Thursday May, 26 2022 02:12:33 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 25, 2021)

NDBC BALITA • 08:45 AM Mon Jan 25, 2021
809
By: 
NDBC NCA

HEADLINES: 

1.  12 wanted persons, patay nang manlaban sa PNP sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao; Bakbakan napakinggan live sa NDBC Radyo Bida/Happy FM at NDBC Facebook live. (HEADLINE PUTUKAN)

2.  ILANG ARAW bago siya napatay, nagpalabas ng video sa kanyang FB si ex-Chairman Talusan at sinabing hindi siya masamang tao. (HEADLINE TALUSAN)

3.  6th year anniversary ngayon ng SAF-44, misa para sa kanila, isinagawa kahapon sa kampo ng Police Regional Office-BARMM

4.  DOST-12, may tulong para sa mga small enterprises sa rehiyon.  (HEADLINE MALAWAN)

5.  North Cotabato Highway Patrol Group chief, binatikos dahil nag deploy ng civilian traffic enforcersl HPG nagpaliwanag. (HEADLINE-HPG)

6.  Mister sa Cotabato City, nagulat nang di makita ang kanyang cal. 45 pistol sa bahay. Nalaman niya na itinapon pala ng kanyang misis sa canal.

7.  Lahat ng miembro ng PNP sa Carmen, North Cotabato, ni-relieve, police spokeswoman, nagpaliwanag. (HEADLINE SORIA)

8.  Dalawa pang Covid-19 patients sa Region 12, pumanaw.

 ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

NAGING MADUGO ang sanay isang maayos na police law enforcement operation sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao noong sabado ng umaga.

Ginulantang ng sunod sunod na putok ang mga nakatira malapit sa bahay ni dating Barnagay Chairman Datu Pendatun Pens Talusan matapos na paputukan daw ng kanyang mga armadong tauhan ang mga elemento ng CIDG at PNP Special Action Force.

Sinabi ni BARMM Police Regional Director Brig. Gen. Samuel Rodriguez na isisilbi sana ng PNP ang search at arrest warrants sa mga kasong robbery, murder, frustrated murder, illegal possession of firearms at drug pushing laban kay ex-Chairman Talusan, Abdullah Kato Talusan at Datu Bembi Talusan alas 2:30 ng madaling araw.

Pero, sabi ng PNP pinaputukan ng grupo ni Talusan ang PNP SAF na ikinasawi ni Staff Sgt. Elenel Pido at pagkasugat nina Police Capt. Ronillo R. Daligdig Jr., Corporal John Rey Aquino, Corporal Gyvard Bando at  Patrolman Cayl Jun Gonzales, pawang kasapi ng 4th Special Action Battalion.

Matapos ang palitan ng mga putok, 12 katao ang natagpuang nakahandusay sa loob ng bahay ni ex-Chairman Talusan, pati na ang isa pa na nakita sa gilid ng kalsada habang isa naman ang inaresto.  

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina:

1.    Ex-Barangay Chairman PENDATUN KATO TALUSAN
2.    DATU ABDULLAH KATO TALUSAN 
3.    Datu Bembi Talusan 
4.    Ranny Talusan
5.    Datu Abdul-Mubarek Talusan
6.    Kadapi Esran 
7.    Ayot Degan,
8.    Abdul Patah Buday,
9.    Samsudin Ali,
10.    Bulod Adam,
11.    Buto Minandang, at 
12.    Sangkupan Minandang.
 
Ang inaresto ay nakilalang si Abdulkarim Kamal Usop.

Nakatakas naman ang dalawa pang tauhan ni Chairman Talusan na kinilalang sina Hazer Mama at Jason Guiabel.

Nakuha ng PNP sa bahay ni Talusan ang anim na Armalite rifles, isang M-14 rifle, isang FAL rifle, isang cal. 22 rifle, improvised cal. 50 sniper rifle at mga bala.

-0-

Local………………..

NAGPALABAS NG PAHAYAG NG PAGSUPOTA sa extension ng B Bangsamoro Transition Authority transition period ang Save Sulu Movement.

Sinabi ng grupo na hindi sapat ang tatlong taon na transition period upang ipatupad ang tinawag nitong institutional reforms upang alisin ang problema sa corruption, historical injustices at kahirapan.

Ayon sa grupo, nagagalak ang mga mamamayan ng Sulu sa mabilis na pagresponde ng BARMM kapag merong kalamidad tulad ng sunog sa Jolo at Chinese pier bombing noong Sept. 2020, pati na ang pamimigay ng ayuda sa mga mamamyan.

