pero nataon lamang na may nirespondehan ito sa ibang area ng lungsod nang mangyari ang gulo nitong nakaraang araw.Nangako ngayon si Calinga sa publiko lalo na sa mga bumibisita sa City PLAZA na magsasagawa sila ng adjustment sa kanilang mga tauhan at titiyakin niyang meron ng PNP sa loob at labas ng City Plaza at sa iba pang matataong lugar sa Kidapawan City sa tulong na rin ng SAT at BPAT members.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...