Subalit, talagang di sapat ang tatlong taopn kayat suportado nila ang proposed exptension.

Nauna rito, si North Cotabato Gov. Nancy Catamco, nagpaabot din ng suporta sa BARMM transition period extension.

Si retired Cardinal Orlando Quevedo, OMI, DD ay sumusuporta din sa proposed extension.
 

-0-

Local………………..

PARANG ayaw ni misis na may baril si mister! NAGULAT at nagworry talaga ang isang lalaki matapos hindi makita ang kanyang baril na nasa bahay lang.

Nagtungo sa Cotabato Ctiy Police Station 2 si Christopher Alcaraz, 43 taong gulang at taga Kalye 6, Macapagal Street, upang ipa-blotter sa PNP ang pagkawala ng kanyang lisensyadong cal. 45 pistol.

Pero inamin din niya sa pulisya na “actually!” itinapon ng kanyang misis ang baril sa tubigan na may water lilies malapit sa kanilang bahay.

 Kung bakit, hindi niya naman sinabi sa PNP.

Ang worry lang ni sir, baka mapasakamay ito ng masasamang elemento.

-0-

Local………………..

Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF).

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.

Sinabi ni Reyes na naglaan na rin ang DA ng inisyal na P400 mil­yon para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na nagkaroon ng outbreak ng ASF.

Nabatid na ngayong linggong ito, ang kilo ng baboy ay umaabot ng mula P400 hanggang P420.

Ang naturang presyo ay halos kahalintulad na sa presyo ng baka.

Ayon naman sa DA, naobserbahan nila ang pagsipa ng presyo ng baboy sa Metro Manila.

Tumaas naman ang demand sa manok kaya nagtaas-presyo rin ang farmgate price nito.

Sa mga pamilihan, tinatayang nasa P190 hanggang P200 ang kada kilo ng manok.

Kaugnay nito, nag­laan ang DA ng inisyal na P80 milyon para sa pagbuo at mass production ng test kits na gawang Pinoy, at ginagamit para sa mas mabilis at mas murang pagtukoy ng mga kaso ng ASF.

Madali umanong ga­mitin ang mga natu­rang test kits at kayang tukuyin ang kaibahan ng ASF virus mula sa hog cholera at iba pang swine-related viruses.
 

-0-

Local………………..

Makakalabas lamang ng bahay ang mga batang edad 10-14 taong gulang kung kasama ang kanilang mga magulang.

Ito ang nilinaw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease sa gitna ng pangamba ng ilang sektor tungkol sa pagluluwag sa age restrictions sa Pebrero matapos ang pagsulpot ng UK COVID-19 variant sa bansa.

Ibinaba ng IATF ang edad ng mga puwedeng lumabas ng bahay mula sa 15 anyos sa 10-taong gulang para makatulong sa nagbukas na ekonomiya na matinding pinadapa ng COVID-19.

Ang bagong age res­trictions ay magiging epek­tibo lamang sa MGCQ areas simula sa Pebrero 1
Sabi ni Nograles, kum­para sa ibang mga bansa, mas istrikto ang Pilipinas pagdating sa mga bata.

Anya, ang mga batang 10 anyos pataas ay nakakaintindi na ng kahalagahan ng safety measures gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, physical distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.
 

-0-

Local………………..

Sumasailalim na ngayon sa re-training and re orientation ang PNP personnel ng Carmen sa North Cotabato.

Ito ang dahilan kung bakit nirelieve ang lahat nga mga tauhan ng Carmen PNP.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Office o CPPO spokesperson Police Lt Rose Soria, natural lang anya itong proseso kapag may nasawing personahe ng PNP habang nasa operasyon.

Nabatid na pinagbabaril hanggang sa napatay si Police Major Joan Ressurection noong nakaraang taon habang on duty pero inihayag nito na walang nakikitang kapabayaan ang mga tauhan nito.

Sinabi ni Soria, hindi na kasali sa re orientation at re training ang bagong hepe ng Carmen PNP ngayon.

Anya, mayroo anyang posibilidad na makakabalik pa sila sa Carmen PNP o malilipat ng ibang unit pagkatapos ng kanilang muling pagsasanay.

Tiniyak din ng police official na ang hakbang na ito ay para sa ikabubuti ng kanilang hanay.
 

-0-

Local………………..

Grupo ng mga rider na gagawing force multiplier at hindi kawani ng Highway Patrol Group o PNP ang mga nakaitim at nakasuot ng bonnet na mga lalaki na nasa National Highway ng Kidpawan City nitong biyernes.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo BIDA kay HPG Chief Police Major Elmo Flores, nilinaw nito na hindi nadeputize na manghuli ng mga walang lisensya ang mga ito at force multiplier lamang ng local PNP maging ng HPG upang gawing road safety traffic martial.

Dapat din anyang mayroong mga organic employee ng tanggapan at hindi basta-basta na lamang silang manghuhuli dahil ito ay bawal base sa batas.

Nabatid na umani ng samut-saring reaksyon lalo na sa mga netizen ang kanilang isinagawang operasyon nitong biyernes at tinawag pang mga ninja cop dahil sila ay nakasuot ng itim at nakabonnet habang nasa National Highway.

Ayon kay Flores, wala silang plano na e-deputize na manghuli ng mga traffic violator ang mga nabanggit na mga rider at tutulong lamang sa pagpapanatilinh matiwasay sa mga pangunahing daan maging sa traffic direction and control.

Nilinaw din ng opisyal na nakipag-ugnayan sila sa local PNP bago ito naipatupad.
Humingi naman ng despensa ang opsiyal sa publiko hinggil dito.
 

-0-

Local………………..

Nakakaranas pa rin ng mga pag ulan lalo na sa hapon at gabi ang mga mamamayan ng North Cotabato dulot ng tail end of the frontal system.

Sa panayam kay Warning and Action Officer Engineer Arnulfo Villaruz ng PDRRM, karamihan sa mga lugar na binaha ngayon ay unang pagkakataon pa lamang na tumaas ang lebel ng tubig dulot ng patuloy na pag ulan.

Nabatid na dalawa na ang naiulat na binawian ng buhay sa Cotabato Province dahil sa pagbulan.

Isa mula sa bayan ng Antipas at isa mula sa Libungan.

Wala pa namang eksaktong datus ang PDRRM kung magkano ang iniwang danyos ng mga pagbaha lalo na sa agricultural sector.

Isinasagawa pa ngayon ng tanggapan ang damage assessment at pagbibigay tugon sa mga naapektuhan ng nasabing kalamidad.
 

-0-

Local………………..

 Nasa labinpito ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa North Cotabato na naitala ng DOH-12 sa loob lamang ng dalawang araw nitong weekend.

Nitong sabado, walo lahat ang bagong kaso kung saan taga Kidapawan lahat ang naitala.

Kahapon naman ay walo pa rin ang taga Kidapawan City habang isa lamang ang taga Midsayap.

Kabilang sa mga nagpositibo ang mga menor de edad at senior citizen na may exposure sa confirmed positive cases.

Samantala mayroong namang dalawangput isang mga pasyente ang tuluyan ng gumaling sa sakit mula sa probinsya.

Sa kabuuan, mayroong ng 552 ang kabuuang bilang ng mga confirmed positive cases habang 110 pa dito ang aktibong kaso.
 

-0-

Local………………..

Inalala ng mga miyembro ng Philippine National Police o PNP ang 44 nilang kasamahang miyembro ng Special Action Force o SAF na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa Amas, Kidapawan City, pangungunahan ni PNP-SAF 4th Special Action Battalion Commanding Officer Police Major Paul Vincent Camarce ang wreath laying at candle lighting activity. 

Mag-aalay ng bulaklak sa itinayong bantayog para sa mga kasamahang nasawi ang mga SAF commando at taimtim na maghahandog ng panalangin. 

Ayon mga SAF troopers na naka-ugnay ng Radyo Bida, hindi kailanman makalilimutan ng sambayanan ang kabayanihang ginawa ng kanilang mga kasama na handang i-alay ang sariling buhay para sa kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa.

Magugunitang nasawi ang 44 na miyembro ng SAF sa operasyon laban sa Moro Islamic Liberation Front o MILF kung saan napatay ang terroristang si Zulkifli Binhir alyas Marwan sa barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Samantala, sa kabilang dako, ikinalungkot naman ng mga SAF members ang pagkamatay rin ng isa pa nilang kasamahan madaling araw noong Sabado sa Brgy Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Si Police Senior Sgt Elenel Pido sa ilalim ng 41st Special Action Company ng 4th SAB Amas Battalion ay nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng grupo  ni dating Brgy Limbo Chairman Adzis Talusan.

Ang kanyang grupo ang nagsilbing assault team sa nangyaring operasyon.

Ngayong araw, kasabay rin ng paggunita ng anibersaryo ng Mapapasano Massacre ay ang pagbibigay pangaral sa apat na mga sugatang commando sa Brgy Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

-0-

 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...